The Thorns of 2005

By Msshell

8.7K 401 183

Miles away. Heartbeats. Time travel. Past and Future. Betrayal, Murder, Death, and Survival. Can two differe... More

The Start
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

280 63 28
By Msshell

Dedicated to ImYourCasteria

***

"Hija, you came!" Agad akong sinalubong nang mahigpit na yakap ni Mama Cynthia pagkakita sa akin.

Matipid ko na lamang siyang nginitian. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para pumunta rito.

I almost back out.

Katulad noong ibinalita sa akin ang nangyaring aksidente. Ganoon na ganoong sakit ang nararamdaman ko ngayon habang nasisilayan ang tarpaulin na naglalaman ng larawan, ng lalaking mahal na mahal ko.

In loving Memory of:

Ashton Grant Del Valle
Born: December 22, 1998
Died: January 10, 2027

Ang bigat nang bawat paghakbang ko. Wala ako sa sariling naupo sa bakanteng upuan sa harapan. Katabi si Mama Cynthia at ang iba pang kamag-anak ni Grant.

"Today we will remember the life of our beloved brother, Ashton Grant Del Valle."

Nagsimula na ang misa. Pero kahit anong gawin ko para makinig hindi ko magawa. Nanatili ang tingin ko sa maamong mukha niya.

Hindi ko na mapigilang mapaluha nang mag-flash sa screen ang kanyang mga larawan. Some of those pictures are my shots. At ang ilan ay mga larawan pa naming dalawa.

"Grant, is my sweetest child. Mula bata ay napakabuti na ng puso niya. He always wanted to help other people. He is selfless. He is also a very obedient and intelligent son." Patuloy ang pagluha ko habang nakikinig sa sinasabi ni Mama Cynthia.

"Lagi niyang sinasabi na-Mama, I will make you proud. Anak, kung nasaan ka man ngayon. Gusto kong sabihin na, I'm very proud of you at sobrang mahal na mahal kita."

Nanginginig pa ang kamay ko nang tumayo para magsalita rin.

"Grant, is the...best boyfriend." Napatigil ako para huminga.

"He is almost perfect. Every single day, he always surprises me with his sweet gestures. Ni minsan hindi ko naramdaman na nagsawa siya sa akin instead pinaramdam niya sa akin na lalong lumalalim ang pagmamahal niya." Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy sa pagbuhos.

I became this crying lady because of him.

"He is a man with principles, and that's one of his attitudes that I really admire about him. There are a lot of good descriptions of him, but I just chose a few. An almost perfect boyfriend: loving, god-fearing, a man with principles, intelligent, respectful, and a good son." Pilit akong ngumiti at hinanap si Mama Cynthia. "Thank you, Mama Cynthia, for raising Grant."

Pinatatag ko ang tuhod ko, kahit mukhang babagsak na. Nilingon ko ang magagandang larawan niyang patuloy na nagpapa-flash sa screen.

"I love you, Grant. Always and forever."

NAKATULALA ako habang nagmamaneho. Pilit akong pinigilan ni Mama Cynthia na huwag na akong umuwi pero itinuloy ko pa rin. Ayaw kong dagdagan pa ang pag-aalala niya kapag sa harapan niya mismo ako nag-breakdown.

Tuloy-tuloy ang pagmamaneho ko. Hindi alam kung saan patungo.

"You have a call, my love. You have a call, my love!"

Nagdalawang-isip ako kung sasagutin ko ba dahil unregistered number ito. Pero kalaunan, sinagot ko rin dahil makulit ito.

"Hello, who is this?" tanong ko.

"Hello Ma'am, kayo po ba si Miss Shannelle Mixcel Han?" Napakunot-noo ako.

"Opo, ako nga. Bakit po?"

"Ahm, my delivery po kasi rito para po sa inyo. Nandito po ako sa address niyo kaso wala pong tao. Ikaw po kasi dapat tatanggap nito." Delivery? Kanino naman kaya galing?

"Okay po, pwede po pahintay na lang. Malapit na rin naman ako."

"Okay po, Ma'am." Binilisan ko na lang ang pagmamaneho.

