131 Years (PUBLISHED)

By nicoleannenuna

196K 8.9K 7.1K

Dalia Erasquin, isang babae mula sa modernong panahon ay napatay ng hindi niya kilalang salarin. Upang matuko... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Ang Aking Lihim
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogo
131 Years Book Giveaway
Book Giveaway Winners
131 YEARS is coming to the MIBF!
El Último Capítulo (The Last Chapter)

Kabanata 34

2.5K 145 375
By nicoleannenuna

PAALALA: Ang kabanata na ito ay maglalaman ng SPG/matured content. 





Tanghali na nang bumaba ako at maisipang magdilig ng mga halaman sa hardin. Matapos ang pangyayari kagabi ay hindi ako nakatulog. Mabuti na lang at walang nakarinig ng mga sigaw ni Vicente dulot ng kaniyang galit sa akin at kay Javier.

"Mabuti pa kayo, ano? Tamang hintay lang sa araw at ulan at okay na kayo," sambit ko sa mga halaman habang isa-isa ko silang dinidiligan. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagsabi kay Vicente ukol sa lalaking yumakap sa akin sa likod ng simbahan.

Matapos ko magdilig ng halaman ay naupo ako malapit sa fountain. Naalala ko ang sinabi ni Ina kung saan ito ang simbolo ng aming apelyido. Pinunasan ko ang butil ng pawis na tumulo sa aking mukha.

"Magandang tanghali," nagitla ako sa boses na narinig ko.

"Javier? Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko. May hawak siyang dalawang piraso ng pulang rosas. Nag-aalangan ko naman na kinuha iyon.

"Ipinaalam ko sa iyong ama na ikaw ay aking bibisitahin, sasabihin ko rin sa kaniya ngayon na hindi na muna matutuloy ang kasalan," aniya.

Umupo siya sa tabi ko. Isang dipa ang kaniyang layo sa akin. Maaliwalas ang mukha ni Javier ngayon—naka puting kamiso siya at itim na pantalon.

"Bibitiw na ako sa aking puwesto bilang Koronel. Kinausap ko na ang ama ni Vicente," napatingin ako sa kaniya, "Ako ay napapagod na makipag-digmaan, naisip ko na gugulin na lang ang aking panahon na kasama ka. Hindi na rin kita ibig isama sa Inglatera. Dito na lang tayo."

"A-Ano? Javier—"

"Batid ko na may ibang laman ang iyong puso, pero hindi ako agad na susuko," pagpapatuloy niya.

Kumunot ang aking noo. Nangyari ba ito sa totoong Rosenda? Bakit ngayon e tatlong lalaki ang nais ilaban ang kanilang karapatan para sa aking puso? Ganda mo talaga, Dalia!

"Naisip ko na lamang na patawarin si Don Lucio, sa ganoong paraan ay makakalaya ako," wika niya.

"Paano si don Jaime? Hindi ba ikakasama ng loob niya kapag malaman niya na umaklas ka na sa pamahalaan?" nag-aalala kong tanong.

"Hindi ko alam. Mahirap kalaban ang mga Montemayor, Rosenda. Ang totoo niyan ay minsan na akong pinagbantaan ni don Jaime kung sakaling bumitiw ako sa puwesto ko bilang koronel."

"Hindi ka ba natatakot?" umiling siya, "Makapangyarihan si don Jaime. Malaki ang impluwensiya niya sa ating bayan. Nasabi sa akin noon ng anak niya na si Jovita na ibig pumalit ni don Jaime bilang gobernador-heneral ng bayan na ito," paliwanag ko.

Napapikit siya na tila may winawaksi sa isipan saka dumilat. "Ayoko na munang isipin ang mga bagay na iyan lalo na't nasa tabi ko ang kaligayahan ko," masaya niyang sambit.

Napatingin ako sa mga rosas na binigay niya. Hindi ko na rin talaga alam ang dapat kong sabihin kay Javier. Kahit ano ang aking gawin e nakakasakit ako ng tao.

"Ayaw kita paasahin, Javier," saad ko, "Ayaw din kita saktan kaya didiretsahin na kita, iba ang iniibig ko." Pag-amin ko.

Napalunok ako matapos ko sabihin iyon. Nakita ko na nasaktan siya, "Alam ko," tipid niyang sagot.

"Kaya itigil mo na ang panunuyo, puwede tayo maging magkaibigan. Hanggang doon lang," paglilinaw ko.

"Kung gayon, mamahalin kita sa malayo, tatanawin ko ang iyong mga ngiti kahit nasa iba kang bisig," sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Ginugulo ka ba niya, Senda?" kapwa kami nasorpresa ni Javier sa boses ni Leonardo na narito rin pala sa hardin.

"Hindi Leo, 'wag ka mag-alala." Tugon ko.

"Magandang tanghali, Leonardo," pagbati ni Javier sa kaniya ngunit hindi siya sinagot ni Leonardo. Bakit parang ang init din ng ulo niya? May dalaw ba ang mga lalaki ngayon sa panahon na ito?

"Ako ay uuwi na rin, binibini. Masaya na ako sa ilang minuto nating pagkikita." Ani Javier. Hinubad niya ang suot na sumbrero at tinapat ito sa kaniyang dibdib.

"Salamat Javier, mag-iingat ka." Wika ko. Hinawakan niya ako sa pisngi.

"Kakausapin ko si don Fabio ukol sa kasalan," saad niya at naglakad patungong mansiyon.

Sinundan ng tingin ni Leonardo si Javier hanggang sa makapasok ito ng mansiyon. May kung ano sa mga mata ni Leonardo na hindi ko maintindihan—tila ba may galit at kahalong lungkot ito.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya sa'kin. Ang mata niyang mapanglaw kanina ay mabilis naglaho.

Napahinga ako nang malalim at napakapit sa aking saya. "Mahabang kuwento." Pakli ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Nakasalubong ko si Maribel kahapon sa pamilihan. Tumatangis siya."

"Bakit?"

"Ibig niya hiwalayan si Marco. Kaniyang ipinaliwanag na pinakasalan niya ito dahil kinakailangan niya ng salapi kaya hindi niya ako sinipot sa daungan."

