The Mr. Left

Bởi HyunJoonHee

79 3 2

Xem Thêm

Mr. Left

79 3 2
Bởi HyunJoonHee

Para sa isa sa aking bestfriends. Napakatagal ko na itong naipangako pero ngayon ko lang natupad, pasensya na~~

Nung una nagandahan ako, ngayong... di ko na sure. Hahahaha. Ang hirap, eh~ ^___^

To Ms. Regine. Loveyou~ always. alam mo yan. para na din kay @YourPrettiestFriend chabijean!~sana mabasa mo to. hohoho~ i miss youuu! <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

[REGH’s POV]

 

“Uuwi ka na agad? Ang kj neto!”

“Ay, nako. If I know iii-stalk lang nyan si Leandro dahil pareho sila ng daan pauwi.”

“Hahahahahahaha!!”

Nakisali na din ako sa pagtawa dahil sa pang-aasar nina Den at Sarah kay Kristine. Naglalakad kasi kami palabas ng school kasi papunta kami sa mall para maggala muna after ng exam naming nakakamatay. Itong si Kristine ay gusto na daw umuwi dahil “may gagawin” daw sya kaya ayan niloloko nung dalawa. Alam naman kasi naming lima na deads na deads yang si Tinay kay Leandro kahit mas bata samin ng isang taon yun. 3rd year na kasi kami at sa kasamaang palad ay puro wala kaming boyfriend, eh, ang gaganda naman naming apat. Hehehe.

Tapos napansin ko na nakangiti lang ang isang bestfriend ko. “Oy, babe. Bat wala kang imik dyan?”

Napatingin kami nina Sarah, Kristine at Den kay Yin. “H-Ha? Natawa kaya ako kanina pa dito kay Kristina.”

“Sus! Oy, Yin, si Alex Jeremy na naman yan, no?” Pang-aasar pa ni Den.

“Babe, tama na kakaisip kay Alex Jeremy, hayaan mo na yun. Iniisip ka din nun. Hehehe.” Natawa naman sya tapos nakarating kami sa gate.

“Bye, Kuya.” Paalam naming lima kay Manong Guard na naging friend na namen. ^_^

“Uy, wait lang. Regh, may nanghihingi nga pala ng number mo.” –Kuya Guard

Nagtinginan ang apat kong bestfriends sakin pati yung isang guard. Tapos… “Yiiiiieeee~!!”

“Oooy, may stalker si Regh!” –Kristine

“Ikaw na talaga, ‘teh!” –Sarah

“Babe, sino kaya yun? Baka si Joseph?” –Yin

“Huh? Sinong Joseph?” Nagtatakang tanong ko naman dahil puro kalokohan na naman tong mga to. Saka ako bumaling kay Kuya. “Hay nako, Kuya. Baka ine-echos mo lang ako. Sige na, ba-bye po.”

“Anong ine-echos? Pero totoong may nanghihingi ng number mo.”

“Nako, babe. Wag na. Kung gusto nya talaga, sya dapat mismo ang kumuha.”

“Ang kj mo, Yin! Sige na, Regh. Ibigay mo na!” –Den ^_^v

“Oo nga! Malay mo si ano pala yan. Hehehe.” –Kristine ^u^

“Oo nga, may lihim na pagtingin talaga yun sayo, eh.” –Sarah

“Ala… Ayoko nga. Baka mamaya hindi sya.”

“Eh, pa’no mo nga malalaman na hindi sya? Malay mo, eh, talagang nahihiya kaya pati itong si Kuya Guard ay kinutsaba.” –Kristine

“Eh, sige na, Regh! Try lang! Malay natin, eh, pogi! Hihihi~” –Den

Ito talagang si Den, eh, napakahilig sa pogi. “Ako na nga lang ang magsusulat ng number mo.” –Kristine

“Oy, teka!” Napatingin silang apat sakin. “Ako na nga.” Tapos nagngisihan sila, except kay Yin. Alam kong medyo salungat dito pero yae na nga. Wala naman sigurong masama? Tsaka si Kuya Guard naman ay mapagkakatiwalaan, eh.

“Yieeee~!!” Tuwang-tuwang pinag-aasar ako nina Kristine, Den at Sarah after ko isulat yung number ko sa papel. Si Yin naman ay nagkibit-balikat lang.

“Oy, Kuya, siguraduhin mo lang na gwapo yang nanghihingi ng number ko, ha!”

“Oo. Tsaka mabait itong si Boss. Hehehe.”

“Boss?” –Ako, Yin, Sarah, Kristine at Den

“Baka naman member yan ng Yakuza, Kuya?!”

Nagtawanan kami sa comment ni Den tapos iiling-iling naman si Kuyang Guard at nagpaalam na din agad kami kasi nga pupunta kaming mall. Napilit din naming sumama si Kristine dahil wala naman syang magagawa sa mga pananakot namin. Hehehe.

“Oy, girls. Baka pagalitan ako ni mama. Sabi ko kasi makakauwi ako ng maaga.”

“Suuus! Pati nanay mo gusto mo pang gawing excuse makapag-stalk ka lang kay Leandro!” –Yin

“Yaan nyo na yan. Sige na, umuwi ka na, Kristina. Basta wag kang lalapit sa amin bukas.” Pananakot ko, tapos nagtawanan na naman sina Yin, Sarah at Den. Si Kristine naman ay mukhang natakot. Sa aming lima kasi ako yung pinakamagaling manakot. Hehehe.

“Pero, babe. Sure ka ba dun sa ginawa mo kanina? Baka mamaya kung sino yung nanghihingi ng number mo, eh.” –Yin

“Okay lang yun, babe. Para maging exciting din naman ang buhay ko.”

