Inescapable Dream (Inescapabl...

By Pezzaaa

8.1K 495 106

After Zira's break up with her long time boyfriend, she began to have a dream every night about a man in an i... More

Inescapable Dream
Prologue
Dream 1
Dream 2
Dream 3
Dream 4
Dream 5
Dream 6
Dream 7
Dream 8
Dream 9
Dream 10
Dream 11
Dream 12
Dream 13
Dream 14
Dream 15
Dream 16
Dream 17
Dream 19
Dream 20
Dream 21
Dream 22
Dream 23
Dream 24
Dream 25
Dream 26
Dream 27
Dream 28
Dream 29
Dream 30
Dream 31
Dream 32
Dream 33
Dream 34
Dream 35
Dream 36
Dream 37
Dream 38
Dream 39
Dream 40
Epilogue
Inescapable Dream
Dream (Special Chapter)

Dream 18

128 11 3
By Pezzaaa

"Mama, naman!"

Angal ko nang sabihin ni Mama na tulungan ko raw si Troye dahil naiihi.

"Sige na, tutulungan mo lang naman. Bibili kami ng papa mo ng makakain."

Ngumuso ako. "Hindi mo ba talaga kaya?" inis na tanong ko.

"Bali ang braso ko." Inangat niya ang kanang braso niya. "Pero kakayanin ko na lang."

At nangongonsenya pa.

"Bakit ka ba kasi nakapantalon?" tanong ko. Nag-init pa ang pisngi ko nang hawakan ko ang butones ng pantalon niya.

"Nakakailang ang ospital gown."

Nahihirapan din ako sa pagtanggal ng butones ng pantalon niya.

"You're shaking kaya lalo tayong nagtatagal."

Rinig ko ang pang-aasar sa boses niya.

"Shut up!"

Hindi ko na nga siya matignan dahil sa hiya ko.

Nakayuko ako habang tinatanggal ang butones ng pantalon niya at nasa ganoong pwesto kami nang may pumasok.

"Oh, My God!"

Nataranta naman ako at umayos sa pagkakatayo. Tumambad sa amin ang isang maganda na babae. Nakakasilaw ang kaputian niya, itim na itim ang buhok at mukha siyang anghel.

"We're not doing anything," pagiging defensive ko.

"Istorbo," sabi pa ni Troye kaya sinapok ko siya.

The girl crossed her arms in front of Troye. "Siguro naman ay madadala ka na?"

Umangat ang sulok ng labi ni Troye tsaka bumaling sa akin. "This is Zira."

Pagpapakilala niya sakin.

"Zira, this is Safrea, my cousin."

Naglahad ng kamay sa akin ang pinsan ni Troye. "Hi, Zira! It's nice to see you. You're so pretty."

Inabot ko naman ang nakalahad na kamay niya. "Me too. Ikaw  rin, ang ganda mo."

Humagikhik naman si Safrea.

"Ano bang ginagawa mo rito, Saf?" iritadong tanong ni Troye.

"Napakasungit mo talaga! Ikaw na nga 'tong dinalaw ko. Nanggaling pa ako ng Maynila."

Ngumuso naman si Saf. She's pretty and cute at the same time.

Bumalik sina Mama at may dala silang pagkain. Kumain lang kami tapos ay nagpaalam na kina Troye.

"Thank you po ulit, Tita, Tito and Zira!" sabi ni Troye.

Tumango naman ako. "No worries."

"Bye, Zira, bye po!" sabi naman ni Saf.

Pagkauwi namin ay nakatulog agad ako.

"Zira, wake up."

Dahan-dahan kong kinusot ang mga mata ko. Ang gwapong mukha ni Zaivier ang tumambad sakin.

"Hmm?"

He smiled. "Kakain na tayo. Napasarap ang tulog mo, ah?"

Bumangon naman ako mula sa pagkakahiga.

"Ang sarap dito, e."

Sa veranda ng rest house ako natulog. Kanina lang ay nagkukwentuhan kami ni Zaiv pero dinalaw ako bigla ng antok.

