ELITES

By MaybeYoungForever

253K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Eight
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Fifty Five

1.9K 81 45
By MaybeYoungForever

An: Hindi mo rin pala maiiwasang ma-down once na may makita kang similar sa kwento mo sa iba. Hindi naman actually yung kwento, yung condition lang ni Candid. I wanted it to be unique pero sino ba naman ako? :) Natural ng maisip rin yun ng ibang manunulat.Karapatan nila yun. Hindi ko lang maiwasang maramdaman 'to. I just want to say na nagcoconduct ako ng sariling research dahil mahilig ako manuod sa Youtube. That's it. Baka kasi may mabasa ulit ako na ikukumpara yung story ko. :( So ayun lang, once na matapos ko ang Counting With You, may kasunod na rin s'ya. Drafts pa lang. Spoiler: Napakabihira lang ng ganoong kondisyon. Sana hanggang sa story na yun reader ko pa rin po kayo :) Salamat. PS. Longest chapter ito, so far.

°°°°

"It's cliche to say that I am the author, and the sentence is my life. I chose to continue living even if I wanted to end everything."

•••
#ElitesStayAlive

"How about Denver? Isn't he coming?" Miss Coreen asked his companion.

Nananatili akong nasa likuran nila kahit ako ang magtuturo ng building na hinahanap nila. Ganun ata siguro talaga kapag nagpapasama ng mayayaman. Ayaw nilang may ibang naglelead sa kanila.

"Well, alam mo naman yun. Maraming commitments." Sagot naman ni Mr. Gamboa.

Ama ni Gunner at Sham. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa'kin ang koneksyon n'ya kay Papa.

"Why don't you call him first? It's been a decade, Coreen." natatawang pahayag ni Mr. Gamboa. "Besides, divorce na sila ng ex-wife n'ya."

Nagmumukha nila akong katulong na kabuntot nila.

"Here you go again, Gun. Wala akong panahon sa mga lalaki na yan. Si Keith lang naman ang swerte sa lalaki. Ilang lalaki pa ba ang makikilala ko para matagpuan ko yung tamang tao? Huwag na lang. Kaya ko namang tumanda magisa." mataray na sagot naman ni Ms. Coreen.

Sila lang naman dalawa ang naguusap habang ako ay nakabuntot lang. Mukhang alam naman talaga nila kung saan ang building na pupuntahan nila pero nagpasama pa sila sa'kin.

"So bakit hindi na lang nga si Denver?" Mr. Gamboa teased her.

"Shut up okay? Past is past. "

Kung titignan ko sila, kung hindi nasa 40' o kaya ay mid 30's na. Masyadong malakas at nakakaintimida ang datingan nila sa totoo lang, pero kung magusap sila parang teen ager lang.

"But you're still not get over on your past."

"Sino bang nagsabi na nakakalimot natayong lahat sa nakaraan , Gun? Until now our past are still hunting us. We both know that's when the weather is calm, there's a storm that will suddenly come." seryosong banggit ni Ms. Coreen.

Patuloy pa rin silang naguusap ng sumingit na ako sa usapan. Narito na kami sa pakay nilang building.

"Wait, sagutin ko lang. It's Denver, excuse me." paalam ni Mr. Gamboa kay Ms. Coreen saka sumulyap sa'kin.

"Okay na-"

Magsasalita pa lamang sana ulit ako ng unahan ako ni Ms. Coreen na humarap sa'kin.

"Pasensya ka na talaga sa abala, huh? Would you mind if I ask your name?" matamis itong ngumiti habang nakatingin sa'kin.

Wala pa ba s'yang balak na pauwiin ako? Sinamahan ko na sila. Ano pang kailangan ng isang mayaman at sopistikadang babae sa katulad ko?

"Candid." I casually answered.

I'm about to say something when she interrupted me again. Nakakahalata na ako.

"Malaki na ang pinagbago ng HFA. Mas lumaki, mas lumawak at mas marami ng buildings."

Iginagala n'ya ang kanyang mata habang sinasabi yun sa'kin. Para lamang s'yang casual na nagkekwento sa isang kakilala.

Kung hindi lang talaga s'ya kapatid ni Mrs. Hyun at kung hindi lang ako nadadala ng pagkacurious ko kay Mr. Gun ay kanina pa ako nagpaalam na umalis na. Masyadong halata na pinipigilan n'ya na magpaalam na ako para umalis. Kaya tuloy lalo akong naghihinala kung ano ang totoong pakay nila rito.

"Alam mo ba, masyadong minahal ng kakambal ko ang Academy na 'to matapos mamatay ng magulang namin." panimula n'ya na parang nagkekwento na.

"Kulang na lang dito na lang n'ya ilaan lahat ng oras n'ya kumpara sa mas malawak na sakop ng negosyong naiwan sa aming magkakapatid. This Academy is like a treasure for her. A treasure she wants to keep forever."

Tipid lamang s'yang nakangiti habang patuloy na iginagala ang paningin.

A treasure she wants to keep forever..

Halata ang biglang pagkatamlay ng mata n'ya na parang may naaalala s'yang hindi maganda tungkol sa mga bagay na kasalukuyang pinagmamasdan n'ya.

"Despite of her twisted fate that relevant on this Academy, even if her life was almost ruined by tribulations, and after her destiny's being planned without her knowing, she manages to accept the fact that all her struggles happens for a reason. She takes good care of this Academy as her unforgettable remembrance for what she's been through. Ang paaralang ito ang pangunahing saksi sa komplikado at planadong love story ni Keith and Llide. And their unique love story is the main reason why this Academy is still alive. This Academy is where her heart belongs. " mahabang litanya pa nito bago muling bumaling sa'kin.

Naagaw ng buong atensyon ko ang huling sentence na sinabi n'ya. She's not telling all of this to me for nothing. Nararamdaman ko at nakakatuban ko sa paraan ng kanyang pagkakangiti.

Heart of HFA.

Hanggang ngayon isang malaking palaisipan pa rin yun sa'min ni Kurt.

"Bakit kailangan kong malaman?" wala ng paligoyligoy na tanong sa kanya.

Hindi man lang s'ya nasurpresa sa paraan ng pagsasalita ko sa harap n'ya. Lalo lang sumilay ang mas malaki pang ngiti mula sa labi n'ya kahit na medyo bastos ang dating nun.

"Wala lang. Naalala ko lang. Sorry kung bigla kong nakwento, nadala lang ako." nakangiti pa rin nitong sabi ng iayos na n'ya ang sling bag na nakasukbit sa kanyang balikat.

"He's here."

Sabay kaming bumaling kay Mr. Gamboa na papalapit ng muli sa amin. Napasunod na rin ang mata ko ng sabay silang tumingin sa isang direksyon.

Isang matipuno, matangkad at singkit na lalaki muli ang paparating at papalapit sa amin. Mukhang nasa late 30's na rin pero ang ang pormahan at datingan ay parang binata pa rin. Parehas lamang sila ni Mr. Gamboa ng pangangatawan. Siguro kung nakilala ko lang sila noong mga batabata pa sila, baka masabi ko ngayong parang hindi sila tumatanda.

