Stallion Island Adaptation se...

By Nightxshade

133K 1.8K 249

Ria has her time of her life. A blooming career and financially growing business. And she always puts her hun... More

PREFACE
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENT

CHAPTER SIXTEEN

2K 37 2
By Nightxshade

Malamig na hangin ang dumampi sa balat ni Ria habang naglalakad sa sidewalk bitbit ang mga ipinamiling groceries sa malapit na convenience store. Naka-loose white blouse siya na may leaflets at maiksing short na denim na tenernuhan niya ng white canvas slip on.

Napakaaliwalas ng langit na nakakagaan ng pakiramdam. Ngunit ang talagang nakakapagpasaya sa kanya ay muli nilang pagkikita ni Trent. Nagtext sa kanya ang binata na nakarating na ito sa Maynila buhat sa maiksing pananatili sa Miami para bisitahin ang kapatid at ang magulang na nataong naroon para sa isang convention.

Ria couldn't help but feel ecstatic at the moment. She was so excited to see him again that she hardly sleep last night thinking about him.

Abot-langit ang ngiti niya nang pumasok sa lobby ng condo niya hanggang sa pagsakay niya ng elevator, tangan pa rin niya ang magaan na pakiramdam at ang kaaya-ayang ngiti sa labi nang bumulaga ang isang pigura ng lalaki sa tapat ng pinto ng unit niya.

Nagulat siya at agad na humakbang palapit dito. Naramdaman nito ang paglapit niya dahil humarap ito sa kanya.

"Ria!" Bulalas nito na may bahid ng pag-aalinlangan at hiya.

"Mark," matabang na usal niya saka ito pinasadahan ng tingin.

Lukot-lukot ang suot nitong T-shirt at halatang matagal na iyong hindi nakakatikim ng laba maging ang suot nitong denim na animo'y inabanduna ng plansta. Bumalik sa mukha nito ang tingin niya. Halata na rin ang kumakapal na bigote nito maging ang makapal na eyebags nitong nangingitim na. At sa hitsura pa lang, mukhang ilang araw na itong hindi naliligo. Hindi siya sanay na makita itong ganito––karungis o di kaya, ka-dugyot.

Hindi sa mapagmalinis siya pero, she really likes his high maintenance when it comes to hygiene that can't compare to hers, kaso sa hitsura nito, mukhang may nangyaring hindi maganda.

"I know it's a bit awkward standing here in front of you for what I've done to you. To be honest, I don't even have the remaining pride to swallow. Ria, I just want to say I'm so sorry. I strung you along and promised you a life I couldn't give you." Maluha-luhang sumamo nito at hinawakan pa ang kamay niyang may hawak na supot.

Napatingin na lang siya at di malaman ang sasabihin. Sa sitwasyong gaya nito, ano bang dapat niyang maramdaman?

"Mark, what happened to you?" Matamang tanong niya at pinatatatag ang disposisyong maging kalmado. Pero sa totoo lang, naguguluminhanan siya sa biglang pagsulpot nito.

Napayuko ito at dahang-dahang bumitaw. Kagaya sa kanta. Saka niya ito ginagap. "Let's take it inside."

Napatingin ito sa kanya nang nangingilid ang luha saka tumango.

Pagkabukas ng pinto, inilapag niya ang mga pinamili niya sa kitchen counter at pumihit dito. Nasa bukana pa rin ito ng pinto at nag-aalangang pumasok.

"Go on, come in. Hindi kita cha-chop-chop-in at isisilid sa maleta tapos itatapon sa Manila Bay."

Napaamang ito saka sila sabay na napangisi. Unti-unti na ring umaliwalas ang mukha nito. Nararamdaman kasi niyang may mabigat itong dinadala.

Pinaupo niya ito sa dining chair sa kusina at pinagsalin ng ready mixed juice at hiniwaan ng apple pie na binili niya. "Here, have some. You look so pale, talo mo pa ang isang beking lumagok ng glutathione." Inilapag niya ang mga iyon sa tapat nito.

Nawala ang sigla ng mga mata nito at nalugmok na naman ulit. Umupo siya sa tabi nito at ginagap ang kamay nito. "Mark, I know we ended up in the very bad way. I'd lie if I say, it didn't hurt and devastated me. But, hear me when I say, I already moved on. For the last seven months, I finally accepted it. Alam kong pareho lang tayong biktima, nasaktan ako, oo pero hindi pa rin nun nabura yung masasayang alaala natin na magkasama. I love you as my friend before we became... Before we tried to be more than friends." Huminga siya nang malalim.

"I just want you to know na kahit na ganito tayo ngayon, hindi ko isinasantabi kung ano tayo dati. Mark, from the way you look and the fact that you came to me in the midst of what cuts our ties, I have a bad feelings that something happened."

Unti-unti na itong natibag at humagulgol. "Ria, I'm so sorry...I just don't know who to turn to..."

"It's okay, it's okay.." Daglian niya itong dinaluhan. Yakap-yakap at hinahagod ang likod nito.

Ilang minuto ang lumipas bago ito tumahan at umayos ng upo.

