02-15
Sexbombs
3:45 p.m.
Kelly:
Kakausapin ko na ba si Lucas?
Pau:
Wala ka na bang deadlines?
Kelly:
Wala, napasa ko na yung huli kanina
Pau:
Edi kausapin mo na
Adi:
Ano bang kinakagalit mo?
Di siya sumipot?
Kelly:
Hindi naman
First love niya yung babae eh
Dii naman ako masaya na naospital yung Lyka
Ayoko naman iwan niya yon mag isa sa ospital
Pero bakit parang nawala ako bigla sa picture nung andiyan na yung Lyka?
Sa pag kakaalam ko girlfriend ako diba?
Dapat naman ata alam ko kung ano nangyari o masabihan man lang ako
Ara:
Awww Kelly girl :((
Via:
Kausapin mo na
Tapos sabihin mo lahat ng hinanakit mo
Adi:
Baka may magandang explanation naman na nakahanda si Lucas
Or kung wala mang magandang explanation, sana naman mag apologize siya at mag own sa mistakes niya
Ara:
Dama ko yung pagkaseryoso natin ah
Lucas ba naman tawag niyo hindi na chemboy
Kelly:
Nakakainis ka talaga Ara
Nauudlot pagdadrama ko