CHAPTER ONE
---
"Vannie, ano na namang trip mo?" Tanong sakin ng Kuya Yvan ko nang malaman nyang nagpaalam ako sa parents namin na babalik na ko ng Philippines.
"Kuya, I know that you'll miss me. Pero hayaan mo na ko." Sagot ko sa kanya.
I'm packing my things. Halos lahat, babalik na ko ng Pilipinas. Hindi naman sa nagsasawa ako dito sa California kaso basta. :)
"I guess Khloe's right. You're going back because you got a crush on her friend. Diba?"
That made me smile. Okay malandi ako. 1 and 1/2 lang naman. Pero yun na nga yung reason, bukod sa namiss ko ang Ate Khloe ko na nasa Pilipinas, nagkagusto kasi ako sa friend nya. I'll tell you all the story pagkatapos kong mag empake.
Bukas na kasi ang flight ko. Good thing na pumayag ang parents ko. College naman na ako so okay lang.
"Kuya, namimiss ko na si Ate Khloe, tsaka I'm a bit tired of seeing you always." Joke ko sa kuya ko.
Umarte pa syang na hurt sya. Pero after a while niyakap nya lang ako ng mahigpit. I'll miss him, Mom and Dad. Pero feeling ko nasa Pilipinas ang future ko. HAHAHAHA! :'>
---
"IT'S GOOD TO BE BACK!!" I shouted pagkalabas na pagkalabas ko ng eroplano. I don't know kung saan ko hinugot ang energy ko sa haba ng binyahe ko. Almost 12 hours akong nakaupo sa eroplano. Grabe!
I don't care kung pagtinginan ako ng mga tao dito sa airport. Basta masaya ako. Malapit ko ng maramdaman ang future ko. :""">
Namiss ko ang polusyon, ang mainit na panahon. I miss every little things here in Philippines. Incoming Grade 5 ako ng umalis kami dito at nag migrate sa Amerika. Pero once or twice a year bumibisita naman kami dito at para i-ckeck na rin si Ate Khloe.
Ate Khloe decided to left US nung matapos nya ang high school na ginagaya ko naman.
I looked at my phone. Hindi kasi ako masusundo ni Ate. May class daw sya. 8:30 kasi ang lapag ng eroplano ko dito sa Manila. Hinanap ko ang pangalan ng Condo kung saan nakatira ang Ate ko at ang magiging bagong bahay ko na din.
Hila hila ko ang sandamakmak na mga gamit ko at pumara ng taxi. Ugh hassle talaga.
I said the name of the place where my sister's condominium is.
After a while nakarating din kami nagbayad ako ng sobra kay Manong paano pinagbuhat ko sya ng mabibigat kong gamit nakakahiya naman.
Hindi ko matawagan ang Ate ko dahil hindi pa ako nakakabili ng bagong simcard. Pero sabi nya sinabi na daw nya sa babae sa Front Desk na if ever na dumating ako ibigay yung susi ng condo nya.
So lumapit ako sa babae sa Front Desk.
"Good Morning, Miss," light na bati nya sakin. Mukhang mabait din sya.
I smiled at her, "I'll get my sister's key." I told her direct to the point.
Ngayon ko lang kasi naramdaman yung pagod. Jetlag. Gutom. I don't know kung anong uunahin ko. Haaay!
"Ah yes, Maam. So you're Miss Khloe Zobel's sister?" I nod. "Can I have your ID, Maam. Just for verification?"
Mabilis kong kinuha yung passport ko. Yun kasi agad nakita ko. Umagree naman yung babae. After few verification. Binigay na nila sakin yung duplicate Key. Finally!
Nagpatulong na din ako sa mga luggage ko. Dahil hindi ko sila kayang dalhin lahat. Wag nyo na itanong kung ilan basta marami sila. :))
Nang makapasok ako sa condo ng Ate ko. Pakiramdam ko tinatawag ako ng kama. Kaso sa sofa ako dumiretso at inihiga ko ang katawan ko dun. I'm dead tired.
----
"Vannie, wake up." May naramdaman akong humawak sa braso ko. Pero nawala din agad kaya tinuloy ko ang pagtulog ko. "Hey, Vannie..." kaso inulit na naman ang pagyugyog sakin.
Pinilit kong imulat yung mata ko. Nakatulog pala ako. I looked around nandito pa din sa labas ang mga gamit ko.
"VANNIE!!" malakas na sigaw ang nakapag pagising sakin. Tinignan ko kung sino yun at...
"LORIANNE. OMGG!!!" i shrieked. My Best Friend's here. "I missed you luv!"
