Oh Sehun's Child

By dyonn1e

701K 23.1K 7.2K

Oh Sehun has two secrets: one was he had never been single in his entire idol career as opposed to what the w... More

prelude
intro
01
02.
03.
feel d' fury
04.
05.
06.
07.
08.
09.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
21.
22.
shameful promotion
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.
42.
43.
44.
45.

20.

10.8K 402 86
By dyonn1e

don't demand me to update, if you don't want me to demand you to leave a comment.

  

twenty.

 
   
   
Nakakunot ang noo ko habang tinitignan ko si Luhan hyung. Nawiwirdohan na kasi ko sa kanya. Simula nang pumasok kami sa elevator dito sa hotel kung saan kami nagcheck-in ay bigla bigla na lang siyang hindi mapakali. Namumutla pa si hyung at halata mong pinagpapawisan siya kahit na hindi naman mainit dito.

    
"Hyung," tawag ko sa kanya at mabilis na lumingon naman siya sa akin. "Ayos ka lang ba talaga? Pinag-aalala mo naman kami eh."

  
Kami kasing tatlo ni Lay hyung yung bumili ng midnight snack ng grupo at pabalik na kami ngayon sa unit namin. Kanina rin nung paalis kami, ganyan siya. Ilang beses na nga rin siya tinanong ni Lay hyung kung ayos lang ba siya. Paulit-ulit at iisa lang din yung sinasagot ni Luhan hyung kaya napaniwala na rin siguro niya si Lay hyung.

    
Sanay naman kaming lahat na sinasabi ni hyung na hindi siya komportable kapag nasa elevator kami, pero iba yung kilos niya kasi ngayon.

   
Ngumiti si Luhan hyung, "Ayos lang talaga. Ano. . . naiihi lang ako. Kanina pa," nauutal na sagot niya. Bumuntong hininga ako at hinayaan na lang. Baka kasi naiihi lang talaga siya at napa-paranoid lang kami.

    
Ilang sandali pa ay tumigil na rin yung elevator sa floor kung nasaan yung unit namin. Nauna kaming lumabas at nauna na rin akong naglakad sa kanilang dalawa. Tatawagan kasi kita. Iche-check ko lang kung kamusta ka na. Yung huling pag-uusap kasi natin, sabi mo, masama yung pakiramdam mo.

    
"Hello. . ?" bungad mo sa kabilang linya. Masama nga pakiramdam mo. Hindi naman ganyan yung una mong sinasabi kapag tumatawag ako eh. "Sino 'to?" Oh tignan mo. Hindi mo pa tinignan 'yung caller ID.

    
"Holdap 'to. Akin na puso mo," ang tanging sagot ko na lang. Narinig kong tumawa ka ng mahina at saka nagsalita. "Ahh. . . Sehun-ah."

   
"Sinong Sehun? Holdap nga 'to," walang ganang sabi ko naman pero naka-ngiti na ako. Lumingon ako sa likod ko para tignan kung malapit lang ba yung distanya ko kila hyung at buti naman ay medyo malayo.

   
Narinig kong bumuntong hininga ka at sinabing, "Sige na nga. Oh. ayan na. Iyong-iyo na," sabi mo na may tonong sumusuko na. Napalawak yung ngiti ko habang sinusuklay ko yung buhok ko gamit yung mga daliri ko.

   
"Tama na 'to, kinikilig na ako," seryosong sabi ko pero naka-ngiti pa rin. Eto na naman tayo. Napalakas naman yung sagot mo. "Kadiri 'to!!!" Tumawa ako ng mahina at ganun ka din.

   
"Kinikilig ka lang eh," pang-aasar ko. Nag-react ka pa pero hindi ko na pinansin yun at nagsalita ulit. "Kamusta ka na? Okay ka na ba? Ano ba kasing nangyari sa'yo?"

