Mr. Right (BTS Jin FanFiction)

By EXOARMY89

12.8K 432 152

More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Author's Note
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Special Chapter (Jungkook and Kryzzet)
Special Chapter (Suga and Zarina)
Chapter Seventeen
Author's Game
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
BTS ♥
Chapter Twenty-Four
Final Chapter Pt. 1
Final Chapter Pt. 2
EPILOGUE

Chapter Seven

369 16 5
By EXOARMY89

Hi, ate Stelle~ inspired po ako sa Daddy Kookie.  Silent reader po ako kaya ayon.. ^_^

*

Ellaira's POV

Nandito kaming magbabarkada sa Airport. Ngayon kasi ang dating ni Angelika Gonzales, ang girlfriend ni J-Hope.

"Oh my goodie~ I can't wait to see her! I'm sure na mas lalo siyang gumanda ngayon!" Masayang sabi ni Ayesha.

Ako lang ang hindi nakakakilala kay Angelika dahil third year college sila nong nag-transfer siya sa university na pinapasukan nila.

"Haha! Yeah. Nasaan na ba sila J-Hope? Aba naman! Kanina pa sila nagsasabi ng 'malapit na', pero hanggang ngayon wala pa!" Medyo asar na reklamo ni Kryzzet.

"Che! Miss mo lang si Jungkook! Parang kahapon di kayo magkasama ha?" Nang-aasar na sabi ni Samantha. Namula naman si Kryzzet kaya tinawanan namin siya.

"Tama na nga yan! Wait, si Angelika na yun!" Saway niya pero bigla siyang may tinuro na babaeng naka dress at fur coat.

"Angelika Gonzales!" Malakas na sigaw ni Zarina kaya napalingon lahat ng tao sa amin, pati yung tinawag niya na ang lapad ng ngiti samin.

"Aray!" Sigaw ni Zarina, binatukan kasi siya ni Ayesha.

"Nakakahiya ka." Natatawang sabi ni Ayesha kaya sinimangutan siya ni Zarina.

"Girls! Omg! Na-miss ko kayo!" Masiglang sabi ni Angelika at isa-isa silang niyakap.

"Ikaw si Ellaira, diba? Lagi kang naiku-kwento nila Ayesha sakin! Nice to meet you!" Nakangiting niyakap niya ako at nakipag-kamay.

"Wow. Ang ganda mo na ah!" Puri sa kanya ni Charlotte.

"Matagal na akong maganda. Ano ba!" Natatawang sabi niya at nag-flip hair. Hahaha. I like her, kalog din katulad ko.

"Para kang tanga, Angel. Kanina ka pa tawa ng tawa." Kunwari naiiritang sabi ni Charlotte.

"Eh sabi kasi ni J-Hope, maganda daw tawa ko." Kinikilig na sabi niya. Napaubo bigla si Kryzzet.

"Sira. Mukha kang biik na umiigik!" Sabi ni Ayesha kaya naman nagtawanan kami.

"Ang bad niyo! Kadarating ko lang ginaganyan niyo na ako." Nakasimangot na sabi niya. Tinapik naman siya ni Sam sa balikat na para bang dinadamayan.

"Hi! Kanina ka pa? Pasensiya na, na-traffic kasi kami." Hinihingal na sabi ni J-Hope. Lumapit naman sa kanya-kanyang girlfriend ang iba at humalik.

"Hindi naman. Kamusta, Baby? I missed you!" At naglambingan na nga sila. Ay wait, pati pala ang iba. Tsk

"Nasaan pala si Jin?" Nagtatakang tanong ni Ayesha kay Rapmon.

"Ewan. After ng photoshoot namin nagmamadali siyang umalis." Tumingin naman sila sakin kaya nagkibit-balikat ako.

"Baka may emergency lang sa kanila." Sabi ni Jungkook na nilalambing si Kryzzet.

"Ano ba! Mamaya na nga yang lampungan niyo." Saway ni Zarina sa kanila kaya naman kinurot siya ni Suga sa pisngi.

At naglampungan pa sila sa harap ko bago nila maisipang magyayang kumain.

---

"Relax, parang ikaw ang ikakasal ha." Natatawang bulong ni Jin. Kanina pa kasi ako bumubuntong-hininga.

Nasa labas na kami ng simbahan at inaayos na mga kasali sa entourage. Hinihintay nalang ang bridal car.

"Wag ka nga mang-asar." Nakasimangot na saway ko sa kanya.

Nakita ko naman si Jeric na pasimpleng sumusulyap samin ni Jin habang kinakausap siya ng fiancee niya. Napangiti ako. Ibig sabihin ay nagtagumpay ang plano ko na ipamukha sa kanya na di ako tatandang dalaga. Na makakahanap din ako ng iba.

"Halika nga dito." Sabi ni Jin at bigla akong niyakap. Napasandal ako sa dibdib niya at naaamoy ko na naman ang masculine scent niya.

"Once you walk down the aisle, look straight ahead and smile. Isipin mo na lang na nasa dulo ako at naghihintay sayo." Sabi niya at lalo naman akong na-tense at kumabog pa ng mabilis ang puso ko.

"H-ha?" Naiilang na nasabi ko nalang. Bumitiw na siya sa yakap at tinitigan ako sa mga mata.

