To love a star

By mymirai2012

132K 4.4K 1.1K

Renebelle 'Rain' Dimakulangan: Pasikat na model,. Ang babaeng straight pero iniwan parin sa kawalan. Natasha... More

Author's note
Cast/characters
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50

Chapter 8

2.9K 95 4
By mymirai2012

Renebelle "RAIN" Dimakulangan POV



Almost 10am na ako nagising, at wala na sa tabi ko si Natasha, baka nakikipagharutan na naman sa mga kapatid ko, close na close na sila, sa ilang araw niya palang dito, lalo na kay Mama at Papa, feeling ko nga ako na yung echepwera sa bahay.



Hindi naman kasi ako nakatulog ng maayos kagabi, dinadama ko yung mga pangyayari, masyado kasing mabilis ang lahat.


Tama ba tong ginagawa ko?


Isang malaking tanong na bumabagabag sa isipan ko.


yung ngang mga manliligaw ko dati, umaabot ng taon pero hindi ko man sinasagot.



Si Ben lang talaga ang sinagot ko that time, sa sobrang kulit siguro manligaw, almost 3years kasi akong niligawan eh, saka gustong-gusto siya nina Mama at Papa,
Saka may mga rason naman talaga kung bakit kami nagkahiwalay.



Tapos ito? Si Natasha?! Ni hindi man nga nanligaw, may nangyari na agad samin?!!, at ang mahirap na tanong ay kung bakit ?



Bakkeeeetttt??!!!!


Bakiiiiieeeettt??!!



Bakit pumayag naman ako?



Tapos in just a snap, kami na nga? May mutual understanding nakami? Ganorrrnn!




Gulong-gulo kaya ako ngayun,



saka hello!


Hi!


Si Natasha Simeon ito,hindi naman ordinaryong tao lang,saka isa pa, parehas kaming babae.


Oh? Edi wow!



Ni hindi ko nga alam kung paano ko eexplain sa mga magulang at mga kapatid ko kapag nalaman nila ang tungkol dito, buong-buhay ko alam ko sa sarili kong babae ako,





babae po ako!


Opo! Babaeng-babae po ako!!



at kung darating man ang panahon ,
sa lalaki lang ako magpapakasal, kasi yun naman yung tama sa mundong ito.
Oh? As if may iba pang mundo diba,
ok,ok! sarili ko nalang mundo ok na diba?


Ito ba yung sinasabi ni Dani na "in-denial stage?"kasi nako-confused parin ako hangga ngayun, love ba yung feelings ko kay Natasha since we met? For all i know paghanga lang.


Oo! Paghanga, huwag nga kayong echusera diyan.



Kasi napakaganda niya, napakaganda ng character niya on and off screen, gustong-gusto siya ng masa, kaya kahit ilang buwan man siyang mawala sa showbiz, tinatangkilik parin siya ng milyong-milyon niyang mga fans.,
Dinudumog! Ganurrn!


Pero ibang-iba siya kapag sa taong nagugustuhan niya, may pagka clingy at demanding kasi, laging nagra-rush,

Napaka-territorial, ang bossy!.




So it means—— gusto niya ako? Haha! Ang tanga lang.




Kakasabi lang nga niya diba? She really likes me daw.


Likes! oo Likes—


Gusto!



Pero posible bang Love din ang meaning nun?

Hayy! kakaloka this! Bahala na nga,basta ba hindi pa ako ready na ipagkalat ang tungkol samin, PERIOD.



Saka Ano nalang ang iisipin ng parents ko?
Ng mga kapatid ko?
na pumatol ako sa isang BABAE?!

Baka kamuhian nila ako.

baka ikahiya nila ako.



baka may mangyari pang masama sa parents ko! Baka magkasakit pa sila sa kakaisip kung bakit ko nagawa tung pagkakamali na to,


oh! Wag OA!


Pero syempre advanced kaya akong magisip!



Pero infairness!!ang sarap isipin na may namamagitan samin dalawa ni Natasha.


Pero hindi naman rason yun diba para pagkalandakan ko agad ang tungkol samin!



Malay ko ba naman kung gusto lang niyang may ka FuBu?ayoko ngang mag assume noh.


Kaya hanggat kaya pa, ayoko muna talagang malaman ng iba, basta may time din para dun at hindi pa sa ngayun.



