Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Compiled Stories 10

186 5 0
By Sheree_Mi_Amour

Patricia

Hi Spookify Readers! Let me share my not so scary story sa trabaho ko sa QC. Please hide my identity admin, Salamat.

Isa akong Office staff sa isang restaurant sa QC, hindi ko na sasabihin kung anong pangalan ng resto, basta may buffet sya.

3 years na akong nagwo-work as office staff dun sa restaurant. Nung bago palang ako, may naririnig na akong kwento tungkol sa nagpaparamdam na bata. Babae sya kaya pinangalanan siyang Patricia. Kwento ng mga staff, si Patricia daw ay nagpaparamdam sa tanghali at kapag closing na. Minsan nga habang naglilinis ang housekeeping namin may napansin siyang bakat ng kamay sa salamin (Function Room) pinunasan nya ito at pagbalik nya para palitan ng tubig ang mop squeezer nakita na naman niyang may bakat na naman ng kamay ng bata sa may salamin kaya dali-dali siyang bumaba at kinuwento ang nanyari sa kanya hanggang sa nakasanayan nalang nya yung ganung eksena, Mas madalas si Patricia sa 3rd floor kung saan dun sya tumatakbo at nagtatago mukhang pilya rin sya kasi madalas talaga sya kung manakot.

Pero dahil sa office kami, never ko pang na-encounter si Patricia. Hanggang sa nagparamdam sya sa akin, nagpakita pala.

umakyat ako nun sa 2nd floor para kausapin ang staff tapos na ang buffet nun kaya wala ng tao siguro 3pm na ng hapon yun at 3 empleyado nalang ang nasa loob, pag-akyat sa 2nd floor may malaking salamin kung saan kita ang hagdan paakyat sa 3rd floor, habang nanalamin ako may nakita akong bata na sumilip sa akin galing sa hagdan. Hindi ako nakaramdam ng takot dahil inisip ko na may event sa 3rd floor hanggang sa pagbaba ko nakita ko ang officemate ko at tinanong ko sya kung anong event meron sa 3rd floor at sinabi nyang wala namang event sa 3rd floor dahil weekdays nun. Tumayo ang balahibo ko ng marinig ko yun, ibig sabihin walang tao sa 3rd floor pero sino ang batang nakita ko?.

Naikwento ko ito sa mga kasamahan ko sa trabaho at sinabi nga nila na baka si Patricia yun, tinanong nila ako kung anong itsura ni Patricia, sa pagkakakita ko meron syang maigsing buhok parang apple cut, payat at siguro nasa edad 6 na taong gulang sya. Hindi pa doon natapos ang pagpaparamdam nya hanggang isang araw buwan iyon ng Nobyembre, nung nasa reservation room ako para mag-release ng documents (isang maliit na kwarto kung saan may lamesa at upuan at isang malaking salamin), gaya ng nakagawian ng nakakaramj, naisipan kong mag-mirror selfie ng nakatayo, nakahawak sa mga lamesa ang aking mga kamay saka ako nag-selfie, pagkatapos kong makakuha ng isang larawan umalis na ako agad, nawala sa isip ko ang picture ko na yun hanggang sa pag-uwi ko ng bahay naisipan kong magbura ng mga pictures sa gallery, habang bina-browse ko ang mga litrato bigla kong pinundot ang picture ko na kuha ko sa reservation room na may kung anong bumulong sa akin na i-zoom ko at ayun na nga, laking gulat ko na may nakapatong na kamay na parang nanggaling sa loob ng katawan ko. kamay ng isang bata.

Kapag na-post ito, ipo-post ko dito ang actual na litrato na kuha ko mismo.

Maraming Salamat sa mismo

Munting Prinsesa
Rizal

Palawan

Hello po spookify! Just wanna share my story/experience.

So here it goes.

