One Night Stand (ON-GOING)

By elyxxxaa

759 278 6

Aliyah Thricia Adara grew up with her parents being disappointed with her because they believed she was to bl... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 3

79 34 0
By elyxxxaa

Niliko ko ang aking sasakyan sa karatulang Mavero Street. Kahit sa malayo pa lang ay makikita na ang kalakihan at tanyag ng kanilang negosyo.

Kinakabahan akong pumunta sa Mavero Corporation. 'Di ko alam kung sa pagmomodel ko mamaya o sa pag-asang di malabo na makita ko ang kaniyang pagmumukha sa mismong kompanya nila.

Tinungo ko ang aking sasakyan sa basement nila. 'Di ko maiwasang mapamangha sa negosyo ng mga Mavero, tunay ngang mayaman sila. I mean medyo may kaya naman pamilya namin ngunit hindi kasing kayaman ng mga Mavero.

Agad bumukas ang pintuan nila dahil sa guard na nginitian ako at ngumiti rin ako bilang pagbati. Nagpunta ako sa assistant para tawagin ang secretary ng MCL.

"Hi my name is Aliyah Adara. Can I talk with the secretary in MCL? May appointment ako sa kanya today"

"Sige ma'am upo muna po kayo. I'll just settle a call for you"

Giit ng assistant na tinanguan ko. Umupo muna ako at nakita ko ang pagtalikod niya sa akin. Dahil sa pagkabored ko ay pinagmasdan at inilibot ko muna ang paningin ko.

Nang makita ko ang lahat ng tao na para bang may tinitignan sa iisang direksyon lamang, napuno ng kuryosidad ang isip ko.

Pinihit ko ang ulo ko sa ano mang tinitignan nila.

Agad nahagip ng paningin ko ang dalawang lalaking nakatalikod sa akin at nakasuot ng pormal na damit na animo'y ang mga postura nila ay tanda bilang makapangyarihan.

Tinignan kong mabuti ang kanilang mga likod at panigurado akong..

Si sir Nikolai ang isa sa mga nakita ko! Wait, sino ba 'yang kasama niya?

'Di ko makilatis ang mukha ng kasama niya. Ngunit panigurado akong isa ito sa mga myembro ng LOV.

Nagtungo sila sa isang kwarto at napansin kong may mga instruments nang buksan nila ang pintuan, mukhang ito 'yong silid kong saan sila nagpapractice at nagrerecord, 'di ba?

I felt relieved kasi 'di niya ako nakita. Paano nalang kaya kung nakita niya ako?

Oh no please, dear God.

"Ma'am?"

Nabigla ako sa tapik sa aking balikat. Nakita ko ang assistant at nginitian niya ako.

"Ma'am, ok lang po ba kayo?"

"Yes, I'm fine. Thank you"

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kaniyang mga mata. Tumango pa ako upang makumbinsi ko siya sa aking sinasabi. Nakita ko naman ang pagngiti niya.

"Samahan ko nalang po kayo sa secretary ma'am"

Nilakad namin ang daan papunta sa elevator nila. Naglakad ako papasok at ganoon din ang ginawa niya.

May tinipa siyang numero at katahimikan lamang ang bumabalot sa amin.

Awkward!

Kaya't humarap nalang ako sa likod upang makita ang napakagandang tanawin sa labas ng glass ng elevator habang kami ay paakyat. Nakita ko ang mga naglalakihang building na para bang nagpapataasan sila.

Bumakas na ang elevator at agad bumungad sa akin ang opisina ng sekretarya. Hinila ng assistant ang pintuan upang binuksan.

Nadatnan naming nakaupo ang secretary at iniwan na kami ng assistant. Agad napatayo ang sekretarya at binigkas ang pangalan ko.

"Aliyah Adara, right?"

"Yes. Where should I take the photo shoot?"

"This way ma'am. Sunod nalang po kayo saakin"

Sinunod ko ang sinabi ng secretary at binuksan niya na ang pintuan.

Bumungad saakin ang mga ilaw na nagfaflash galing sa camera. Malinawag sa loob na para bang langit ang tanawan. Nakita ko rin ang mga iba't-ibang nagmomodel doon.

Tinignan ko ang nasa kaliwa at ang isang lalakeng nagmomodel ang nahagip ng paningin ko, minomodel niya yata ang isang latest leather jacket ng MCL.