“Ah, okay. Ikaw bahala.” Ngumiti si Yin pero alam kong di pa rin sya sang-ayon.

*blob-blob*

 

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko nang marinig kong may nag-text. Baka importante to, o kaya baka si inay at pinapauwi na ako. XD

Tinignan ko yung message pero unknown number.

--

From: +639******18

Hi J

--

Napakunot syempre ang noo ko kasi di ko naman kilala to. Baka wrong send kaya ni-reply-an ko na wrong send sya pero maya-maya lang ay nag-text na naman.

--

From: +639******18

Di ako wrong send promise J

--

 

Nagtaka na ako. Wala naman akong binibigyan ng number ko ng basta-basta. Baka naman kaklase namin to na lalake at nanti-trip na naman.

“Girls, may nagpalit ba ng numbers sa boys?”

“Ha? Wala naman sa pagkakaalam ko, bakit?” –Sarah

“Eh, may nag-text sakin. Wrong send siguro. Akala ko kaklase natin at nangti-trip na naman.”

O____O Nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata ng mga bestfriends ko ng sabay-sabay. Nakakatawa nga, eh.

“OMG!!!” Sabay-sabay na sigaw nila.

“Baka sya nay an, Regh!” –Den

“Ha? Sino?”

“Luka! Yung nanghingi ng number mo!” –Kristine

“Dali, reply-an mo na! Itanong mo kung sino tapos sabihin mo ang torpe nya.” –Yin

Nagkatawanan naman kami sa sinabi ni Babe tapos nag-reply na nga din ako. Sila Kristine, Den at Sarah, kilig na kilig. Samantalang si Yin naman ay parang gustong sabunutan yung ka-text ko. Ayaw pa daw nya muna magpakilala kasi nahihiya pa daw sya. Pero next week gusto nya makipagkita.

“Anong gagawin mo, Regh?” –Sarah

“Edi, makipagkita! Tapos magtago tayo at ii-stalk sila para sure!” –Kristine

“Oo nga, magandang idea talaga yan, Kristine! No wonder genius ka talaga! Hohoho~” –Den

“Oy, babe. Basta mag-ingat ka dyan, ha. Babantayan ka namin.” –Yin

Tapos nag-thumbs up pa sya. Mahal na mahal talaga ako ng mga babaeng ito. Suportado ako sa mga kalukahan ko sa buhay. Hay. Sana nga  sya na yung lalaki na hinihiling ko.

Naggala-gala pa kami ng konti tapos kumain tapos nag-uwian na din kami. Kasabay ko sina Yin, Sarah at Den, si Kristine naman ay iba ang way. Pero si Yin sa sakayan ng bus bumaba, si Sarah naman makalampas lang ng school ang bahay kaya kami ni Den ang natirang magkasama.

“Uy, Regh. Nagpakilala na ba yang Secret admirer mo?”

“Di pa nga, eh. Den, sa tingin mo makikipagkita ako?”

“Hm… Ikaw, di ko naman ikaw pedeng diktahan. Pero dib a pa’no mo malalaman kung di mo susubukan, di ba? Tsaka babantayan ka naman namin. Pero kung ayaw mo at hindi maganda ang pakiramdam mo dyan, itigil mo na lang hangga’t maaga pa.” Sabay ngiti. ^_^

“Okay, salamat, Den. Naku, malapit na yung amin.” ^_^

“Oo nga, eh. Osya, see you sa Monday! Ba-bye.” Paalam na ni Den.

“Sige. Ingat, ha.” Paalam ko na din tapos pumara na ako at bumaba.

Nakapag-desisyon na din naman ako na makikipagkita ako. Curious din kasi ako kung sino itong kurimaw na to. Malay natin, pogi pala di ba? Hehehe.

-A week later-

 

--

From: +639******18

Hi Regh J

Good morning. Ingat.

--

Aba, ang aga naman nitong mag-text. Eh, ang alam ko tanghali pa ang pasok nito, ah.

--

To: +639******18

Good morning din =)

Thank u

--

 

Nag-reply muna ako saka ako naligo, nagbihis, kumain tapos nag-toothbrush. 8am kasi ang pasok namin. At ang alam ko ay 10am pa ang pasok nitong lalaking to. Hindi ako stalker, talaga lang sinasabi nya sakin ang schedule nya. Pati nga pag kakain o magba-basketball ay nagpapaalam sya sakin. Ewan ko pero parang kinikilig ako. Hehehe. Landi much? XD

--

From: +639******18

Pwede na ba tayong magkita mamayang lunch?

--

 

O___O hala?! Mamaya? Agad-agad?

--

To: +639******18

Sige, pero sabihin mo muna ang pangalan mo

--

 

Nako, sana lang sabihin na nya ang pangalan nya. Pano kung hindi yung ine-expect ko? Pero yae na nga yun. Basta curious na talaga akong malaman kung sino to.

--

From: +639******18

Ang pangalan ko ay…

--

 

Aba, pa-suspense pa tong lalaking to! Habang iniintay ko ang pagpapakilala nya ay nakasakay na ako sa jeep. Malapit lang naman ang amin mga, 15 minutes lang kaya nakarating na ako agad sa school. Pero wala pa din syang text. Hanggang sa mag-klase na nga kami.

Pero after ng class ay chineck ko na agad yung cellphone ko. Sakto, may text sya.

--

From: +639******18

Marky Briguela

J

--

 

O__________O

Oh.

Em.

GEEEEEEEEEEEEE!!!!!!~~

“GIRLS!!!”

Napasigaw ako bigla, nakuha ko tuloy ang atensyon ng lahat ng kaklase namin.

