Titibo-tibo (COMPLETED)

By majestingg

16.2K 2K 37

COMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa b... More

Titibo-tibo
Prelude
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chaper 2

Chapter 35

210 33 0
By majestingg

#Titibotibo35 Strings

Ilang araw na rin kaming laging magkasama ni Xandra. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa wakas ay nakuha ko na rin ang loob niya o hindi dahil pati ako ay napapagaan na rin sa kanya. Ang daming nangyari, halos tatlong linggo na.

"So, you again," ani Lolo ni Xyll nang makita akong muli sa kanilang family date.

Ngumiti ako. Naalala ko pa dati, nasira 'yung family date dahil kay Xandra. Akalain mong ngayon na siya pa ang nagset para raw magkaroon ng Take 2 na this time ay hindi na raw siya manggulo at magso-sorry na sa harap ng pamilya niya.

"Do you want me to arrange a marriage between the two of you?" Nagulat ako sinabi ng Lolo niya. Grabe, marriage agad?

"Not bad," komento pa ni Xandra.

Inikot ko ang aking paningin para tignan ang mga reaksyon nila. Nakangiti lamang ang mga magulang ni Xyll habang nakatingin sa akin. Samantalang si Xyll naman ay nakatingin lang sa akin na tila hinihintay rin ang magiging sagot ko.

Binalik ko ang tingin sa Lolo nila. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko dahil sobrang strict talaga ng Lolo nila, kailangan formal, 'yung tipong pang-business meetings.

"Uh... H-Hindi po, masyado pa pong maaga para diyan..." naiilang na sagot ko.

"Well, you can be engaged while studying. Isn't it bad?" dugtong niya pa.

Jusko. Ang aga.

"And yes, I'll tell Gomez about this," kumunot ang noo ko sa pahabol niya.

"Gomez?" tanong ko. Sinong Gomez na kamag-anak ko ba 'yan?

"Emma Gomez, your grandmother, owner of the famous shoe business in China." Nanlaki ang mga mata ko. Emma Gomez pala ang pangalan ng Lola ko na sinasabi ni Papa at Doc Dermia!

Pero Emma... napaka-familiar sa akin ng taong iyon. Pakiramdam ko may nakilala akong Emma ang pangalan. Hindi ko lang maalala.

"I'm sorry, Lolo. She never had the chance to meet her grandmother, that's why," sambit naman ni Xyll.

"Oh? I heard Emma's looking for her granddaughter here in PH since her daughter died. If I am not mistaken, it's Derelane Gomez. I heard that the relationship between her and Emma wasn't that good. Derelane built her own business because she doesn't wanted to be with her mother."

Naramdaman kong napatingin sa akin si Xyll. Samantalang ako ay nanatiling nakatingin sa Lolo nila. Hindi ako makapaniwala. "I'm sorry for telling you this, iha. Well, it was me who dragged her business down. Emma asked for my help, justifying that Derelane had the wrong decision. And Emma was right, Derelane's business wasn't that strong enough."

Malungkot akong ngumiti. Kailangan kong tanggapin. Wala na akong panahon para magalit. Tapos na. Nangyari na.

Naramdaman kong hinawakan ni Xyll ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin kaya ganoon din ang ginagawa ko.

"Aww. That was a legit agony," ani Xandra.

Napatingin kaming lahat nang biglang tumayo ang Daddy ni Xyll. "Excuse me, may nakalimutan lang ako."

Bigla akong natauhan.

Tangina.

Ang liit ng mundo.

Tahimik na rin naming tinuloy ang pagkain. Hindi rin naman nagtagal ang Daddy ni Xyll. Medyo nakakapagtaka nga dahil para saan ba 'yung nakalimutan niya? Halata naman din sa mga mukha nila na alam nila kung bakit umalis si Tito. Hay. Buti na lang medyo nagsi-sink in na sa utak ko na si Doc Dermia nga ang nanay ni Xyll. Kaya pala parang namumukhaan ko rin si Doc noon. Bukod sa may hawig sila ni Mama, magkamukha rin sila ni Xyll. Medyo ta-tanga pa kasi ako dati. Nasanay na walang pakialam kaya hindi ko na pinansin.

Itinuloy na namin ang masayang usapan sa hapag kainan. Tungkol sa kung paano ba lumaki si Xyll, kung gaano ba siya ka-pasaway, pero ang ikinapa-proud nila ay never daw nilang nakitang may girlfriend si Xyll kaya tuwang-tuwa sila nang makilala nila ako. Lagi lang daw kasi nilang nakikitang nag-aaral si Xyll. Nagkukulong sa kwarto. Well, totoo naman. Iyon 'yung isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog kay Xyll. Hindi lang halata pero sobrang opposite pala 'yung totoong ugali niya sa first impression ko sa kanya.

