The One That Got Away (Comple...

By missheaven_

2.8K 125 26

Rei live in Lila City and he met a guy named Ethan. Ethan visit Lila City with purpose and Rei wants to help... More

BEGINNING
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
THE FINALE
HELLO READERS!!

CHAPTER 18

39 2 2
By missheaven_


Pumunta ako sa kinaroroonan ni Rei habang naghihiwa siya ng sibuyas at bawang. Seryoso ang mukha niya at hindi man lang napansin na lumapit ako sa kaniya.

"Rei, gusto mo ng tulong ko?" prisenta ko.

"Huwag na Ethan, malapit na naman 'to." malamig na sagot niya sa'kin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Oo naman, masaya ako kasi dumating na si Ate at magkakilala na kayo." sagot niya pero hindi man lang magawang tumingin sa'kin.

"Iyan ba ang masaya? Ang seryoso nga ng mukha mo parang hindi ka okay." nag aalalang tanong ko.

"Okay nga lang ako Ethan," usal niya na may halong inis sa boses niya.

Pagkatapos niyang maghiwa at maghugas ng kamay ay agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng bahay nila.

"There's any problem Rei?" I asked.

"Wala nga diba? Ilang beses ko bang isasagot sayo na okay nga lang ako. Wala tayong problema." sagot niya habang nakatingin sa kawalan.

"Talaga? But why are you acting like this? Bakit pakiramdam ko ay may problema ka. Hindi mo ako kinakausap ng maayos."

"Ha? Anong hindi? Sinasagot nga kita diba? Kinakausap kita ng maayos Ethan. Ano pa bang kulang?" naiinis na tanong niya.

"Okay, fine. We're okay." I said at hinayaan na siyang pumasok ulit sa loob.

Nang lumabas si Khlea sa kwarto niya ay lumapit siya sa'kin at tumabi sa'kin umupo sa sofa.

"Okay ka lang? Bakit parang may problema ka?" nag aalalang tanong niya sa'kin.

"Oo okay lang ako. May iniisip lang," nag aalinlangan kong sagot.

"Huwag mo na isipin kasi halatang ikakalungkot mo e. Dapat positive lang iniisip mo para masaya ka."

Hindi na ako umimik at tumango na lang ako sabay ngiti para hindi na siya mag akalang may problema ako.

"Alam mo ba na sobrang bait niyang kapatid kong si Shawn, napaka maalaga din. Hindi ko hinahayaan na magpapaligaw 'yan sa hindi makakabuti para sa kaniya. Dapat kapag may manliligaw sa kaniya ay 'yong handa siyang ipaglaban at mahalin ng buo. Kami nga lang ang magkakasundi niyan, kaya nakakalungkot na napapalayo ako sa kaniya dahil sa trabaho ko pero alam ko naman na hindi magbabago ang relasyon namin mag kapatid." kwento niya sa'kin at bigla naman akong napangiti. Ang sarap pala talaga magkaroon ng kapatid na sobrang close sa isa't isa.

"Ang importante kasi sa isang relasyon ng kapatid, pamilya, kaibigan o magkasintahan ay ang tatag ng pagmamahalan na kahit hindi man kayo laging magkita at magkasama ay mahal na mahal niyo pa din ang isa't isa. Na realize ko nga na ang sarap magkaroon ng inspirasyon sa buhay para may pagkukunan ka ng lakas. Ang importante din ay ang tiwala, dahil iyon ang magpapatagal ng relasyon dahil may tiwala ang bawat isa. Hindi dapat ito mawawala kasi mahirap na ibalik ang tiwala kapag minsan na itong nasira."

Ang solid ng pamilya nila, ang daming alam sa buhay. Sana ganito din ang pamilya ko.

"Lagi mong tatandaan Ethan na lahat tayo ay may pagkakataon na itama ang mga pagkakamali na ating nagawa sa buhay. Minsan nga ay binibigyan ulit tayo ng pangalawang buhay para itama ito."