I'm working as a System Administrator in a company and my job is to install systems for our branches all over Philippines. One time I was assigned to go to Palawan in one of our branches. While staying in Palawan I looked for a place where I could stay. It's really hard to find a place to stay in especially kapag peak season. But I still Managed to find a house, the house that I found is walking distance sa mall but really hidden, liblib sya as in but I have no choice. So kinuha ko na din. One time there was a midnight sale sa mall so I need to stay sa mall until 12mn. I got out of the mall mga 12:30mn. Wala ng sakayan so I decided to walk, it was so creepy because I'm the only one walking and it's really dark. While walking napansin ko na parang paulit-ulit lang yung dinaraanan ko, like parang pinaglalaruan ako. I keep on going back to the place kung saan ako dumaan kahit anong gawin ko as in I don't believe in supernatural but that time naniwala na ako. Sobrang creepy na dahil di ko na alam ang gagawin ko. I'm so scared dahil dapat dun na yung bahay namin. I don't know but naisip ko bigla na magdasal ng "Our Father", so I started praying na nga and closed my eyes and as soon as I finished the prayer I saw the house where I'm staying in. I was so thankful kay Lord for saving me from that.

Yun lamang po di man po sya sobrang nakakatakot but I couldn't forget that experience. Thank you po.

A/N : although effective talaga ang prayer, alam ko kapag ganyan nagbabaliktad dapat ng damit eh.

Lungsod ng Quezon - 1977

Kwento ito ng tiyahin ko, bunsong kapatid ng aking ina, si Ante Ema.
Walong taon pa lang si Ante Ema nang maranasan nya ito, noong mga panahong nakatira pa sila sa Murphy sa may Cubao.

Kapwa may trabaho ang lolo't lola ko noon, si Lolo Nior ay konduktor ng isang bus at si Lola Rita ay isang mananahi sa isang kilalang tatak ng damit noong dekada sitenta, yamang kapwa may trabaho sila lolo at lola ang nanay ko ang nag-aasikaso sa mga nakababata niyang mga kapatid habang wala ang kanilang mga magulang.

Ang siste ay aasikasuhin ng nanay ko sila Ante Ema at iba pa niyang nakababatang mga kapatid tuwing umaga bago pumasok sa eskwela. Noong una'y hatid sundo ng nanay sila Ante, pero nang naglaon ay hinahatid niya na lamang sa eskwelahan ang mga kapatid, at tinuruan na lamang umuwi ng sila-sila na lang, upang makatipid sa pamasahe.

Noong natuto nang umuwi mag-isa sila Ante Ema ay dito na nagsimula ang kahindik-hindik nilang karanasan.

Simulan na natin.

Dahil nga natuto ng umuwi nang kanya-kanya ang mga nakababatang kapatid ng nanay ay natuto na ding gumala ang mga ito, natuto na ding bumarkada at minsan ay inaabot sila ng alas siyete ng gabi sa pag-uwi, ang dahilan -- nakikipaglaro sa mga kaklase.

Madalas ay nasasaktan sila ni Lolo Nior kapag nauuna itong umuwi ng bahay at dadatnan na wala pa ang mga anak. Pihado lahat sila ay makakatikim ng sinturon, pati ang nanay ko na siyang nagturo sa mga nakababatang kapatid na umuwi ng sarili lang nila.

Nagpatuloy na ganoon ang sistema nila. Minsan ay nagkwento si Ankol Obet kay nanay (isa pang nakababatang kapatid ni nanay) para daw may sumusunod sa kanya papasok sa kanilang compound, mapuno pa kasi ang Cubao noong mga panahong iyon at medyo madilim pa. Palagi daw ganon yon, parang may mga aninong nagkukubli sa likod ng mga puno at sa madidilim na mga sulok sa tuwing siya ay gagabihin ng uwi. May ilang araw na daw niyang napapansin yun.