"I missed you too. God! you're so hot." She said. Natawa ako.
Lorianne is my best friend. Sa Cali kami nagmeet kaso lumipat sya dito sa Philippines nung mag Grade 10 kami. She's full blooded filipina dito rin sya pinanganak pero lumaki sya sa Amerika.
"Baby Vannie!" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang Ate ko.
"Ate Khloe. I missed you." I said then hugged her tight.
"I missed you to Van," she smiled at me. "Lalo kang gumanda ah." Sabi nya sabay hawak sa buhok kong ombre style, pink and golden blond ang highlights nito.
"Thankyou Ate. You too, you're pretty."
"How about me?" Narinig kong tanong ni Lori we all laughed.
"Ofcourse, you're pretty too."
---
Wala naman akong masyadong namiss na filipino food dahil nagluluto pa din si Mommy ng lutong pinoy kahit nasa Amerika kami.
"Good thing you decided to study here, Luv." Nakangiting sabi ni Lori. Habang kumakain kami ng Adobo. Luto ng Ate ko.
I smiled very wide naisip ko kasi ang future ko. Tumingin ako kay Ate i saw her looking at me too kaya kinindatan ko sya.
"Ofcourse. I missed both of you. Tsaka maiba lang hehehe."
I'll tell her my another reason of studying here but not now. Maybe soon. :D
"Ate I need to buy simcard. Let's go malling."
She just nod. Maaga pa naman 4pm pa lang. At ang haba pala ng tulog ko.
After kumain dumiretso kami sa Mall. Hindi ako mag sa-shopping dahil medyo madami na akong damit. Gusto ko lang maging familiar sa bagong surroundings ko.
Bumili na din ako ng bagong sim. Si Lori ang nag shopping.
"Vannie," akbay sakin ni Ate. Nilagay ko yung kamay ko sa bewang nya. Close kaming magkakapatid. We're clingy when it comes to each other.
"I thought you're just kidding me when you said that your going here in Phil." sabi nya habang sumusunod kami kay Lori na busy sa pagpili ng mga kung anu-ano.
"What? Ang serious kaya ng face ko nun Ate. Grabe ka!" Natawa kaming pareho.
"Tss. Paano akong maniniwala e, nung sinabi mo na crush mo yung kaibigan ko parang pabiro lang."
Natawa ako at kinilig. Oh my future! Hihihihihi. One time kasi nung nag check ako ng Facebook ko i saw my Ate Khloe's latest post. Picture yun. May mga kasama sya boys and girls. Pero isang lalaki lang ang naka catch ng attention ko. Si Future ko!
Basta sya lang talaga ang tinignan ko nun. Tapos tinawagan ko sa skype ang Ate ko. I ask my Future's name. At pati pangalan nya gwapo.
That's when I decided to continue my studies here in Philippines. Nagpakabait ako sa California habang pina-practice ko ang mga sasabihin ko sa parents ko.
Buti na lang talaga mabait ang Mom and Dad ko at pumayag sila agad. Woohoo! Kaso namimiss ko naman sila lalo na si Kuya. Wala na akong makakasama gumimick every night. Haaay!
"Ate it's not joke ano ka ba! Na-fall-at-first-sight ako sa kanya. Grabe kasi yung mata nya ang expressive. Gosh." Kinikilig pang sabi ko.
Tinignan ko si Lori ang dami dami na nyang bitbit grabe talaga tong babaeng to.
Binatukan ako ni Ate at tinignan ko naman sya ng masama. "I told you may girlfriend na yun."
Yun lang ang bad news kay future ko. May girlfriend sya. Nung sinabi ni Ate yun napasimangot ako pero sabi ko okay lang gusto ko lang syang makilala.
Tsaka girlfriend pa lang naman maghihiwalay din sila. XDD
Hindi ko na lang pinansin si Ate. Medyo nabadtrip ako e. Huhuhu! Buti na lang nasa shoe section na si Lori mabilis akong lumapit sa kanya at nakipili.
Shoes are my stress reliever. Pag nakakakita ako ng sapatos na magaganda gumagaan ang pakiramdam ko.
Kaya ayun nakabili ako 3. 1 Flats and 2 Jimmy Choo na may heels.
Doon na din kami nag dinner sa mall. Kahit papaano gumaan na yung pakiramdam ko nakabili na ko ng bagong sapatos e. :)
"Kelan ka pala papasok sa school Luv?" Tanong sakin ni Lori habang kumakain kami.
"I don't know," lumingon ako kay Ate. Nung sinabi ko kasi na dito na ko mag aaral sya na ang nag ayos ng mga requirements ko. "Ate?"