Hindi ko magawang umimik sa mga sinabi ng Ate niya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Ethan? May gusto ka ba sa kapatid ko?" biglaang tanong niya kaya agad akong nag angat ng tingin sa kaniya.

"Ha? A-ah.... Hindi ko alam, magkaibigan kami ni Rei." sagot ko at tinignan ko si Rei na ngayon ay nag huhugas ng plato pero hindi tumingin sa amin. Alam kong naririnig niya kami.

"Sa pagkakaibigan naman magsisimula ang lahat e. Sige na maiwan muna kita dito at tutulongan ko muna sila mama." paalam niya at tumalikod na sa'kin. Tumango na lamang ako at tumingin sa sahig.

What friends are for? To know each other more before it turns into lovers?

REI SHAWN POV

Kasalukuyan pa din akong tumutulong sa paghahanda. Kanina ko pa napapansin si Ethan na tumitingin sa akin pero hindi ko siya matitigan pabalik. Tinapik naman ako ni ate sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ate..." bulong ko, "Umupo ka na lang doon, kami na dito ni mama." sabi ko.

"Gusto kong tumulong e. Uhm Rei, puntahan mo muna si Ethan. Nahahalata kong kanina ka pa niya tinitignan. Kausapin mo muna doon, ako na muna dito."

"Po? Ahh... Eh hindi na Ate, mamaya na lang. Mas mabuti kong kayo muna mag usap kasi bisita siya at ikaw ang celebrant natin kaya ikaw na lang, ako na bahala dito."

"No, ikaw na. Kanina pa kami nag uusap at wala na akong masabi kaya ako na d'yan at punta ka na doon." pamimilit niya at tinulak ako papunta sa direksyon ni Ethan.

Wala na akong nagawa kaya nagpatuloy na akong pumunta kay Ethan.

"Ethan..." wika ko at gulat siyang napa angat ng tingin sa akin, "Uhm, okay ka lang? May kailangan ka?" tanong ko na wala sa sarili.

"Wala naman, okay lang ako. Ikaw? Okay ka lang? Galit ka ba sa akin? Kanina mo pa ako hindi pinapansin." halata sa boses niya ang lungkot na may halong pag aalala.

"Okay lang ako. Busy lang talaga ako sa pagluluto kanina kaya di kita napapansin. Mabuti nga din 'yon nakaka pag usap kayo ni Ate Khlea kahit papano."

Mabuti naman at hindi na siya umangal pa sa sinagot ko at ngumiti na lang ng pilit.

"Sana hindi ka galit sa akin. Hindi ako sanay na ganito ka makipag usap at umasta."

"Bakit naman ako magagalit? Ang totoo ay nakakatampo ka. Nagtatampo ako sayo dahil hindi mo man lang sinabi sa akin na nagkita na pala kayo ng kapatid ko."

Matapos kong sabihin iyon sa malamig na tono ay hindi na ako tumingin pa sa kaniya.

"Rei... I'm sorry okay? Gusto ko naman sana sabihin sayo pero nawala sa isip ko. Hindi ko akalain na iyan pala ang dahilan kung bakit hindi mo ako pinapansin."

"Syempre nakakatampo kasi sobra akong excited na maipakilala siya sayo pero kilala mo na pala siya. Tapos hindi pa pala maganda ang pagkikita niyo."

"Ayaw ko din sirain ang kasiyahan mong ipakilala siya sa akin at hindi naman kasi kami nagpakilala sa isa't isa dahil nga mainit ang ulo namin nang araw na 'yon. I'm sorry Rei, huwag ka na magtampo." paliwanag niya.

"Okay.. I'm sorry din kasi nagtampo ako agad." wika ko at hilaw na ngumiti sa kaniya.

"Okay na tayo?" tanong niya at tumango na lamang ako.

Bigla namang dumating si papa kaya agad naman namin siyang tinulungan ni Ethan sa mga dala niya.

