Rule Breakers : Royalty Clash...

By meanieKZ

135K 3.2K 685

All of the people respect them. They are feared and known as the QUEENS. But what if their parents decided to... More

Rule Breakers : Royalty Clash ☠
Chapter 1 : Beautiful Monsters
Chapter 2 : How Everything Starts
Chapter 3: Back to her Incubus
Chapter 4 : Enthralling Encounter
Chapter 5 : Celestial Academy
Chapter 6 : New Comers
Chapter 7 : The Commotion
Chapter 8: Nuisance of their Lives
Chapter 9: Beginning of War?
Chapter 10: Let the Love Game begins
Chapter 11: Brat meets her match
Chapter 12: Payback is a Bitch!
Chapter 13: Nightmare that cannot Escape
Chapter 14: Solemnly Swear That They Are Up To No Good!
Chapter 15: Defy for a Battle
Chapter 17: Mortal Agony (Part 2)
Chapter 18: Battle of the Bands
Chapter 19: Tainted by Her Bitter Despair
Chapter 20: You Always Take Me by Surprise
Chapter 21: A confusing change?
Chapter 22: Hot 'n Cold
Chapter 23: Used to be Mine
Chapter 24: Ravishing Cold Eyes
Chapter 25: ZK Entertainment
Chapter 26: Photo shoot (Part 1)
Chapter 27: Photo shoot (Part 2)
Chapter 28: Letters
Chapter 29: I am Sorry
Chapter 30: Game Over
Chapter 31: Possesive
Chapter 32: Apology
Chapter 33: Memory
Chapter 34: Identity
Chapter 35: Jealous
Chapter 36: Lose
Chapter 37: Bloody Note
Chapter 38: Unrequited
Chapter 39: Girlfriend
Chapter 40: Lonely Man
Chapter 41: Pinggan at Baso
Chapter 42: Cold Lips
Chapter 43: February 13

Chapter 16: Mortal Agony (Part 1)

2.4K 73 9
By meanieKZ

Author's Note: (PLEASE LEND ME SOME TIME BEFORE READING THIS CHAPTER)


First, I'm truly sorry kung napakabagal ko mag-update. Yeah I feel like napapabayaan ko na 'tong story na 'to due to some circumstances. Honestly, these past few months had been pretty different and quite hard for me. I've been through some adjustments, maraming nagbago and I admit dumating na ko dun sa point na tinanong ko yung sarili ko kung dapat ko pa ba 'to ipagpatuloy. Pakiramdam ko kasi wala na kong inspiration para dito. Pakiramdam ko wala na kong dahilan para ipagpatuloy itong story na 'to. But then I realize na meron pa rin pala talagang mga readers na laging naghihintay sa mga ud ko, yung mga readers na hindi ako sinusukuan kahit na it took me years (just exaggerating) to update. So I want to take this opportunity to thank those people. Especially dun sa mga taong tumutulong sa akin sa story na 'to. Yung mga kaibigan ko na nag-eeffort pa sa pagtulong sakin sa pag-ud. Yung mga kasama kong nababaliw para lang mapaganda 'to. Salamat sa pagtulong! Kay SGBluer, FrvrInvisible_, im_foreveryours, at Lizz. Sila yung mga taong tumutulong sakin kapag nakakaranas ako ng WB.

Salamat din dun sa mga taong nag-eeffort pa para imessage ako para lang tanungin kung kamusta na yung ud. Pati na rin yung mga nagcocomment sa bawat chapter na pinopost ko, kahit simpleng comment lang yun na-appreciate ko talaga. Also, dun sa mga nag-ooffer ng friendship. I really want to thank those, especially sa lahat ng readers na nagtitiis sakin. Kayo ang dahilan kung bakit kahit nahihirapan na ko dito, pinagpapatuloy ko pa rin 'to. So thank you so much. I hope naiintindihan niyo rin ako. I'm not a writer, I just love writing stories. This is just my hobby yet I still have my own priorities. So please bear with me until the end. LET'S ALL BE FRIENDS :) WAG KAYONG MAHIHIYANG I-APPROACH AKO AH! Again, salamat! 

So here's Chapter 17. Part 1 pa lang po 'yan. Baka mamaya ko na ipost yung part 2. Enjoy! 

