One Night Stand (ON-GOING)

By elyxxxaa

759 278 6

Aliyah Thricia Adara grew up with her parents being disappointed with her because they believed she was to bl... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 12

14 2 0
By elyxxxaa

Umalis na si Niko at naiwan nalang kami ni baby dito sa condo. Nakasimangot ako magdamag hanggang sa may narinig akong doorbell. Napangiti ako dahil may kaunting pag-asang si Niko 'yon at baka may nakalimutan siya.

Nadismaya ako sa nakita ko nang makita ko ang delivery boy. Ito na pala ang regalo ko kay mommy na necklace.

"Salamat po!"

Binayaran ko ang pinambili ko at siyempre ang shipping fee na rin. Ang lungkot pala sa bahay kung mag-isa ka nalang. Lalo pa't wala 'yong nanggugulo sa akin.

Nakabusangot ako magdamag at naisipan nalang na buksan 'yong TV. Nagpipindot ako ng number nang makita ko ang mukha ni Dwaine sa TV.

"Breaking news, ang boygroup na LOV ay luluwas papuntang Ilocos para sa—"

Pinatay ko na ang TV sapagkat nakita ko ang mukha ni Niko. Argh! Ba't puro si Niko nalang? Mas lalo ko tuloy namimiss.

Nagpunta nalang ako sa kusina at naisipang kumuha ng marshmallows at chocolate syrup. Habang naghahanda ako ay may narinig akong doorbell.

Napakunot ang noo ko nang matantong wala naman akong ineexpect na bisita. Nilapitan ko ang pintuan ay binuksan. Nagulat ako sa nakita ko nang niyakap agad ako ni Aloha.

"Ba't ka naman napunta dito?"

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at sumimangot siya. Nagcrossed arms din siya.

"Don't tell me that you don't miss me?"

Tinaasan niya ako ng isang kilay. Magsasalita palang sana ako nang magsalita na siya at pumasok sa loob.

"Anyways, nakita ko si Nikolai!"

Kilig na kilig pa siya habang pumapasok at sumalampak sa sofa ko at kinuha ang remote.

Oh no. Masamang pangyayari. 'Wag niya sanang makita si Niko dito sa condo ko.

"Girl! Ano ka ba, ba't 'di mo binubuksan 'yong TV. Ngayon flight nila eh."

"Ah... ehh, 'di ko naman kilala 'yang mga 'yan."

Saad ko habang tumatawa ng pilit.

Binuksan ni Aloha 'yong TV at news na naman tungkol sa banda nila Nikolai ang nakabalandera.

Oo Aloha, alam ko. Because he's my husband. And I'm a Mavero already.

"Saan mo naman siya nakita?"

Kinakabahan man ngunit gusto kong malaman.

"'Yon nga! Nakita ko si Nikolai kanina sa baba, like omg!"

Tinignan ko siya na may pilit na ngiti.

"And ako naman nagtaka, 'di ko naman pala alam na same kayo ng condo ni Nikolai! Sana sinabi mo.."

Sundot niya pa sa shoulders ko.

"Edi sana nandito ako lagi!"

No. No way, Aloha. Tinignan ko siya at pumapadyak-padyak pa ang paa niya habang pinaglalaruan 'yong sequins pillow ko.

Tinignan ko 'yong paa ko. Paano na 'yan? Nalaman na ni Aloha na dito lagi si Nikolai, for sure lagi na 'yang nandito. Think, Aliyah.

"Hoy sis!"

Hawak niya sa braso ko. Tinignan ko siya nang may ngiti.

"Are you okay?"

Tinignan niya agad 'yong tiyan ko at hinawakan ito.

"Pamangkin ah, hinuhurt mo na naman si mommy."

"Aloha, I'm okay."

Tumango si Aloha at nakita niya ang box ng necklace sa tabi ko. Kinuhan niya ito at binuksan.

"Sa'yo 'to?"

"No it's for mom. L, kasi initial ni mom."

"Ay oo nga 'no! It's pretty. For sure, matutuwa si mommy nito."

Sabay ngiti niya sa akin. Ngumiti rin ako ng pilit sa kaniya dahil paniguradong 'di pa rin ako napapatawad nila mommy. Nakita niya siguro ako kaya't unti-unting napawi 'yong ngiti niya.

"A-Ah.. Eh, ganda nga nito. 'Eto lang ba 'yong regalo mo kay mommy?"

Tinignan niya ako at nakita kong may tinignan siya sa likod ko.

"W-Wait.. what.." Saad niya habang tumataas ang leeg niya.

Oh my God, 'yong regalo ni Niko para kay mommy.

"Wala 'yan Aloha, bag lang din 'yan for mom."

Pilit kong tinatakpan ang nasa likod ko pero nagpumilit si Aloha.

"Wait. Just let me see sis.."

Nanlaki ang mata ko nang kinuha ni Aloha 'yong plastic ng bag. Binuksan ni Aloha at napatingin ako sa kaniya noong napasinghap siya.

"This is e-expensive ... and this is also a limited edition. Plus it's from MCLines?"

Sabi ni Aloha habang hinahawak-hawakan ang tatak ng bag.

Nanlalaki ang mata ni Aloha at parang 'di makapaniwala. She scan through her phone and she showed me something.

"This bag is called 'Le Fortia' and do you know how much it cost? It's $100,000 dollars. And this is also a limited edition."

Saad ni Aloha habang zinozoom 'yong price ng bag. Le Fortia? Ang mahal mo gago!

