The Name In Your Book

By LexInTheCity

14.9K 984 1.1K

Mark Aljin Jordon is the author of the new bestseller in KB titled The Penthouse Lovers. Dahil hindi naman ki... More

▪️Dedication
1. The Best Seller
1. The Best Seller (2)
1. The Best Seller (3)
2. The Crush
2. The Crush (2)
3. The Stalker
3. The Stalker (2)
4. The Rescue
4. The Rescue (2)
5. The Ramen
6. The Project
6. The Project (2)
7. The Special Offer
7. The Special Offer (2)
8. The Penthouse
8. The Penthouse (2)
9. The Housemates
9. The Housemates (2)
10. The Hangover
10. The Hangover (2)
11. The Best Friend
11. The Best Friend (2)
12. The Favorites
12. The Favorites (2)
14. The Next Date
14. The Next Date (2)
15. The Secretary
15. The Secretary (2)
16. The Day Off
16. The Day Off (2)
17. The Visitors
17. The Visitors (2)
18. The Chicken
18. The Chicken (2)
19. The Muse
20. The Mishap
20. The Mishap (2)
21. The Match
22. The Star
22. The Star (2)
23. The Ink
23. The Ink (2)
24. The Broken Glass
24. The Broken Glass (2)
25. The Secret Affair
26. The Day He Wrote Her Name
26. The Day He Wrote Her Name (2)
27. The Birthday
28. The Resto
29. The Day She Left
30. The First Love
31. The Truth
31. The Truth (2)
32. The Choice
32. The Choice (2)
33. The Day He Left
34. The Imperfect Plan
35. The Beautiful Gift
Book 3: The Bride's Name

13. The House Date

187 14 38
By LexInTheCity

Saktong tinatapakan pa ni Cortez ang upos ng sigarilyo sa sahig nang sunduin siya ni Mang George sa baba ng Tower 2. Naka-itim itong sumbrero at may suot ding black na jacket.

Sabay silang pumasok sa loob ng gusali pagkatapos ni Mang George lingain ang paligid. Nang makasakay sa elevator, pinindot ni Mang George ang up button para makarating sa 34th floor. Noon na rin natanggap ni Mark ang hinihintay na mensahe sa phone niya at tamang-tamang kasama niya si Ray sa loob ng kuwarto.

"Date ka d'yan," protesta pa ni Ray nang sabihin sa kanya ni Mark na nasa penthouse na ang bisita. "At talagang sa 'yo pa siya unang nag-text. Ano 'to? Jowa roles."

"Bakit selos ka?" Gusto siguro talaga nitong kuhanin ang atensyon ni Ray kaya ibinalik na naman sa kanya ng dalaga ang tingin. Okay lang sana kaso boxer shorts lang ang suot nito kaya nga lantad sa mga mata ni Ray ang matikas niyang pangangatawan.

Mabuti na lang at tumunog na rin ang phone ni Ray dahil sa pagdating ng isang mensahe. "No," sagot niya kay Mark. "Alam ko namang ako pa rin ang pipiliin nitong lokong 'to over you."

"Sabi mo e," sabi na lang ni Mark nang pasukin na ang loob ng CR. "Go, sunduin mo na. Ako na bahala sa mga naiwan mo dito sa CR," napabigla pang sabi ni Mark bago napatingin sa mga nakabiting undies ni Ray sa loob.

"Ako na d'yan!" Hindi na niya nagawang pigilan ang binata. Nakita na nito ang mga hindi nito dapat makita sa loob ng CR sa kuwarto niya. Daig pa noon ang mga banderitas sa piyestahan.

"Sorry," tipid pa nitong sagot kay Ray. Ramdam din ni Mark ang pag-init ng kanyang mukha. Tahimik itong lumabas ng CR at agad ding lumabas ng kuwarto.

Nasa salas na si Rayco nang makababa si Ray dala ang ilang bra at panty na nasa mesh na laundry bag niya. She smiled at the sight of his brother. Suot ang eye glasses, naka-itim itong T-shirt, at above-the-knee ang khaki na shorts. Kausap na nito si Tara pero hindi niya narinig ang usapan ng dalawa. 