--

Aphro's Point of View

 

"Uwaaaah! Sorry na Zy! Hindi ko naman sinasadya eh. Napasubo lang naman ako kanina. Nakita mo naman yun diba Debs? Kasalanan yun nung baklang froglet! Sorry naaaaa! Puhleaaase!" - hindi ko alam kung matatawa ako o magtataka sa bumungad sakin pagkapasok sa bahay namin. Bigla ba namang naglumpasay si Roni sa sahig habang nagmamakaawa kayla Zy. Parang timang lang siya dun, bagong trip na naman ba 'to? Hindi kaya may hidden camera dito na kinukuhanan ang reaksyon ko? Pero parang hindi naman.

"Pst, uy! Anong trip yan men? Para kang batang nagta-tantrums dyan!" - kalabit ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin na teary eyed at tila ba nanghihingi ng tulong. Pagkatapos ay bumaling ulit kayla Zy.

"Zy! Debs! sorry naaaaa! Uwaaa! Patawarin niyo na koooo!" - pagmamakaawa ni Roni habang naglulumpasay pa rin sa sahig. Pero hindi pa rin siya sinasagot nila Debs. Mas lalo tuloy ako nacurious. Ano ba kasing ginawa nito ni Roni, mukhang malaki-laki kasalanan nito ah.

"Uyy Debs, problema? Ano bang ginawa nito?" - out of curiosity kong tanong.

"Battle of the Bands. We're in." - simpleng sagot niya. Eh yun lang naman pala eh. Battle of the- Teka, ano daw?!

 

"Bwo?! Battle of the Bands? Teka, paano at kailan?" - gulat na tanong ko.

"Tinanggap niya lang naman yung walang kwentang hamon nung Pikachu niya." - sagot niya. Napayuko naman si Roni na parang naguilty.

"Yah, what have you done? That's so childish!" - hindi ko maiwasang pagalitan siya. Takte, battle of the bands pa? Hindi kaya mabisto kami dun?

"Eehh! Kaya nga nagsosorry na eh. Mamaya mo na ko pagalitan! Tulungan mo muna kong pakalmahin si Zy at Debs!" - sagot sakin ni Roni. Kahit na seryosong bagay ito, hindi ko mapigilan ang lihim na mapangiti sa itsura ni Roni ngayon. Kung hindi lang seryoso sila Zy ay malamang na tumatawa na ko ngayon.

"Uyy! Sorry na kaseee~ Nan jeongmal mianhaeyo! Promise sa susunod, mas pahahabain ko na yung pasensya ko. Basta patawarin niyo na kooo." - nakapout na sambit ni Roni pero wala pa rin siyang nakuhang sagot mula dun sa dalawa. Nanatili nga lang expressionless si Zy habang naka-upo sa Sofa. Wooooh~ ang scary. Naaawa tuloy ako kay Roni! Mas nakakatakot kasi yung ganitong hindi nagsasalita sila Zy at Debs. Kung ako nasa kalagayan niya ngayon, malamang na maglumpasay din ako!

Halos mawalan na ng pag-asa si Roni nang hindi pa rin siya sinasagot ni Zy. Mukhang desperadang desperada na talaga siya. Maya-maya pa'y nakita ko na lang siyang gumagapang papunta sa kinauupuan nila Zy. Lumuhod siya sa harapan nito at pinagdikit ang mga palad niya na para bang batang nanghihingi ng candy. Putspaaaa! Pwede na ba kong tumawa? Syet lang talaga!

"Uwaah! Kung gusto niyo kong saktan, bugbugin, sampalin okay lang! Gawin niyo na lahat ng gusto niyong gawin sakin. Tatanggapin kooo~ Pero please hinay-hinay lang ah. Wag naman sobraa~ Marami pa kong pangarap sa buhay! Papakasalan ko pa si Shinichi Kudo mylabs, bubuo pa kami ng pamilya at magtatayo pa kami ng pinakamalaking publishing company sa buong mundo kaya pleeeaaasseee! Maawa kayo sakiiiin~ Pero dahil sa naiintindihan ko kayo, sige na! Eto na! Gawin niyo naaa!" - pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay nag-sign of the cross siya at ibinuka niya ang mga braso niya't ipinikit ang mga mata na para bang nasa titanic. That's it! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at humagalpak na ko sa tawa! Paking tape na Veronica 'to! Kung ano-anong pinag-iisip sa buhay. Binatukan ko siya ng malakas habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Hahahaha! Para ka talagang tanga Roni! Naka-singhot ka na naman no? Kung ano-ano 'yang pinagsasabi mo." - halos mapaupo na ko sa kakatawa. Sila Zy naman ay natatawa na rin, pinipigilan lang nila.

