Rewrite The Stars

By PlayfulEros

2.7K 1.5K 2

[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the... More

Prologue
1st Star
2nd Star
3rd Star
4th Star
6th Star
7th Star
8th Star
9th Star
10th Star
11th Star
12th Star
13th Star
14th Star
15th Star

5th Star

215 142 0
By PlayfulEros

FIFTH

Tahimik na pinagmasdan ni Reena si Venus Frias pati na rin ang mga lalaking lumapit dito. Nagulat si Reena nang makitang isa sa mga lumapit na lalaki kay Venus ay nakasuot ng jersey na may nakalagay na ‘Del Fierro.’


Kapatid ba ‘to ni Levi?


Pinagmasdan ni Reena ang lalaki. Gwapo rin talaga ito at ang puti ngunit walang makitang resemblance ang dalaga sa kanila ni Levi siguro dahil mukha talaga itong foreigner gawa ng blonde nitong buhok at kakaiba pa ang mata nito dahil para silang purple. Naka-contact lenses yata at baka hiniram niya ang jersey ni Levi.


Nagulat si Reena nang makitang biglang hinila ni Kylo si Venus Frias palayo. Gulung-gulo siya sa nasaksihan. Anong nangyayari? Magkakilala ba sila?


Agad na tumakbo si Levi kasunod nina Kylo at Venus at nawala na silang tatlo sa paningin ni Reena. Hindi alam ni Reena kung susundan ba niya ang mga ito o ano pero nang makapagdesisyon na siyang sumunod ay nakita na ulit niya si Levi. Wala itong kasama ni isa kanila Kylo at Venus. Nasaan kaya pumunta ‘yung dalawang ‘yun?


“They know each other?” tanong ng isang lalaki kay Levi nang makabalik na ‘to kung nasaan sila pero hindi ito sumagot. Dumiretso si Levi sa tapat ni Reena kaya biglang lumakas ang kabog ng dibdib ng dalaga. Sobrang lapit niya kay Reena na hindi na ito makahinga nang maayos sa sobrang kaba.

Kinuha niya ang bag niya saka naglakad ulit pababa kung nasaan ang ibang ka-team niya. Pinagmasdan lang siya ni Reena habang inaayos niya ang gamit niya. Hindi talaga maiwasan ni Reena na mapatitig dahil ang gwapo niya talaga. Hindi siya ngumingiti pero ang attractive niya. Naisip tuloy ni Reena. Siguro ‘yun ang charms niya.


Nakita ni Reena na umupo si Levi at mukhang naghihintay. Panay ang tingin nito kung saan pumunta sina Venus at Kylo kanina. Hinihintay ba niyang bumalik sila?


Napalingon si Reena sa daan na kanina pa sinusulyapan ni Levi nang bigla itong tumayo at saka dire-diretsong naglakad palayo. Nakita naman ni Reena sina Venus Frias at Kylo na pabalik na. Sumunod si Venus Frias sa daang dinaanan ni Levi at dumiretso naman si Kylo kung nasaan si Reena.


“Magkakilala kayo?” tanong Reena kay Kylo pagkakuha nito ng bag nito. Wala nang tao kaya mukhang nagsi-alisan na ang mga nag-training kanina.


“A-Ah... oo,” tipid na sagot ng binata saka inabot ang kamay niya kay Reena upang tulungan itong tumayo kaya inabot naman ‘yon ng dalaga at tumayo na nga.


“Tara na. Saan mo gusto kumain?" tanong ni Kylo at nauna nang maglakad.


Nang makaraan sila sa tinambayan sandali ni Levi kanina ay nakita ni Reena ang towel na ginamit nito kaya naman kinuha niya ‘yon. Napalingon si Kylo sa kaniya at mukhang nagtaka nang makitang may hawak siyang towel.


“Kanino ‘yan?” tanong ng binata saka lumapit.

“N-Nakita ko lang,” sagot ni Reena at kinuha na ni Kylo ang towel.


“Kay Del Fierro yata...” dagdag pa ni Reena.


“Sinong Del Fierro?” tanong ni Kylo at ibinalik ang tingin sa dalaga.


“Sino pa ba?” sarcastic na sagot ni Reena.


Para namang napakaraming Del Fierro rito. Hindi ba niya kilala mga teammates niya?


“Sinong Del Fierro? Hayden, Levi, o Sebastian?” tanong ni Kylo na ikinagulat ni Reena.


“M-Maraming Del Fierro sa varsity?”


“Kung varsity overall, anim lahat ng Del Fierro. Isa sa swimming, tatlo sa soccer, at dalawa sa basketball,” sagot naman ni Kylo.


“Magkakapatid sila?” tanong ni Reena, gulat pa rin at hindi makapaniwala. Nagsimula naman nang maglakad si Kylo kaya sumunod na sa kaniya ang kasama.


“Well... magkapatid ‘yung isang ka-team ko at ‘yung swimmer. Magkapatid din ‘yung isa pang ka-team ko at isang basketball player,” sagot ni Kylo at nakarating na sila sa locker room.