"Well, para may bubulong sayo na 'Mukha kang tao ngayon, pangit.'" Sagot niya kaya naman kinurot ko siya sa braso dahil sa inis. Okay na eh! Kikiligin na sana ako! Bwisit!

"Joke lang! Masyado kang high blood. Ayan na bridal car. Goodluck." Sabi niya at kinindatan ako. Dumila lang ako sa kanya at sinundan siya ng tingin.

"Boyfriend mo ba yon?" May nagtanong mula sa likuran ko. Pumihit ako at nakita ko si Jeric.

"Oo." Medyo nagmamalaking sabi ko. Medyo naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya. Buti nalang tinawag siya ng wedding coordinator.

Ilang sandali ay nag-umpisa na ang march. Nauna si Jeric kasama ng pastor at groom. Sumunod ang mga abay at ang huli ay kami ng bride. Ang ganda ni Arianne ngayon at kitang-kita ko ang kasiyahan sa mga mata nila ni Kai.

---

"May I dance with the maid of honor?" Nagulat ako ng may nagtanong mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Jeric na agad akong hinila papunta sa dancefloor. Ni hindi pa nga ako sumasagot. Tsk

Pinagbigyan ko nalang siya dahil chance na rin to na mabawi ko ang pride ko na inapakan niya noon.

"You look beautiful as always, Elle." Sabi niya habang nagssway kami pakaliwa at pakanan. Nasa bewang ko ang dalawa niyang kamay.

"Kamusta ka na? Hindi ka naman masyadong atat na maisayaw ako no? Di mo man lang ako binigyan ng chance na humindi." Nakangising sabi ko.

"Nagbago ka na talaga. Tatanggihan mo ako?" Nakangisi rin siya. Ang sarap niya lang bangasan. Huh!

"Oh, hindi naman sa ganun." Sagot ko. Oo dapat pero ayoko naman maging bastos.

"So.. do you still love me?" Lalo pang lumaki ang ngisi niya sa tanong niya na yun.

"I have a boyfriend." Maikling sagot ko. Medyo nawala na rin ang gulat.

"Do you call that bastard your boyfriend?" Nakangisi niyang tanong at nginuso si Jin na nakikipagtawanan sa grupo ng mga babae.

"Yes. Remember, sikat sila. Di maiiwasan ang ganyan." Pagtatanggol ko kay Jin.

"Oh, really? If I were him, di kita iiwanan mag-isa. Malay natin, merong isa dito na gusto kang agawin." Nakangisi pa rin siya at hinapit niya pa ako kaya naman hinarang ko ang kamay ko sa pagitan natin.

"Ano bang sinasabi mo? Let me go, pupuntahan ko na ang boyfriend ko." Medyo naaasar na kasi ako.  Ang yabang talaga ng lalaking to! Nakakainis! Tinulak ko siya at naglakad paalis.

"Ellaira, wait! I was just kidding!" Mabilis niya akong naabutan at nahawakan sa braso.

"Let me go, Jeric. Doon ka na sa fiancee mo at tantanan mo  ako." Naiinis pa rin na sabi ko.

"She's right. Let her go." Hindi ko na kailangan pang lumingon para makita kung sino ang nagsalita. Boses pa lang alam ko nang si Jin yon.

"Stop harassing my girlfriend kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso." Feel ko ang galit sa boses niya kaya naman nilingon ko siya.

His expression is dark kaya naman medyo natakot ako. Nakakuyom pa ang kamay niya. Shocks! Kailangan ko ng paalisin si Jeric! Ayoko naman na magkagulo dito sa reception at nakakahiya!

"Hey, calm down. Nasobrahan lang ng wine si Jeric. Paalis na rin naman siya, right Jeric?" Hinawakan ko sa braso si Jin at tinignan si Jeric habang pinanlalakihan ng mata.

"Uh, yeah. Nice seeing you again, Elle. See you around." Sabi niya at nagmamadaling umalis.

"What the?" Gulat na sambit ko dahil bigla niya akong hinapit sa bewang at hinarap sa kanya.

"Akala ko ba wala ka nang feelings sa kanya?" Galit na tanong niya. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

"W-wala na nga." Medyo nautal pa ako.

"Bakit mo siya dinepensahan sa harap ko?" Tanong niya at lalo pang humigpit ang paghawak sa bewang ko.

"Hindi naman yun ang intensyon ko. Ayoko lang na magkagulo." Paliwanag ko.

Nagtitigan muna kami ng ilang segundo bago niya ako bitawan at marahas na bumuntong hininga. Ngumiti naman ako bigla kaya lalong kumunot noo niya.

"Are you jealous?" Ngumiti ako ng mapang-asar at sinundot-sundot siya sa tagiliran.

"Ofcourse not!" Asar na sabi niya at hinuli ang kamay ko.

"Sus. Umamin ka na kasi. May gusto ka sakin diba?" Tawang tawa na pang-aasar ko. Nakita ko naman na sumeryoso ang mukha niya kaya pinag-taasan ko siya ng kilay.

"Stop teasing me. I'm only doing this because I'm your fake boyfriend." Seryosong sabi niya. Tinawanan ko nalang siya kahit deep inside, may kung anong sakit akong naramdaman.

---

Jin sa side. ♥

Sorry ngayon lang nakapag-update.

Advance gift ko sayo to PrettyUglyyy. ♥

Happy New Year! Sana masaya kayong lahat. :)

Continue Reading

You'll Also Like

22.1M 534K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
400K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...