"Ang tagal mo naman naka uwi," bungad ni mama kay papa.

"Papa? Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sabay mano sa kaniya.

"Maraming tao sa pamilihan e," sagot niya.

"Magandant hapon po Tito," bati ni Ethan kay papa.

"Magandang hapon din Iho, mabuti at nakarating ka."

"Papa, maraming salamat po dito." sambit ni Ate Khlea sabay mano din kay papa.

"Maligayang Kaarawan anak. Kanina ka pa ba dumating?" tanong ni papa kay Ate.

"Opo papa, kanina lang. Hinihintay ko nga po kayo."

"Pasensya na at natagalan ako. Halika ka Shawn, tulongan mo ako magluto nito. Si Ate Khlea muna bahala kay Ethan kasi bisita 'yan." baling ni papa sa akin kaya naman sumunod na ako.

"Mama, pahinga po muna kayo. Kami na muna ni papa dito. Pagod na po kasi kayo," sabi ko kay mama at hinawakan ang likod niya sabay na hinihimas ito.

"Sigurado ka anak Shawn?"

"Oo ma, ako na tutulong kay papa."

"Sige, kasi masakit na din likod at kamay ko. Gusto ko muna magpahinga, salamat Shawn." usal ni mama at halata na boses niya ang pagod kaya naman hinatid ko muna siya sa kwarto nila ni papa.

"Pahinga po muna kayo ma," wika ko at tinulongan siyang humiga sa kama.

Ilang oras din kami bago natapos ni papa at hinanda na namin sa kusina ang mga niluto namin, kasama ang niluto namin ni mama kanina. Sinabi din ni papa na may darating na mga relatives namin mamaya na inimbitahan nila. Nagbihis na din ako ng simpleng damit at nag ayos para hindi mag mukhang ewan mamaya. Si Ate Khlea naman ang nakipag kwentohan kay Ethan.

Pag sapit ng 6pm ay marami nang pumunta sa bahay na kapatid ni mama. Mga pinsan ko din na mas matanda pa sa amin, kami kasi 'yong bunso sa mga pinsan ko kay mama. Mamaya pa daw dadating ang mga kapatid ni papa at sa part naman ni papa ay kasing edad ko lang mga pinsan ko.

"Rei.. Okay ka lang? Hindi ka ba magpapahinga muna?" bungad na tanong ni Ethan. Tinaponan ko siya ng tingin sabay lumingo.

"Hindi na, okay lang ako. Kaya ko pa naman at hindi ako inaantok." sagot ko.

"Pero kapag gusto mong magpahinga matulog ka na lang muna." nag aalala niyang sabi.

"Oo, kailangan ko din kasing e entertain din mga pinsan ko. Matagal ko na silang hindi nakasama, nakakasama ko lang sila tuwing may okasyon."

"Sige... Kung iyan ang gusto mo,"

"Ikaw? Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Oo, kinausap naman ako ng maayos ng Ate mo. Madami din siyang kiniwento sa akin tungkol sa inyo." naka ngiti niyang sagot.

"Si Ate talaga, baka ano na sinabi sayo."

"Nakakatuwa nga mga kinikwento niya sa akin."

"Masaya ako at natutuwa ka. Punta muna ako doon Ethan, dito ka lang muna. Babalikan kita mamaya, babatiin ko lang sina Tita at mga pinsan ko." paalam ko at tumango naman siya.

Iniwan ko lang siya sa tapat ng kwarto nina mama. Ewan ko kung bakit ganito ako kay Ethan ngayon, I really hate this feeling.

Continue Reading

You'll Also Like

17.1K 1.1K 64
What if Karna is the most powerful ruler of the world? What if he is son of king of Ayodhya? What if his love story has a beautiful ending? What if M...
57K 1.6K 23
Tae a cute and sweet boy...torcher by his cruel father because his father thought because of him his mom died....he torcher tae....tae living his lif...
7.3M 305K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
4M 162K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...