"My mom, I just found out that she has cancer. She has a terminal stage Leukemia." Sumisinghot-singhot nitong panimula.

"Oh my God, I'm sorry." Humigpit ang hawak niya sa kamay nito. "Where is she now?"

"At the hospital in St. Lukes, my aunts are all there to give her support. Dad won't let me see her...he disowned me after what happened to us...Ni hindi ko malapitan yung mga kapatid ko kasi kapag nalaman ni Dad, pati sila madadamay sa galit niya sa 'kin.." Patuloy na hikbi nito.

She emphatically sympathized him but she couldn't help but asked. "Where's Simon? He should be there with you in this difficult times."

Mark suddenly paused sobbing and sniffed. "We broke up, just recently. I had to."

"Mark don't tell me––"

"Ako ang nakipagkalas. Kasi hindi ko na kaya, puro kami away, puro kami sumbatan. Alam mo ba, sa loob lang ng ilang buwan, naibenta ko yung kotse, nakasanla yung loteng para sana sa dream house natin at nakaprenda lahat ng mga alahas, gadgets at yung credit cards ko, putol na dahil lang sa pagtutustos ko sa kanya. I was dumb to think he also felt the same way Ria," he bit his lip and fixated his gaze at her. "Penerahan niya lang ako."

"I knew it. Hindi ka kasi nakinig sa 'kin!" Napataas ang boses niya pero napakabig agad nang nakita niya ang bahid na lungkot sa mga mata nito.

He didn't need a lecture today, he probably got the lesson loud and clear. All he need is a person to pull him up. Not the other way around.

Huminga siya nang malalim. "Ano pa nga bang magagawa natin? Nandyan na yan." Saka niya muling ginagap ang kamay nito. "Ano bang maitutulong ko? Sabihin mo lang."

Maigting itong tumitig sa kanya na nangungusap. "I don't want to ask this favor to you pero ikaw na lang ang huling taong makakatulong sa 'kin. Pwede bang pakiusapan mo si Daddy na payagan akong makita si Mom? Kahit sa huling sandali lang bago ako umalis."

Napaamang siya at sandaling nag-isip. "Why me? I don't have the nerve to face your dad."

"Please Ria, I'm begging you. I need to see my mom, gustong gusto ko lang siyang makita. Baka kasi...baka hindi ko na siya maabutan pang buhay.."

Guilt was killing her. Pero ano bang concern niya pa dito? Ni wala nga siyang narinig na regret or remorse dito nung iniwan siya nito sa gitna ng paghahanda ng kasal nila tapos heto at lalapit-lapit sa kanya? Aba matinde rin!

Pero sa isang banda, hindi rin niya kayang tiisin ito. Naging mabuti rin naman itong boyfriend sa kanya at kahit pinagpalit siya sa bisexual, hindi naman siya nagtanim ng galit dito. Isa pa, naging close din niya agad ang mama nito kahit sa maiksing panahon lang.

"Okay, I'll do the best I can. Pero hindi ko maipapangako na magiging madali iyon. It's your dad Mark, you know how fatalistic he is."

"I know, but I feel that he will listen to you. I remember how he was fond of you as his daughter-in-law, kaya naisip kong baka pwede. Baka makinig siya kung ikaw yung lalapit."

Nagdadalawang-isip siya pero nang bigla itong lumuhod sa harap niya ay natigagal siya. "What are you doing? Umayos ka nga,"

"Please Ria, I just want to see mom so bad.."

Doon na siya natunaw. Kawawa naman kasi kung hindi niya ito tutulungan. Baka nga kasi hindi na magkita ang dalawa, cargo de consenscia pa niya.

"Sige na, tutulungan na kita. Tumayo ka na dyan." Tumayo na siya at hinawakan ito sa braso.

Agad na tumalima ang binata. "Talaga? Sasamahan mo na 'ko sa hospital?"

Huminga siya nang malalim at tumango nang tipid. "Magpapalit lang ako at ikaw," itinuro niya ang dibdib nito. "Mag-ayos ka nga. Gusto mo bang ipakita sa Mommy mo kung gaano ka ka-miserable? Maligo ka, magpalit ka ng damit at magpabango. Kailan pa ba ang huling ligo mo?"

Nahiyang yumuko ito. "I'm homeless now, with no home, no clothes. I left everything in our pad."

"Pwes! Pupuntahan natin yun at papalayasin ang magaling mong partner! Aba! Ang kapal naman niya, ikaw nagpakahirap sa condo na yun, siya lang ang makikinabang! Where's your grit? Hindi ganyan yung nakilala kong Mark Agapito Angeles. You always stand your prerogative and ethics. This is the time you should grow some balls."

Malungkot na ngumiti ito. "I always admire your strength Ria. I wish I could be just like you. If things happen differently, I will definitely would love to be your sidekick."

"No, there's no such thing as sidekick." Hinawakan niya ang kamay nito.

"Everyone has a role in life, you might be a hero or a villain or just extras but no one is unessential because every role is vital to God's critique eyes, it just depend on how you will portray it.

