Incantation Academy : School...

By CuteLazyPig

95.3K 4.6K 590

To be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage unt... More

Authors note
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOUGE I
EPILOGUE II
EPILOGUE III
THE POWERFUL ARTEMIS
Authors note
📍Announcement 📍

Chapter 14

1.7K 87 32
By CuteLazyPig


Chapter 14: Assembly.

Cassandra's POV

"Kunin n'yo s'ya!" sigaw ng boses lalaki.


Tumakbo nang tumakbo ang babaeng may dala na sanggol para takasan ang mga humahabol sa kanila.


Tumakbo din ako papunta sa kanila para makita ang mga nangyayari.


Kakatakbo ay napapad s'ya sa isang kwartong sira-sira na at sa dulo nito ay wala ng tatakbuhan dahil malalaglag kana pag tumuloy kapa.


Tumingin sa paligid ang babae kung may pwedeng pagtaguan pero wala s'yang mahanap.


Nagsimulang umiyak ang sanggol na hawak-hawak n'ya, habang s'ya ay natataranta at hindi alam ang gagawin. Gumawa s'ya ng shield para sa kaniyang anak na nilagay n'ya sa isang gilid at tumayo s'ya para harapin ang lalaking nag-utos na kunin ang bata.


Umalis ako sa pinagtataguan ko at lumipat sa isang malaking bato. Sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang nangyayari.


Kinakabahan ako. Ang bilis ng takbo ng puso ko at ang higpit ng hawak ko sa bato. Ramdam ko ang takot ng mag-ina na pinapanood ko. Natatakot  ako sa kahihinatnan ng mag inang ito.


"Matapang ka talaga Helena!" sabi nung lalaki.


"Kung gusto mong mabuhay ay ibigay mona saakin ang iyong anak!" sigaw nito.


"Hinding hindi mo makukuha saakin ang anak ko! magkakamatayan muna tayo bago mo s'ya makuha!" sabi ng babae sa galit na boses.


"Bravery. Dya'n kayo magaling, eh. Ang mag tapang-tapangan. Look at your surroundings! Many of you are already dead. Gusto mo ba'ng madagdagan pa?" sabi nung lalaki sabay sumugod sa babae.


Naglaban sila at napuruhan ng lalaki ang babae na ang pagkakatanda ko ay Helena ang pangalan. Nasugatan ito sa tagiliran kaya napunit ang kanyang damit at umagos ang dugo mula roon.


Susugurin na nang lalaki ang babae ng pigilan s'ya ng isa pang lalaki na may dalang espada at maraming nakasabit sa baywang n'ya na mga potions and vials.


"Tumakbo na kayo Helena. Ilayo mo ang sanggol dito!" sigaw nito.


Pero dahil sa pagkabigla ay hindi agad nakagalaw si Helena sa kinaroroonan n'ya. nang ma realized n'ya ang nangyari ay dali-dali s'yang pumunta sa kinalalagyan ng kanyang anak at kinuha ito. Pagkatapos n'yang kunin ang anak n'ya ay bumaling s'ya sa lalaking na ngayo'y kinakalaban na ang lalaking dumating.


"Salamat Luis"


Pagkatapos ay nagulat ako ng tumakbo s'ya sa dulo at tumalon.


Sinundan ko sila at tumalon din ako dahil ang akala ko ay mababa lang ito ngunit mali ako dahil kami ngayon ay nasa tuktok ng isang tore. Tinignan ko ang toreng iyon at naalala na ang toreng iyon ay isa sa tore ng Incantation Academy.


"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"


"Cassandra!!!!"


Nagising ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Belle.


Nandito na s'ya sa gilid ko at nakahawak sa aking balikat.


Pawis na pawis ako habang hinahabol ang aking hininga. Tumingin ako sa orasan at nakita na alas tres palang ng madaling araw.


"Ano ka ba Cassandra? Napapadalas na ang bangungot mo these past few days ha? nag-aalala na ako sayo." sabi ni Belle at kumuha ng tubig sa kusina.


Another nightmare...


Three days na ang lumipas pagkatapos ng Sky Battle at tama si Belle. Lagi akong nagigising dahil sa parehas na bangungot na 'yun at hindi ko alam kung bakit ayun lagi ang napapanaginipan ko.