Pamilyar s'ya sa'kin. Parang isa rin s'ya sa mga bisita noong Welcoming Program ng VIP's? I see, kaya naman pala pamilyar din sa'kin ang mukha ni Mr. Gun ng una ko s'yang makita.

"Akala ko ba.." sinadyang hindi ituloy ni Ms. Coreen ang sasabihin ng tumingin s'ya kay Mr. Gamboa at muling nagbalik tingin sa lalaking paparating.

Maloko lamang na ngumisi si Mr. Gamboa kay Ms. Coreen at humakbang na pasalubong sa lalaki at nakipagapir saka tinapik ang balik nito.

"Mabuti na lang dumating ka na agad."

"Sabi mo importante eh. Sino ba naman ako para tumanggi sa isang mayamang CEO. " nakangiti namang sagot sa kanya ng bagong dating na lalaki.

CEO,huh. Si Mr. Gamboa? Ano kaya talagang koneksyon n'ya kay Papa kung isa s'yang mayaman at mataas na tao.

"Coming from a Captain Denver ha? Ganun mo na ba talaga kamahal ang dagat at ayaw mo ng tumuntong sa lupa?" biro pa ni Mr. Gamboa sa tinawag n'yang Denver.

"Okay, I'm not here." masungit na banggit naman ni Ms. Coreen kaya sabay na bumaling ang tingin nilang dalawa rito.

Saglit na napatitig lang sa kanya ang bagong dating na lalaki na pagkuwan ay sa akin na napatingin. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Nagtinginan muna silang dalawa ni Mr. Gamboa ng makahulugan bago s'ya muling bumaling ng tingin sa'kin. Sabay na rin silang humakbang ng mas papalapit sa'min ni Ms. Coreen. Pero naibahan ako sa paraan ng pagkakatingin n'ya sa'kin.

"Who's this young lady? Have we met before? You look..familiar." he titled his head as he keep on staring at me straight into my eyes. "I mean..your eyes look familiar."

Ganun? Mata lang ang nakita n'ya sa'kin eg pamilyar na agad? Halos pareparehas lang naman ang itsura ng mata. Maliban na lang sa kulay.

"Common Denver. Hindi porque divorce ka na ay pwede ka ng lumandi lalo ng mga menor de edad. Magkaroon ka naman ng kaunting hiya." singit ni Ms. Coreen.

"Excuse me, pero baka pwede na akong makumuwi? Baka kasi hinahanap na 'ko po sa'min." sa wakas, nasabi ko rin.

Sa totoo lang hindi ako sanay gumamit ng 'po' at 'opo'. Depende na lang kung masyado na talagang matanda ang kaharap ko. Mabuti na lang napilit ko pa ang dila kong magbanggit ng kahit isang 'po' huwag lamang maging bastos ang dating ng sinabi ko.

Sabay sabay silang napatitig sa'kin saglit.

"Ah, I'm sorry. Oo nga pala. Thank you sa pagsama at pagturo sa'min, Candid. Pasensya na sa naging abala. I think I owe you a coffee someday or..milk tea? As teen agers taste nowadays?" Ms. Coreen gave me an optimistic smile.

Tipid lang ako na tumango. Hahakbang pa lang sana ako muli paalis ay nagsalita pang muli si Mr. Gamboa.

"Let's talk some other time, Candid. Take care." muli akong humarap sa kanila.

Bakit ganito ang pakiramdam ko sa kanila? Parang..gusto kong magtanong. Pero hindi rin ako sigurado sa kung anong itatanong ko. May kung ano akong nararamdaman na hindi ko rin naman alam kung ano bang klaseng pakiramdam.

"If something is bothering your mind right now, just ignore it..as of now. We are going to meet you again, Candid."

Makahulugan muling ngumiti si Ms. Coreen pagkasabi n'ya nun bago sila sabay sabay na tumalikod at nagtungo na sa building na papasukan nila.

'They' are going to meet me 'again'? Bakit?

Pero bago pa man sila tuluyang makalayo ay isang pamilyar na pangalan ang narinig ko mula kay Ms. Coreen.

"Nagkita na ba ulit kayo ni Lily, Gun?"

Hindi ako nabingi sa narinig ko. Sigurado ako doon. Pwedeng ipagpalagay na baka 'magkapangalan'. Pero sa dami ng ibang tao na babanggit ng pangalan na yun, bakit sa kanila pa manggagaling? Sa kanila na bigla na lamang sumulpot pero iba ang pakiramdam ko?

Hindi maalis alis sa isip ko ang tungkol doon. Binabagabag ako nito ng husto. May iba akong pakiramdam sa sinabi nilang magkikita pang muli kami nila Ms. Coreen.

Anong tunay na koneksyon ko sa kanila?

~°~

Pauwi pa lamang ako ng bahay ng makita kong may kapaparada pa lamang na kotse sa tapat ng gate kaya itinigil at itinabi ko muna ang motor ko. Inalis ko ang helmet na suot ko at tinignan ang lalaking pababa pa lamang mula rito.

"Anong ginagawa mo dito, Dwayne?"

Isang matamis na ngiti agad ang sinalubong n'ya sabay ng pagangat ng paper bag na hawak n'ya.

"Sorry, hindi kasi ako naka-attend ng afternoon class kaya ihinatid ko na lang. Pinabibigay ni Mommy." Ah, kaya pala wala s'ya kanina. I wonder why. Kanina lang ata s'ya umabsent.

S'ya ang kusang humakbang papalapit sa'kin habang hindi pa rin ako bumababa sa motorsiklo ko. Saglit n'yang pinasadahan ng tingin ang motorbike ko bago muling nagbaling ng tingin sa'kin habang iniaabot ang paper bag na dala.

"Hindi ka na dapat nagaabala. And please..tell your Mom na okay lang naman kahit hindi na n'ya ako isama sa mga pinapabaon n'ya sa'yo." medyo alanganin kong sabi bago abutin ang iniaabot n'ya.

Pero lalo lamang lumaki ang pagkakangiti n'ya sa sinabi ko.

Marunong ba magalit at magsungit itong si Dwayne? Nakikita ko naman s'yang seryoso, pero mas lamang na lagi ko na lang s'ya nakikitang nakangiti.

"Ano ka ba, wala yun. Saka isa pa, sinasabi ko rin kasi kay Mommy na idamay ka na para hindi naman nasasayang yung mga natitira sa mga niluluto n'ya. Madalas kasi mapanis lang dahil hindi naman s'ya marami kumain."

Napapakamot pa s'ya sa kanyang batok habang nagpapaliwanag.


"Pero pwede bang huwag mo araw arawin Dwayne? Hindi ako nagmamataas, sadyang ayaw ko lang na magisip ang iba ng kung ano ano. Hindi rin ako sanay ng ganun. Sana maunawaan mo."


Saglit s'yang napatitig sa'kin bago muling ngumiti ng tipid saka tumango.

"I understand. Sa totoo lang inaasahan ko naman na sasabihin mo yan. Hinintay ko lang." he suddenly chuckled.

"Sige, pasok na 'ko. Salamat ulit dito."

"Wait? Is it okay if makiinom ako? Sorry, medyo nauhaw lang kasi."