Kung di talaga tayo para sa isa't-isa, siguro, di nga talaga. Pero gusto kong i-cherish at i-keep yung friendship natin. Well, it just has to be this way to make us realize how convenient our love is." Ngumiti siyang mapakla at yumuko.

"I thought it will be just fine but love in conveniency is not enough. 'Tamo, nandito ka pero hindi ko magawang magalit sa 'yo kasi, I felt nothing at all. We just fooled ourselves and probably I must thank you for busting the windows and let the doors open. Honestly Mark, I love you but you didn't bring the fire within me."

"I feel you." At humalakhak. "Oh my God Ria! How it is a relief hearing that from you. But no offense dear, maganda ka at sexy pero hindi talaga ako nalibugan sa 'yo, ever."

Nahampas niya bigla ang braso nito nang nakatawa maging ito ay tumatawa na rin.

"Talaga ba? Kahit maghubad ako sa harap mo?" Biro niya.

"No, ilang beses ko nang nakita yan. Di ka ba nagtataka kung bakit walang nangyari sa 'tin sa loob ng isang taon? It just confirmed my sex orientation. Sorry kung pakiramdam mo, ginamit lang kita bilang accessory."

"No, I think we're even. I also used you to fill the void in me. I felt more satisfied being single for seven months."

"Gaga ka, bakit naman ganun katagal? Ano, simula nang naghiwalay tayo, wala ka pang nai-date kahit isa?"

"Meron naman, but not serious." Saglit na sumagi sa isip niya si Trent at huminga nang malalim.

"I miss this. I miss us."

"Let me try to make amends. I'll make it up to you Ria."

"You should, kailangan mong bumawi at simulan mo yan sa pag-ayos sa sarili mo. Bawiin mo lahat ng mga ibinigay mo sa hayup na yun."

"I will, pero samahan mo 'ko. I tend to turn soft when he begs."

"Lintik ka, tatamaan ka rin sa 'kin eh."

"Wow, violent is new to you."

Saglit pa silang nagkamustahan bago siya nagpalit ng damit at sinamahan ang dating nobyo sa condo nito sa Novaliches. Matapos mai-parked ang SUV niya sa parking lot sa basement ay sumakay sila ng elevator.

Mahigpit ang hawak nito sa braso niya habang palapit nang palapit sila sa unit nito.

"Kinakabahan ako."

"Ano ka ba? Ikaw nga dapat ang matapang sa inyong dalawa. Aba, paaral na, pangkabuhayan package pa ng pamilya. Hay naku! Nanggigigil talaga ako sa 'yo eh. Bakit ka kasi pumayag na gawin niya 'to sa 'yo?"

"Mahal ko eh."

"Lintik 'yang love na yan, sarap ibaon ng buhay."

"Ria, natatakot na 'ko sa 'yo ah. Di ka naman dating ganyan. Nung tayo pa, ni-hindi ka nakakapagmura."

"Kasi naman ang gusto ng family mo, Modern Maria Clara ang mapapangasawa mo. Nagpaka-modest ako kaso nakakasawa rin palang magpanggap."

"I honestly agree with you."

Narating din nila yung pinto ng unit nito. Napasilip siya sa mukha ng binatang di mapakali. Hinawakan niya ang kamay nito at pinagsalikop. "Ready?"

Tumingin ito sa kanya at agad tumango. Saka kumatok. Nang walang sumasagot ay inulit nila.

"Wala yata siya dito eh." Usal niya.

"Pero sabi ng guard nandito siya. Wait." May dinukot ito sa bulsa.

"May susi ka naman pala eh," hinampas niya agad ito sa braso habang ipinapasok yung susi.

"Wait lang, baka kasi nagpabago na siya ng lock."

Pero nag-click kaya kinumpirma niyong hindi pa nagpapalit ng lock ang partner nito.

Nakapasok sila nang maayos at agad niyang iginala ang mga mata niya. Magulo, makalat at amoy kulob yung unit na tila di tinirhan ng ilang buwan.

"This is your place now." It was more like a question.

"Hindi ito ganito kung nandito pa ako." Tumungo ito sa kusina at tumabad ang apaw-apaw na hugasan.

Nakasilip pa siya dito habang inimis yung duming nakakalat sa counter top at napailing nang may maulinigan siyang halinghing sa bandang kwarto. Kinutuban siya at na-curious kaya sinilip niya. Nakaawang kasi yung pinto kaya nilapitan niya at dahan-dahan niyang sinipat.

Umuungol at humahagikgik yung babae habang nakapatong sa ibabaw nito yung lalaki. Nasa paanan sila ng kama na katapat ng pinto at nakatalikod sa kanya habang patuloy silang nagtatalik.

Nakaka-shookt lang makakita ng live action porn. Di naman siya ganung ka-inosente pero nag-aalala siya sa magiging reaksyon ni Mark.

Paatras na sana siya nang biglang mabangga sa dibdib ng kasama. Madilim ang hitsura ng pagmumukha nito at wari'y nagbabadya ang matindi at nag-uumapaw na galit. Pipigilan pa sana niya kaso bigla na itong sumugod.

