Scales of Chaos

By ashiaari

169K 9.2K 2.7K

𝗠𝘆𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗦𝗮𝗴𝗮 𝟭 | Scales of Chaos Rain Vermillion wanted to know the truth behind her home... More

I
II
Prologue
Chapter 1 | New Dawn
Chapter 2 | The Beginning of Time
Chapter 3 | A New World Awaits
Chapter 4 | Friends?
Chapter 5 | First day, First Mess
Chapter 6 | Summoned
Chapter 7 | Half Truth
Chapter 8 | Lies in Ice
Chapter 9 | Cold Night
Chapter 10 | Omen
Chapter 11 | A Tale
Chapter 12 | Storm is Coming
Chapter 13 | First Wave
Chapter 14 | Monsters Within
Chapter 15 | The beasts and the dragons
Chapter 16 | Final Blow
Chapter 11 | The Case in Clover City
Chapter 12 | Bloom
Chapter 13 | Bloody Diamonds
Chapter 14 | Cold Tears
Chapter 15 | Air and Shadow
Chapter 16 | Uncontrolled
Chapter 17 | Strings
Chapter 18 | Awaken
Chapter 20 | The Explosion
Chapter 21 | Hidden Palace
Chapter 22 | New Faces
Chapter 23 | Jakku Island
Chapter 24 | Phantoms
Chapter 25 | Poisoned
Chapter 26 | Amaimon Soul
Chapter 27 | The Shape Shifter
Chapter 28 | Pity
Chapter 29 | Shoot Fast
Chapter 30 | Spirit
Chapter 31 | Rainbow
Chapter 32 | There's a Traitor
Chapter 33 | Ruined
Chapter 34 | Training in the Rain
Chapter 35 | Invisible
Chapter 36 | Strength
Chapter 37 | Mystic Island
Chapter 38 | Attacked
Chapter 39 | Demon Snake
Chapter 40 | Eyes in the Dark
Chapter 41 | Falling
Chapter 42 | Drunk Ladies
Chapter 43 | Suspicion
Chapter 44 | Melted
Chapter 45 | Mystic Ball
Chapter 46 | Their Way
Chapter 47 | Sneak And Steal
Chapter 48 | The Smell of Iron
Chapter 49 | Unchained
Chapter 50 | A Drop of Blood
Chapter 51 | Fear
Chapter 52 | Embrace of Death
Chapter 53 | Memories With Her
Chapter 54 | Child of Destiny
Chapter 55 | Crossroads of Destiny
Epilogue
III
BOOK II

Chapter 19 | Diamonster

2.3K 168 25
By ashiaari

Nataranta kami nang gumalaw na naman ang lupa at unti-unti iyong nabiyak. Mas lalo pang lumakas ang itim na mahika na papalapit sa amin. Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit na lamang at mas hinigpitan ang kapit sa braso ni Winter.

"Waaahhh! Kailangan na nating tumakbo!" tili ni Trisha na sinunod naman namin agad.

Mabilis kaming tumakbo, kasabay no'n ang malakas na tunog na nagmumula sa lupa at tunog ng pagkabiyak ng lupa. Napakalakas no'n, na parang mabibingi ka na sa lakas ng tunog. Hindi ko mawari kung saan o kanino 'yon galing basta napakalakas.

Nagtago kami sa mga punong nakapaligid sa amin, malayo-layo sa kinatatayuan namin kanina. sumilip ako upang tignan ang kung ano man ang lumabas mula sa lupa. Napatakip na lamang ako ng bibig at nanlalaki ang mga mata nang makita ang malaking halimaw na ngayon ay nakatayo na at mukhang patungo iyon sa bayan.

Kahit madilim pa ay nakikita ko pa rin ang kabuuhan nito. Ang mga mata nito'y apat na parang mga diamante at kumikinang pa ito, ang katawan niya ay itim at kasing laki ng higante.

"What is that, ugly thing?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Winter.

"I think I once saw it in a book but I just forgot what book it is." Napatingin kami kay Angel ng may pagtatakha sa aming mga mukha. "According to the book, that monster is called Diamonster, black body, and red gem-like eyes, it is said that it only wants destruction in the world, kaya nagtakha ako kung bakit gusto ng mga Phantoms na nakalaban natin na itong halimaw na 'to ang napili nilang mag-protekta sa kanila. Matagal na rin itong namatay at mabubuhay lamang ito sa pamamagitan ng ritual at ang dugo ng apat na babaeng birhen na nagmumula sa apat na tribo sa buong mundo."