"Ray," tawag ni Tara nang mapansin siya.

Sinimangutan naman siya ng kapatid. Gano'n ito mag-lambing kay Ray. "Loko talaga," bulong pa niya.

"Bilis makalimot ah," asar pa ni Rayco sa kapatid nang magtungo nga si Ray sa dako ng kusina kaysa lapitan muna ang kapatid.

"Dalhin ko lang 'to kay manang," tugon niya. Itinuro pa ang bitbit sa kapatid.

Gusto pa sana niyang hintayin ang tatlong binata na bumaba bago sila umalis kaso mukhang wala nang plano ang mga iyon na magpaalam sa kanila. Nandoon na rin sa labas ng penthouse si Mang George kasama si Cortez kaya nagulat si Ray nang buksan nila ang pinto at makita ang dalawa. "Ay! Nand'yan pala po kayo," tili niya. Nasa bandang likuran ni Mang George si Cortez at halos natatakpan na ng sumbrero ang mukha nito. Mas nagulat siya nang napansing wala pa sa likuran niya si Rayco. Noon na rin pumasok si Cortez sa loob ng penthouse.

Nang silipin ni Ray ang kapatid sa loob, nakita niyang kinausap pa ito ni Mark na ngayo'y may suot nang T-shirt at pulang sweatpants. Hinintay niyang lingonin din siya ni Mark nang magpaalam ito kay Rayco pero diretso na ang naging tingin nito kay Cortez.

Nang makababa sa carpark, agad sumakay si Ray sa backseat ng mahabang sedan na siyang dadalhin ni Mang George sa paghahatid sa kanya. Bumusina muna si Mang George bago pinatakbo ang sasakyan. Nahanap na rin naman ni Rayco ang dalang sasakyan at sumunod na rin sa sinasakyan nina Ray na siyang nauna nang umalis sa carpark.

Tuwang-tuwang si Ray nang muling makapasok sa loob ng bahay nila. 'Yung feeling na parang isang taon siyang hindi nakauwi. Nagulat siya nang salubungin ng ina. "O ano, masarap ba ang aircon do'n sa condo n'yo?" bungad ni Mrs. Ruiz sa anak.

"S'yempre ma, mas gusto ko po ang pa-aircon mo. May kasama pang radyo," biro pa niya sa ina.

"Heh, magtigil ka. Isama mo si Mang George sa loob para makapag-merienda muna."

"May pichi-pichi?" Paborito ni Ray ang pichi-pichi ng ina. Pero mas gusto niya ang pichi-pichi kapag kasama siya nitong gumawa noon.

Madilim na ang gabi nang umalis si Ray ng bahay. Hindi na ulit sumama si Rayco sa paghahatid dito dahil sa delikado ring umuwi ito nang mag-isa lalo kung manggagaling siya sa Tower 2 na maaaring pinaliligiran ng suspect sa pagbaril kay Anxo. Hindi rin naman siya pe'deng magtagal sa bahay dahil kailangan din si Mang George sa penthouse. Pinagbigyan lang nila ang hiling ni Ray na makauwi ngayong araw. Hindi rin naman sila maaaring basta-basta na lang mag-hire ng additional na CPO dahil sa mga confidential na impormasyong pinipilit nilang i-contain sa iilang tao. 

Nang makapasok siya sa penthouse, nagulat siya nang matanaw si Mark sa may salas. Suot pa rin nito ang T-Shirt at pulang sweatpants na suot nito kanina. Hindi niya alam pero napangiti siya habang tinitingnan ito. Siguro dahil naalala niya ang kaninang eksena nila sa guestroom at ang halos walang saplot na katawan nito na hindi maalis-alis sa isip niya. Nakaupo lang naman ito sa mahabang sofa na napangiti rin nang makita siya.

"Mr. Mark Jin, may pasalubong ako sa inyo," bungad niya rito. Hanggat maaari, gusto niyang panatilihin ang pagiging bubbly 'pag kausap ito. 

"Ano naman 'yan?" tanong ng binata habang nakatingin sa apat na microwavable na plastic container na bitbit nito. Si Rayco ang nagtali sa apat na food container para madali itong mabitbit ng kapatid.

