Elliot's Bed Warmer : ZBS 2

By bluekisses

1.4M 26.3K 3.3K

Dahil sa malaking pagkakautang ng ama ni Maxene, at ang nagbabadyang pagkuha ng pinagkakautangan nito sa baha... More

ZBS 2: Elliot's Bed Warmer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 14

28.4K 644 159
By bluekisses

Kabanata 14

Excited ako ngayon kasi sabi ni Elliot mamasyal kami. Mayroon siyang big bike motorcycle.

"Are you ready Max?" Tanong niya sa akin habang sinusuotan ako ng helmet.

Tumango ako sa kanya. Sa gulat ko ay binuhat niya ako at isinakay sa likod. Grabe si Elliot minamaliit ako. Pero mahirap nga naman sumampa sa taas ng motor na ito.

May dala akong isang maliit na backpack kung saan nakalagay ang mga gamit ko at extrang damit namin ni Elliot, may pang-swimming pa siyang pinalagay kanina.

Kumapit ako sa balikat ni Elliot. Actually, this is my first time to ride a motor bike tapos ang taas pa nito.

Lumingon sa akin si Elliot tapos nilipat niya ang dalawang kamay ko payakap sa bewang niya.

"Better?" He asked.

"Yes." I said na inayos ang pagkakaupo at pagkakayakap sa bewang ni Elliot.

Paikot kami sa bundok. Ang lamig ng hangin.

"Do you like the view baby?" Malakas na sigaw ni Elliot. Nakaangat kasi yong salamit ng helmets namin.

"Yes, Elliot!" Sigaw ko rin.  Narinig ko siyang tumawa.

Tumigil kami sa isang parang garden na may magandang view ng city.

"Ellie. Picturan mo ko dito." Pakiusap
ko sa kanya at inabot ang hawak kong phone.

He took some pictures of me in some spots. Tapos naglakad-lakad kami. I'm taking selfies too. Yong iba pa-simpleng sinasama ko si Elliot.

"Ellie, tingin ka." Tumingin siya tapos nagcapture ako. Tawang-tawa ako kasi mukha siyang gulat na gulat sa picture.

"Look at your face, Ellie." I said still laughing. "You're so cute." Nilingon ko siya, pero nakasimangot siya. Kaya tumigil ako sa pagtawa at nag-iwas ng tingin. Na-badtrip ko yata.

"Max!" He said tapos pag lingon ko pinicturan niya ako mag-isa. Itsura ko doon.

"Ellie! Burahin mo 'yan." Ang panget ko sa kuhang iyon. As in.

Pero binilisan ni Elliot ang paglalakad at para akong timang na hinabol-habol siya, sa laki ba naman ng hakbang niya. Nang maabutan ko siya ay pinilit kong abutin ang phone niya.

"No!" Paulit-ulit niyang sabi na tumatawa. Nang mapagod ako kakatalon ay tumigil na ako.

"Okay, picturan mo na lang ako ng bago." Nagpacute ako sa harap niya. Pero hindi niya ako pinicturan.

"Come here." Lumapit naman ako kay Elliot. Umakbay siya sa akin and took a picture from us mula sa taas. Mga ilang shots din iyon. May nakangiti si Elliot merong seryoso lang. Pero ako, ngiting-ngiti.

Doon na rin kami naglunch. Nagulat ako na si Elliot pa ang nagyayang kumain sa isang karinderia roon. Sinugbang manok at baboy. Tapos pusô—kanin na nakabalot sa dahon ng niyog. Kuwentuhan at tawanan kami habang nasa byahe.

"Elliot, may tatanong ako sa 'yo." Curious na talaga ako kaya tinanong ko na. Bumaling siya sa akin kaya naglakas loob akong magtanong.

"'Yong babae sa phone mo, who is she?" Tanong ko sa kanya. Alam kong natigilan siya at tumingin sa phone niya. May notification kasi kaya naka-bukas ang ilaw nito.

"She's Abbie. My ex." Pagkasabi niya noon ay tumayo siya at lumapit na sa counter. Binyaran niya ang kinain namin.

"Let's go Max." He said na dire-diretsong lumabas. Ayaw niya pag-usapan si Abbie, kaya hindi na ako nangulit.

