Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMP...

By gyutellass

9.9K 536 150

[Seventeen Mahika Series #1] •Wen Junhui• "Ay JUNJUN mo malaki!" "Bakit? Tawag mo ko?" Wherein a boy helps a... More

Prologue
↞1↠
↞2↠
↞3↠
↞4↠
↞5↠
↞6↠
↞7↠
↞8↠
↞9↠
↞10↠
↞11↠
↞12↠
↞13↠
↞14↠
↞15↠
↞16↠
↞17↠
↞18↠
↞19↠
↞20↠
↞21↠
↞23↠
↞24↠
↞25↠
↞26↠
↞27↠
↞28↠
↞29↠
↞30↠
↞31↠
↞32↠
↞33↠
↞34↠
↞35↠
↞36↠
↞37↠
↞38↠
↞39↠
↞40↠
Epilogue
Thank you!

↞22↠

165 10 4
By gyutellass

Kyla

Napakunot ako ng noo nang mapansin ang tilian at kumpulan ng mga estudyante pagkapasok ko pa lang ng gate ng campus. Halos hindi na nga ako makahinga makalagpas lang doon.


"Siiiis!"


"Anong meron?" tanong ko agad kay Angelica at Vhenice noong lapitan nila ako.


"Hindi mo ba nakita?" balik na tanong sa akin ni Vhen.


"Magtatanong ba ako kung nakita ko?" sabi ko at natawa naman si Angelica sa pamimilosopo ko. "Joke sis labyu."


"Heh! Bahala ka hindi ko na lang sasabihin." pagtatampo pa niya kunwari. "Char! Syempre madaldal ako kaya sasabihin ko na."


"Ano ba 'yun?" tanong ko ulit sa kanila.


"Lumipat ng school si Jun!" sabay nilang sabi ni Angelica. Dahan dahan pa 'yon nag loading sa utak ko bago ko ma-gets.


Lumipat ng school si Jun?! Ibig sabihin tinotoo niya talaga ang sinabi niya sa'kin last week?!


"S-Seryoso ba..." hindi makapaniwalang tanong ko.


"Oo! Kaya nga 'yang si Margarine proud na proud na ipakilala ang boyfriend niya rito kaya sila nagkakagulo." paliwanag ni Angelica.


Parang biglang kumulo ang dugo ko. Ang kapal din ng mukha niyang ipagkalat pa na boyfriend niya si Jun samantalang cheater naman siya!


"See it yourself." sabi ulit ni Angelica.


Sinubukan naman nila akong tulungan na makisingit para nga makita ko na si Jun iyon. Noong nagawa ko na, at saka na ako naniwala. Halatang hiyang-hiya si Jun sa ginagawa ni Marga na pag-introduce sa kaniya. Hindi ba niya alam na hindi kumportable si Jun sa maraming tao? Nakakainis naman!


At biglang nahagip ang mata ni Jun sa akin. Ang mukha niyang halatang nahihiya ay napalitan ng ngiti. Pasimple pa siyang kumaway sa akin.


Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


A-Ano 'yun? Ngumiti lang naman siya sa'kin bakit biglang ang bilis ng tibok ng puso ko? Malay mo hindi naman sa akin 'di ba?


"Aray ko!" gulat na saad ko nang maramdamang kurutin ako sa tagiliran nung dalawa.


"Ang landeee!"


Napansin din pala nila ang ginawa ni Jun. Ayoko sana mag-assume pero bakit nag-iinit ang pisngi ko?


'Hala Kyla! Pareho kayong may jowa ano ka ba!' inis na sabi ng boses sa isip ko.


"Tara na, baka ma-late pa tayo sa klase."


Hinila ko na sila paalis pa roon. Ayoko na marinig pa ang mga pagyayabang ni Marga dahil naririndi lang ako. Hindi niya naman deserve ang ginagawa niya. Pinapahiya niya lang ang sarili niya.


"Parang may naaamoy akong maalat." Vhenice.


"Oo nga, amoy bitter." Angelica. Sinamaan ko naman sila ng tingin. Ako? Bitter?!


"Ang kakapal niyo! Bakit ako magiging bitter? Kailan pa naamoy ang bitter?!"  inis na tanong ko sa kanila. Pareho naman silang natawa. 


"Tignan mo kaya ang mukha mo! Nakasimangot! May jowa ka na ulit huy, hindi na pwede 'yan." pag-papaalala sa'kin ni Vhenice.


"Tapos 'yung lakad mo parang padabog. Mabuti pa ata na hindi na lang namin pinakita sa'yo." natatawa pa rin na sabi ni Angelica.


