HUNTING KENDRA(The Last Vampi...

Od babz07aziole

5.7K 339 109

"The sweet taste of your blood makes my body ache for more..." -Timothy HUNTING KENDRA (The Last Vampire) PU... Více

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FITHEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
EPILOGUE
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA
THE WAIT IS OVER!!!

CHAPTER THREE

272 16 14
Od babz07aziole


TAHIMIK na pinagmamasdan ng hari ng mga Lobo ang mga bagong silang na alagad na nasa malalim na hukay sa tagong silid sa kaniyang palasyo.

Tuwang-tuwa siya sa nakikitang pag-aagawan ng mga ito sa karne na kaniyang ibinabagsak mula sa mataas na bahaging kaniyang kinalalagyan. Umaalingawngaw ang mababalasik na huni ng mga ito. Napatigil siya sa ginagawa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto mula sa kaniyang likuran.

Nagsalubong ang kilay niya at pagkatapos ay agad ang pamumutla nito nang tuluyan na niyang mapagsino ang lalaking mapangahas na pumasok sa pribadong silid na kaniyang kinaroroonan.

"Kumusta ka na, Kaibigan?" bungad nito kasabay ng pagbabagong anyo.

Agad na nagpalit ng anyo ang lalaki. Humaba ang nguso nito. Tinubuan ito ng mga pangil at matingkad na pulang balahibo ng lobo ang kulay nito. Habang ang mga mata naman nito ay kulay asul. Agad nitong dinakma si Zandrew gamit ang matutulis nitong pangil. Hindi man lang nakahuma ito dahil na rin sa labis na sindak na bumalot sa kaniyang sistema. Umalingawngaw ang nagmamakaawa at nag-aagaw buhay na boses ng Hari ng mga Lobo sa buong silid kasabay ng patuloy na pagngasab ng estranghero sa kaniyang ibat ibang parte ng katawan.

Tinigilan lamang siya nito nang humiwalay na nang tuluyan ang kalahating katawan nito. Nagkalat ang bahagi ng katawan ni Zandrew sa iba't ibang panig ng silid. Sinasayaran ng masagana niyang dugo ang lapag ngunit nanatili pa ring buhay ang hari. Gumapang ito palapit sa estranghero na may lakip na galit ang mga matang nakatunghay sa kaniya.

Sumuka na ng dugo si Zandrew. Maski ang ilong, mata at tenga ay inagusan na rin ng mapula nitong dugo. Bago bawian ng buhay ang Hari ng mga Lobo ay meron pa itong naibigkas na mga salita.

"H-hinding-hindi mo m-makakamit ang tronong matagal mo nang hinahangad! H-hindi ka p-papayagan ni Timothy. . ." paputol-putol nitong bigkas kasabay ng pangangapos nito ng hininga. Unti-unting bumalik sa dating anyo ang estranghero ngunit nanatili pa ring nakapaskil sa labi nito ang kakaibang ngisi.

Isa-isa nitong pinagpupulot ang katawan ni Zandrew at tanging ang kalahating katawan lamang nitong may ulo niya ang hindi niya ginalaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa malalim na hukay kung saan naroroon ang mga halimaw na bagong silang ng Hari ng mga Lobo. Agad niyang inihulog roon ang mga parte ng katawan ng Hari at saka sinakop ang maluwang na silid ng nakakakilabot nitong tawa.

Agad ang paglabas ni Merlous—ang Hari ng mga Zombie. Yumukod ito sa kaharap.

"Maligayang pagbabalik, Haring Hanzul! Mukhang natagalan ang pagparito mo," masayang pagbati nito.

Nanatili namang nakatutok ang pansin ng lalaki sa ibaba at tila may malalim na iniisip. "Mayroon lang akong inasikaso. Siya nga pala, nasaan si Trinity?" agaran nitong pagbubukas ng paksa matapos ang mahabang patlang.