Pagkatapos kong nagmuni-muni, nag decide na ako na tumayo sa higaan, saka nagugutom narin ako,Baka may tira-tira pang handa sa birthday ni Papa kahapon.


Nagdala nalang muna ako ng towel, para makapaghilamos narin.



Paglabas ko ng pinto, parang ang tahimik naman ata ng paligid? Lumabas ba silang lahat na hindi man lang ako sinasama?


Wala rin silang lahat sa living area, madadaanan muna kasi yung living area bago ang banyo, kaya naghilamos at nagtoothbrush na muna ako sa banyo, pagkatapos ko dumiretso na ako sa kusina papasok kasi yung kusina eh.



Nandun lahat sila pati sina kuya, na nakapagitna pa talaga si Natasha, parang napakaseryoso naman ata ng usapin nila.

Hmmm, ano to? May meeting de avance?may meeting na hindi ako kasama? Mga traydor sila!!
Bakit hindi nila ako sinali?


"Hello?" Bungad ko, mukha kasing hindi nila napansin ang presensya ko eh.


Sabay-sabay lahat silang napatingin sakin, yung mga tingin ng kapatid ko parang ngiting nakakaloko ah.



"Anak pwede ba tayong mag-usap saglit?" Sabi ni Papa, na napaka seryoso pa talaga ng mukha.
Bigla akong kinabahan, tiningnan ko si Natasha pero ayaw naman niya akong tingnan sa mata. "Kami na muna ni Belle dito, dun na muna kayo" sabi ni Papa na ma otoridad na tono.


Mabilis din naman silang umalis lahat.


Naupo ako sa tabi ni Papa.


"Ba-bakit po Pa? May-may nangyari po ba?" I asked na medyo kabado na talaga at nauutal pa talaga.




"Bakit ka ganyan anak? Akala ko pa naman iisang pamilya lang tayo?akala ko ba walang sikreto?" Seryosong tanong ni Papa sakin.




"Ba-bakit po? Ano po bang nangyari?" I asked, leche!may alam naba sila?




"Alam mo ang masakit anak? Yung matagal muna pala kaming pinaglilihiman, akala mo ba pipigilan ka namin sa kung anong makapgpapaligaya sayo?"



Matagal? Eh kagabi lang naman yun eh,

Andami pa talagang seremonyas ni papa, kinakabahan na tuloy ako!


Natasha! Anu ba?! Anu bang sinabi mo?!.


May Pag-AMIN. Naba na naganap?

Huhu, amanamin!



"Papa, sorry po, biglaan lang po kasi yung mga nangyari samin ni Natasha, na-natakot lang po kasi ako baka po kasi ikahiya niyo ako kapag nalaman niyo ang totoo samin ni Natasha, Papa sorry po talaga, Sasabihin ko naman po talaga ang totoo, tumatiming lng talaga ako" halos maiyak kong sabi.



Napakunot ng noo si papa, "anu yung tungkol sainyo ni Natasha?"




Naku paktay!. Ano ba talaga?



"Sabi ni Natasha, hindi ka naman daw talaga nageenjoy sa pagaartista mo, ang totoong pangarap mo daw yung makapagtapos ka ng pag-aaral Mo anak, kaso gusto mo munang bigyan kami ng magandang buhay" bumuntong-hininga muna si Papa "yun ang sabi ni Natasha,
Saka lagi mo kasing sinasabi na masaya ka diyan sa pinili mong trabaho, saka teka, ano bang tungkol sa inyo ni Natasha? Panibagong lihim nanaman ba yan Belle?"napakunot-noo si Papa




Shit! Pano ko ngayon malulusutan to?



Ako pala talaga nagpahamak sa sarili ko eh,


Tanga-tanga mo Rain!




"Kasi Papa,kasi po—-" shit ngayun pa talaga ako kinabahan ng doble-doble, konti nalang mahihimatay na ako sa kaba.





"Kasi ano belle ?!May dapat paba kaming malaman tungkol sa iyo?" Medyo nagiwas ako ng tingin kay Papa, bat kasi umagang-umaga na hot seat na ako dito, parang hot seat ni boy abunda at vice ganda, ganorn!
"Belle tingnan mo nga ako sa mata, magtapat ka Belle, o kung gusto mo tawagan ko si Natasha dito? Para dalawa kayong kausapin ko?—"




"Pa! magagalit po ba kayo sa akin kung malalaman niyong kami napo ni Natasha?"