Lagi nalang akong magigising ng dahil sa sigaw ni Belle o kaya sa pag yug-yog n'ya. I always end up crying or shouting someone's name.


Ano ba kasi ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Binigay saakin ni Belle ang isang basong tubig na agad kong ininom. After drinking the whole glass of water, I felt weak and sleepy but I was too scared to sleep again after what happened.


"Okay kana? I woke up because of your scream. Your shouting the name 'Helena', three or four times. Who's Helena, Cass?" Tinignan ako ni Belle at sinuri ang kabuuan ko.


Helena...


Sino ka nga ba? Anong koneksyon mo sakin?


"I-i don't know her, Belle. I-it's just that..she's always in my dreams." napayuko ako dahil sa kalituhan. Ano bang nangyayari sakin?


Inangat ko ang tingin ko kay Belle at tinignan s'ya. "Go back to sleep. I'm fine" sabi ko.


Nag-aalangan n'ya akong tinignan bago bumuntong hininga at tumango. "Sure ka ha? I'll go back to sleep. Wake me up if you need something."


"Sige, Belle" sabi ko naman.


Humiga na si Belle sa kama n'ya at maya-maya lang ay tulog na s'ya habang ako ay hindi na dinalaw ng antok pagtapos ko iyong labanan. I don't wanna fall asleep again.


Lagi akong ganito pagkatapos akong gisingin ni Belle. Hindi na ako nakakabalik sa pagtulog dahil natatakot ako na baka 'yun ulit ang mapanaginipan ko.


Helena...


Buong oras akong nakatulala sa bintana at hinintay na magliwanag sa labas. Nang mag alas sais ay naisipan ko ng gisingin si Belle at nagpasya ng maligo.


Paglabas ko ay nakahanda na si Belle na sumunod saakin sa bathroom upang maligo.


"You didn't go back to sleep, am I right?" sabi n'ya.


Nag kibit balikat lang ako sa kanya at dumiretso na sa kwarto para mag bihis. Kitang-kita ang nangingitim na mga eyebags at ang pagod kong mukha.


Hays.


Pagkatapos namin maghanda ay lumabas na kami ng dorm para pumunta sa library para isauli ang book na hiniram namin tungkol sa potions. Maaga pa naman kaya idadaan na din namin ang libro.


Habang nag lalakad kami ni Belle ay nakasalubong namin sila Kate at Jennifer na galing sa garden. Maayos ang mga uniform nila at ang mga buhok nila ay maayos din ang pagkakasuklay. Nakangiti silang sinalubong kami.


"Good morning Belle! Cassandra!" si Mikaela.


"Good morning din" sagot namin ni Belle.


"Saan kayo pupunta?" tanong ni Jennifer.


"Isasauli namin yung book na hiniram namin ni Sandra kahapon." sagot ni Belle.


"Sabay na kami sainyo" sabi ni Kate.


"Sige. Sabay-sabay na tayong pumasok." sagot ko.


Sabay-sabay kaming lumakad papuntang library habang nag kukwentuhan. Nakakaaliw ang mga kwento nila tungkol sa isat-isa lalo na yung kwento ni Mikaela.


Sabi nya naiinis daw s'ya sa ka dormmate n'ya na babae kasi ang kalat daw lagi. Hindi na daw s'ya nakatiis kaya nag away sila ng ka dormmate n'ya dahilan para maaga s'yang pumunta sa dorm nila Jennifer.


Malapit na kami sa library ng mabangga ako ng isang lalaki.


"Sorry, Miss." paumanhin n'ya at bumaling saamin. Tinignan n'ya kami isa-isa hanggang sa huminto ang tingin n'ya saakin.


Wait...kilala ko s'ya ah.


Ngumiti sya saakin bago ako pinagtaasan ng kilay. Nataranta ako at hindi alam ang sasabihin sakaniya. "A-ah ok lang." sabi ko habang nakatingin sakaniya.


"I'm Liro." sabi n'ya sabay lahad ng kamay sa akig harap.


Napansin ko naman na natahimik sila Belle sa gilid ko. Tinignan ko ang kamay n'ya na nag aabang bago ko iyon tinanggap.


"Cassandra"


"To shine huh? Nice to meet you Cassandra. I'm sorry again." sabi n'ya.


