Dreaming Of You [On Going]

Bởi jonjieramz123

16.7K 852 370

[UNDER REVISION] #Lucky Xem Thêm

WARNING/DISCLAIMER!!!
AUTHOR'S NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2: A Glance
Chapter 3: Aesthetic
Chapter 4: Paranoid
Chapter 5: Meeting You
Chapter 6: Emotionally Drained
Chapter 7: Misinterpreted Date
Chapter 8: Unexpected Mood
Chapter 9: The Scene
Chapter 11: Getting Naughtier
Chapter 12: Territory
Chapter 13: Make You Feel Special
Chapter 14: Random
Chapter 15: Mood
Chapter 16: Jealous

Chapter 10: Naughtiness

445 32 22
Bởi jonjieramz123

Dreaming Of You
"Naughtiness"
<><><>
Lucas Tyler Valdro

TULUYANG nagising ang diwa ko mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang maramdaman na may mabigat na bagay ang nakadagan sa dibdib ko. 

Nang sandaling nagmulat ako ng mga namumungay kong mata ay tsaka ko natukoy ang dahilan ng aking pagkagising. Hindi ko maiwasang mapangiti sa mala-anghel na mukha niyang mahimbing natutulog sa itaas ng dibdib ko. Nakapatong katawan niya sa kabuohang bahagi ng akin katawan. Mukhang pagod na pagod siya sa ginawa namin kagabi.

Marahan at maingat kong hinawakan ang malambot niyang pisngi. Hindi ko maiwasang mamangha sa pagkapino at pagkakinis nito, kaya hindi nakakapagtaka na satuwing na pagmamasdan ko ang mga ito ay nahihikayat akong paulanan siya ng halik.

Hindi pa ako nakuntento sa pagdama ng magandang katangian niya. Iniangat ko aking kanang kamay tsaka hinaplos ang malambot at semi-blonde na buhok niya. Hinagod hagod ko ito. Medyo na alarma pa ako nang kumilos siya ng bahagya kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Pero nahawi lahat ng alalahanin ko ng hindi pa rin siya gumigising.

Napakaaliwalas at napakagaan pagmasdan ang mukha niya.
Taglay niya ang malambot na katangian. Bilogan na may pagkapungay na mata, matangos na ilong, at napakagandang korte at kulay kulay pulang lusaw na labi. Napakaperpekto!

Pano kaya siya ginawa ng magulang niya at napaperpekto ng pagkakahulma sa kanya?

Natawa ako sa tanong na'yon. Talaga ba Lucas, you really want to know how this angel made?

As much as I want to stay with him in this position pero may kailangan pa akong gawin.

"Aalis ba ako o hindi? Napakasayang naman ng pagkakataon na ito," Pabulong na tanong ko. Parang ayaw ko kumalas sa posisyon namin na ito. Pakiramdam ko malaking bahagi sa katawan ko ang mawawala. .

Napailing ako at bahagyang natawa. Hibang na nga talaga ako. Ang Korni ko!

Wala na akong nagawa pa. Kailangan kong maghanda pang umagahan.

Marahan akong kumilos para makaalis sa posisyon ko. Pero satuwing nagbabalak ako na gumagalaw ay mas dinidiinan niya ang paghiga. Pano to?

Ayaw ko rin naman na gisingin siya.
Sinubukan ko ulit kumawala sa posisyon namin pero nagulat ako sa sumunod na nangyare. Ikinapitik ng ugat ko sa katawan ang bigla niya pagyakap sakin ng mahigpit. Shit! Hindi ko maiwasang ganahan sa ginawa niya.

Puta, ang aga pa Lucas para tablan ng kalibugan!

Maya maya pa ay inatake na ako ng panghihinayang nang marahan itong gumulong pababa sa katawan ko. Biglang napalitan ng lamig ang bahaging nilinisan ni Luke. Nasa kanang pwesto siya ng sofa, buti na lang may harang doon.

Mahimbing parin siyang natutulog. Kahit pa binalot ako ng pagkadismaya ay hindi ko pinalampas na yakapin siya ng mahigpit patalikod.