"Arouch! Mashakit 'yun ah! Tengene nemen kese neto ni Aphro! Nagdra-drama na nga ko eh. Maaawa na nga dapat sakin sila Zy eh. Panira naman 'to." - nakapout na sabi niya, hinimas-himas rin niya yung parte ng ulo niyang binatukan ko. Hahaha! Kasalanan naman niya yun eh. Ang dami kasing alam sa buhay.

"Oh talaga 'tol? Dapat sinapak mo!" - pang-aasar ko sa kanya, tinitigan niya ko ng masama habang nagm-make face. Napatawa na lang ako lalo.

"Itigil mo nga 'yan! Nagmumukha kang unggoy. Tsaka hindi naman naaawa sayo sila Zy eh. Mas natatawa lang sila sa kabaliwang ginagawa mo!" - natatawa ko pa ring sabi. Nag-pout lang siya lalo pero natanggal ang pout niyang 'yun ng tumayo sila Zy at lumapit sa kanya.

Kitang-kita ko ang sunod-sunod na paglunok ni Roni nang lumuhod si Zy sa harap niya. Halatang kinakabahan siya pero panandalian lang naman ang kabang iyon, agad siyang nakahinga ng maluwag ng ngumiti si Zy kasabay ng pagpitik sa noo niya.

"Tanga naman neto." - napakunot ang noo ni Roni sa sinabi ni Zy, nginitian lang naman siya nito. Hayss, ang bipolar talaga nito ni Zyrah. "Tss, andyan na 'yan eh. Wala na tayong magagawa. Kaya tumayo ka na dyan, tigil-tigilan mo 'yang paglulumpasay mo. Pag-uusapan pa natin kung anong gagawin natin para di tayo mabisto." - dagdag ni Zyrah. Halos mapahiga ito sa sahig ng bigla siyang sunggaban ng yakap ni Roni.

"Waaah! Kaya mahal na mahal kita ehh! Sabi ko naman kasi sayo magpakasal na tayooo!" - binatukan siya ni Debby at agad na hila papalayo kay Zyrah. Napapailing na lang ako habang tinititigan kung paano siya hinila ni Debs sa damit habang nagpupumiglas siya na parang bata.

"Aish, bwoyaaa? Ibalik mo ko sa mahal koooo~ Zyrah mylaaabs! Inilalayo niya tayo sa isa't isa."

"Tsk, malala na 'to. Inaatake na naman ng kaabnormalan niya." - umiiling na saad ni Debs. Takte talaga 'to si Roni. Napaka-energetic, hindi pa rin napapagod sa kakapumiglas kay Debs. "Ano? Ipapadala na ba natin sa mental 'tong si Roni? Baka makakagat 'to, makahawa pa ng rabies niya." - Pfft. What the heck! Hahahah! Hindi ko kinaya yung itsura ni Debs at Roni. Talagang seryoso si Debs habang sinasabi yun, samantalang si Roni naman ay pilit na kinukuha ang kamay ni Debs para kagatin.

"Rabies pala ah! Edi ikaw ang una kong patitikimin ng sinasabi mong rabies! Grrr!" - nasa aktong susugod na si Roni kay Debby ng batukan silang dalawa ni Zy.

"Tsk, tigil niyo na 'yang kabaliwan niyo. May pag-uusapan pa tayo." - umiiling na sabi ni Zy. Natatawa na lang ako sa kanila. Hayss, pero ang swerte ko na nakapulot ako ng mga baliw na kaibigan. Tumakbo na ko papunta sa kanila at inakbayan silang tatlo. Mahaba-habang usapan na naman 'to.

**

 *play music on the right side* 

"So final na 'yun?" - pasigaw na tanong ni Roni.

"Yup. Yun lang din naman ang magagawa natin. Sa tingin ko naman as long as blah blah blah" - huh? Ano daw? Takte, di ko marinig yung sinasabi ni Debs. Sino ba kasi yung mga hinayupak na tumutugtog sa kabilang bahay. Tengene! Hindi man lang nagpagawa ng soundproof na kwarto. Sa sobrang lakas ng pinaggagagawa nila, hindi kami magkaintindihan. Kanina pa may pinapaliwanag 'to si Debs pero dahil nga sa soft lang yung boses niya, hindi namin masyadong maintindihan sa sobrang lakas ng pagtugtog ng mga tangang hinayupak sa tapat.