   
"Medyo okay na," naka-hinga naman ako ng maluwag dahil sa sinagot mo. Buti naman. Ayoko ng nagkaka-sakit ka kasi grabe ka kapag nilalagnat ka. "Pero ang init ng lalamunan ko. Feeling ko nasusuka ako. Pero hayaan mo na, feeling ko lang naman yun," dagdag mo pa tsaka tumawa ulit ng mahina.

    
"Pacheck-up ka na," sabi ko.

   
"Okay na nga ako! Baka naparami lang ako talaga ng kain. Kasi nga, 'di ba? Ang takaw namin nitong mga nakaraang araw," pagtanggi mo. Ang tigas-tigas naman ng ulo mo. Bumuntong hininga ako. "'Pag may nangyaring masama sa'yo, kokotongan kita ah."

    
"Wow! Sweet mo ah," sarkastikong sagot mo. Bumalik ulit yung ngiti ko sa tono ng pananalita mo. Siguro nga okay ka na. Namimilosopo ka na eh. "Ay, Sehun-ah!" Bigla mong sabi.

   
"Ano po?" Tanong ko.

   
"Err," mukhang nagdadalawang-isip ka pa kung sasabihin mo ba o hindi. "Nandito sila tita Ara. Natatandaan mo pa sila?" Sambit mo at napakunot naman 'yung noo ko. Um-oo ako at nagpatuloy ka na sa pagsasalita. Sabi mo, biglaan silang dumalaw at hindi niyo alam nila mama.

   
Oo naman, Nite. Natatandaan ko pa sila. Sila 'yung unang nakahalata na may gusto ako sa'yo nun eh. Sila Tita Ara at Tito Jin. Kapatid at best friend ni mama mo si tita Ara. Nung unang dumating sila dito sa Korea ay nakilala ko na rin sila. And then the rest is history.

   
"Silang dalawa lang?" Tanong ko. Sandali kang napatigil hanggang sa masalita ka ulit. "Hindi eh. . . Kasama nila si kuya *Rifle," sagot mo.

   
Si Rifle hyung? Ibig sabihin kasama rin si Terrence?

   
"Pati si Terrence?" Tanong ko ulit at um-oo ka.

    
Napa-ngiti ako ng mapait. Best friend ni Rifle hyung si Terrence. Pangalawang kapatid mo si Rifle hyung. Hindi magaan yung loob ko kay Terrence. Ayaw nun sa'kin eh. Edi ayoko rin sa kanya. Hindi niya man ipahalata. Ramdam ko naman. Alam ko kung ayaw sa akin ng isang lalaki ulit, lalaki din ako eh. Napatunayan ko naman na sa'yo, 'di ba? Haha

   
Matagal tayong nanahimik hanggang sa tinanong ulit kita, "Paano ako pupunta dyan?"

   
Hindi kasi ako makakapunta sa inyo nang may ibang tao. Alam naman nila yung tungkol sa atin bago ako mag-debut, pero delikado pa rin. Balak ko pa naman sanang pumunta sa inyo bukas pagkabalik namin galing dito sa Singapore at pagkatapos ng meeting namin sa SM building. Pero mukhang hindi ata ako makakapunta.

   
Hindi ka pa man nakakasagot ay narinig ko 'yung sigaw ni Lay hyung, "Yah!!! Sehun—" Napa-kunot ang noo ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko nang maka-lingon ako sa kanila.

   
Si Luhan hyung. . . nakayuko siya habang nakaluhod na sa sahig at mahigpit na naka-kapit yung kanang kamay niya sa dibdib niya at yung kaliwang kamay naman niya ay madiin na naka-kapit sa binti ni Lay hyung.

   
Mabilis na tumakbo ako papunta sa kanila. Nagtanong ka pa kung ano'ng nangyari pero nagpaalam ako agad sa'yo at pinutol ang tawag. Nang makalapit ako ay tarantang-taranta na 'ko. Sobrang namumutla si Luhan hyung at nakita kong nangigitim yung ilalim ng mga mata niya nang tignan niya ako. Si Lay hyung, nanlalaki yung mga mata niya at hindi alam ang gagawin.