Dahan dahan akong tumayo para hindi siya magambala sa mahimbing niyang pagtulog. Suot suot niya parin ang damit ko na nagmukhang oversize sa katawan niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa taglay niya ka-cutan.

He has his own definition of sexiness.

"I don't know, kung ano ang nangyayare sating dalawa . Pero isa lang ang sinusugorado ko, kailangan kitang protektahan," bulong pagkakasabi ko habang hinahaplos-haplos ang buhok niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang lisanin siya. Para akong gago na napapangiti sa hindi malaman na dahilan. Tinignan ko ang relo ko para tukuyin kung ano oras na ngayon. Medyo madilim pa at umaakma nga sa oras ng relo ko, alas quattro y media palang.

Lumabas ako para bumili ng rekados para sa pinaplano kong lutoin.

Hindi na ako nag aksayang pa ng oras at umuwi agad matapos makapamili sa pinakamalapit na palengke sa bayan na ito.

Pagbalik ko sa bahay ay wala parin pagbabago. Natutulog padin siya. Natawa ako sa naisip kong dahilan, mukhang pinagod ko nga siya kagabi. Lumuhod ako malapit sa kinakahigaan niya. Parang magandang tanawin ang turing sa kanya sa paraan ng pagtingin ko.

Time check, it's 6:00 in the morning. Sabado ngayon, buti nalang walang pasok. Mukha kasi tong palaaral eh. Baka kung nagkataon na may pasok ngayon ay nagkumahog na ito umalis.

Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras ay nailuto ko na lahat ng pagkain. Medyo nagkaaberya pa ako sa kakulangan ng kagamitan pero nagawan ko din naman ng paraan.

Nilinis ko ang lamesa na puno ng alikabok at itinago ang ilang upuan sa bodega. Napailing ako at panay ang ngisi. Kung anu-ano na naman naiisip ko sa mga pontong ito.

Isang plato, isang pares ng kutsara't tinidor at adobong manok, chicken curry, kanin lang nakalatag sa lamesa. Mga pagkaing madalas na niluluto ng ina sakin nong nabubuhay pa siya.
Hindi ko maiwasang malungkot at magalit sa unti unting pagkabuhay ng alala sa isip ko. Nakakamiss ang mga pag aaruga sakin ni ina, yong mga gabay sakin ng ama ko kung pano maging matapang at responsableng lalaki. Lahat yon sa panaginip ko na lang matatagpuan.

Bigla akong nagising sa paggugunita sa nakaraan ng mapansinsing gising na siya. Kinikuskos niya ang mata niya habang pilit na inaaliwanagan ang paligid. Humikab pa ito tsaka bahagyang naituon atensyon niya sakin.

Napangisi ako. Nakaramdam ata siya ng hiya ng mapansin nakatingin ako sa kanya.

"Good morning," pambati ko sa kanya. Nanatili parin siyang nakaupo sa sofa. Napansin kong namula siya at hindi makatingin sakin ng deritso.

Tinignan ko ang sarili ko at napagtantong wala namang kakaiba sa'kin bukod sa nakahubad ako pang itaas. Tipid akong tumawa."Wag kana mailang sa katawan ko, kagabi nga magkadikit na tayo tapos mahihiya ka pa,"pilyong pagkakasabi ko na mas ikinatindi ng pamumula niya. Halatang sinusubukan niyang labanan ang pamumula sa papamagitan ng pagpapakitang naiinis siya. Naaaliw ako.

"Halika na dito. Kain na tayo," aya ko.

Pero hindi parin siya tumatayo.

"Pupunta ka rito o ako pupunta sayo. Gustong gusto mo ata na ako pa gumalaw e nuh?" makahulogang saad ko sabay ismid.

Tignan lang natin kung hindi ka pa tatayo.

At dahil nga du'n ay padabog itong tumayo at pumunta sa kinaruruonan ko, sa lamesa. Napansin kong ang dami nyang kiss marks o hickeys sa leeg. Maputi pa naman siya kaya halatang halata ang mga iyon. Hindi ko maiwasang matawa sa sarili ko. Sarap kasi sipsipin leeg niya, hindi ko sinasadyang magawan siya ng mga bagay na iyan.