"Pumasok ka na bukas. Two weeks ka ng late sa mga classes mo. I'll give you your class schedule later. Engineering ang course gaya ng sabi mo. Diba?"
I nodded.
"Wew. Engineering. Math. Ka stress." Nanginginig kunwari na sabi ni Lori kaya natawa kami ni Ate. "Sabay tayo mag lunch tomorrow, Luv huh? We need to catch up." Kindat sakin ni Lori. Natatawang tumango na lang ako.
Nang mag gabi na nag decide na kami umuwi.
"Grabe ang dami mong gamit." My sister said once we enter her condo.
Nasa sala pa kasi yung mga luggage ko. Tapos may bitbit pa akong mga bagong sapatos.
"Si Kuya kasi ini-spoil ako sa mga hilig ko." I told her.
Tumawa sya, "Si Kuya talaga." Napapailing na sabi nya.
If you're wondering si Kuya Yvan ang panganay namin, he's already working. 3 years ang gap nila ni Ate Khloe and 2 years naman ang sa amin ni Ate.
"This will be your room," Sabi sakin ni Ate nang makapasok kami sa isang kwarto mukhang pinaayos nya na yun. "Actually storage room ko to. Pero nung sinabi mo na Mom and Dad agreed to continue your studies here pinaayos ko sya sa kaibigan kong Interior Designer. Oh diba bongga!" Natatawang sabi pa ni Ate.
I look around maganda yung room. Color pink, favorite color ko. Medyo malaki din sya.
"Wala syang Bathroom sa loob. Pero yung tabi nito yung Common Bathroom." Turo pa ni Ate yung direksyon.
"Okay lang Ate. Thanks."
Nagpaalam na sakin si Ate. Tapos ako naman nagsimula nang mag un-pack ng mga gamit ko.
Papasok na ako bukas, nae-excite ako na kinakabahan. Excited akong makita ang future ko! Kaso kinakabahan din ako baka makita ko yung girlfriend nya e. :( Tsaka baka wala akong maging kaibigan na bago. Haaay!
Maya maya narinig kong kumatok si Ate. Ni-lock ko kasi yung pinto.
"Ate, i thought you're sleeping na."
"Hmm. Bibigay ko lang tong schedule mo tsaka yung mga kakailanganin mo bukas." Kinuha ko yung inabot nya sakin. "Sabay din tayong papasok bukas since hindi mo pa alam kung saan ang school natin."
Tumango ako kay Ate. "Thankyou, Ate."
After nun, umalis na din si Ate at nagpatuloy ako sa pag un-pack ng mga gamit ko. Halos hindi pa ako nangangalahati. I looked at my watch, it says 9:30.
I decided to continue unpacking tomorrow, may jetlag pa din kasi ako, i need rest.
---
*TOK TOK! TOK TOK!*
"Vannie! Are you ready?"
Marami akong narinig na katok. Pero antok na antok pa talaga ako.
"VANNIE!! *Tok tok tok*" Napabangon ako ng mabilis dahil sa sobrang lakas na mga katok sa kwarto ko.
I looked at my Clock 8 AM pa lang. Tsk! Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko only to find out my sister na malapit nang mag transform into a Monster.
"Good Morning Ate." I said then hugged her kiniss ko rin sya sa cheek.
Ganito ako sa Cali, isa yan sa mga ugali ko I'm sweet. Kahit kanino. Mukhang kumalma na din yung Ate ko kasi niyakap nya din ako.
"Good Morning, Baby. Mag ready ka na. May class ka ng 9 AM for sure mali-late ka na nyan." Napabuntong-hiningang sabi nya.
Tumango na lang ako. At tsaka mabilis na gumalaw, kaso kulang ata yung bilis ko dahil almost 9 na ko natapos. Chineck ko na rin kung dala ko yung mga dapat kong dalhin.
Good thing about my new school there's no school uniform. You can wear anything. Kaya todo porma ako hihihi.
"Ate may class ka din?" I ask my sister habang papunta kami ng school. Si Ate ang nagda-drive.
"Wala, Baby kaso may group project kami. Mag mi-meeting kami. So ihahatid lang kita sa classroom mo. Nakalagay naman sa schedule mo yung classroom mo and name ng professor mo." Tumango ako. Nililibot ko din yung tingin ko.
"Gosh sana hindi ako maligaw." I said.
Tumawa si Ate, "Daanin mo sa charm, maraming mabait sa University you can always ask for help. And every building has a school map." Pag aassure sakin ni Ate.
