His HEART

By skycharm24

49.2K 1.6K 568

Troy Adrian is a responsible and ideal son. Mabait na kapatid, mapagmahal na Uncle sa mga pamangkin. He's sma... More

His Heart
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 5

3.8K 130 47
By skycharm24

Claire

HINDI ako nagkamali, noong una palang alam ko na hindi libre ang pagtulong niya sa amin. Walang mayamang basta nalang magaaksaya ng salapi ng wala silang makukuhang kapalit. May dahilan ang lahat ng tulong niya, pero bakit ako pa? Bakit ang isang katulad ko?

Malungkot na napatingin ako sa natutulog kong kapatid. Pero ano bang choice ko? Wala naman akong pagpipilian kundi ang sumunod sa kung anong gusto ni Sir Ian. Kailagan maoperahan ni Nate at tanging siya lang ang maasahan namin sa ngayon. Masakit tanggapin na pagmahirap ka, kahit ang paninindigan mo kailangan mong tapakan para lang mabuhay sa mundong ito na hindi kailanman naging patas.

Pilit ipinaintindi sa akin ni Sir Ian na hindi niya ginusto na mapunta kami sa ganitong sitwasyon pero napakahirap paniwalaan ng mga salita niya. Ang alam ko sa ngayon, ako ang magiging pambayad sa lahat ng tulong niya sa amin ng kapatid ko. At wala akong choice kundi ang tanggapin yon.

Nagpaalam ito ng mag uumaga, na aalis saglit para bumili ng pagkain, wala na akong lakas para tutulan ang ano pang gusto nito, ang nais ko nalang sa ngayon ay gumaling ang kapatid ko.

Pero hindi ito nagiisa ng bumalik, may kasama ito., nakangiti at maaliwalas ang mukha ng babaeng kasama niya.

" Ikaw ba si Claire?" malumanay itong magsalita.

" Opo.." maikling sagot ko.

" Ako nga pala si Trisha, pwede mo akong tawaging Tita Trisha, ako ang Mama nitong boyfriend mo. " gulat man ay sinikap ko itong ikubli. Pinilit kong ngumiti saka makikipagkamay sana, nang yakapin ako nito.

Napakamot naman sa batok si Sir Ian habang nakamasid sa amin.

" Mabuti nalang inagahan ko ang pagpunta, nagkasalubong kami nitong si Ian na bibili daw ng pagkain, hindi na kailangan, may dala akong pagkain ninyo. Kung hindi ko pa siya kinulit kung nasan kayo hindi pa niya sasabihin. Siya ba si Nate?"  Lumapit ito sa tulog pading si Nate.

" Napakagwapong bata, kawawa naman, napakabata pa niya para magkasakit sa puso. " napansin siguro niyang nakatingin lang ako sa kanya.

" Sorry Claire, napakadaldal ko, pasensiya kana." tila nahiya ito.

" A- ayos lang po Ma'am. " automatic na yong Ma'am. Paano naman kasi napakaganda nito kahit may edad na. Pwede na siyang pagkamalang artista.

" Ano ka ba naman, sabi ko sayo diba Tita. Hala, sige na kumain na kayo ni Ian." ito pa mismo ang nagayos sa table ng dalang pagkain. Mabilis ko naman siyang tinulungan.

" Troy Adrian, ano? Tatayo ka nalang ba dyan?" nagulat pa si Sir Ian sa pagtawag ng Mama niya.

" Mom, I told you not to come. Pwede naman kaming bumili ng pagkain sa labas. " tila nahihiyang napatingin ito sa akin.

" Nako Ian, wala ka ng magagawa, nandito na ako. Pagkatapos n'yo kumain, umuwi na muna kayo, ako na muna ang magbabantay kay Nate." tila ba kaswal lang na sabi nito.

" Nako' hindi na po Ti- Tita, nakakahiya po sa inyo." sagot ko.

" Ano ka ba naman Claire, hindi ka dapat mahiya sa akin. Girlfriend ka ng anak ko kaya Pamilya na ang turing ko sa inyo. Sige na, kumain na kayo." pareho kaming akward na naupo ni Ian sa harap ng table kung saan nakahain ang pagkain. Buti nalang may nagring na cellphone na siyang bumasag sa katahimikan.