“Sino sa kanila may-ari nito? Si Hayden ba? ‘Yung sobrang puti? Blonde, purple eyes?” tanong ni Kylo at pinakita ‘yung towel.


“Si... Levi,” sagot ni Reena.


“Ah, si Levi,” sabi naman ni Kylo at sinabit ‘yung towel sa handle ng isa sa mga lockers. Nakita ni Reena na may nakasulat na ‘L. Del Fierro’ sa locker na ‘yun. So, ito pala ang locker ni Levi.


Hindi nakalagpas sa paningin ni Reena ang isa pang locker kaya napahinto siya sa tapat nito. Hindi ito kalayuan kung nasaan ang locker ni Levi at may nakalagay na ‘L.M. Del Fierro’ sa pintuan nito.


“M din ba ang middle name ni Levi?” tanong ni Reena kaya napalingon sa kaniya si Kylo at napatingin sa locker na tinitingnan niya.


“Ah, kay Lucas ‘yan. Second name niya ‘yung M, hindi middle name. Hindi ko lang alam kung ano ang middle name nila,” sagot ni Kylo at nagpatuloy na sa paglalakad.


“Tara na?” lingon niya kay Reena kaya naman tumango ang dalaga bilang tugon.




Kumain na nga sila na si Kylo lang ang nagbayad dahil ayaw talaga nitong pagbayarin si Reena at nagpresinta pa itong ihatid ang dalaga pauwi.



“Sige na, ngayon lang ako makakapag-drive,” pilit pa ni Kylo na nakapagpalaki ng mga mata ni Reena.

“Ano?! Ngayon ka pa lang magdi-drive tapos nagpe-presinta ka pang ihatid ako? Huwag na, wala pa akong balak ma-meet si Lord.”

“Marunong akong mag-drive, okay? Ngayon ko lang talaga napilit parents kong huwag akong ipasundo sa driver dahil gusto kong mag-drive,” sagot naman ni Kylo.

“Ngayon lang ako napagbigyan nang ganito kaya naman tulungan mo na akong sulitin ‘to,” sabi pa niya na mukhang nagmamakaawa na.


Napakamot na lang sa ulo si Reena. Mukhang gusto nga talaga niyang mag-drive nang mas matagal pa pero naman kasi, paano ako makakasigurong makakauwi ako nito? Kakasabi lang niyang ngayon lang siya pinayagan mag-drive. Baka imbis na makauwi, kay San Pedro ang diretso ko.


Puwede naman siyang mag-roadtrip kahit hindi niya ako ihatid para mahaba pa ang time niya makapag-drive. Bakit ba kasi nagvo-volunteer pa siyang ihatid ako?


Tiningnan ulit ni Reena si Kylo kaya naman wala na siyang nagawa. Pumayag na siya. Isa ito sa talents ni Kylo; once na tumingin ka na sa mga mata niya kapag nagmamakaawa siya, wala ka nang magagawa kung ‘di pagbigyan ang gusto niya. Effective talaga ‘tong tactic niya na ito kay Reena pero ewan na lang ni Reena sa mga magulang ni Kylo. Palagi kasing nababanggit ni Kylo ang mga magulang niya at tuwing kinukuwento niya ang mga ito ay parang lagi na lang pagbabawal sa kaniya ang sinasabi niya, na wala na siyang magawa kung ‘di sumunod.


“Paano pala kayo nagkakilala ni Venus Frias?” tanong ni Reena habang nasa labas ng bintana ang atensyon niya.

“Sumagot ka pero huwag mong i-alis sa daan ang mata mo, ah,” dagdag pa niya kaya natawa si Kylo.


“She’s my childhood friend,” sagot ni Kylo kaya napalingon sa kaniya si Reena. Sandali naman siyang tumingin sa dalaga pagkalingon nito sa kaniya at ibinalik din kaagad ang tingin sa harap dahil sinutsutan siya nito at sumenyas na ibalik niya ang tingin sa harap.


“I think I was... five years old when we first met. Medyo close kasi ang parents namin dahil sa business,” kuwento pa niya.


“Buti hindi kayo in-arrange marriage?”


Halos atakihin sa puso si Reena nang biglang huminto ang sasakyan. Buti na lang talaga at naka-seatbelt siya.


“Ano ka ba naman, Kylo! Bakit bigla-bigla ka na lang pumi-preno!” hampas ni Reena sa binata. Dapat talaga hindi na ako nagpahatid, eh!


“I’m very sorry. N-Nagulat lang ako sa sinabi mo.” Tinabi ni Kylo ang sasakyan saka yumuko at binitawan ang manibela. Napansin ni Reena na namumula siya kaya naman lumapit ito sa mukha niya para masiguro kung namumula nga siya.