"MGA WALANG HIYA KAYO!! MGA BABOY!" Hinampas at tinadyakan nito yung lalaki dahilan para kumalas ang dalawa sa pagkakapatong.

"Mark!? Anong––"

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! HAYUP KA! MATAPOS KUNG TALIKURAN ANG PAMILYA KO DAHIL SA 'YO! WALA KANG UTANG NA LOOB MATAPOS KUNG IBIGAY LAHAT-LAHAT!" Pagwawala nito habang patuloy na hinahampas sa katawan ang kalaguyo.

"Ano ba!? Tama na!" Awat naman nito.

"Tama na?! Tama na?!" Paulit-ulit na bigkas ni Mark habang dinuduro ang babae. "Ang sabi mo kapatid mo siya, ang sabi mo pamangkin mo lang yung batang karga mo sa picture. Hayup ka! Ipinakilala mo pa sa 'kin yung kabit mo!"

"Hoy! Excuse me! Hindi ako ang kabit! Ikaw! Kami ni Simon, matagal na kami at mayroon kaming anak."

"Hindi rin makapal ang mukha mo, dito pa kayo nagkembleran. Anong palagay mo sa bahay ko, motel?" Akmang susugurin ni Mark ang babae pero pinigilan ng lalaki.

"Huwag mong tangkaing saktan siya, malilintikan ka sa 'kin." Babala nito sabay tulak kay Mark.

"Ah ganun," umatras si Mark at lumabas ng kwarto, susundan pa sana niya at pipigilan kaso nakahanap na ito ng patalim at pabalik na sa kwarto.

"Hoy Mark! Maghunusdili ka!" Awat niya.

"Ako pa ang mag-a-adjust?" Itinaas nito ang hawak na pangtadtad ng karne. "Pwes, lumayas kayo sa pamamahay ko! Umalis na kayo sa buhay ko! Mga talipandas! Lumayas kayo!!!" Iwinasiwas nito palapit sa dalawa at agad namang umiwas at kumaripas ng takbo patungo sa pinto nang nakatapis lang ng bedsheet.

Nasa bungad na sila ng pinto at maging sina Ria at Mark.

"Mahal, sorry na. Patawarin mo na ako. Nagawa ko lang naman 'to kasi nagpapalamig lang naman ako. Kailangan ko rin 'to kasi lalaki ako." Pagmamakaawa ng haliparot na lalaki nang nakaluhod at pilit itinatago ang harap nito ng mga kamay.

"At gusto mong maniwala ako dyan sa pinagsasabi mo? Gumising na 'ko sa katotohanan gago! Walang kapatawaran 'tong ginawa mo, hindi excuse ang pagiging makati mo. Hala, dun kayo sa kalye. Ituloy n'yo dun sa labas tutal sanay na sanay naman kayo. Mga aso! Alis!"

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "Akala mo kung sino kang malinis, mas malala ka pa nga sa 'king bayot ka! Pagkatapos mo 'kong pakinabangan, gaganituhin mo 'ko!"

"Aba! Hoy! Hindi ako ang sumira sa 'tin! Ikaw! At yang malandi mong babae."

"Halika na Simon, wala ka nang mapapala sa baklang pulubi na yan." Hinila na ng babae ang haliparot nitong lalaki.

"Tama! Magsama kayo! FYI lang, ngayon lang ako gipit samantalang ikaw, habangbuhay ka nang linta. Daig mo pang bubblegum, di pa naidudura, nakadikit na sa iba."

"Maganda ako't may matris, eh ikaw. Bakla."

"Aba sasagot ka pa, amp––"

"Tama na," inawat na niya baka di makapagpigil ito at itarak ang hawak na kutsilyo sa leeg nito.

Isinara na ni Mark ang pinto nang lagabog. Mistulang umalog pa yung dingding saka ito naglakad sa sala. Binitiwan na nito yung kutsilyo saka napaluhod at umiyak.

Sandali niya itong binigyan ng panahon para ilabas ang sama ng loob bago niya ito dinaluhan at niyakap.

"I'm so messed up, Ria." Usal nito saka siya niyakap.

"It's going to be all right, Mark. Just be strong, okay?"

Humagulgol pa rin ito sa balikat niya. Matagal bago sila umayos at piniling maupo sa sofa.

"Don't leave me Ria," ginagap nito ang kamay niya. "Please, stay a little while."

Nagdadalawang-isip na naman siya. "Honestly, Mark...I have.."

"Please, just for an hour.. I don't feel I can't bear this sadness and being alone. Please, just stay."

Lalo siyang naguluhan. Oo nga't sinaktan din siya nito at iniwan sa ere ng ganun-ganun lang kaso, kung tutuusin, mas nakabuti pa nga ang paglayo at kasabay ng pag-out nito. Dito nabunton lahat ang sisi. He was her scapegoat at dahil dun, nagi-guilty din siya. Kaso, paano naman yung kapakapanan niya? Paano yung sarili niyang grit? Hindi naman por que pinatawad na niya ito ay maari na itong magpaka-friendship agad-agad sa kanya? Aba, parang nakakaluko naman yun.