"Zaiv, bakit kaya inabandona 'tong rest house?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "Hindi kaya dahil masyadong malayo?"

"Hindi naman. Ako nga nakakapunta rito," sabi ko pa.

Kumunot naman ang noo niya. "Paano ka nakakapunta rito?"

Natigilan ako sa tanong niya. Pilit kong inaalala pero wala akong matandaan. Ang mga senaryo na lang na pumapasok sa utak ko ay kapag naglalakad na ako sa buhanginan nitong Isla.

"Paano nga ba?"

Binalik ko sa kanya ang tanong.

"Kumain na lang tayo."

Pagkatapos namin kumain ay muli kaming bumalik sa veranda. Nasa may duyan kami. Nakahilig ang ulo ko sa dibdib ni Zaivier habang nakatingin ako sa maliwanag na buwan. It's full moon and it's beautiful.

"Zaiv..."

I called him.

"Hmm?"

Kasalukuyang hinahaplos niya ang buhok ko.

"I'm really in love with the moon, kahit ano pang itsura niya, half, full, crescent. I just can't help myself falling in love with it's beauty. The moon is so beautiful," sabi ko sabay ngiti.

Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa napakagandang buwan.

"You're a selenophile, huh?"

Tumango ako. "I truly am."

"So you're my kind of Selene, Zira. My own Goddess of the moon."

Lumawak naman ang ngit ko. "I love it."

Nagtagal pa kami ng halos kalahating oras sa may veranda just watching the moon and those twinkling stars.

"I will always remember you because of the moon, Zira."

I wish me and Zaivier will lasts forever.

"Zira, gising na!"

Dahan dahan kong kinusot ang mga mata ko at tinignan ang orasan sa side table ko.

It's already 6:00 'o clock in the morning? Hindi ako nagising nang alas tres nang madaling araw? Really? Ito ang unang beses mula na hindi ako nagising nang alas tres mula nang managinip ako tungkol kay Zaivier.

Ewan pero kinakabahan ako.

"Sobrang sarap ng tulog mo. Puyat ka ba?" tanong ni Mama.

Umiling naman ako tsaka nagsimula na sa pag-aasikaso sa sarili ko.

"Hindi ka na ba kakain?" tanong ni Mama.

Umiling ako. "Hindi na po, sabay kami ni Gio."

Paglabas ko ay nandoon na si Gio at nakasandal sa kotse niya.

"Morning," he greeted.

"Morning, kanina ka pa?"

Tumango naman siya. "Medyo lang."

"Dapat ay tumawag ka sa loob para napapasok ka ni Mama."

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat.

He smiled. "Next time."

Ramdam ko na medyo malamig ang treatment sa akin ni Gio. Kaya ba hindi ako nagising nang alas tres? Galit ba siya sa akin?

"Gio."

"Bakit?" tanong niya pero nakatuon ang mga mata niya sa daan.

"Napanaginipan mo ba ako last night?"

Nakagat ko ang labi ko nang umiling si Gio. Oh, My God! Baka nga dahil galit siya? So hindi ako magigising ng alas tres kapag hindi nanaginip si Zaivier?

"Gio, I'm sorry."

Sumulyap naman siya sa akin. "Bakit ka nagsosorry?"

"Basta I just want to say sorry, I know you're upset."

He reached for my hand. "I'm sorry too, Zi. I'm just fucking jealous of Troye."

Namilog naman ang mga mata ko. "What? Bakit? We're just friends."

"I know but I can't help it."

I smiled. "You don't have to be jealous."

Sumeryoso naman ang mukha niya. "Can you give me an assurance for me to stop being jealous?"

Natigilan ako sa tanong niya. Is he asking me to be his girlfriend na? What should I say?

"In our dreams, we were together and happy."

He took a sigh. Binatawan niya rin ang kamay ko.

"Iba ang panaginip sa totoong buhay, Zira."

"I'm sorry, Gio. Pleade don't pressure me."