    
"H-hyung, ano'ng nangyari?!" Tanong ko habang inaalalayan si Luhan hyung para umayos ng tayo. Luminga-linga ako para tignan kung may nakakita ba sa'min, pero buti na lang at wala akong nakita. Nilagay ko yung kaliwang braso ni Luhan hyung sa balikat ko at ganun din yun ginawa ni Lay hyung sa kanang braso niya.

    
"Hindi—hindi ko alam! May binu-bulong siya kanina tapos hindi ko marinig. Ta's eto na, bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad tsaka nanlambot," nauutal na sabi ni Lay hyung.

   
Inayos ko yung pagkaka-alalay ko kay Luhan hyung at bumulong sa kanya, "Sandali na lang, hyung. Malapit na tayo."

   
Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Ngayon lang 'to nangyari kay Luhan hyung at nakakainis dahil kanina pa namin siya kasama pero hindi namin alam yung nararamdaman niya. Sabi ko na kasi eh! Sabi ko na nga ba, may mali sa kanya! Bakit ba kasi naniwala ako agad sa kanya na naiihi lang siya?!

   
Nauutal at hirap na bumulong si Luhan hyung, "A-ayoko dito. Ayoko na d-dito."

  

    

    

   

   

   
"Oh? Ano na namang sini-simangot ni Sett?" Salubong ni Jongdae hyung habang sinusundan niya ng tingin ang naunang naglalakad na si Sett. Nagkibit-balikat ako kasabay ng pag-angat ng kaliwang kilay ko. "At bakit naka-simangot ka rin?"

   
Inikot ko yung mata ko at sinabing, "You know who."

    
"Ah," tumatango-tango na sabi ni Jongdae hyung. Ibig sabihin, alam na niya yung tinutukoy ko. "Nite."

    
Nginisian ko siya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad at siya naman nagpunta ng kusina. Umakyat na rin ako para tignan kung nasa kwarto ba si Sett kasi umakyat siya. Nang buksan ko naman yung kwarto namin, wala siya dun. Paniguradong nandun siya sa kwarto ni Suho hyung.

   
Sinilip ko yung kwarto ni hyung at hindi nga ako nagka-mali. Hindi ko pa nabubuksan ng tuluyan yung pinto pero naririnig ko na yung boses ni Sett.

   
". . .eh kasi naman hyung! Nagseselos po siguro si daddy kasi nilalayo niya ako kay Nite ko eh!!!"

  
Napa-taas yung kilay ko sa narinig. Ako? Selos? Siraulo na nga talaga 'tong anak ko. Kung anu-ano nang naiisip eh. Sino kayang nagtuturo dito? Paniguradong si Chanyeol hyung dahil siya naman kasi palagi yung kasama ni Sett. Tsk, hyung.

   
Narinig kong tumawa si Suho hyung at narinig ko rin yung boses ni Kyungsoo hyung at Baekhyun hyung. "Ano ka ba? Saan mo naman nakukuha 'yan?" Tanong ni hyung tsaka tumawa ulit.

   
Hindi ko na hinintay na sumagot si Sett kaya sinara ko na ulit yung pinto at tinawa si Sett galing sa labas ng may seryosong boses. "Sett Jarvis."

   
Narinig ko pa siya na sinabing, "Hala hala, hyungs! Baka pagalitan ako ni daddy, sinamaan ko po siya ng tingin kanina!" Napa-ikot na lang yung mata ko dahil halata pa sa tono ng pananalita niya na natuwa siya sa ginawa niya. Siraulo talaga.

    
Maya-maya lang din ay lumabas na si Sett. Naka-yuko siya tapos dahan dahan yung paglalalad niya palabas. Santalang ako, naka-ekis yung dalawang braso ko at naka-tingin lang sa kanya.

   
Magsasalita pa lang ako ng unahan niya ako, "Ano, daddy, itatakwil mo na po ba ako?! Ayaw mo na po sa'kin, Dad? Sino na po magiging daddy ko? Ayaw ko po ng ibang daddy!" Sunod-sunod at mabilis na sabi niya habang kinukusot-kusot yung mata niya.