Medyo nahihiya pa n'yang banggit. Makikiinom lang ng tubig hindi pa magawang tumingin sa mata ko. Ganoon ba talaga nakakahiyang amining tubig lang wala pa sila? O baka naman hindi n'ya lang ako maderetso na gusto n'yang imbitahin ko s'ya sa loob?

"Hindi ka man lang umisip ng magandang alibi eh no?" ngisi ko sa kanya bago s'ya talikuran.

Napailing na lang ako sa epic na reaksyon n'ya sa sinabi ko. Nakita ko pa ang bahagyang pagkagulat sa mukha n'ya. Awang ang bibig n'ya kasabay ng pamumula ng buo n'yang mukha.

Napatigil ako ng mapansing bukas ang gate. Kakatukin at sisigaw pa lang sana ako dahil ganun naman talaga lagi saka ako pagbubuksan ng gate ni Kurt.

"Bakit, Candid?"

Hindi pa ngayon uuwi si Mama at Zandra. Kung umuwi man sila, never nilang iniwang bukas ang gate lalo na si Kurt.

Patakbo akong derederetsong pumasok sa loob. Tumambad rin sa'kin ang bukas na pintuan ng bahay. Natigilan na lang ako ng tumambad rin sa'kin ang magulo at makalat na loob ng bahay. Maraming basag na gamit ang nakakalat sa sahig.

Pero ang mas lalong nakapagpatigil sa'kin ay ng makita ang katawang nakahandusay sa sahig.

"God! What happened!?" gulat na gulat na bulalas ni Dwayne na mabilis na rin palng nakasunod sa'kin.

Ilang segundo akong natulala. Nauna pa nga si Dwayne na lumapit sa nakahandusay na katawan ng kapatid ko bago tuluyang bumalik ako sa sarili ko.

Mabigat at mabilis ang bawat paghinga ko ng lumapit sa duguang katawan n'ya. Nanginginig ang mga kamay ko ng hawak ang mukha ni Kurt.

Linalamon ako ng kaba.

Ito na ba yun? Takot na ba ang tawag rito? Kagaya naramdaman ko ng mawala si Papa sa mismong harapan ko?

Tila naninikip ang hininga ko habang pinagmamasdan s'ya na wala ng malay. Duguan ang kanyang buong mukha. Wala ako sa sarili para tignan kung saan s'ya may tama o ano ang dahilan para magkaganito s'ya. Bukod tanging ang nagawa ko na lamang ay itapat ang mukha ko sa ilong n'ya at pakiramdaman ang pulso sa kanyang leeg.

"Candid, we have to bring him to the nearest hospital. Ako na ang magdadala sa kanya." bakas na rin ang pagpapanic sa boses ni Dwayne ng agad n'yang buhatin ang kapatid ko.

Sa totoo lang pumasok sa sa isip ko na pigilan s'ya. Baka may bali sa kung saan si Kurt at baka mas lumala pa kaya dapat na itawag na lang namin sa emergency hotline. Pero ganoon pala kapag nasa aktwal na sitwasyon ka na. Mas gugustuhin mong agarang madala sa hospital o agarang mabigyan ng serbisypng medikal ang taong ni sa hinagap ay hindi mo gugustuhing mapahamak at mawala sa'yo.

Si Kurt na lang ang meron ako.

"Sumakay ka na sa kotse Candid. Hindi ka pwedeng magmotor. Okay?"

Tulala lang ako na sumunod sa sinabi na Dwayne. Dali dali n'yang pinaandar at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Habang ako naman ay narito sa passenger seat habang nakahiga sa aking hita ang duguang ulo ni Kurt.

Gusto ko s'yang sigawan. Pagalitan. Kung bakit s'ya pumayag na masaktan? Bakit s'ya pumayag na lapatan ng kamay ang lagi n'yang pinagmamalaki na gwapo n'yang mukha.

Kanina ko pinipilit na pigilan ang luhang gustong umalpas sa pamamagitan ng mariin ng pagkagat ng pangibabang labi ko. Sa sobrang diin pa nga, nalasahan ko na ang dugo. Nalasahan kong muli ang sakit ng pagaalala. Ayaw kong magisip na posibleng sa isang iglap, mawala na rin s'ya at iwanan ako.

Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa mukha n'ya. Ayaw ko sa dugo. Dahil akala ko takot ako sa dugo simula ng mamatay si Papa sa mismong harapan ko. Pero huli na para marealize ko na linoko ko lang ang sarili ko simula ng araw na iyon. Kasi kung talagat 'natakot ako', sana ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko huwag lang kitilin at mawala ang buhay ng unang lalaking hinangaan ko sa buong buhay ko. Yun ang pinakaunang bagay na dapat ginawa ko kung talagat takot akong mawala ang taong pinakamahal ko sa buhay.

Gusto kong idikdik sa utak ko na tama s'ya. Na baka isang araw magamit ko ang mga kondisyon na pinagkaiba ko sa iba para makagawa ako ng bagay na s'yang magiging inspirasyon para sa iba. Bagay na makakatulong at magsasalba ng buhay ng iba. Pero bakit hanggang ngayon parang wala pa rin naman akong magawa? Bakit hanggang ngayon daig ko pa ng isang duwag kung umasta at hintayin na lamang ang lahat ng mga susunod na mangyayare? Ano bang klaseng kamalasan ang taglay ko at nangyayare ito sa mga taong minamahal ko?

"Candid, huwag kang masyadong magisip okay? Kumalma ka lang. Magiging ayos ang lahat. Medyo malapit na tayo sa hospital."

Nakatutok lamang ang mga mata ko sa daan habang may sinasabi si Dwayne na hindi ko maintindihan.

Pakiramdam ko ay manhid ang aking buong katawan pero labis akong nabibigatan na parang pasan ko ang walang malay na si Kurt sa aking likuran. Para akong isang estatwang tuod lamang na hindi gumagalaw para tignan man lang ang kalagayan ng kapatid ko.

Linoloko lang ba nila ako o linoloko ako ng sarili ako? Paanong nagkaroon ako ng ganoong klaseng sakit kung parang nararamdaman ko namang naduduwag ako sa mga oras na ito?

Nakarating na kami at lahat sa hospital ngunit wala ni isang salita na gustong lumabas sa aking bibig. Kahit anong pagalo sa akin ni Dwayne ay hindi ko napapansin. Parang wala akong naririnig.

Isang oras pa ang itinagal namin sa labas ng emergency room bago tuluyang lumabas ang isang babaeng doctor na siguro ay tumingin sa kanya. May mga tinanong ito na si Dwayne ang sumagot dahil hindi ko talaga magawang magsalita. Hindi ko alam. Pero pati ata dila ko ay wala na ring pakiramdam.

"I'm sorry but he's still unconscious. We will conduct a series of test for him. As of now ililipat na namin s'ya sa mas maayos na kwarto kagaya ng bilin mp. Let's all hope that he didn't get any skull fracture or traumatic brain injury. Since na may bleeding from his nose and ears. May iba rin s'yang bali sa katawan sanhi ng matinding pagkabugbog. We need to fully monitor him at ganun rin kayo habang s'ya ay hindi pa rin nagkakamalay at hanggat wala pang results ang mga test."