"  Ang Daddy mo siguro ito Ian, tulog pa kasi yon ng umalis ako kanina. Tulog mantika ang kapreng yon kasi. Hello Hon', oo, nandito ako sa Hospital, nagbilin ako kay Manang kanina ah, naihanda ko na ang isusuot mo kamahalan, nako! Ikaw talagang kapre ka, puro ka kaartehan. Huwag ka ng sumunod dito, sige na. Bye." ngumiti itong muli sa amin pagkababa ng telepono.

" Ang Daddy mo talaga, mawala lang ako sa paningin niya hindi na mapakali ang pwet." napansin ko na napangiti si Sir Ian sa sinabi ng Nanay niya. Lumabas ang dimples nito sa pagkakangiti.

" Mom, hindi na kayo nasanay kay Dad. " maikling sagot nito sa ina. Pero napansin ko na nakangiti parin ito na para bang may inaalala.

" Kumain kayo ng mabuti, para may lakas kayo na harapin ang umagang gawain." napili naman ni Nate na gumising ng mga oras na yon.

" Hi Nate, hello.." nakapagtatakang ngumiti agad ito sa Mama ni Sir Ian.

" Mama, Mama!" hala, ano daw?

Tatayo sana ako para puntahan si Nate pero pinigilan ako ni Sir Ian.

" It's okay Claire, my Mom is an expert when it comes to children. Kumain kana muna." atubing naupo nalang ako ulit.

" Gutom kana ba Nate? Gusto mo ba kumain? " tanong ni Tita sa kapatid ko.

Umiling ito, mahirap talaga ito pakainin kapag inaatake ng sakit.

" Milk nalang? Gusto mo ba ng gatas?" inilapit dito ni Tita ang nakaready na nitong gatas na naitimpla ko. " Bago ba ito Claire?" itinaas nito ang sippy cup na may gatas.

" Opo, kakatimpla ko lang po kanina niyan Ti- tita.." agad naman niya itong iniabot kay Nate, na tuwang tinanggap iyon.

Ako na ang nag ayos ng pinagkainan namin ni Sir Ian. Maayos kong niligpit at binalik sa lalagyan ang mga natirang  pagkain.

" Mom, are you sure, na dito muna kayo? Hindi naman ako busy sa office kaya okay lang na dumito ako. " si Sir Ian.

" Oo anak, by now, nasa bahay na ang Ate mo, isa pa walang pasok si Maui kaya nasa bahay lang sila. Paparoon din ang kakambal mo at may mga pinabili siyang gamit ni Jacob.  Sige na, umuwi kana muna saka ihatid mo narin itong si Claire sa kanila para makapagpalit at makaligo. " tinignan ko si Sir Ian saka umiling. Nakakahiya sa Mommy niya. Hindi rin yata nito alam na sa condo kami ni Sir Ian nakatira.

" Okay Mom, babalik din kami agad. Mamaya pa naman pupunta dito ang Doctor, baka makabalik pa kami. Claire, let's go?" tahimik na kinuha ko ang mga maruming gamit namin ni Nate saka inayos sa bag.

" Babalik din po ako agad Tita.." paalam ko.

" Take your time Claire, ayos lang. " sagot niya.

" Nate, aalis lang si Ate ha, magpapakabait ka ha." saglit itong tumingin sakin saka nag " Babye". Palibasa may laruang dala si Tita na pinagkakaabalahan niya. Isang araw talaga ipagpapalit ako nitong batang ito. Hindi manlang nabahala sa pagalis ko.

" Mom, we'll go ahead." humalik ito sa noo ng ina. " Dadalhin ko narin itong mga pinaglagyan n'yo ng food."

" Huwag kayong magmadali, kung gusto n'yo lumabas muna, ayos lang. May karapatan naman kayong ipagdiwang ang araw na ito." ano daw? Hindi ko magets ang mga sinasabi ni Tita, pero napakabait ng Mommy niya para gawin ito.

