The Sunset's Cry (Nostalgia O...

By juanleoncito

2.9K 526 160

//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise i... More

PANIMULA
PAUNANG SALITA
PROLOGO
KABANATA I: Takipsilim
KABANATA II: Pag-alangan
KABANATA III: Pag-alok
KABANATA IV: Bungad
KABANATA V: Bisita
KABANATA VI: Galak
KABANATA VII: Napaisip
KABANATA VIII: Pagsang-ayon
KABANATA IX: Nahumaling
KABANATA X: Ramdam
KABANATA XI: Mapanukso
KABANATA XII: Pikit-mulat
KABANATA XIII: Naghahangad
KABANATA XIV: Pag-oobserba
KABANATA XV: Pinagmulan
KABANATA XVI: Tahanan
KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin
KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala
KABANATA XX: Kasama
KABANATA XXI: Lungkot
KABANATA XXII: Balang Araw
KABANATA XXIII: Bagabag
KABANATA XXIV: Sumasagi
KABANATA XXV: Pagtanaw
KABANATA XXVI: Pag-amin
KABANATA XXVII: Pagkakataon
KABANATA XXVIII: Nagpapakasasa
KABANATA XXIX: Pagdating
KABANATA XXX: Trafalgar Square
KABANATA XXXI: Paggaan ng Loob
KABANATA XXXII: Asahan
KABANATA XXXIII: Tanong
KABANATA XXXIV: Masaya
KABANATA XXXV: Panaginip
KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi
KABANATA XXXVII: Malamig na Luha
KABANATA XXXVIII: Katotohanan
KABANATA XXXIX: Makulimlim
KABANATA XL: Aligaga
KABANATA XLI: Pamamaalam
KABANATA XLII: Bumubuti
KABANATA XLIII: Bagong Umaga
KABANATA XLIV: Ngiti sa Labi
KABANATA XLV: Dapithapon
EPILOGO
AUTHOR'S NOTE

KABANATA XIX: Tensyon

46 10 0
By juanleoncito

Isang makabagong araw, nakasuot ng kulay puting polo kapares ay denim pants, kulay itim na sapatos at pawang bilang na bilang ang bawat hibla ng buhok nang ito'y naka-pomade. Papasok sa isang Italian restaurant at tanging pag-asa lang ang dala-dala.

Biglang tumunog ang aking telepono kung kaya't kinapa ang bulsa at ito'y kunin. Bumangad sa akin ang numero ni Yaz at agad itong sinagot nang napahinto saglit sa paglalakad.

"Yes Yaz? Where are you? Andito na ako sa meeting place," pagsagot ko.

"Direk, sorry po talaga. Magpapaalam po sana ako na hindi ako makakapunta, nagkaproblema kasi rito sa bahay eh. Pasensya na po Direk, babawi po ako sa susunod. Hindi ko lang po kasi maiwan ang mga kapatid ko," pangungusap ni Yaz.

"Wala na tayong maggagawa. It's okay, huwag ka na lang pupunta. Ako na lang ang bahala. Just be sure, you will report on Monday, loaded na tayo next week."

Ibinaba na ang telepono at napaayos sa aking damit. Sabado nga pala ngayon. Nakatanaw sa aking relo, tila bang sakto lamang ang pagdating para sa meeting ukol sa taping sa London.

"Good Morning Sir," pagbati ng gwardya ng restaurant sa akin.

"Good Morning. Where's the table for Primavera and Andromeda?" pagbati ko at pagtatanong sa kanya.

"That way sir at may makikita kayong VIP's lounge," sagot niya.

"Grazie," tugon ko at ito'y tumango.

Dumiretso na sa daan na kanyang tinuro at pumasok sa loob ng lounge. Bumungad sa aking presensiya ang mga managers and producers, maging sina Mr. Lacson at Mrs. Javier ay naroon din. Pati na rin ang location department kung kaya't umupo na sa tabi ni Jim.