Isang gabing naghahapunan silang pamilya ay nakarinig si Ankol Obet ng sitsit mula sa bintana nila sa gilid ng bahay na nakatapat sa madilim na parte ng kanilang bakuran.
Nagpatuloy ang pagsitsit mula sa bintana, ngunit tila ba si Ankol lang ang nakakarinig. Muli na namang sumitsit, tinitignan niya ang mga kasamang kumakain, ngunit tila ba wala silang naririnig. Muli na namang sumitsit at halos tumayo na ang balahibo niya nang tila ba may napansin siyang gumagalaw mula sa labas ng bintana nila, ngunit nanatili siyang hindi lumilingon, sabi sa sarili'y "kahit anong mangyari hindi ako lilingon sa kaliwa" tumigil din ang pagsitsit. Ngunit nung pagsapit ng gabi ay inapoy ng lagnat si Ankol Obet, halos kwarenta ang temperatura. Napuyat sila lolo at lola at ang nanay ko sa pagbabantay kay Ankol Obet.

Dalawang araw inapoy ng lagnat si Ankol Obet, dahilan upang hindi siya makapasok ng ilang araw sa paaralan. Habang nagpapagaling ay doon lang nanatili sa kwarto sa ikalawang palapag si Ankol Obet.
Isang hapon, kakauwi lang ni Ante Ema galing eskwelahan ay inutusan siya ng nanay ko na silipin muna si Ankol Obet sa kwarto sa taas, salatin ang noo kung mataas pa ba ang lagnat nito dahil nag-aasikaso ng hapunan ang nanay. Habang binabaybay ni Ante Ema ang hagdanan paakyat patungong kwarto ay may narinig siyang kumakaluskos sa taas, marahil siguro ay magaling na si Ankol Obet turan niya sa sarili..
pagdating sa kwarto ay agad tinulak ang pinto. Ngunit hindi si Ankol Obet ang nakita niyang gumagalaw sa itaas, dahil tulog na tulog pa din sa kutson si Ankol Obet. Napakunot ang noo nya nang may nakita siyang babaeng hindi pamilyar ang hitsura na nasa loob ng kwarto at nakaupo pa sa tabi mismo ni Ankol Obet, habang nakatingin ito sa natutulog kong tyuhin, sabi ni Ante Ema sa sarili "hindi ito normal." Nagsimulang umakyat ang kilabot niya sa buong katawan, nagtataka dahil marahil hindi matanto kung papaanong nakapasok ang babae sa loob ng bahay. Tatawagin na niya sana si nanay sa baba. Akmang aatras na siya nang biglang lumingon ang babae sa kanya. Halos panawan siya ng hininga at atakihin sa puso nang makita ng dalawang mata niya ang paraan ng babae sa paglingon. Ulo lang ang lumingon sa kanya, hindi kasama ang katawan. Kitang-kita niya ang mukha ng babae na may malaalambreng buhok, pulang mga mata at bibig na kasya ang kamao ng tao. Noong nagtama ang tingin nila ay nawalan ng malay-tao ang tiyahin ko sa nerbiyos at nahulog sa hagdanan. Napilayan si Ante Ema at inapoy ng lagnat sa loob ng isang linggo matapos mangyari iyon.

PS. Kwento nila sa akin, ay hindi din nila alam kung anong klaseng nilalang iyon.
PPS. Aswang? Engkanto? Demonyo? Multo? Walang nakakaalam. Hindi ko alam kung anong klaseng impakto iyon.
PPPS. Mag-ingat palagi, lalo na pagkagat ng dilim, anuman ang mangyari, anuman ang marinig mo, 'wag kang lilingon sa kaliwa.