Ang nagustuhan ko lang sa kwento nila ay kinaya nilang hindi banggitin na ibang nanay ang meron si Xyll. Bilib din ako, e 'no? Siguro totoo ngang ayaw talaga ng Lolo't Lola ni si Xyll si Doc Dermia. Napaisip tuloy ako ngayon na hindi malabong dahil 'yun sa business ng pamilya nila Mama.

Pagkatapos naming kumain ay umakyat na rin ang Lolo ni Xyll dahil may aasikasuhin pa raw siya. Itinour ako ng Mommy ni Xyll sa buong mansion habang kinekwento kung anong nangyari kay Xyll sa mga lugar na iyon. At dahil sa 'kin siya nagkwento, useless. Wala akong pakialam sa mga kwento niya dahil umay na umay na ako kay Xyll. Gusto ko lang ma-amaze dahil paanong alagang-alaga niya si Xyll kahit na kalabang mortal niya si Doc.

Nang matapos siyang magkwento ay iniwan niya na ako kay Xyll at pinagbilinan na iuuwi ako ng maayos. Umakyat na rin siya sa kwarto niya para makapagpahinga.

Nang makalabas kami ng gate ni Xyll ay pareho kaming napahinto nang mapansin naming nasa labas pa ang kotse ng Daddy niya.

"Is Dad still there?" tanong ni Xyll sa guard nila sabay turo sa kotse.

"Yes po, Sir. Kanina pa siya nandiyan."

"Do you know why?"

"Pasensya na po, pero hindi."

Dumeretso kami ni Xyll sa kotse ng Daddy niya. Kinatok nito ang bintana at binuksan naman agad ito ng Daddy niya.

"Dad, why are you here?"

Napatingin si Tito sa akin. "Come with me."

At dahil mukhang hindi okay si Tito ay sinamahan namin siya. Hindi ko maiwasang mausisa habang tinatahak namin ang pamilyar na daan. Kung hindi ako nagkakamali, patungo itong Derek's!

"Dad. Why are we going there again?" tanong ni Xyll ngunit hindi siya sinagot ng Daddy niya hanggang sa makarating na lang kami sa Derek's.

Umoder ng beer 'yung Daddy niya na siyang ikinagulat ko dahil tinanong niya pa kung umiinom ba ako. Syempre, sagot ko oo. Wala, mukhang pareho lang din naman kaming broken sa pamilya, e.

"I really hate Papa," panimula ni Tito.

Bigla ko tuloy naalala 'yung kwento sa akin ni Xyll noon, na one time, nakausap niya 'yung daddy niya tungkol sa biological mom niya which is si Doc Dermia pala na kapatid ni Mama.

"He was the one who cut our relationship off. Just because of that trash."

"Then why he wanted Demi to be engaged with me? A Gomez?" ani Xyll.

"Of course, guilt!"

"I thought it was Mom? Xandra's?"

"Yes, but he agreed."

"Mom Dermia said that she was just forced. She didn't want to leave us. Tinaboy siya ni Lolo, Dad."

"I know, I know. You're the one who told me that. Kaya nung nalaman ko na gano'n pala... nagsisisi ako..."

"But she has a family now, Dad."

"No. I don't have any plan to destroy her family. I am happy for her now."

"Then what's the point?" sa tono ng pananalita ni Xyll ay mukhang naiinis na nga siya. "Because I hate seeing you wasted again, Dad. Stop this."

Nagulat na lang ako nang binalingan ako ng tingin ng Daddy niya saka malungkot akong nginitian. "You know why we're here?" tanong niya kay Xyll.

"Because I want you to know, the two of you, about what happened. I just think the 'history repeats itself' quote is really happening now. Take care of her. Huwag mong hayaan na masi-sira iyong relasyon niyo dahil lang sa gusto ng Lolo mo. I think you have learned. Just stand to it," aniya saka tumingin naman siya sa akin. "Iha, it's not that I'm trapping you here. I'm glad that I met you, but please, don't let my son to suffer the way I used to be. It really sucks being left alone," tumango naman ako agad. "Cheers! As a symbol of my victory!"

"Victory of what?" tanong ni Xyll pagkatapos.

"You found her. Hindi man kami nagkatuluyan ng Mommy mo but at least you found her, the strings has been tied again."

Iyon nga ang nangyari. Iyong mga kinwento sa akin ni Xyll ay naging mas accurate na siya dahil galing na mismo sa Daddy niya. Mas nalinawan ako. Highschool sweethearts daw noon sila ni Doc Dermia, pero ayaw daw ni Mama dahil baka raw mahuhuli sila ni Lola kaya sinekreto na lang nila hanggang sa pagcollege nila. Tradisyon na raw kasi sa pamilya nina Mama ang arrange marriage sa isang Chinese para 'yung lahi raw hindi mawala. Naputol lang daw talaga nang dahil sa Daddy ni Xyll at Doc Dermia.