Pero sa isang banda, mas kailangan nito ang isang kaibigan. Isang taong hindi ito huhusguhan sa maling desisyon nito at mga pagkakamali. Isang taong hindi ito iiwan sa oras ng kailangan nito ng kalingang hindi nito mahanap sa pamilya.

Huminga siya nang malalim at tiningnan ito nang mataman. "Okay," ngumiti siya nang matipid. "I'll stay."

Ngumiti ito nang mapakla at pinapungay ang mga mata. "Thank you."

Maya-maya ay birong hinampas niya ito. "Ikaw ah, may natatago ka palang tapang dyan. Muntik na akong atakehin kanina. Grabe ka."

Mapait na ngiti ang sumilay sa labi nito. "I didn't know I have that strength too, it was impromptu. I'm also shocked myself."

"Well, that's what I called backbone." Ria fixated her gaze at his face. "You deserve more. He's just a douche, you did the right thing. Mabuti nang wala kang dyowa kaysa sa lalaking aahasin ka. He sounds like a parasite to me, just look at you, ang laki ng ipinayat mo."

Mark cowardly bowed his head. "Oo nga. Ngayon ko lang na-realize na ang toxic ng relationship namin kahit nung simula pa lang. Ako lang naman yung nagpumilit. Ayan, tingnan mo 'ko."

"It's not your fault he cheated on you. It's just...him being insatiable. Hindi makuntento sa isa." Saka niya hinila ito patayo. "Tara, maglinis na lang tayo. Ang kalat ng bahay mo."

Tumawa na ito sa wakas. "Thank you, Ria. For being here. For being a friend despite everything." At hinawakan ang baba niya. "Ang swerte ng magiging dyowa mo, ang swerte niya kasi nakahukay siya ng ginto."

Tiningnan niya ito nang seryoso. Maging ito, naging tahimik din. Saka sila tumawa nang sabay.

"Oh my God! I thought you will going to kiss me!" Nahampas na naman niya ito sa braso.

"For the love of all saint! Ni minsan, di sumagi sa isip kong makipag-MoMol with you.. It's kinda...eew.."

"Oy ang sama ah!"

"Joke lang!" Saka ito nag-peace sign. "Pero seryoso ako, ang swerte ng dyodyowain mo sa 'yo. Kasi ang buti ng puso at ang strong mo. Sana talaga, mahanap mo na siya. Isa ako sa magiging masaya para sa 'yo."

Saglit na sumagi sa isip niya si Trent at napangiti. Saka lang niya naalalang tawagan ito.

"OMG! I have to cancel my appointment."

"Appointment? May client meet up ka? This yuletide season?"

"Ah, yeah.. Family reunion." Palusot niya.

"Ah.. I see. Sorry, dahil sa 'kin nakumpromiso ka pa."

"Okay lang. Na-missed din naman kita eh." Pilit siyang ngumiti at humakbang papuntang balcony. "Tawag lang ako ah."

Tumango lang ito at nagsimula nang magligpit.

Hawak ang phone niya habang nakasilip sa kasama niya. Ayaw niyang sabihin na may date sana siya kasi magi-guilty ito dahil pinakiusapan siya. Ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon tutal di naman nito kailangang malaman pa yun.

Sapo ang dibdib niya nang i-dial niya ang numero ng binata. Maiksing lang iyon at agad niyang narinig ang boses nito sa kabilang linya.

"Hello! Good thing you call Ria, I have a surprise for you."

Natameme siya. Biglang umurong yung dila niya. Nakawala na sa hangin yung mga salitang sasabihin niya dito. Paano ba naman kasi, boses pa lang nito ulam na. Nakakakiliti sa tenga.

"Hello? Ria, are you still with me?"

"Trent, I'm sorry I can't make it. May emergency kasi eh. Biglaan, pasensya na. Di na ako makakapunta kasi may kailangan lang akong gawin. Sorry kung di ako nakatawag agad." Sumilip ulit siya sa loob at napansing wala na ito sa salas. Nasa kusina na marahil.

"Ganun, okay." Matabang ang tugon nito.

Pambihira, makakawala pa yata.

"I'm sorry talaga."

"No, it's fine. umm, nagulat lang ako at slightly, nadismaya. But don't worry. May next time pa naman eh."

"Babawi na lang ako sa 'yo next time, promise."

Natawa lang ito pero alam niyang for the show lang para di siya masyadong mag-isip. "Yeah, next time mas paghahandaan ko. Re-sched na lang natin."

Bigla siyang may naisip, since kailangan niya talagang bumawi. "Ganito na lang, may plano ka na ba sa 24?"

"Wala naman, bukod sa Christmas eve night mass. Why?"

"Invite sana kita sa house ni Tita Felicity. My parents are staying there and We will spend Christmas with Sebastiano's. If you're not busy..."

"Sure! I'm down for it!" Biglang nag-iba ang disposisyon nito.

Napangiti na rin siya. "Sige, I'll expect you to wear something occasional."