"Anong ibig mong sabihin dun Belle?"





Bat ko pa kasi papatagalin to? Edi sabihin ko na,
bahala na talaga, ano bayan! Itong Natasha na ito! ginulo ang tahimik kong pamumuhay. Ay! Magulo na pala lately. Hehe. Mga basher!pwe!



"Pa, kasi po ammm may relasyon po kami ni Natasha, sorry po,biglaan lang po! ang bilis po
Kasi ng mga pangyayari eh, pero wala po
Akong magagawa kung ikahiya nyo man po ako, nakakahiya naman talaga yung naging desisyon kong ito."



Natahimik si papa, bigla siyang parang nagiisip, hindi ko mabasa yung expression ng mukha niya kung galit ba siya o galit na galit talaga siya?




"Nak, di pa ba halata sa inyo yun??" Tanong ni Papa, Kaya medyo napakunot ang noo ko.




"Halata po bang masyado?" I ask na medyo nautal pa ako.



"Oo naman! hindi paba halatang close kayo ni Natasha at tapat na magkaibigan na?"





"Po-po??!" Kumunot uli ang noo ko
"O—-ooopppoo! Opo pa!" shit! May pagka-slow talaga tong si Papa, aamin na eh naudlot pa, but anyway ok na rin siguro ito, baka hindi pa talaga dapat, Saka hello! Kagabi lang naman yung mga nangyari.



But for now, i felt relieved, 'pansamantala'
Sa ngayon, atleast may time pa para makapag-isip-isip.




"Natutuwa naman ako at naging kaibigan mo si Natasha, alam mo magaan ang loob namin sa kanya, minsan nga nakakalimutan naming hindi siya sikat at ordinaryong tao lang siya, alagaan mo nalang siya, halatang sabik siya sa pagmamahal ng isang totoong pamilya."




Oo nga pala, napaisip din ako sa sinabi ni Papa, ni hindi ko man pala naitatanong kay Natasha, about sa private life niya, about sa family niya, sa parents niya, bukod sa story ng kapatid niyang namatay sa car accident years ago, trending nga ang news na yun that time, pero
may time para dun.



Sa ngayon, promise nagugutom na talaga ako.


"Pa?" Seryoso kong mukha at tanong kay Papa.




"Ano yun anak? May problema paba?"halata kay Papa na mukhang biglAng kinabahan. "Umamin kana habang maaga" sus! Maaga daw oh! tanghali na kaya! Hehe




"Pa, nagugutom na po ako? Beke nemen mey tera diyan?" Pagbibiro ko kay Papa.


Napa tawa lang siya at umiling-iling, saka pinag-init ako ng mKakain, kumain na pala silang lahat ng agaha, hindi man lang ako ginising kanina.


Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko, andun  daw si Natasha.



Nakadapa sa bed si Natasha habang nagdudutdut ng cellphone niya.




"So sinabi mo pala sakanila?" I asked,alam ko naman na alam Niya kung ano ang ibig kong sabihin.


Tiningnan niya ako at umupo sa edge ng kama saka tumingin sa side, halata namang ayaw niya akong tingnan sa mata.


Lumapit nalang ako sakanya at hinawakan ang baba niya pataas para mag abot ang paningin namin.


"Sorry?" She said,yung nag pacute na boses lang.

Ilang segundo rin kaming nagtitigan, at napalunok nalang ako, dahil promise! Inviting ang lips niya,parang sinasabing.




Halikan moko!



Halikan moko!





"Halikan moko—-shit!" Napatawa tuloy siya,kakahiya,kusa bang lumabas sa bibig ko yun? Akala ko sa utak ko parin,
ako tuloy ang awkward naman ngayun,baka sabihin atat Ako Sakanya, ako naman ang nag-iwas ng paningin.

But she just wrap her hands around my neck, and pulled me closer and kiss me.



No! no! not just a simple kiss!
Cuz right now she's torridly kissing me,nag wait lang siya ng access Sa bibig ko to enter.



Pinagbigyan kona, baka sabihin madamot ako eh. Charrroott..


Naghalikan, napunta sa hawakan,hawakan ng bewang! ok na?