Hindi agad nakaimik si Merlous. Nagdadalawang-isip itong sabihin sa kaharap ang nalalaman niya sa babae. Kababalik lang nito at iba pa naman itong magalit.

"Merlous, inuulit ko! Nasaan si Trinity!" mabalasik na pang-uulit nitong tanong kay Merlous.

Wala na itong nagawa kung 'di sabihin sa kaibigan ang nangyari sa babaeng minamahal nito. "H-huwag ka sanang mabibigla pero. . .  matagal nang wala dito sa mundo ng Acerria si Trinity. A-ang alam ko ay pinaslang siya ni Zandrew noong mga unang taon ng pagkawala mo."

Mabilis na napabaling ang sulyap ni Hanzul kay Merlous, sa isang kisap-mata ay agad-agad ang pagpapalit ng anyo nito. Muli naging isang mabangis na nilalang na naman ito, labas ang nagtutulisang pangil na dumamba ito kay Merlous.

"Bawiin mo ang sinabi mo, Merlous! Buhay pa siya!" halos maglabas ng apoy ang mga mata nito habang nakatunghay kay Merlous. Labis-labis ang kabang namahay dito at mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Ito ang orihinal na Hari ng mga Lobo. Mas triple ang lakas nito kumpara kay Zandrew. Pwede siyang mamatay anumang sandali kung gagawin nito.

"Patawad, H-Hanzul, p-pero iyon ang totoo. . ." nanginginig ang tinig na naibulalas ni Merlous ang mga salita.

Unti-unti namang lumayo ito dahil kahit paano ay nakita niyang nagpigil lamang ito. Meron din naman itong soft side at alam nitong narito ang loyalty niya.

Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang pagmamalabis ng masaganang luha sa mala-asul nitong mata. Sadyang madamot ang kapalaran dito. Maski ang nag-iisa nitong minahal na babae ay nawala pa dahil sa makasariling hangarin ni Zandrew. Tanging si Trinity lamang ang nakakapagpatahimik rito kapag ganitong masama ang timpla ng kaibigan.

Parehas silang napalingon sa pintuan nang humahangos na tumakbo paloob si Timothy. Agad nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Sa huli ay napako ang mata nito sa ama nitong si Zandrew.

"Ama! Ama! Ano ang nagyari? Merlous, anong nagyari kay Ama!" nagsisigaw na tanong nito sa kanilang dalawa.

"Sinong may gawa nito kay Ama? Sumagot ka ,Merlous! Ikaw ba ang gumawa?" puno ng galit at hinanakit na bintang sa kaniya ng binata. Nang hindi sumagot si Merlous ay nagmadali itong lumapit kay Zandrew na nanatiling nakahandusay sa lapag habang nakababad ito sa sariling dugo. Kalunos-lunos ang sinapit nito.

Nasa kasaganaan ng pagdadalamhati ang puso ni Timothy nang magsalita ang hindi niya kilalang bisita ng ama. Actually, siya ang nagpapasok sa lalaki dahil mukhang mapagkakatiwalaan naman ito. Ang totoo ay tila magaan ang loob niya rito na hindi pangkaraniwan para sa kaniya. Sapagkat unang beses pa lamang niya itong nakikita ay tila pakiramdam niya matagal na niya itong nakilala. Hindi lang niya maalala kung kailan at paano nangyari iyon.

"Ako ang pumaslang sa kaniya," walang bahid ng emosyon na saad nito buhat sa kaniyang tabi.

Bigla ang pagsiklab ng galit mula sa kaibuturan ng kaniyang puso. Agad na sana siyang magpapalit ng anyo nang bigla siyang hawakan sa braso ni Merlous saka maiigi siya nitong pinakatitigan. Tila ipinaparating nito sa pamamagitan ng mga mata na 'wag niyang ituloy ang gagawin. Kahit masamang-masama ang loob ay sinunod niya ito dahil ayaw niyang magpadalus-dalos.