Kaya pala mainit ang ulo ng pinsan ko na ito.

"Noong malaman daw niya na nakabuntis si Marco kay Adelina, nais na niyang iwan ito at sumama na lamang sa akin noong gabing iyon," natawa ito ng mapait, "Pero Rosenda, hindi naman ako hibang para gawin pa iyon." Usal niya.

"Hindi mo na ba siya mahal?"

Umiling si Leonardo. "Hindi na dapat binabalikan ang mga taong napatunayan na kaya kang iwan. Nagsilbi itong aral sa akin. Hindi niya ako nagawang intindihin sa aking pangarap na maging abogado, hindi niya ako hinintay."

"Wow," tugon ko.

"Besides, I have my Angel now," natawa pa ako nang marinig siya ulit magsalita ng Ingles.

"Sinong angel—a! si Angelita ba kamo?" tumango siya. "Seryoso ka na ba talaga sa kaniya, ha?" usisa ko.

"Hindi pa naman ito matatawag na 'wagas' na pagmamahal. Pero ibig ko siyang makaraos sa buhay na kaniyang kinagisnan. Binigyan ko nga siya ng kuwintas na may disenyong anghel." Magiliw na salaysay ni Leo.

Namangha ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na gagawin nga niya ang sinabi ko noon."

"Good boy ka pala, Leonardo, sana puwede kitang dalhin sa panahong kinaroroonan ko. Sigurado na maraming matutuwa sa iyo." 'Di ko sinasadyang madulas sa aking sinabi.

Natawa siya. "Ayoko sa panahon na kinabibilangan mo—magulo at maingay." Seryoso niyang saad.

Gulat akong napalingon ako sa kaniya, "Ano'ng sabi mo?"

"Bakit may hawak kang mga rosas? Mas nababagay sa iyo ang bulaklak ng dahlia," lalo akong nagitla sa pahayag niya, "Hindi ba't ito ang iyong paborito?"

Sumunod na dumako ang mata niya sa kuwintas na suot ko na siyang bigay ni Vicente. Hinawakan niya ang maliit na orasang disenyo nito. "Bakit suot mo ito?" tanong niya na labis kong ipinagtaka.

"Bigay sa akin ito ni Vicente," wika ko. "Bakit ganiyan ang hitsura mo? Balisa ka, Leo. Pangit ka tignan." Biro ko sa kaniya.

"Walang tatalo sa kapangitan mong taglay," tumayo siya bigla. "Paalam, Senda lampa." Aniya.

Naiwan ako roon na nakatulala. Bakit ganoon ang asta ni Leonardo bigla?

l

KINAGABIHAN, NAISIPAN KONG ikandado ang pinto ko para wala nang makapasok. Balak ko na tumakas at puntahan si Vicente dahil hindi ako makatiis.

Binitiwan ko ang hawak ko na isang bote ng alak matapos kong makahalatian ito. Masiyado ko yatang sineryoso ang sinabi ni Leonardo na 'alak ang kaibigan kapag ikaw ay sawi'. Ramdam ko na rin ang hilo at sakit ng ulo dala ng alkohol na aking ininom. Ninakaw ko lang iyon sa opisina ni ama kanina. Hindi kasi ako makatulog.

Kulay puting bestida na pantulog ang suot ko ngayon—medyo hapit ito sa aking katawan kaya kita ang korte nito sa aking kasuotan. Sinigurado ko na tulog na ang lahat bago ako tumakas dahil siguradong malilintikan muli ako kay ama. Pinusod ko rin ang buhok ko para hindi ito maging sagabal sa pagtalon ko sa bintana.

May dala akong isang lampara habang binabaybay ko ang madilim at natutulog na bayan ng De la Vega. May mangilan-ngilan na lampara ang nakasabit sa mga tahanan kaya kahit papano ay nakikita ko nang maayos ang tinatahak ko. Tanging huni na lamang ng kuliglig ang aking naririnig.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko narating ang mansiyon nila Vicente. Madilim na rito at wala na akong nakikitang tao. Kahit hawak ko ang lampara ay maingat akong umakyat sa puno kung saan kumokonekta ito sa silid ni Vicente. Mabuti na lang at mahilig niyang iwang bukas ang kaniyang bintana.

Dahil hilo ako ay bumagsak ako sa sahig. Napa-aray ako at napahawak sa aking puwetan. Buti na lang hindi ko nabitawan ang hawak na lampara kun'di baka masunog ko pa ang bahay nila Vicente.

Tumayo na ako at inilawan ang kama ni Vicente. Nakita ko na nakapaskil pa rin ang obra na ginawa ko para sa kaniya—ito 'yung stickman na naka-smiley face. Nakasabit din ang dream catcher sa kaniyang kama. Sobra namang nahabag ang aking puso dahil kahit pala sa pagtulog ay katabi niya ito.

Nakatalukbong ang kaniyang buong katawan ng kumot kaya hindi ko makita ang mukha niya. Dahan-dahan kong inangat ang kumot at tumambad sa akin ang mala-anghel na mukha ni Vicente habang nahihimbing ito.

"Ang guwapo mo," hindi ko napigilan sabihin iyon. "Para kang kerubin." Dagdag ko pa habang hawak ang lampara sa tapat ng kaniyang mukha.

Umupo ako sa gilid ng kaniyang kama. "Gusto ko humingi ng tawad sa nangyari kagabi. Alam ko na marami ka ring iniisip, pero 'wag mo sana isipin na iba ang nilalaman ng aking puso, Inte."

Napabuntong-hininga ako. "Mabuti na lang at nakayanan mong matulog. Ako kasi kahit uminom ako ng alak naaalala pa rin kita," sambit ko.

Hinawi ko ang kaniyang malambot na buhok. "Ikaw lang ang mahal ko Vicente, bukod-tangi ka at nag-iisa," hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi. Aalis na sana ako pero naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.

"Narinig ko iyon," aniya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. "Hindi rin ako makatulog, Senda. Narinig ko ang pagbagsak mo sa sahig. Batid ko agad na ikaw iyon dahil madalas ka nadadapa o nahuhulog, rinig ko rin bawat hakbang ng paa mo." Natawa siya nang kaunti. Lokong 'to.