"E 'di ang aking ipinagmamalaking pichi-pichi!" mataas ang energy niyang sagot dito. Huli na nang mapagtantong may mali sa pagkakasabi niya.

Natawa lang naman si Mark sa kanya. Siguro 'yun ang unang beses na nakita niya itong tumawa nang gano'n, 'yung natutuwa siyang pagmasdan. May mahina iyong singhal at hindi diretso ang tingin sa kanya. "Tawagin ko lang sina Third," sabi na lang niya.

Nang makababa na ang apat sa dining area, nakahayin na sa hapag-kainan ang dalang pichi-pichi ni Ray. Maliban kay Mark, nagulat ang tatlo sa sumalubong sa kanila sa mesa. Noon na ipinaliwanag ni Ray kung saan gawa ang pichi-pichi at kung gaano ito kasarap.

Nahuli niya ang reaksyon sa mukha ni Caleb at mukhang nasarapan ito sa natikman. Inabangan din niya ang reaksyon ni Tara na pagkatapos nguyain ang unang piraso ng pichi-pichi na isinubo, napainom agad ito ng tubig. Sunod ang reaksyon ni Anxo na halatang-halatang hindi nagustuhan ang natikman dahil sa pag-asim ng mukha.

Huli na nang mapansin niyang ubos na ang pichi-pichi ni Mark sa plato. "Meron pa?" nakangising tanong nito. Noon sabay na inabot nina Anxo at Tara ang mga natitira nilang pichi-pichi.

"Masarap naman Ray medyo slimy lang, thank you ha," sabi pa ni Tara pagkatapos kunin ni Mark ang inabot nito. "That's so thoughtful of you."

"Oo masarap naman nga, gusto ko 'yung lasa ng sesame seeds sa ibabaw, saka 'yung niyog," dagdag ni Anxo. Dahil mahilig din sina Ray sa palitaw, nakagawian na nilang burburan ng sesame seeds ang kanilang pichi-pichi.

"Nagpapa-order ba kayo nito? P'ede mo siyang gawing business. Masarap siya e," sabi naman ni Caleb.

"'Naku hindi na kakayanin," tugon ni Ray nang sandaling maalala ang ama. Minsan na nilang napag-usapan na magtayo ng isang maliit na kainan. Gustong-gusto ng Daddy Raymond niya ng ideyang 'yon kaso busy naman ito sa trabaho. 

"Sabagay. Kumusta pala ang pagbisita mo sa inyo kanina? Kumusta sina tita?" tanong pa ni Caleb kaya naman napalingon si Mark dito.

Kinuwento ni Ray ang naging pagbisita nila sa bahay at kung paano nila ginawa ang pichi-pichi. Halatang tuwang-tuwa ang apat nang ikuwento rin niya si Renzy. Nagulat na lang siya nang maglabas ng limang bote ng beer si Caleb. "Ano, game?"

"Game!" excited na sagot ni Ray kaya napatawa si Anxo.

"Pass muna ako," sabi naman ni Anxo. "Bawal pa raw sabi ni Doc." 

"Maaga ako tom, so pass muna rin ako," sabi naman ni Tara.

"Ikaw bro?" tanong ni Caleb kay Mark nang lingonin ito.

"Okay lang."

Nakailang bote na sila ng beer nang ungkatin ni Caleb ang nangyari noong nakaraang Linggo during the uncanny beer ritual. Hindi na sila umalis sa dining area.

"Hindi ko masyadong maalala e," tugon ni Ray.

"Nung halos malunod ka sa pool."

"Totoo ba? Lasing na siguro ako noon."

"Pero totoo ba ang sinabi mo no'n?"

"Na ano?" Medyo kinabahan si Ray. Tanda niyang tumubog sila sa tubig bago pa umalis sina Tara at Anxo sa pool area. Pero hindi na niya maalala ang naging usapan nang nasa tubig sila.

"You told us you like Anxo," sabat ni Mark.

Naramdaman ni Ray ang biglang pag-init ng mukha. "Ano ba kayo guys? Lasing lang ako no'n? Naniniwala ba kayo sa mga sinasabi ng lasing?" palusot niya habang pinipilit ang ngiti.