Enough with the excuse, Lucas. Sinadiya mo ang bagay na'yon.

Napailing ako.

"A-asan ang upuan?" Tanong niya.

Hindi ako nagsalita.
"Bakit isang plato lang at para sa isang tao lang kubyertos?" dagdag sa katanungan niya. Kinagat ko labi ko para pigilan ang pagngiti.

"Wala, kinulang ako sa kagamitan sa bahay na ito. Wala din naman kasing naninirahan pa dito," tugon ko sa kanya. Ang totoo itinago ko rin ang iba pang plato at kutsara. Para-paraan ba ako masiyado? Can't blame myself.

"So pano ako kakain?" Tanong niya sabay pout.

Hinagod ko siya ng tingin.
Bagay pala sa kanya yong damit ko. Nagmukha siyang maliit na tao dahil sa laki nito sa katawan niya.

" Halika na wag na madaming tanong kain na tayo," sabi ko sabay hila sa kanya.

"Pano nga, eh kulang nga sa kagami---"

Hindi ko na siya pinatuloy sa pagsasalita nang tuluyan ko na siyang hinila. Una na akong umupo sa kahoy na upuan at ibunukaka ang hita ko.
Nakita ko ang biglang pangangamatis ng mukha niya at aakma sanang umalis pero huli na ng pinakadundong ko siya sa kaliwang hita ko. Hindi ko maiwasang manigas dahil sa plano kong ito. Ito ang dahilan kung bakit ko tinago ang iba pang upuan sa bodega .

'Take advantage.

"A-a-anong ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong. Napakabat ako ng labi, pigil na pigil sa pagngiti. My plan works very well. Gustong gusto ko siyang nakikitang ganito. It makes me want more of him.

"Edi papakainin ka. Bakit ayaw mo ng pagkain sa lamesa, gusto mo ako na lang kainin mo," malikot kong tanong sa kanya. Hindi nakatakas sa'kin ang paglunok niya. Sige pa Lucas. Sagad pa natin!

"H-h-hindi ako komportable," siya na nauutal parin.

"Hindi ka pa kumportable sa palagay mo na 'yan, eh kagabi nga halos---" lumambitin sa ere dapat na sasabihin ko nang sumapaw boses niya.

"Shut up! May atraso ka pa sakin," sumbong niya sabay nguso. Hindi ito tumitingin sa'kin at deritso lang ang atensyon sa kamay niya .

Para siyang bata! Ang cute.
Napangiti na ako nang tuluyan.

"Masakit parin ba?" Malapad na ngising tanong ko.

"S-s-siyempre,"siya.

Damn! He's really adorable. Napapaawang nalang labi ko sa admirasyon.

"Sorry naman," ako na pinagmamasdan ang mukha niyang sobrang namumula. His expression is something that you can't buy. Napakaganda at hindi nakakasawa.

"Alam mo namang masikip eh, tapos ang likot likot mo pa," aniya tapos bigla akong tinignan ng masama. Agad din itong umiwas ng mapagtantong anlapit lapit ng mukha niya sa'kin.

Bumunghalit na ako ng tawa. Aliw na aliw." Sorry na, promise sa susunod na tagpo doon na tayo sa kama para hindi ka mahulog sa kalikotan ko," asyur ko. Nalaglag kasi siya sa sofa no'ng patulog na kami. Tapos deritsa sa likod tumama ang semento. Masikip kasi sa sofa kaya nga napagpasiyahan ko na patulogin siya sa itaas ng katawan ko.

Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinainis niya, pero halatang ibang bagay ang pinapakita ng mukha niya kundi pagliyab.

I don't know why? Simula kagabi parang hindi ko na alintana ang kalitohan at kagulohan. Basta pag kasama siya ay sapat na sa'kin. Wala ako gaanong iniisip kundi ang papano siya iinisin, papulahin at asarin. Nawawala alalahanin ko kung siya ang kaagapay ko.