"Wala akong pake sa kanila okay? Alam kong may boyfriend ako." sabi ko at hindi na lang sila kumibo hanggang sa makarating kami sa room.


Hindi pa nagsisimula ang klase. Maaga kasi akong pumasok ngayon. Nag-isip-isip muna tuloy ako.


"Let me protect you. Lilipat ako ng school niyo para protektahan ka."


Grabe! Bakit ba bigla na lang 'yon pumasok ulit sa isip ko? Pwede naman na lumipat siya dito hindi dahil sa'kin kundi dahil kay Marga. 'Di ba nga gusto niya muna makabawi bago sila maghiwalay? Oo 'yun 'yon! Bakit ba ako aasa pa?


Natapos ang klase namin na parang wala akong natutunan. Ano-ano kasi ang pumapasok sa isip ko tungkol kay Jun. Hindi ko maiwasang mag-assume at kiligin. Ewan ko. Naguguluhan ako sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.


Lunch break.


Pumunta kami ng cafeteria para kumain ng tanghalian. Pagkapasok ko, may lalaking sumalubong ng yakap sa'kin.


"B-Bakit ka ba biglang sumusulpot, William?" tanong ko sa kaniya. Humiwalay naman siyang agad.


Napansin ko pa na suot niya 'yung jersey niya. Malapit na nga pala kasi ang final match kaya mas bugbog na sila sa practice ngayon.


"Na-miss lang kita." sagot niya at hinalikan pa ako sa noo.


"Ehem!" sabay na sabi nung dalawa. William chuckled.


Hindi ako kumibo. Mula noong gabi na may nangyari sa akin na masama, naging ilag na ako kay, William. Hindi ko alam kung napapansin niya ba 'yon. Wala nga rin siyang idea sa nangyari sa'kin. Sinabi naman ni Jun sa'kin nun na ang dami niyang missed calls kay William gamit ang cellphone ko pero hindi 'yon alam ni, William. Siguro sinadya rin 'yon ni Mira dahil nabanggit ni William sa'kin na kailan niya lang nakita ang cellphone niya na biglang nawala.


Gustong humiwalay ng table ni William para raw masolo niya muna ako pero tumanggi ako. Sakto pa naman na kapapasok ni Samira kasama ang mga bago niyang kaibigan at halatang matalim ang tingin nito sa amin. Simple lang siyang nginitian ni William at mukhang hindi naman niya napansin.


Hindi ko na rin sinabi pa kay Vhenice at Angelica ang nangyari sa'kin. Ayoko na kasi na mag-alala pa sila sa'kin. Buti na lang at maliit lang ang sugat ko kaya madali ko ito natago. Hindi ko inaasahang umupo na lang bigla si Mira sa upuan na bakante sa amin habang dala-dala ang tray niya. Nginitian lang siya ni William at halatang hindi ito kumportable na tabihan siya.


"Hi, Kyla right?" nakangiting tanong niya na para bang ngayon niya lang ako nakausap. Napakuyom ako. Parang gusto ko siyang tusukin ng tinidor.


"Yep. May tanong ako sa'yo." sabi ko at mukhang naging interesado naman ang mukha niya.


Gusto ko sanang itanong kung nasubukan na niya bang kumain ng kutsara't tinidor kaso baka gantihan niya nanaman ako at isama nanaman ang mga bodyguards niyang may baril.


Kung hindi lang talaga sinabi sa'kin ni Jun na subukan ko munang iwasan si William, baka kanina ko pa kinaladkad palabas 'tong babaeng 'to. Iyon lang muna raw kasi ang alam niyang way para ma-protektahan ako. Hindi ko nga alam sa kaniya kung bakit gusto niya akong protektahan. Kung wala lang siguro siyang girlfriend baka inisip ko na may gusto na siya sa'kin dahil umabot na sa ganito 'yung pagkakaibigan namin.


Charot mga ½.


"Ah wala wala." sabi ko na lang.


"Hindi ba siya 'yung pinalit sa'yo ni William no'n? Bakit siya nandito?" pasimpleng bulong sa akin ni Vhenice. Tumango at nagkibit balikat na lang ako sa kaniya.


"I'll wait for your class to finish later. Sa labas ako ng room maghihintay." sabi sa'kin ni, William. Hindi pa man ako nakakasagot, bigla na agad sumabat si Mira.


"Pwede rin ba akong sumabay?" sabi niya. Nag-iba nanaman ang reaksyon ni William matapos ito marinig. Napakasagabal talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Noong mukhang hindi alam ni William ang isasagot, ako na lang ang nagkusa.