   
Napakunot yung noo ko. Oh? Kanina lang nakikipag-tawanan pa siya kila hyung tapos ngayon naiiyak na siya? Natututo nang magpaawa si Sett ah.

    
"Ano'ng pinagsasasabi mo? Gusto mong itakwil kita?" Naka-taas ang kilay na tanong ko. Mabilis naman niyang tinigil 'yung pagkusot ng mga mata niya. Umiling-iling siya habang naka-nguso tsaka sinabing, "Hindi po!!! Sino pong may sabi?! Nagready lang po ako kasi sabi ni Kyungsoo hyung itatakwil mo na daw po ako," naka-ngusong sagot niya.

Kung hindi lang ako naggagalit-galitan, baka kanina pa ako natawa sa itsura ni Sett at sa sinabi sa kanya ni Kyungsoo hyung. Siraulo talaga yun si hyung.

   
Kinagat ko yung loob ng pisngi ko at pinigilan yung sarili na matawa. "Oh. Eh bakit ka nagso-sorry?"

    
Mas lalo namang humaba yung nguso ni Sett. Ano ba 'to? Gaano ba kahaba yung nguso ng anak mo?

    
"Kasi po sinamaan po kita ng tingin tsaka nagdabog po ako," sagot niya ulit. Kinamot-kamot niya yung kaliwang palad niya. 'Yan yung madalas na ginagawa niya kapag nagso-sorry siya at alam niyang mali siya. "Sorry na po, daddy."

   
Unti-unting lumalambot 'yung tono ng pananalita ko. "Eh bakit kailangang magsorry?" Tanong ko ulit.

  
"Kasi po. . ."

    
"Kasi po. . ?" Pag-uulit ko sa sinabi niya at hinintay ang kasunod nito.

  
". . .kasi po bad yun." Dugtong niya. Tuluyan naman akong napa-ngiti. At least, kahit makulit at matigas ang ulo ni Sett, alam pa rin niya kapag mali siya at marunong siyang magsorry.

   
"Oh, 'di ba bad 'yon? Kaya 'wag mo nang uulitin ha? Kasi daddy mo ako. Kahit kila hyung, 'wag mong gagawin 'yun. Kasi mas matanda sila sa'yo. Okay?" Pangangaral ko. Tumango-tango siya at naupo na ako hanggang sa kapantay ko na siya. "Hug mo na si daddy," sabi ko pa tsaka lumapit sa akin si Sett para yakapin ako.

    
Habang magka-yakap kami, bigla-bigla siyang nagsalita. "Daddy, pinapa-iyak mo naman po ako eh," nagbibirong sabi niya at pabirong binatukan ko naman siya. "Siraulo."

    

   

   

  

  

  

  
"Hyung. . ?" Pagtawag ko kay Luhan hyung habang kumakatok sa pintuan ng kwarto nila ni Minseok hyung. Narinig kong sinabi niyang hindi naka-lock yung pinto at pumasok na ako. Pagpasok ko, nadatnan ko si Luhan hyung na nagbabasa ng libro.

   
"Hi, Sehunie," tahimik na bati niya sa akin. Tahimik na ngumiti naman ako at naupo sa katabing upuan ng kama ni hyung. "Luhan hyung," panimula ko.

   
"Hm?" Tanong ni hyung at tumingin siya sa akin. Huminga naman ako ng malalim bago magsalita. "Sorry hyung, ah? Hindi man lang namin alam yung nangyayari sa'yo kanina."

     
Anxiety attack kasi pala yung nangyari kay hyung kanina. Yung parang napa-paranoid siya na baka may mangyaring masama sa kanya sa loob ng elevator kahit wala naman. May nagpunta kasing medic dito sa amin kanina at sinabi niya na nagka-anxiety attack daw si Luhan hyung dahil sa fear of heights niya. Hindi naman daw malala yung anxiety attack pero nagdudulot daw kasi yun ng paranoia at pakiramdam ng pagsusuka tsaka panghihina.