"Sabi nila hindi raw marunong magsinungaling ang taong lasing," sabi ni Caleb. Noon na rin ito lumipat sa tabi ni Ray kaya naiwan si Mark sa kabilang bahagi ng mesa.

"Sus, ako 'yung may katawan, mas alam ko ang totoo at hindi. That's why I'm telling you guys that's not true," tanggi pa niya. Pinipilit niyang itago ang kaba sa boses.

"I just thought maybe you're right for Third. Since we brought up na titira ka rito, maraming nagbago sa kanya," bida ni Caleb. Tumingin ito kay Mark para sabihing sumang-ayon ito sa sinabi niya.

"Like what?" she asked.

"Like accepting our offer to him... to go back to this penthouse."

"Bakit, kumusta ba ang penthouse noon?" tanong ulit ni Ray. "Bakit parang lahat kayo ay bago rito?"

"Mag-isa lang ako rito. Halos isang taon din na gano'n," sabi naman ni Mark.

"Really? Sa laki ng penthouse na 'to?"

"Yes, sino ba namang magulang ang gugustuhing isama ang anak nila sa isang bastardo? Sa isang illegitimate son."

"Bro, ayan ka na naman. Wala namang gano'ng issue," sabi ni Caleb sa pinsan.

"Sorry," tipid na sagot ni Mark na mapula na rin ang mukha. 

"Ano bang nangyari?" sabat pa ni Ray.

"'Wag ka nang mag-pretend na 'di mo alam," singhal ni Mark.

"Sungit mo na naman. I mean, I know na half-brothers lang kayo nina Anxo at Mr. Aki, and I know na lumaki kang kasama ng mom mo, you helping her out sa resto niya. Tapos may bar din kayo. That's all I know." Alam rin ni Ray na siya naman ang may kasalanan kung bakit naungkat ang topic na 'yon.

Tumayo si Mark para magtungo sa kusina. Tinapik naman ni Caleb ang balikat ni Ray.

"May nasabi ba akong masama?" tanong ni Ray kay Caleb.

"Wala naman. Pagpasensyahan mo na si Mark, sobrang dami lang niya talagang pinagdaanan."

"Lately, parang naging sensitive 'yang pinsan mo. May nangyari ba sa kanya recently?"

"Siguro 'yung bagong rumors sa office when he recently got promoted."

"Ano bang rumor 'yon?"

"Well, dapat raw at least bachelor's degree ang natapos ni Mark bago siya pinromote."

"Grabe naman 'yon. Alam mo 'yang mga pakialamerang 'yan, kulang 'yan sa yakap nung mga bata sila kaya ganyan sila. Kung kaya naman ng tao ang job roles, bakit nila pipigilan?"

"At some point, you can't blame them 'yung iba ro'n 15 to 20 years na sa company, may master's degree pa, 'yung iba sa US at Japan pa nag-aral, samantalang si Mark ay isang taon pa lang sa company tapos alam nga nila na undergrad ito. But I know Mark, it won't bother him that long. Bilis niyang matuto, at ang galing umisip ng strategies. I guess, it runs in the blood."

Naalala ulit ni Ray ang sinabi nito kay Mark about nepotism nung kumain sila ng ramen. Nakonsiyensya na naman siya at para bang naiintindihan na niya ang pinanggagalingan nito. Tulad niya, marami rin itong insecurities. Pero pilit niya iyong itinatago at pinaglalabanan. Sakto namang bumalik sa harapan nila si Mark na may dala pang tatlong bote ng beer. "Kaya pa?" seryoso at walang ngiting tanong nito.

"Sige ubusin na lang natin 'yan," sagot ni Ray nang habulin nito ang tingin ng binata. Noon din nagpaalam si Caleb para mag-yosi sa pool area. Nang iangat naman ni Mark ang tingin mula sa binuksang bote ng beer, noon niya nahuli ang tingin ni Ray sa kanya.

"What?!"

"Wala lang. May naalala lang ako," she replied.

"Naaawa ka sa 'kin?"

"No, hindi 'yon."

"Okay lang. Sanay na ako."