Huh? Ano daw? Kahit hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi n'ya ay ngumiti nalang ako "Nice to meet you too Liro." sagot ko naman.


"Liro!" We heard someone's voice calling Liro that's why I turned myself in that direction and then there I saw a tall and muscular man standing beside a tree. Nang makita ko kung sino ang tumatawag sa kanya ay doon ko s'ya nakilala.


Sila yung dalawang lalaking kumindat saakin nung nag karoon ng away sila Kate at Fiona. Sila yung kasama ni Jake.


Bumaling ako kila Belle na tulala parin. Nagulat ako nang bigla nalang akong hawakan sa pisnge ni Kate at pagmasdan.


"Oh my god! Cassandra! Nagpakilala sayo si Liro! Gosh I can't believe it!" sabi ni kate na mgiting ngiti habang pisil-pisil ang pisngi ko.


Bumaling saamin sila Belle at inawat si Kate sa ginagawa nito saaking psngi. Tinignan ni Belle ang mukha ko at kinumusta bago nagtaas ng kilay kay Kate na ngayon ay naka peace sign na.


"Oh...tapos?" taka kong tanong pagkatapos kumalma nung tatlo.


Ano naman nakakakilig sa ginawa non? Nagpakilala lang naman ah? Nag sorry?


"Anong, oh tapos!? si Liro 'yun! Liro Candyard! hindi kung sino lang. At yung tumawag sa kanya ay si Blizz!" sabi ni Mikaela na kinikilig.


Nangunot pa ang noo ko nang pagkatapos n'ya banggitin ang huling pangalan ay tumingin pa s'ya sa direksyon ni Belle na agad nag-iwas ng tingin.


Hm..


"Liro, Blizz and Master Jake. Tatlong lalaking habulin ng babae. Ang hirap kaya nila kausapin tapos yung isa nagpakilala lang sayo? Gosh Cassandra! Ang swerte mo" sabi ni Jennifer at niyugyog si Mikaela na tatawa tawa na din.


Wait..teka....tama ba dinig ko? Master Jake?


S'ya? Master?


"Master Jake? Yung dumaan nung nag-aaway kami ni Fiona?" tanong ko.


"He defeated the Monster of Praesties sea, Dragons, Wild bulls, Monster of the sacred lake at madami pa. That's why Incants call him Master..Master of Monsters"


Naawang ko ang bibig ko sa narinig. Pero hindi non nabago ang isip ko na wala akong pakialam sa Master na iyon.


"Master na kung Master. Tara na sa library." sabi ko kaya nagpatuloy na kami sa pag lalakad.


Ibinigay ko ang libro sa librarian na nakataas ang kilay saakin. Tila hindi ito natutuwa sa ginagawa n'ya o sadyang mainit ang ulo. Nang matapos ay nakahinga ako ng maluwag at hinintay si Belle na kumukuha ng bagong libro para basahin.


"Tara na Cassandra" si Belle habang buhat ang tatlong makakapal na libro.


Aalis na sana kami sa library nang biglang tumunog ang speaker dahilan ng paghinto namin sa paglalakad.


"Good day, students. All classes today are canceled due to the General Assembly, which will take place after lunch in the Center. All students must attend the general assembly to hear the special announcement from our principal Miss Samantha Clever, thank you."


Naghiyawan ang mga studyante sa loob ng library pagkatapos ng anunsyo. Nagulat kami dahil biglang sumigaw ang librarian dahil sa ingay. Lumabas kami doon at napagpasyahan na bumalik sa dorm para magpalit ng damit.


"Soulford, 367"

"Lancaster, 367"


Pagpasok namin ni Belle sa dorm ay pumunta muna akong kusina para uminom ng tubig.


"Anong susuotin mo Belle para sa assembly?" tanong ko kay Belle nang umupo s'ya sa harapan ko at uminom din ng tubig.


"Edi 'yung Family uniform namin." sabi n'ya.


Nagtataka ko naman s'yang tinignan. Binaba n'ya ang baso at hinarap ako.


"Hindi mo nga pala alam ang tungkol doon, noh?" sabi n'ya na natatawa dahil ngayon lang n'ya napansin na wala akong alam tungkol sa magagana na Assembly.