“Regh, okay ka lang?” –Julie

“Napa’no ka?” –Karla

Napatango at napailing lang ako. Tapos ngumiti ng kaunti para ipaalam na okay lang ako. Yung apat kong bestfriends naman ay naglapitan sa akin.

“Oy, babe. Bakit? Anong nangyari sayo?” Tanong agad ni Yin. Pero hindi ko sinagot, instead ay ipinakita ko sa kanila ang text ng “Secret admirer” ko.

At pare-pareho kami ng mga reaction.

O__________________________O –Den, Kristine, Sarah at Yin

“Halaaa! OMG!” –Den

“Reeeegh! Congrats! OMG! Nakakaiyak naman ito!” –Kristine

“Sabi ko na nga ba’t may gusto yan sayo, eh!” –Sarah

“Babe… okay ka lang?” –Yin

Nagtinginan na naman sila sakin.

“Okay lang ako… Di lang talaga ako makapaniwala na sya nga…”

“Pano yan? Pano mo sya napaamin?” –Kristine

“Gusto na kasi nyang makipagkita mamayang lunch. Kaya sabi ko sabihin nya muna ang pangalan nya. Kaya ayan, nagpakilala na sya.” Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaba, tuwa, kilig, alinlangan? Eh, ano ba dapat ang maramdaman ko na yung lalaking crush na crush at yung lalaking kumuha ng number ko ay iisa lang pala?

“Alam mo, kung ayaw mo, Regh, okay lang naman na hindi.” –Sarah

“Pero kung gusto mo, edi mas okay! Basta suportado ka namin sa lahat ng desisyon mo. Tandaan mo lang na dapat yung desisyon mo ay makakapagpasaya sayo.” –Krsitine

Si Den tinapik ng mahina ang balikat ko para i-assure ako. Si Yin naman ay nakangiti sa akin para ipakita din na naka-suporta din sya sakin. Napaka-swerte ko talaga na nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila. Kaya naman napangiti ako at tumango na din para ipaalam sa kanila na may plano na ako.

 

 

“Girls, anong oras na ba?” Tanong ko agad paglabas ng 2nd prof namin.

“5 minutes to 12.” –Sarah

“Ha? Nako, ba’t ang tagal nagturo ni Sir Jose? Alas dose nakikipagkita si Marky sa cafeteria, eh.”

“O? Hala! Sige na, gorabels ka na!” –Den

“Babe, gusto mong samahan ka namin? Para sure.” –Yin

“Hindi na. Salamat, babe. Ako na bahala dito. Hehehe. Mag-lunch na kayong apat, ha? Magkita na lang tayo sa room 309.” Dun kasi ang room namin after ng lunch.

“Sige, ingat ka! Tsaka enjoy! Hihihi~” –Den

“Oy, Regh. Magsumbong ka lang pag sinaktan ka ni Mr. Briguela, kami na ang bahala!” –Kristine

Nagtawanan naman silang apat at nagtanguan sa sinabi ni Kristinay. Kaklase nya kasi nung highschool si Marky kaya kung makapagpahayag na bubugbugin nya yun ay inam. Hahaha.

“Oo, sige. Balitaan ko kayo mamaya. Bye, girls!” Paalam ko na tapos lumabas na ako ng room at dumiretso na sa cafeteria. Medyo mabilis ang lakad ko kasi galing pa akong 3rd floor, tapos underground pa ang cafeteria namin na nasa kabilang building. Nako, ikaw talaga, Sir Jose, patay ka sakin sa Thursday! XD

Nakarating na nga ako sa cafeteria at hinahanap ko si Marky. Parang wala naman sya dito, eh. Nasan na ba yung poging lalaking yun?

Maya-maya lang ay may kumukulbit sa akin pero di ko pinapansin. Ang mga tao talaga ito sa school ay may pagka-feeling close. Hahaha. XD

“Regh.”

O__________O

Teka… Pamilyar ang boses na yun…

Lumingon ako at pinigilan ko ang sarili kong kiligin… dahil nasa harapan ko lang naman ang crush kong si Marky Briguela.

“M-Marky?” Medyo pa-demure pa ako. Syempre di dapat nya mahalata na kilala ko naman talaga sya at crush ko sya!

Tumango sya at ngumiti. “Uhm… Kumain ka na ba?”

Tumango lang ako na parang walang sa sarili kahit hindi pa naman talaga. Hello! Busog na kaya ako!

“Ay, sayang. Akala ko kasi magkasabay tayong kakain. Sige… uhm… Upo muna tayo.”

Niyaya na nga nya akong umupo sa table nya. Mag-isa lang sya, tsaka di ko din ma-sighting ang mga kasama nya lagi na sin Alexis, Dan at yung di ko alam ang pangalan na mukhang mayabang. Well… mukha din namang mayabang ito si Marky. Pero mabait pala talaga sya.

“Sorry nga pala kung di ko kinuha ng diretsa yung number mo mula sayo, ha.”

“Okay lang… Pero… Ikaw talaga yung humingi ng number k okay Kuyang Guard?”

Parang nahihiyang ngumiti sya. “Oo. Ka-close mo din pala si Chief. Akala ko nga hindi mo ibibigay, eh.”

“Ah… Pinilit kasi ako ng mga kaibigan ko.

 

 

Marami kaming pinag-usapan pa ni Marky. Pati nga buhay nya ay kinwento nya sakin. Ako din… Ilang araw pa ulit yung dumaan na nagkaka-text kami. Minsan gusto nya makipagkita pero di naman kasi nagkakasabay ang schedules ng breaks at lunch. Tapos isang araw biglang gusto nya akong ihatid pauwi. Nagkasabay kasi kami dahil ginabi kami sa Economics subject dahil sa debate. Sya naman ay ginabi dahil sa function nila.