Wala nang kibo si Elliot hanggang sa pinatakbo na niya ulit ang motor. Hindi na lang din muna ako nangulit. Kasi ayokong ma-badtrip siya. Pasimple ko siyang sinisilip sa salamin sa harap. Masyadong seryoso ang mukha niya.

***

Halos pahapon na rin nang makarating kami sa isang beach resort. Sabi niya ay doon kami matutulog ngayong gabi dahil magwe-whale watching kami sa umaga. Hindi gaanong matao rito ngayon dahil. Off season. Summer daw ma-tao rito ayon sa nakausap kong crew.

"Ellie, magpahinga ka muna. Mamaya na mag-shower, pagod ka sa byahe." Sita ko kay Elliot noong aakto siyang papasok sa CR. "Pupunasan ko rin ang pawis mo sa likod." I know that I sound like a mother now. E sa ganoon talaga kapag nurse. Maalaga.

"I'm not a kid." Iiling-iling na sabi niya. "I will just pee." At pumasok na nga siya sa CR.

Inayos ko muna ang maliit na backpack ko sa isang side. Umorder na si Elliot ng dinner namin.

Maliit na kwarto lamang ito. Hindi naman din gaanong bongga ang resort na ito. Pero siguro irerate ko na three star. Medyo malayo na rin kasi ito sa city.

Lumabas si Elliot na nakatapi na lang ng tuwalya. Hindi naman basa ang buhok niya. So I think hindi siya nag-shower.

"Gusto mo bang magpunas na lang ng towel?" I asked him. "Wait I'll get you a towel." Nagmamadali akong pumasok sa loob ng CR. Medyo hot kasi ni Elliot sa labas.

Naglagay ako sa tabi ng maligamgam na tubig. May heater naman dito. Tapos kumuha ako ng isang maliit na towel sa drawer ng isang counter.

"Here." Inabot ko sa kanya ang towel. "Maghalf-bath lang ako."

Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay hinuli na ni Elliot ang kamay ko. Hinila niya ako at napaupo sa kandungan niya.

"Help me." He said with a naughty smile on his face.

"I'll help you, Mr. Zaragoza. Pero tandaan niyo pong, darating pa ang dinner natin. Baka mainip ang magseserve kapag 'di agad tayo lumabas." I warn him.

"I think I want to eat something else." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ellie." Nahampas ko siya sa braso, dahil pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko. Kahit halos maglilimang buwan na ang set-up namin ay naiilang pa rin ako kapag nagsasalita ng ganito si Elliot.

Ding! Pakiramdam ko ay saved by the bell ako dahil sa pagtunog ng doorbell.

"Maayong gabi-i Mam! Here's your dinner for tonight. If you need anything just dial our service. Enjoy your meal." Sabi ng babaeng naghatid ng pagkain namin. Tinulak ko na papasok ang cart. Doon na rin kami mismo kakain. Buti may extra chair. Doon na ako umupo at si Elliot naman sa kama. Magkaharapan kami.

"Ellie, kain muna tayo bago mag-shower at magpahinga. Maaga pa tayo bukas di 'ba?" Diniinan ko ang huling sinabi ko dahil pakiramdam ko, iba na naman ang nasa isip niya.

"Of course." He said na nag-umpisa nang kumain. Sinigang na hipon, cheesy baked tahong at grilled pusit ang inorder ni Elliot kanina. Sobrang sarap ng pagkain. Fresh na fresh.

"Ellie. Are you happy?" Napaangat ang tingin ni Elliot mula sa kinakain niya at sumulyap sa akin na nakakunot ang noo.

"Never mind." Sabi ko na lang na nagpatuloy sa pagkain.

"Yes, I am. Thanks to you, Max." Akala ko ay nahulog ang puso ko sa sinabi niya.

I think he enjoys being with me.

"Ellie, salamat din dahil sa binigay mo sa 'king consideration." Umpisa ko na tumingin sa kanya pero nag-iwas din ng tingin. "I know that you value your money and resources, pero hinayaan mo akong bayaran ang utang ng papa ko sa ibang paraan." Hindi ko alam kung bakit ko in-open ang tungkol sa agreement.