My lips thinned after she said that.

Bumuntong-hininga siya saka tinignan kami isa-isa. "Only a true demon can stop and destroy it."

"Ha! 'Yon lang pala, edi pumunta ka na do'n at talunan ang halimaw na 'yan."

Umiling lamang si Angel sa sinabi ni Winter. "I'm not a true demon, stupid."

"Then how do we defeat it?" I asked.

Hindi puwedeng maabot ang halimaw na 'yan sa bayan kundi baka mahirapan lang kami sa pagtalo sa kaniya. Isa pa, baka maraming tao ang mapahamak kaya kailangan namin siyang pigilan agad. Hindi ko rin alam kung ano ang puwede naming gawin, at mas lalong hindi ako makakatulong sa kanila dahil hindi ko pa gaano ma-kontrol ang kapangyarihan ko.

I'm useless!

Ang hina ko...

"Holy shit! Gaano ba katigas ang ulo ng kapatid mo, Angel?"

Napailing ako nang makabalik ako sa diwa at tumingin sa kung saan man sila nakatingin ngayon. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko si Nath na nasa harapan na ng halimaw, hindi man lang namin naramdaman na umalis siya.

Mabilis kaming tumakbo papunta roon, pero sinigurado naming hindi kami masyadong malapit sa halimaw.

"Nathaniel Hellviore, get the hell out of there!" diing sigaw ni Angel ngunit hindi pa rin nakinig ang kapatid niya at sinimulan iyong atakehin.

Gumawa siya ng malaking fire ball at itinapon sa paa ng halimaw dahilan ng malaking pagsabog. Kasabay no'n ang malakas na pagsigaw ng halimaw. The ground vibrated when the monster shouted, making some cracks on the ground.

"Winter and I will go call for the guards." Narinig kong saad ni Musa ngunit hindi ko sila nilingon dahil nakatuon lamang ang atensyon ko sa halimaw at kay Nath. Narinig ko na lamang ang mga papalayo nilang yabag.

"Sky, ilayo mo dito si Rain, kami na ang bahala dito," utos ni Angel.

Hindi sumagot si Sky at hinawakan na lamang ang magkabila kong braso. Tinignan niya ako at ilang sandal lang ay naramdaman ko ang malakas na pagdampi ng hangin sa aking balat, at nakita ko na lamang ang aking sarili sa taas ng isang puno na malayo-layo kila Angel ngunit nakikita at naririnig ko pa rin sila. Nakatayo kami ngayon sa isang sanga kaya kumapit ako ng mahigpit sa puno para hindi ako mahulog.

Tumakbo si Angel at ang iba palapit kay Nath na nasa isang malaking bato.

"Trisha, hold him!" sigaw ni Angel sabay nagpalit ng anyo.

Nakita ko na naman ang kaniyang mahabang buntot na parang isang buntot ng buwaya pero itim ang kulay nito, at nababalot rin ang katawan niya ng itim na iskala maliban sa kaniyang mukha. Her long and sharp black claws are scary but what most scares me is her long black horns.

Sunod kong tinignan si Trisha na bumaba sa bato at ikinumpas ang kaniyang kamay, sabay ng pagsara ng kaniyang mga kamay ay bumaon sa lupa ang paa ng halimaw dahilan para hindi ito makaalis sa kinatatayuan nito.

Malakas na dagundong an gaming narinig mula sa halimaw kaya napatakip ako ng tainga.

"Ready!" A bat-wing appeared on Angel's back, but it was bigger than the bats.

She flew up to face the monster and used her claws to attack it, her claws suddenly lit up as she attacked the monster repeatedly. Sumunod naman na umatake si Nix. Gumawa siya ng malalaking ice spikes at paulit-ulit na inatake ang halimaw hanggang sa maging yelo ang dibdib nito. Kasunod ni Nix ay si Nath, may lumabas na parang pakpak na gawa sa apoy sa kaniyang likuran at ginamit niyo iyon para atakehin ang halimaw.

Sinangga ng halimaw ang mga atake ni Nath gamit ang kaniyang dambuhalang kamay na parang hindi ito tinatablan ng mga atake nila.