 "Tuwing nagkakaroon ng General Assembly sa Center ay required ang lahat ng students na suotin ang kanilang Family uniform para mas madali mong mahanap ang mga ka Family mo doon sa Assembly. Each Family ay mayroong asigned place" paliwanag n'ya.


Kung kada Family ang lugar doon, paano ako? I don't know what Family I'm supposed to go. I don't know my Family, Group ang Type!


"I don't know my Family, Group and Type, Isabelle. Paano ako ngayon? Baka makahalata sila?" sabi ko na tila iniisip ang posibleng mangyari mamayang Assembly.


Pagkatapos kong magsalita ay saktong may kumatok sa pintuan ng dorm. "I think that's the answer to your questions" sabi ni Belle at sabay kaming nagtungo sa pinto.


Tumambad saakin ang isang tagasilbi na may hawak na box.


"Ipinabibigay po ni Miss Clever. Ito daw po ang susuotin n'yo sa General Assembly." sabi n'ya.


Tinanggap ko naman iyon at nagpasalamat. 


Pumunta ako ng kama kasama si Belle at sabay naming binuksan ang box.


Namamangha kong tinignan ang laman ng Box. Sleeveless long elegant sky blue gress gown with long cape and slit. Sakto lang ang haba at at mukha fit sa payat kong katawan.


Tinignan iyon ni Belle ng namamangha. Masaya s'yang tumingin saakin.


"Ang ganda Cassandra. Magaling talaga pumili si Miss Clever ng susuotin. Alam n'ya talaga kung anong babagay sayo." sabi ni Belle.


"You are indeed special Cassandra. I guess Miss Clever are playing safe that's why she give you a dress. Hindi ka n'ya basta nilagay sa kung anong Family" dagdag n'ya.


"Maybe Miss Clever has other plans for me. I don't know but I'm sure everthing that Miss Clever will do is for my own sake. Kung ano man anng kapangyarihang taglay ko ay alam kong hindi talaga pangkaraniwan." sabi ko.


Natahimik kaming dalawa at pinagmasdan ulit ang dress. "Ano bang meron sa blue?" tanong ko.


"Ang color blue kasi ang nag rerepresent ng Incantation Academy" paliwanag n'ya.


Now, I know.


Pagkatapos namin tignan ang dress ko ay masayang tumayo si Belle at pumunta  sa closet n'ya at may kinuha s'yang damit.


Dinala n'ya iyon sa aking harapan at namangha ako sa ganda nito.


Maroon colored Long coat with hood. Mayroon itong Wand na drawing sa kanang dibdib at may stripes na black sa baba at sa may pasukan ng kamay. Ang ganda! Ang cool tignan at ang ganda ng kulay.


"That's the Family Uniform of Wizard Family? It's beautiful! I can't wait to see you wearing this" mangha at may halong excitement kong sabi.


"Yup! Ang ganda diba! ito ang lagi naming suot kapag may Assembly." sabi n'ya.


Sinuot n'ya na iyon at nagpalit na din ako para makaalis na kami ni Belle dahil mag lulunch time na.


Natapos kami ng halos sabay at namamanghang tinignan ang bawat isa.


"Tara na?" sabi ni Belle.


"Let's go." sabi ko at lumabas na kami ng dorm.


A/N : Makikita n'yo ang Picture ng Dress ni Cassandra sa taas. :>>

Continue Reading

You'll Also Like

348K 4.7K 41
Si blossom Hanna Morris, makulit, hindi nagpapatalo sa laban, mahilig din siyang kumain for short MATAKAW pero wag kayo ang sexy pa rin niya.... Si R...
1.4M 36.1K 57
Highest rank #18 on Fantasy Highest rank #1 on Fairytale Highest rank #12 on Mystery Highest rank #7 on Random She's cold but sweet. She's strong bu...
1.5M 10.2K 7
Isang babae ang napunta sa section na ang mga estudyante ay basag ulo, nambubugbog, magulo at mga siraulo. Higit sa lahat puro lalaki ang mga ito. An...
305K 10.3K 37
Zyl always played Ayla's Knight in shining armour . Kapag kinakailangan niya ng tulong ay laging naroon ang binata sa kaniyang tabi. Si Zyl ang nagta...