Titibo-tibo (COMPLETED)

By majestingg

16.2K 2K 37

COMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa b... More

Titibo-tibo
Prelude
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chaper 2

Chapter 36

213 33 0
By majestingg

#Titibotibo36 Kidnap

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko. Biglang nag-aya si Xandra na lumabas daw kami dahil nabo-bored na raw siya sa kwarto niya. Syempre, nagtaka naman ako dahil sa dami ng kaibigan niya e ako pa 'yung niyaya niya.

"Wala lang. It's just you're genuine to be a friend. Halata namang peke lang ang friendship namin ng mga friends ko sa school, e," sagot niya. "But anyways, I don't mind naman."

Dumeretso kaming mall. Hindi namin kasama si Xyll dahil may lakad sila nina Drex at Dee. Broken na naman daw kasi si Drex, e. Hay nako, minsan ang hirap din klaruhin ng mga babaero, ano. Hindi mo alam kung sino ba iniiyakan.

"Bakit hindi mo yayain ang boyfriend mo?" tanong ko dahil pwede namang si Jeric 'di ba? Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama pero masama talaga 'yung kutob ko ngayong araw kaya hindi ko feel lumabas.

"Hindi pa kasi nagre-reply, e. Busy siguro sa business niya," sagot niya. Nagtaka naman ako, business? Business kamo na patayin ako. Kung alam ko lang, nagpaplano na rin 'yun.

Nag-ikot-ikot lang din kami ni Xandra sa mall hanggang sa napadaan kami sa isang salon. Naisipang magpa-curl nitong si Xandra kaya nagpagupit na lang din ako into short hair. Nanibago nga ako pagkatapos, e. Ngayon lang ako nagpagupit nang ganito kaikli.

"Ang cute mo pala sa hair na 'yan!" komento ni Xandra. "You look like manang kasi sa haba ng hair mo dati!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos ay dumeretso ulit kaming Chowking para kumain. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nagtext. Nakita ko ang pagngiti niya habang binabasa niya kung ano iyon.

"Halika, puntahan natin 'yung friend ko!" aniya.

"Sinong friend ba 'yan?" tanong ko, kinakabahan.

"Friend ko sa school, kakauwi lang galing Japan. Kukunin ko lang 'yung pinapabili ko sa kanya."

Sumakay na kami sa kotse niya. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mag-alala. Pakiramdam ko, may mangyayari talagang masama! Baka madi-disgrasya kami ngayon? Huwag naman sana.

"Hindi ka naman siguro magtatagal doon diba?"

"Nope."

Maya-maya ay hindi ko maiwasang magtaka nang lumiko kami sa isang daan na walang katao-tao, ni-bahay na nakatayo wala. Mas lalo akong naguluhan nang inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang abandonadong building. "We're here!"

Kumunot ang noo ko. "Abandoned place 'to ah." sabi ko pa.

"Dito raw kami magkikita, e."

"Ano?" gulat na saad ko. "Baka kung anong meron diyan sa loob."

"Relax, Demi——ay ate pala. Kung gusto mo dito ka lang. Ako na lang 'yung bababa." Hindi pa ako nakapagsalita ay bumaba na nga siya. Jusko, ano bang klaseng kaibigan ang meron 'tong si Xandra?

Naiwan ako sa kotse niya. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa nakahinga ako nang maluwag dahil nakita kong lumabas na ring safe si Xandra.

Subalit mas bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano lumapit sa kanya ang tatlong taong nakaitim saka tinakpan ang kanyang bibig!

Nakita ko kung paanong nawalan ng malay si Xandra. Mas lalo akong nanlamig sa nakita ko. Shit! Hindi ko pa naman din nakita ang mukha ng mga taong iyon dahil nakamaskara sila!

Nang mapansin kong napatingin ang isa sa kanila sa gawi ng kotse na sinasakyan ko ay mas lalo akong nabalisa. Nang nagsimula siyang humakbang ay napilitan akong lumipat sa driver's seat.

Mabuti na lang at iniwan ni Xandra ang susi kaya mabilis ko itong napaandar. Bago pa man ako tuluyang nakaalis sa lugar na iyon ay napaulanan ako ng tatlong bala mula sa likod ng kotse.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang kabahan! Hindi ako masyadong marunong magmaneho! At mas lalo na't nagpapanic ako ngayon kaya hindi ako maka-concentrate nang maayos!

Di ko maiwasang maluha habang nagmamaneho. Ito na nga, nangyayari na nga 'yung kinatatakutan ko. Tangina naman, oh!

Mabuti na lang at nakarating ako sa bahay nang safe kahit sobrang nagpa-panic na ako. Agad akong tumakbo papunta kina Gelo, ngunit walang tao. Dumeretso ako kina Tata, mabuti na man at lahat sila ay nandoon.

Gulat ang nakita ko sa mga mata nila nang makita nila ako. Sa sobrang pagpa-panic ko kasi hindi ko na nahawakan ang cellphone ko para tawagan sila.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Gelo. "Ba't ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni Xyll?"

