*Yeonwoo's POV*
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko
Nakatitig lang ako sa kisame habang inaantay ang reply ni nancy
*toot*
Agad kong tinignan ang phone ko ng magreply siya
From: Mahal kooooo<3
Alright, see you tommorow
Napabuntong hininga nalang ako at di siya nireply-an
Bumaba ako habang dala-dala ko parin ang phone ko
Naabutan ko si kuya sa couch kasama ang isang babae
"Ate minyoung?!" tawag ko sabay naman silang napalingon sakin
"Hi yeonwoo" bati niya at ngumiti
Lumapit ako sakanya at niyakap siya
"Buti nakadalaw ka dito ate" sabi ko
"Syempre, namiss ko kayo eh" sabi niya at niyakap ulit ako
"Anong oras kayo dumating?" tanong ko
"Kakarating lang din namin ng kuya mo, gusto sana kitang puntahan sa kwarto mo kaya lang baka busy ka ayaw naman kitang maistorbo" sabi niya
Aww ang bait talaga ni ate
"Si ahin ba nakita mo na?" tanong ko umiling naman siya
"Tulog daw" sagot niya at bumalik sa couch
Sumunod ako sakanya at sinilip yung ginagawa nila ni kuya sa laptop
"Magsusukat na kayo ng damit niyo?!" gulat kong tanong
"Yep, napag-isipan kasi naming sa may na magpakasal kaya inaasikaso na namim yung mga kailangan" sagot ni kuya ng hindi tumitingin sakin
Nagkibit-balikat nalang ako at pumunta sa kusina para uminom
Habang nainom ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yun
From: Mahal kooooo<3
I love you too and i miss you too :*
Agad kong naibuga ang iniinom ko dahil sa tinext niya
Pinunasan ko yung bibig ko habang nakatitig parin ako sa phone ko
"Kyaahhhh!!!!"
Hindi ko alam pero sa simpleng text niya na yun ay kinilig ako nang sobra
Naramdaman ko rin na nag-iinit ang pisngi ko pero hindi ko yun pinansin
Napansin ko naman na kumaripas ng takbo papunta dito yung mag-fiancé
"Anong nangyari yeon?" tanong ni ate
Lumingon ako sakanya ng nakangiti ng malawak
"Kyah kuyaaa!!!" tili ko at nagtatalon habang hawak hawak ko ang collar ng damit niya
"Huy! Ano ba? Bitawan mo nga ako! Ano bang nangyari? Bakit basa yung sahig?" tanong niya
Pinakita ko sakanila yung text ni nancy at ngumiti ng malawak pero kumunot lang ang noo nilang dalawa
"Oh? Anong meron? Nag-i love you too at i miss you too lang naman siya ah. Normal lang naman yun sa magjowa" sabi niya
"Aish! You don't understand, nag-away kasi kami" sabi ko at pinunasan ang sahig
"And?"
Napangiti ulit ako ng malapad at naramdaman ko nanaman ang pag- init ng pisngi ko
"Ohmygosh! Yeonwoo are you blushing?!" natatawang tanong ni ate
Napakamot nalang ako sa batok
"Eh kasi kinikilig ako sa reply niya" sabi ko
Natawa naman si ate sakin samantalang si kuya ay napailing nalang
"Tara na nga love, nababaliw nanaman si yeonwoo sa girlfriend niya" sabi ni kuya at hinila si ate
Napangiti nalang ulit ako at nilagay sa sink ang basong ininuman ko
Dumiretso ako sa kwarto ko at tumalon papunta sa kama
Shet ano bang ginagawa mo sakin nancy? Kahit sa ganong reply mo kinikilig ako ng sobra
***
Mahigit kalahating minuto na akong naghihintay dito sa rooftop pero hindi pa rin dumadating si nancy
Tumingin ako sa wrist watch ko
10:45 am
I sighed
Pupunta ba talaga siya?
Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya
Aish!
Bakit hindi niya sinasagot?
Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi niya talaga sinasagot
Umupo ako sa bench at naghintay ulit sakanya
20 minutes passed wala pa rin
Kinuha ko ulit yung cellphone ko at tinawagan siya
"Damn" bulong ko ng hindi nanaman niya sagutin
I decided na itext nalang siya
To: Mahal kooooo<3
Mahal? Nasan ka na? Kanina pa ako nandito sa rooftop
Send!
Nakatitig lang ako sa phone ko habang hinihintay ang reply niya
Bigla namang tumawag si hyebin kaya sinagot ko agad yun
"Hello?" walang gana kong bati sakanya
(Asan ka?)
"Bakit?"
(Nandito kasi kami sa canteen, hinihintay ka namin. Kain na tayo)
"Huwag niyo na akong hintayin. Kumain na kayo" sabi ko
(Sure ka?)
"Oo"
(Okay. Asan ka ba kasi?)
"Dito lang sa rooftop nagpapahangin. Sige na kumain na kayo" sabi ko at pinatay agad ang tawag
Nakatitig lang ako sa phone ko ng bigla kong naisip na hindi ko pala natanong si hyebin kung nandon ba si nancy
"Aish ang shunga mo naman yeonwoo" bulong ko sa sarili ko
Tinawagan ko ulit siya at buti naman ay sinagot niya agad
(Yes? Papunta ka na ba?)