--

From: Marky Briguela J

Hatid na kita sa inyo J

--

At nagdahilan naman ako na kasabay ko naman si Den. Kahit hindi naman talaga dahil susunduin daw sya dahil nga gabi na at liblib pa ang kanila. Hehehe. 9pm na rin kasi.

--

From: Marky Briguela J

Para ma-sure ko na safe ka. Pati na rin ang friend mo.

--

Syempre nagdahilan naman ako na iba ang way nya. Eh, totoo naman. Magkasalungat kaya kami ng daan pauwi. Ang daan nya kasi ay tulad kay Kristine.

--

From: Marky Briguela J

Ok lang. lalaki naman ako. Gusto ko lang ma-sure na safe ka. Intayin kita sa gate, ha?

--

At ano pa nga ba? Edi, hinatid nga nya ako pauwi.

“Akala ko kasabay mo yung friend mo?”

“Ah… Sinundo pala kasi sya. Gabi na kasi, eh, ang layo pa ng kanila.”

Tumango-tango naman si Marky. “Ah, buti na lang hinatid kita. Sa ganda mong yan, eh, baka kung sino pang mag-interes sayo.”

Hindi na ako nakasagot kasi hindi ko naman talaga alam kung anong isasagot dun sa sinabi nya. Alangan namang sabihin kong “oo nga,” ang yabang ko naman nun, di ba? XD

Nakarating na kami sa amin. Ang dami pang nakakita sakin na kasama sya.

“Thank you sa paghatid, ha. Sobrang gagabihin ka pa tuloy pag-uwi.”

“Okay lang, basta ikaw.” Tapos ngumiti naman sya. Juskooo! Pamatay ang ngiti naman nito! Tinanguan ko na lang sya tapos tumawid na sya dahil nga iba yung way nya pauwi.

--

From: Marky Briguela

Thanks sa pagpayag na ihatid kita.

Nxt time ulit ha? J

--

Jusko naman ang lalaking ito! Parang timang! Next time daw?

XD

Kinabukasan ay pinag-aasar ako ng mga kaibigan ko. Samantalang sa amin naman ay nachi-chismis din ako. Kung sino daw yung naghatid sakin. Bat di man lang daw sinabi na may boyfriend na ako. Eh, hindi pa naman kami!

Wow, ha! Taas ng confident ko! Hindi “pa” kami? Hahaha! XD

Pero Masaya ako. Ewan ko ba, kinikilig ako, eh. Kahit naman sino siguro na ka-text ang crush nya at hinahatid pa sya ay kikiligin din, no!

 

 

Ilang beses pang naulit na hinatid ako ni Marky. At ngayon tatlong araw na ang nakaraan after nung huli nya akong hinatid. Si Kuyang Guard ay tuwang-tuwa sa tuwing makikita kaming lalabas ng school na magkasama. Hindi lang pala guard yun, Matchmaker din. Hehehe.

Inaayos na namin ang thesis namin. Actually nag-e-edit kami ni Yin, sya ang lagi kong kasama tsaka si Alexis na partner nya na pinagseselosan palagi ni Alex. Swerte nga, eh! Hindi na namin masyado nakakasama sina Sarah, Kristine at Den. Si Sarah at Kristine kasi magka-partner. Si Den naman ang laging kasama ay si Cy, Karla, Louie, Ardaei, Aldrin at Julie. Ewan ko ba, sila lagi ang magkakadikit ngayon, eh. Si Cy ang partner ni Den. Ako naman ay hinihintay ko ang partner kong late na naman. Pero ayos lang dahil kasama ko ngayon si Alexis, hinihintay nya din si Yin na late din, na naman. Hahaha. XD

Mabait naman itong si Alexis, kaso mas boto pa din ako kay Alex Jeremy. Sayang nga lang at naghiwalay din sila. Tsk, tsk.

Dumating din naman yung dalawa at nagsimula na kaming mag-research. Nakaka-stress talaga ang thesis. -___-

Sabay-sabay din kaming nagpunta sa CAS (College of Arts and Sciences) para mag-consult sa advier namin dahil pareho kami ng adviser nina Yin at Alexis.

Paglabas namin ay nandun si Matthew, yung pinsan ni Yin na iniloloko nya sakin dahil bagay daw kami. Hahaha. Nakakahiya naman sa bata, mas bata kasi samin yung ng isang taon. Hahaha.

“Hi. Ate Regh.” Bati sakin ni Matthew.

“Aba! Bat si Ate Regh mo lang ang binabati mo?” –Yin

Umalis muna si Alexis at Yin dahil may kinuha sa library, si Jen naman na partner ko ay nag-CR kaya kami lang ni Matthew ang magkasama at nag-uusap. Tapos nakita ko si Marky nakaupo dun sa waiting area sa lobby na katapat lang nitong CAS. Ang seryoso ng mukha nya nung nagkatinginan kami. Tumayo sya at lumapit dun sa dalwang babae na kaklase nya ata. Parang kumirot ang puso ko nung umakbay yung girl sa kanya at nginitian nya naman. Nakakainis. Parang naiiyak ako.

“Ate Regh, nag-text si ate Yin. Sa gate na lang daw natin sya intayin.”

Napatingin naman ako kay Matthew at pinilit na wag umiyak. Tumango naman ako. “Sige, tara na?”

Sabay nga kaming naglakad palabas ng building. Pero nilingon ko pa si Marky pero lalo lang akong nasaktan dahil nakita kong sya na yung nakaakbay dun sa babae at ang lapit-lapit na ng mukha nila.