Tapos nalaman ko na may meaning pala 'yung pangalan ni Xyll. Sa sobrang nerd ni Doc, nakuha niya lang pala sa punnet square 'yung XY tapos yung double L naman is nagsisilbing 11 dahil 'yun yung birthday ni Xyll. Pero Xyller pala talaga 'yung totoong pangalan niya. Xyll lang 'yung ginagamit niya. Nakakainis dahil ngayon ko lang nalaman! Obviously, 'yung Derek galing sa Dermia!

Maraming pinagdaanan 'yung relationship nila, mapa-kaibigan, pamilya at career. Medyo naka-relate nga kami ni Xyll dahil ang dami rin naming napagdaanan bago naging kami. History repeats itself nga naman talaga.

Naalala ko rin 'yung tungkol sa sitwasyon namin kay Genesis. Gano'n na gano'n din sa sitwasyon sa Mommy ni Xandra. Medyo hindi na ako nag-alala tungkol pa roon dahil wala namang gusto si Gen kay Xyll. Hindi siya desperada. Kabutihan lang 'yung naging similarities nila.

Pagkatapos naming nag-usap ay hinatid na rin nila ako sa bahay. Medyo naparami 'yung inom ko kaya nang pagkagising ko sa umaga ay ramdam na ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Masyado yata akong natuwa kagabi dahil ang saya kausap ng Daddy ni Xyll. Sa pagkakaalala ko ay mas pareho kaming nalasing ni Xyll kumpara sa Daddy niya.

Bumaba na ako para makapagtimpla ng kape dahil alam kong ito lang ang makakatulong sa akin ngayong umaga. In fairness sa pamilya ko at hindi na nila ako ginising para makapagsimba. Mukhang alam yata nila kung anong nangyari kagabi. Na-explain siguro ng Daddy ni Xyll nung naihatid ako.

Maya-maya ay nagulat na lang ako nang dumating ang mga tropa ko. "Oh, kumusta na ang pakiki-jamming mo ro'n sa kapatid ng syota mo?" tanong ni Gelo.

Nagkibit balikat lang ako.

"Huwag mong sabihing nahuhulog na ang loob mo ro'n," ani Gelo pa.

"Aling hulog nang loob ba? As kapatid o..."

"Tumahimik ka nga, Tata. Kadiri ka," putol ko sa sasabihin niya.

Tanggap ko nang babae ako ngayon.

"Uy, nagbago na nga talaga siya," tawang-tawang sagot niya pa.

"Pero seryoso. Wala talaga siyang alam?" ani Gelo.

"Mukha naman."

"Anong mukha naman? Siguraduhin mo 'yan, baka niloloko ka lang niyan."

"Hindi naman siguro. Sincere naman siya, sabi niya rin."

"Sinabi niya lang 'yun. Bakit? Masasabi mo bang may gawa?"

"Oo," sagot ko. Hindi naman siguro loko lang 'yung mga pinagsasabi sa 'kin ni Xandra. Hindi naman siguro biro na pinagkatiwalaan niya ako sa mga sinabi niyang sikreto.

"Alam na ba ni Chester?"

"Sinabi ko na sa kanya. Pero hindi niya matanggap 'yung nalaman niya."

"Bakit parang hindi talaga ako kombinsido sa sinasabi mo, Dem? May mali talaga sa ginagawa mo, e," saybit pa ni Tata. "Naalala ko kasi na sinabi mong si Xandra ang susi ng lahat, bakit parang wala ka pa ring nakukuha?"

"'Yun na nga rin, Demi. Napapansin kong may mali talaga sa nangyayari," ani Joel.

"Baka naman nagpapanggap lang si Xandra para makuha 'yung loob mo at madala kay Jeric?"

Natauhan ako sa sinabi ni Jimuel. Hindi malabo.

"Kung gano'n, edi magpapanggap din ako," sagot ko.

"Tiyakin mong gagawin mo 'yan ngayon. Ngayon mismo. Huwag ka ngang padadala riyan, Demi, alalahanin mo 'yung mga pananakit niya sa 'yo dati. Hindi imposibleng naging anghel 'yan nang makilala si Jeric. Tandaan mo, demonyo 'yan. Maaaring nagpapanggap lang 'yan para makuha ka," saad ni Gelo.

"Umayos ka, Demi ah. Tandaan mo, hindi niya sinabi ang apelido ng Jeric na 'yun 'di ba? Kasi alam na alam niyang iyon na lang ang kailangan natin ngayon," natahimik naman ako sinabi ni Joel. "Nagpapanggap 'yan, Demi. Sinasabi ko sa 'yo."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung ganoon lang naman din ang nangyayari, magpapanggap na lang din ako. Pero at the same time, mukhang totoo naman 'yung mga sinabi sa 'kin ni Xandra. Biktima rin siya. Posibleng hindi siya nagpapanggap dahil wala siyang alam. Niloloko siya ni Jeric.

Continue Reading

You'll Also Like

5.4K 157 14
Ang akala ng lahat ay magiging masaya na ang isang relasyon dahil sa pagsasama ng dalawang tao na may labis-labis na pagmamahal sa isa't isa.. Halos...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...