Medyo malapit lang yung school namin. Mabilis na nag park si Ate nagtext na daw kasi mga groupmates nya kaya ayun mabilis din nya kong hinatid sa classroom ko.
"Okay, Baby. Good luck and enjoy okay?" Sabi ni Ate nung nasa harap na kami ng classroom ko.
Tumango ako at humalik sa pisngi nya. "Thanks Ate. I'll text you pag may problema ako."
"Okay, Bye."
Nang makaalis si Ate. Nag inhale exhale muna ako ng tatlong beses bago kumatok sa pintuan, sarado na kasi sya e. Algebra ang class ko dito 3 hours.
"Yes?" Tanong ng professor ko pagbukas nya ng pinto. Ang pogi nyaaa! Hala, gaganahan ata akong pumasok sa class nya everyday.
"Uh, good morning, Sir." Bati ko sabay pakita ng class schedule ko sa kanya.
"You're my student. Come in." Pagsabi nya nun. Pumasok na ko.
Kinakabahan ako. Karamihan ng classmate ko ay lalaki. I settled my self in the middle row. Ayoko ng masyadong malapit ayoko din ng masyadong malayo.
"So Miss...?"
"Savannah Zobel, Sir." Dugtong ko sa professor ko mukhang marami syang itatanong. Kainis!
"Hmm. Zobel? How are you related to Khloe Zobel?" Tanong nya sakin. How does she knows my sister.
"Ate ko po."
Tumatango tango sya. "I see. Bakit ngayon ka lang nagpakita dito sa class ko? You're almost two weeks late."
"I just arrived from California yesterday, Sir."
Tumango lang sya tapos di na nagtanong. Nag proceed na sya sa pagdidiscuss buti na lang at hindi pa masyadong malayo ang topic na dini-discuss ni Sir Jason. Nakita ko sa class sched ko pangalan nya hehehe.
I looked around, medyo madali pa kasi ang tinuturo ni Sir. Naituro rin yan sa school na pinanggalingan ko nung high school sa Cali.
I saw group of guys looking at me. Nung napatingin ako sa kanila ngumiti sila sakin, kaya nag smile din ako sa kanila.
May group of girls din na sumsulyap sulyap sakin. Argh! Ganito ba talaga pag bago. Duh! As if naman magkakakilala na silang lahat. We're all freshmen kaya.
"Hi." Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Nagsmile sya sakin. "I'm Katherine."
"Savannah." Nakangiting pagpapakilala ko sa kanya.
She's nice and madaldal. Kahit ngayon lang kami nagkakilala ang dami na agad nyang kwento kaya hindi ko namalayan na nag dismiss na pala si Sir.
Paalis na sana ako para sa next class ko nang i-approach ako nung mga lalaking classmates ko.
"Hi, Savannah." Masayang bati nung isa sa kanila. They are four. "I'm Roman." Sabi nya sabay offer ng kamay for a hand shake which i willingly took.
Hindi ko na rin kailangan magpakilala dahil alam na nila ang pangalan ko.
"My friends, Kenneth, John and Jaguar." Pakilala pa nya sa tatlong kasama. Binatukan sya nung huli, si Jaguar. Such a cute name.
"JJ lang itawag mo sakin, Savannah ha?" Pakiusap pa nya. I laughed.
"Nice meeting you guys. I have to go hahanapin ko pa ang next class ko e."
"We can accompany you. Wala pa kaming class e." Offer ni Kenneth.
"Sus mga damoves nyo alis na, ako na bahala kay Savannah." Pang aasar ni Katherine sa kanila.
"Sungit!" Sabi nila tapos umalis na. I waved them a goodbye.
"Savannah-"
"Vannie na lang," putol ko kay Katherine.
"Ay, Vannie. Yung class natin kay Sir Jason ang Block natin." Tumango ako sa kanya tapos tinignan nya yung sched ko. "Nice we're almost classmate sa lahat, blockmates pa. Ang saya!" Energetic na sabi nya.
Natuwa naman ako kasi kahit papano hindi na ko mahihirapan sa paghahanap ng mga classroom ko. May kasama na ako.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano ni Erin. Yun na lang daw itawag ko sa kanya.
Nang lunch na, iniwan ako ni Erin sa Cafeteria dun kasi kami kakain ni Lori si Erin naman may hahanapin daw na kaibigan.
Kahit papano may mga nakikilala na rin ako sa bawat subject ko. Yung karamihan blockmates ko din.
Pagpasok ko ng cafeteria nakita ko kaagad si Lorianne. Sya lang mag isa, papalapit na sana ako sa kanya nung mapatingin ako sa katabing table nya...
ANG FUTURE KO!
---