"Huwag na. Kaya ko naman umuwi mag-isa." pagtanggi ko. Nakita ko naman na nalungkot siya.


"Napapansin ko hindi ka na madalas sumabay sa akin pauwi. May problema ba? Galit ka ba sa'kin?" nag-aalala niyang tanong. Umiling naman ako. Nakita ko ang pagngisi ni Mira nang marinig iyon.


"May kasabay naman ako, si Vhenice at Angelica." tinuro ko 'yung dalawa na may sariling mundo at busy sa pagkain.


"Sigurado ka?" he asked again. Sasagot pa lang sana ako pero inunahan nanaman ako ni, Mira.


"Haven't you heard her? Ayaw niya sumabay baliw! Ako na lang isabay mo may gusto rin ako daanan na shop, eh. Sige naaa." pamimilit niya kay, William. Napatingin naman siya sa'kin na para bang hinihingi ang approval ko. Tumango na lang ako sa kaniya.


Hindi na ako kumibo pa at binilisan na lang ang pagkain para makaalis na ako rito. Gusto ko na lang bumalik sa room at mapag-isa. Nag-iinit lang ang ulo ko kapag nakikita ko si Samira.


Nang matapos akong kumain, pumunta agad ako ng comfort room para mag toothbrush. Muntik na akong mapatili noong hindi pa nakakadalawang hakbang ay may nanghila na sa akin sa isang cubicle at agad itong ni-lock. Gusto ko ulit sumigaw nang makita kung sino ang gumawa no'n pero nakatakip pa rin ang bibig ko gamit ang kamay niya. Si Jun? Anong ginagawa niya sa cr ng mga babae?


"Shh!" sabi niya at nilagay pa ang hintuturo niya sa nguso niya.


Nang makita niyang kumalma na ako, dahan-dahan niya rin tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. Magtatanong pa sana ako sa kaniya pero hindi ko ito naituloy dahil may narinig akong nagsalita.


"Ano na ang plano?" tanong ng isang babae. Pamilyar ang boses niya, parang kaboses niya 'yung kaklase kong si, Noreene?


"May long quiz kayo ng last subject 'di ba? Maglagay ka ng kodigo sa bag ni, Kyla." sabi pa ng isang babae na hindi ako nagkakamaling si, Mira.


Biglang kumulo ang dugo ko. Nakita niya namang sinusubukan kong iwasan si William 'di ba? Hindi pa ba sapat sa kaniya 'yon at hindi niya pa rin talaga ako titigilan?


"Sige, pero pwede bang ngayon mo na ibigay 'yung bayad? Kailangan ko pa kasing bilhin 'yung project ng kapatid ko mamaya." pakikiusap ni, Noreene. Narinig ko naman ang pagtawa ni, Mira.


"Kapag nagawa mo na 'yung pinapagawa ko, doon ko ibibigay sa'yo. Baka mamaya isahan mo pa ako. Tabi nga!"


Mga yapak na lang nila palabas ang narinig namin matapos niyang sabihin 'yon. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko sa inis. Kung pwede lang na iuntog ko siya sa pader at ingudngod ang mukha niya sa kubeta ginawa ko na.


Mukhang napansin naman ni Jun na sobra akong naiinis kaya hinawakan niya 'yung dalawa kong kamay. Sa tingin ko naman ay nakatulong iyon sa pagkalma ko.


"Grabe ka naman peps! Napaka-brutal." natatawa-tawa niyang sabi. Mukhang nabasa niya ang isip ko.


"Ang ingay mo! Baka may makarinig sa'tin!" gigil na bulong ko sa kaniya.


Baka mamaya ano pang isipin sa amin ng iba lalo na't hindi normal na magkasama sa iisang cubicle ang babae't lalaki no!


Dahan-dahan kaming lumabas at sumilip-silip kung may tao ba. Buti na lang at wala naman. Ni-lock ko 'yung pinto ng cr at humarap kay, Jun. Hindi pa rin ako sanay na makita siyang suot ang uniform ng school na 'to. Talaga bang lumipat siya rito para lang sa'kin?


"Paano mo naman nalaman na mag-uusap si Noreene at Mira dito? Ini-stalk mo ba si Mira magmula kanina?" naguguluhan kong tanong.


"Hindi naman. Sinusubukan ko kasing ikutin 'tong school kanina ng mag-isa para maging pamilyar ako sa pasikot-sikot dito, hanggang sa mapunta ako sa locker room. Narinig ko na nag-uusap sila. Hindi naman sana ako magiging interesado kaso narinig ko 'yung pangalan mo. Hindi nila natuloy 'yung usapan nila, buti na lang narinig ko kung saan nila balak mag-usap pa ulit at kung anong oras." paliwanag niya.