Bumangon siya sa kama at naupo. Nilapag ko ang lampara sa mesa sa gilid ng kama niya. "Paumanhin sa aking nagawa kagabi, binibini. Ang totoo niyan ay naiintindihan ko ang sama ng loob at pagdadalamhati na nararamdaman ni Javier. Itinaboy siya ng aking ama noon," pagsasalaysay ni Vicente.

Nagpatuloy siya. "Maling hinusgahan ko si Javier. Masalimuot ang kaniyang nakaraan, minahal niya ang aking ama ngunit tinaboy siya nito. Matagal ko nang kinikimkim ang nagawa ni ama sa magulang ni Javier." Aniya.

Hinawakan ko ang kamay ni Vicente at napahinga ako nang malalim. "Ibig niyang magbago, Inte. Kita ko ang sensiridad sa kaniyang mata. Lahat ng tao ay marapat na pagbigyan ng ikalawang pagkakataon."

Tumango siya at hinaplos ang kamay ko gamit ng hinlalaki niya. "Tama ka, Senda. Bukas na bukas ay hihingi ako ng dispensa sa kaniya. Pinatawad ko na rin siya sa nagawa niyang kasalanan sa akin."

Umusog ako at sumandal sa braso niya, hindi na kami nagsalita. Sana ay hindi niya marinig ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at dadalawa lang kami rito.

"Amoy ka alak, Senda, nag-iinom ka na naman ba?" puna niya.

"Oo. Hindi ako makatulog, e." Pag-amin ko.

"Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na't delikado sa daan. Hindi ka na dapat nagpupunta ng ganitong oras, ako dapat ang lumalapit sa iyo," paalala niya.

"Ayos lang, Inte."

Kumapit ako sa kaniyang braso at pumikit. May luhang tumulo sa aking mata—ilang buwan na lang at alam ko na mawawala si Vicente sa akin. Magtagumpay man ako o hindi, hindi ko na siya makikita.

Si Vicente ang unang lalaki na minahal ko nang lubusan— siya rin ang aking unang halik. Kahit pa natural akong walwalera sa modernong panahon ay iningatan ko ang ganoong mga bagay dahil iniingatan ko ang aking puso.

"Huwag ka umiyak, Senda. Kahit hindi kita nakikita batid ko na lumuluha ka. Buhay pa naman ako," pagbibiro niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Naiiyak lang ako kasi mahirap pala mamuhay sa panahon na ito."

Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang luhang tumulo. Hinalikan din niya ang noo ko't dumampi ang kaniyang labi sa aking ilong.

"Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ka kaganda kahit hindi kita gaanong nakikita sa dilim?" tanong niya. Iyon ang sinabi niya sa akin noong gabing nalasing siya sa bahay-tuluyan sa Maynila.

"Ganda lang ito, Vicente, mawawala rin ang mukhang ito. Kukulubot at tanging puso ko na lamang ang mananatiling busilak pagdating ng panahon." Malungkot kong saad.

"Higit sa kagandahan ang iniibig ko sa'yo, Senda."

Ilang segundo kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa, ramdam ko ang init ng aking katawan dala ng alak na ininom ko kanina.

"Ang init bigla sa aking silid," saad ni Vicente, "Bubuksan ko lalo ang bintana—"

Hindi ko na pinatapos si Vicente sa sinasabi niya dahil mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata niya sa kapusukan na ginawa ko.

Marahan niya akong inilayo sa kaniya at umiwas siya ng tingin.

Hinila ko ang kuwelyo sa kaniyang damit at inilapit siya sa akin. Muli kong idinampi ang labi ko sa kaniya.

"Lasing ka, Senda." Sambit niya't hindi ako tumigil sa paghalik sa mainit at malambot niyang labi. Itutulak niya sana ako palayo ngunit umibabaw ako sa kaniyang katawan. Amoy na amoy ko ang bango ni Vicente at bakas sa kaniyang mukha ang pagkahiya sa nangyayari.

'Di nagtagal ay tinugunan na niya ang aking halik at marahan kong ipinasok ang aking dila sa kaniyang bibig. Nabigla siya sa nagawa ko—marahil ay hindi iyon pangkaraniwan na gawin ng isang babae.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili na halikan siya sa kaniyang leeg. Nakarinig ako ng mahinang ungol na galing kay Vicente—bagay na labis kinainit ng aking katawan.

Inalis niya sa pagkakatali ang aking mahabang buhok at bumagsak ito sa balikat ko. Hinawakan ako ni Vicente sa balikat at hindi ko inakalang iibabaw siya sa akin.

Mapula ang kaniyang pisngi gayon na rin ang labi niya, hinalikan niya ako muli at kinagat ko ang ibabang parte ng kaniyang labi. Ginawa niya rin ito sa akin kaya lalo ko siyang hinila papalapit. Para kaming parehas na gutom sa isa't-isa, sa bawat halik ay ramdam mo ang diin nito.

"Vicente..." humahangos kong sambit nang umpisahan niyang halikan ang aking leeg maging ang aking balikat. Ramdam ko ang kaniyang kabuuan na tumutusok sa aking tiyan. Nanunuyo na ang aking lalamunan. Hindi ko inaasahan na mayroong taglay na kapangahasan si Vicente na natutulog sa kaniyang katauhan.

Inalis ko ang suot niyang polong puti at napakagat ako sa aking labi nang makita ko ang napakagandang katawan ni Vicente. Napahawak ako sa kaniyang dibdib hanggang sa kaniyang tiyan.

"Napakaganda mo Senda," saad niya habang hinahalikan ang aking leeg.

Napaungol ako nang kagatin niya ang aking leeg at dahan-dahan na sinipsip ang balat nito dahilan para makalmot ko ang likuran niya. Mainit ang katawan ni Vicente at parehas naming hindi na mapigilan ang kapusukan at init na bumabalot ngayon sa aming katawan.

Tumaas ang balahibo ko nang haplusin ng mainit niyang kamay ang binti ko sa ilalim ng suot kong bestida, hinimas niya lamang ito habang ako ay kaniyang hinahalikan. Ibang sensasyon ang nararamdaman ko ngayon—hindi ko alam na ganito ang pakiramdam kapag nag-init na ang iyong katawan.