Mabilis na lumakad palayo si Hanzul at muli nitong ibinalik sa mga bagong silang na halimaw sa malalim na hukay ang pansin.

"So, ikaw ang nag-iisang anak ng kaibigan kong traydor na si Zandrew!" mabalasik nitong sigaw.

Bigla ay nakaramdam siya ng takot sa mga oras na iyon nang makita niya ang galit na galit na mata nito. Anumang oras ay tila papatayin siya nito. Muli ay itinuloy nito ang pagsasalita. "Nang dahil sa ama mo ay kailangan kong umalis. Ibinilin ko sa kaniya ang pinakaimportanteng babae sa akin. Pero ano ang ginawa ng ama mo? Pinatay niya ang nag-iisang babaeng minahal ko! Demonyo siya!" nanggigigil nitong sabi  kasabay ng mabilis na pagpapalit nito ng anyo. Agad itong sumugod sa natigagal na binate ngunit mabilis na humarang si Merlous.

"Tumabi ka, Merlous, kung ayaw mo na ikaw ang unahin ko!" banta nito kay Merlous.

Ngunit hindi ito tuminag at nanatili lamang itong nakaharang.

"Hindi kita mapagbibigyan sa bagay na iyan, Hanzul. Para ko nang anak si Timothy kaya kung maaari ay huwag mo siyang isali sa galit mo kay Zandrew. Iba si Timothy sa kaniya!" matatag nitong sabi.

Agad na iniiwas ni Hanzul ang sarili at mayamaya ay bigla itong nagsalita. "Kung ganoon ay magsilbi siya sa akin. Patunayan niya ang katapatan niya sa akin kung ayaw niyang pati siya ay agawan ko ng buhay. Nais kong papuntahin mo siya sa mundo ng mga tao at hanapin ang huling bampira na sinalinan ng Hari ng mga Bampira ng kapangyarihan para maging imortal!" deklara nito na nagpakaba sa kanila.

"P-pero paano ko siya papupuntahin sa mundo ng mga tao at dakpin si Kendra kung ang natatanging daanan lamang ay ang kakahuyan ay tanging lahing bampira lamang ang nakakapasok at nakakalabas nang buhay?" mahabang eksplika ni Merlous.

Mahabang patlang na naman ang namayani bago muling nagsalita si Hanzul na may lakip ng sarkasmo ang tinig. "Sundin mo na lamang ang inuutos ko kung gusto niyo pang mabuhay at kung ayaw ninyong wasakin ko ng tuluyan ang Acerria. . ." pagtatapos nito kasabay ng paglalakad palabas ng pintuan.

Nagtinginan silang dalawa. Binalong ng pangamba at takot si Merlous sa mga oras na iyon. Alam niyang tototohanin ni Hanzul ang sinabi kapag hindi sila sumunod sa inuutos nito. Mabilis ang naging pagbaling ng tingin ni Merlous buhat sa mga salitang binitiwan ni Timothy.

"Huwag kang mag-alala, Merlous, pupunta ako ngayon sa mundo ng mga tao. Ano man ang mangyari ay muli kong ibabalik si Kendra para sa kaligtasan ng mundong Acerria!" mariin nitong pagkakasabi kasabay ng pagkakakuyom ng mga kamao ng binata at habang nanatili pa ring nakalingon nang matalim sa pintuang nilabasan ng totoong Hari ng mga Lobo na si Hanzul.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

180K 2K 25
I don't care if ayaw nila sa akin ang gusto ko lang siya kuntento na ako sa kanya but things got worse the only person who care about me is hating me...
15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
132K 3.2K 24
COMPLETED✔️ REVISION IN PROGRESS❗ "I can not let fate work on its own, I myself must help for us to end up together." -Denz Ivechid Inocencio.
14K 434 78
COMPLETE!! A soldier who always puts his life in danger for the peace of his country.... 'Gun shots are like the sound of a thunder while bullets fel...