"Pero Doc Kriza, magkakamalay naman s'ya hindi ba? Hindi naman s'ya macocoma?" si Dwayne pa rin ang kumausap sa doctor habang ako ay tulala lamang na nakatingin sa sahig.

Hindi ko man sila tignan ng direkta ay mukhang kilala ni Dwayne ang doktora na kausap n'ya.

"Hindi ko pa masasabi sa ngayon yan Dwayne. We need to wait for the test's results."

Bakit? Ganun ba kalala ang bugbog na tinanggap mo Kurt? Bakit hindi ka pa rin gumigising? Sinasabi mo sa'king sanay ka na. Immune ka na sa mga sapak at sipa. Ano itong nangyayare ngayon,huh? Anong ginawa sa'yo ng kung sino man para mapatumba ka ng ganito?

"Hey.."

Nawala ang saglit na pagiisip ko ng maramdaman ko ang palad na sumamyo sa nakakuyom ko na kamao. Saglit akong bumaling ng tingin sa kanya. Hindi ko man s'ya tanungin ay nababasa ko ang labis n'yang pagaalala.

"You can cry, Candid. Don't hold it too long. Mabigat yan sa dibdib kapag hindi mo pinakawalan."

Matapos n'yang sabihin yun ay marahan n'ya na lamang akong hinila papalapit sa kanya. Masinop n'ya akong ikinulong sa sa isang bisig n'ya. Buong ingat n'ya ring hinaplos ang buhok ko sa likod ng aking batok habang magaan n'yang tinatapik ang aking likuran.

Ramdam ko ang pagaalala n'ya para sa'kin. Pero natatabunan yun ng sarisaring emosyon at malalim na isipin ang buo kong sistema para ma- appreciate ng buo ang sinsero at purong kinikilos n'ya sa harap ko.

"I'm not gonna leave you alone here, Princess. You have my hand and my shoulders to rely on."

Pero gaano ko mang gustuhing magpakawala ng luha upang mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko, ay wala ni isang umalpas mula sa mga mata ko. Tila mabilis na naging yelo ng maipon lamang sa loob ko.

Tulad ng pangako ni Dwayne ay hindi n'ya talaga ako iniwan. Imbis na ako ang magasikaso sa paglilipat kay Kurt ay s'ya pa rin ang gumawa. Pati ang pagbili ng makakain ko ay s'ya na rin ang nagabala. Naisip ko pa nga na nasayang ko ang bigay ng Mommy n'ya na naiwan ko lang sa bahay kanina.

Lumipas na ng limang oras ay hindi pa rin ako iniiwang magisa ni Dwayne. Halata naman ang pagod at antok n'ya pero pinipilit n'ya pa ring labanan para lang masamahan ako.

Hindi rin lingid sa akin na s'ya ang pumili ng ng magandang kwartong ito para kay Kurt. Gusto ko mang pigilan s'ya sa ginawa n'yang pagsalo ng lahat ng bayarin ay hindi ko magawa. Literal na atang namanhid ang aking dila para magsalita.

Buong akala ko ay iiwan na ako ni Dwayne ng sandaling dumating na si Mama at Zandra. Pero masyadong atang malakas ang pakiramdam n'ya para damayan pa rin ako sa oras na mas ikakalugmok ko pa.

"Ano Candid? Ano na namang kamalasan ang dinala mo sa pamilyang 'to ha?"

Nanatili lamang akong walang imik habang nakaupo na sa couch na narito sa loob ng exclusive room ni Kurt. Walang kagalaw galaw habang nakapatong ang magkadaop kong palad sa aking mga hita. Habang napapansin kong sumusulyap ang aking katabi sa akin dahil sa kanina pang pangbabato ng sisi sa akin ng kapatid ko. Habang si Mama naman ay nananatiling walang imik na nakaupo sa gilid ni Kurt habang pinagmamasdan ito.

"Hindi ka pa ba nadala ha? Una si Papa. Sumunod si Kuya Nest. Tapos ngayon naman si Kurt? Sinong isusunod mo ha? Si Mama? Tapos ako!?" patuloy na bulyaw n'ya habang nakatayo sa mismong harapan ko.

"Hanggang ngayon talaga napapaisip pa rin ako kung bakit hindi ka pa rin itinatakwil ni Mama. Eh obvious namang ikaw ang nagdadala ng malas sa pamilyang 'to!"


Nagawa pa nyang idikdik ng malakas ang daliri n'ya sa sintido ko dahilan para mas lalong magulo ang pagkakaayos ng scarf na suot ko.

Wala akong ginawa kung hindi ang umayos muli ng upo na parang walang nangyare. Manatili ang tingin sa kanina pang kinalalagakan nito. Pansin ko na parang naaalarma si Dwayne pero pansin ko rin ang kanyang pagpipigil na makialam dahil pampamilyang issue ito.

Hindi ko nga lang maunawaan ay kung bakit ayaw nya pang lumabas. Bakit ayaw n'ya pa ring umalis ngayong hindi na naman ako magisa rito.

"Napakawala mo talagang kwenta! Kung hindi kang talaga dahil kay Mama baka matagal na kitang tinakwil bilang kapatid! Aba, sino ba namang gugustuhing magkaroon ng kapatid na sandamakmak ang dalang kamalasan na kulang na lang isa isahing mapatay ang pamilya n'ya? Kung hindi ka rin naman tatanga tanga at lalandi landi eh hindi sana hindi yan nangyare sa kakambal mo kung nasa bahay ka lang din! Sana nga ikaw na lang nakahiga dyan hindi si Kurt eh! Tutal wala na rin namang dereksyon yang buhay mo noon pa man!"

"Tama na, Zandra!"

Sa wakas ay umawat na rin si Mama. Pero para saan pa? Nasabi na ni Ate Zandra lahat ng gusto n'yang sabihin. Pero wait, para ngang kulang pa.

"Ma, alam mo naman yung totoo di'ba? Bakit mo pa paplastikan itong anak mong 'to kung yun naman ang totoo? Bukod sa kadikit na ng malas, kadikit rin ang kahihiyan at kapahamakan. Hindi ko man lang nga maipagmalaking kapatid yan dahil sa mga kahihiyan n'yang dinala sa pamilya natin eh! At isa pa, ano bang ambag n'yan sa pamilya natin? Bukod sa itago ang sinumpa n'yang mukha, sumpa rin ang pagiging abnormal n'yan! Kaya kahit sinong mapalapit, napapahamak at minamalas. Palibhasa mala demonyita hindi lang sa itsura pati ugali!"

Patuloy ang maaanghang n'yang salita habang ako ay nananatili lamang na walang imik. Hinahayaan lamang kung ano ang sabihin n'ya.

"Ito ang itatatak mo dyan sa kokote mo, Candid ah?" muli n'ya pang dinikdik ang ulo ko na hindi ko ininda."Huwag mong pilitin na maging normal ka, dahil kahit kailan hinding hindi ka magiging normal! Habang buhay kang magtatago sa dami ng kahihiyan mo at dahil d'yan sa isinumpa mong mukha. Tutal habulin ka ng kamalasan dapat ikaw na lang 'tong nabubugbog tutal manhid ka naman sa sakit di'ba? Tutal matapang ka at hindi ka rin nakakaramdam ng kahit anong takot, bakit hindi na lang ikaw ang humarap sa lahat ng mananakit sa mahal mo sa bubay? Bakit hindi na lang ikaw ang nagpabaril noon imbes na si Papa! Tutal kahit naman mamatay ka hindi mo yun mararamdaman di'ba? Dapat ikaw na lang yung namatay!"

