My Maton Girlfriend (On Going)

GHIJK_Elle

13.4K 703 206

Sequel of My ASMR Boyfriend -Kartini Fischer's Story. Еще

My Maton Girlfriend
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15

Kabanata 13

654 43 11
GHIJK_Elle

Kabanata 13

Pinalit

NAPAAMANG ako. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Nakatitig pa rin kami ngayon ni Kartini sa isa't isa. Hindi alinta ang sobrang pagbuhos ng ulan.

"W-what did you just say?"

Nangunot naman ang noo niya saka mas hinigpitan pa ang yakap sa 'kin. "I said I love you too, my soon to be Mrs. Kartini Fischer."

Mrs. Kartini Fischer daw. Pota! Ang lakas na naman ng pagkabog ng dibdib ko. Pero hindi ako pwedeng magpatalo sa nararamdaman ko.

"You said you love me too."

"I really do, Kaye."

May too sa dulo ang sinabi niya. Ibig sabihin lang... napapikit ako sa inis. Pinagtitripan siguro ako ng damulag na 'to. "I said mahal na ata kita. And you replied I love you too. Putangina! Nakakaintindi ka ng tagalog!?" Tampal ko sa dibdib niya saka kumalas ng yakap sa kanya.

At ang damulag, halatang guilty at nag-iwas ng tingin.

"Sagutin mo ako Kartini! Nakakaintindi ka?"

Bumuntong hininga siya saka dahan-dahang tumango. "Y-yes. I-I understand you--"

"Gago ka! Gago ka! Pinagmukha mo akong tanga! Ang sabi mo noon, hindi ka nakakaintindi! Pero ano ito ha? Kung di ko pa sinabing mahal na ata kita, hindi ko pa malalaman. Gago ka!"

Pilit niyang hinuli ang kamay ko pero mas lalo ko lang siyang pinagtatampal sa dibdib.

"Gago ka! Hindi pala kita mahal! Fake news lang 'yun!" singhal ko saka siya tinalikuran.

Wala namang big deal dahil nakaka-intindi siya ng tagalog. Ang sa 'kin lang naman, masyadong nakakahiya sa part ko at ako ang unang umamin sa aming dalawa. Paano na ang titulo kong dalagang Filipina? Eh di nauwi lang din sa wala!

Ang lakas ng loob ko dahil akala ko hindi niya ako maiintindihan, iyun pala... Pota!

"Kaye, wait!" Hinabol niya ako at hinawakan sa kamay at hinila paharap sa kanya.

Kinulong niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapatingala ako sa kanya.

"I love you, Kaye Fischer," madamdaming aniya saka sinunggaban ako ng halik.

Nanlaki ang mata ko pero kalaunan ay napapikit na at tinugon iyun. Dahan-dahan lamang ang paghalik niya na umabot pa sa puntong nadadala na ako.

Hinalikan ko siya pabalik at kusa nang kumilos ang kamay ko at pumulupot iyun sa leeg niya.  Habang siya naman ay iniyakap na ang kamay sa beywang ko.

Marahan ang ginagawad niyang halik na tila iniingatan ako. Mayamaya, dumiin ang pagkakayakap ko nang sinubukan niyang maging agresibo. Pota laking ibang bansa nga 'to. Ang galing lang tumuka eh!

"Kaye!" kastigo niya nang kagatin ko ang pang-ibabang labi niya.

Kusang kumilos ang kamay ko sa basa niya ng buhok na tinatakpan na ang kanyang mata at hinawi 'yun.

"Ano?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Galit ka kasi kinagat ko labi mo? Eh di gumanti ka. Kagatin mo rin labi ko." Nag-iwas ako ng tingin. Harot pa more!

Bumuntong hininga siya saka kinintilan ako ng halik sa noo. "Mahal kita," malambing na aniya.

Muli akong napalingon sa kanya at nakitang  namumungay ang mata niya.

