Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

95.3K 4.6K 590

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
📍Announcement 📍

Chapter 23

1.3K 75 4
By CuteLazyPig


Chapter 23: Partners

Cassandra's POV.

Hingal na hingal ako pagka hinto sa harap ng pintuan ni Miss Clever, habang si Jake ay nakatingin lang saakin na parang wala s'yang pake.


Nagsisimula na akong mainis ng todo sakaniya. Bakit kasi ang bilis n'ya mag-lakad? Hindi n'ya pa ako hinintay kahit naka ilang tawag na ako sakaniya. Pinag-titinginan na ako ng mga studyante at baka isipin pa nila na hinahabol ko talaga s'ya!


Nakakainis!


Narinig ko ang pagkatok ni Jake kaya umayos na ako ng tayo, kahit hinihingal pa rin. Bumukas ang pinto at tumambad saamin si Miss Clever na may binabasang kung ano sa kanyang table.


Nag-angat s'ya ng tingin nang mapansin na nandito na kami. Umupo ako sa sofa na kaharap ng table ni Miss. Inayos ko ang suot kong uniform nang makita na gusot ito.


Nagulat ako nang bigla akong abutan ng tubig ni Jake bago umupo sa tabi ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil sa ginawa n'ya pero sinuklian n'ya lang ako ng isang ngiwi.


"Ang bagal kasi" he said, sapat lang para marinig ko.


Hinarap ko s'ya ng kaunti at palihim na sinamaan ng tingin. "Excuse me? may sinasabi ka?" sabi ko sakaniya.


Saglit n'ya lang ako sinulyapan at tinuon na kay Miss Clever ang atensyon n'ya. Nabaling ko na rin ang atensyon ko kay Miss Clever nang marinig ko ang tikhim n'ya.


Diretsong nakatingin saakin si Miss Clever na parang sinusuri ako. "Any update about the training? Miss Soulford?" seryosong sabi ni Miss.


Napalunok ako nang marinig ang tanong na 'yun...hindi pa naman ako handa.


Tumingin ako kay Jake na pinaniningkitan ako ng mata. Ano!? baka nakakalimutan mo na ikaw may kasalanan kung bakit ako nagsinungaling! hmp.


Anong sasabihin ko?


"Everything's fine, Miss. N-nalibot ko na po ang hideout at natandaan ang mga pasikot-sikot. M-maayos din naman po ang training." sabi ko habang pinipigilan ang aking hininga.


Nagbaba ako ng tingin nang hindi na makayanan ang sinasabi. Alam ko na iba na ang kulay ng mga mata ko ngayon. Iyon ang magiging ebidensya na nagsisinungaling ako. Nahihirapan akong mag focus para baguhin iyon dahil sobra ang kaba ko saaking kinau-upuan.


"It's good to know...Mind telling me about her skills, Jake? Ayos ba ang pagsasanay n'yo?" naramdaman ko ang pagtayo ni Miss Clever.


Pinagpapawisan na ako sa aking kinauupuan dahil sa nangyayari. Mahuhuli  na ba kami? Si Jake naman ang may kasalanan eh! s'ya ang nag sabing "busy" daw s'ya kaya si Isabelle nalang ang kasama ko.


Siniko-siko ko si Jake para mag salita. Nangunot ang noo n'ya na halatang ayaw n'ya sa ginagawa ko ngunit sinamaan ko s'ya ng tingin at alam kong nakita n'ya sa mata ko ang inis.


He cleared his throat before speaking "She's good, but she lacks in strength and focus. She needs to practice more." malamig n'yang sabi.


What? Hindi n'ya naman nakita ang training ko ni isang beses! paano n'ya nasabi na kulang ako sa lakas at focus!? This guy!


Tinignan ko sy'a ng diretso sa mata at pinaningkitan.


I improved a lot. Belle told me that I'm doing great tapos ganyan lang sasabihin n'ya saakin? I trained for two weeks at sobra ang hirap non saakin dahil bago palang ako.


"I see. Marami pa naman time si Miss Soulford para matutunan ang ibang bagay. She's new and I understand if hindi n'ya pa kaya lahat. As long as you accompany her in every training, I think she can learn many things from you." nakangiting sabi ni Miss.