Ano ba yun?

Ano ba ako sa kanya?

Fling-fling?

Kagabi lang magka-text kami ng maayos, ah. Ang sweet pa nga nya tapos tumawag pa sya at nagpapaalam na ihahatid ako pauwi ngayon.

Naramdaman ko na lang na may kumulbit sakin. “Ate, okay ka lang?”

Tumango na lang ako kay Matthew at ngumiti ng pilit. Maya-maya ay nagbukas sya ng payong at pinayungan ako hanggang makarating kami sa shed sa malapit sa gate.

Simula nun hindi na kami nagka-text ni Marky. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit. Sabi nina Kristine, nagselos daw. Eh, bakit ni hindi man lang sya nagtanong? Tsaka dahilan ba yung para makipag-flirt sya sa dun sa babae? Oo, alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya dahil hindi naman kami, pero kasi… May something, eh. Ramdam ko yun. Dumating kasi kami sa point na para nya akong girlfriend dahil kahit anong gawin at saan sya pumunta nagpapaalam sya sakin.

Umiiyak ako minsan sa banyo kasi baka makita ako ng pamilya ko. Hinahanap-hanap ko yung pagka-sweet nya. Sinabi ko lang kay Yin at Den na nasaktan ako at minsan naiyak ako.

Isang buwan after nun medyo okay na ako. Pero minsan nag-a-assume pa din ako na isang araw magte-text si Marky at sasabihin nya na sana bumalik kami sa dati.

*blob-blob*

Napatingin ako sa cellphone ko at saka binuksan ang message.

--

From: +639*****77

Hi J

--

Napakunot naman ang noo ko. May wrong send na naman. Badtrip tong mga taong to. Ayaw umayos. -__-

Di ko na ni-reply-an. Kaya nung Group Dynamics class namin ay walang tigil sa pag-vibrate ang cellphone ko. Pang-asar talaga to. Kung sino man sya ay magtago na sya.

After ng Group Dy ay chineck ko kung sinong sira-ulong nag-flood sakin. Pero nagulat ako dahil 10 missed calls and 10 messages ang nakita ko. Sino ba to?

+639*****77… Calling…

 

O_____O

Sasagutin ko ba to o itatapon ko?

“Den! Den! Bilis!”

Nakita kong nagmadaling tumakbo papunta sakin si Den. “O? Bakit? Anong emergency?”

“Sagutin mo naman to.” At dahil mabait ang kaibigan ko ay sinagot nga nya.

Medyo pinipigilan pa namin ang pagtawa dahil sa kalokohan namin. Wala lang, nakakatawa lang. Maya-maya ay natapos na ang tawag.

“Anong sabi? Sino daw sya?”

“Drake. Ewan ko kung sino yun. Tinatanong kung okay lang daw maging friends kayo. Kung busy ka daw at di ka nagre-reply. Ikaw, ha. May bago ka na namang admirer.” Nginisihan pa ko ni Den saka sya bumalik sa group nya. Lunch na namin at nagpa-plan ang groupings para sa project.

 

 

Ilang linggo pa ang lumipas at naging constant textmate ko tong si Drake. Pero mas madalas naman na hindi ako nagre-reply. Tapos pag tumatawag, si Den ang pinapasagot ko. Magaling yung magbago ng boses nya, eh. Hehehe. XD

Pero kahit ramdam ko na nagpaparamdam si Drake, si Marky pa din yung gusto ko. Hindi ko alam kung san nya nakua ang number ko kasi ayaw nyang sabihin. Baka kay Marky?

Nalaman din namin dahil sa stalker na sina Den at Kristine na tropa pala ni Marky, Alexis at Dan si Drake. Actually, bestfriend sya ni Marky. Madalas ko na din sila nakikita magkasama. Tinatanong ni Drake kung pedeng magkita kami at sabay mag-lunch, pero never ako pumayag. Lagi akong may dahilan. Baka kasi mamaya ipakilala nya ako sa barkada nya. Di pa ako ready sa paghaharap ulit namin ni Marky. Pero sweet din talaga itong si Drake.

 

11 months ang nakaraan after nung naka-text ko sina Drake at Marky. Minsan nagbabatian pa din kami ni Marky. Tanguan lang, “hi”, “hello,” ganun lang. Pero sa loob-loob ko, gusto ko syang makausap na tulad nung dati. Na-fall kasi talaga ako sa kanya. At hanggang ngayon gusto ko pa din sya.

Graduating na kami, magse-second sem na kaya nadito kami sa CAS na naman para makitambay at panoorin ang disappointed na itsura ng mga estudyante habang nagco-consult ng grades namin. Nakaraos na kasi kami sa thesis kaya masayang-masaya kami! Hehehe. Pero syempre malungkot din kasi papasok na ang 2nd sem at malapit ng g-um-raduate, wala pa ding boyfriend. -__- pero may nagpaparamdam, yung 1st year na Psych din. Oo, alam ko, pedophilia much? Hehehe. Pero di ko naman sya masyadong gusto.

Well… Ang mga kaibigan ko? Let’s check.

Sarah – may Gene yan na Engineer, pero magulong usapan sila. XD

Kristine – may Kurt Jerome na mas bata ng isang taon, pedophilia din. XD

Den – may Rome na hindi mo maintindihan kung sila o hindi. XD

Yin – may Alex na mahal na mahal sya pero hindi sila nagkabalikan. XD

Nakikipag-chikahan kami kay Ms. Cristel nang may pumasok na dalawang lalaki na taga-CITHM.

O___O

Si Marky at Dan.