Hinawakan ko siya sa baba at hinarap siya sa akin. "Gusto kita Vicente, gusto kitang maramdaman ngayon gabi." Hindi ko inaakalang lalabas ang mga salitang iyon sa aking bibig. Nakita ko ang mga mata ni Vicente na nag-aalab ang mga titig dala ng tukso.

Naglakas loob na akong hawakan ang ibabang parte ng kaniyang pagkalalaki upang hubarin ang suot niyang pantalon. Ngunit laking gulat ko nang mapaurong siya sa dulo ng kama hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Rinig na rinig ko ang kalabog buhat ng pagbagsak niya.

Nanginginig siyang napatayo. "T-Teka, teka, Senda.."

Naiwan naman ako sa kama. "B-Bakit? May nasabi ba ako?" pinipigilan kong hindi matawa dahil sa pagbagsak niya.

"S-Sandali lang.." nauutal niyang pakli. Huminga siya nang malalim at hinawi ang buhok niya na basa nang dahil sa pawis.

"Ayaw mo ba sa akin?" tanong ko.

Umiling-iling siya. "Ano? Hindi sa ganoon, gusto kita kaso..." hinawakan niya ang balikat ko't naupo sa tabi ko, "Kaso, hindi pa kita asawa. Hindi tama na ibigay mo sa akin iyan kaagad," mahinahon niyang saad. Kinuha niya ang kaniyang polo at sinuot ito.

Nanatili akong tahimik. Niyakap niya ako bigla at hinaplos ang ulo ko. "Paumanhin at hindi ko napigilan ang aking sarili. Pero makakapag-antay ang bagay na iyan, kaya kong maghintay." Bulong niya.

Hinampas ko siya sa kaniyang likuran dahilan para mapa-aray siya. "Bakit? May karanasan ka na ba?" tanong ko.

"Karanasan sa ano?" napahiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Alam mo na..." wika ko.

"Hindi kita mawari,"

"Sa ano...sa pakikipagtalik." Patuloy ko. Napapikit ako nang banggitin ko ang salitang iyon. Nag-demo pa ako gamit ang daliri ko na kunwaring may butas at pinasok ang hintuturo ko roon.

Napasampal naman si Vicente sa noo niya dahil sa ginawa kong demo.

"Ano?" napayuko siya bigla, "Ayokong sagutin iyan,"

Nakaramdam naman ako bigla ng paninibugho ng damdamin.

"Sinasabi mo bang mayroon ka nang karanasan sa ganoong bagay?" usisa ko.

"Baka pagtawanan mo ang aking sagot,"

"E ano nga?"

"Wala pa, Senda. Ikaw ang aking unang halik. Sa katunayan, ngayon ko lang naranasan ang ginawa natin kanina, panandalian akong nadala sa tukso at init ng katawan, pasensiya na." aniya.

'Di ko inaasahan na birhen pa ang kagaya niya—na ako rin ang kaniyang unang halik kahit pa nagkaroon siya ng dating kasintahan. Natawa naman ako nang kaunti.

"May nakakatawa ba?" para na siya ngayong bata na nahihiya.

Binutones ko ang suot niyang polo at hinalikan siya sa pisngi. "Salamat Inte, salamat at hindi mo pinagsamantalahan ang kahinaan ko. Kung hindi ka tumigil malamang hindi na ako nagpapigil," wika ko.

"Ayokong magpadala tayo sa tukso parehas. Kung hindi ko pinigilan ang aking sarili marahil ay hindi na rin ako nakapagtimpi," pag-amin niya, "Kaya Senda, sa susunod, i-ayon natin ang mga kilos natin. Naiintindihan mo ba ako?" nanunuyo niyang pahayag.

"Opo," natutop ko ang bibig ko't natawa ulit.

"Ibig ko gawin ang bagay na iyon kapag apelyido ko na ang gamit mo," kinurot niya pa ako sa ilong. Tumayo siya't hinawakan ang kamay ko. "Sumama ka sa akin, mahaba pa ang gabi. Ayokong manatili rito't baka tuluyan pang may mangyari." Pagbibiro niya.

Dinala niya ako sa azotea ng kanilang mansiyon. Magara rin ito kagaya ng sa amin ngunit wala naman na akong nakikita na tanawin gawa ng madilim na rin. Nakatingin ako ngayon sa malayo habang ninanamnam ang malamig na hangin.

Naramdaman ko na lang ang balabal sa aking likuran na siyang ipinatong ni Vicente at saka niya ako niyakap mula sa likod.

Hindi ko alam na clingy pala ang taong ito na labis kong ikinatuwa.

"Malalim yata iniisip mo," puna niya.

"Paano kung nagkakilala tayo sa ibang panahon?" tanong ko. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa aking beywang habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"Kahit anong panahon pa iyan, mamahalin kita." Kumirot ang aking puso sa narinig.

"Kahit ilang taon ang layo natin?"

"Kahit ilang siglo pa," hinaplos ko ang malambot niyang buhok.

"Natatakot ako, Vicente."

"Ako rin," sagot niya. "Nagkaro'n muli ako ng rason para matakot."

Kahit hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit ako natatakot, alam ko na ramdam ni Vicente na hindi madali ang aming pinasok.

Nilabas ko ang kuwintas na bigay niya't hinawakan ang orasan nito. Ala-una na pala ng madaling araw. Binaliktad ko ang maliit na orasan at nakita ko ang mga letrang nakaukit dito.

VCDV

"Vicente De la Vega..." sambit ko habang tinitingnan ang letrang nakaukit.. "Inte?" pagtawag ko sa kaniya.

"Mmm?"

"Kapag nagka-anak ka, ano gusto mong ipangalan?" tanong ko.

"Baka anak natin, Rosenda." Paglilinaw niya. Hinampas ko siya sa dibdib. Natawa naman si Vicente.

Napahawak siya sa kaniyang baba at nag-isip, "Kapag babae, gusto ko Roselia, kapag lalaki naman, Vincent." Tugon niya.

"Vincent? E pang-banyaga iyang pangalan na iyan,"

"Naisip ko lamang na mas maganda na malapit ang pangalan ng ating magiging anak sa ating dalawa. Hindi ba't maganda ito pakinggan?"