Mariin kong linunok lahat ng sinabi n'ya ng hindi nagaangat sa kanya ng tingin o kahit kay Mama. Gusto ko sanang sulyapang muli si Kurt, pero parang ang layo n'ya. Hindi ko s'ya maabot sa mga ganitong oras na s'ya lang ang kaisa isang taong makakaintindi sa nararamdaman ko hindi man ako magsalita.  Nang totoong nararamdaman ko.

Tama naman si Zandra. Wala talaga akong ambag at wala akong ibang ginawa kung hindi ang ipahamak ang pamilyang ito. Napakarami ko ng kahihiyan na naidulot sa sarili ko at maging sa kanila. Habulin kami ng kapahamakan ng dahil sa pagiging abnormal ko. Isa ring pangunahing dahilan kung bakit kinuha ako ng mga demonyo para dalhin sa impyernong samahan na iyon. Kaya sino ako para magmalinis na hindi ko kasalanan ang lahat ng ito?

Bakit ba kasi hindi na lang ako natuluyan noon?

Kung hindi lang siguro ako nag-stay sa HFA, hindi mangyayare ito kay Kurt. Ako talaga ang may kasalanan kung bakit kritikal ang kondisyon n'ya ngayon. Ni wala akong magawa. Hindi ko alam kung sinong dapat kong paghigantihan sa nangyare sa kanyang ito. Hindi ko man lang nga magawang alagaan s'ya ng maayos simula kanina pa. Wala akong magawa para magising s'ya. Kahit pagsasalita, hindi ko magawa.

Wala akong silbi.

Wala akong kwentang anak at kapatid.

"Mabuti pa palabasin mo muna 'tong si Candid, Ma. Naaablibadbaran akong makita ang mukha n'yan. Kung bakit ba naman kasi hindi ka pa natuluyan nung-"

"Tama na po."

Wala nga namang direksyon ang buhay ko.

Kaya bakit pa ako lumalaban? Bakit pa ako narito?

"Oh? Don't tell me hindi ka audience dito at isa ka rin sa mga nilalandi nitong magaling kong kapatid?" mapanuya itong tumawa.

Binalingan ko si Dwayne at napatingin rin s'ya agad sa'kin. Mariin ko s'yang inilingan para huwag na s'yang muli pang magsalita at makialan.

Akala ko manhid na ako sa mga salita ni Zandra. Pero ngayong may ibang nakakarinig na iba habang ang sarili ko rin namang ina ay hindi man lang magawang tumayo sa pagitan naming dalawa, hindi ko maiwasang mahabag na lang sa sarili ko.

Ganoon na ba talaga ako kawalang kwentang anak para hindi maging deserve ng kahit kaunting pagsimpatya mula sa kanya? Malinaw ng napapahiya sa'kin sa harapan ng iba ay wala syang ibang ginawa kung hindi ang kumalma at kunwaring pagaawat n'ya?

S'ya na isa dapat sa nagaakay sa'kin dahil s'ya ang liwanag ng tahanan, pero wala s'yang ibang ginagawa sa tuwing nadudurog ako. Sa twing uuwi ako galing sa lahat ng napasukan kong paaralan ng may pasa o bukol sa mukha, sira ang uniporme, basang basa at namamaga ang mata dahil sa pagiyak, imbis na aluin o pagaanin ang loob ko ay lalo n'ya lang ididinidikdik sa'kin na sakit lamang ako sa ulo. Lumaki akong ganun ang ginagawa n'ya sa'kin sa harap ni Zandra kaya ganun na rin ang s'yang naging trato sa'kin nito.

"Pinapaalalahanan kita ngayon pa lang. Kung isa ka rin sa manliligaw nitong kapatid ko, aba magisip isip ka na. Maling babae ang pinili mo. Kung ayaw mo ring mamatay ng maaga o kaya magaya dito kay Kurt, umiwas iwas ka na."

"Saka hindi ko kayo maintindihan, sa dami ng babae bakit itong si Candid pa ang linalapitan n'yo? Ha! Kung alam n'yo lang ang mga eskandalong ginawa n'yan sa mga nakaraan n'yang school, baka magbago ang isip n'yo." Ubod pa rin ng panunuya ang kanyang pagsasalita laban sa'kin.

"Her past doesn't define who she is right now. Walang mali kay Candid. Ang mga mata lang ng mga taong hindi alam ang totoong halaga n'ya ang may mali, hindi s'ya." seryoso at malimig na saad ni Dwayne kaya napabaling na muli ako sa kanya. "Excuse us."

Wala na akong ibang nagawa ng hilahin ni Dwayne ang kamay ko para ilabas sa kwartong yun. Hinayaan ko lang kung saan n'ya ako dalhin.

Bagsak pa rin ang balikat ko habang ang bibig ay nanatiling tikom. Yung sakit ng mga salitang natanggap ko mula kay Zandra, ngayon ko lang mas lalong naramdaman. Ngayon lahat pumasok sa isip ko bawat salitang binitawan n'ya.

Mukhang nagkamali sa'kin ang Diyos ng pagkakagawa. Bakit kaya hindi na lang n'yang ginawang maging manhid ako sa emosyonal na pakiramdam? Hindi ko naman kailangan ng pagiging manhid sa pisikal. Dahil mas masakit ang sa loob. Mas nakakadurog. Ang ganitong uri ng sakit ang sumisira sa tao. Hanggang sa parang pinipino ka sa sakit na wala kang pamimilian kung hindi ang iiyak mo lang ng iiyak.

"Candid, you okay?"

Nakakagago rin ang tanong nitong si Dwayne. Matapos ng lahat ng narinig n'ya, mukha pa rin ba akong okay?

"Hindi mo alam na nasa kwarto rin kanina si Blaze hindi ba?"

Mabilis akong napatingin sa kanya.

Kita mo nga naman, hindi rin pala ako manhid. Minsan nabubulag rin pala ako.

Pero bakit hindi ko naman narinig ang boses n'ya? Pero importante pa ba yun? Yun pa ba ang iisipin ko ngayon?

Unti unti na nilang nalalaman ang tungkol sa'kin. Wala na akong magagawa roon.

"Maybe he assumed that you're not aware of his presence that's why he never speaks even once. He's just there, silently watching you. Nung bumili ako ng makakain mo. Bago ilipat si Kurt ng kwarto. Nang inasikaso ko yung mga kailangan ni Kurt. S'ya ang kasama mo dahil hindi naman kita pwedeng iwang magisa. He remain silent like you."

Himala yun sa kanya. Ano kaya ang iniisip n'ya matapos marinig ang mga yun kay Zandra?

"I'm sorry to say this but I think I have to go. Pasensya na rin Candid kung kailangan ko munang umuwi muna. Wala kasing kasama si Mommy. Blaze, ikaw na bahala?"

Mabilis akong napatingin sa tinignan n'ya.