Si Dan nga pala yung crush ni Den dati pa, ewan ko lang kung crush pa ba nya hanggang ngayon o mahal na, kaya ata di maintindihan ang status nila ni Rome dahil kay Dan. Hehehe. XD

“Regh… Regh…”

Pabulong na tawag sa akin ni Kristine.

“O, Mr. Briguela, Mr. Martinez.” Mataray na bati ni Ms. Cristel nung lumapit yung dalwa. Napatingin sakin si Marky at nginitian nya ako, tinanguan ko naman sya.

“Ms., sige na po.” Hindi ko na naintindihan yung iba pang sinasabi ni Marky kay Ms. dahil pinag-aasar na ako ng mga kaibigan kong mga baliw.

“O, babe. Delikado ata ang grade ni Marky. I-share mo na lang ang grade mo sa kanya! Hehehe.” Pang-aasar ni Yin.

“Ms.! Ms.! Si Regh na daw po ang bahala!” Sigaw ni Kristine na walanghiya talaga kahit kailan. XD

Pinandilatan ko naman ng mata at natahimik na sya, maya-maya ay lumapit sa amin si Ms. Cristel, kaya lumapit din sina Marky, syempre may kailangan sila kay Ms. eh.

“O, Ms. Evangelista, ano nga ulit yung binubulong-bulong mo sakin kanina?” Nang-aasar na ngumiti naman si Ms.

“Po? Wala po, ah.”

“Mr. Briguela, bakit ngiti ka ng ngiti kay Ms. Evangelista, ha?”

Kinilig naman ako bigla. Hehehe. Pero syempre pinipigilan ko ang sarili kong sakalin si Marky. Eh… Joke lang. Hahaha. XD

“Regh, ano? Okay lang ba na i-share mo ang grade mo kay Mr. Briguela?”

“Ay, nako, Ms.! O—“

Bago pa matuloy ni Kristine ang sasabihin nya ay tiningnan ko na ng masama.

“Osya, Ms. Briguela, si Ms. Evangelista na daw ang bahala sayo.” Sabay tawa naman ni Ms. Ako naman ay hiyang-hiya.

“Yieeeeeee~~!!!”

Sigawan ng mga tao sa CAS, kahit di namin kilala ay nakiirit pa. Aba, ano ba to, movie?! XD Halatang kilig na kilig ang mga kaibigan ko pati ang mga babae sa CAS, eh.

Sa totoo lang, afer nun ay in-assume ko na babalik nga kami ni Marky sa dati. Pero hindi na nangyari yun. Ang balita ko nga nagka-girlfriend na sya. Masakit syempre. Kasi gusting-gusto ko talaga sya. Hanggang nung graduation umaasa ako na kausapin nya ko, pero wala talaga. Bigo na naman ang love story ko.

…5 years later…

“Napaka-walangya mo talaga, Yin-Yin! Pinaiyak mo kaya kami nung umalis ka!” –Den

Nadito kami sa isa sa maraming reunions namin after ng pagbabalik ni Yin sa Pilipinas. Successful na kami sa kanya-kanyang careers kahit 5 years pa lang after graduation.

Si Den, Director ng Psychology Department sa isang malaking ospital sa Alabang.

Si Sarah, syempre sila na ni Gene, at masaya sya sa HR department ng isang Maritime academy sa Laguna.

Si Kristine, tinatapos na ang PhD nya sa UST, HR Director ng isa sa pinakamalaking manufacturing sa Pilipinas. Take note: sila na ni Kurt! ^_^

Si Yin ay umuwi nga dahil pinadala sya dito ng company nya, Manager ng HRG2 ng isang malaking company sa Spain. Nagkabalikan sila ni Alex last week, madrama ang dalwang yan, eh.

At ako, Manager na din ng HR Department namin. Wala pa ding boyfriend. May nanliligaw naman sakin, pero ewan ko ba. Wala talaga sa kanila ang hinahanap ko, eh. Choosy ba? XD

“Nako, girls, miss na miss ko talaga tayo!” –Kristine

“Pano’y di ka um-attend nung gala natin last week!” –Sarah

At sumang-ayon naman kami at nagtawanan. Kurt keeps her busy. Yun, o! English! Hahaha. XD

 

 

“Babye, girls! See you when I see you!”

Nagpaalam na sina Den at Yin, tapos sumakay na sila ng bus. Pareho kasi sila ng way pauwi ngayon dahil dun daw uuwi si Den sa lola nya. Ako naman ay uuwi din sa amin, isang buwan na din akong di nauwi dun dahil may apartment ako malapit sa work ko sa Manila.

Nagpaalam na din sina Sarah at Kristine, samantalang ako naman ay nag-aabang ng jeep pauwi.

“Regh?”

Napalingon ako sa tumawag sakin at…

O________O “Marky?”

“Hi. Di kita agad nakilala. Kamusta ka na?”

Di ko alam kung iiyak ako o kung tatalon sa tuwa. Pero pinili ko na lang ngumiti. “Okay naman, eto mag-fa-five years na sa trabaho. Ikaw ba?”

“Kakauwi ko lang after 4 years sa cruise ship. Dumaan na ako dito para kumain.”

“Mag-isa ka lang?”

“Oo. Haha. Wala namang sasama sakin, eh. Wala pang nakakaalam na nakauwi na ako. Except sayo, syempre.”

“Ah… So kelan ka ulit sasakay ng barko?” Awkward much? Hehehe.

“Naku, hindi na. Ayaw na akong payagan ng parents ko. Maghanap na daw ako ng mapapanagasawa. May job offer sakin ang isang hotel sa Makati, baka dun na lang ako.”

