The Gang's Prized Possession

By YouNique09

1M 29K 3.9K

There are three silent rules in Bridgeway High when it comes to the Black Blade. First Rule: Everyone owns th... More

The Gangs Prized Possession
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter A
Chapter B
Chapter C
Chapter D
Chapter E
Chapter F
Chapter G
Chapter H
Chapter I
Chapter J
Chapter K

Chapter Seven

22.7K 696 39
By YouNique09

Chapter Seven

    "Manang!"

Naka kunot ang noo ko na nakaharap sa full length mirror sa aking kwarto. Something's wrong. Something is really wrong.

"Bakit?" Hingal na tanong ni Manang nang tumigil siya sa pintuan ng kwarto ko.

"Bakit po ang liit ng palda ko?"

    My skirt shrunk. Nasa mid thigh ko nalang ito, dati ay 2 inches pa ang taas sa tuhod ko. Lahat ng palda ko ay lumiit.

Narinig ko ang busina ng sasakyan ni Rix sa labas. Nagmamadali palagi ang isang 'yon.

"Aish. Di bali na nga lang. Sige manang papasok na ko" Untag ko at hinagod ang aking buhok. Kinuha ko na ang aking school bag at dumiretso sa labas kung saan naka park ang sasakyan ni Rix.

Napa sipol si Jace nang makita ako "Damn legs"

Sapak ang inabot ng kumento niya kay Rix. I roll my eyes, Boys. Siguro kung hindi ko kaibigan si Jace ay nasapak ko na rin siya. Kung siswertihin ka nga naman Cara ano? Sa limang pwedeng sumundo sayo ngayon ay silang dalawa pa.

"What? Diba sabi nila appreciate what you have? I have Cara so I'm appriciating her" Ani Jace at hinimas ang kanyang panga na sinuntok ni Rix.

"Still. Dude this is Cara and she's my cousin. Keep the perverted comments to yourself while I'm around" Ani Rix at sinamaan siya ng tingin.

Natawa nalang si Jace at pumasok na kami sa sasakyan. Hindi ako mapakali sa ikli ng padla ko kaya kahit nakaupo ay hinihila ko ito pababa, nananatili ang kamay ko sa dulo para hindi tumaas.

Nilingon ako ni Jace "Your skirt shrunk?"

"Stupid dryer" Bagot kong sabi.

Kailangan ko pang umorder ng bagong set ng skirts mamaya. Iisang shop lang naman ang nagbebenta ng tamang design at tela ng uniform ng Bridgeway, and that's in Imus. Malapit lang naman, magpapasama nalang ako sa isa sa kanila.

"Sana umabsent ka nalang" Ani Rix. 

"May quiz kami ngayon" Inirapan ko siya at tumingin nalang sa labas ng bintana.

   Paglabas namin ng sasakyan ay nasa unahan ko na agad ang dalawa sa paglalakad. Natigilan si Josh nang makita ako, tinaasan niya ako ng kilay habang si Logan naman ay seryoso ang mukha.

"What happened to your---"

"It shrunk" Ani Jace. Napasipol nalang si Josh and eyed me up.

"Kailangan kong magpahatid mamaya sa Imus para umorder ng bagong set"

"Can't. May practice ako" Ani Logan.

"Nasa company kami mamaya" Ani naman ni Josh at tinuro si Jace.

"I've got a date" Sabi ni Rix at kinamot ang kanyang ulo. Bumuntong hinga ako, this leaves me with Vini ngunit hindi ako alam kung nasaan siya.

Probably flirting with Natasha. I heard they were a 'thing' now. Siguro ay nag bunyi ang buong cheersquad sa tagumpay ng leader nila na makuha si Vini.

      Naka hinga ako ng maluwag ng pabalik na kami ng Cavite. Hindi ko naman masabi na nag enjoy ako but I was okay with it. Hindi naman iyong ang huling punta ko sa Tagaytay, I could always request to Mom na bumisita kami doon tuwing weekend kaso masyado silang busy kaya hahanap nalang ako ng magandang timing or maybe when Lee returns, pwede kami ulit pumunta doon.

Vini sat next to Natasha nang pauwi na kami, madalas ay silang dalawa ang magkausap. I did not feel his presence sa buong tatlong araw namin doon, alam ko namang wala lang sa kanyan iyon at hindi niya ako nilalayuan, sadyang busy siya sa misyon niya kay Natasha. The girl's restraining herself. I'm actually surprised though I hear from Jace they made out noong pangalawang gabi namin doon. I guess Natasha can't help herself, malapit nang bumigay ang isang 'yon.

  Namataan ko sila sa na naglalakd sa hallway, hinihigit na ni Logan ang braso ko para pumasok na kami sa klase ngunit hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanilang dalawa.

She was all over him and he was all over her.

Ew.

    I'm tapping my fingers while waiting for the boys. Ako ang nauna sa table, and you know what sucks? Feeling ko ay lahat nakatingin sakin. Panira pa ang napaka ikli kong palda. Kailangan ko talagang mag set ng order mamaya para makuha ko agad bukas, kahit na huling linggo na ito bago mag sem break ay wala akong paki alam.