Kinuha n'ya ang isang file sa lamesa bago umupo ulit sa kaniyang upuan. Saakin parin nakatuon ang tingin n'ya na para bang kanina n'ya pa ako pinagmamasdan.


Pinilit ko talaga na ma bago ang kulay ng aking mata dahil baka makahalata na si Miss Clever kung bakit hindi ko s'ya matignan ng diretso.


I need to change my eye color right now! Nag focus ako ng maigi para magawa ang nais. Nang ma siguro na napalitan ko na ang kulay ng aking mata sa kulay asul ay tinaas ko ang aking ulo upang salubungin ang titiig ni Miss Clever.


Nagulat ako nang mas lalong lumapad ang ngiti n'ya saakin. Alam na kaya n'ya?


"Pinanindigan n'yo talaga, Huh?" sabi n'ya sabay taas ng isang kilay.


kumalabog ng sobra ang puso ko dahil sa kaniyang sinabi. Nang mapagtanto ang ibig-sabihin no'n ay nanliit ako sa kahihiyan. 


Tinignan ko si Jake na hindi nag bago ang pagkakatitig. Mukhang wala lang sa kanya ang nangyayari.


Tumawa si Miss Clever nang makita ang aming reaksyon o saaking reaksyon dahil walang mababakas na kahit ano kay Jake kundi pagka-bored.


"Did you really think na hindi ko malalaman?" sabay sabi ni Miss.


Hindi ako makapagsalita dahil sa nararamdaman. Gusto ko nalang umalis dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.


"I'm sorry, Miss Clever." sabi ko.


"Its ok, Miss Soulford. I know you don't want this to happened, right?"


Hindi ako kumibo nang marinig iyon mula sakaniya. 


So alam ni Miss na si Jake ang may kagagawan nito?


"Don't worry, I'm not mad.." pinirmahan n'ya ang papel na hawak n'ya kanina bago inilipat sa kabilang page. Tumingin s'ya saamin bago ibaba iyon sa kaniyang tabi. "But don't expect that I will just forget it and forgive the both of you." dugtong n'ya.


Wait! Paparusahan n'ya kaya kami?


"What do you mean, Miss?" sabat ni Jake sa isang malamig na tinig.


Tinignan ko s'ya at nakitang nakatitig lang s'ya kay Miss habang si Miss Clever ay nakatitig parin saamin.


"I will punish the both of you" sabi n'ya.


Nagugulat kong tinignan si Jake nang marinig iyon. What!? May punishment!? Gosh! I knew it.  Hindi dapat ako pumayag!


"Don't worry, It's just a simple punishment for the both of you, dahil nakita ko naman na may natutuhan si Miss Soulford sa ginawa nilang training ni Miss Lancaster."


So alam n'yang si Belle ang kasama ko? All this time ay alam n'ya?


"I'm amazed, Miss Soulford. Your eyes are supposed to be color violet because I know you're lying, but I was surprised that I saw blue and not violet when you looked at me! How amazing!" masayang bati n'ya saakin.


Hindi ko alam kung mag papasalamat ba ako sa sinabi n'ya gayong paparusahan parin kami.


"What's our punishment, Miss?" halatang naiinip na si Jake.


Tumawa si Miss nang bahagya dahil sa inasta ni Jake. Alam ko na alam na ni Miss ang ugali ni Jake kaya s'ya ganyan mag react.


"Starting today, you two will become partners in any major and minor missions. I don't care if you're the Head officer, Mr. Malfori. Partner mo s'ya at partner ka n'ya." sabi n'ya.


My eyes widened after hearing her punishments. Handa na ako umapila nang agad na mag-salita si Miss Clever.


"And that's final! No buts!....You may now go" sabi n'ya.


Hindi pwede 'to! This is unfair! Ayoko nga na kasama ang lalaki na 'to tapos s'ya pa ang partner ko? why so cruel, Miss. Huhu.


Aapila sana ulit ako nang tumayo na si Jake at maglakad papunta sa pinto.


"Per-"


"Miss soulford!" tawag ni Jake.


Naiinis ko s'yang sinundan ng tingin.