Hindi siya kumibo kaya nagpatuloy ako. "We're almost on our fifth month." Tumigil ako saglit at sumulyap kay Elliot. Nakikinig lang siya. "Noong una para sa akin ang tagal ng anim na buwan. Na parang gusto ko nang hilahin." Tumawa ako ng bahagya para hindi ako magtunog nagdadrama.

"Pero ang bilis pala ng mga araw. Ngayon—" naputol ang sasabihin ko sa pag-ring ng phone ni Elliot.

"Excuse me, Max. I have to take this call."

'Ngayon, parang ayoko nang matapos ang anim na buwan.'

Minasdan ko si Elliot na paroo't parito sa tapat ng bintana. Tinitingnan ko siya na para bang ayaw kong malimutan ang itsura niya. Binawi ko lang ang tingin na iyon nang ibaba niya ang phone niya.

"What were you saying?" Tanong niya noong makabalik.

"Ah-hmm, wala. Kain na ulit tayo." Ngumiti ako ng pilit. Siguro kaya may tumawag dahil hindi namin dapat iyon pag-usapan.

Tahimik naming tinapos ang hapunan. Pagod din siguro si Elliot kaya hindi na siya masyadong nag-usisa.

After kumain ay nauna na akong mag-shower. Naabutan ko naman si Elliot na tapos nang magpunas at nakabihis na ng pantulog.

May dala pa pala siyang extra na mga damit na nilagay niya sa ilalim ng upuan ng motorbike.

"Let's sleep, maaga pa tayo bukas." Sabi niya na humiga na sa kama. Umikot ako sa kabilang side ng kama at humiga na.

Ang tamihik. I feel awkward. Magkatalikuran kami sa kama. Wala kaming pinag-uusapan. Madalas kasi pag magkasama na kami sa kama. Alam na agad ang kasunod na gagawin.

Wala lang naman kaming ginagawa kapag dumating ang isa sa amin na tulog ang isa. Halimbawa kapag iba ang shift ko. It's either si Elliot ang unang tulog o ako ang inabutan niyang tulog.

Kapag naman time of the month. Ninonote ko 'yon sa calendar kaya alam ni Elliot.

Nasa ganoon akong pag-iisp nang maramdaman kong bumaling si Elliot. Nanigas na lang ako nang maramdaman ko ang mga bisig niya na pumulupot sa beywang ko.

Hindi agad ako nakakilos. Nakiramdam ako sa susunod niyang gagawin. Pero, malalim na paghinga lang ang narinig ko.

Dahan-dahan akong pumaling paaharap sa kanya. Maingat na hindi ko siya magising.

Tinitigan ko si Elliot. Ang mga pilik mata niyang mahahaba, ang ilong niyang matangos at ang labi niyang laging nakatikom pero grabe kung humalik.

Natawa ako ng bahagya sa description ko sa labi niya. Nangilabot din ako sa isipining nabaybay ng labing iyon ang buo kong katawan.

Mahigit isang buwan na lang kaming magkakasama. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nakatabing sa noo niya.

"Elliot, bakit mahal na kita?" Mahinang tanong ko sa tulog na kaharap ko. "Alam ko mali ito, akala ko noong una hindi posible. Pero kasi pinakita mo sa akin na hindi lang ako bayad utang." Huminto ako saglit at inisip ang tamang salitang gagamitin.

"You made me your girlfriend, pinakilala mo ako sa mga kapamilya mo. You made me special, Ellie." Huminga ako ng malalim. "Sa ilang buwan nating nagkasama, you've been so gentle, ayaw mo pa nga ako payagan sa set-up natin when you found out that I am a virgin. You are a true gentleman. Kailan man hindi mo pinakita na bayarang babae mo ako." Kung tama ang ginamit kong term.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Bakit ako naiiyak?

Pinahid ko ang luha ko at umayos na ng higa. Nanatili akong nakaharap kay Elliot at isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya.

Bahala na kung anong mayroon bukas o sa mga susunod na araw. Basta alam ko na mahal ko na si Elliot.

ITUTULOY...

~~~

Author's Note:
Sorry kung masyadong matagal. Naging busy lang sa work. Anyways, hope you enjoyed this update. Salamat sa matyagang paghihinatay.

Love lots!

-Leyn 💙

Continue Reading

You'll Also Like

29.7M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
4.9M 113K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed by her most hated billionaire, either by ha...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
13.1M 497K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...