My long legs are exposed and I'm not used to it.

Sa side ng mga Santos ko nakuha ang height ko. I'm tall for an average girl, too tall. I'm 5'10, sinuwerte lang ako dahil puro matatangkad ang mga kaibigan ko kaya hindi sila nangliliit tuwing kausap ako. Though nasabihan na rin ako noon na nakaka intimidate ang tangkad ko.

"Biyernes santo Rix?" Natatawa kong tanong nang sumalampak siya sa tabi ko. Naka simangot at padabog pang binitawan ang kanyang mga libro sa lamesa.

"Ikaw rin?" Muli akong natawa nang si Vini naman ang umupo sa gawing kanan ko at nakasimangot rin, No Natasha in hand.

Sabay namang dumating ang kambal. Dalawabg mukhang sasabak sa away. What the fuck is wrong with these people?

"The Hell? May nakaaway na naman kayo. Seriously guys, mag se-sem break na. Pahingahin niyo naman ako, ayoko munang mang awat ngayon"

"If they keep staring at you, mapapaaway talaga kami" Ani Josh at matalim akong tinignan. Nagsalita ang hindi sumasama sa kalokohan, oh I am so dead. Seryoso sila.

Ngumuso ako. Hindi alam kung ano ang isasagot.

"Sana talaga ay umabsent ka nalang" Utas ni Rix.

"May quiz nga kasi kami" Sabi ko sa kanya.

"Tapos na naman iyon diba? Pwede bang mag Half day ka nalang?" Mukhang magmamakaawa pa itong isang 'to.

"Walang tao sa bahay. Walang susundo sakin"

"Si Manang?" Suggest ni Jace.

"What's the big deal anyway? Kayo ba yung nakapalda? Hindi naman kita ang underwear ko so I'm safe, chill guys. Thursday ko pa makukuha kung magse-set ako ng order mamaya"

"We have to endure this till tomorrow?" Naiiritang sabi ni Rix.

I wanted to roll my eyes and laugh dahil sa mga inaasta nila but I'll make the situation worse.

Tumayo naman si Vini ng walang imik. Tahimik kami sa table. Alam niyo ba kung gaano nakapagbababa ng mood kapag nakasimangot ang kasama niyo? I mean hell, gusto ko makipag daldalan sa kanila ngunit hindi naman nila ako kinakausap, might as well grab a book and get out of here.

Pumasok si Logan sa Caf at dumiretso kung nasaan si Vini. Ilang minuto pa ay sabay silang nagalakad palapit sa table namin.

"Don't stare at her. Keep walking loser" Untag ni Vini sa isang lalaking napadaan sa table namin. Mukha itong sophomore, agad naman itong kumaripas ng takbo nang sinabi ni Vini iyon at sinamahan pa ng intimidating look ni Logan.

This time I rolled my eyes. Nakatago sa ilalim ng table ang legs ko, kaya walang nakakapansin. Pinagtinginan lang naman ako kanina dahil mag isa lang akong pumasok ng Caf. at dahil na rin don sa palda.

Tahimik akong kumain dahil kanina ko pa naman binili itong pagkain ko, hinintay ko lang sila para may kasabay ako. Nagsitayuan na sila para bumili na rin, Si Logan naman ay dumayo sa table ng team niya upng makipag usap para sa practice nila mamaya. Kaya kaming dalawa ni Vin ang naiwan dito.

"Drive me to Imus later?"

Ibinaba niya ng kanyang cellphone para tignan ako "For what?"

"Kailangan kong umorder ng set. I have no one else to drive me, lahat sila busy"

Tumango nalang siya at kumain na rin.

       Kasama kong maglakad si Bommie palabas ng school. She's blabbering about the dress she'll wear sa Bridgway High Ball. Naisip ko rin na kailangan kong bumili ng dress para doon ngunit nagdadalawang isip pa ako kung hahayaan ko nalang si Mommy ang mag dress hunting para sa akin or ako nalang. I could always go to SM Megamall.

"Sige Cara alis na ko" Nag paalam na sya at naglakad papuntang bus stop sa tabi ng achool namin. May kaya naman ang pamilya nila Bommie. I know that dahil nakita ko na ang bahay nila, and they have lots of Cars too. Ang kuya niyang si Lance ay sa ibang bansa nagta-trabaho, he's Lee's friend kaya kilala ko siya. I've met him a couple of times, dahil rin sa kanya ay nakilala ko si Bommie.

Nilibot ko ang mata ko sa buong parking lot ngunit ang sasakyan lang ni Logan ang pamilyar sa akin. All of them left already? Alas singko palang naman, palubog palang ang araw. Wala na ring masyadong tao sa school dahil kanina pa naman ang uwian, na late lang kaming lumabas ni Bommie dahil sa meeting para sa report sa isa naming klase.

Nilabas ko ag cellphone ko upang tawagan si Vini ngunit walang sumasagot, patuloy lang itong nag riring. Ilang bese ko pang inulit ito at ganon pa rin ang kinalabasan. Hindi siya sumasagot.