Sige na nga. Pakipot left the group na. Ngumiti ako. "I love you, Baby Damulag ko."

Nailing siya saka iginaya ako papasok sa kotse niya. Pinatay niya ang aircon nang bigla akong lamigin. Basang-basa kasi kaming dalawa.

"Take off your shirts--"

Nanlaki ang mata ko. "Hala gago! Ang agresibo mo naman! Ire-rape mo 'ko no?"

Pinanlakihan niya rin ako ng mata. "Your mouth, Dwarfy. Stop it." May kung ano siyang inabot sa backseat kapagkwan ay inabutan ako ng itim na damit.

Pasimple ko iyung inamoy. Ang bango! Parang siya!

"Wear that. I'm gonna turn my back while you're  taking off your shirts. Just hurry up. You might catch cold."

"Ba't kaylangang tumalikod pa? Pwede ka namang manuod--charot lang! Heto naman!" bawi ko nang samaan niya ako ng tingin.

Nang tumalikod s'ya'y saka ako naghubad. Tinutukso ko pa at baka sinisilipan niya lang naman ako sa salamin.

"Shut up!" masungit na aniya kaya napahalakhak ako.

Nang matapos ay agad naman siyang naghubad sa harapan ko dahilan para mapaawang ang labi ko.

"Ang hot naman ng Baby Damulag ko," ani ko at hindi ko na naiwasang dumukwang sa kanya at hinalikan siya sa abs. Hindi pa naman ganun ka-develop pero malapit na.

"Fuck, Kaye! Stop it!"

Echosera! Napairap ako. Stop it daw pero hindi naman ako tinutulak papalayo.

Hanggang sa makabihis siya'y masama pa rin ang tingin sa 'kin ni Kartini. Kaya hindi na ako nakatiis at kinagat siya sa balikat. Sakto namang traffic at malakas ang ulan kaya na-stuck kami sa daan.

"What the hell!"

"What the hell mo mukha mo! Ba't galit ka? Ako dapat ang galit sa 'yo kasi nagpanggap kang hindi marunong magtagalog--"

Naputol ako sa sasabihin nang bigla niya akong hinalikan sa labi. "Okay na? Hindi ako galit. 'Wag ka na rin magalit sa 'kin babae ko."

Nag-iwas ako ng tingin at muling sumandig sa bintana. Ang sweet lang niya at ang cute niya magtagalog at okay na sana kung hindi lang babae ko ang naging tawag niya. Parang tunog bayaran lang kasi ako. Pota!

Tumagal pa kami ng halos fifteen minutes dahil sa traffic. Paunti-unti lang ang pag-usad ng sasakyan kaya nababagot na ako.

Napahikab pa ako kasabay pa ng pagtunog ng sikmura ko. Bigla akong nagutom.

"Nagugutom ka ba, babae ko?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Babae ko talaga?"

Inosente naman siyang tumango. "Oo dahil ikaw lang ang babae ko."

Umirap ako. Weg ke nge! "Mag-English ka na lang."

Siya naman ang bumuntong hininga. "Are you famished now my Lady?"

Tumango ako. "Oo at nilalamig ako kaya--" Kinindatan ko siya. "Gusto kong magpainit," pilyang bulong ko.

"Kaye!"

Napairap ako. Ang green minded naman! "Kamag-anak mo ba si Shrek ha?" Singhal ko. "Gusto ko lang mag-kanto--"

"Tumahimik ka babae ko!"

Muli akong napairap. Gusto ko lang naman kumain ng noodles. Ano bang masama? Mga taga-ibang bansa talaga, ang advance mag-isip at liberated. Nandadamay pa ng iba.

Nang may madaanang isang convenient store ay agad kaming bumaba ni Kartini. Nilalamig kasi talaga ako kaya ayun, kumain kami ng cup noodles.

"Hindi ka ba kakain?" ani ko matapos humigop ng sabaw.

Umiling siya. Tumango naman ako pero natigilan ako nang abutin niya ang kanang kamay ko at pinagsiklop 'yun sa kanya.