Tinignan ko naman ang nasa kanan ko at nakita ang isang babae na nagmomodel ng isang dress na medyo revealing sa thighs at cleavage. Sadyang kapansin-pansin ang mahahaba niyang binti at ang pagiging makinis nito.

"This way miss, you're featuring Mavero's latest women fashion clothes right?

"U-Uh yes"

"Dito ka muna magstay ma'am. Tatawagin ka nalang ng manager pag time niyo na po"

"S-Sige thank you"

Tinignan ko ang silid at nagsimula ng maghubad at pinalitan ang undergarments ko ng may tatak ng MCL nang makarinig ako ng katok sa aking silid.

"Miss Aliyah, ito muna po ang isusuot niyo ngayon"

Inabot ko 'yon at nagbihis. Isa siyang dress na revealing ang back at cleavage.

Tinignan ko pa ng isang beses ang sarili ko bago lumabas.

Agad tinuro sa aking ang lugar kong saan ako magmomodel. Nakita ko ang intense red na set up at punong-puno ng lights na puti sa gilid bilang tanda na mas maaliwalas at maliwanag.

Give it all ika nga ng manager ko. Kaya sinunod ko ang gusto nila.

Pagkatapos ng mga ilang shots ay mas lalong nawawalan lang ako ng takip sa aking katawan. Ngayon naman ay ang sports bra at jersey shorts ang ipapasuot sa akin.

"Bravo! Sige pa!" Giit ng manager at mas lalo ko pa ngang pinag-igihan gamit ang iba't-ibang pose.

Ilang shots ang natapos ay pinagpahinga muna nila ako.

Nakakaramdam na rin ako ng pagod at gutom. Gusto ko ng matapos 'to at magpahinga na. For me modeling is not easy, and it's very tiring too. It's exhausting me.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay bigla akong napainom ng tubig. 'Di ko alam kinakabahan ako sa magiging sunod na imomodel ko.

Napuno ng konklusyon ang isip ko at mga ilang minuto ay nakarinig na naman ako ng katok sa pintuan.

"Miss Aliyah, ready na po ba kayo? Undergarments po ang ne—"

"Yes, I'm ready. Lalabas na rin ako"

Natapos na ako at naisipan kong magsuot ng silk cloth robe para matakpan lang ang katawan ko kahit sandali.

Nakita ko ang isang high steel chair doon na may mga cotton na pink na nakapaligid.

Pinatanggal sa akin ang aking robe at narinig ko ang pagsinghap ng karamihan.

'Di ko kayang maiangat ang aking tingin sa mga mukha nila. Kaya inilipat ko ang tingin ko sa kaliwa at nakita ko ang pagtitig ng mga kalalakihan kahit malayo ang agwat namin.

Agad akong nag-iwas ng tingin at napako nalang ito sa sahig.

Napa-angat ako sa sinabi ng manager saakin at para ba akong binuhusan ng malamig na tubig.

"55 kg? Did you gain weight? Medyo halata ang chubby fats mo sa tummy mo"

"Try to loosen weight" giit ng isa pang manager.

"Maybe I did gain weight?"

Napatango nalang ang manager at inutusan ang photographer na picturan nalang. Mas maaga, mas maayos para ma tapos na. At makaalis dito sa lugar na 'to.

Lahat ng kanilang inuutos ay sinusunod ko, be fierce and sexy. Pero may bumabagabag pa rin sa akin.

Tangina!

"Congratulations!"

Nakahinga ako ng maluwag. Buti at natapos na rin. Nagsitayuan ang manager at ang mga ilang kasamahan sa studio habang pumapalakpak.

Lumapit sila at naglahad ng kamay upang makipaghandshake. Tinanggap ko ito at nginitian sila.

Bumalik ako sa kwarto upang kunin ang mga gamit ko ng may mapansin ang timbang sa kaliwang bahagi ng kwarto.

Kinakabahan man ngunit umapak ako at nakita ang pagtaas ng aking kilo.

"67 kg? Oh my God"

Nalilito man ay nagpasya na akong magpalit para maka-alis. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas sa kwartong iyon.

Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang ground floor.

Hinihiling ko sa pagbukas ng elevator ay lakad takbo ang gagawin ko papuntang basement.