"Wait lang, manghihiram ako kay Santa Claus ng costume."

Natawa siya bigla. "Silly,"

Napatanaw tuloy si Mark sa kanya habang nagwawalis kaya minabuti nitong lumapit.

"Sige, I'll see you. I'll just text the place." Saka niya ibinaba at nakangiting humarap dito.

"Sino bang katawagan mo talaga? Client or admirer?" Nakataas pa ang kilay nitong natatawa.

"Wala yun, batchmates ko kasi yung nagpapa-book."

Tumango na lang ito at nagpatuloy sa ginagawa. Siya naman, nagpakaabala na lang siya sa pag-iimis ng kalat sa sala.

🌃🏨🏥

"Gaga ka talaga! Chance mo na yun eh, pinakawalan mo pa."

Halos matanggal yung tutuli niya sa tainga dahil sa bulyaw ni Ginger sa telepono niya.

"Gin, di ko naman siya pwedeng pabayaan. Sa 'kin nga siya lumapit kasi wala na siyang ibang mapuntahan." Paliwanag niya habang naglalakad papuntang restroom sa loob ng hospital.

"Alam mo, iba ka din. Iniwan at ipinagpalit ka na nga sa iba, nandyan ka pa din sa tabi niya. Bilib din talaga ako sa pagiging martir mo girl. Ibah!"

Napaikot na lang siya ng mga mata. "Okay, I get your point, pero Gin, intindihin mo naman yung tao. Masyadong masakit yung nangyari sa kanya. Saka hindi naman na ibang tao sa 'kin si Tita Mel, hindi ko naman mahindian kasi maski ako, nagulat at naawa rin sa tao."

"Andun na 'ko sa naaawa ka sa mother-in-law mo–sana. Kaso girl, labas ka na dun. Problema na niya yun. Dapat nga siya ang gumawa ng paraan tutal gusot niya yan. Anong palagay niya sa 'yo? Tanggapan ng DSWD? Women's desk o baka naman Bantay-Bata 163? Hindi ka tanggapan ng mga nangangailangan ng tulong. Girl, ano ka ba? Mag-isip-isip ka nga."

Napabuntong-hininga na lang siya at napatingin sa malapad na vanity at napasandal sa washstand counter.

"Wala nang magagawa 'yang kakukontra mo. Andito na 'ko eh."

"Alam mo, kaya ka inaabuso. Masyado kang mabait."

"Oo na, sige na. Tawagan na lang kita mamaya." Pinatay na niya.

Naririndi na kasi siya sa boses nito. Sa isang banda ay tama naman kasi ito. Wala na siyang pake sa buhay ng dating nobyo. Kaso as honor of respect and bonafide comfort, may kaunti pa rin siyang natitirang amor dito as friend na lang.

Siyempre hindi rin naman biro yung pinagsamahan nila sa loob ng isang taon. Hindi kasi siya maintindihan ng kaibigan kasi hindi pa naman nito naranasang magkaroon ng matino at matagal na relasyon. Pinutol na niya ang usapan dahil baka humaba lang kapag may masabi siyang hindi maganda, pag-awayan pa nila. Kaso, sa sobrang taklesa nito, nakaka-offend na rin paminsan-minsan.

Inayos niya ang sarili bago siya bumalik sa wing kung saan naka-confined sa ICU ang mama ni Mark. Nagkaroon daw kasi ng minor seizure ang pasyente at may infection na kumalat sa katawan kaya nagka-pneumonia.

Kasalukuyang nagbabantay ang tita at lola ni Mark nung dumating sila kanina. Nagulat pa nang makitang magkasama silang dalawa. Agad niyakap ng lola nito si Mark maging ang tita nitong nakakabatang kapatid ng mama nito. Maluha-luha at puno ng emosyon kaya di na niya inaabala pa sila.

Saglit siyang nagpapaalam kanina para magbanyo at saktong tumawag naman si Ginger.

Nabungaran niya ang nurse na bantay habang nag-se-cellphone.

"Nurse, nasa loob na ba sila?"

"Ay opo Ma'am, kanina pa. Gusto n'yo po bang pumasok? Suot po muna kayo ng protection gear po para sa patient."

Nailing niya ang ulo. "Mamaya na lang, di yata pwede ang marami sa loob." Saka siya naupo at inabala ang pagtitipa sa cellphone.

"Yun pala yung panganay ni Ma'am Mel. Ang gwapo."

Narinig niyang nag-uusap yung dalawang nurse na malapit sa kanila.

"Girlfriend niya siguro yung babae, maganda eh, saka mukhang mayaman."

Halos matawa na lang siya. Maski yung nurse na kinausap niya kanina naiiling at nakangiti habang nakasandal sa walling ng station nito at busy sa cellphone din gaya niya.

Pinagtutuon niya ng pansin ang e-mail niya. Marami kasing nag-notif kanina nung nasa condo pa lang siya ng dating nobyo habang abala silang naglilinis.