*Salamat Boss Cj

- The Man from Manila

Nakapatay ng Engkanto

Ang kwentong ito ay kwento ng aking tita. Medyo bago lang itong nangyari. Mga last week lang. Mahilig kasing mag-recycle si tita Mia (di nya tunay na name). Mula sa mga papel na patapon hanggang sa mga plastic bottle ang nire-recycle nya at ginagawang palamuti. Last week, naisipan ni tita na gumawa ng recycled na parol mula sa mga 1.5 na plastic bottle ng mga softdrinks. Malapit lang yung bahay nila sa elementary school at doon sya kumuha ng mga plastic bottle na gagawin nyang recycled parol. Nakakita sya ng 1.5 plastic bottle ng sprite, yung color green. Binitbit nya yun pauwi at sinimulan ng gawing parol. Kumuha sya ng kutsilyo at tinusok nya yung takip ng 1.5. Tapos hiniwa nya yung upper part ng 1.5, yung sa may curve pataas hanggang sa takip (sana na-gets nyo yung sinasabi kong part ng 1.5). Nagulat na lang si tita kasi biglang may tumulong dugo galing sa handle ng kutsilyo pababa (naka-vertical yung pagkakahawak nya sa kutsilyo). Tapos tinawag nya si mama. Nang dumating na si mama, nagulat din si mama kasi bakit ang daming dugo sa kutsilyo at tumutulo pa. Doon sinabi ni tita na hinihiwa nya yung 1.5 para gawing parol sana tapos bigla na lang may tumulong dugo. Inamoy ni mama yung dugo tapos totoong dugo daw yun kasi ang lansa talaga. Tinawag na rin nila si tito na asawa ni Tita Mia at tsaka yung iba pa nilang kapatid. Tapos may dumating na rin na albularyo at agad na nilang sinimulan ang orasyon para malaman kung anong kababalaghan ang nangyari sa kutsilyo. At pagkatapos ng ginawa nilang orasyon (di ko po alam ang tawag sa tagalog ng ginagawa ng albularyo. Bisaya po kasi ako hehe), nalaman na nila na nakapatay ng batang engkanto si tita. Yung 1.5 daw na yun ay bata daw yun. Yung 1.5 na hiniwa nya sa may bandang curve, leeg daw yun ng bata at yung takip daw ng 1.5 na tinusok nya, ulo daw yun ng batag engkanto kaya namatay. Nakita din daw ng albularyo na habang nag-oorasyon sila nakapalibot daw sa kanila yung buong angkan ng bata. Galit na galit daw at nanlilisik ang mga mata. Tinanong ng albularyo kung anong gusto ng angkan ng batang engkanto para mapatawad nila si tita. Wala daw kapatawaran ang ginawa ni tita. Dugo sa dugo daw ang mangyayari. Dugo daw ang nawala sa kanila, dugo rin daw ang kukunin nila para maghiganti. May isa daw mamamatay. Si tita or yung asawa nya (wala silang anak). Tapos kinuha ng albularyo yung kutsilyo at pinunasan ng cotton na may holy water at sa pangalawang pagkakataon, sumirit ulit yung dugo sa kutsilyo. Tapos biglang humangin ng malakas at biglang may sobrang mabahong amoy. Yung amoy ng malansang dugo at amoy ng nabubulok na patay. Nagdasal sila hanggang sa nawala na yung malakas na hangin at yung mabahong amoy. Kinaumagahan, nagsimula ng magkaroon ng mga nakakakilabot na pangyayari. Nanaginip si tita at yung asawa nya na may dinalang patay ng tao at pugot na ulo sa bahay nila. Nagising sila pareho at nang ikwento ni tita ung panaginip nya, nagulat si tito kasi ganun din yung panaginip nya. Tapos may dumaan daw sa bahay nila, daanan kasi ng mga tao yung bahay nila papuntang school. Pagdaan ng kapitbahay nila. Nakita nya si tita nakaupo sa balcony. Tinawag nya tapos binati nya. Nagtaka daw sya kasi di daw sya pinansin ni tita. Tapos nung mga hapon, pumunta sya sa bahay ni tita, sinabi nya bakit daw di nya pinansin yung kapitbahay nila nung tinawag sya. Nagtanong sya anong oras, sabi ng kapitbahay nla mga umaga daw. Sabi ni tita na tulog daw sya at tanghali na nagising gawa ng puyat sya at hindi sya makatulog sa gabi dahil masama pakiramdam nya at mabigat ang feeling nya. Kinilabutan yung kapitbahay nya at umuwi agad dahil sa takot. Lagi daw na silang nanaginip ng masama. Tuwing madilim na, nag-iinsenso sila sa bahay nila. Lagi ng may suot si tita na rosaryo. At lagi silang nagdarasal na sana ay hindi mangyari na may isang mamamatay sa kanila. Lagi silang humihingi ng tawad sa napatay nilang batang engkanto dahil hindi daw nila sinasadya ang nangyari. Sa ngayon, hindi lumalabas ng bahay si tita dahil na rin sa takot. Kahapon lang, dumating ulit yung albularyo at sinabi na ilibing na daw yung kutsilyo. Sabi ni tita na nilibing na nila sa malayo at benendisyunan ng holy water. Pero iba daw ang pakiramdam ng albularyo at may napaginipan sya. Inutusan ng albularyo yung tita ko na tignan yung ilalim ng cabinet nila na may takip na kurtina, nagulat na lang ang tita ko bakit nandun yung kutsilyo at yung 1.5 na may dugo pa rin.

