Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Kulam ba o Mental Illness?

156 11 0
By Sheree_Mi_Amour


Hi spookify, so direct to the point na tayo. Meron kasi akong nabasa dito which is about abnormal behaviour na creepy ang dating title nun is 'Ninong'. Parehong-pareho sila ni tatay (may his soul rest in peace) base sa kwento ni sender. Si tatay ay nagtatrabaho bilang isang magiting na Janitor. Paborito sya ng lahat kasi pag siya ang assigned sa mga rooms walang nawawala compare sa ibang co-janitor nya.

FF. 16 years palang ako nun pero may isip na ako (matured). That time nagkasakit bigla si tatay, same sa ninong ng sender tulala sya at parang naninigas. Okay naman sya nung umaga pero nung pag-uwi nya doon na nagsimula ang pag-iiba ni tatay. Una, para syang galit tapos parang pilit nyang pinipigilan. Tulad nalang nung habang naglalampaso ako bigla akong sinigiwan ni tatay ng "Carmen!" sa gulat ko hindi ako naka-react agad dahil sa loob ng 16 years di ko pa narinig si tatay na galit na sumigaw. Si nanay lang ang istrikta sa bahay kahit si tatay takot sa kanya. Bigla akong sinugod ni tatay pero mga 2 hakbang nalang parang bigla syang natauhan tapos bigla siyang tumalikod at tumakbo palabas. Nagulat din si nanay sa inasta ni tatay pero di na namin yun pinansin baka kako may problema lang si tatay. Pero 4 na araw ang lumipas di na pumapasok si tatay sa trabaho nya. Si nanay di naman nagrereklamo dahil may tindahan naman kami na back-up kung magkagipitan na. Di kasi ugali ni tatay na magsabi ng problema kahit anong pilit ni nanay ayaw niya talaga kaming pag-aalahanin kaya sanay na si nanay sa kanya. Lumala pa si tatay makalipas ang 2 araw. Mas tulala sya ng ilang oras tapos mas doble na ang pagka-highblood nya samin. May isang araw na sinasabi niyang "Umalis na kayo habang may wisyo pa ako" tapos umakyat siya sa kwarto nila ni nanay di ko na nasundan pa ang pinag-usapan nila dahil abala ako sa pag-aaral. Ilang minuto lang ang lumipas sumisigaw na si nanay ng tulong, agad akong tumakbo paakyat nadatnan ko si tatay na may lubid sa leeg pilit nyang sinabit ang lubid sa taas ng kahoy pero pilit din syang pinipigilan ni nanay kahit paulit-ulit syang tinutulak at minsan tumitilapon na o bumabagsak sa sahig. Umiiyak si papa habang sinasabi ito "Ako ang papatay sa sarili ko kaysa mapatay ko kayo" umiiyak na kaming tatlo, ako dahil sa sobrang takot at di ko alam ang gagawin "Carmen! Umalis ka dito! Ikaw ang mauuna. Umalis ka na dito!" mas natakot ako doon at mas lalong di na nakagalaw pa. Si nanay todo awat pa rin inutusan nya akong humingi ng tulong sa kapitbahay.

FF. Nilagyan nila ng posas si tatay sa kamay at lubid sa paa para hindi na magpumiglas. Sabi ng pulis na kapitbahay namin dalhin daw namin sa mental hospital matapos nilang malaman ang mga kakaibang nangyari kay tatay.

FF. Sa tulong ng mama ni tatay naipagamot sya at tumagal ng 2 months sa loob ng mental hospital. Nung umayos si tatay ayaw na syang ibalik samin ni lola (mayaman ang pamilya ni tatay pero tinakwil sya nito kasi nakipagtanan sya kay nanay na mahirap lang, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami tanggap kahit wala na si tatay). Pero nagmatigas si papa sabi niya babayaran nya ang naigastos sa ospital kahit anong mangyari huwag lang ang mailayo sya samin.

FF. Umayos si papa ng 2 weeks lang kahit regular niyang tini-take ang gamot nya ay sinumpong na naman ulit sya. Humingi kami ng tulong sa pamilya ni tatay. Pinabantayan muna namin si tatay sa mga kumpare nya dahil labis din ang pag-aala nito sa kanya ika nga nila wala ng maipintas kay tatay kahit pakitaan ng masama, kabutihan pa rin ang ibabalik sayo. Di nila lubos maisip kung bakit sinapit ni tatay ang ganon.