Binasa niya isa-isa. Yung iba, credit loans, ad ng cosmetic company at iba pang credit card affiliated ads. Binasa na lang niya yung ibang relevant mail tungkol sa work niya at napadpad siya sa Instagram kung saan nag-post ng mga pictures at IG story ang former client niyang si Lady Naomi.

Pinusuan agad niya at nag-comment sa pic ng mag-asawa na sweet na sweet habang nasa-Jacuzzi at magkayakap. Marahil nasa Okinawa pa rin ang dalawa.

Napahawak na lang siya sa pisngi at nanaginip na sana, siya din. Magkaroon ng happy ending.

Napaigtad na lang siya nang biglang napalundag yung nurse mula sa pagkakasandal at agad hinarang yung lalaking papasok sa kwarto.

"Sir!!! Tulog pa po si Ma'am!"

"Alam ko, kaya nga siya nandito sa ICU kasi comatose siya eh." Walang kagatol-gatol na banat ng may edad na lalaki.

Nakilala agad niya ito mula sa baritonong boses hanggang sa matikas na tindig at matangkad na pangangatawan.

"Tito Darius?"

Luminga ito at sandaling naningkit ang mga mata. Saka siya nilapitan. "Ria? What are you doing––hija. Good to see you." Agad siya nitong niyakap. "How long have you been here?"

"Good to see you too, Tito." Nangangatal pa rin siya kahit wala namang rason para matakot.

It was his vibe. Too brooding and domineering. Nakakasindak ang presensya nito. Wari niya laging may awtoridad ang mga sinasabi nito.

She couldn't blame Mark for keeping himself in the closet. Nakakatakot kasi ang dad nito.

Saka agad nagbago ang disposisyon nito. "How do you know Melissa is rushed here? We haven't told anyone.." At napabaling sa pinto ng kwarto ng asawa nito.

Akmang patungo ito doon pero pinigilan niya. "One of your daughter, si Maggie, sinabi niya po sa 'kin. I just want to drop by to know her condition, po." Pilit niyang pinalalakas ang dibdib niya habang tinititigan siya ng mga mapanuring mata nito.

"I'm not quite sure," diskumpiyado pa rin ito. Saka dali-daling humakbang at di man lang inalintana silang dalawa ng nurse na gumagawa ng paraan para manatili muna ito sa labas.

Hanggang nakapasok na ito. Naabutan nitong nakahawak ang kamay ni Mark sa walang malay na ina habang ang tita at lola nito ay nagulat sa pagpasok ng ama.

"Anong ginagawa ng walanghiyang bastardong 'yan?!! PALABASIN N'YO YAN DITO!" Hindi na ito nakapagpigil at kinuwelyuhan ang anak saka kinaladkad palabas.

Shookt na naman ang eksena niya.

"Darius! Tama na! Anak mo pa rin siya!" Sigaw ng matandang babae saka pilit na inawat ang anak nito sa pagkastigo sa apo.

"Dad!! I'm sorry! I just want to see mom,"

Sapak ang isinagot nito.

"Ayyy!" Sigaw nilang lahat na puro kababaihan.

Dali-dali niyang dinaluhan si Mark at tinulungang tumayo.

"Wala na akong anak simula nang araw na tinalikuran mo ang pamilyang ito, umalis ka na, DI KA NAMIN KAILANGAN!"

Patuloy ang pagluha at pagmamakaawa ng lola nito sa ama na patawarin na ang anak pero matigas pa sa bato ang panindigan nito.

"Let's go, you don't want to have two relatives of you to be in the hospital bed." Bulong niya sa binata.

Ayaw man nito, nagpatianod na lang ito saka sila umalis.

💠💠💠💠💠

Makalipas ng ilang araw matapos ang pagbisita at pagtulong niya sa dating nobyo, magulang naman niya ang pinuntahan niya. Ikinuwento rin niya ang kalagayan ng mama ni Mark at maging ang nangyari sa binata.

"Poor guy, he doesn't deserve to be treated that way. I honestly got mad of what he did but after hearing all that, I couldn't help but feel pity." Usal ng mom niya.

"Well, that's the life he chose. On the other hand, Darius is being hard on him. Kahit pa ganun ang pinili nitong kasarian, di pa rin tama na tratuhin niyang basura ang anak. Para naman siyang hindi tao."

"You're definitely right, Albert." Pagsang-ayon ng Tita Felicity niya sa dad niya.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sala at nag-si-siesta habang nag-tsa-tsaa. Certified titas of Manila kasi ang tita niya.

"I already have some thoughts of talking to him. Kasi, kahit naman gay si Mark, di dapat mabawasan ang pagtingin niya dito bilang anak. Kaso, nagdadalawang-isip ako. Nakakasindak kasi si Tito."

"Sinong nakakatakot? Ako?"

Sabay-sabay pa silang lumingon. Ang Tito Wilfredo lang pala niya.

"Hon, come here. We're just talking about Darius."

"Darius, who?" Humalik ito sa pisngi ng Tita Felicity niya.

"The RealTeck Tower owner."

"Oh, Darius Angeles! What's up with him?" Saka siya dito humalik at yumakap.