Gusto ko lang makasiguro, may isa akong lugar na gustong puntahan. May kutob na akong nararamdaman pero gusto ko pa rin makasiguro.

Pagbukas ng elevator ay siya ring pagbukas ng pangalawang pintuan, na ang inilabas ay ang dalawang lalaki.

Rumihistro sa aking isip na ang kwartong 'yon ay ang pinasukan nila Nikolai kanina.

Agad akong nag-iwas ng tingin kahit pa lahat ng empleyado ay nakatingin sakanila. Sinusubukan kong takpan ang mukha ko at hinihiling nalang sana na 'wag akong mapansin.

Nasa bukana na ako ng pintuan ng maisipan kong lumingon sakanila.

Nakita ko ang natatawang si Nikolai ay ang kaniyang mga berdeng mata ay lumipat ng tingin saakin bigla.

Oh shit!

Agad nanlaki ang aking mga mata at gayun din siya. Tumakbo at nakihabilo sa mga tao para makalabas.

Siya ba? Is there a life in my tummy? Isang buwan pagkatapos nangyari noon ay hindi ko na siya nakita pang muli.

Sa isang gabi na 'yon ay panigurado akong may nangyari. I have a possibility that he puts his seed on me.

Takbo ang aking ginagawa patungo sa basement. Ilang minuto ay narating ko na rin ang aking sasakyan. Bigla akong sumakay at buo na ang desisyon ko. I need this.

Agad kong niliko ang sasakyan at nagpunta sa Watsons para makabili ng pregnancy test.

Pumasok ako sa loob at kinuha ang dalawang PT malapit sa cashier. Naglabas ako ng pera at inilahad sa cashier.

"Congratulations!"

Napa-angat ako ng tingin sa cashier at nakita ang pagkurba ng kaniyang labi.

"Huh? A-Anong congratulations?"

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Halata naman mommy eh"

Giit niya habang nginunguso ang aking tiyan. Tinignan ko ito at napahawak nalang sa tiyan ko.

'Di ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Naramdaman kong nanggigilid na ang aking luha at maaring papatak na 'to.

Dali-dali kong kinuha ang plastic at tumalikod sa babae. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking palad.

Binuksan ko pa ng isang beses ang plastic. This it it, I need to do this.

Tinungo ko na ang daan patungo sa bahay namin. Pinark ko ang sasakyan ko at pumasok na sa loob.

'Di ko na pinansin ang pagbati ng mga katulong namin. Agad akong pumunta ng hagdan para makapasok na sa kwarto ko.

I opened my bathroom door. Tinignan ko kung paano gawin ang pregnancy test at sinimulan na ito.

I waited and closed my eyes. Kinakabahan ako sa magiging resulta.

Dalawang linya ang bumungad saakin.

Nanlaki ang aking mga mata at 'di ko na mapigilan ang pagtakas ng mga luha ko. Naisipan kong ulitin ito sapagkat meron pa naman akong isang PT pa at nagbabakasali ako na nagkamali lang.

Agad kong sinubukan ulit at nang makita ko ang dalawa na namang guhit sa PT ay napahikbi ako ng malakas at naisipang lumabas sa banyo.

Tila ba'y nanghina ako sa aking nabalitaan, halong-halong emosyon ang naramdaman ko at para akong tutumba sa kinatatayuan ko.

All this time, kaya pala delayed ang monthly menstruation ko. Apat na linggo na ang nakakalipas simula nangyari 'yon.

Agad rumihistro sa akin ang nangyari noong gabing 'yon, na pilit kong kinakalimutan.

What have I done? Paniguradong mapapagalitan ako. How about my dreams? For sure 'di nila ako papayagang magmodel habang malaki ang tiyan ko.

Pagbalik-baliktarin man ang mundo there's a life inside me created from the blood of the Mavero's.

I stared at the two red lines with mixed emotions.

Nabitawan ko sa gulat ang PT nang magbukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Why didn't you tell us that you're already a model, and really sa Mavero Clo-"

Napatigil si Aloha sa pagbabasa niya sa cellphone niya nang matanto ang nasa kamay ko. Nabitawan niya ang cellphone sa pagkagulat at nanlaki pa ang mga mata.

Napasinghap siya at nilagay ang palad sa bibig.

"Oh my God. I-Is that y-yours?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 77.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
112K 3.4K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
35.7M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...