Para akong naiihi dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba nasa cr lang ako kaya ko nararamdaman o kinikilig ako.


Wait, teka, bakit naman ako kikiligin?


Argghh!


"Bakit ka nga naman kikiligin? May jowa ka huy!" sabi ni Jun at tumawa-tawa pa.


Huh? Paano niya nabasa ang isip ko?! Eh hindi niya naman hinawakan ang kamay ko ah?!


"Paano mo naman nalaman na kinikilig ako? Ewan ko sa'yo Junjun gawa gawa ka." inirapan ko pa siya.


Posible bang nabasa niya nga 'yung isip ko kahit hindi niya hinahawakan ang kamay ko? Eh, akala ko ba dapat mahawakan niya muna? O baka naman nang-iinis lang siya?


"Hindi ako nang-iinis. Tama ang hinala mo."  sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.


"Ha?! Paano?!"


Ibig sabihin nababasa niya na rin 'yung isip ng tao kahit hindi niya hawakan 'yung kamay?!


"Sa ibang lugar na ako magpapaliwanag. Ang pangit naman kung magtatagal tayo dito baka ano pa ang isipin ng iba." hinila niya ang kamay ko at tyinempuhan na walang tao bago kami tuluyang lumabas.


Syempre binitawan niya rin 'yon dahil kanina lang ay pinakilala siya ni Marga dito. Ayoko naman na magka-issue kaming dalawa.


Nag-aya si Jun na kumain kami sa Jollibee. Hindi pa raw kasi siya nagtatanghalian. Nilibre niya pa nga ako ng spaghetti. Hindi na ako umangal dahil hindi rin naman ako nakakain ng maayos kanina.


"Isa pa sa bumabagabag sa isip ko kung bakit hindi pa rin ako tinitigilan ni, Mira? Sinunod ko naman siya na iwasan ko si William, ah. Sinabi ko nga na hindi na ako sasabay umuwi, eh." Pagra-rant ko matapos ngumuya ng spaghetti.


Uminom muna siya ng coke bago siya sumagot sa'kin. "Sabi niya kasi sa usap nila ng kaklase mo kanina, hindi ka niya raw titigilan hangga't hindi mo hinihiwalayan si, William."


Napaisip ako. Ano pa nga bang magiging sense ng relasyon namin ni William kung patuloy ko lang siyang iiwasan?


Bigla akong nawalan ng gana. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Parang hindi deserve ni William 'to. Ni wala man lang siyang malay sa nangyayari sa relasyon namin.


"Oh, i-kwento mo na sa'kin kung paano mo nababasa ang isip ko." iniikot-ikot ko 'yung spaghetti sa tinidor pero hindi ko kinakain. Nawalan talaga ako ng gana.


"Nagsisimula na kasi akong i-train ni lola sa pagbabasa ng isip sa pamamagitan ng pagtingin lang sa mata at kahit hindi na hawakan pa 'yung kamay. Parang mahihirapan kasi akong bantayan ka pag hindi ko 'yun pinag-aralan." sumubo muna siya ng kanina at nginuya 'yon bago ituloy ang sasabihin. "Baka isipin kasi ni Mira na manyak ako pag hinawakan ko na lang bigla ang kamay niya para malaman ko ang plano niya sa'yo."


Natawa naman ako sa sinabi niya pero saglit lang 'yon at natahimik din ako. Ganun ba siya kapursigudo na tulungan ako?


"Bakit hindi mo pa ginawa 'yan noon pa? Pwede naman pala." curious na tanong ko.


"Sabi kasi ni lola, may kapalit daw 'to sa'kin. Hindi ko nga alam sa kaniya, ayaw niya naman banggitin kung ano, pero dapat daw maging handa ako kung ano man 'yun. Kaya pinagdesisyunan ko munang mabuti bago ko gawin." paliwanag niya ulit.


Nagtaka naman ako sa kaniya at nag-alala. "Ha? Paano kung masama naman pala ang kapalit? Okay lang naman ako Junjun no! Sana hindi mo na ginawa kung ganyang may kapalit na hindi ka sure kung ano!"


Natawa siya sa'kin at hinawakan ang kamay ko. Pinakita niya sa ekspresyon ng mukha niya na okay lang talaga sa kaniya. Napabuntong hininga ako.


Sana nga hindi naman ganoon kalala ang kapalit...

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 101K 44
(2 of 3) Second installment of Monstrous Academy. "Chasing the bad girl would be hard, and whatever doesn't kill me had better start running." - Erin...
3.7K 253 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
270K 10K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.