E kaso ako na mismo ang nagpigil





"Sorry?nabigla ba kita?" She whisper.



"No!baka may biglang pumasok,
hindi ko kasi nai-lock ang pinto." i said



"Lock mo na, para masolo kita" saka
Niya ako kinindatan ng may kalandian.




"Naku, mamayang gabi nalang para sure tulog Ang lahA," saka lang ako nag smile ng nakakaloko.

But she rolled Her eyes "tsk! Kainis,
bitin" she muttered.


Hinalikan ko nalang siya sa lips ng mabilisan saka na ako kumuha ng mga damit ko, idadaan ko nalang muna sa ligo ang init ng katawan ko.



Medyo nabitin din ako ng sobrang slight sa nangyari.


Saka ko na iniwan si Natasha na hindi maipinta ang mukha sa inis.

**************************

Pagkatapos kong naligo, si Natasha naman ang sumunod sa banyo, Pinaginit pa ni Papa ng tubig dahil hindi sanay maligo na malamig ang tubig.



Palibhasang may bathtub at may hot shower sila.
Pang mayaman, naku konting sikap pa at mararanasan din ng pamilya ko ang kaginhawaan sa buhay.



Nakihalubilo na muna ako kina Papa at Mama sa living area dahil seryoso na silang nanood ng paborito nilang teleserye sa tv, yung mga kapatid at mga pamangkin ko nasa balkonahe at naglalaro sila ng basketball dun, mamaya pa kasing gabi uuwi sina kuya Rhene at pamilya niya sakanila.



Kaya ayun, seryoso narin akong nakipanood,
Nadadala na ako sa palabas, yung halos maiiyak na ako sa drama nila sa tv.



"Ate!! Ate!!"


Shit! Anu namang sinisigaw-sigaw ng kapatid ko, tanghaling tapat eh,Saka panirang moment talaga, nake-carried away na ako sa drama eh.




"Bakit ba?!!" Tiningnan ko lang siya ng masama.




"Si koyang Ben nasa labas"





"E ano naman ngayun? Andyan naman si kuya diba?"


"E kaw nga ang hinahanap, hindi naman si kuya Rhene.." sarkastiko niyang sagot saka ako inirapan ng kapatid ko.



"Abat!—tang—!! ?" Hindi ko na tinuloy, tinaasan ko siya ng kilay, "may reklamo Ka?!"pananakot
Ko,



"Wala!" She said na may halong pang-aasar.



"Ay naku! Papasukin mo na nga dito sa loob si Ben, sabihin mo dito narin siya mananghalian kamo, at malapit naring maluto yung nilagang baboy na niluluto ko." Sabi ni mama, late lunch na kasi, dahil halos late na rin silang gumising at late din ang almusal kanina.



Ilang minuto lang at pumasok na si Ben na may dala pang sampaguita at pulburon, at isang paper bag.



At pagkagwapo today ah, fresh na fresh na naka polo shirt na kulay dark blue, parang mag-aapply ng trabaho lang ang datingan ah!, Joke



"Para sayo Belle," sabay abot sakin nung sampaguita at pulburon." Alam niya kasi paborito ko, maayos ko naman inabot at inamoy yung bigay niya saka ko nilagay sa may altar, lumapit rin siya kina Papa at Mama saka nag-mano,
"eto po pindang damulag, gawa po ng tita ko, masarap po yan" sabay smile niya.




Laki ng tuwa ni Papa!! Kaloka,


"naku salamat! Paborito namin to eh, upo ka muna diyan iho, handa lang namin ang hapag kainan, dito kana mananghalian ha!" Saka na umalis si Papa papuntang kusina na hanggang tenga ang ngiti.



"Upo ka muna Ben," anyaya ko sa kanya, pero umupo siya sa may pahabang sofa kung san din ako nakaupo, medyo na awkward pa ako ng slight, e pano ba naman mga apat na dangkal lang ang layo namin sa isat-isa.



"Belle,?"tumingin ako sa gawi niya "sana dumating ulit yung pagkakataon na bumalik ulit yung closeness natin before, bago naging tayo." Said Ben, pero ang tingin niya nasa dalawang kamay niya na kanina pa niya kinikiskis ng marahan sa lap niya, halatang kabado talaga.