FF. Naipagamot ulit si tatay sa mental hospital, this time 1 month lang at 1 week. Bilin ng lola nya pag sinumpong ulit si tatay kahit anong mangyari di na talaga nila ibabalik samin si tatay. Kahit si nanay napapaisip daw sya baka hindi sya sapat na asawa kaya ganon ang sinapit ni tatay.

FF. Wala na kaming pera dahil ang tindahan ay lubog na, last resort nalang namin ay ang pamilya ni nanay dahil gipit na gipit na kami (di rin ok sa mother side ko ang relasyon nila nanay at tatay dahil nakatanggap sila ng masasakit na salita galing sa pamilya ni tatay naging ok lang nung nawala si tatay), pinuntahan ni nanay ang pamilya nya para humingi ng tulong pinansyal.

FF. Naikuwento nya ang sitwasyon ni tatay sa pamilya niya. Kulam agad ang konklusyon ng kanilang pamilya dahil masyado silang naniniwala sa mga di nakikitang nilalang. Pinasama nila ang isang albularyo sa bahay at pinatignan si tatay. Ang sabi kinulam daw talaga si tatay, isang kasamahan niya sa trabaho ang kumulam sa kanya dahil sa inggit. Si tatay lang daw kasi ang pinupuri ng mga tao sa workplace nila.

FF. Bumuti si papa ng 2 linggo kahit di na umiinom ng gamot. Nung sinumpong ulit si tatay, di na kami humingi ng tulong sa pamilya ni tatay dahil iniisip namin di na namin sya makakasama. Sa kabutihang palad, may isang dayo ang tumulong galing Siquijor.

FF. Pareho lamang ang diagnosis kay tatay kinulam daw. Kumalma si tatay pagkatapos ginawan ng ritual ng dayo. Payo niya samin malakas daw ang kulam kahit sya ay hindi nya kaya. May alam daw siya na mas magaling sa lugar nila.

FF. Lumuwas kami ng Siquijor. Sikreto lamang ang aming lakad dahil pag nakarating ito sa pamilya ni tatay magkakagulo na. Sinubukan ng isang lalaki si tatay nang biglang nagwala si tatay. Inawat na ng mga tambay doon si tatay. Laging sinisigaw ni papa "Hindi ako kinulam! Mga bobo may sakit ako!" "Sakit ito! Sakit ito!" "P*t*ngina tigilan nyo na ito, huwag nyo ng sayangin ang pera para dito! Sa ospital ang gamot ko!" "Gago! Bitaw na!" nabibigla ako sa mga salita ni tatay dahil ni minsan di ko narinig sa kanya ang mga salitang bobo, p*t*ngina, gago at iba pang bad words na nagiging expressions na lamang ngayon. Matapos ang ritual ng lalaki, galit na tumingin si tatay kay nanay "*** umuwi na tayo niloloko lang tayo nito eh sakit ito sa ulo" mariin ang pagkasabi ni tatay at kita ko ding gulat si nanay dahil kung makapagsalita si tatay ay walang respeto. Laging mahinahon si tatay magsalita opposite sila ni nanay pero nung time na yun nagpaubaya nalang si nanay kahit iba na ang tono ni tatay. Nagulat kaming lahat ng biglang nahimatay si tatay, sabi ng lalaki di nya kaya ang kulam kahit yung mga umawat nagsinghapan at umatras konti dahil sa lugar na iyon ang lalaki na ang pinakamagaling na albularyo sa lugar pag kulam na ang pinag-usapan. Sabi nya pa dadalhin nya kami sa tatang (ama) niya. Namangha pa ako dahil kung huhulaan ko nasa 80s na yung lalaki. Sabi pa ng lalaki may mga mas malalakas pa daw na kulam ang nagpagamot sa kanya na di nya kaya pero di niya dinala ni minsan sa tatang niya dahil ang mga dahilan ng kulam ay may part na kasalanan din ng biktima.

FF. Tumawag ang ibang tambay ng mas maraming tropa, para kaming may susugurin na kampo. Halos 3 hours ang nilakad namin, si tatay di pa rin gumigising na pinagtulungang buhatin ng mga tambay. Sabi ng lalaki pinatulog nya muna daw para madali kaming makapunta sa tatang nya. Sa sobrang liblib talaga na gubat ang tatang niya kahit 1pm pa nun maggagabi na ang kulay ng paligid. Talagang matanda na si tatang para siyang chinese na more than 100 yrs old na. Sabi niya pa samin, kung dinala kayo dito ng anak ko marahil napakabuting tao ng gagamutin ko.

