Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Hilaga

129 4 0
By Sheree_Mi_Amour


Summer ng 2016. Unang out-of-town travel naming magkakaibigan mula High School ang makapunta sa Ilocos Norte, kasama ang aming mga partners. Sobrang excited namin ni Mai kaya inagahan talaga namin ang alis ng bahay papunta sa meeting place kasi nais naming makapamili ng maayos na mauupuan sa tabi ng bintana. Pinakauna talaga kaming nakarating, at sa sobrang aga ay wala pa doon ang van na susundo samin. Ilang saglit pa ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga kaibigan namin pati mga kasama nila. Napakahabang biyahe nito pero sigurado akong masusulit namin dahil sa dami ng pwedeng puntahan ay tiyak na bitin ang 3 days/2 nights.

Ang Kalye Crisologo, bagamat moderno na din ang ilang kalye sa paligid ay napanatili pa din nilang sinauna ang vibe nito. Maganda ang sikat ng araw kaya maaliwalas ang daan at talagang nakakaaliw maglakad-lakad na kasabay nalilibang ang mga mata naming walang tigil ang pagtingin sa bawat bahay at panindang madadaanan namin. Sumakay kami ng kalesa ni Mai para libutin ang ilang parte ng lugar na iyon. Napakasigla ng bawat sandali habang hawak-kamay naming iginagala ang aming mga paningin sa bawat madaraanan. Nang matapos naming marating ang iba't ibang makasaysayang museo at iba pang tanawin ay bumalik na kami lulan pa rin ng kalesa. Oras na kasi para magkita-kita na kami ng iba ko pang kasama na nilibot din ang lugar nang may kapares. Marahan na ang patakbo ni manong dahil dumarami na rin ang turista sa kalye. Mayroong isang matanda ang pumukaw sa aking atensyon habang umaandar kami. Nakatayo sya sa gilid ng daan at nakatingin sa amin habang papadaan sa kanyang harapan. Nakasuot sya ng damit na baro't saya, mahaba at puti ang kanyang buhok. Nang makalagpas kami sa kanya ay nag-aya si Mai na mag-selfie kaya tinaas ko ang aking kanang kamay habang hawak ang cellphone, sabay click. Nang aking tignan ang kuha ay sinilip din ni Mai sabay sabing "Ang fresh natin diyan ah". Nang aking tinitigang maigi ay agad akong nagulat nang mapansin kong nahagip sa larawan ang matandang babae. Ang kakatwa pa ay nakatingin sya at nakangiti sa lente ng aking camera na kahit malayo na ang distansya namin sa kanya ay kita mo pa rin kapag itinodo ang zoom. Agad na kinilabutan si Mai kaya pinabura nya ang kuha namin sa pag-alalang may malas na dulot ito at baka mapaano pa daw kami lalo na at dayo kami doon. Binura ko na din agad at napaka-creepy talaga ng kanyang ngiti habang direktang nakatingin sa amin. Di na lang namin ito pinansin at baka nagkataon lang talagang sya'y napatingin.

Kinabukasan ay maaga kaming gumising at marami-rami pa ang aming lilibutin. Bandang hapon nang pumunta kaming Pagudpud at napagpasyahang lumusong sa dagat ng mga kasama ko at di na rin kami nagpahuli. Saglit lang kaming lumangoy at gumayak na din kami paalis at maaga palang nagsasara ang resort na iyon. Bandang 5:30pm nang kami ay magsimulang bumiyahe na pauwi, nang biglang sinabi ni kuya driver na malapit nalang din daw ang Cape Bojeador kaya daanan na namin. Naalala ko pa nuon ang kalangitang kulay kahel na kahalo ng kulay lila dahil nga pagabi na din. Nang makarating kami sa paradahan nang sasakyan ay nagkatamaran nang sumama ang ilan sa kaibigan ko at bibili nalang daw ng souvenir sa mga tindahan doon. Kahit ako ay tinamad na din ng makita kong pataas pa ang daang aming lalakarin. "Mag-tricycle na tayo papunta don, sa pauwi nalang natin lakarin pababa. Sumama ka sakin at gusto kong marating yon" pagpupumilit ni Mai. Nakarating kami sa tapat ng hagdan patungo sa itaas pa kung nasan ang atraksyon. Bago ko pa ilapat ang aking paa sa unang baitang ay tiningala ko ang aming aakyatin at di ako nakaramdam ng maganda. Pero dahil sa napakarami naming kasabay na ibang turista ay binalewala ko na lang ang aking pag-aalinlangan. Nang sa wakas ay makaakyat na ay bumungad sa amin ang isang parihabang istraktura na makaluma ang mga bintana at may pasilyo sa gitna na daraanan paakyat naman sa may parola. Biglang naalala ko ang isang kabanata nang 'Gabi ng Lagim III' ng KMJS na pinamagatang 'Parola'. Kaya pala pamilyar ang lugar na iyon ay dahil napanuod ko na ito bago pa man kami makapunta dito. Biglang lamig ng paligid sa ihip ng hangin. Nagbalik sa aking ala-ala ang napanuod ko. Isang grupo din ng mga magkakaibigan ang bumisita sa lugar na ito at pinagpakitaan ng matandang lalaki na itim ang mga mata. Di ako nagpahalatang kabado kay Mai kahit na habang tiningnan namin ang bawat kwarto ay di pa rin mawaglit sa isipan ko ang kabanatang iyon sa KMJS. Napapahimas nalang ako sa braso ko na nagtatayuan ang balahibo dahil naalala ko pa ang matandang lalaki na sumasayaw sa may pasilyo sa saliw ng isang kantang Ilocano ang liriko. Napaka-creepy nang parteng iyon sa palabas habang nandon ka mismo kung saan nangyari ang napanood ko. Kung maaari lang ay bumalik na agad ako sa sasakyan pero dahil ayaw ko namang masira ang mood ni Mai at nang mga kasama ko ay pilit kong nilabanan ang kagustuhang iyon. Nakakandado ang ilan sa mga kwartong dinaanan namin. Dalawa lamang ang naiwang bukas at kahit na bahagyang kabado ay pumasok na din kami para tingnan kung ano ba ang nasa loob. Medyo kulob at di masyadong maliwanag. Wala naman kaming ibang nakita kundi isang kama na makaluma din ang estilo at isang aparador, di ko na maalala kung anong iba pa ang naroon. Lumabas din kami agad at pumunta na sa hagdan sa may parola. Napadasal talaga ako sa isipan nang papanik pa lang sa hagdan dahil doon din ang parteng nakaupo ang babaeng duguan ang mukha sa palabas.