Totoo nga, nandito nga si Blaze. Para s'yang literal na hangin na hindi ko nakikita at nararamdaman kung hindi talaga s'ya magpaparamdam. Ano kaya naman ang ginawa n'ya pa roon sa loob at ngayon lamang sya lumabas.

Tumango lamang si Blaze sa sinabi ni Dwayne at tanging sa akin lang nakatuon ang tingin n'ya. Ako na ang naunang umiwas ng tingin ko.

"Tawagan na lang kita mamaya pagkauwi ko. Huwag ka masyadong magisip, walang Prinsesang laging malungkot." Ginawaran ako ni Dwayne ng isang malawak na ngiti.

Pero bago pa man s'ya umalis ay nagawa pa n'yang halikan ako sa noo. Hindi yun agad naproseso ng utak ko dahil sa halohalo kong isipin. Pero ng sandaling tuluyan na s'yang nawala sa paningin ko ay doon lang tuluyang nagsink in ang ginawa n'ya.

Kailangan ba nun? As in sa harapan pa talaga ni Blaze?

Para saan yun?

Alangan akong tumingin kay Blaze. Malamig na ang kanyang ekpresyon habang nakatitig sa'kin. Parehas kaming nanatiling tinititigan ang isa't isa na hindi umiimik.

Wala ako sa mood para makipagsukatan ng tingin sa mga mata n'yang kung tumingin ay akala mo may krimen akong ginawa. Kaya muli akong nagbaling ng tingin sa ibang direksyon.

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na paghinga. Ano ang susunod na gagawin ko? Masyado pang mainit para bumalik ako sa kwarto ni Kurt. Ang kapal naman masyado ng mukha ko matapos ng mga binitawan ni Zandra na salita ay magpapakita agad ako.

Pero natigil ang pagiisip ko ng sandaling mamalayan kong kamay naman ni Blaze ang may hawak sa aking kamay habang hinihila ako papunta sa kung saan.

Hindi ako nagtanong. Hinayaan ko na lang ang sarili kong magpatianod.

Nandito na kami sa parking lot. Walang rin s'yang sabi sabi na pinagbuksan ako ng pintuan sa shotgun seat. Para lang akong robot na sumunod sa gusto n'yang mangyare. Pumasok ako sa loob ng wala ring sinasabi. Bahagya pa nga akong nagulat ng malakas n'yang italpak ang pinto ng kotse.

Bakit para na naman s'yang galit? Wala na nga akong ginagawa at wala rin akong imik.

Lumipas na ang ilang minuto ay nagmamneho pa rin s'ya. Hindi ko magawang itanong kung saan talaga kami pupunta pero mukhang pinaiikot ikot lang n'ya kung saan saan ang sasakyan. Mukhang wala talaga kaming pupuntahan. Siguro ay binibigyan n'ya lang ako kahit papaano ng kaunting kapayapaan sa isip ko.

"Iniimbestigahan pa ng mga police ang nangyare. Pero wala pa rin silang lead. Ang pagasa na lang natin, kapag nagising ang kapatid mo para magbigay ng statement." He suddenly said.

Isinandal ko lang ang ulo ko sa bintana ng kotse at tumingin sa dinaraanan namin.

"Don't pretend. Men and women experience the same amount of emotion, but women tend to show it more. So there's no reason to hide it, Candid. Hindi makakabuti kung kikimkimin mo lang at hindi ka magsasalita." muli n'yang sabi.

"Ganun ba?" Malamya kong sabi. "Then tara sa Brice."

Kung dati ay paniguradong magtatanong s'ya, susungitan ako at kekwestyunin ako, ngayon ay wala s'yang sinabi. Mabilis n'yang pinihit ang manubela na nagsanhi pa ng malakas na pagkaskas ng gulong sa kalsada.

Inalis ko na rin ang scarf na suot ko. Isinuot ko na lang ang sumbrelo ko na masyadong nakababa sa kalahati ng mukha ko. Hanggang ngayon ay may dala pa rin akong bag kaya kinuha ko ang baon kong itim na hoodie sweater saka mabilis na isinuot. Ramdam ko ang mayat mayang pagsulyap sa'kin ni Blaze pero hindi ko na lang s'ya pinansin. Iniisip n'ya sigurong wala akong suot na mask ngayon. Paano ako magpapakalasing mamaya kung may sagabal?

(Sa tingin n'yo, sino itong portrayer ni Candid? )

"Let me wasted, Blaze. Let me drunk this time." Walang emosyong sabi ko sa kanyang ng deretsong lagukin ang unang bote ng alak.

Nanatili s'yang tahimik habang pinagmamasdan lamang ako. Dito kami sa VIP spot nakapwesto dahil bukod sa dito ako nagtatrabaho, VIP spot naman talaga lagi ang binibigay sa kanilang magkakaibigan ng Brice. Isa man sa kanila ang magpunta rito.

Mapait ang alak. Kahit na beer lamang ito ay gumuguhit ang bawat lagok ko rito na nagpapatindi ng init na nararamdaman ko. Pero bahagya akong napapanatag sa dulot ng sensasyong pinaparamdam nito sa katawan ko. Pakiramdam ko ay kumportable ako lalo at may isang taong narito sa tabi ko. Hindi s'ya umiinom kaya mas panatag akong iuuwi n'ya ako ng matiwasay.

Sa kabila ng magulo kong isip at emosyon, pilit na sumisingit ang mga ideya na wala dapat puwang sa mga oras na ito.

Ang presensya ni Blaze sa tabi ko, ang nakakapagpapanatag sa nararamdaman ko. Wala man s'yang sabihin at hindi man s'ya magsalita ay pakiramdam ko kumportable ako. Payapa ako na gawin ang gusto kong magpakawala ng panandalian sa sarili ko dahil alam kong may taong sasalo sakali mang matumba ako. Sakali mang hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pero masama na kaya ito? Masama na nga kaya itong nararamdaman kong makaramdam ng pagkapanatag sa tabi ni Blaze? Sa pagyaya ko sa kanya rito ay pinapakita kong nagtitiwala ako sa kanya na kaya n'ya akong dalhin ano man ang mangyare.

Kasi kung masama, hindi ba dapat ay umiiwas na ako? Hindi ba dapat hindi ko hinahayaan ang sarili kong mas lalong maging komportable sa tabi n'ya?

Pero ano nga bang magagawa ko? Ang kulit kulit n'ya. Pilit ko mang umiwas, para s'yang literal na magnet na nahihila pa rin ako papalapit sa kanya. Gustuhin ko man o hindi. Pumayag man ako o pumalag.

Isa s'yang literal na nagliliyab na apoy na unti unting tinutunaw ang mataas na pader na gawa sa yelo na pumapalibot sa'kin. Ano mang palag ko, ano mang kapal ng yelo binuo ko, pilit n'ya yung tinitibag sa sarili n'yang pamamaraan. Pamamaraang hindi ko rin sigurado. Isang malabong pamamaraan na hindi ko maipaliwang kung ano.

"Most wowen use silence to express pain. And you're too silent and reserve. Now I understand why." Seryoso n'yang pagkakasabi ng hindi nagaalis ng titig sa'kin.