   
Nakaka-inis nga kasi hindi ko man lang alam na ganun na pala yung nangyayari kay hyung. Ano ba naman kasing alam ko sa mga ganyan? Ni ayoko ngang mag-doktor.

     
Tsaka yung huling linya ni Luhan hyung bago kami makapasok sa unit namin. . . pina-kaba ako nun eh. Akala ko kasi ayaw na niya, as in ayaw na niya sa grupo kaya niya nasabi yun. Ayun pala, ang ibig niyang sabihin, ayaw na niya sa building na 'to dahil nga mataas.

   
Ewan ko ba. Basta, ayoko nang maulit yung dati. Yung may aalis. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa'kin kapag may umalis na naman na isa sa amin. Baka dumoble yung sakit na mararamdaman ko nung umalis si Kris hyung. At napaka-sakit ng pag-alis niya kaya hindi ko na alam yung mangyayari kapag naulit ulit. Sana 'wag na.

    
Ngumiti lang ulit si hyung tsaka tinignan ako na para bang tinatanong kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. "Ano ka ba? Ayos lang yun. Kasalanan ko rin kasi hindi ko sinabi sa inyo," sagot niya.

    
Kinamot ko yung ulo ko, "Eh bakit kasi hindi mo sinabi, hyung? Ilang beses naman kaming nagtanong."

     
Tumawa ng mahina si Luhan hyung tapos sinara niya yung librong binabasa niya, "Kasi akala ko, kaya ko. Kasi nga, 'di ba? Kaya ko naman dati eh. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nakaya kanina."

    
"Kaya hyung, sa susunod, sabihin mo na. Para hindi na kami sobrang mag-aalala at para hindi na rin maulit yung nangyari kanina," sambit ko at tumango naman si hyung.

     
"Sige, sa susunod. Pasensya na ulit." sabi niya. Nag-usap pa kami ni hyung at sabi niya pa, magpapacheck-up daw siya sa doctor niya pagbalik namin sa China para sa susunod na concert namin dun. Sinabi ko naman na magandang ideya rin para malaman niya kung paano niya na maiiwasan yung anxiety attack at yung ibang pwedeng mangyari sa kanya.

    
Kinabukasan, maaga kaming umalis sa Singapore at pagkarating na pagkarating namin sa Incheon Airport ay dumeretso na agad kami sa SM Building para pag-usapan yung tungkol sa susunod na comeback namin. Baka magka-comeback kasi ulit kami pero hindi ko alam kung kelan. Kung mapag-usapan man namin at maayos yung paguusap, baka sabihin ko sa'yo. Kaso 'wag na lang pala kasi paniguradong maa-atat ka tapos aawayin mo na naman ako. Ganyan ka eh.

    
Habang naguusap-usap sila, pinagiisipan ko kung ite-text ba kita. Kaso naisip kong 'wag na lang dahil may klase ka na at ayaw naman kitang istorbohin sa pag-aaral mo.

   
Ilang oras lang din yung tinagal ng paguusap. Final na, Nite. May comeback nga kami.

    
Tahimik na naglalakad lang ako at naka-sunod kila hyung nang may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Irene noona. Leader siya ng bagong female group ng SM. Magka-sundo kaming dalawa kahit pa mas matanda siya sa akin ng ilang taon. Minsan nga, inaasar niya oa ako na sunbae raw niya ako. Nakaka-ilang nga kasi isa sa mga noona ko na kaka-debut lang, tinatawag din akong sunbae.

    
Tumigil ako sa paglalakad at lumapit siya sa akin. Nag-bow kami sa isa't isa at binati ko siya.

   
"Kamusta?" Naka-ngiting tanong niya. Tinuloy na namin yung paglalakad habang nag-uusap.

   
"Ayos lang naman, Noona. May comeback kami. 'Wag mong ipagsasabi ha?" Bulong ko sa kanya at napa-ngiti naman siya.