Napatango ako. Posible kaya na magkaroon kami ng anak—

"Oo maganda. Sige, Roselia at Vincent," pagsang-ayon ko.

"Roselia, Vincent, at ang aking mapapangasawa na si Rosenda De la Vega," aniya. "Isang pamilya na iyan, Senda."

"Oo nga e, gusto mo bang bumuo na tayo?" pagbibiro ko. Nasasanay na ako na mapusok ang mga biro ko sa kaniya dahil hindi na siya gaanong naiilang.

Gayunpaman, gusto ko marinig mula sa kaniyang bibig ang tunay kong pangalan—ang pangalan kong Dalia.

"Vicente, may tanong ako,"

Sumandal ako sa balikat niya't kumapit sa kaniyang braso.

"Ano iyon, mahal ko?" halos lumundag naman ang puso ko sa pagtukoy niya sa'kin bilang 'mahal ko'.

"Ano'ng tingin mo sa pangalang Dalia? Maganda ba pakinggan?" tanong ko kunwari.

"Dalia? Hindi ba nasabi mo sa akin noong nagpinta ka sa aking silid na iyan ang pangalan na ibig mo bukod sa Rosenda?" hindi ko alam na naalala pa niya ang detalye na iyon. "Iyon pa nga ang pangalan na iyong inilagay bilang lagda sa ginawa mong obra," dagdag pa niya.

"Naalala mo pa pala iyon?" tanong ko.

"Lahat naman ng iyong sinasabi ay nakatatak sa aking isipan," hinawi niya ang buhok ko, "Dalia...mas nababagay sa iyo ito dahil ito ang paborito mong bulaklak at katunog din ito ng 'pilya' na siyang sumasalamin sa'yo." Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Gusto ko na Dalia at Vincent ang pangalan ng magiging anak natin kung sakali," suhestiyon ko.

Napatango naman siya. "Ka'y gandang pangalan, binibini. Sang-ayon ako sa kagustuhan mo. Dalia at Vincent—iyan ang ngalan ng magiging supling natin sa hinaharap." Tumaas-baba pa ang kilay niya.

Ang sarap pakinggan mula sa kaniyang bibig ang tunay kong pangalan—ang tunay kong pagkatao, ang tunay na ako.

Hinawakan ni Vicente ang kamay ko at kinuha niya ang isang lampara, dinala niya ako sa gilid ng azotea at doon nakapuwesto ang isang napakaganda at bagong-bagong piano.

"Marunong ka mag-piano?" tanong ko sa kaniya. Hinila niya ang silya at naupo siya ro'n. Tinapik niya ang silya, senyales na umupo ako sa tabi niya at tumalima naman ako.

"Ibig mo bang tugtugan kita?" tanong niya. Tumango ako.

Tumayo ako't tinukod ang siko ko sa piano. "Bakit ka tumayo?" nagtatakang tanong ni Vicente.

"Gusto kitang makita habang tumutugtog," tugon ko. Iyon naman ang totoo, gusto ko masilayan ang ganda ng kaniyang mga mata kahit pa isang lampara lang ang nagsisilbing tanglaw namin ngayon.

Hindi na umalma si Vicente sa ginawa ko. "Ang tutugtugin ko ngayon ay ang musikang ginawa ni Ludwig van Beethoven na taga-Alemanya noong taong 1801. Tinatawag itong Moonlight Sonata o Mondscheinsonate sa wikang Aleman," aniya.

"Moonlight Sonata..." usal ko na tila may inaalala.

"Mayroong tatlong kilusan ang musika na ito; Adagio sostenuto, allegretto at presto agitato. Ito ay inialay ni Beethoven sa kaniyang maharlikang estudyante na si kondesa Giulietta Guicciardi dahil iniibig niya ito," pagpapatuloy niya.

Inumpisahan na tipahin ni Vicente ang teklado ng piano. "Ito ang unang kilusan o parte ng musika. Mabagal ito at malumanay, kagaya ng kaniyang nararamdaman sa buhay niya sa panahong iyon,"

Napatingin ako sa daliri ni Vicente habang tinitipa nito ang teklado, bawat himig nito ay tumatagos sa aking puso. "Ang ikalawa naman, mas mabilis, na parang may paparating. Hindi natin alam kung isa itong dagok o kaya naman kasiyahan. Para itong paghahanda," bumilis ang musika na naririnig ko, may halong takot at ganda sa tinig nito.

"At ang ikatlo naman, ito ang pinakamabigat. Ito ang pagdating ng kasiyahan o kalungkutan sa ating buhay. Musika na—"

"Musika na ang bahalang dumikta sa ating nararamdaman..." patuloy ko sa sinasabi niya. Bakit parang narinig ko na ang mga katagang iyon?

"Tama ka, Senda." Pinindot ni Vicente ang teklado sa huling pagkakataon at ngayon ay mas mabigat ang tinig nito. Nakaramdam ako ng kung anong kalungkutan sa tono nito. "Maihahalintulad ko sa iyo ang tugtog na ito. Sa una ay dahan-dahan akong napa-ibig sa iyo, hanggang sa dumating na lamang ito na parang isang bagyo at ako ay nagising na lamang sa katotohanan na mahal na kita." Sambit ni Vicente.

Pinagmasdan ko siya habang tinutugtog niya ang Moonlight Sonata ni Beethoven. Bawat tinig nito ay pamilyar sa aking pandinig. Totoong nakakalungkot ang musikang ito; bumibilis, bumabagal, at bumibigat ang tono nito. Parang isang buhay ng tao. Nakapaloob sa isang musika ang nararamdaman, o pinagdadaanan ng isang tao.

Ang tugtog na iyon ay isang repleksyon ng aking dinadanas sa panahon na ito; kasiyahan, kalungkutan, at kaguluhan. Maging ang mga tao na parte ng panahon na ito.

Nakatingin lang ako kay Vicente na nakayuko ngayon at abala sa pagtugtog niya. Napahawak ako sa dibdib ko, pakiramdam ko ay nangyari na ito. O baka isa lamang iyong panaginip?