Purplelover

Manaoag

Hi Spookify! Silent reader po ako mula pa noon. Gusto ko lang sana i-share yung experience namin sa Manaoag. Actually hindi naman ito nakakatakot pero nakaka-amaze lang. Sana ma-post ito! Yun lang.

Kumuha yung parents ko ng sasakyan at napagdesisyunan nilang ipa-bless sa simbahan. Gusto nila na ipa-bless namin yun sa Manaoag kaya madaling araw palang umalis na kami. Ilang oras din ng biyahe, sa wakas ay nakarating na din kami. Umattend kami ng misa at pagkatapos ay nag-ikot-ikot kami at nagkaayaang umuwi na. Nung pauwi na kami dahan-dahan lang ang andar ni papa dahil nga sa dami ng tao. Sumakto pa na napahinto kami sa may gate ng simbahan kung saan may paatras palang isa pang sasakyan. Yung mga lalaking tambay doon ay sinesenyasan yung isang sasakyan na umatras samantalang nakita nilang nandon kami. Ang ending, naatrasan kami ng sasakyan. Sobrang lakas ng impact sa loob as in ramdam mo na parang nayupi yung pinto. Agad kaming bumaba at di nga kami nagkamali sobrang laki ng yupi ng sasakyan. Agad kaming tumawag ng pulis. Isang oras din ang nakalipas ay naayos na ang problema. Nagkabayaran nalang para di na humaba pa. Habang pauwi kami sobrang init ng ulo ni papa. Sa isip nya kung kailan daw na-bless ang sasakyan tsaka pa naaksidente. Ilang oras na biyahe ay nakauwi na kami. Si papa agad ang bumaba dahil sa sobrang badtrip. Pagbaba ng sasakyan laking gulat namin na wala ng yupi ang sasakyan. Kinilabutan kaming lahat maski si papa na di naman matatakutin. Pumasok sa isip nya yung Manaoag. Siguro ay nagmilagro ito samin laking pasalamat namin na nawala yung yupi ng sasakyan na kanina lang ay sobrang lalim ng yupi. Sa isip namin ay binigyan kami ng blessing dahil don sa binayad ng taong nakaatras samin. Yun lang, sana di kayo na-bored. Salamat spookify!

Las Piñas
Judeng

Eskinita

Di naman talaga ako nakakakita at nakakaramdam ng kung ano kaya labis akong napaisip sa nangyari sakin. 2nd year college na ako nun. Bandang 3pm nang tinatahak ko ang isang eskinita na pawang tao lang ang makakadaan (makakadaan din naman ang bisikleta pero sakto lang yung space para makalusot). Papunta akong school nun actually, 4pm yung class ko. So since dalawang sakayan pa bago makarating sa paaralan kaya 3pm ako umaalis ng bahay.

Isang paaralan rin ng elementarya ang katabi ng eskinita na napapagitnaan lang ng pader. Kumbaga makikita mo yung classrooms sa 2nd floor kung titingala ka kasi saktong lagpas tao lang yung pader.