Umiling lang ako. Hindi ko magawang magsalita. Mas lalo akong naiyak.

"Ito tubig," abot sa akin ni Tata ng tubig, ininom ko naman agad 'yun. "Anong nangyari? Ngayon ka lang umiyak nang ganyan."

"Pakalmahin niyo muna." Pinaupo naman nila ako habang pinapakalma. Mabuti na lang at hindi nila naisipang tawagan si Xyll dahil hindi ko alam kung paano ko ba i-explain kung anong nangyari. Pakiramdam ko, kasalanan ko na naman 'to.

"Ano na, Demi?" mahinahong tanong ni Gelo.

Pinunasan ko muna ang pisngi ko dahil sa mga luhang ayaw pang tumigil. "S-Si Xandra."

Napatayo si Joel. "Lintik naman, oh. Naisahan ka nga."

"H-Hindi gano'n. S-siya... na-kidnap siya." sagot ko.

"Ano?! Kilala mo ba kung sino?"

Umiling ako. "H-Hindi ko sila nakita. P-Pero malakas ang kutob na grupo 'yun nila Jeric."

"Hindi ba jowa ni Jeric si Xandra? Bakit naman gagawin ni Jeric 'yun?"

"W-Wala nga kasing alam si Xandra!" sigaw ko. Ayaw pa kasi nilang paniwalaan, e. "B-Biktima rin siya ni Jeric para makuha ako."

"Papa'no ka nakarating dito?"

"G-Ginamit ko 'yung s-sasakyan ni Xandra." sagot ko.

"Ano?!" galit na tanong nila.

"Mabuti naman at hindi ka nadisgrasya!" ani Tata.

"Jusko naman, Demi oh. Sinabi ko naman na mag-ingat ka diyan sa Xandra na 'yan," sabi pa ni Gelo.

"Nasa'n ba 'yung kotse?" tanong ni Jimuel.

Pinuntahan naman namin ang kotse ni Xandra na nakaparada malapit sa bahay. Muntik pa akong masapak ni Joel nang makita niya ang tatlong basag sa likod na halatang gawa ng isang pamamaril.

"Hayop ka, Demi! Paano na lang kung tumama 'to sa 'yo?!" ika niya.

"Saan ba kayo pumunta ha? Alam mo ba kung saan 'yun?" galit na saad ni Gelo.

"H-Hindi ko alam... b-basta pagkatapos 'yun ng isang subdivision... walang nakatayong mga bahay do'n..." sagot ko.

"Tawagan niyo si Xyll---"

"Huwag!" agad na pagpigil ko sa kanila. "Please, hayaan niyo na ako magsabi sa kanya."

Tumango naman sila.

"Si Chester. Tawagan niyo si Chester. Baka may alam siya."

"Wala naman tayong number kay Chester..." sagot ni Jimuel.

"Lintik naman oh!"

"Kalma, Joel. Subukan na lang natin 'yung teritoryo ng Arx," suhestyon pa ni Imboy.

"Alam mo ba kung saan 'yun?"

"Oo. 'tsaka base naman sa sinabi ni Demi, walang katao-tao, ni-bahay na nakatayo. Hindi malabo na isang Arx 'yun."

Umalis na si Gelo at bumalik na dala-dala ang pickup ni Boss. "Sakay na, pupuntahan natin ang mga gagong 'yun," sabi niya pa. "Ikaw Demi, maiiwan ka rito. Huwag ka nang sasama."

"A-Ano? P-Paano ko ituturo?!"

"Hindi ka sasama hangga't hindi ka kumakalma. Nato-trauma ka pa rin hanggang ngayon," sagot niya. "Mark, samahan niyo 'tong gagong 'to. Saka na kayo sumunod kapag naka-recover na."

Umalis naman na sila. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil baka kung anong mangyari sa kanila nang dahil na naman sa akin. Sigurado naman akong may dalang baril si Joel na galing sa sundalo niyang tatay, pero hindi pa rin ako panatag do'n.

Hinatid naman ko ni Mark, Nico at Dats sa karinderya nila Tata. Kinakausap lang nila ako tungkol sa nangyari. Noong una ay nahirapan pa akong ikwento kaya napagtanto ko na tama nga si Gelo, hindi pa rin ako kumakalma, hanggang sa naikwento ko na nga nang maayos, simula sa mall, may nagtext na kaibigan, pumunta sa abandonadong lugar na 'yun.

Bigla kong naalala na tumawag nga pala sa 'kin noon si Chester. Agad ko namang binalikan 'yun sa call logs ko. Mabilis niya naman itong sinagot nang tumawag ako. Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari, kaya mabilis pa sa alas quatro nang puntahan niya ako rito sa karinderya nila Tata.

"Sigurado ka ba diyan, Demi? Baka pagagalitan ka na naman ng tatay mo." tanong ni Mark.