Pilit akong tumawa sa sinabi nya at muling lumagok ng alak. Siguro kinaaawaan na n'ya ngayon ang babaeng dati n'yang labis na kinaiinisan matapos ng mga narinig n'ya.

"Know what, you can force to smile and trick your brains that you are happy. But you cannot really force to laugh. Yes you can emit something sound like laughter, but you can't trick your brain and probably cannot trick the people around you either."

"I'm not pretending, Blaze. Sa estado kong 'to, magpapanggap pa ba akong masaya at okay?" mapakla akong muling natawa.

"But you're acting like one."

Isang mahabang katahimikan muli ang namayani sa aming dalawa. Ang tangi ko lang naririnig ay ang pagkanta ng bokalistang nasa stage sa baba.

"Kung gusto mong makitang umiyak ako, ikinalulungkot kong baka hindi yun mangyare. I am a women who couldn't recognize pain,Dalton.I am too strong to feel any kind of fear. Ako? Bakit ako iiyak? Eh hindi naman masakit!" mapakla akong tumawa ng pilit.

Hindi masakit, pero masakit na masakit.

"I was born with this very rare disease that called Congenetal Analgesic Disease. Pero alam mo yung matindi? I was also born in the absence of fear which they call Unbach Wiethe Disease. Pero alam mo, hindi naman ako kumbinsido. Daig ko pa nga ang duwag kung umasta eh. Biruin mo, nabuhay akong ganito? Nakakatawa 'no?" sabay turo ko pa sa sarili ko bago muling lumaklak ng alak.

"Para akong isang kriminal na tago ng tago. Nakakatawa lang kung bakit ganun ang sabi ng ilang doctor na walang ginawa kung hindi pagaralan ko noong bata pa ako. Sinasabi nilang ganun ako kahit parang hindi naman talaga. They also said that this is a blessing in disguise. That it was a Gods gift. But how come they call it a blessing and Gods gift while it's just made to harm someone? Noon hindi ako naniniwala sa 'malas.' But now I realized that I am a living walking sinister who couldn't deserve to be a someone's sibling, someone's daughter and someone's friend."

Naiiling na lang ako habang mapait na napapangiti. Pilit kong kinakagat ang labi ko para kahit hindi ko ramdam ang sakit na dulot nito ay mawala ang atensyon ko sa luhang gusto ng kumawala mula sa mga mata ko.


Ano pang silbi ng pagtatago kung halos lahat alam na naman ni Blaze? Wala na akong ibang makitang dahilan para hindi ko sabihin ang nararamdaman ko. Pero isang palaisipan pa rin sa'kin kung bakit sa dinamirami ng tao, s'ya pa itong pinili ng Diyos para malaman halos lahat ng sensitibong sikreto ko. Kung bakit s'ya itong nasa tabi ko sa ganitong pagkakataon.

"Hindi ka naniniwala ano?" ngumisi ako sa kanya.

His face was expressionless. Walang emosyon ang paraan ng kanyang pagtitug sa'kin. Blanko lamang ang kanyang mukha kaya hindi ko mabasa ang iniisip n'ya.

Kinuha ko ang swiss knife sa bag ko. Sa sandaling nakita n'ya yun ay bahagyang nanlaki ang mata n'ya. Mabilis kong iginuhit ang kutsilyo sa aking palad kaya wala na rin s'yang nagawa kung hindi ang mapaawang na lang ang bibig sa ginawa ko.

"See this? Hindi ito masakit. Wala akong maramdamang sakit. Pwede mo sabihing nagpapanggap lang akong hindi ako nasasaktan. Pero alam mo bang mas madaling magpanggap na nasasaktan ka kaysa sa hindi? Yun ang ginagawa ko buong buhay ko. Nagpapanggap ako na nasasaktan ako sa kahit anong pisikal na pananakit na natatanggap ko para lang hindi ako makita ng mga tao bilang hindi normal kumpara sa kanila. Kung hindi ka pa rin naman kumbinsido, pwede mo akong saksakin gamit ang kutsilyong ito."

Paglalahad ko sa kanya ng hawak ko. Pero dumilim lamang ang itsura n'ya habang mariing nakatitig sa'kin. May kinuha s'ya sa bulsa n'ya at hinawakan ang palapulsuhan ko saka hinigit para lalong mapalapit sa kanya.

Maingat n'yang tinalian ng panyo ang palad kong nagdurugo. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha habang ginagawa n'ya yun.

"Please, don't do that again." masuyo nyang banggit ng pasadahan ako ng tingin.

Iba ang dating sa akin ng tono ng pagkakasabi n'ya kaya agad akong umiwas ng tingin. Ginamit ko ang isa ko pang kamay para muling uminom ng beer.

"Iiyak na lang ba ako para maexpress ko yung sakit? Para masabing nasasaktan talaga ako?" I smirked and turned my eyes downcast.

"Sino ba kasing nagsabing bawal ka umiyak? Crying is one of the most natural way to express your feelings. That is how your body speaks when your mouth can't explain the pain. Yes, you can't recognize any pain physically. But it doesn't mean you didn't feel the pain emotionally." He's looking at me with his gravelly eyes.

Hawak n'ya pa rin ang kamay ko. Muli n'ya iyong tinignan at inexamine. He seems worried at my wounds. How touching. Kung saan ay ganito ko s'ya nakilala noong una, hindi sana kami humantong sa ganitong sitwasyon.


"Hindi habang buhay pwede kang magpanggap na hindi ka nalulungkot, nagagalit o nasasaktan. Sooner or later, you'll notice that it mentally destroy you." he preached while focusing in my eyes only.


"But I'm already destroyed. I had a lot of mistakes in my life. Narinig mo naman siguro hindi ba? Uulitin ko pa ba para mas maawa ka?"


"Rumors don't define who you are, Candid." he retorted. "Hindi nakadepende sa mga mali mong nagawa ang pagkatao mo. Basta huwag mo lang bilangin yung mali, paramihin mo ang tama mo."

Muli akong natawa sa sinabi n'ya. Lasing na ba ako? Mukhang hindi na ito ang Blaze na kilala ko.

"Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa retreat? 'Let us all make our particular damage to become our individual inspiration to make us grow. Let yourself embrace your flaws and defections.' Ikaw na rin ang nagsabing nararamdaman mo ang sakit, hindi ka lang nagpapatalo."

Ngumiti ako ng nakakaloko ng balingan ko muli s'ya.

"This is another version of Blaze Anthony Dalton, right? Yung Blaze sa retreat at yung Blaze na kaharap ko ngayon."

Sa halip na mainis s'ya pangaasar ko ay lalo lang nagseryoso ang paraan ng tingin n'ya sa'kin. Kulang na lang sigawan n'ya ako ng 'Hindi ito ang oras para makipagasaran ka sa'kin, Candid!' Ni hindi pa rin nga n'ya binibitawan ang kamay ko.

Pero sa isang banda, hindi ko maiwasang magbunyi dahil mukhang kahit papaano nanalo naman ako. Hindi ako umiyak. Kaso mabigat. Ano mang pangangaral sa'kin ng may lahing ahas na kasama ko, hindi pa rin gasinong napapagaan ang pakiramdam ko.