Napatingin ako sa gilid ng piano, nakaukit doon ang letrang VCDV. Bumaling muli ang atensiyon ko sa kaniya. Hindi ko namalayan na natapos na ang tugtog at ang mga mata ni Vicente ay nakatuon na sa'kin.

Sinabi niya ang mga salitang nagpagulo lalo sa aking isipan. "Hindi ko ito malilimutan. Isa kang magandang alaala."





"Magandang umaga, Ama." Pagbati ko sa kaniya nang makita ko siyang nag-aayos para sa trabaho.

"Magandang umaga, Senda." Pagbati naman niya sa akin pabalik.

Tinutulungan siya ni Ina na ibutones ang kaniyang uniporme. Natutulog naman sa kani-kanilang silid si kuya Antonio at Leonardo. Alas-singko pa lang kasi ng umaga ngayon at wala rin akong tulog dahil napuyat ako sa nangyari kagabi sa'min ni Vicente—este, yung muntik na pa lang may nangyari.

"Nasabi sa akin ni koronel Javier na hindi na niya ninanais na ikasal kayo sa Inglatera," saad ni ama. "Nagbago na raw ang kaniyang isipan at ibig niyang suyuin ka muna at paibigin."

Natawa na lang ako sa aking sarili habang hinahalo ang mainit na kape. "Talaga po ba, Ama? Laking pasasalamat ko sa pagbabago ni Javier kung gano'n." Tugon ko.

Hinalikan ako ni Ina sa noo't nakisalo rin siya sa pag-kain ko ng almusal. Nagpaalam kasi ako na pupunta ako ng simbahan mag-isa para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap ko.

"Tila nagbago ang ihip ng hangin sa batang iyon," puna ni Ama't hinalikan niya rin ako sa noo. Ito ang unang pagkakataon na ginawa niya sa akin iyon.

Niyakap ko si Ina at hinalikan sa pisngi. Paglabas ko ng mansiyon ay napansin ko si Angelita na abala sa paglilinis ng hardin. Nakita ko na kumakanta pa siya habang suot ang kuwintas na may palawit na anghel na bigay ni Leonardo. Kinilig naman ako nang sobra.





NASA GITNA AKO ng pagdarasal sa simbahan nang magitla ako dahil may tumakip sa mata ko.

"Hulaan mo," wika niya.

"Pangit ba ito?" tanong ko.

"Hindi,"

"Pango ba ito?"

"Hindi rin,"

"Puwes, hindi kita kilala." Biro ko kay Vicente. Tumabi siya sa akin bigla. Hindi alintana kahit magkadikit na kami ng balikat.

"Magandang umaga, aking Rosenda," pagbati niya. Ang aliwalas ng mukha niya ngayon.

"Magang umaga rin, ginoo." Sagot ko.

Natawa si Vicente. "Ginoo? Hindi mo ako halos tawagin sa katagang 'yan."

"Mukha ka kasing kagalang-galang sa uniporme mo ngayon," tinuro ko ang kulay bughaw na uniporme niya.

"Ito ba?" hinawakan niya ang laylayan ng damit niya, "Bagay ba sa akin ang kulay bughaw?" tanong niya. Tumango naman ako. "Ito kasi ang paborito kong kulay. Naalala ko ang langit at ang kulay ng dagat." Pakli nito.

"Alam mo ba na ang kulay asul o bughaw ay sumisimbolo sa katalinuhan, tiwala, katotohanan, at katapatan?" wika ko. Napatango naman si Vicente na parang may bagong natutuhan.

"Ikaw Senda, ano ang paborito mong kulay?"

Shocks! ano ba tagalog ng pink?

"Pink." Saad ko.

Tumaas ang kaniyang kilay, ang cute talaga kapag curious siya at ginagawa niya iyon. "Pik?" nagtataka niyang tanong.

"Pink, kasing kulay ng bulaklak ng dahlia." Paglilinaw ko.

"A, kulay kalimbahin ba kamo?" aniya. What?

"Kalimbahin?"

"Kalimbahin ang kulay na tinutukoy mo. Batid mo ba na ang kulay na kalimbahin ay sumisimbolo ng kapayapaan, kasiyahan, at pagmamahal?" napatango naman ako.

"Binibini, naisip ko lang, nakalimutan ko ibahagi sa iyo na mayroon akong talento bukod sa pagtugtog ng piano at pagpinta," salaysay niya.

"Pinta? Teka, akala ko hindi ka marunong magpinta? Kaya nga pinapinta mo sa akin ang mukha mo, 'di ba? Niloloko mo'ko e!" singhal ko.

Natawa siya na parang nahihiya. "Sa katunayan niyan, ibig ko lang gawin iyon upang mas makilala kita. Nanibago kasi ako sa Rosenda na kaharap ko noon, nais ko lang suriin kung hindi ako namamalik-mata." Paliwanag niya.

Napahalukipkip ako na tila nagtatampo. "Ano na 'yung talentong sinasabi mo?"

"Noong nagsasanay ako para sa posisyon ko bilang heneral, kaya ko magtagal ng kuwarentang segundo sa ilalim ng tubig," napatango pa siya na parang proud sa sinasabi niya.

"Talento na sa iyo 'yon?" napayuko naman siya, "Hala, biro lang! Hindi ko nililiit 'yung talento mo. Ako nga, hindi ako marunong lumangoy. Tama ka, talento nga 'yan!" pumalakpak pa ako kasi napansin ko na nagtampo siya nang kaunti noong kuwestiyunin ko yung 'talento' niya.

Kinurot ko siya sa pisngi. Nakakatuwa na nagbabahagi siya sa akin ng mga random na bagay na naiisip niya lang, iyon 'yung mga detalye na nakakapagpasaya sa akin.

"Vicente, lilinawin ko lang, sinisinta mo ba ako? Este, mag on na ba tayo? Jowa kumbaga. Nobyo? Nobya?"

"Ano ba sa tingin mo, Senda? Hindi naman natin gagawin ang kagabi—" hindi niya natapos ang sinasabi dahil naalala niya na nasa simbahan kami. Napatikhim siya. "Wag na lang pala. Tara na't lumabas ng simbahan." Pagyaya niya.