Kagabi, nasa punto na kami ng pag iisang katawan ng mapansin kong nakapikit siya at grabi ang agos ng luha sa mata. Kaya hindi natuloy ang bagay na iyon. Nakonsensiya ako. Pakiramdam ko may bagay akong makukuha sa kanya na sobrang importante sa pagkatao niya. Kaya kahit mahirap pigilan ang apoy sa kalooban ko ay kinailangan kong apulahin. Naramdaman kong may pag aalinlangan siya at dapat na respetohin ko iyon.

Natawa ako. Korni! Pero masasabi kong may pagkatao ko ang biglang sumigla. Parang nakakapag isip ako ng katuturan at katwiran. Dahil iyon sa kanya. Hindi ko alam kung pano niya nagagawa sakin to pero nag eenjoy ako, at gusto kong pahalagahan lahat ng to.

"Ikaw ba nagluto ng mga to?" Tanong niya. Bahagya niya pang inamoy ang mga ito at biglang nanlaki mata niya.

Tinignan ako nito ng maypagkamangha sa mukha. Tanging ngiti lang naitugon ko sa kanya.

Humigpit yakap ko sa kanyang beywang para hindi siya tuluyang mahulog sa pagkakaupo niya sa hita ko. Napakasarap ay este napakaganda ng posisyon namin.

"Oo, ako nga. Kasing sarap ko ang mga yan? Gusto mo na bang tikman?" Tanong ko na bahagya niyang ikinahinto.
Kinuha ko ang kutsara at nilagyan ito ng pagkain.

"Say AH!" sabi ko tsaka itinapat sa bibig niya ang isang kutsarang pagkain. Hindi nito ibinuka bibig niya sa halip ay umiling at yumuko. Mabilis naningkit aking mga mata. Parang batang nag iinarte. He's so cute!

" B-b-bakit kailangan mo ako subuan?"

"Eh kasi isa lang ang kutsara natin."

"Mag iintay na lang ako na matapos ka kumain tapos gamitin ko kutsara pinaggamitan mo," siya na nakayuko.

"Ano ba problema kung subuan kita ah?"

"E' naiilang kasi ako na iisang kutsara tayo."

" Anong problema don e' halos mag inuman na nga tayo ng laway kakahalikan natin tapos maiilang ka pa dahil sa iisa lang kutsara natin," hamon ko na nagpatigil sa kanya. Pigil akong tumawa. Grabi para akong ama na pinapagalitan ang makulit na anak.

"Eh kahit na----"

"Susubuan kita o ito ang isusubo ko sayo?" Sabay turo sa ano ko.

***

Luke Frederick Poblacion

"Susubuan kita o ito ang isusubo ko sayo?" Pagbabanta niya sabay turo doon sa ibaba ng ano niya. Bigla akong napalunok. Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa panunuyo. Bakit ba kailangan lagi siyang ganyan?

Seryoso ang mukha niya dahil dikit ang kilay nito. Para akong nag iinarteng bata na pinapagalitan ng nakakatanda.

"Ano? Pili ka, susubo ko to sayo o isusubo ko sa'yo si junjun!"

Mas lalo akong napalunok. Parang may kung anong bikig sa lalamunan ko. Bakit ang partikular na niya ata sa bagay?

Nakakainis pero hindi ko magawang umalma dahil mas mukhang galit siya.

"Oo na," marahan pagkakasabi ko sabay ibinuka ang bibig. Agad niya naman ipinasok ang kutsarang may katamtamang pagkain.

Napatingin ako sa kanya ng malasan ko ang pagkain na niluto niya. Masarap nga. Hindi ko akalain na magaling siyang magluto.

"Sarap ba?" Tanong nito ng nakangiti. Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Hindi ko rin naman siya masagot dahil may laman bibig ko.

"So ano sa feeling na masarap na nga ang luto tapos masarap pa ang nagluto?"

Ito na naman siya sa mga malilikot at nakakawalang dugo na mga tanong niya.