"You look sexy on my shirt," aniya, ngumingiti.

Ngumisi ako. "Mas sexy ako kung walang damit." Kumindat ako pero ang damulag sinamaan lang ako ng tingin. Kaya napahalakhak ako.

Muli akong humigop ng sabaw gamit ang libreng kamay ko. Hindi niya na kasi binibitawan ang kanan ko.

"Do you want something to eat asides  that noodles?"

Umiling ako. Umiiral na naman ang pagkapilya ko. "No but I want something to lick--"

"Damn it!" mura niya saka tumayo at iniwan ako. Natatawang hinabol ko naman siya palabas ng store.

Kinabukasan, kahit kulang ng tulog ay maaga pa rin akong nagising dahil sa pambubulabug ni Kartini. Hindi ba naman ako tinigilan kakatawag hangga't hindi ko nasasagot ang tawag niya.

Nagulat pa ako at nang papasok na ako at naghihintay ng sasakyan ay siya namang bulsot ng sasakyan niya sa harapan ko.

Bumaba ang salamin ng sasakyan at tumambad sa 'kin ang gwapo niyang mukha.  Nakasuot ito ng salamin habang gulo-gulo ang kanyang buhok. Nakagat ko pa ang sariling labi nang madako ang mata ko sa mga labi niya. Ang pula-pula kasi.

"Hop in, Lady."

Dahil sa takot na baka may makakita ay dali-dali naman akong sumakay. Inaayos ko ang pagkakabit ng seat belt sa katawan ko nang dumukwang si Kartini at hinalikan ako sa labi.

"You taste like strawberry. Did you put lipstick on it?"

Nag-iwas ako ng tingin. Guilty ako eh. Bakit? Masama bang magpakababae muna ako ngayon? Baka kasi sa sobrang gwapo ng Baby Damulag ko, maagaw pa sa 'kin ng iba. Ang dami pa namang malalandi sa University. Hindi ko sinasabing isa na doon si Avhril pero parang ganun na nga.

"Babae ko!" may banta sa boses na aniya.

Napangiwi ako. "Of course not."

Tumango naman siya saka pinasibad ang sasakyan. Wala kaming imikan na dalawa hanggang sa naramdaman ko ang pag-abot niya ng kaliwang kamay ko na nakapatong sa hita ko at pinisil 'yun.

Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"

Umiling siya, nangingiti. "I love you, Kaye."

Pota! Kumalma ka aking puso!

Dahil maaga pa naman ay inihinto ni Kartini ang sasakyan sa isang coffee shop malapit sa University.

Nag-order siya ng kape para sa 'ming dalawa at cup cake. Habang busy sa pag-kain ay napalingon ako sa kanya nang madinig ang tila pag-flush ng camera.

"Hoy!" ani ko nang sunod-sunod niya akong kinuhanan ng picture.

"You're really a messy eater, Babae ko."

"Patingin nga!" Naupo ako sa tabi niya at inagaw ang phone niya. At ganun na lang ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko nang makitang wallpaper niya na ako.

Ako na seryosong kumakain ng cupcake at may icing sa gilid ng labi ang nandun sa picture.

"You're so cute." Akbay niya sa 'kin at muli na namang kumuha ng picture.

Ah ganun! Gumanti ako sa kanya at pinahidan rin siya sa mukha ng icing. Sa tungki pa ng ilong niya na sobrang pointed saka inilabas ko rin ang phone kong hindi kagandahan kumpara sa kanya saka kumuha ng picture naming dalawa.

Ako na ngiting-ngiti habang siya'y naka side view at seryosong nakatingin sa 'kin. Ginawa ko rin 'yung wallpaper bago bumaling sa kanya. Wala akong pake sa mga makakakita. Basta ang importante gwapo ang jowabels ko.

"I love you Baby Damulag, ko," ani ko at pinatakan siya ng halik sa labi.