"Siguro darating din yung time na yun, pero Ben,parang ang hirap ibalik agad-agad" honest at seryoso kong sagot.



"I know Belle, kaya ko naman maghintay,
Belle, hangga ngayon kasi mahal—"ben said pero naudlot ang sasabihin niya ng umupo sa gitna namin si Natasha saka bigla hinawakan ako sa bewang at parang batang yumakap sakin.



"Kain na daw tayo" saka siya nag smile paharap sakin, saka siya lumingon kay Ben "oh? Ikaw yung kagabi diba? Andito ka pala? Anong sadya mo?"at talagang nakakunot pa ang mga kilay habang nagtatanong tong Natasha na to.


Napansin ko si Ben na medyo nagkamot ng ulo saka siya lumipat sa may katabing pang-isahang upuan.



Tiningnan ko lang ng masama si Natasha.. at tiningnan niya rin ako ng 'bakit? May ginawa ba akong masama?' look..



At dahil awkward ang pagkakapit sakin ni Natasha na parang talaba, ako na mismo ang pasimpling nagtanggal sa yakap niya.


"Ben, tara sa kusina? Dito kana mananghalian." I said to Ben and nag smile narin.




"Ok lang ba?" Asked Ben na medyo mukhang tensyonado, pero pinipilit paring ngumiti.



"Oo, eh andito kana eh" bulong ni natasha na dinig naman namin.


"Ben, halika na.." pagiiba ko ng usapan.


So yun medyo maluwag naman ang table at kasya naman kaming lahat, nagdagdag nalang ng upuan si Papa,yung dalawa kong bunsong kapatid at mga pamangkin ko sa may balkonahe nalang kumain.



At yung upo namin, nakapagitna ako ni Natasha at Ben sa harapan ko si Mama, si kuya Rhene at misis niya at syempre si Papa sa may pinakaunahan.


Si Natasha sineserve ako ng kanin at ng ulam, at ako sineserve ko si Ben, para hindi ma feel ang awkwardness.




"Alam mo ba Natasha," pangunang salita ni Papa, sabay tingin lahat namin kay Papa, para makitsismis sa sasabihin niya
"etong dalawang to nung mga kabataan pa nila, hindi mo mapaghiwalay, simula bata eh mga magkakalaro na, dito na nga halos tumira yan si Ben sa bahay."

Nag smile lang si Natasha pero nahahalata ko naman na hindi naman siya interesado tungkol samin ni Ben, si Ben naman pa smile smile lang at napapansin ko rin napapasulyap sakin.



"Kaya iho kahit hindi man kayo magkatuluyan ni Belle," pagpapatuloy ni Papa "eh parang anak ka narin naman namin, kaya anytime welcome ka naman dito"



Nagpatuloy lang mag kwento si Papa tungkol samin ni Ben nung mga kabataan, kaya tawa kami ng tawa sa kusina, si Natasha nakikismile lang pero alam ko naman kanina pa siya naiinis, kung yung iba madadala niya sa acting niya. Ako hindi, at alam ko ang totoo sakanya sa kabila ng mga ngiti niya,Nararamdaman kong may mali.



"Ah excuse me po, mauna na po ako sa kwarto. Nahilo po kasi ako bigla." Said Natasha.



"Naku ok kalang ba anak? Ang init kasi dito sa kusina eh," alalang tanong ni Mama.




"Ok lang po ako" she said and nagmadali ng umalis.



"Naku Ma, sundan ko lang saglit si Natasha,baka nahilo sa init dito, hindi kasi sanay" saka ako tumingin kay Ben "Ben saglit lang ha?" Tumango lang si Ben ng marahan.



"Pagdala mo na rin ng isang baso ng malamig na tubig," sabi ni Mama.



Kumuha lang ako ng isang basong tubig saka kona sinundan si Natasha sa kwarto.
Ni lock ko nalang din ang pinto.


Nakadapa ulit siya sa bed and nag dudutdut ng phone niya.



"Ok kalang ba?" I said pero hindi naman niya ako nilingon,Binaba ko nalang muna yung tubig sa side table saka ko siya tinabihan.
"Uyy? Ok kalang ba?" Saka lang siya sumulyap sakin at binaling ulit yung tingin niya sa Phone niya. "Uyyy!may kausap ba ako dito?hello!"