"No. Tatanungin ko lang kung nandyan ba si nancy"
(Huh? Wala eh, hindi mo ba kasama?)
Napairap naman ako dahil sa tanong niya
"Nang-aasar ka ba? Nag-away nga kami kahapon diba?"
(Oh chill masyado ka namang hot eh hahaha. Wala dito si nancy try mong tawagan)
"Hindi nga sinasagot, sige na nga"
Tumingin ako sa paligid, wala talaga siya
I sighed at tumingin sa wrist watch ko
11:30 na pala
Tumayo na ako at naglakad papunta sa pintuan
Binuksan ko na yun at pababa na sana pero may tao pala sa harapan ko
Tinignan ko naman kung sino yun
*Nayun's POV*
Kasalukuyan kaming nakain ngayon sa canteen kasama si taeha
"Ano sabi?" tanong ko kay hyebin
"Wala. Hinahanap lang si nancy" sabi niya at nilapag ang phone niya
"Speaking of nancy, ayun oh!" turo ni taeha sa likuran namin
Sabay kaming napalingon ni hyebin sa tinuturo ni taeha
Magkatabi kasi kami ni hyebin at nasa tapat namin si taeha
Naglakad papunta sa direksyon namin si nancy na parang matamlay
"Si yeonwoo?" mahinang tanong niya pero sapat na para marinig namin
"Parehas kayo ng jowa mo, hinahanap ka niya sakin kanina lang tapos ikaw naman tong hinahanap siya ngayon" iiling na sabi ng katabi ko
Siniko ko naman siya kaya napatingin siya sakin
"What?" tanong niya pero inirapan ko lang siya
"Are you okay? Ang tamlay mo ata" sabi ko at tumayo para paupuin siya
Umupo naman siya at sumandal saka hunawak sa ulo niya
"Pagkagising ko kanina sobrang sama ng pakiramdam ko, masakit din ang ulo ko kaya ngayon lang ako nakapasok" matamlay na sabi niya
"Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin,hindi naman ako nalipasan, hindi rin ako nagpaulan, at lalong hindi ako sakitin kaya nakakapanibago ang nararamdam ko ngayon. Ang gusto ko lang ay humiga, pero kailangan pa namin mag-usap ni yeonwoo kaya umalis ako" paliwanag niya at pumikit
Sinipat ko naman ang noo niya
"Damn ang taas ng lagnat mo" sabi ko
"Dapat hindi ka muna pumasok" sabi naman ni taeha
"Doon ka muna sa clinic" sabat ni hyebin
"Pero paano si yeonwoo? 10 am ang usapan namin pero..." huminto siya at tumingin siya sa wrist watch niya
"11:30 na" pagpapatuloy niya
"Tatawagan nalang namin siya, for now sumama ka sakin sa clinic" sabi ko
Tumayo naman siya pero bigla nalang siyang nawalan ng malay buti nalang nasalo ko agad siya
"Oh my...nancy!" sigaw ni taeha kaya ang ibang tao sa canteen ay napatingin saamin
"Tawagan mo si yeonwoo dude" sabi ko kay hyebin tumango naman siya at kinuha ang cellphone niya
Binuhat ko siya ng bridal style at nagtungo sa clinic nasa tabi ko naman si taeha na hawak ang gamit ni nancy
Pagdating namin sa clinic ay inasikaso agad siya ng nurse
*Yeonwoo's POV*
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko kay dahyun na nasa harapan ko
"No. Ano palang ginagawa mo dito?" tanong niya
"Hindi kita tinatanong kung bakit ka nandito kaya wag mo rin akong tanungin" masungit kong sabi sakanya
Tumaas ang kilay niya at tinulak ako para makapasok siya
"Jerk" rinig kong bulong niya
"What did you say?!" iritang tanong ko
"Jerk! Oh ayan narinig mo na?" mataray na sabi niya
Inirapan ko nalang siya at nagtungo na sa pinto para bumaba
Habang bumababa ako ay biglang nagring ang phone ko kaya sinagot ko agad yun ng hindi tumitingin sa caller
"What the hell do you want?!"
(Woah, ang hot naman dude)
"Tss. Bakit ba?!"
(Pumunta ka sa clinic)
"What? Why?"
(Nandon yung kanina mo pa hinihintay)
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya
Agad kong pinatay ang tawag at tumakbo papunta sa clinic
Pagdating ko ay nasa labas si taeha at nayun
Napatingin sila sakin at lumapit
"Mataas ang lagnat niya, mabuti siguro kung iuwi mo muna siya" sabi ni nayun
"After mong tawagan si hyebin unnie ay saktong dumating si nancy at hinanap ka, matamlay siya at maputla. Sabi niya sobrang sama ng pakiramdam niya at masakit ang ulo niya kaya ngayon lang siya nakapasok, chineck ni nayun yung noo niya at mataas nga ang lagnat niya. Dinala na namin siya dito kasi bigla siyang nawalan ng malay" paliwanag ni taeha
I sighed at tumingin kay nayun
"Thanks dude" sabi ko
"Wala yun, sige na iuwi mo na siya" sabi niya tumango nalang ako at umalis na sila
Pumasok ako sa loob at pumunta sakanya
Sinabi ko na nurse na iuuwi ko na siya mabuti nalang at pumayag
Mag-uusap nalang kami paggising niya