After Past (Completed)

Von DareMe19

8.3K 1.2K 3.9K

[COMPLETED] "The truth behind those eyes are twisted lies, and behind those twisted lies is a person in disg... Mehr

BOOK TRAILER
Prologue
Chapter 1: First
Chapter 2: Seeking Answers
Chapter 3: Message from the Past
Chapter 4: Red Eyes in Disguise
Chapter 5: Fallen Fille
Chapter 6: Fallen Fille II
Chapter 7:Fallen Fille III
Chapter 8: Revelation
Chapter 9: Their Secrecies
Chapter 10: Time Is Up
Chapter 11: Investigation Gone Wrong
Chapter 12: Reminisce
Chapter 13: That Night
Chapter 14: The Map
Chapter 15: Reunited
Chapter 16: The Betrayer
Chapter 17: Warning Shot
Chapter 19: Her
Chapter 20: The Past
Chapter 21: Behind the Mask
Chapter 22: Their Side of the Story
Chapter 23: Hopeless
Chapter 24: Case of Betrayal
Chapter 25: Moon Organization
Chapter 26: Escape the Grip
Chapter 27: Unanswered
Chapter 28: Reasons And Love
Chapter 29: Final
Chapter 30: Faded Memories
Epilogue
Afterword

Chapter 18: Hidden Within The Forest

109 19 22
Von DareMe19

Chapter XVIII: Hidden Within The Forest

Bella's POV

We managed to get Vee to sir Tyrron's car. It seems like no one noticed the gun shot because everyone were still doing their own thing. My heart was pounding every second I look at Vee. Her clothes were covered in blood.

Kasalanan ko ito eh. Bakit pa kasi doon ko piniling makipag-usap kay sir Tyrron. Kung pumili lang sana ako ng ibang lugar edi sana hindi ito nangyari.

I already lost too much, I can't afford to lose another one.

Nanginginig kong inalalayan si Vee habang si sir Tyrron naman ay sinusubukang paandarin ang sasakyan. Mas kalmado si sir Tyrron kaysa sa akin at parang sanay na sanay na sya sa mga ganitong sitwasyon.

"Try everything to stop the bleeding, medyo malayo pa ang pupuntahan natin, " sabi nya habang nakatingin pa rin sa daan.

Ginawa ko ang sinabi nya at sinandal si Vee sa upuan. Hindi naman ganoon kalala ang sugat nya ngunit delikado pa rin ito dahil unti-unti na syang nauubusan ng dugo.

Hindi ko maiwasang maawa sa kasalukuyang sitwasyon nya. She looks pale and cold.

Tiningnan nya ako at wala akong ibang makita kundi takot sa mga mata nya.

Mabilis ang patakbo ni sir at halos wala akong maaninag sa labas.

Mahigpit lang na nakahawak ang kamay ko sa mukha ni Vee at sinisiguradong nakamulat pa ang mga mata nito. Nagsimula nang magkalat ang mga dugo sa upuan ng sasakyan at pati na rin sa sahig.

"Please Vee. Just hold on. We're almost there," bulong ko kahit hindi ko naman talaga kung saan kami papunta. She tried to talk but I immediately stopped her. She needs to save her energy.

Hindi ko namalayang kanina pa pala tumutulo ang luha ko.

She was the only thing left from my sister. She knows her more than I do. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga nakabanta sa amin kung mawawala sya.

A few minutes passed by when I felt the car stopped. Binuksan ni sir tyrron ang pintuan namin at agad na bumungad sa akin ang isang malawak na kakahuyan. Nasaan kami? Are we lost?

Walang ibang sasakyan sa paligid at tanging ang mga maliliit ng huni ng ibon lamang ang aking naririnig. Unti unti na ring sinasakop ng mga damo ang mga bitak-bitak na semento sa daanan kung saan kasalukuyang nakahinto ang sasakyan ni sir Tyrron. Kahit saan ako titingin puro puno ang nakikita ko at ang mahabang daanan na di ko alam kung saan patungo.

Anong lugar ba 'to? Paano namin magagamot si Vee dito?

Hindi ko maiwasang matakot at magduda. Sir Tyrron is a very secretive man. I don't know him that well.

"Sir, are you sure were in the right place?" Sinubukan kong maging kalmado ngunit parang napakahirap yata gawin nun lalo na sa kasalukuyan kong sitwasyon. Tama lang ba na nagtiwala ako kay sir Tyrron? What if h---

I immediately pushed away the thought just as it entered my mind.

No, kailangan kong magtiwala. Nandito na ako ngayon at wala na akong iba pang magagawa. Mas kailangan ni Vee na atensyon ngayon kaysa sa pagdududa ko.

"Save the questions for later, help me get Vee out of the car, " he replied.

Kahit nag-aalinlangan sinunod ko ang sinabi nya. Tinulungan ko si sir Tyrron na mabuhat si Vee.

Naunang naglakad si sir Tyrron papasok sa gubat. As we go deeper, trees also grow taller which makes the place even darker and darker every minute.

Paliit nang paliit na rin ang daanan kaya kailan kong magpahuli upang magkasya kaming lahat. Mula sa likuran kitang-kita ko ang mga patak ng dugo na nagmumula sa katawan ni Vee

Pinilit kong huwag ibalin ang tingin kay Vee dahil sumisikip lang lalo ang dibdib ko.

Sana lang talaga at tama ang desisyon kong sumama kay sir Trryon.

Padami na nang padami ang nawawalang dugo mula kay Vee at basang basa na rin si sir Tyrron ng dugo nito.

Habang tumatagal ay mas lalong padami ng padami ang mga malalaking puno sa paligid. Ngunit napahinto ako nang biglang tumigil si sir Tyrron.