"Huh? Debs di ko maintindihan. Palakas ng konti, nakakatanga yung tugtog eh." - sigaw ko. Psh, nakakairata na 'to ah. Woooh, kalma lang Aphro, masyado kang maganda para ma-stress sa mga walang kwentang bagay. Chillax! Ang ganda ko kaya.

"Ano ulet Aphro? Di kita marinig!"- putspa naman oh! Pakiramdam ko bumubulong lang si Debs sa sobrang lakas ng tumutugtog na 'yun. Nakakaasar na 'to ah.

"Ano! Sabi ko pakiulet yung sinabi mo! Hindi ko masyadong naintindihan!" - this time, talagang sumigaw na ko ng pagkalakas lakas. Pero ang nakakabanas na part? Hindi pa rin kami magkaintindihan nila Debs. Sumenyas lang siya sakin na para bang sinasabing hindi niya ko marinig. Anak ng pating nga naman oh! Maganda ko pero di ko na matitiis 'to. Kahit naman anong mangyari, hindi mababawasan yung pagiging dyosa ko kaya hindi na ko nagdalawang isip pa at sa sobrang inis ko ay padabog na akong lumabas sa bahay namin at tinungo ang bahay sa tapat namin na siyang may kagagawan ng nakakairitang ingay na 'to.

Malakas ko silang kinatok doon pero hindi ako nakakuha ng kahit anong sagot mula sa loob. Asar naman talaga! So ano 'to? Planong dedmahin ng mga hampaslupang nakatira dito ang dyosang katulad ko?

"Pst, anyare na dre?" - tanong ni Roni.

"Ayan! Ayaw akong pagbuksan eh. Sino bang hinayupak ang nakatira dito?" - asar na tanong ko.

"Goofy and company." - bored ngunit iritableng sabi ni Zyrah. Biglang nagningning ang mata ko ng malaman 'yon. Hmm, so yung hubby ko pala yung nakatira dito. Psh, yeah right. Insert sarcasm here.

Napangisi ako nang may naisip akong isang magandang ideya. Mukhang maganda ata kung susurprisahin ko naman yung asawa ko daw. Psh, sigurado kong magugustuhan niya yun. Muli akong tumingin kayla Roni, mukha namang nagets nila agad yun. Umatras na ko ng bahagya, paikot akong tumalon saka sinipa ng pagkalakas-lakas yung pintuan. Huh! Kung hindi nila kami pagbubuksan, edi kami ang magbubukas para sa kanila.

Napangiti ako ng bumungad sa akin ang isang gulat na gulat na Chris Kyler Valerio. Hmm, so sila pala talaga yung tumutugtog kanina. Well, magaling din sila ah. Maganda ang kontrol nila sa mga instruments nila pero hindi pa rin nun maaalis ang katotohanang inistorbo nila kami sa pag-uusap namin.

Napatigil si Chris sa pagtugtog ng bass niya habang nagpapatuloy pa rin sila L. Mukhang hindi nga nila alam na nandito kami. Nakapikit pa kasi yung tatlo habang nakasuot ng kanya-kanya nilang headsets.

"Hey babe, what are you doing here? Missed me already?" - napapitlag ako ng ipulupot ni Chris ang braso niya sa bewang ko. Sa panunuod ko sa mga kaibigan niya, hindi ko napansin na nandito na pala siya sa tabi ko.

"You know what, you remind me of the ocean." - plain na sabi ko sa kanya. Nagningning naman ang mata niya sa narinig. Tsk, feeling naman nito babanat ako sa kanya. Over my dead sexy gorgeous body!

"Why? Because I give joy to your life?" - Nakangiti paring saad niya sakin. Sabi na nga ba eh. Wala na atang mas kakapal pa sa mukha ng lalaking 'to. Pati dictionary dinaig na sa sobrang kapal. Tinitigan ko lang siya sa mata at nginitian, isang ngiting sobrang sweet na akala niya'y makakapagpasaya sa kanya. Maya-maya pa'y lumapit ako sa may bandang leeg nito at bumulong. I felt how his body stiffened on my actions, napangisi ako sa epekto ko sa kanya kasabay ng pagbulong ng sagot sa tanong niya.

"Na-ah, the only reason why you remind me of the ocean is because you made me sick." – I said as I rolled my eyes on him. Tss, such a jerk. May sasabihin pa sana siya ngunit hindi niya na naituloy ng pumagitna sa amin sila Roni.