Nakakainis! Hindi ako naiinis sa paandar niya. Sa sarili ko ako naiinis dahil epektibo mga ganyan niya sa'kin.

Hindi ko siya sinagot at kinuha ang kutsara sa kanya. Mabilis ako naglagay ng kanin at adobo sa kutsara tsaka deri-deritsong subo naman sa kanya.

"Ayan, takpan natin ang bastos mong bunganga," sabi ko sabay ngisi ng napakalapad.
Bigla niya akong sinamaan ng tingin kalaunan ay napanguso, lumalabas tuloy ang pagiging maamo at cute niya.

Mabilis niyang nanguya ang pagkain na sinubo ko sa kanya at ako naman ang sinubuan niya. Nadatnan nalang namin sarili namin na nagsusubuan ng pagkain hanggang sa maubos ng ang nakahain sa lamesa.

"Busog ka ba?" Tanong nito sa'kin.

Napansin kong may nakadikit na ulam sa labi niya kaya itinuro ko ito.

"Huh?" Siya na nagtataka.

Hindi na ako nag intay na mafigure out niya kaya nagkusa na akong punasan yon ng kamay ko. Hindi siya umalma at hinayan lang ginawa ang bagay na iyon. Titig na titig siya sa'kin kaya mabilis kong iniwas tingin ko sa kanya.

"Ahhh. Nabusog ako," sagot ko sa tanong niya para tuluyang makalimutan ang pagkailang.

Hindi ito sumagot. Hanggang ngayon nakaupo parin ako sa hita niya habang ang kalawang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko. Gusto kong kumawala dahil sobrang nag aapoy na naman ako, dagdagan mo pa yong wala siyang pang itaas na damit kaya balandra talaga kagandahan ng kanyang katawan. Maya maya pa ay pinulupot niya na ang isa niya pang kamay dahilan para tuluyan niya na akong maakap.

Napatingin ako ng tuwid sa ginawa niya. Maraming ng reaksyon na nagaganap sa katawan ko ngayon . Titig na titig siya sakin .

Hindi ba siya nagsasawa sa pagmumukha ko? Halos lagi na lang niyang ginawa yan. Kinakabahan na rin ako sa mga susunod pa na mangyayare dahil sa makapigil hininga niyang tingin sa'kin.

Kailangan kong makaalis sa posisyon na ito. Sinubukan kong magpumiglas pero mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap sa'kin. Mas naramdaman ko lalo ang matigas niyang katawan dahil sa pagkakadikit namin. Nararamdaman ko na naman ang init. Hindi ko alam kung dahil iyon sa body heat or dahil iyon sa loob namin, pero kahit anong init pa yon ,isang bagay lang ang sigurado, na sa kanya galing ang agam na ito.

Lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos maduling ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Hindi ko na nga mapigilan pa ang sumunod na nangyare at dahan dahan niya na naman akong hinalikan.

This time mas gentle na ang paghalik sakin, mas more on comfort ito at assurance. Mas naramdaman ko na kuntrolado siya sa ginagawa niya.

"Hindi mo alam kung anong klaseng pagpigigil at pagkontrol ginagawa ko ngayon para lang maipabatid ko sayo na kaya kong mag intay,"sabi niya sa pinakababang tono. Parang dinuduyan ako ng mga salita niya. I appreciate it.

I know this time that this is not just lust. May mga bagay kami na nagagawa na tanging mga katawan at puso lang namin ang nagkakaintindihan. He cares for my fragility. Things seem not clear for us now. Pero alam namin na may malaking gampanin kami sa isa't isa.

"Thanks! Lucas," nakangiting sagot ko sa kanya. Yon lang ang bagay na maitutugon ko pansamantala.

Ipinatong niya ang mukha niya sa balikat ko.

Napakaganda at kung iisipin napaka romantic ng posisyon namin. Ako na nakaupo sa hita niya habang yakap yakap niya mula sa likuran tapos nakatanday ang ulo niya sa balikat ko. Everything seem so fast but it seems like we've been together before. I can't stop asking kung magkakilala ba kami dati dahil parang ang lalim ng koneksyon at ugnayan namin sa isa't isa. Pero feeling ko hindi, kasi kahit ako wala akong natandaan na nagkakilala kami. Iilan lang sa buhay ko ang hinayaan kong maging kaibigan o maging karelasyon ko kaya sigurado akong hindi siya naging parte ng nakaraan ko.