“Ah… Nice naman. Nako, invite mo kami sa kasal mo, ha. Hahaha.” Di ako makatingin sa mata nya, baka mahalata nyang may gusto pa din ako sa kanya, eh. Hay.

 

“Nga pala, pauwi ka na, di ba? Hatid na kita.”

“Ha? Hindi na, nakakahiya naman. Malayo pa ang amin.”

Ngumiti naman sya. “Okay lang, sayang naman tong inarkila kong kotse kung di ko mada-drive ng malayo.”

Baliw na ata ang lalaking to. Pumayag na din ako, sayang din ang libre, eh. Kahit ibang way yung bahay namin, hinatid nya pa din talaga ako. Tumigil sya sa tapat ng bahay namin.

“Sige… Thank you sa paghatid, Marky. See you around na lang.” Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan pero nagulat ako kasi pinigilan nya ang kamay ko. Meaning… hawak nya ang kamay ko!!!

OMG!!!

“Ba-bakit?”

“Pede bang makuha ang number mo?”

“Sige…”

 

 

 

 

“Napakadaya nyo. Bat may kasama kayong keychain?” Tanong ko na kunyari ay galit. Hahaha.

“Beh, uwi ka muna, galit na ata si Regh. Hahaha.” Birong sabi ni Den kay Keith. In fareness, yung bestfriend ni Alex na pogi ay boyfriend na ni Den ngayon.

“Bat kasi di mo dinala ang Tutubi mo, Regh?” Sabi naman ni Kristine. Ito namang si Kurt ay parang laging mawawala si Kristine, nakaupo na magkahawak pa din ng kamay.

“Oo nga, pede mo namang isama si Marky, eh.” Dagdag pa ni Yin na maya-maya ay sinaway si Alex sa pag-inom sa frappe nya.

Nakakatuwa naman silang tingnan. Bagay sila sa isa’t-isa, eh. Si Den at Keith, maliit at matangkad. Sila Kristine at Kurt, parehong matalino. Isang luka at isang mukhang anime. Sina Yin at Alex, college sweethearts na crush pala ang isa’t-isa noon pa. Nakuha nila lahat ng mga dream boy nila. Pero ako din naman, mamayang gabi magkikita kami ni Marky for dinner at sasagutin ko na sya. Shh lang kayo, ha? Hehehe~

“Hi, girls. Sorry!” Napalingon naman kami kina Sarah at Gene na bagong dating.

“Sorry, mahirap humanap ng parking.” Sabi naman ni Gene na nakangisi.

“Sus, parking daw! Eh, nakita ko kayong muntik ng mag-kissing scene sa kotse, eh!” –Kristine

“Heh! Lagot ka talaga sakin, Kristina ka.” Mataray na sabi naman ni Sarah.

Ang daya talaga ng mga ito. Hindi ako sinabihan na kasama pala ang boyfriends/fiancé. Oh, well. Naman akong fiancé o boyfriend, soon pa lang. XD

“Hi, sorry. Late ako.”

O____O

Once again, napalingon naman kami…

...

 

[MARKY’s POV]

 

Ilang buwan after nung hinatid ko si Regh, nasundan pa yun ng maraming pagkikita hanggang sa niyaya ko na syang mag-date, nanliligaw na ako. Pero hanggang ngayon di pa ako sinasagot. Natatakot na nga ako, eh. Baka mamaya mawala na naman sya sakin.

Tulad nung time na nakita ko syang may kasamang lalaki. Pinayungan pa sya at sabay silang umuwi. Ang totoo nagselos ako nung oras na yun. Parang tanga nga ako, eh. Ang bobo ko, di ko man lang tinanong kung anong meron sa kanila. In-assume ko na agad na nakikipag-flirt sya dun. Tapos nalaman ko na pinsan pala yun ni Yin, yung bestfriend ni Regh.

Pero ngayon di ko na sasayangin yung years na hinintay kong magkita ulit kami. Akala ko nga may boyfriend na sya o kaya engaged na. Pero ang saya dahil hindi pala.

Niyaya kong mag-date ngayon si Regh kaso magkikita daw sila ng barkada nya. Wala tuloy akong magawa. Kaya sinundan ko na lang si Regh. Stalker ba?

Eh, sa wala akong magawa, eh. Tsaka baka kung sino pang umaligid, maganda na yung sigurado.

Pumasok si Regh sa Coffee Bean tapos nakita ko sina Yin at Alex, Den at Keith at ang bagong dating lang na sina Sarah at Gene. Pinakilala na sakin ni Regh ang boyfriends ng bestfriend nya nung mag-date kami tapos napasama na kami sa 3 lovers.

Napagtanto ko na mukha akong tanga dito na nag-ii-spy. Kaya naman nag-desisyon ako na pumasok na lang din. Si Regh lang ang walang ka-partner, eh.

“Hi, sorry. Late ako.”

Napalingon sila sakin. Halatang nagulat si Regh, nginitian ko na lang sya tapos umupo ako sa tabi nya.

“Pre.” Bati sakin ni Alex. Tapos tumango naman sakin sina Kieth, Gene at Kurt.

Nag-kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Ang mga girlfriends namin, ayan nagtatawanan sa mga kalokohan nila nung college. Kilala ko tong si Alex mula pa nung college dahil naging barkada kami. Lagi ko nga syang nakikitang kasama ni Yin nung 3rd year. Si Kurt naman ay crush ni Kristine na mas bata sa amin. Si Gene ay EE, pero di ko sya palaging nakikita noon. Si Kieth ang never ko pang nakita noon pero bestfriend daw ni Alex, ahead sya amin ng isang taon at crush din nitong si Den mula pa nung college. Akala ko nga ang crush nitong si Den ay yung barkada kong si Dan, halata kasi, eh. XD

Pero after lunch ay naghiwa-hiwalay na din kami dahil may sari-sariling plano na.