"Tss. Kaya naman pala kanina pa tayo hindi magka-intindihan. Mga alien pala na galing ibang planeta at hindi marunong umintindi ang mga nagtutugtugan dito." – naiiritang sigaw ni Roni. Napansin ko rin ang nakasimangot na mukha nila Zy at Debs sa likod ni Roni.

"Aphro, sabihin mo nga dyan sa manliligaw mo patahimikin niya yung mga kaibigan niya o kaya kahit hinaan man lang. Hindi na tayo magkaintindihan dun sa bahay, to think na katapat lang natin sila." – pagbaling sa akin ni Debby. Hindi ko naman maintindihan yung sinasabi niya dahil nga sa lakas ng pagtugtog nila L.

"Anong sabi mo? Hindi kita maintindihan."- sagot ko kay Debs. Halata namang mas nairita siya at inirapan ako.

"Ang sabi niya baka pwedeng pakisabi daw dyan kay Chris na pahinaan yung pagtugtog nila, kanina pa kasi tayo hindi magkaintindihan." – sigaw sakin ni Roni na naintindihan ko naman dahil sa lakas ng boses niya. Sus, kapag si Roni talaga nagsasalita parang nakalunok ng megaphone.

"Na-ah. Sorry pero wala kong magagawa dyan. Once kasi na tumugtog na 'yang mga 'yan, wala nang makakaistorbo especially L. Tsaka as you can see he's already lost in his own world. Ayoko namang masira 'tong gwapo kong mukha kaya 'wag na lang." – pag-shrug ni Chris. Hayss, parang si Zy pala 'yan si L when it comes to music. Nakakatakot istorbohin.

"Aish, teka nga. Baka 'tong si Pikachu may magawa tungkol dyan." – inis na saad ni Roni kasabay ng pagmartsa niya papunta kay Darius. Pagkaharap ay agad nitong kinalabit si Darius. Bahagya namang dumilat si Darius ngunit hindi pa rin itinitigil ang pagtugtog.

"Hoy! Baklang Pikachu! Pwede ba, itigil mo muna 'yang pagtugtog may sasabihin lang kami! Takte, hindi na kami magkaintindhan dito dahil sa inyo. Baka naman pwedeng itigil muna diba?" – naiinis na sigaw ni Roni sa harap ni Darius pero sa halip na pansinin ito ay nginisian lang siya ni Darius at ipinikit muli ang mga mata. Mas lalo namang nainis si Roni sa ginawa nito sa kanya. Kaya nang hindi makapagpigil ay binunot niya ang pagkakasaksak ng electric guitar ni Darius mula sa amplifier. Tinanggal din nito ang strap ng gitara na naging dahilan ng muntikan nitong pagkahulog ngunit  hindi natuloy dahil sa agaran niyang pagsalo rito. Napakabilis ng pagkilos ni Roni kaya napatigil si Darius habang nakatulala.

"Damn this girl!"– galit na sambit ni Darius nang matauhan. Inirapan naman siya ni Roni bago muling sigawan. Tss, 'tong dalawang 'to kapag nagsama parang may world war na. Hindi na matapos tapos na away na hindi naman naming alam kung saan nagmula.

"Damn you too! Langya ikaw pa may gana magalit? Eh kanina pa ko salita ng salita dito literal na sini-seen-zone mo ko!"

"Ano ba kasing problema?"

"Problema? Wala naman kaming ibang problema bukod sa inyo! For pete's sake nasa katapat na bahay na kami pero hindi pa rin kami magkarinigan dahil sa ingay niyo. Wala ba kayong sound proof man lang na studio dito sa loob na pwede niyong tugtugan? You're such a f-ucking hindrance"– pagwawala ni Roni, inismiran lang siya ni Darius na mas lalong nagpakulo sa dugo nito.

"Of course we have one. Pero dito namin gusto tumugtog eh. Pakialam mo ba?" – halos magpintig ang tenga ni Roni sa narinig. Sa pagkakataong ito ay sobrang banas na banas na siya kay Darius kaya naman inihanda na nito ang kamao para sana sapakin ito sa mukha pero natigil siya sa binabalak nang makita namin sila Zy at Debs na papalapit na ngayon sa patuloy pa ring tumutugtog na sina L at Sam.