So okay lang sa kanya 'yun? S'ya nga ang may dahilan kung bakit kinailangan ko mag sinungaling! s'ya ang may ayaw na turuan ako!


Ha! Asaan na ang "No one can dictate what I have and should not do" mo Cassandra? I'm embarrased.


Mabibigat ang paa ko nang lumakad ako papunta sa pinto at mabilis na nilagpasan si Jake. Dire-diretso ako ng lakad, walang pake sa lalaking nakasunod hanggang sa makalabas ako ng building ni Miss Clever ay hindi ko s'ya pinansin.


Napahinto ako nang maramdaman na may hindi tama sa paligid.


Sinuyod ko ang paligid ko at pinakiramdaman. Lumingon ako sa likod ko at nakitang wala na doon si Jake. Nakikita ko ang pagsayaw ng puno dahil sa hangin at tanging huni ng ibon lamang ang aking naririnig.


Alam kong may hindi tama.


Humakbang ako ng dalawang beses at huminto ulit. Lilingon na dapat ako sa likod nang may maramdaman akong biglang tumama saakin.


Unti-unti akong nahilo saaking kinatatayuan. Pinilit kong lingunin ang parte na iyon ng daanan.


Nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa puno at may hawak na wand kaya ngayon ay nasisiguro ko na na ginamitan n'ya ako ng isa sa spells n'ya.


Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil masyado s'yang malayo at natatakpan ito ng telang itim.


Kumurap ako at bigla nalang s'yang nawala sakaniyang puwesto. Bumagsak ako sa lupa nang maramdaman ang pag-bigat ng aking talukap.


"Fuck!!"


Narinig ko ang mura ni Jake malapit saakin bago ako mawalan ng malay.

.

.

Isabelle's POV.

Apat na araw na simula nang dalhin si Cassandra sa clinic ng academy, at hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya nagigising.


Natignan na s'ya ng mga witch healers at sinabing isang spell ang ginawa upang makatulog s'ya ng ganto kahaba. Ang hinihintay nalang namin ay ang pagka wala nang epekto ng spell dahil ayon sa tumingin kay Cassandra ay masyadong malakas ang spell na ito.


At syempre isa akong Wizzard at kaming mga Wizzard ang gumagamit ng wand na nakakagawa ng spells. Ngunit ayun lamang ang identity nang may gawa kay Cassandra nito.


Si Master Jake ang nagdala kay Cassandra sa clinic, 4 days ago. Maging si Master ay may mga galos at mukhang napalaban din. Tinawagan ako sa dorm noong araw na iyon at binalitang nasa clinic si Cassandra.


Hindi nag-salita si Master Jake sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Cassandra. Ang tanging sinabi n'ya lang ay may nakapasok na ibang tao sa academy. Pagkatapos gamutin ang sugat ni Master dito sa clinic ay bumalik na s'ya sa hideout at pinagalitan ang mga tao doon dahil sa kapabayaan.


Kahit ako ay nag-tataka kung paano nakapasok ang taong iyon nang hindi nalalaman ng mga Incant killers. Siguro ay masyado nga kaming naging pabaya para hindi mapansin iyon.


Tumayo na ako sa aking upuan sa gilid ng kama ni Cassandra. Balak ko munang bumalik sa dorm para mag review at kumuha ng damit dahil hindi pa sigurado kung ngayon magigisng si Cassandra.


Binuksan ko ang pinto ng room n'ya at lumabas. Nakita ko si Blizz na nakasandal sa pader at nakayuko. Nag-angat s'ya ng tingin nang maramdaman ang presensya ko.


"Bakit ka nandito?" mahinahon kong tanong.


Sinarado ko ang pinto bago humarap sakaniya. Bakas naman ang pananant'ya sa tingin ni Blizz.


"Can we talk?" he asked.


"Hindi" agad kong sagot.


Tatalikod na sana ako dahil masyado na akong pagod para makipag-usap pa ngunit may humigit sa braso ko dahilan para mabalik ako sa dati kong pwesto.


Agad kong binawi ang aking braso mula kay Blizz. Pagod ko s'yang tinignan bago nag-salita.


"Ano ba, Blizz! can't you see? pagod ako. So please leave me alone!" sigaw ko sakaniya.