   
"Talaga? Edi maganda. Mag-iingay na naman ang Exo sa industriya," sagot niya tsaka tumango ako. "Pero alam mo naman na hindi ayun yung tinutukoy ko." Dagdag niya tsaka nang-aasar na nginitian ako at kinindatan.

   
Napa-kunot naman yung noo ko, "Noona, sorry. Hindi ko nagets."

   
Napa-ikot yung mata niya sa sinagot ko tsaka pabirong binatukan ako. "Pabo. Si Nite!" Nanlaki yung mga mata ko nang banggitin niya 'yung pangalan mo kaya dali-dali akon nagpalinga-linga at sinabing, "Ha? Nasaan?"

   
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Awww, kayo pa rin?" Napatigil naman ako sa sinabi niya at doon ko lang naalala na alam din pala ni Irene noona yung tungkol sa atin.

   
Oo, Nite. Alam din ni Noona. Matagal na kasi siyang trainee at kaibigan ko na siya nung trainee days pa lang at nung kahit hindi pa nagiging tayo. Hindi ko siya nababanggit sa'yo pero ikaw palagi kitang nababanggit sa kanya noon. Nung mga panahon na sobrang nalilito ako kasi hindi ko alam kung gusto na ba kita noon. Pati nung sigurado na ako na gusto nga kita pero natatakot akong umamin sa'yo kasi akala ko nga nun tomboy ka. Halos lahat na ng nararamdaman ko para sa'yo alam niya. Gustong-gusto ka nga niyang maging kaibigan pero kasi wala siyang oras.

    
Hindi ko pa nasasabi sa'yo na may iba pang nakaka-alam ng tungkol sa'tin bukod kay Chanyeol hyung at Baekhyun hyung. Pero botong-boto siya sa'ting dalawa. Bagay na bagay daw tayo. Biruin mo yun? Hehe.

   
"Oo nga pala, 'no? Alam mo," sabi ko tsaka kinamot yung batok ko. "Ayun, sobrang okay kami. Two years going on forever," sagot ko sa tanong niya kanina haban nagkibit-balikat pa at saka tumawa. "Corny nun, kalimutan mo na yun."

    
Tinakpan naman niya yung bibig niya na para bang nagpipigil siya ng kilig. "Ang sweet mo! Sana kayo na talaga," sabi niya habang niyuyugyog ako.

    
Tumawa ako ng mahina. Sana nga.

   
"Tsaka ipakilala mo na kasi ako sa kanya! Ilang taon mo na siyang mahal at ilang taon ko na ring alam na mahal mo siya tapos hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakikita!"  Reklamo niya pa tsaka sinamaan ako ng tingin.

   
Pinaningkitan ko siya ng mata tsaka nagsalita, "Kilala ka na niya ah!" Tapos bigla namang nawala yung pagtingin niya sa akin ng masama. "Nasabi mo na?" Tanong niya.

   
Umiling ako. "Hindi. Kilala ka na niya kasi 'di ba, nag-debut ka na?"

    
Mabilis na hinampas naman niya ako. Nako! Kung hindi lang talaga parang totoong noona yung turing ko rito kay Irene noona baka sinungitan ko na 'to! Ikaw lang yung pwedeng manakit sa'kin 'no! "Hindi naman yun! Yung pakilala bilang unnie na niya."

   
Napansin kong nasa tapat na pala ako ng kwarto namin kaya nagsalita ako. "Oo na, oo na. Next time na!"

   
Dinilaan niya ako tsaka kinurot yung pisngi ko. "Next time ha!"

   
--------------------

*Rifle — read as 'Ry-fell'

dedicated to twitter users; @ohseuhns & @ohanlu. I've read their conversation in twitter and they're talking about OSC. thank you, guys. and to those who talks about this story to other people. Love lots, x

Continue Reading

You'll Also Like

214K 8.8K 90
Does he really feel complete?
76.3K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
208K 6.4K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...