Muntik na sana akong mapahawak sa bibig ko nang magsalita si Aloha. Aliyah, 'wag kang magpahalatang parang 'di mo binili 'yan!

"Omg you sis! You're so lucky."

Sabay kurot niya sa pisngi ko. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Pero teka... baka naman savings mo 'yan for my pamangkin?"

"No, no Aloha. Okay lang, basta for mommy."

"Sus! Baka naman may sale sa MCL? Char."

Tumawa kaming dalawa.

"Anyways, 'eto 'yong gift ko kay mom. Bag din siya pero red. You think she'll like it?

Pinakita niya ang cellphone niya na may photo na red bag tapos may additional na red wallet.

"Wow! Ang ganda Aloha, what brand is that ba?"

"Mavero Clothing Lines."

Napagpasyahan ni Aloha na dito nalang daw siya matutulog. Pero may problema ako, 'di ko alam kung nasaan 'yong mga damit ni Niko. Kung meron pa ba sa guest room or sa kwarto ko.

"Where do you want to sleep?"

"Siyempre sa guest room—"

Naputol ang sinasabi niya nang sumabat ako.

"No! No, dito ka nalang sa kwarto namin."

Humarap sa akin si Aloha at kumunot ang noo niya.

"Namin?"

Tanong niya. Ay, omg. 'Di niya nga pala alam na nakatira dito si Niko. Hinawakan ko ang labi ko. Nakaramdam ako ng kati sa tiyan ko at may naisip ako.

"O-Oo namin. Si baby diba?"

Sabay turo ko sa tiyan ko.

"A-Ah" Tumango-tango siya at pumasok na sa kwarto namin ni Niko. Naisipan niyang magshower muna raw siya bago matulog.

"Sis, hiram muna ako clothes mo ah?"

"Oo, kuha ka nalang diyan."

"Why this cabinet isn't opening?"

Napatingin agad ako kay Aloha nang sinabi niya 'yan. Ano ngang cabinet ulit 'yan?

"I'll lock this cabinet wife ok? This is mine. I'll take the keys with me. So you'll miss me more."

Napahalakhak si Niko noong sinabi niya 'yon.

"Miss mo mukha mo!"

"I love you."

Sabi niya habang hinahalikan ako.

OMG! Kay Niko 'yan.

"A-Ah Aloha, private things ko 'yan."

"Oh o-ok, saan ba 'yong cabinet mo kasi?"

"D-Dito" Tinuro ko ang closet ko na may mga ibang-ibang damit and also undergarments.

Humiga na ako sa kama at nagcellphone. Nagpaalam sa akin si Aloha na 'yon daw 'yong gagamitin niya pero 'di ko naman inabalang tignan kung ano 'yong kinuha niya. Sinabi niya rin na maliligo na raw siya.

Niko:
Wife. How are you?
Sent 10:32 PM

Nanlaki ang mga mata ko sa text niya. Teka nasa Ilocos na ba sila?

Nagtitipa palang ako ng mensahe nang nagpaalam na siya.

Niko:
Wife. I'm sorry, I have to go. I love you. Take care please.
Sent 10:34 PM

Me:
Nasaan kayo? Ah okay. I love you too. Take care!
Sent 10:35 PM

Napasimangot ako nang hindi man lang kami nakapag-usap. Siguro nga busy sila. Nakita kong lumabas na si Aloha sa CR.

Nakapajama siyang silk at sando na gold silky din. Habang ako ay dress na red silk, mas comfortable kasi matulog ngayon kapag nakadress ako eh.

Humiga na si Aloha sa kanan ko at pinatay na ang ilaw. Binuksan niya ang lamp shade sa tabi niya. Napatigil siya sa ginagawa niya ng tumunog nang tatlong beses ang cellphone ko.

Tinignan niya ako at kinunutan nang noo. Agad siyang tumingin sa orasan.

"It's late na. Sino ang kausap mo?"

Nakatingin pa rin ako sa kaniya hanggang sa ginalaw niya ang kaniyang ulo at kamay, na nagpapahiwatig kung sino ang kausap ko.

Agad kong tinignan kung sino ang nagmessage sa akin.

Niko:
Sorry for not replying wife. We're kinda busy.
Sent 11:20 PM

Niko:
How's my wife?
Sent 11:20 PM

Niko:
I miss you! : (
Sent 11:21 PM

Napangiti ako sa mga messages niya. Magtitipa na sana ako ng mensahe nang magsalita si Aloha.

"Sino ba 'yan?"

Akma niya na rin sanang aagawin ang cellphone ko ngunit nilayo ko sa kaniya. Nagpout siya.

"S-Si Dianne lang,"

Kumunot ang noo niya.

"Bakit daw?"

"A-Ah kinakamusta lang ako."

"She knows?"

Tumango ako.

Me:
Yeah, I'm fine. Sleep na ako. Night! : )
Sent 11:24 PM

Me:
I miss you too! I love you..
Sent 11:24 PM

In-off ko na ang cellphone ko at nilagay ito sa side table. In-on ko na rin ang lamp shade sa tabi ko. Pumewesto na ako sa kama at kinuha ang comforter para ready na matulog. Napaharap ako Agad kay Aloha dahil sa tanong niya.

"By the way, 'di mo pa nasasabi sa akin."

Kumunot ang noo ko.

"Ang alin?"

"Kung sino ang tatay ng anak mo"

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
46.6K 985 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
283K 17.7K 11
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...