Pilit naming binabasa kung ano ang nasa isip nung dalawa pero wala kaming napala. Hanggang ngayon kasi ay expressionless pa rin si Zyrah habang si Debs naman ay diretso lang na nakatingin kay Sam. Hindi naman sila napapansin nung dalawa, nakapikit pa rin kasi ang mga ito habang nakapasak sa magkabilang tenga ang malalaking headset kasabay ng pagtugtog.

"Hey babe, what are they planning to do? Pigilan mo na kaya sila ngayon pa lang. Especially Zyrah, baka masapak ni L 'yan. I'm telling you, walang sinasanto 'yang isang 'yan." – concerned na bulong sakin ni Chris. Hmm, tignan natin kung masasapak nga ni L si Zy. Napangiti lang ako sa sinabi ni Chris, hindi na ko nag-abala pang sumagot. Napatigil sa pagtatalo sina Roni at Darius at masusing inobserbahan ang bawat kilos ng dalawa.

Huminto si Debs sa harap ni Sam habang si Zy naman ay tumigil rin sa harapan ni L. Maya-maya pa'y sinenyasan ni Zy si Debs at sa isang iglap lang ay natigil sa pagtugtog ng drums si Sam. Bakas sa mukha ni Sam ang pagkagulat. Paano ba naman, sinabayan ni Debs ang pagpalo ni Sam sa drums at nang makakuha ng tamang tyempo ay mabilis na inagaw niya ang drum sticks mula sa kamay nito. Agad na napadilat si Sam sa nangyari at nakitang pinapaikot na ni Debs sa kanyang mga kamay yung drum sticks, pagkatapos nun ay pinalo niya ito ng malakas na naging dahilan ng pagtalbog ng mga ito sa ere bago niya ito muling sinalo.  Napaawang ang bibig nila Chris sa nakita, sobrang bilis kasi talaga ng pangyayari at isa pa wala sa itsura ni Debs na magagawa niya yun.

"What the- Paano-"

"Shh." ­– inilagay ni Debs yung drums stick sa kanyang bibig at inumwestra ang direksyon ni Zy. Ayy, oo nga pala. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin si Zy sa harap ni L. Wala pa naman itong ginagawa, seryosong tinititigan niya lang si L. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Zy. Tulad ng dati ay poker face lang ito. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga niya at saka sinubukang kalabitin si L, siguro'y para patigilin muna 'to sa pagtugtog pero wala mukhang hindi ata siya nito napapansin. Inulit niya muli ang ginawa ngunit wala pa rin. Sa pagkakataon namang ito ay hinila ni Zy ang laylayan ng sweater shirt ni L ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin. Mukhang nauubusan na ng pasensya si Zy. Actually, nagtataka na nga kami kung bakit pinagtiya-tiyagaan ni Zy na kalabitinn 'yung si L. Eh dati naman basta-basta na lang mananapak yun. Feeling ko talaga may something dyan sa dalawang 'yan na sila lang ang nakakaintindi.

Uulitin pa sana ni Zy ang ginagawa ng mapunta ang atensyon niya sa likod ni L. Muli, bahagya kong nasilayan ang ngiti sa kanyang labi. Nagtaka naman ako kaya sinundan ko ang tingin niya at doon napansin ko ang isang dart board.  Nakatingin lang roon si Zy at saka ibinalik ang tingin kay L pati na rin doon sa gitara niya.

Nagtaka kami ng umatras ito ng kaonti, akala nga namin ay babalik na ito samin ngunit nagkamali kami. Nanatili lang siya roon at tinitigan ang way ng pag-strum ni L ng gitara. Maya-maya pa'y napanganga kami nang kunin niya mula kay L yung guitar pick, hindi namin alam kung paano niya iyon nakuha. Nag-i-strum kasi si L doon sa electric guitar pero sa isang iglap lang ay nasa kamay na ni Zy yung pick. Kasabay pa ng pagdilat ni L ng kanyang mata ang mabilis na paghagis ni Zy nung pick papunta doon sa dart board. Nanlaki ang mata ni L dahil sa gilid lang ng mukha niya dumaan yung pick at masasabi kong sobrang bilis at lakas nung pwersa ng pagkakahagis doon.

"Bulls eye!"

 

Comment.Suggest.Vote & Be a Fan ♡ 

Continue Reading

You'll Also Like

46.7K 985 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
18.8K 617 26
"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Her...
162K 1.6K 78
Lumaki sa isang mapang-abusong ina si Katrina, sa murang edad ay pinasok niya ang kung anong matinong trabaho na pwedeng pasukan upang makapagtapos l...
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.