Tumango naman siya. "Okay. I'm sorry."

Tahimik lang kami habang kumakain tapos ay hinatid niya ulit ako sa room namin.

"Sabay ba tayong maglalunch?" tanong niya.

Umiling naman ako.

"Sorry may pupuntahan ako."

He gave me a weak smile. "Kay Troye?"

"Sorry." Iyon lang ang nasabi ko.

Umalis na rin siya.

Bakit ba kasi ako confused ngayon? Siya si Zaiv, Zira. Bakit sa panaginip mo ay halos ayaw mo na siyang mawala sa'yo tapos ngayon na nandito siya sa totoong buhay ay hindi mo maibigay ang assurance na hinihinigi niya? This is so fucked up!

"Bibisita ka kay Troye?" tanong ni Queen sa akin.

Tumango naman ako. "Oo, mamayang vacant. Ikaw?"

"May meeting kami, e." Ngumuso pa siya.

Tinext ko naman sina Eiron kung makakapunta sila kay Troye ngayon pero ang sabi nila ay mamaya pang hapon kaya naman ako lang mag-isa ang nagpunta. Bumili pa ako sa cafeteria ng pagkain naming dalawa.

I'm standing in front of his room and ready to knock when the door opens.

"Hi!"bati ko kay Safrea.

She smiled. "O, Zira?"

"Kumusta si Troye?"

She rolled her eyes. "He's really stubborn. Tsaka ang sungit talaga."

Natawa naman ako sa reklamo ni Saf.

"Sige ikaw na munang bahala kay Troye, ah?"

Tumango naman ako tsaka pumasok na sa loob.

Nanonood ng t.v. si Troye.

"Hi!"

Lumingon naman siya.

Tipid siyang ngumiti nang makita ako. "Are you alone?"

Tumango naman ako. "Mamaya pa raw sila pupunta. Kumain ka na?"

Umiling naman si Troye. "Bibili pa ng pagkain si Saf. Walang lasa ang pagkain dito sa ospital."

Tinaas ko ang plastic bag na dala ko.

"I have some food here."

Umayos naman siya ng pagkakaupo at tinapik ang kama niya.

"Dito na tayo kumain."

"Doon na lang ako sa upuan."

Tumalim ang tingin niya sa akin. "You sit here."

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa gusto niya.

"Anong oras ka babalik sa school?" he asked.

"Siguro mga 12:30."

1:00 'o'clock pa naman kasi ang sunod na klase ko at 11:30 palang kaya may isang oras pa ako para magstay dito.

"Hindi ka ba malelate? How 'bout 12:00 ka na umalis dito?"

Umiling naman ako. "Hindi naman ako malelate."

He gave me a wicked smile. "Mukhang guto mo pa kong makasama ng mas matagal, ah?"

Nag-init naman ang mukha ko.

"Assuming ka!"

Tumawa naman siya.

Umangat ang sulok ng labi ko. "Pansin ko lang, Troye, noong maaksidente ka ay nabawas bawasan ang pagiging masungit mo tsaka mas madalas ka na tumatawa. Nakapagnilay nilay ka ba? Narealize mo na maikli lang ang buhay para magsungit ng magsungit?"

"I'm just happy 'cause you're taking care of me."

Natigilan naman ako sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Let's eat." Tumango naman ako.

Halos mabitawan ko pa ang hawak kong spoon nang tumitig sa akin si Troye.

"May dumi ba 'ko sa mukha?"

Sinikap ko na hindi mautal.

He shook his head.

"Bakit ganyan ka makatitig?"

Muli siyang umiling. "Nothing."

"Bakit nga?"

"You're so beautiful, Zira."

Naubo naman ako sa sinabi ni Troye.

Umayos ka nga, Zira Rafaela!

He smirked.

"Hindi ko lang maisip kung bakit nagpapaligaw ka pa sa iba gayong ako naman ang may kakayahan na pakiligin ka."

Namilog ang mga mata ko. "Ang kapal ng mukha mo, Troye!"

Humalakhak lang siya.