"We can't beat this monster, we need a full blooded demon here." Hingal na hingal na sabi ni Angel.

"You're a demon!" sigaw ni Trisha mula sa baba.

"I told you I'm not! I'm just a half demon for fuck's sake!" Napailing si Angel. "Ang kapangyarihan ko lang ang tunay na demonyo rito at hindi 'yon sapat para talunin ang halimaw na 'to."

Mukhang nawawalan na kami ng pag-asa.

Napakagat na lamang ako ng labi nang makita kong may nabubuong itim na mahika sa kamay ng halimaw at mukhang aatake 'yon kay Trisha. Sa tingin ko napansin 'yon ni Nix kaya mabilis siyang tumakbo papunta kay Trisha at gumawa ng malaking panangga na gawa sa yelo bago pa sila matamaan ng atake.

Nagkaroon ng malaking pagsabog ngunit bago magkalat ang apoy sa gubat ay biglang na lang iyong gumalaw at nagtungo lahat kay Nath. Hinigop ni Nath ang apoy na parang humihigop lang siya ng tubig. Matapos niyang higupin lahat ng apoy ay napangisi siya.

"I will beat this monster, no matter what." A smirk form on his face after he said that.

Itinaas niya ang kaniyang mga kamay. May nabubuong isang malaking fire ball sa mga palad niya at mas pinalaki niya pa iyon, mas malaki pa sa mga fire balls na nakikita kong pinapalabas niya sa tuwing may laban siya.

Pinakawalan niya iyon sa direksyon ng halimaw. Nagkaroon ng malaking pagsabog kaya napapikit ako dahil sa matinding liwanag na nagmumula sa pagsabog, nakakasakit kasi sa mata. Maya-maya lang ay minulat ko na ang aking mga mata at nakitang nahulog isa-isa ang apat na diamante sa lupa, nawala na ang halimaw at tanging ang mga diamante lang ang naiwan.

Inayos ko ang buhok ko bago tumingin sa kalangitang tuluyan ng nagliliwanag dahil gising na si haring araw. Dumating na rin ang mga kawal at agad nilang hinuli ang mga taong sangkot sa gulong naganap, narinig ko rin na nahanap na nila ang tatlong babae mula sa tatlong tribo.

Dinala na 'ko ni Sky sa baba kaya agad kaming lumapit kina Nath na kasalukuyang nakahiga sa damuhan. Si Angel ay nakaupo lamang at mukhang naghihilom na ang sugat niya sa tyan, salamat sa kapangyarihan niya.

Nakatingala si Trisha sa kalangitan habang nakahiga sa damo, kasama niya si Musa na nakatingin lamang sa kaniya na may ngiti sa labi. Si Winter naman ay nakahiga kasama si Nix, nakayakap siya sa binata at parang tinutulak siya ni Nix palayo dahil siguro ayaw niyang may nakayakap sa kaniya pero matigas si Winter kaya hinayaan niya na lamang 'yon.

Dumako ang tingin ko kay Nath na nakahiga rin sa damo at nakapikit ang mga mata, sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi.

Halata ang pagod sa kanilang mga ekspresyon pero may nakaukit pa ring ngiti sa kanilang mga mukha maliban kay Nix at Sky.

Pasimple akong ngumiti.

Nabigla na lamang ako nang bigla akong hatakin ni Nath pahiga sabay yakap. Ginulo niya ang buhok ko habang nakapikit pa rin. "You did great."

"Wala naman akong naitulong," malungkot na saad ko.

"Sa susunod na magsabi ka ng ganiyan, susunugin na talaga kita."

Napatawa na lamang ako sa sinabi niya at hindi na sumagot. Napagod rin ako, siguro maraming enerhiya ang nawala sa akin noong pinalabas ko ang gintong pana na 'yon. Pero masaya ako dahil kahit papaano ay alam ko na kung paano palabasin ang panang 'yon.

"Let's sleep, Rain."

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 798K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
1.5M 60.5K 50
PUBLISHED UNDER LIB | Phoenix Academy unlocks the fire within. Eris Alderhaide has known her power for long, but she kept it until she entered Phoeni...
39.4M 1.1M 50
Minsan kahit gaano natin i-plano ang buhay natin darating at darating talaga ang panahon na sisirain iyon ng mapaglarong tadhana. At dalawa lang ang...