Ako'y bumati at sila'y napangiti, hinihintay na lamang ang pagdating ng ilang taga-Primavera at maging si Xavier. Bakit sa tuwing nagkakaroon ng pagtitipon ay nahuhuli na lang ito palagi? Napailing na lamang at sumandal sa upuan.

"Kanina pa kayo, bro?" pagtanong ko na lamang kay Jim.

Ito'y ngumiti at sumagot. "Kakarating lang din namin."

Napaayos ng aking upo upang maging komportable. Hinihintay pa rin ang pagdating nina Xavier.

"Saan nga pala 'yung assistant mo?" pagtatanong ni Jim.

"He has an emergency. Hindi ko na lang pinapunta," sagot ko.

"Okay, by the way, Rex invited us on the 21st. Simple celebration daw..." salita niyang muli.

"Tama nga pala, birthday niya March 21, sige pupunta ako. Anyways, when we will be going to  London? Ang pagkakaalam ko kasi on the third week," bigkas ko.

"Maybe, narinig ko rin sa kanila Mr. Lacson, it might also be on fourth week of April. Hindi ko lang alam."

Siya'y napailing at maging ako'y ganoon din. Ilang minuto pa ang pagkwe-kwentuhan ay iyon din ang pagdating nina Xavier.

"Good Morning everyone. We're very sorry for the delay," bungad ni Xavier habang lahat ay nakatingin sa kanilang pagdating.

"Mr. Del Viejo, you're here. Take a seat," bati ni Mr. Lacson.

Lahat ay napaayos ng upo habang ako'y napahinga na lamang ng malalim. Gusto mang lukutin ang mga kamay, napapailing kung siya'y tuwing nakikita. Sinimulan na ang paglalahad ng meeting, lahat ay nakatuon sa kung sino ang nagsasalita.

"So, good morning everyone. But, first of all, thank you for coming," pagbati ni Mr. Lacson. "Anyways, as we all know, we are gathered here para sa... malaking proyekto natin. Especially, we, at Andromeda, are very happy that our potential entry to the CFFF is co-produced by Primavera."

Mga binitawang salita ni Mr. Lacson at ito naman ay nakangiti. Sila nama'y  nagsipalakpakan at ako'y ganoon na rin.

Sumagot naman si Xavier at ito ri'y ngumisi. "Thank you Mr. Lacson. It's also an honor for us to be with Andromeda. It is really a warm welcome to us, from the producers, managers, talents and even... the writer and director himself."

Ito'y napatingin sa akin at maging ang lahat. Binigyan ito ng pagtaas ng noo at ngumisi kung kaya't pawang may laman ang mga sinasabi niya.

"Okay... Let's get into our purpose," pagbaling ni Mr. Lacson.

Binigyan na lamang ng pagtango si Mr. Lacson at ako'y ngumiti. Lahat na ay nakatingin sa kanya nang nagsimula na ang meeting.

"Start ahead, Mr. Lacson," ani Xavier.

Tumango naman si Mr. Lacson at nagsalita na. "So, London whereabouts will be discussed today but before that, pwede ba naming malaman ang progress in each deparment?" dagdag pa ni Mr. Lacson.

Huminga ng malalim si Jim nang siya ang unang nagsalita. "Good Morning everyone. The location department already done processing permits and others in various locations that the taping will be set. So, it means, lahat po ng natitirang locations na gagamitin dito sa Pilipinas ay kasado na. As far as I know, there are only two or three locations that will be used outside the metro. Babalik tayo ng Pampanga, next week and also Rizal for another site checking."

Napatango naman ang lahat habang nagsasalita si Jim.

"Okay, that's great. Mamaya na muna natin pag-usapan ang mga locations in London," ani Mr. Lacson.

"Ah, I just want to clarify, are our time frames match the taping schedules in such locations?" pagbigkas ni Xavier habang ito'y nakatingin sa papel at laptop niya. "Kasi dito sa run down na binigay niyo, Rizal tapings will set next week? Is this in accordance?" dagdag niya pa't sumagot naman si Direk V.

"Yes, Mr. Del Viejo. It is in accordance though we have light delays in tapings. Mahahabol naman din ito," sagot ni Direk V.