At sa pagkakataong 'yun, hinalikan niya rin ako sa noo. "Damn! I will make sure na ikaw lang talaga ang magiging babae ko hanggang sa pagtanda ko."

Napahagikhik ako. Ang cute ng accent at kinikilig ako sa sinabi niya.

Mabilis na lumipas ang araw. Mas lalong napapalapit ang loob ko kay Kartini. Minsan para na ring batang nagtatampo si Mickel at bihira na lang akong sumama sa mga gala nila.

Nasa kay Kartini na lang kasi palagi ang atensyon ko. Kaya ayun, parang sarili na namin ang mundo.

"Sasama ka ba bukas ng gabi, Kaye?"

"Saan ba?" tanong ko kay Daimler.

Akmang aakbayan niya ako nang hindi niya na lang itinuloy.

Natawa ako. "Muntanga 'to."

"Baka kasi may magalit."

Umirap ako. "Anu nga? Saan ang gala?"

"Sa bar. Ang tagal mo na kasing hindi nakakasama sa 'min."

Tumango-tango ako. "Sige. Sunduin niyo na lang ako."

Total naman ay tumawag sa 'kin si Kartini at sinabing hindi kami matutuloy dahil may lakad siya sa sabado at may dumating siyang kaibigan na galing New York, mabuti pang sumama na lang sa kanila. Namimiss ko na din kasi ang kaingayan ni Mickel.

"I'm gonna miss you."

Humikab ako at nagpalit ng pwesto sa pagkakahiga. Alas onse na ng gabi at inaantok na ako pero hindi ko naman pwedeng babaan ng tawag si Kartini at nag-uusap pa kami. Total ay hindi kami magkikita bukas, mas pinili naming magdamag na lang na mag-usap.

"Sa lunes magkikita naman tayo." Muli akong humikab. Inaantok na talaga ako.

"Sleep now, Kaye. I'll sing for you."

Hindi na ako nakipagtalo at tumango na lang. Hanggang sa magsimula sa pagkanta si Kartini at makatulog ako.

Bandang tanghali ng sabado nang bigla na lamang akong bulabugin ni Elyce at nagpapasamang bumili ng regalo para kay Reishi at birthday na nito next week.

Dahil sa inaantok pa ay sumama na rin ako sa kanya. At hindi 'yun dahil sa kagustuhan ko, bagkus pinilit niya lang ako.

"Let's eat first, okay?" aniya nang makarating sa isang fast food chain.

Naghanap ako ng pwesto habang siya ay pumila na para mag-order. Para mawala ang antok ay nag-cellphone na muna ako. May mga natanggap akong message galing kay Kartini kaya binuksan ko iyun para tumipa ng reply.

Di rin nagtagal ay dumating na si Elyce dala ang order namin. Matapos kumain ay agad din kaming naglibot.

Patingin-tingin pa ako sa mga branded na damit panglalake nang may mabunggo akong babae.

Napatingala pa ako dahil sobrang tangkad nito. Halata pang may ibang lahi at berde ang kulay ng mata.

"I'm sorry," ani ko pero inirapan niya lang ako.

"Whatever," anito saka ako nilagpasan.

Napairap din ako at sinundan 'yun ng tingin. Kumapit ito sa braso ng kasama niyang lalake at may kung anong sinasabi.

Umismid na lang ako at mukhang nagsumbong pa.

Naiiling na tatalikod na sana ako kung hindi lang lumingon sa 'kin ang lalakeng kasama niya at ganun na lang ang gulat ko nang makitang ang jowa ko, akay-akay ng ibang babae.

At mukhang nagulat rin si Kartini. Pero hindi pa man ito nakakabawi sa pagkagulat ay tinaas ko na ang gitnang daliri ko sa kanya.

F*ck you! Ba't ang ganda ng pinalit mo!

Itutuloy...
04-24-20

Продолжить чтение

Вам также понравится

The Filthy, Rich Bitch Jhing Bautista

Художественная проза

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...