" Pasensiya kana kay Mommy. Mapilit kasi talaga siya sa pagpunta dito." naglalakad na kami papunta sa elevator.

" Nakakahiya sa kanya. Naabala pa tuloy siya. " kasalanan niya kasi lahat ito. Kung sana hindi ito gumawa ng kwento.

" I'm sorry, Pasensiya kana talaga Claire." ayan na naman siya sa pasensiya niya.

" Ano pa bang magagawa ko? Nandyan na yan. Nakakakonsensiya lang pagsinungalingan ang Mommy mo dahil mukhang mabait siya." naiinis parin ako sa sitwasyon, ang malalala pa nito, may ibang taong involve.

Palabas na kami sa kotse niya ng may batang lumapit sa amin na may dalang bulaklak. Rosas ang mga iyon na pula at puti.

" Sir, ibili n'yo na po si Ma'am. Valentine's day naman." Valentine's Day ba ngayon?

Ngumiti ito sa Bata. " Magkano ba Boy?"

" Yon oh! 100 pesos po isang bulaklak. Kapag bumili kayo ng sampo may discount kayong 50 pesos." abah marunong magsalestalk itong Bata.

" Sige bibili ako Boy, magkano ba lahat yang hawak mo?" nanlaki ang mata ko. Bibilhin niya lahat??

" 15 pcs nalang po ito eh. Kukunin n'yo po lahat Sir pogi?" nambola pa ang bubwit. Sabagay pogi naman itong si Sir Ian kahit labag sa loob ko.

Nagbigay ito ng dalawang one thousand. Hindi na din nito kinuha ang sukli at sinabing ibaon nalang. Masaya namang umalis ang Bata dahil naubos na ang paninda nito. Matawag nga itong pogi minsan.

Inalalayan ako nito sa pagsakay sa kotse niya. Sana all may sasakyan, pero napakaimposible naman na magkaroon ako, bahay nga wala, kotse pa kaya.  Nagulat ako ng iabot niya sakin ang mga Rosas.

" Happy Valentine's Day Claire." kunot noong tinanggap ko ang mga iyon.

" Salamat, pero bakit sakin mo to binigay lahat? Bakit hindi mo nalang ibigay sa Mommy mo o sa Lola at mga kapatid mo." pero sa loob loob ko natutuwa ako. Wala pa kasing nagbibigay sakin ng mga bulaklak sa Valentine's.

" Ibibili ko nalang sila pagkahatid ko sayo. Sayo na yan. Sorry ha, hindi ko naalala ang petsa naibili sana kita ng mas maganda d'yan." pinilit kong hindi mapangiti sa sinabi niya. Galit dapat ako sa kanya. Leche naman na dahil sa bulaklak lang mawawala na yon.

" Salamat.." ang tanging nasabi ko.

Hindi ko na siya kinausap hanggang namalayan ko nalang nasa harap na kami ng condo niya.

" Gusto mo bang daanan kita mamaya pabalik ng Hospital?" tanong nito, matapos niya akong alalayan pagbaba sa kotse.

" Hindi na Sir.." tinignan niya ako ng masama. " Hindi na I- Ian, okay lang naman kung hindi ka muna babalik ng Hospital, baka kasi gusto mo makasama ang pamilya mo kasi Valentine's naman. Oh di kaya, baka may date ka." napakamot ito sa batok.

" Wala akong kadate Claire, hindi kita ipapakilalang girlfriend kung meron. I'll just buy them gifts tapos babalik na ako ng Hospital. Pero kung ayaw mo akong kasabay, sige." nakabusangot itong sumakay sa kotse saka umalis. Anyareh don?

Biglang nagtantrums?

Nilabhan ko muna ang maruning damit namin ni Nate saka naligo. Naglinis narin ako saglit sa condo saka bumalik sa Hospital.

Ganon nalang ang gulat ko ng madatnan na maraming tao sa kwarto ni Nate.

" Claire, bakit naman bumalik ka kaagad? Nagpahinga ka muna sana sa inyo. " si Tita Trisha.