Habang naglalakad kami palabas ng simbahan ay napatitig si Vicente sa leeg ko at agad siyang napaiwas, bagay na labis kong ipinagtaka.

"May problema ba?" tanong ko. Nakapusod kasi ang buhok ko kung kaya't kitang-kita ang batok at leeg ko.

"W-Wala," aniya.

"Ano nga?"

Napahawak ito sa batok animo'y nahihiya siya at nag-aalinlangan. Nilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong. "Mayroon kang pasa sa iyong leeg," saad niya.

Napahawak naman ako bahaging 'yon ng katawan ko. "Huh? Ano? E paanong..." natutop ko ang bibig ko nang maalala ko ang dahilan.

"Huwag na natin pag-usapan," inalis niya ang ipit sa aking buhok at nilugay niya ito. "Takpan mo na lamang. Gusto ko humingi ng dispensa sa kapusukan na aking ipinamalas kagabi," aniya na halos bulong na lang upang walang makarinig.

"Wala iyon, ako naman may kasalanan dahil nakainom ako."

"Napansin ko pala ang balat mo sa iyong dibdib." Puna niya.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko kung saan naroroon ang aking balat. May kasabihan na ang balat sa iyong katawan ay nagsisilbing simbolo kung paano ka namatay sa iyong past life.

Bago ako makasagot ay nahuli ng balintataw ko ang isang pamilyar na mukha sa hindi kalayuan—isang lalaki na may buhat na bata. Bumibili sila ng laruan.

"Inte!" sigaw ko habang hawak ang kamay ni Vicente at inaalog ito. "Tignan mo!" tinuro ko 'yung lalaki at isang bata na karga niya

Napalingon si Vicente sa gawi nila at sabay kaming pumunta sa kanilang kinaroroonan.

Halos bumagsak ang aking luha nang makita ko si Javier na karga ang isang pamilyar na paslit.

Si Tauro.

"Javier," usal ni Vicente, "Maaari ka bang magpaliwanag sa nangyayari rito?"

Nagitla si Javier sa presensiya namin ni Vicente. Nakita ko ang hawak na laruan ng batang si Tauro na gawa sa kahoy at abala siya rito.

"Vicente," mahinahong sambit ni Javier. Hindi ko inakalang darating ang panahon na kalmado silang mag-uusap. Malayo sa nakita ko noon na halos magpatayan sila.

Inihanda ni Javier ang sarili bago nagpaliwanag. "Noong nasunong ang tahanan nila manang Ester, natagpuan ko ang bata na ito na naging palaboy na lamang. Hindi ito nakakapagsalita dulot na rin siguro ng trauma na kaniyang naranasan," anang Javier.

"Matagal na siyang nasa iyo? Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko.

Napatingin sa akin si Javier. May paninibugho sa kaniyang mga mata dahil magkasama kami ni Vicente. "Hindi ko batid na siya ang batang anak ni manang Ester hanggang sa nakita kong isinusulat niya ang kaniyang pangalan sa isang papel. Doon ko napag-alaman na hindi pa patay ang lahat ng supling ni manang Ester." Patuloy niya.

Kinuha ni Vicente si Tauro mula kay Javier at binuhat ito. "Hindi ko inaasahan na kukupkopin mo siya, Javier." mahinahon na saad ni Vicente.

"Kahit pa saglit lang kaming magkasama't hindi siya nakakapagsalita gaano ay ramdam ko na nakikinig siya sa aking mga hinanaing sa buhay," sumilay ang ngiti kay Javier. Nakakadagdag ito sa kaniyang kagwapuhan. "Patango-tango lamang ang batang 'yan ngunit batid ko naman na naiintindihan niya ako." Natawa siya nang malumanay.

Nahabag ang puso ko sa kabutihan na ipinamalas ni Javier— si Javier na minsa'y inakala kong walang puso, si Javier na sapilitan akong pinuwersa para ikasal sa kaniya. Napatunayan niya na lahat ng tao ay kayang magbago kung gugustuhin.

Hindi makapaniwala si Vicente sa tagpo na nakikita niya. "Salamat, Javier. Hindi ko inakalang gagawin mo ito para sa isang paslit. Buong akala ko ay—"

"Buong akala mo ay wala akong puso?" sabad niya. "Isang babae lamang ang nakapagpabago sa aking mga desisyon sa buhay," napatingin siya sa akin, "At masaya kong tatanggapin ang kapalaran na ilalahad sa akin."

Napatingin ako kay Tauro na natutulog na sa bisig ni Vicente. Nabitiwan niya ang hawak na laruan kaya naman ako ang sumalo rito.

"Ibig mo bang bumalik sa mansiyon? Alam kong nasasabik kang magkaroon ng isang pamilya," napatingin ako kay Vicente dulot ng pagkabigla, "Humihingi ako ng tawad sa nagawa ni ama sa iyong mga magulang, at nais ko rin humingi ng tawad sa inasta ko noong nananatili ka sa amin. Hindi naging kaaya-aya ang pakikitungo ko sa iyo."

"Minahal ko ang iyong ama tulad ng pagmamahal ko sa tunay kong ama, Vicente. Kahit malaki ang poot sa aking puso ay hindi ko nagawang saktan kayo nang lubusan. Ibig ko rin humingi ng tawad sa aking mga kasalanan sa iyo at sa inyo."

Nagtubig na ang gilid ng mata ko't agad kong pinunasan iyon.

"Umuwi ka na, Javier. Bumalik ka sa amin at malugod ka naming tatanggapin. Batid ko na mahal ka pa rin ni ama kung kaya't hindi niya magawang sibakin ka sa iyong puwesto bilang koronel." Ani Vicente.

Lumiwanag ang mata ni Javier animo'y isang batang sabik umuwi sa pamilya. "Talaga?" tanong niya. "Ikaw ba ay nakakatiyak?"

Tumango si Vicente na bakas ang saya sa mata. "Ikaw ay aking tatratuhin na parang aking nakababatang kapatid pangalawa kay Miguel at Julieta," wika niya. Saka ko napagtanto na mas bata si Javier kay Vicente. "Iwan na natin ang bakas at sakit ng kahapon." Dagdag pa niya.