Naramdaman kong bigla itong ngumisi at nagsalita."Pero sana talaga next time payagan mo na ako huh? Kasi ngayon nakukuha ko pang pigilan si junjun , baka next time mas lumakas pwersa niya tapos hindi ko na mapigilan."

Sinamaan ko siya ng tingin kahit pa ang hirap tumingin sa kanya.

Ayos din talaga to eh nuh! Bahagi na talaga siguro sa katawan niya ang mga mahiwagang salita na iyan.

"Tsee! Alis na ako,"inis kong pagkakasabi sa kanya. Tumawa pa siya ng bahagya . Anong nakakatawa?

"Maya na, ang ganda ganda ng moment eh tapos sisirain mo," pagkontra niya tapos hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sakin. Halos hindi ako makahinga sa ginawa niya.

"Ako pa ngayon ang naninira. Ikaw nga diyan ang kung anu-ano pinagsasabi eh!" Irita kong saad. Napapansin ko para kaming baliw. Salitan kami ng inis.

Swabe siyang napahagikhik."Kiss muna," hirit niya. Bigla na naman akong namula. Bakit ba siya ganyan?

"Sapak, gusto mo?" pagbabanta ko pero wala epekto sa kanya. Ngumisi lang ito dahilan para maisiwalat ang pantay at mapuputi niyang ngipin.

"Oh siya, paliguan na kita!" Biglang deklara niya sabay kalas sa pagkakayakap sakin. Kanina hiniling kong makawala sa yakap niya, ngayon halos gusto ko ng manlimos na gawin ulit niya iyon. Nasisiraan na talaga ako.

"Hindi ako bata para paliguan mo," sagot ko.

"Hindi ka nga bata, pero baby kita. Ang baby dapat inaalagaan ni daddy niya. Wag na makulit paliliguan na kita!" Sabi niya sa pangangaral na tono ng boses. Nag init mukha ko sa sinabi niya pero umaalma parin ang isip ko sa ideyang paliliguan niya ako.

Shock ! I've never been treated like this before.

"Hindi ako maliligo, bala ka diyan," mariing pagtutol ko.

Siningkitan ako ng mga mata nito. Para siyang nakakatanda na gusto masunod layon niya."Paliliguan na nga kita , pag pumalag ka gagahasain talaga kita," banta niya. Bahagya akong lumayo sa kanya pero mabilis din itong humahakbang palapit sa'kin.

Nang tuluyan na akong napahinto sa sofa at napaupo ay agad niya akong kinorner sa mga braso niya. Napaangat ako ng tuhod at napayakap du'n. Para akong pagsasamantalahan dahil sa posisyon ko.

Masyadong mabilis ang pangyayare at nagsisimula na naman siyang halik halikan ang leeg ko at pinagsisipsip ito. Ayoko na sa gan'tong reaksyon na parang gustong gusto rin ng katawan ko ginagawa niya. Kaya naman kahit labag sa kalooban ko ang patigilin siya ay nagsalita ako.

"O-o-oo na, maliligo na po," kabadong pagsuko ko.

Napahinto siya sa ginagawa niya at itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Umismid siya ng bahagya at hinalikan ako sa noo. Nanatili ang labi niya sa noo ko sa loob ng limang segundo at kumalas din.

"Tara na baby ko, paliliguan ka pa ni daddy," sabi niya habang nakangisi.

Hindi ko alam kung pano nangyayare ang bagay na ito. Kung pano niya natutunaw ang puso ko. Kung pano niya nagagawang pawalain ako sa katinuan. Nawawala nga ba ako sa katinuan o sadyang ugali ko ito na tanging siya lang ang nakakapagpalabas. Iba ang komportable at pagkailang na nararamdaman ko pag siya ang kasama.

***
To be continued...

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...