Natulala naman ako sa pagtawa niyang iyon. His laugh is beautiful, bakit kaya pinagdadamot niya ang ganyang klaseng tawa? Pinakiramdaman ko pa ang tibok ng puso ko. Naririnig niya kaya ang tibok ng puso ko? Napakalas ng pagtibok ngayon.

Biglang siyang sumeryoso. "Why?"

I shook my head. "Nothing."

"Kumain na kayo?" tanong ni Saf.

Tumango naman si Troye. "May dalang pagkain si Zira."

"Okay! Sa akin na lang 'to."

Parang natuwa pa si Saf.

Umiling iling naman si Troye. "Napakatakaw talaga."

"Zira."

Tawag sa'kin ni Saf.

"Bakit?"

She smiled. "Magkamukhang magkamukha kayo ni Zion."

"Kilala mo si Kuya?"

"He's my friend. Gusto niya nga sanang sumama papunta rito kaya lang ay ubos na raw ang vacation leave niya. Umuwi kasi pala siya noong broken hearted ka raw?"

Nahiya naman ako.

"Kinuwento pa ni Kuya 'yon." Ngumuso pa ako.

"You're lucky to have him," sabi ni Saf sabay ngiti.

Tumango naman ako. "I agree with you."

Halos kaming dalawa lang ni Saf ang nagkukwentuhan dahil iritado nanaman si Troye. 12:30 ay umalis na rin ako sa ospital.

"Muntik ka na malate, ah? Sinulit mo talaga na makasama si Troye?" panunukso pa ni Queen.

Pinandilatan ko naman siya. "Tumigil ka nga! Mamaya may makarinig sa'yo, e. Issue nanaman 'yan."

Nagkibit balikat lang si Queen.

Todo na ang practice namin ngayon dahil next week na ang simula ng inter school sports fest.

"Kaya pa?" tanong ni Coach nang makatatlong game na kami. Ang mga players ay maaga rin na dinidismiss para makapagpractice agad.

Tinapik ni Eleanor ang balikat ko. "Kaya pa?"

Tumango ako at ngumiti. "Siyempre naman, Kapitana."

"You're doing great, Zira."

I smiled. "Thanks."

Muling nagsimula ang practice game namin. Natigil lang nang matamaan ako ni Shaneya ng bola.

"Okay ka lang?" tanong pa niya. "Sorry."

Mukhang masaya pa siya na nakasakit siya. Hindi ko siya pinansin at tumayo na ulit ako.

"Game na ulit," sabi ko.

Hindi na makapuntos ang grupo ni Shaneya ngayon. Nag-init kasi lalo ako at parang natatakot silang saluhin ang mga spike ko.

"Nice one, Trinidad!" papuri pa ni Coach.

Nakadalawang game pa kami bago tapusin ni Coach ang practice hingal na hingal naman akong nagpunta sa bench. Nakayuko ako at hinahanabol ko ang hininga ko nang may maglahad sa akin ng gatorade.

Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako nang makitang si Troye 'yon.

"Nakalabas ka na?"

Hindi pa rin ako makapaniwala.

"Isn't it obvious?"

Umangat ang sulok ng labi ko. "Bakit hindi mo sinabi na lalabas ka na pala?"

Nagkibit balikat lang siya. Tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko. Naniningkit ang mga mata ni Shaneya sa akin.

"Susunduin mo si Shaneya?"

Ewan ko ba kung bakit tinanong ko pa 'yon. Alangan naman na ako ang sinusundo niya, 'di ba?

He shook his head. "Can I walk you home?"

Parang may nagkarera sa loob ng dibdib ko. Pasimple ko pang kinagat ang ibabang labi ko tsaka tumango.

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 2K 15
A story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL AUGUST 2024
4.1K 598 34
Ocean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)
74.6K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
Defend Her By maxene

Teen Fiction

6.9K 363 49
Celestine Astrid Laurent and Ethan Luriel Laforteza. They are the "almost perfect couple". They met each other during High School years. They have kn...