"A palace inside the academy?" Nagtatakhang tanong ni Nath. "Isn't it weird?"
Bumuntong-hininga ako. "Indeed."
Hindi rin ako makapaniwala na may palace sa loob ng academy, at hidden palace pa 'yon! Siguro mahalaga ang lugar na 'yon kaya itinago nila sa mga estudyante. Well, may dahilan rin naman si Headmistress kung bakit niya sinabi sa amin ag tungkol doon, baka daw may makita kami doong makakatulong sa misyon namin.
Ang arte-arte kasi ng child of Destiny na 'yan, 'di na lang magpakita. Gusto-gusto niya rin magpahanap, pa-special, tsk.
"Hmp! Sana naman magbigay ng kaunting sign 'yung anak ng Destiny na 'yon para naman madali lang natin siyang hanapin," bored na saad ni Trisha, nakabagsak ang mga balikat niya habang naglalakad, mukhang naiinis na rin siya.
"Well, isn't it nice?" Musa said in a sing-song voice, I think. Para kasi siyang kumakanta lang pag nagsasalita, ang sarap pakinggan. "We're like playing hide and seek. We seek and she hides, thrilling right?"
"Oo nga 'no!" Parang nabuhayan si Trisha matapos marinig ang sinabi ni Musa. "Okiiee! Kapag nahanap natin siya dapat tayo naman ang magtatago, siya naman ang maghahanap sa 'tin."
"Trisha, please just this once, use your fucking brain." HInilot ni Angel ang sentinado niya habang umiiling.
Lumabas na kami ng gusali saka lumiko at hinanap ang tunnel na sinasabi ni Headmistress. Napatingin ako sa pader ng academy at napansin ang mga veins na nakadikit sa pader, wala na rin kasing pumupunta rito sa likod ng academy kaya hindi na nila nililinis.
"Is that the tunnel that Headmistress was talking about?" Itinuro ni Winter ang isang tunnel na nasa dulo lang. "Ang weird nga tignan. I mean, ang pangit tignan, dapat kasi nilagyan nila ng kaunting design-"
"Oh just shut up," inis na saad ni Angel saka nauna ng lumapit sa tunnel.
"I can smell magic in here." Rinig kong sabi ni Sky sa likod. "A different kind of magic."
"Sure?" tanong ni Nath.
"Hmm-mm." Tumango si Sky.
Napatigil na lamang ako sa paglalakad at napakunot ang nuo nang mapansing may parang gold linings sa pader na nasa tabi ng tunnel pero natatakpan 'yon ng mga ugat kaya hindi kita masyado, pero kapag titigan mo ng matagal ay mapapansin mo 'yon.
Dahan-dahan akong lumapit sa pader at hindi pinansin ang mga kasama ko na nauna na sa akin lumapit sa tunnel. Hinawakan ko ang pader at sinubukang alisin ang mga veins na nakaharang ngunit masyado 'yong marami kaya tumigil ako saka bumaba ang tingin sa kamay kong may dumi na.
"Rain..."
Huminga ako ng malalim at lumayo ng kaunti sa pader bago itinapat ang aking mga palad roon. I flinched when I felt the energy flowing on my body running up to my hands, and as I motioned both of my hands I felt like I was under the water, it is heavy but it's relaxing.
Matapos kong igalaw ang mga kamay ko ay biglang may lumabas doong tubig at malakas ang pagkakatama no'n sa pader dahilan para maalis ang mga veins.
"Rain, anong ginagawa mo?"
Naririnig ko ang mga tawag sa akin ng mga kasama ko ngunit hindi ko iyon pinansin at ipinagpatuloy ang aking ginagawa. Ilang segundo lang ay itinigil ko na 'yon saka dahan-dahang ibinaba ang aking kamay habang nakatingin sa simbolong nakaukit sa pader.
Naramdaman kong tumabi ang mga kasama ko sa akin at tinignan rin ang simbolong nakaukit sa pader. Ang linings ng simbolong iyon ay kulay ginto, at ang kulay nito ay itim, hugis ng araw, at parang kumikinang 'yon.
"What is that?"
"It's obviously a sun, Winter," sagot ni Nath sa tanong ni Winter.
"Ang ganda ng design!" Namamanghang sabi ni Trisha. "I'm in awe-awesome!"
"Maybe it has a meaning on it," said Nix as he walked closer to the wall and trailed his hands on the gold linings of the sun.
Hindi ko na sila pinansin at tinitigan na lamang ang simbolong iyon. Sumingkit ang mata ko saka dahan-dahang lumapit roon. As I walked closer my heart beats fast, I feel some high amount of power. Parang nawala ang mga kasama ko nang lumapit ako doon, ako lamang ang naiwan at ang simbolo, lahat ay puti maliban sa akin at ang simbolo.
"Ah!" Napayuko ako at hinimas-himas ang ulo ko nang bigla iyong sumakit.
I bit my lower lip and closed my eyes. Images started to flash on my head, mas lalo pang sumasakit ang ulo ko kaya napadiin ang pagkakagat ko sa labi ko dahilan para dumugo 'yon pero hindi ko na lamang pinansin at mas tinuonan ng pansin ang mga larawang nagpapakita sa isip ko.
I saw the sun being covered by some kind of shadow. Maybe...
An eclipse!
An eclipse is happening.
"Rain!"
Napabalik na lamang ako sa diwa nang may yumugyog sa akin at tumawag sa akin. Inangat ko ulit ang ulo ko at nakita ang mga kasama kong nag-aalalang tumingin sa akin, I wonder why?
"Your lips is bleeding." Itinuro ni Angel ang labi ko kaya napahawak ako roon.