Kinakabahan ako kasi mamayang gabi ay tatanungin ko na si Regh kung payag na syang maging girlfriend ko. Sana. Wish me luck, readers! XD

 

 

 

8pm ang dinner namin sa Yn y Mi Restaurante, kay Alex to, eh.

At yung sinasabi kong naghiwa-hiwalay na kami ng mga kaibigan ni Regh, joke lang yun. Hiningi ko ang tulong nila para mapasagot si Regh. At tinulungan naman nila ako kasama ang boyfriends nila.

Nadito na nga kami sa restaurant at nakaupo na sa pina-reserve kong table for two.

“Alex, okay na ba?”

Tanong ko nung puntahan ko sya sa kitchen ng restaurant nya. “Oo, pare. Pupunta na kami ni Yin sa stage.” Tumango naman ako at bumalik na kay Regh.

“San ka galing?”

“Ah, sa restroom. Ang daming tao, no?” Nakangiting sabi ko sa kanya.

Maya-maya lang ay napangiti ako nung nag-thumbs up sakin si Den at Kieth mula sa likod ng stage. Sina Kristine at Kurt naman ay nasa 2nd floor at may inaasikaso. Sina Gene at Sarah daw ang bahala sa lightings.

“O, akala ko may date sina Yin at Alex?” Gulat na tanong ni Regh nung makita yung dalawa na umakyat ng stage.

Maya-maya lang ay lumapit sa amin sina Den at Kieth at ibinigay kay Regh ang boquet of roses at isang envelop.

“Enjoy ka lang, Regh.” Nakangiting sabi ni Den. Nginitian ko yung dalwa saka sila umalis.

“Buksan mo yung envelop.” Sabi ko sa kanya at binuksan nga tapos napatingin sya sakin na parang nagulat na natuwa.

“Thank you… Marky… Pano mo nalaman na gusto kong mag-Asian cruise?” Nginitian ko lang sya at nagkibit-balikat, tapos tumingin na ulit kami sa stage. Naka-set-up na at naka-spotlight kina Yin at Alex ang blue at yellow na ilaw.

“Ehem. Hi, hello. Eto ulit ako at kakanta dito. Special kasi ang gabing ito para sa dalawang kaibigan ko at sana nag-e-enjoy sila. Yin, ikaw na.” Nag-thumbs sakin si Alex pagkasabi nya nun, nagtatakang tumingin naman sakin si Regh.

“Hello po~ first time kong kakanta dito, sana lang magustuhan nyo. For my bestfriend, Regine Evangelista, sana ito na talaga yun, babe! I’m happy for you! Hoy, Marky Briguela, pag sinaktan mo si Regh, patay ka sakin!” Nagtawanan ang mga tao at natawa na din ako, si Regh nakita kong naiiyak na kaya hinawakan ko ang kamay nya. “Okay, game na, Alex?”

Nag-strum na si Alex ng gitara, at nagtinginan sila ni Yin.

~

ALEX: Looking in your eyes, I see a paradise,
This world that I found is too good to be true.
Standing here beside, not so much to give you,
This love in my heart that I’m feeling for you.

YIN: Let them say we’re crazy, don’t care about that~
Put your hand in my hand, baby, don’t ever look back.
Let the world around us just fall apart,
Babe, we can make it if we’re heart to heart…

ALEX and YIN: And we can build this dream together,
Standing strong forever, nothing’s gonna stop us now~
And if this world runs out of lovers, we’ll still have each other,
Nothing’s gonna stop us, nothing’s gonna stop us now…

ALEX: I’m so glad I found you, I’m not gonna loose you
Whatever it takes I will stay here with you.
Take you to the good times, see you through the bad times,
Whatever it takes is what I’m gonna do~

YIN: Let them say we’re crazy, what do they know?
Put your arms around me, baby, don’t ever let go~
Let the world around us just fall apart,
Baby, we can make it if we’re heart to heart~

ALEX and YIN: And we can build this dream together,
Standing strong forever, nothing’s gonna stop us now~
And if this world runs out of lovers, we’ll still have each other,
Nothing’s gonna stop us, nothing’s gonna stop us now…

ALEX and YIN: And we can build this dream together,
Standing strong forever, nothing’s gonna stop us now~
And if this world runs out of lovers, we’ll still have each other,
Nothing’s gonna stop us, nothing’s gonna stop us now…

~

 

Pagkatapos ng kanta ay tumayo ako at hinawakan ang dalawang kamay nya. Tumutok naman sa amin ang spotlight. Madilim sa paligid at parang kami lang dalawa ang tao. “Regine Evangelista… Will you be my girlfriend?”

Nakita kong naiiyak sya pero ngumiti din sya at tumango. “Yes.”

At ano pa nga ba?

Syempre, muntik na kong mag-Victory dance, pero may hiya pa din naman ako. Kaya hinigit ko na lang sya ng dahan-dahan at niyakap ng mahigpit.

Nag-mouth lang ako ng “thank you” kina Kristine, Kurt, Sarah, Gene, Yin, Alex, Den at Kieth para sa tulong nila.

Sa wakas!

Yung babaeng gustung-gusto ko noon pa, matatawag ko na ding girlfriend! May pagka-siraulo man ako at may pagka-tanga at hindi man ako Mr. Right… Pero I can be her Mr. Left. Dahil kahit anong mangyari simula ngayon nasa tabi nya na ako palagi, kailangan man nya ako o hindi.

 

END

 

December 3, 2014

 

@HimeHaeDen/HimeYureinHyun

 

Denise C. Banzuela

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...