Maraming tao ang nakatambay sa paligid ng lighthouse. Panay kuha ng picture ang mga turista at nakigaya na din kami. Saglit na umupo at inikot ang kapaliran dahil sarado naman ang pintong papanik sa mismong tuktok ng parola na siguradong mas maganda ang tanawin mula doon. Maya-maya ay bumaba na din kami. Dumaan uli sa pasilyo at nang akmang pababa na ng hagdan ay napansin ko sa aking peripheral vision sa gawing kaliwa na may tao. Matandang babae na nakatalikod sa amin at doon nakaharap sa tanawin. Maaring na-paranoid na naman ako sa mga katatakutang naisip ko kaya di ko na uli sya nilingon at nagmadali na kaming lumakad pababa. Nang kami ay bahagyang nakalayo na at kasalukuyang bumababa ng hagdan ay napatanong si Mai na "Ba't nagmamadali tayong bumaba?". "Hindi ako sigurado pero parang nandon yung matandang nakita natin sa kalye Crisologo. Yung nakadamit sinauna at nakatingin sa camera ko" tugon ko. "Saan banda don? Wala akong napansin" pagtataka nya. Ang sabi ko naman ay huwag na lamang naming intindihin at malamang ay guni-guni ko lang yon.

Naging ligtas ang pagbalik namin sa resort kung saan kami namamalagi. Masayang nagkukwentuhan ang lahat bago kami matulog. Pinakiramdaman ko sila kung may nakaranas ba ng kakaiba doon sa mga pinuntahan namin at dahil masigla naman silang nagbahagi nang mga nagustuhan nilang pasyalan ay di na namin ikinwento pa ni Mai ang tungkol don sa matanda. Kinaumagahan ay pabalik na kaming Maynila, saglit na nag-umagahan at nag-picture kasama ang lahat bago sumakay sa van.

Ang lugar kung nasan ang resort na pinaglagian namin ay medyo tago dahil nasa isang makipot na kalye ito na napapaligiran ng mga bahay. Habang umaandar na kami patungo sa National road ay nakatingin lamang si Mai sa bintana nang biglang "Oh my God!" Sabay biglang mahigpit siyang kumapit sa kaliwang braso ko. Napakadiin ng pagkapikit nya habang nakakasiksik sa akin. Pati ang mga kasama namin sa sasakyan ay naalarma na rin. "S-sa may kanto pagliko ng sasakyan natin ay nakita ko uli ang matandang babae na nasa kalye Crisologo, kumakaway satin habang nakangiting nandidilat ang mga mata" paglalahad ni Mai. Nagsilingunan ang mga kasama ko sa likod ngunit di na nila ito nakita pa. Doon ko na ikinuwento ang lahat sa kanila. Nabalot tuloy ng takot ang sasakyan habang umaandar kami kaya nagmistulang may prayer meeting sa loob ng van dahil sabay-sabay kaming nagdasal habang nakakapit ang isa't isa.

-Bert

Continue Reading

You'll Also Like

43.8K 2.4K 46
Mga matang hindi pangkaraniwan... Mga matang nakakakita ng mga kababalaghan... Ito ba'y isang sumpa? O isang magandang biyaya? Sino nga ba si Esmeral...
2.5M 89.4K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
2.3M 76.8K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...