"If you don't mind, Candid.." he hesitantly paused, "Ano yung binanggit ng magaling mong kapatid na bakit hindi ka pa natuluyan?"

Kitang kita ko ang masidhing pagkyuryosidad sa mga mata n'ya habang deretso lamang s'yang nakatingin sa mga mata ko. Ako ng unang umiwas ng tingin at binawi na ang kamay ko. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas na magsalita.

"I committed suicide."

Pasimple ko lamang sinulyapan ang reaksyon n'ya bago muling uminom. Awang ang kanyang bibig na tila hindi makapaniwala sa narinig.

"That tattoo on my nape is the living proof. Alam kong nakita mo na yun minsan, Blaze." Mainam ko s'yang tinitigan.

Hindi n'ya siguro alam ang sasabihin dahil sa rebelasyon kong iyon kaya nanatiling awang ang kanyang bibig. Itinikom n'ya rin yun agad at ilang beses na napakurap na lang ang mata na parang pinoproseso pa ng utak n'ya ang sinabi ko.

"A semicolon tattoo.." he muttered flatly.

"Yes, it is. Know what it means?" mabagal lang s'yang umiling. "They said that a semicolon represents a sentence. The author could've ended the sentence, but chose not to. It's cliche to say that I am the author, and the sentence is my life. I chose to continue living even if I wanted to end everything."

Deretso lamang ang mga mata kong nakatitig sa mga matang nagpapakita ng simpatya ng pakikinig sa'kin. Mga matang hindi man magsalita, ay nararamdaman kong sinserong naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi man n'ya ako deretsohin, alam kong kinakaawaan n'ya na ako dahil lamang sa mga sinabi ko.

But it's not my intention para magpaawa. Hindi ko yun inugali. Sadyang masyado lang s'yang tsismoso at isa lamang akong tapat na tao na nagsasabi ng totoo.


Pero masyado akong maagang nagbunyi na nanalo ako kahit papaano. Kaso ng muling bumalik sa alaala ko kung bakit ako may tattoo sa batok ko, para akong isang kandilang pinatayan ng apoy pero patuloy pa ring natutunaw. Isang mitsa na unti unting nauupos ng hindi kinukuskos.

Muli kong kinagat ang pangibabang labi para maibsan ang sakit sa loob ko. Pero gaya ng sinasabi ko, traydor ang emosyon ng tao. Pabagobago at bigla kang titirahin patalikod. Pilitin mo mang palakasin ang loob mo, sasaksakin ka nito ng hindi mo namamalayan sa mga oras na sobrang kampante mo. Parang kapag natuto kang ngumiti at maging masaya, asahan mong kinabukasan ay makakaranas ka ng labis na sakit at pagluha.

"For once in my life, I became weak, vulnerable and vain who committed a crime but ended up being a coward to face my fate. I chose to fight for the last minute of my life. But now, I regret what I did. How I wish I've never breathed." garalgal na ang aking boses habang nagsasalita.

Namalayan ko na lamang na paisa isa ng kumakawala ang mga luhang umalpas na at hindi na nakayanan pang labanan ng aking mga mata.

I immediately averted my gaze and face another direction. Alam kong medyo madilim at nakababa masyado ang unahan ng sumbrelo ko para makita n'ya ng malinaw ang mukha ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang mailang na makita n'yang nagkakaganito ako.

Ako lang ang natatanging babae na bumabara sa mga sinasabi n'ya. Walang pagaalinlangang pinagsasalitaan s'ya ng maaanghang na salita. Nagiisang taong pumipikon sa kanya ng higit sa limitasyon n'ya. Tapos ngayon iiyak lang ako sa harapan n'ya? Hindi ba parang hindi tugma? Nagmamatapang ako sa kanya pero isa naman pala akong talunan at mahina.

Marahan n'yang hinawakan ang baba ko at dahan dahan iniharap sa kanya. Napatitig na lang ako sa mukha n'ya ng maingat n'ya pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay n'ya.

"Don't say that." he whimpered with a husky voice.

Parang isang masamyong boses iyon na nagpalambot bigla ng leeg ko para hindi na muling magbaling ng atensyon sa ibang direksyon.

How come that a simple words coming from him with that kind of voice make me waver?

"You're..confusing me, Blaze." napakagat labi na lang muli ako ng hindi ko sinasadyang masabi yun. Iniisip ko lang talaga yun.

Lasing na ako!

"Am I?" Isang matamis ngunit nakakalokong ngiti ang ginawad n'ya habang patuloy na pinupunasan ang pisngi ko.

Ingat na ingat n'yang dinadampi ang kanyang palad na para akong isang babasahing bagay na iniingatan n'yang mabasag.

Pakiramdam ko lalong umiikot ang paligid ko sa twing dumadampi ang balat n'ya sa pisngi ko. Lalo akong nahihilo. Ganun na ba talaga karami ang ininom ko?

"You deserve to live longer. You should be a shark. You have to keep moving to stay alive, Candid." he advised. "Kailangan mong mabuhay dahil malakas ka. Habang may lakas ka, makakatayo ka. Hindi mo pa lang siguro alam kung ano ang mga dahilan kung bakit nabuhay ka pa, pero balang araw malalaman mo isa isa ang mga dahilan na yun. Mga dahilan na gawin mong tungtungan para magpatuloy ka sa buhay. Kunin ang nga bagay na gusto mo. Abutin ang mga pangarap mo." with his calm voice and gentle gaze, I can't help to abstain my focus.

"Sapat na bang rason ang mga yun para mabuhay ang isang tao? Maraming tao ang namatay ng marami pang pangarap. Pero nakamit nila ang hanggangan ng hindi nika ginusto dahil oras na nila para lumisan sa mundo. Paano ko masasabing yun ang mga dahilan ko para patuloy akong mabuhay, Blaze?" hamon kong tanong sa kanya.

Kumuha muli ako ng isang bote at deretderetso ko ulit yung tinungga. Walang preno hanggang sa maubos. Napamura pa ako ng dahil sa muntik kong pagkalaglag mula sa couch dahil sa sobrang hilo.


Muli kong naramdaman ang paghila n'yang muli sa kamay ko. Hindi ko na maaninag ng ayos ang mukha n'ya dahil malakas na ang tama ng mga alak na ininom ko. Gusto ko ng pumikit. Pero parang babaliktad ang sikmura ko.

"Malay mo, isa ako sa rason." seryoso at malalim ang boses n'ya habang nakatitig sa kamay ko na may nakataling panyo. Saka nito bahagyang ihinilig ang ulo ng magbalik tingin sa'kin. Bahagya pa s'yang nagangat ng gilid ng kanyang labi habang deretsong tinitigan ako.


"Hindi natin alam, baka isa pala ako sa mga sagot kung bakit kailangan mo pang mabuhay."

My heart suddenly skipped a bit. Isang banyagang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. Awang ang bibig ko habang pilit na tinitignan ang kanyang mukha. Hindi ako sigurado kung tama ang pagkakadinig ko o baka dahil lamang sa matinding kalasingan ko.





Ang pakiramdam na 'to.. 'Takot' na ba ang tawag rito?

Continue Reading

You'll Also Like

326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
2.1M 99K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
2.7M 89.5K 105
Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years of finding a decent job that meets Nass...
393K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...