"Naku, dun ka na nga lang sa bisita mo, E mas mukhang enjoy na enjoy kapang kasama
Yung mukhang alkansya na yun eh." Saka lang niya ako tinalikuran.


Ni rotate ko yung katawan niya paharap sakin at dinikit ko yung upper body ko sakanya saka ko siya banayad na hinalikan pero mabilis lang
"Nagseselos ka?" I asked.


"Selos?huh!" Saka siya nag side ng tingin.


"Sorry ha, hindi ko naman alam na pupunta yan dito."




"Sabihin ko na kaya sakanya na tayo na?!"



"Oii! HuWag muna! saka bat ka magseselos dun? Ang tagal na naming wala nun, saka hindi ko na gusto yun noh,"



"Pero pwede pang magkabalikan diba? Eh halata namang gusto kapa niyan eh!"



"Uiii. Hindi naman sa ganun,saka kahit naman anu pang gawin niyan, hindi na ako interesado dun noh! Dahil syempre, sayo na kaya ako interesado" medyo mahina na yung huli kong sinabi kakahiya kaya, saka hindi ko naman ugali yung pa sweet na salita.



"Ano kamo?" Kunwari hindi narinig, e alam kong narinig naman niya "medyo hindi ko kasi narinig, pakiulit?"


Inirapan ko nga siya "sorry hindi ko na uulitin, sige na, nakakahiya naman kay Ben, kahit papaano bisita ko parin yun," saka na ako lalabas na sana pero hinapit niya ako pabalik sa kama, "ayy! Anu kaba naman!"




"No! Dito kana sa tabi ko muna," she said at ang kapit ng yakap sa likod ko, pati paa niya ay nakakapit sa bewang ko, habang parehas kaming nakaupo sa kama, Saka nakadikit yung ilong niya sa likod ko.



"Saglit lang kasi, babalik din ako agad" i said,
napakakulit naman nitong si Natasha,Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil sa reaksyon niya.




"O sige na nga, bahala ka na nga." Nagtampo pa talaga at dumapa ulit sa kama at nagdut-dut na naman ng phone niya.



Pero iniwanan ko rin at pinuntahan muna si Ben, bastos ko naman kung hindi ko entertain,kawawa naman.


Nasa living na silang lahat pati sina kuya at mga pamangkin ko, sabay pa silang napatingin sakin.


"Anak, ok lang ba si Natasha?" Alalang tanong ni Mama.



"Ok lang siya Ma, pahinga lang daw siya saglit." Saka nalang ako umupo sa may malapit kay Ben. "Ben?ok kalang? Pasensya na ha."




"Ok lang, ang init naman kasi talaga ngayun noh?" He said sabay smile niya At nawala na naman yung mga mata niya, kaya siya niloloko ni Natasha n mukhang alkansya haha
"ganda mo talaga ngumiti.."




Oh shit!. Anu nanaman kasing pinagiisip ko?!yan tuloy baka isipin nababaliw aKo
At bigla nalang ngumingiti, wala naman nKakatuwa sa sinabi niya eh.


"Sorry, may naalala lang ako,"
pagmamaang-maangan ko.




"Ok lang.." sabay ngiti niya ulit




"Hay nako Ma! Pa! Sa labas na muna kaya tayo? Nang makapag solo tong dalawa." Si kuya Rhene sabay tingin ng nakakaloko samin ni Ben, saka siya kumanta ng "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" Mali-mali naman ang lyrics ni kuya, Saka isa pa pangit kaya ng boses niya.


Yan tuloy, tinukso-tukso nanaman kami ni Ben.. at itong kapatid kong bunso, tinutulak-tulak pa ako kay Ben na halatang nang-aasar talaga.




"Uuuuuuuuyyyyyyy!!!!" Ayan inaasar nila ako.



But out of nowhere bigla nanaman sumulpot tong si Natasha, At pinilit umupo sa gitna namin ni Ben, at pinagsiksikan talaga ang pwet niya para makaupo siya ng maayos, At yumakap nanaman sa bewang ko at hinilig yung ulo niya sa may dibdib ko,Na parang batang naglalambing.



"Iha ok kana? Gusto mong malamig na tubig?" Si Papa, actually lumapit lahat sila malapit kay Natasha,dahil nagalala silang lahat.