"Are you sure?" pagtatanong niya pang muli na tila bang hindi naniniwala.

Ako nama'y napangisi nang lahat na narito ay nakapansin. Napailing na lamang at ngumisi muli sabay pagsagot sa katanungan niya.

"Don't worry Mr. Del Viejo, lahat naman ay nakakaya diba? It shouldn't be that much to worry. We can handle it. Actually, we are half way down on our screenplay, we also taped some ending scenes. All is well even though there are delays."

Ako'y napasandal sa aking kinauupuan at ngumisi sa kanya. Para bang nang-iinsulto na naman ito sa paraan ng pananalita niya.

"Anyways, Mr. Samaniego. How about the progress of our talents? Are they in tact with their works?" pagtatanong muli ni Mr. Lacson habang nakatingin ito sa akin.

"Yes. For me, there's nothing wrong with them. They are really committed with their job as actors. 'Yun nga lang mayroon talagang turn points along the tapings, hindi naman talaga 'yun maiiwasan pero sa kabuuan there's nothing to worry about."

Ngumiti ako at tiningnan silang lahat, isa-isa. Wala namang dahilan para mabalaka.

"Okay... that's good to here from you," walang pag-atubiling wika ni Xavier.

Napalingon kay Jim nang ito ay aking katabi sabay pagngisi ko na lamang kay Xavier at napataas-balikat.

"You can actually ask their managers and even their assistants on how they are dedicated with their works," tugon ko sa kanya.

Sumagot ito at sumandal sa upuan niya. "I know... it's not my first time to know that actually."

"Edi sorry, first time ko eh," pagdiin ko.

"Bro, easy ka lang," bulong ni Jim sa akin.

Tila bang nainsulto sa mga sinabi nito at tanging pagkumot ng kamay ang naggagawi upang hindi mahalata. Nabalutan ng katahimikan ang lounge ng ilang sandali at napatingin ang lahat sa akin.

"Anyways, any reports from other departments?" pagbaling muli ni Mr. Lacson upang biakin ang katahimikan.

Pawang humupa ang hindi malamang tensyon nang nagsalita si Ms. Castro, ang assistant producer. Napatingin na lamang sa kanya habang ang iba ay ganoon din.

Pinipigilan ang inis na nararamdaman hanggang sa ngayon kung kaya ay hindi na lamang tiningnan si Xavier at napayuko.

Ilang salita pa ang mga nasabi sa loob nitong lounge, agad namang sinimulan ang pagdiskusyon patungkol sa London.

"So, let's get into our purpose..." ani Mr. Lacson muli. "Shooting schedules in London will be moved on the fourth week of April due to holidays then there's more time for us to prepare. Also, we already been cooperating with the finance about it and budgets are all set, as what also the Primavera did."

"Yes, the finance already noted what will be the needs and expenses for the London shooting noong sa simula pa lang ng production," wika pa ni Xavier.

"Tama. So, the other concern for this matter, of course, the locations," ani Mr. Lacson at ito'y napatango kay Jim.

Napaayos ng upo si Jim at nagsalita. "The locations for the shooting in London were all set, from the airport to our subject location, the Trafalgar Square. We already cooperated with Mrs. Harrington about it and rest assured, wala nang magiging abruptions pa."

"So, the schedules were on the track? I mean, does it follow the time frame for London shootings?" pagtatanong pa ng isang producer.

Ngumiti sa kanya at sinenyasan si Direk V para siya na lamang ang sasagot.

"Yes miss. It follows and we already have time frames for London shootings," pagsagot ni Direk V.

"Kaya hindi na natin kailangang mag-alaala pa regarding with schedules. Though, mayroon lang tayong babaguhin sa dates since our flights to London will be moved on the fourth week," dagdag ko sa mga sinabi ni Direk V.

"Okay nice to hear, kailangan lang din nating i-identify who will be with the production team papuntang London for the filming," dagdag din ni Mr. Lacson.

"Yes, we will work on that..." sagot pa ng isang producer.