“In-arrange marriage nga kayo, ‘no!” hampas ni Reena kay Kylo na ikinagulat nito kaya naman tumawa ang dalaga. Ngayon lang niya nakitang mahiya nang ganito si Kylo at hindi niya na-imagine na ganito pala siya ka-mag-e-enjoy kapag nakita na niyang ganito ang binata.


“H-Hindi naman natuloy,” saad ni Kylo na parang defensive pa.

“Bakit naman?” tanong ni Reena.

“Namatay kasi ang parents niya,” sagot ng binata na nakapagpatahimik kay Reena.


“It was very unfortunate. Since that day, Rai became distant. It may seem like nothing changed but in reality, everything changed when her parents died. She became this perfect lady everyone wishes to be. She’s beautiful, smart, obedient, kind, and everything positive you could think of.”


Sandaling natahimik si Reena nang marinig ang mga sinabi ni Kylo. Wala siyang magulang pero hindi niya alam ang pakiramdam ng mawalan ng magulang dahil simula nang magkamuwang siya sa mundong ‘to ay wala naman na talaga siyang kinilalang magulang. Pamilya na ng tiyahin niya ang kinamulatan niya kaya naman hindi niya lubos maisip kung gaano kasakit ang pinagdaanan ni Venus Frias. Maaaring hindi niya naranasan ang sakit na naranasan ni Venus pero sigurado siyang napakasakit no’n na sa tingin niya ay kung sa kaniya nangyari ‘yun, hindi niya kakayanin.


“Rai?” tanong bigla ni Reena nang maalalang tinawag ni Kylo na ‘Rai’ si Venus Frias.


Endearment ba nila ‘yon?


“Nickname niya. Venus Riley Genesis kasi ang pangalan niya. I call her Venus because I feel like we’re not close enough for me to call her that but I call her Rai inside my head,” sagot ni Kylo kaya naman napatangu-tango si Reena.


Nagmaneho na ulit si Kylo at hinatid na si Reena sa kanila. Agad namang bumaba si Reena pagkatapos niyang magpasalamat dahil gabi na pala. Mapapagalitan siya ng tiyahin niya.


Pagkapasok ng gate, nagulat si Reena nang biglang may sumalubong na tubig sa kaniya. Nanginig siya sa lamig ng tubig na itinapon sa kaniya. Nalaman na lang niyang tiyahin niya ang may gawa no’n nang maramdaman niyang may humila sa buhok niya.


“T-Tita, sorry po. Ginabi lang p—”


“Ikaw bata ka, palagi ka nang gabi umuuwi, ha! Ano? Hindi ka na rito titira, ha? May mapapakain ka na ba sa sarili mo?! Mabubuhay ka na ba sa sarili mo, ha?!” sampal ng babae kay Reena saka siya tinulak nang malakas kaya naman napaupo siya sa basang lapag.


“S-Sorry po, Tita. May... may kailangan lang po kasi—”


“Wala akong pake!” sampal niya ulit kay Reena dahilan para mabalot ng kaba ang dalaga.


“May party si Patty bukas! Ako pa ang naglaba ng kailangan niyang gamitin! Ano, hindi ka na kikilos dito sa bahay, ha? Ha?!” Hinila ng babae sa buhok si Reena papunta sa batsa ng tubig na may sabon. Nagulat si Reena nang ilublob ng tiyahin niya ang ulo niya sa batsa dahilan para makainom siya ng tubig na may sabon dahil sa pagkabigla. Nagpumiglas siya pero malakas ang tiyahin niya kaya mas nakainom lang siya ng tubig.


“T-Tama na po, ‘Ta! Hindi ko na po—” umiiyak nang pagmamakaawa ni Reena nang i-ahon ng babae ang ulo niya pero nilublob lang ulit nito ang ulo niya sa batsa kaya nakainom ulit siya ng tubig.


“Tita, tama na po, please. Tama na po,” humahagulgol nang pagmamakaawa ni Reena pero marahas pa ring nilublob ng tita niya ang ulo niya sa tubig.


“Magtanda kang bata ka, ha! Hindi ka prinsesa rito! Pinapalamon ka na nga, wala ka pang utang na loob!” rinig ni Reena na sigaw ng tiyahin niya kahit nasa ilalim ng tubig ang ulo niya. Pilit niyang inaahon ang ulo niya dahil nauubusan na siya ng hininga pero malakas talaga ang babae kaysa kaniya.


Tuluy-tuloy na ang pagpasok ng tubig sa baga ni Reena dahil naubusan na talaga siya ng hininga. Unti-unti na rin siyang nawawalan ng lakas at pag-asa.


Tita... tama na po...


Pipikit na ang mga mata ni Reena nang bigla siyang mapamulat ulit dahil sa isang sigaw.


“REENA!”


Nawala ang puwersa ng babae sa paglublob sa ulo ni Reena sa tubig kaya agad umahon si Reena at dinuwal ang tubig sa bibig niya saka huminga. Nagulat siya nang makita si Kylo.


♤♤♤

Continue Reading

You'll Also Like

35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.1M 80.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
111K 3.3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
285K 18K 11
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...