"Opo,Ma! Pa! kuya, ok lang po ako,no need to
Worry, nahilo Lang po ng konti kanina, pasensya na po." Natasha said and smile, ayun nakuha nanaman sila sa ngiti ni Natasha.


Nagkwentuhan pa kaming lahat sa sala, at everytime na may sasabihin si Ben, e ito namang si Natasha agaw atensyon at todo kapit talaga sakin, Parang linta kahit pasimple ko ng tinatanggal ang pagkahawak niya,makulit talaga.



"Ah Belle?" Si Ben, "pwede bang yayain kitang kumain sa labas minsan? Don't worry friendly date lang naman, punta sana tayo sa mga places na dati nating—"




"Hindi siya pwede, dahil babalik na kami ng Manila." Si Natasha na ang sumagot at napatingin lahat kami sa kanya.



"Ate? Ok kana ba? Ok ka nabang bumalik sa Manila at magtrabaho ulit?" Tanong ng kapatid kong babae.



"Hah? Eh.." yan lang lumbas sa bibig ko eh kasi naman tong Natasha na to eh.


"Oo, kailangan na naming bumalik sa mga trabaho namin, lalo na itong si Rain, hindi pa tapos sa pinirmahan niyang kontrata,at pwede siyang makasuhan kapag hindi siya bumalik agad sa work." Said Natasha, At napaka seryoso talaga ng mukha.


Kaya nag-alala tuloy silang lahat sakin.


"Belle, ok kanaba talaga?"Tanong ni Papa na halatang sobrang nag-aalala.



"Opo pa, baka po sa makalawa napo ang balik namin." Sabay hawak ko sa noo ko, bigla kasing sumakit ang ulo ko kay Natasha.
Well anyway, posible naman ang nga sinabi niya, pero inassure naman ni Dani sakin, na walang magaganap na kaso,
Napatingin nalang ako ulit kay Ben at pinilit ngumiti.



"San sa Manila yung lugar mo Belle? Naghahanap kasi sina dad ng lugar na pwedeng pagpupuwestuhan ng ibang branch ng business nila, para dun nalang kami maghahanap malapit sa lugar mo." Sabay smile ni Ben.



"Naku iba-iba yung lugar ni Rain, wala pa naman kasing permanenteng tirahan." Saka niya inirapan si Ben, kakainis talaga tong si Natasha. Kaya tiningnan ko nalang siya ng masama.


"Its ok Ben, bigay ko nalang number ko sayo, tapos tawagin kita kapag may permanente na akong matitirhan, dun pa kasi ako nakatira sa dorm ng mga talent ng manager ko" i said kaya ngumiti na siya ulit.



"Hindi na niya kailangan malaman, dahil sakin ka titira, at mahigpit mga securities dun at bawal malaman ng iba kung san ako nakatira, for my own safety din, kaya i'm sorry Ben" naku umepal nanaman si Natasha.


"At sino naman may sabing titira ako sayo?" Hindi na talaga ako nakatiis magtanong.


"Ako! and whether you like it or not sakin kana titira, napag-usapan na namin nina Mama at Papa." She said saka tumingin sa gawi ng parents ko at marahan na sumang-ayon kay Natasha.


"Oo anak, mas mapapanatag kami ng Mama mo kung sakanya ka muna tumira lalo na at hindi namin alam ang magiging kalagayan mo pagbalik mo ng Manila,dahil baka madepress ka nanaman sa mga gustong manakit at mag down sayo, atleast kapag kasama mo si Natasha, alam naming nasa ligtas ka palagi."


At ayun ang haba ng diskusyunan,
umo-o nalang ako sakanila pero, NO! Ayoko humingi ng tulong lalong-lalo na kay Natasha, baka lalo lang akong diinan na 'USER' ng mga mababait kong mga basher.

*************************************************

Happy new year po sa lahat!!!
Sorry kung natagalan ang update at napakaboring nitong update ko ngayun.😔

Anyway.. sinong may gusto ng POV ni natasha?

Any suggestion?advice? Sa story na to?

Thank u po sa mga walang sawang pagtangkilik ng mga stories ko. Vote and comments nalang po sana. Para mainspired gumawa ng update ulit🙏🙏🙏

Continue Reading

You'll Also Like

49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
15.9M 781K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...