Tinignan n'ya ako ng may pagmamakaawa. Lalo lamang akong naiirita dahil sa kakulitan n'ya.


"Please? kahit 5 mins?" mahinahon n'yang sabi.


Pinagti-tinginan na kami dahil sa ginagawa n'ya at dahil sa pagsigaw ko kanina. Nakaramdam ako ng hiya kaya pinanatili ko ang sarili ko na kalmado.


"No" mahinahon kong sabi.


Unti-unti s'yang yumuko at hinayaan akong umalis. Pagkadating ko sa dorm ay naligo na ako at nag-aral dahil may quiz ako bukas.


Excuse si Cassandra dahil alam naman ng mga teachers na nasa clinic parin s'ya hanggang ngayon. Simula nang nabalitaan ko na nasa clinic s'ya ay doon na ako sa clinic nag papalipas ng gabi para mag bantay kay Cassandra, at uuwi lang kapag papasok na o kaya kukuha ng gamit o damit.


Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko kaya napabaling ako doon. Kinuha ko ito at tinignan. Nakita ko ang isang text mula kay Blizz.


Hindi ko ito binuksan dahil alam kong kukulitin n'ya lang ako na mag-usap kami. I'm done believing his lies kaya bahala s'ya sa buhay n'ya.


Nang matapos akong mag review ay pumunta na ulit ako sa clinic para kay Cassandra. Nasa Private room si Cassandra kung saan malawak ang space. Sa sofa ako natutulog kapag nagbabantay.


Sinilip ko muna ang labas ng kwarto ni Cassandra bago ako tumuloy dahil baka nandoon na naman si Blizz. Nang makitang wala s'ya doon ay pumasok na ako sa kwarto ni Cassandra.


Pagpasok ko ay nakita ko ang mahimbing parin sa tulog na si Cassandra. Hindi ko maiwasang malungkot. She's still new here. 


Humanda talaga ang gumawa nito sa kanya! sisiguraduhin ko na magbabayad siya sa ginawa n'ya ngayon.


Napahinto ako saaking kinatatayuan nang mapansin ang table sa gilid ng higaan ni Cassandra na puno ng mga pagkain. Mukhang may dumalaw.


Hinayaan ko nalang iyon at umupo na sa sofa. Tinignan ko ang maamong mukha ni Cassandra mula saaking kinau-upuan. Kahit ilang linggo ko palang s'yang kilala ay feeling ko taon na ang lumipas.


Hindi kasi s'ya mahirap basahin at hindi s'ya mahirap pakisamahan. Masyado din s'yang mabait sa mga nasa paligid n'ya na alam n'ya na kailangan n'yang protektahan kahit hindi na n'ya maprotektahan ang sarili n'ya.


Napangiti ako nang maalala na hate na hate n'ya ang pagtawag ng Master Jake kay Mr. Malfori. Alam ko na nayayabangan s'ya kay Master kaya n'ya nasasabi ang mga bagay na iyon. Hindi n'ya lang alam ang totoong ugali ni Master.


Ewan ko kung bakit ganon ang naging pagkakakilala ni Cassandra sakaniya. Ang totoo ay cold talaga si Master Jake kapag nasa paligid ng academy. Tutok sa trabaho sa organization pero mabait naman 'yun! kahit natatakot din ako sakaniya kapag may mali akong nagawa.


Lagi silang magkakasama nila Liro at Blizz dahil sila ang matatalik na mag kaibigan. Si Fiona naman ay dikit ng dikit kay Master Jake. Ewan ko kung anong meron sakanila pero hindi ko din masasabing wala at meron.


Ang kagaya ni Fiona na halos inaangkin lahat ng lalaki sa academy ay nakakarating din kay Master Jake, kaya syempre kung may "thing"sila bakit walang ginagawa si Master Jake about her issues, diba?


Niligpit ko na ang mga gamit ko at inilabas ang dala kong kumot. Humiga na ako sa sofa kung saan sakto lamang ako. Pinatay ko ang lamp shade saaking ulunan bago tumitig sa kawalan.


Sana lang ay magising na si Cassandra bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 2.2K 37
I
6.4M 240K 64
A battle between love and service.
2.5M 70.3K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
10.2M 544K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...