" Hindi rin po kasi ako mapakali saka masyado na po kayong naabala." hindi ko malaman kung papasok ba ako o tatakbo palabas.

" Mabait naman itong kapatid mo kaya hindi ka dapat magalala. Tignan mo at nakatulog na." Mahimbing nga ang tulog ni Nate. Ni hindi manlang yata ako hinanap. " Siya nga pala Claire, I want you to meet Chloe ang panganay kong anak saka ito naman si Isabelle, kakambal ng boyfriend mo, sila ang mga kapatid na babae ni Ian." pinilit kong labanan ang kabang nararamdaman ko saka ngumiti sa kanila. Noong nagsabog yata ng kagandahan gising itong Pamilya ni Sir Ian.

" Hello sa inyo, it's nice to meet you po." nahihiyang sabi ko.

" Hello Claire, pwede mo akong tawaging Ate Chloe, natutuwa akong makilala ang magandang nobya ng kapatid ko." gaya ni Tita, niyakap niya din ako sa halip na makipagkamay.

" Have we meet before? Parang pamilyar ka? Saan naman kayo nagkakilala ng kakambal ko? Gaano na kayo katagal?" kung welcoming at friendly si Ate Chloe, mukhang kabaliktaran ang isang ito.

" What's with the questions Isabelle? Stop interrogating Claire.." nilapitan ito ni Tita.

" Mom, I was just asking, gusto ko lang na makilala natin siya. Si Ian kasi masyadong malihim." umiling si Tita.

" May tamang oras para d'yan anak, nasa Hospital tayo. Huwag mo na munang dagdagan ang alalahanin ni Claire. Her brother's condition is not a joke." lumapit naman sakin si Ate Chloe at hinawakan ang kamay ko.

" Pagpasensiyahan mo na si Isabelle ha' Claire, ganyan talaga yan. "

" What is it? Anong ginawa mo Alexa Isabelle?" dumating na sa wakas ang lalaking salarin ng lahat ng ito.

" What!? Masama na ba magtanong dear twin brother?" sabay irap nito kay Ian.

" Ano ba kasing ginagawa n'yo dito? I told you, this is not the good time to come." binaba nito ang mga dala saka lumapit  sa'kin at hinila ako palapit sa kanya. " You're not helping."

" Fine, I'm sorry. " sagot nong Isabelle.

Mabuti nalang dumating ang Doctor ni Nate may nakaagaw ng atensyon ng lahat, ibinalita nito na pwede na operahan ang kapatid ko bukas na bukas din.

Napaluha nalang ako sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Ako narin mismo ang yumakap kay Ian para ikubli sa Ina at mga kapatid niya ang mga luha ko.

" Hey, magiging maayos ang operasyon ni Nate. Wala ka dapat ipag-alala.." alo ni Ian sa akin.

" Don't worry Claire, nandito kami okay, kasama mo kaming magdadasal para sa kapatid mo." si Tita.

" Oo nga Claire, we all gonna pray for Nate. Hindi ba Isabelle?" lumapit sa amin si Ate Chloe, alam kong pinapagaan lang nila ang loob ko.

" Yes, Nate is adorable. At ipagdadasal ko na gumaling agad siya." kahit papaano ay nawala ang empresyon ko na masungit si Isabelle.

Pinahid ni Ian ang mga luha ko.

" Everything will be alright." aniya.

Sana nga, sana ay maging maayos ang resulta ng operasyon ni Nate. Saka ko na haharapin ang mga tanong ni Isabelle at ang maraming tanong na darating pa sa napasukan kong ito. Para sa kapatid ko.

Itutuloy....





Hello.. Belated Happy Valentine's guys. Salamat sa reads ninyo kahit medyo natatagalan ang update..

Skycharm24
Ate Cha

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 38.9K 54
R-18 BILLIONAIRE SERIES 4 Monterro 2 "I'm a territorial man, Iana. Now tell me what you want, my Love" This man is a devil. "Make the marriage null a...
284K 5.3K 29
Duke & Izza
372K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
1.4M 19.7K 42
Dice and Madisson