Sa harap namin may isang malawak na damuhan. Nagulat ako nang makitang sa gitna ng damuhan nakatayo ang isang malaking bahay. Napakaluma na nito at sa palagay ko ay noong panahon pa ito ng espanyol naitayo dahil sa uri ng disenyo nito. Halos kupas na rin ang kulay ng pintura sa dingding na lalong nagpapaluma sa anyo nito.

Ngunit sa kabila ng kalumaan mababakas mo pa rin ang angking ganda nito na talagang mamamangha ka. Napakatahimik rin ng paligid at para ba akong nakaharap sa isang malaking mansyon.

May tao bang nakatira sa bahay na iyan? Sino naman ang magtatayo ng ganyan kalaking bahay sa gitna ng gubat?

Natigil ako sa sariling pag-iisip ng biglang lumapit si sir Tyrron sa pinto. Senenyasan nya ako na buksan ito dahil hawak hawak nya pa rin si Vee. Sigurado ako na nangangalay na rin sya dahil kanina pa nya ito buhat-buhat.

Nakakatatlong katok pa lang ako nang may sumilip sa pinto. It was obvious that she was shocked to see us. She immediately opened the door, delivering an old lady maybe in her 60's standing in front of us.

Her face were covered in wrinkles but despite of it she looks strong.

Nanlaki ang mga mata nya nang makita si Vee sa mga bisig ni sir Tyrron ngunit ang mas pinagtatakahan ko ay mas nagulat sya ng ibinaling nya ang tingin nya sa akin. Anong problema?

"Wilson? Dyosko! Bilis! Pasok kayo! Dalhin mo sya sa laboratoryo ko. " Hindi na nagawang bumati pa ng matanda dahil nakita nya na rin siguro ang sitwasyon namin.

Pero saglit lang? Ako lang ba o tinawag talaga ng matanda si sir Tyrron ng Willson?

Pinili ko na lang na hindi magtanong at mabilis kaming pumasok sa loob. Mas namangha ako ng makita ang looban ng bahay. Napakalawak nito at napakaganda sa kabila ng mga sira nito sa mga dingding.

May dalawang hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay kung saan may iba't ibang pinto na sa palagay ko ay mga silid. Napakalinis rin ng bawat sulok na halatang halatang naaalagaan.

Paano kaya nalilinis ng isang matanda ang ganito kalaking espasyo?

"Mauna na muna kayo doon sa laboratoryo ko. " Saglit na tumingin sa akin ang matanda bago nagpatuloy. "M-may aasikasuhin lang ako." Tiningnan nya muna si sir Tyrron na animo'y may gustong sabihin. Anong meron?

Pag-alis ng matanda agad na nagtungo si sir Tyrron sa laboratoryong sinasabi ng matanda.

Pero teka? Paano nalaman ni sir Tyrron kung saan ito?

Hindi ko na lang muna ito inisip at sinundan si sir Tyrron. Akala ko ay aakyat kami sa pangalawang palapag ngunit dinala nya si Vee sa isang hagdanan pababa ng bahay. Underground?

Medyo madilim ang daan pababa at tanging ang mga maliliit na ilaw lamang na nakahilera sa mga sulok ang tanging nagpapatanglaw sa lugar.

Nang makarating na kami sa baba, isang puting pinto ang sumalubong sa amin. Agad kong pinagbuksan si sir Tyrron upang maipasok na si Vee. Pagkapasok na pagkapasok namin bumungad agad sa akin ang isang puting kuwarto.

Ibang iba ang kuwartong ito mula sa labas. Kung ang sa labas ay parang dinadala ka sa nakaraan dito naman ay parang dinadala ka sa hinaharap.

Puno ng iba't ibang kagamitang pang medisina at gamit pang ekspereminto ang paligid. Hindi ko rin maiwasang hindi pansinin ang kakaibang amoy na nagmumula sa isang mesa kung saan maayos na nakahanay ang sa palagay ko ay iba't ibang uri ng kemikal.

Sa may isang sulok may isang maliit na kama na kasyang kasya lamang para sa isang tao.

Why would an old lady own these things?

Agad na inihiga ni sir Tyrron si Vee sa kama. Magtatanong pa sana ako kay sir Tyrron nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Ako na ang bahala rito. Ito mga ekstrang damit. Maligo at magbihis na muna kayo para matagal ang mga dugo sa katawan nyo." Binigay ng matandang babae sa akin ang mga damit na dala nya at lumapit kay Vee upang simulang suriiin ang kanyang sugat.

"Mom, I promise I'll explain everything later, " hinawakan ni sir Tyrron ang balikat ng matanda. Wait? Mom?

"Dapat lang, hinding hindi sya matutuwa sa dinala mo rito." Ang akala ko ay si Vee ang pinag-uusapan nila pero mukhang hindi yata dahil sa akin sila nakatingin. Bakit ba parang ang init ng ulo sa akin ng matanda? May ginawa ba ako?

Pero sino ang sya ang tinutukoy nya?

Lumapit sa akin si sir Tyrron at kinuha ang ilan sa ekstrang damit sa kamay ko.

"Bella, nasa taas ang paliguan. Doon ka sa kaliwa, sa kanan naman ako. " Kahit gustong gusto kong magsalita at magtanong, sinunod ko na lang ang sinabi nya. Maybe this isn't the right time to ask questions, considering the current condition of Vee.

Pag okay na ang lahat tsaka na ako magtatanong. For the last time I took a glance at Vee and started following sir Tyrron outside to get cleaned.

I just hope she'll be fine.

And how the heck did sir Tyrron knew this place?!

---**---
DareMe19

A/N Unfortunately I have to cut this chapter because it exceeded my personal maximum word count😥

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
56.1M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
6M 234K 64
A battle between love and service.