Napatango na lamang at napaatras ng bahagya sa upuan. Lahat nama'y nauunawaan ang mga pagdidiskusyon sa loob nitong lounge.

Nagpatuloy pa rin ang pagsasalita habang ngayo'y inilalapag na ng mga restaurant crew ang mga pagkain sa mesa kung kaya't magta-tanghalian na.

Lahat kami ay napangiti at ilang saglit pa'y nagsimula ng kumain. Puno ang lamesa ng iba't-ibang nakahaing putahe. Iniinda lamang ang galak nang makita ang mga ito.

Minuto ang nakalilipas, isa-isang natapos ang mga pinagkainan ganoon din ang pagtatapos ng diskusyon ukol sa taping sa London. Kitang-kita ang pagkaunawa nila, habang sila'y nag-uusap na ng kani-kanilang mga kwento at ang iba'y nagsimula ng umuwi.

"Mr. Lacson, mauuna na kami," pagpaalam ni Jim.

Tumingin lamang sa kanila at ngumisi. Agad ng lumabas ng lounge at tumungo sa paradahan ng kotse.

Ngayo'y narito na sa labas ng restaurant, maging si Jim ay narito din. Nagpapahangin muna bago umalis.

"Bro, uuwi ka na?" pagtatanong ni Jim habang binubuksan ang sasakyan nito.

"H-Hindi pa, pupunta pa ako kanila Tay Gabo. Bibisita lang," sagot ko.

Napatango naman si Jim at nagsalita. "Ah ganoon ba sige, mauuna na ako. Magkikita pa kami ni Lara eh."

"Sige."

Napailing ako, pipigilan sana si Jim kung kaya't nakaalis na ito. Gustong tanungin muli ang katanungan sa isip ko na tila bang bumabagabag na naman ang mga makatotohanang panaginip noong nasa resort.

Bumalik na lamang sa sasakyan upang tumungo na ngunit sa hindi inaasahan, nakitang papalapit si Xavier kung kaya't kanya ang sasakyang katabi sa akin at ako'y tinawag niya.

"B-Bro! Andito ka pa pala," pagtawag niya na nagpainis muli sa akin.

Hindi ito pinansin at tumalikod na lamang upang pumasok sa sasakyan.

"S-Sandali, kinakausap pa kita eh," dagdag niya pa.

"Ano bang kailangan mo?!" pagbigkas ko at humarap sa kanya.

"Easy, ayaw mo bang kausapin ang tropa mo?" ani Xavier habang napataas ng dalawang kamay at ako nama'y napataas ng noo.

Umabante ng dalawang hakbang, napangisi. Napapailing na lamang habang nakatanaw sa kanyang tindig. Nang-iinis na naman, tila bang walang alam na gagawin at ito lang ang naggagawi.

Napahinga ng malalim at napataas ng balikat. "Wow! At may gana ka pa... salamat, tinuturing mo pa akong tropa."

"Syempre! Matapos niyo kong siraan. Syempre! Matapos niyo kong sisihin," pagdiin niya na nagpakunot ng noo ko. "Pero syempre, kinalimutan ko na 'yun. Alam mo kasi Lance, kinakalimutan mo na dapat 'yung mga bagay na matagal na. Lalong-lalo na 'yung makakasakit sa'yo diba?" dagdag niya pa.

Tila bang nanginit ang dugo ko habang napalukot na ng kamao.

"Salamat. Salamat sa advice. Pero sa susunod, huwag mo na huwag mo kong pagdidiktahan. Naiintindihan mo ba?" pagdiin ko pang muli habang napapailing na lamang at ngumisi.

"Woah, woah. Relax, I'm just here to help!" wika niya pa't umiling din ito.

Pinipigilan pa rin ang sarili, konting pisil na lamang sa kamay at pawang gusto na itong suntukin.

"Ginagago mo ba ako? Sabihin mo nga sa'kin. Sinasabi mo ba yan para mang-insulto? O baka may tinatago ka?" pagtaas ng boses ko nang naiinsulto na.