"'Oy, hindi nga. Hindi ko lang ma-imagine na ang number one bestseller ng KB, nasa harapan ko lang ngayon. Kasama kong uminom ng beer. Nakakausap ko nang personal. Alam mo 'yun, super late ko lang ma-realize how lucky I am."

Napasinghal tuloy si Mark dahil sa naturan ni Ray. Halatang ayaw nitong maniwala. "Sorry pala last time," sabi na lang nito nang maalala rin ang nangyari noong beer ritual. "Not forcing you to read my book. I didn't mean it that way."

"No, tama ka naman e. Pero tapos ko na siyang basahin. At ngayon ko lang naintindihan kung bakit iyon ang pinili mong ending. Ang galing mo, pa'no mo nasulat 'yon?"

"Wow, thank you at pinagtiyagaan mo 'yung basahin. There's this person I met years-years ago who told me I should write a story. Siguro, tumatak 'yon sa akin, kaya nadala ko hanggang sa kaya ko nang magsulat."

"Wow. Sobrang special siguro ng taong 'yon. Ang well, deserve mo namang maging best-seller. I mean it's not because your family owns FATE Publishing, hindi naman mapapansin ng maraming readers ang book mo kung hindi talaga siya maganda at kung wala kang talent."

"Tama na ang bola, Raymen girl. We're cool. Sorry, I'm being like this."

"Seryoso ako sa mga sinabi ko." Hindi niya maintindihan pero para bang gusto na rin niyang pagmasdan ang mukha ng binata. Siguro, gusto niyang malaman ng binata kung gaano siya kasinsero sa sinasabi niya.

Pero ngiti lang ang isinagot nito kay Ray bago niya ibalik ang tingin sa bote ng beer.

"May girlfriend ka ba? Just curious." Nagulat din si Ray sa tanong niya sa binata. Siguro, wala na rin siyang maisip na ibang topic na p'ede nilang pag-usapan.

Tumawa si Mark at hindi sumagot sa tanong ni Ray.

"Ay private," bulong ni Ray bago laklakin ang huling bote ng beer. "As if namang ikalat ko sa socmed kung sino 'yon, of course, I'll respect your privacy," tuloy-tuloy pa niyang sabi. 

"Bakit gusto mong malaman?" seryosong tanong ni Mark. Tiningnan siya nito sa mga mata habang inilalapit nito ang mukha sa kanya.

"Eh kasi magkakasama na naman tayo sa bahay so siguro dapat alam na natin 'yung mga ganong detalye. If you're single, any girl you're dating or someone else you like, things like that, mas mainam sana kung alam namin," sagot nito habang iniiwas ang mga mata sa tingin ng binata. "To prevent any misunderstandings, if you know what I mean." 

"There's this girl that I like," bulalas ni Mark nang bahagyang tumungo. He paused. Napalunok si Ray. "But I know, that she's already in love with someone else."

"E 'di ipaglaban mo, susuko ka na ba agad?"

"No, it's not like that. She's someone else's happy pill now. Kaya ko bang kunin 'yung happiness na 'yon, away from that person? Magiging masaya ba ako kung gagawin ko 'yon?"

Mas napako ang tingin niya sa binata dahil sa sinabi nito. Mas lalo siyang naging interesado rito. Para kay Ray, may point si Mark. Hindi niya tuloy alam kung anong isasagot dito. Nadi-distract pa siya sa tuwing mapapatingin din sa mukha nito. Lalo na sa tuwing bubukas ang mga labi nito habang nagsasalita. Tapos, 'pag nagsasalita pa ito parang kinakausap na rin siya ng mga mata nito. At parang habang tumatagal, unti-unti niyang nakikita ang hawig nito kay Anxo. 

Tumingala si Mark nang hindi makarinig ng sagot mula kay Ray. Mamula-mula pa rin ang pisngi nito.

"Magiging complicated lang 'yan kung gusto ka rin ng girl? Tingin mo ba gusto ka rin niya?" sabi na lang ni Ray, after seeing Mark's Adam's apple moved up and down.

"Tingin mo?" He looked at her as if she was this girl he was talking about.

AN: Hey, Hunters! This is the complete #Chapter13. If you like this chapter please don't forget to vote, by clicking the star button, and leave your comments. ❤️❤️❤️

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...