  Isang oras na ang lumipas, nag dadalwang isip ako kung papasok ba ako sa loob ng school para magpahatid nalang kay Logan. Hindi ko alam kung anong oras matatapos ang practice nila, they have a game tomorrow. Ayoko nang maka abala.

Mabilis akong lumabas ng school at pumara ng taxi. Hindi ako sanay mag commute. Palaging sila ang nag hahtid sa aking kung saan saan. Ayoko ng i-text pa ang driver namin dahil nasa company na iyon para sunduin si Mommy, nasa labas ng bansa ngayon si Dad para sa business and Mom didn't bring her Car kaya't sigurado akong magpapasundo iyon.

  Nang makarating ako sa shop ay agad akong umorder. Meron silang skirt na available sa size ko kaya't nakuha ko rin ito ngayon, akala ko pa naman ay bukas pa. Credit card ang ginamit ko dahil wala naman akong dalang malaking perang pambayad para dito. Pagkatapos non ay umuwi na rin ako, gustuhin ko mang mag gala ay nawalan na rin ako ng gana.

Naiinis ako. Kung sinabi niyang hindi niya ako mahahatid sana ay naitext ko na agad ang driver namin nang mas maaga. Kanina pa nag riring ang cellphone but I ignored it. I was too annoyed. Kung siya man yan ay bahala na siya sa buhay niya.

  Naabutan ko si Mom sa living room, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay.

"Don't worry. I already bought a new set" Wika ko at tinaas ang paper bag na dala ko.

Tumango siya "Your Tita Liane told me na sa Saturday na ang Ball niyo? May dress ka na ba?"

Umiling ako. I'm not in the mood to talk about that right now.

"I could buy you a dress if you want or mas prefer mong mag shopping nalang? Bibigyan kita ng pera"

"Ikaw nalang my. Simple lang, not too tight" Sabi ko. She knows my taste dahil madalas ay siya ang kasama ko mag shopping, it's our bonding moment.

Tumang tango siya bago mag salita ulit  "Naka bili na ako ng ticket at nakausap ko na rin si Liane, sa Tuesday ang alis niyo. Roundtrip iyon kaya Satuday ng umaga rin ang uwi niyo"

"Yes My, Thank you." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Don't forget to call Leandre, sigurado akong masisisyahan iyon sa pag bisita niyo"

I ignored what she said at agad akong umakyat, nag palit na ako ng ng damit, binuhay ko ang tab ko at nag log in sa facebook. Agad na tumabad sakin ag picture ni Vini at Natasha na nasa isang resto sa Manila. Parehas pa silang naka uniform. Galing ito sa Facebook ni Natasha, hindi ko siya friend ngunit naka tag ito kay Vini kaya nasa news feed ko parin.

Kalahit ng mukha ni Natasha ang nasa picture, malapad ang kanyang ngiti habag ang background naman niya ay si Vini na katyon ang atensyon sa kanyang cellphone. Sa pangalawang picture namay ay parehas na silang nakangiti sa camera. May caption pa itong isang simpleng heart.

So that's where he is kaya hindi niya ako nahatid?

I rolled my eyes at mas lalo pang nainis kaya hinagis ko nalang ang tablet ko sa kama. Dinampot ko ang aking cellphone at nakita na may nakitang 39 missed calls galing sa kanya. May iilang missed calls rin galing kay Rix, at isa naman ay kay Josh.

Bumaha rin ang cellphone ko sa text niya.

Vini:

Cal, where are you?

Vini:

Cal...

Vini:

Calliope Rain, where the heck are you? Answer my calls!

Ngumiwi ako. Mukhang iritado rin siya sa mga text niya, ako na nga yung hindi niya hinatid siya pa yung galit. Aba ang galing!

Nako Tristan Vinielle, wag mong sabayan ang init ng ulo ko sayo. Masasapak talaga kita kapag magkita tayo.

   Hindi ko na binasa ang iba pa niyang text. May text rin si Rix nagtatanong kung nasaan ako at kung nakauwi na ba ako. Nireplyan ko agad siya.

To: Rix

I'm home.

Simpleng sagot lang iyon. Ngumuso ako at naisipang replyan na rin si Vini, baka kasi hindi pa makatulog to.

To: Vini

I'm already home so don't bother.

   Nag igting ang panga ko. I'm really annoyed. Hindi naman dapat maging big deal sa akin na hindi niya ako hinatid, but the fact na kaya hindi niya ako hinatid ay kasama niya si Natasha. Iyon ang kinaiinisan ko. He should've told me para hindi nalang ako naghintay doon. Nasayang lang ang oras ko. Ayaw na ayaw kong nasasayang ang oras ko. Nag mukha lang akong tanga sa pahihintay 'don.

Pinatay ko ang phone ko at nilapag ito sa night table, panigurado ay tatawag iyon pag nabasa niya ang text ko. I don't care though, magdusa siya.

Binuksan ko ang isa ko pang cellphone at nag connect na agad sa wifi. Sakto namang online si Ethan.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...