Ugali kong makinig ng music kapag naglalakad mag-isa so naka-earphones ako nun nang biglang may narinig akong nagha-hum ng lullaby. Boses babae siya na parang naka-microphone. Yung parang nagpapatulog ng baby. Eh wala naman akong ganung music sa phone ko. Habang naririnig ko ang pagha-hum na yun nagpe-play pa rin naman ang music na pinapakinggan ko. Bale sinasapawan niya yung music. Tas dali-dali kong tinanggal yung earphone ko sa left side nagbakasaling galing sa isa sa mga classrooms yung tunog pero bigla rin itong nawala. Tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng mga estudyanteng nasa kani-kanilang classrooms since class hour pa nun. Bigla akong kinabahan at tumayo ang mga balahibo ko. Buti nalang at may mga kasabay at kasalubong akong mga taong dumaraan dun dahil kung hindi, talagang mapapatakbo na talaga ako hehe.

Hindi na rin naman ako magtataka kung may magpaparamdam sa eskinitang yun. Yung eskinita kasi, kung may kaaway kang haharang sayo sa harapan at sa likuran mo, di ka talaga makakatakas. Na-imagine nyo po? Hehe. Marami na akong narinig na kwento tungkol dun. Yung kapitbahay namin may nakita silang lalaking nakaputing longsleeves na nakatayo sa may kanto. Binati pa nga nila ng magandang gabi ng saktong lumagpas sila sa lalaking yun, nilingon nila yung lalaki at boom! Wala nang ni anino nung nakatayo doon.

May experience naman ang mama ko dun sa sinasabing eskinita. Ilang taon na ang nakalipas nang nag-iigib pa yung mama at papa ko sa may gripo doon katabi lang ng eskinita (sa may entrance talaga). Naputulan kasi kami ng tubig. Kahit sino pwedeng mag-igib don. High school pa lang ako nang mangyari ito. 12 ng gabi napagdesisyunan nila mama at papa na mag-igib para solo nila yung gripo. Sumasama pa nga ako sa kanilang mag-igib kababae kong tao (mabait ako e haha) pero nung panahon na yun buti nalang di ako nakasama hehe. Bale more or less 200 meters yung gripo mula sa bahay namin.

Si mama at papa lang talaga ang nandun. Bale yung mama ko yung nagbabantay at magsisilid ng tubig tapos yung papa ko naman ang nagpabalik-balik sa bahay namin para ihatid yung timba na may tubig. Habang pabalik pa lang yung papa ko sa bahay, naiwang mag-isa yung mama ko. Medyo nakadama rin sya ng takot kasi nga sira yung ilaw at medyo madilim dun. May puno pa ng mangga sa tapat mismo ng gripo. Ilang minuto pa nang di pa rin nakabalik ang papa ko. Gumaan lang ang loob ng mama ko ng may narinig siyang nagtatawanan at nag-uusap na mga taong paparating mula sa eskinita. Naisip niya na mga kapitbahay namin yun na galing gimik sa labas since 12 na yun ng madaling araw. Ilang minuto pa rin ang lumipas nang di pa dumarating yung mga taong narinig niyang tumatawa. Pati na rin papa ko di pa bumabalik. Tumayo ang mama ko at tiningnan yung eskinita para i-check kung may paparating ba talaga, nung wala man lang siyang nakita ni isang tao. Saan nanggaling ang tawanan na yun? Tumayo ang mga balahibo ni mama at dali-daling umuwi ng bahay para sabihin sa papa ko ang nangyari.

PS. First time ko lang mag-share, pasensya na po kung mahaba.

Ms.A
City of Golden Friendship

Continue Reading

You'll Also Like

126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
6.4M 270K 32
"...and the devil fell in love with you, the way he loves hell." This novel is inspired by real events. Highest rank in horror: Top 1 Highest rank...
7.6M 235K 65
His Punishments can kill you