FF. Nilapag nila si papa sa telang puti. Inutusan niya yung mga tambay na magbantay sa paligid namin. Sinabihan kami na baka di namin kakayanin ang makikita pero naglakas loob kami ni nanay. Pinatalian din ang paa at kamay ni tatay, umiyak na kami nun ni nanay dahil ang sakit lang na makita namin si tatay na ganun. Paghawak ni tatang sa hinlalaki ni tatay bigla itong nagising. Bigla siyang sumigaw "Huwag mo akong gamutin! Mawawala ang anak ko!" "*** tumakas na kayo ni Carmen!" "Kayong lahat, mamamatay kayo pag pinaalis nyo sya!" "parang awa nyo na kapalit nito ang buhay ng anak ko!" "Huwag nyo kong gagamutin!!" mas humagulgol kami ni nanay nun pero sinamaan kami ng tingin ni tatang kaya impit nalang ang naging hagulgol namin. Biglang tinampal ni tatang ang dibdib ni tatay at agad itong nahimatay ulit. Sabi ni tatang kay nanay "Masyadong matalino ang kumulam sa asawa mo. Malakas din ang pwersa at kapangyarihan ang gumawa nito. Ginamit ang kanyang buhok at litrato para isagawa ang kulam." mga 5 segundo nagsalita ulit si tatang "Hindi ito sakit sa utak dahil ang sakit sa utak hindi biglaan ang pag-atake. Unti-unti ang pag-iiba ng nakagawian at hindi sa isang bagsakan." sabi ni nanay tinanong nya lang daw sa isip nya kung kulam daw ito bakit nya hinayaan na sakit sa utak ang mga gamot ni tatay. Naglakas loob ng magsalita si nanay dahil sa isip nya may kakayahan din ang tatang magbasa ng isip. Tanong pa ni nanay "Minsan ay nagrereklamo sya ng pananakit sa ulo, dahil din ba sa kulam ito?" "Nagkaroon lamang siya ng sakit sa utak dahil sa gamot na iniinom nya" Nagulat kami kasi kahit di namin naikwento na nagparehab si tatay ay alam nya. "Sinusubaybayan kayo ng katrabho nya. Pag nasa ospital, pinapatigil nya muna ang kulam nang sa ganoon iisipin nyong sakit sa utak ang dahilan ng pag-iibang kilos ng asawa mo. Ang gamot na iniinom ng asawa mo ay nakakaapekto na sa pag-iisip nya, bakit mo naman gagamutin ang tao na wala namang sakit?" na-develop lang daw ang bagong sakit ni papa sa utak dahil sa gamot na ininom nya sa tagal nya sa rehab. Di rin daw makikita ng ordinaryong albularyo o kahit mangbabarang na di gaanong malakas ang pwersa dahil inaalis din daw ang kulam sa tuwing nagpapagamot sa albularyo. "Dahil sa inggit kaya ito nagawa. Mabuti nalang at puti ang kalooban ng taong ito" pag nasa bahay daw inuutusan si tatay na patayin ako na kaisa-isang anak nya sunod nun si nanay dahil masasamang tao daw kami. Minsan pag tulala daw si tatay, may ibang elemento daw ang gumagaya sa itsura namin ni nanay at gumagawa ng masama para magalit si tatay at maisakatuparan ang pagpaslang samin. Dinitalye samin ni tatang ang mga nakikita ni tatay kaya daw highblood ito samin. Tulad nalang ng kay nanay, naghuhubad daw ito sa kalsada, humahalik sa ibang lalaki na kumpare nya at binubulungan daw siya ni nanay na wala syang kwentang asawa. Sakin naman daw ay kumukupit ng pera nila, lumalandi sa mga tambay at nagpapahalik kung kanino. Sa sobrang pagmamahal ni tatay samin ay di nya kami nagawan ng masama kahit ganun na ang nakikita nya pero sabi ni tatang pag tumagal daw yon baka nga daw di na makontrol ni tatay ang sarili at mapatay kami.