"You're messing the wrong game, bro. Sinasabi ko lang 'to dahil ito ang totoo," aniya.

"Ano ba ang totoo? Na tinatago mo si 'Czea' dahil nagkikita kami? Nagtataka nga ako kung ba't kailangan niya pang magpalit ng pangalan!" pagdiin ko pa habang napapangisi na lamang at ito'y halatang-halatang nagkukunwari.

"What?!" pagkagulat pa nito at napailing sabay rin pagngisi. "Yan ka naman. Hilig mo talaga ang paninisi ano?! You're still fond of blaming others? Ni hindi ko nga kilala 'yang sinasabi mo at anong tinatago? Anong pinalitan ang pangalan? Nahihibang ka na talaga."

"Of course, you will deny!" pagtaas ng boses ko habang masama pa rin ang tingin sa kanya.

"Heto na naman po kami! Namimintang ng kasalan!" sigaw niya na rin. "Lance, could you please wake up? Wala akong kilalang Czea at wala akong alam sa mga binibintang mo sa akin. You don't have any evidences tapos ngayon you will blame me things which I don't fucking know?!"

Ngumisi ako at pawang gustong mag-amok. Pinigilan na lamang ang sarili upang hindi na makahalata ang mga taong nakapalibot sa amin na ngayo'y nagsisitinginan na.

"Okay. Pero sisiguraduhin kong makakahanap ako ng ebidensiya at kapag nangyari 'yon---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang agad itong nagsalita habang ako'y napakunot na lamang ng noo.

"Kapag nangyari 'yon, ano? You will sue me?! Ganyan na ba talaga ka importante para sa'yo na isisi mo sa akin ang pagtatago sa babaeng sinasabi mo?" bigkas niya pa.

Mas uminit ang dugo ko nang hindi na napigilang kwelyuhan ito.

"She is! Dahil siya si Aya! And I know, you know everything!" nanggigigil kong bigkas sa kanya nang kinwelyuhan ito.

Napatawa ito at kinalag ang pagkwelyo ko sa kanya. "You're delusional. You're out of your mind."

Pinagpag nito ang kanyang damit at ako ay napaatras na lamang. Ibang-iba talaga ang sinasabi ng kanyang mga mata't hindi tagpo sa kanyang binibigkas na mga salita.

"Sasabihin kong muli 'to sa'yo, wala akong alam sa mga sinasabi mo... and you will regret blaming me that crazy and delusional imaginations!" pagdiin niya pa sabay panunuro sa akin at agad ko namang winaklas.

Naiwang mag-isa sa aming kinatatayuan, napangisi at napapailing na lamang. Dumiretso na ito sa kanyang sasakyan at panay pa rin ang masasamang tingin niya sa akin.

Ito'y bumusina ng dalawang beses at tuluyan ng humarurot papalabas ng paradahan ng mga sasakyan. Iilan na lamang ang mga taong narito at tila bang nakatingin pa rin sa akin ngayon.

Binigyan ito ng masasamang tingin at binuksan na lamang ang sasakyan sabay pagsara nito nang ako'y nakaupo na. Panay ang paghampas sa manobela at mahihigpit na kapit dito. Galit lamang ang nanalantay sa isip ko ngayon dahilan ng tensyon na naggawi kanina.

Napabuntong-hininga at napayuko na lamang upang humupa na ang galit na nararamdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9K 307 49
In the first day of Class, ano bang iniisip mo? Maghanap ng friends, or baka naman maghahanap ng majojowa? Stressful naman ang talaga ang bawat scho...
252K 6.7K 53
[COMPLETED] Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng b...
28.4K 1.3K 58
[Soon to be PUBLISHED under LIB] Lahat tayo ay may hinahangaan. Minsan minamahal na natin sila pagiging idolo natin sa kanila. Gumawa nang mga para...
12.6K 305 58
YG Series, #4: Stealer [Epistolary Novel] "Lumipas man ang dalawang taon, 'yung nararamdaman ko para sayo hindi man lang nawala." started: 032620 fin...