Tumango ako. "Sikreto lang sana 'to. Ayaw niyo ba talagang sumama?" tanong ko naman sa kanila.

"Hindi na. Mapapahamak lang kami ro'n. Alam mo naman na hindi namin gawain 'yun. Dito lang kami baka pumunta si Xyll dito."

"Sige, salamat."

Sumakay naman ako sa van na dala ni Chester. Meron pang isa sa likod namin. Kaya pala kinatatakutan minsan itong grupo nila dahil sandamakmak sila. Hindi na talaga mapagkakailang minahal nang sobra ni Chester si Xandra.

"Subukan nating dumaan sa Arx," suhestiyon ko. "Grupo 'yun ni Jeric 'di ba?"

"Hindi. Paniguradong wala sila ro'n," sagot niya kaya nagtaka naman ako. "Marami silang hideout."

"E, hindi naman siguro sa lugar ni Jeric, ano?"

"Mas lalong hindi ro'n," sagot niya saka inis na tumingin sa 'kin. "Natatanga ka na ba talaga, Demi?" inis na sambit niya. "Hindi mo ba talaga naisip na mangyayari 'to?!"

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Nakaka-frustrate! "Hindi ko alam. Biktima rin si Xandra, Chester. Hindi mo ba napapansin 'yon? Tinanong ko na nga, ni-hindi niya nga nabanggit ang apelido ni Jeric! Dahil alam ni Jeric na si Xandra ang kailangan ko."

Natahimik naman si Jeric hanggang sa napansin ko na nandito na nga kami sa lugar kung saan nangyari ang insidente kanina!

"Dito!" sabi ko. Papa'nong alam nila kahit na hindi ko sinasabi?

"Third BM," sagot pa ni Chester na mas lalong ikinagulat ko. Tangina, memorize.

Isa-isang lumabas ang naunang van na may mga dala-dalang baril. Naiwan kami ni Chester pati ang isa nilang kasamahan na nagmamaneho kanina.

"Oh, baril," muntik ko nang mabitawan ang baril na inilagay ni Chester sa kamay ko. "Demon Tigers, Demi. Baka nakakalimutan mo?" aniya pa saka nagsuot na ng maskara saka bumaba.

Natulala lamang ako sa baril na ibinigay niya nang maagaw ng atensyon ko ang cellphone ko nang nag-on ito hudyat na may nagmessage sa akin. Nang tignan ko ito ay mas lalo akong nanlumo nang makitang si Xyll ito.

From: Love
Where are you? Mom told me that you're with Xandra.

Napapikit na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong ire-reply ko. Ayaw kong magsinungaling kay Xyll... pero ayaw kong malaman niya kung anong nangyayari... nangako ako... na hindi ko na isasabak pa sa gulo ang sarili ko... tangina naman.

"May balak ka bang sumugod?" nabalik ako huwisyo nang magsalita ang kasamahan nila na nagmamaneho kanina. "Kasi aalis ako, baka kung anong mangyari sa 'yo rito. Halatang may trauma ka pa."

Nakatingin lamang ako sa kanya. Tangina, bakit ngayon pa ako hindi nakapagsalita. Parang mas masakit pa yatang mag-aaway kami ni Xyll kaysa sa mamamatay ako rito nang dahil sa kapatid niya.

Sinuot ko ang maskara saka mabilis na bumaba. Pumasok ako sa building ngunit napapansin ko na walang katao-tao sa loob. Walang ingay. Napapansin ko rin na naglilibot-libot pa rin ang mga kasama ko na halatang wala pang nakikita kahit na anino. Ang galing namang magtago.

May isang nagpaputok ng baril. Napatingin naman agad ako sa gawing iyon, ngunit si Chester lang pala. Nang sa ika-tatlong paputok niya na ay nagsilabasan naman ang mga kasamahan niya kaya nang mapansin kong palabas na rin siya ay agad ko siyang sinalubong. "Anong nangyayari?"

"Tangina, naisahan tayo."

"Bakit?"

"Wala sila rito."

"Ano?!"

"Tangina. Ang sarap sunugin ng gusaling 'to!"

Tamang-tama ay tumawag sina Gelo na wala raw sa lugar ng mga Arx, posible raw na nasa kampo na ni Jeric. Kaya naisipan na lang namin na bumalik at pag-usapan kung paano namin lulusubin iyon lalo na't posible ring hindi pa kami nakakapasok sa teritoryo niya ay patay na kaming lahat dahil sa granadang posibleng meron siya.

Continue Reading

You'll Also Like

12.7M 20.6K 1
Tamad. Feeling gangster. War freak. Kontento na si Pierce Useda sa magulong takbo ng buhay niya. Bigla lang itong nagbago nang magkrus ang landas nil...
37.5M 1M 70
Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the rule? Simple. Stick to how things stand...
12.6M 292K 32
"Didn't I promise you? I'll destroy anyone who dares hurt you." But then he left-taking my heart with him.
161K 6.3K 48
TRÍDYMA Dark Trí, Light Trí and Red Trí.