FF. 5 araw ang hiningi ni tatang para gamutin si tatay. Gumawa ng munting kubo ang mga tambay at naantig kami dahil duon na din sila natulog kahit sa damuhan lang para lang masiguro na walang masasaktan samin. Sa loob ng limang araw, si nanay nalang ang pinapayagan na makasaksi sa mga ritual na ginagawa ni tatang. Pinapalakas naman ang loob ko ng mga tambay. Hanggang sa huling araw ng gamutan, bumalik na ang itsura ni tatay na para bang walang nangyari dahil nung nakaraang buwan para na syang adik na lubog ang mata at pisngi at sobrang payat. Bandang 3pm pinapasok ako ni tatang sa kubo nya. Umiyak agad si tatay pagkakita nya sakin kaya umiyak na rin ako bigla. In-explain na rin ni tatang ang mga nangyari, lalo na ang mga nakita niyang di maganda na akala nya gawa namin. Di rin makapanilawa si tatay dahil akala nya di yon malalaman ni tatang. Galit daw sya sa mga oras na yon lalo na nung may kahakikan si nanay na kumpare nya pa. Ang pumipigil lang daw sa kanya ay yung mga oras na pinaglaban nya si nanay sa pamilya nya, iniisip din ni tatay nun na di sya sapat na asawa. Nawawala na daw ang pangliliit sa sarili nya pag nasa rehab sya. In-explain pa rin ni tatang ng maayos na walang ng kulam pag nasa ospital kaya normal sya. Marami pa siyang habilin. Maging sa pamilya nila tatay at nanay ay may habilin sya o may ipapaiwas sya na gawin tulad sa mama ni tatay, huwag daw tatanggap ng bagong maid pero di naniwala sina lola kaya nanatili muna sya don sa mansyon. Muntik ng masaksak si lola buti nalang minanmanan ng mabuti ni tatay at napigilan nya. Inutusan din daw ang maid dahil sa away negosyo. Marami pa syang sinabi at abiso at lahat yun ay nagkatotoo. Umuwi kami nung gabi ring iyon. Nag-sorry at kung anu-ano pang drama ang ginawa naming tatlo at as usual tawanan sa huli. Natatawa si papa pag ginayaga ko ang kilos nya pag sinusumpong sya. Natatakot ako minsan dahil pakiramdam ko fresh pa lahat pero sabi ni tatay mabuti pang tawanan para di ako ma-trauma. Di tumanggap si tatang ng kahit na ano sabi niya mas masaya syang tumulong sa taong walang ginawang masama dahil bibihira nalang daw ito ngayon. Kahit sinabihan sya ni tatang na pwedeng ibalik sa nagpakulam ang ginawa sa kanya ay ayaw nya dahil masama daw iyon mas mabuti pa daw ang magpatawad kaysa manghiganti. Pati na rin ang namuong sakit ni tatay sa utak dahil sa overdose at side effects kasi ay inalis na rin nya, wala naman daw talagang sakit sa utak si tatay pero pinapainom ng gamot. May kumukontrol sa kilos nya kaya ganoon. Masaya ang lahat ng umuwi kami galing Siquijor. Nagpahanda pa ang mga kumpare ni tatay ng pansit dahil sobra silang nag-alala sa sinapit ni tatay. Naging normal na ang buhay namin, pero di na bumalik si tatay sa pagiging Janitor, namamasada nalang sya ng Jeep at minsan personal DRIVER (capslock talaga yan kasi sobrang nakaka-proud si tatay!) di nya talaga naisipan ang bumalik sa pagiging buhay mayaman. Nasa amin daw ni nanay ang totoong kayamanan nya.

Noong 2014 lang kinuha si tatay samin dahil sa heart attack. Masakit man pero dapat tanggapin siguro hanggang duon nalang talaga si tatay ika nga nila inuuna ni papa God ang mabubuti kaya kahit ganon walang araw na hindi ako nakaramdam ng nag-iisa. Laging may pagmamahal sa lahat ng bagay, kung merong araw na malungkot kami lagi naming nagagawan ng paraan kaya sa huli tawanan na naman. Sa 26 years ko dito sa mundo, yun ang baon ni tatay sakin, ang ugali, pagiging positive at sipag niya. Lagi kong hinihiling na sana dumami ang tulad ni tatay. Yun lang maraming salamat!

Continue Reading

You'll Also Like

26M 644K 64
[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black sheep of the society and their families...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
8.9M 324K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...