"Pasensya na po, kuya. Medyo natagalan." Humahangos pa ako habang palapit sa kanya.

"Okay lang po, Ma'am. Papirma na lang po rito." Kinuha ko ang papel na inaabot niya at agad na pinirmahan.

"Thank you po!" Agad kong binuhat ang iniabot niyang may kalakihang kahon.

Tinignan ko ang card na nakalakip para malaman ang sender.

"From: Y.B.C?" Napakunot-noo ako. Wala akong kilalang may ganitong initials. Napailing-iling ako, kanino kaya ito galing?

Excited kong binuksan ang kahon. Tumambad sa akin ang maraming maliliit na balloons. Pero hindi ko na lang ito pinansin at kinuha ang mas maliit pang kahon. Bubuksan ko na sana ito nang may makitang card na nakalakip dito.

"Open it, on your special day. And, it will give your deepest desires."

"Anong pake ko riyan!" inis kong sabi at bubuksan ko na sana pero agad din akong napatigil nang mapansing sobrang dami ang nakalagay na mga tapes. Na halos mandikit na ang kamay ko. Ayaw na ayaw ko pa naman noon, ang pangit ng pakiramdam. Agad akong dumiretso sa lababo para maghugas.

Sa huli, hindi ko na rin tinuloy na buksan.

Dumiretso ako sa kwarto ko at muling nilukob ng kalungkutan. Binuksan ko ang cabinet ko at hinanap ang nag-iisang damit niyang iniwan niya noon. Para hindi ko raw siya sobrang ma-miss.

Agad ko itong niyakap at inamoy. "Ang daya-daya mo! Iniwan mo nga ito pero hindi pa rin naiibsan nito ang sobrang pagka-miss ko sa 'yo!"

Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.

"Sabi mo, hinding-hindi mo ako iiwan! Sabi mo magiging present ka every birthday ko! Sabi mo, mahal na mahal ako at 'di mo ako sasaktan! Nasaan na mga pangako mo?" Hindi ko mapigilang isigaw ang mga frustration ko. Ngayon ko gustong sabihin lahat ng hinaing ko. Ang mga dinibdib ko sa nagdaang taon.

"Hija, palayain mo na siya. Let Grant, be happy in heaven." Patuloy na nag-e-echo sa isipan ko ang mga salitang binitiwan ni Mama Cynthia.

"Love, gusto na kitang palayain. Pero paano? Tulungan mo ako, love. Sobrang nahihirapan na ako." Lalo pa akong napaiyak nang maramdaman ang magaspang na bagay na nasa daliri ko.

Tila dinudurog ang puso ko habang dahan-dahan ko itong tinatanggal.

My diamond eternity engagement ring.

The ring that he especially designed for me.

"Love, this engagement ring symbolizes my eternal love and faithfulness. I love you so much. Let's get married. I can't wait to be your husband."

Napangiti ako nang mapait. "Hindi mo na ako mapapakasalan, love. Hindi na," mahinang bulong ko.

Sana pinakasalan na lang kita kaagad kung alam ko lang. Sana, hindi ko na lang sinabing hindi pa ako handa. Puro sana, at hinding-hindi na mangyayari pa.

"Love, sagutin mo nga ako. Anong nagustuhan mo sa akin? Kasi unang pagkikita pa lang natin gusto mo na agad akong maging girlfriend."

"Kasi, unang pagkikita pa lang natin. Mahal na kita."

"Hahaha, talaga ba? Love at first sight? Wala namang ganoon, eh!"

"Hindi naman ako na love at first sight, sadyang matagal na kitang kilala."

"Hahaha, so tama talaga ako! Stalker kita 'no? Aminin mo na!"

"There's a kind of love that is lifetime. An intense love that will never be forgotten, even through many ages. I think, that's my love for you."

"Hahaha, tama na nga yan. Sobrang corny at cheesy na!"

"This cheesy man loves you. Do you love me too?"

"Okay, okay! Oo na! I love you too, my ever cheesy man."

If there's a chance, I will go back to the time we were together. I will treasure every moment.

I will happily listen to all your cheesy and corny lines. And make you feel how much I love you. 

If there's just a chance, I will grab it, my love.

***

Shels<3

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...