Tinignan ko ang kamay ko saka nakita ang dugo na galing sa labi ko. It stings a bit but it'll heal fast. I looked at them and smile. "Okay lang ako."
"Sure ka?"
"Oo, Trisha." Pinahid ko na ang dugo sa labi ko, and gladly, it stopped bleeding.
"We should get going," ani Musa.
"Okay then." Lumapit si Nath sa tunnel habang nakapamulsa. "Ang weird talaga-whoaaaa!"
"Nath!"
Nanlalaki ang mga mata naming lumapit sa kinatatayuan kanina ni Nath ngunit bigla na lamang kaming nahulog sa isang butas tulad niya. Napapikit na lamang ako ng mata dahil hindi ko pa nararamdaman ang pagbagsak ko, kaya sigurado akong malalim ang butas na 'to. Naririnig ko rin ang mga sigaw ng mga kasama ko dahilan para mas kabahan pa 'ko.
Gaano ba 'to kalalim?!
"Got 'ya."
Minulat ko ng dahan-dahan ang aking mata nang marinig ko ang tinig ni Nath. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Nath saka ko lang napagtanto na buhat-buhat pala ako niya kaya pinandilatan ko siya ng mata.
He smiled. "Good thing I've catch you."
Umirap ako saka umalis mula sa pagkakabuhat niya sa akin. Pinagpagan ko ang paldang suot ko bago tinignan ang buong paligid.
"Wow!"
Hindi ko mapagilang mamangha sa aking nakikita, pati na rin ang mga kasama ko ay namamangha rin dahil sa taglay na ganda ng paligid. Inilibot ko ang aking paningin sa isang lumang palasyo na nasa harapan namin ngayon.
It's like a mini palace, but it's old.
Luminga-linga ako sa paligid. May ilog na malapit sa palasyo, may hardin din na kung saan makikita mo ang mga iba't ibang uri ng bulaklak, prutas, at mga gulay. Luma na ngang tignan pero napakalinis ng kapaligiran, parang may nakatira lang dito. Pumikit ako at mas dinama ang simoy ng hangin na tumatama sa aking may kaputiang balat, hindi rin masyadong mainit ang sinag ng araw kaya mas lalo akong napreskohan.
"It's like a paradise," manghang sabi ni Trisha at inilibot pa ang paningin sa lugar.
"Is this the hidden palace?" I asked while staring at the old but beautiful palace.
"Maybe, yes." Winter wandered around.
"Maybe that hole is the portal to this place," ani Sky.
Bigla na lang bumaba si Luna mula sa balikat ni Sky at mabilis na tumakbo palapit sa palace, nataranta na lang kami nang bigla iyong pumasok sa loob.
"Luna!" tawag ni Sky pero hindi nakinig ang alaga niya.
"Tara, pasok, hihi." Lumakad rin si Trisha palapit sa palasyo at pumasok tulad ni Luna.
Nakatinginan na lamang kaming lahat saka sumunod sa dalawa. Wala naman akong nararamdamang masama sa lugar na 'to ngunit nag-aalala lang ako, baka kasi may tao pala dito tapos magagalit dahil basta-basta na lang kaming papasok.
Nang makapasok ay napaawang na lamang ang labi ko dahil sa pagkamangha. All floors were marbled, all stair rail were ornate mahogany, carved and polished so that it shined. Portraits were painted in oils and hung in gold frames. Furniture was all handmade by master craftsmen. It's beautiful!
Kapag nasa labas ka ay makikita mong luma ngunit pag nasa loob ka ay mamangha ka na lang sa ganda, para talagang may tao sa lugar na 'to.
"Baka may tao dito," bulong ko.
"Shhh, wala 'yan. Besides..." Hinawakan ni Musa ang isang vase sa gilid. "Headmistress gave as the permission."
Napansin kong lumapit si Angel sa mga nakasabit na larawan sa pader, sumunod ako sa kaniya saka tinignan ang mga larawang 'yon.
"It's the King and Queen," mahinang sabi niya.
Isang lalaki at isang babae ang nasa larawan, nakatayo silang dalawa at nakasuot ng mga mamahaling damit. May korona rin silang suot sa kanilang ulo, kaya makikilala mo agad na sila ang hari at reyna ng Mystic.
Luminga-linga ako ulit at napatigil ang mga mata kay Nix na kasalukuyang nakahawak ng isang frame. Lumapit ako sa kaniya at tinignan rin 'yon. There, I saw ten people smiling except for the one guy on the right side, nakakunot ang nuo niya at nakasimangot, pero guwapo siya. Five ladies and five gentlemen are on the picture, kasama si Headmistress.
Tumigil ang aking mata sa isang babaeng nakangiti at nakaakbay sa kaniya ang reyna. Memories from ten years started flashing in my mind, the nightmare that happened ten years ago.
Napakuyom ako ng kamay.
Naramdaman ko ulit ang poot at sakit. Poot sa pumaslang sa nag-iisa kong pamilya. Sakit dahil maaga akong iniwan ng aking ina, hindi ko man lang siya nakasama ng matagalan.
Inilapag ni Nix ang frame na 'yon sa isang mesa.
"The previous Titans..."
Napatingin ako kay Winter at nakita ang seryoso niyang mukha.
Alam kong may mahika rin ang aking ina ngunit hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa academy, hindi niya sinabi sa akin na dati siyang nag-aaral dito, na dati siyang miyembro ng Titans. Kaya pala may hawak siyang papel at nakasulat roon ang pangalan ng academy.
"Titans..."
Lumingon kami kay Nath na ngayon ay nakaupo sa stair rail habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Let's look for some clues."