"Sí, Heneral," tugon ni Javier at sumaludo pa sa kausap. "Matagal na rin akong walang kasama at hinahanap ko ang kalinga ng isang pamilya." Aniya.

Ngumiti sa akin si Javier. "Bakit ka naiiyak, Rosenda? Dahil ba hindi mo ako magagawang piliin? Huwag ka mag-alala, handa akong magparaya." Hirit niya. Hindi ko alam na palabiro rin siya.

Nagtawanan kaming tatlo dahil sa nakaka-antig na pangyayari kina Javier, Tauro, at Vicente.

Lalong lumawak ang aking ngiti nang yakapin ni Javier si Vicente kaya naman yakap niya pati rin si Tauro na nahihimbing pa rin.

"Ako'y mag-iimpake na't pansamantalang titira sa inyo, Vicente. Hinahanap ko rin ang ating alitan sa mansiyon noong namalagi ako roon. 'Wag kang mag-alala, hindi ako magiging sanhi ng gulo." Wika niya sabay taas pa ng kamay na parang nanunumpa. Para talaga siyang bata na uuwi sa kaniyang pamilya matapos ang mapait niyang nakaraan. "Mayroon na rin akong makakausap na mga tao maliban sa mga alaga kong manok!" masayang sambit ni Javier.

"Parang kailan lang, nag-aalab ang galit mo sa akin." Pagbibiro ni Vicente at natawa na lamang si Javier.

"Dulot lamang iyon ng labis na kalungkutan at pag-iisa sa aking buhay. Ako ay hindi na makapag-antay na makasama muli kayo sa iisang bahay," pinisil niya pa ang pisngi ng natutulog na si Tauro, "At balang araw, pangarap kong magka-anak katulad ng batang ito." Dagdag pa niya.

Napatingin si Javier sa likuran namin at may takot sa kaniyang mata, sunod kong narinig ang marahas na pagtakbo ng kabayo lulan ang isang lalaki.

"Dapa!" nagulat ako sa pagsigaw ni Javier. Tinulak niya kaming tatlo nina Vicente sa lupa dahilan para matumba kami. Naalalayan ni Vicente si Tauro at hindi ito bumagsak sa lupa.

Masiyadong mabilis ang pangyayari. Isang lalaking nakatakip ng tela ang ulo ang nagpaputok ng baril sa gawi naming tatlo.

Dahil naitulak kami ni Javier, tatlong sunod-sunod na tama ng baril ang tumama sa kaniyang dibdib, tiyan, at binti.

Mabilis na nakatakas ang salarin na nakasakay sa puting kabayo.

"JAVIER!!" sabay naming sigaw ni Vicente sa ngayo'y duguang katawan ni Javier na nakahandusay sa lupa.

Hinawakan ko sa kamay si Tauro at lumuhod si Vicente sa tabi ni Javier. Inihiga niya ang ulo nito sa binti niya.

"Tulong! Mediko!" uha ni Vicente ngunit pinigilan siya ni Javier. Walang nagtangkang tumulong sa amin dahil nagtakbuhan ang mga tao. Napatingin ako sa kanila na parang nagmamakaawa na tulungan kami, ngunit walang nagtangkang lumapit.

"K-Kasabi ko lang kanina na masaya kong tatanggapin ang kapalaran ko..." nanghihinang saad ni Javier.

Lumuhod ako sa lupa at hinawakan ang kamay si Javier. "Javier, pakiusap, huwag ngayon. Hindi ba uuwi ka pa kila Vicente? Magkakapamilya ka na, Javier. May makakasama ka na maliban sa mga manok mo. Lumaban ka, a? Darating ang tulong. Lumaban ka, nakikiusap ako." Dinampi ko ang duguan niyang kamay sa pisngi ko.

"Senda, ang babaeng pag-ibig ko," napatingin siya kay Vicente, "Huwag mo siyang papabayaan."

"Tangina, Javier! Ngayon ka pa ba hindi lalaban? Nasaan ang tapang na ipinamalas mo noon sa'kin?!" sigaw ni Vicente habang inaalog ang malapit nang bawian ng buhay na si Javier. Hawak ko nang mahigpit ang kamay niya habang umiiyak.

"K-Kahit nakagawa ako ng mali sa'yo, Vicente, itinuring kitang kapatid ko...mahal ko kayo." Tumulo ang luha sa pisngi ni Javier.

"Hindi..." niyugyog muli ni Vicente si Javier. "Huwag. Huwag kang pipikit." Napalingon siya sa paligid. "TULONG!" Bumagsak na ang mga luha ni Vicente—mga luhang hindi ko inasahan na lalabas para sa taong kinamuhian niya noon.

Pilit na itinayo ni Vicente si Javier ngunit masiyado nang mahina ang katawan nito.

"Natatandaan mo, Javier, bago ka pinalayas ni ama, sinabi ko sa iyo na hindi kita tinuring na isang kapatid dahil hindi kita kadugo? Nagkamali ako, Javier. Para sa akin ay naging kapatid na rin kita. Kaya pakiusap, tulungan mo ako rito."

"Ibig ko na makita sila ama at ina," kinilabutan ako sa mga salitang binitiwan ni Javier. "Sasama na ako sa kanila."

Ngumiti muli si Javier sa aming dalawa ni Vicente. "Adios, dakila kong kaaway." nabasag na ang tinig ni Javier at narinig ko ang huli niyang paghinga.

"H-Hindi. Lumaban ka..." kumirot ang puso ko nang subukang itayo ni Vicente si Javier sa ikalawang pagkakataon ngunit parehas silang bumagsak sa lupa dahil wala nang buhay ang namaalam naming kaibigan.

Yumugyog ang balikat ni Vicente habang sinasara niya ang mata ni Javier. Humihikbi na siya ngayon. Nilapitan ko si Vicente at niyakap siya nang mahigpit. Niyakap niya ako pabalik. Tumangis na lang din ako habang yakap si Vicente dala ng panghihinayang, galit, at lungkot.

Paalam, Javier. Ngayon, hindi ka na malulungkot at hindi ka na magagawang saktan pa ng mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
7.6M 235K 65
His Punishments can kill you
7.1M 352K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...