"The last time I heard about him was when he cancelled the engagement with his son and your daughter." Bumaling naman ito sa mga magulang niya.

"Yeah, that was seven months ago Tito." Siya na ang sumagot.

"The cut doesn't end quite well," umupo na ito sa tabi ng asawa.

"Yeah, but we're more worried about his wife and his son as well." Panimula ng mommy niya.

"Oh, care to tell me people." Sumensyas na ito sa katulong at agad namang lumapit. "Get my whiskey."

"Hon, it's too early." Awat ng asawa nito.

"Minsan lang akong umuwi nang maaga." Paglalambing nito at pinisil pa ang pisngi ng tita niya.

"You guys still have it." Buyo ng dad niya.

Ngumiti naman ang tito niya. Wala hitsura na magse-seventy na ito. Though streak of grey hair was already visible and his face sported with long fine lines when he smiled, those didn't hinder his good looks even the slightest. Mestizuhin ito dahil na rin sa ancestor nitong Kastila. He's a pure Pilipino but he looked like mixed of Hispano-American. Probably kasi sinakop ang Pilipinas ng Kastila at Amerikano.

"Kayo rin naman, Albert. You look like you guys just met." Pilyong biro nito na ikinangiti ng mom niya.

"Your husband is still a glib, Felicity."

"No, Nancy. I'm telling the truth."

"Ganito kasi yun Hon," kaya si Tita na niya ang nagkwento.

Lalong humaba ang kwento dahil sa mga adds on ng tita niya at pangungulit ng tito niya. Natatawa na lang siya at napapainom ng chamomile tea.

"Whoa! What can I say. It's a breaking news." Bulalas ng tito niya habang nagsasalin ng alak sa kopita.

"That's enough Hon," inagaw naman ng tita niya.

"Oh c'mon! I'm just getting started," angal nito.

"Remember what the doctor said about your blood pressure." Paalala naman nito with matching waggling index finger.

"Ang sweet n'yo talaga tita, tito." Nakangiti lang siya habang pinagmamasdan ang mga ito.

Saglit kasing umalis ang mga magulang niya para kumuha ng makakain sa kusina. Kaya naiwan siya sa sala kasama ng mga ito.

Perfect May-December couple kasi ang dalawa. Ang tita niya kasi tutuntong pa lang sa fifty habang ang tito niya, well seventy. Halos bente anyos ang agwat nila. Marami nga ang naintriga at na-shookt. Multimillionaire media tycoon ba naman ang Tito Wilfredo niya at hamak na pageant title holder lang ang tita niya. Well, at least may title. Nanalo kasing Miss California ang tita niya at sumabak din sa Miss U kaso di pinalad.

Marami ring humadlang sa lovestory nila at isa na dun ang mga anak sa una at pangalawang pamilya ng tito niya. Third wife na kasi nito ang tita niya at sa bawat tatlong pamilya, may mga anak ito. Sa una, apat, sa pangalawa, lima at sa tita niya tatlo. Trese silang buhay, di pa kasama yung nauna na. Matindi rin, ang tinik ng tito niya. Pabling din kasi.

"Oo nga pala, Ria," biglang napatingin sa kanya ang tita niya. "Do you have any idea how to contact Rave? He's out of this world again."

"I tried to call him too, laging busy eh."

"Ano bang nangyayari sa batang iyon." Iiling-iling na lang ang Tito Wilfredo niya.

"We're home!"

"Chase, Caleb, Ria is here." Pag-anunsyo ng tita niya.

Sabay na tumingin sa kanya yung kambal saka parehong yumakap sa kanya. "Kamusta na insan?" Usal ni Chase, yung nasa kanan niya.

"Okay lang, kayo? Sa'n kayo nanggaling?"

"Nag-practice lang dyan sa may court." Si Caleb naman yung sumagot. Actually they're identical at minsan nalilito siya kung sino sa dalawa si Chase at si Caleb.

"Kaya pala amoy-pawis kayo eh."

"Di ah," si Caleb na humirit pa ng "Amoyin mo pa kilikili ko," sabay lapit ng nakataas yung braso.

"Yuck!"

"Mom si Caleb, ang gross." At si Chase.

That was the only thing she could define who's who.

"You guys should take a shower, dinner will be ready soon."

"Kay Mom,"

"Hon, malalaki na ang mga yan." Awat naman ng tito niya at pinaupo sa tabi ang asawa.

"Dad, akyat lang muna kami," bago umalis at nagmano muna ang mga ito. "Insan," saka bumaling sa kanya.

"Can't believe they're all growing so fast. I have a grown man and two seventeen years old young men." Bulalas ng tita niya habang nakatanaw sa dalawang binatang palakad palayo at naghaharutan pa. Siya namang lapit ng mom niya.

"Yeah, they were just kids when we first got here. Ang bilis ng panahon."

"Oh! Mom, your tagalog is improving."

"Yeah, thanks to my teacher." Kumapit ang mom niya sa kapatid. "Maybe I'll stay for a long vacation, baka gumaling din ako."

Halos mamaluktot ang dila nito pero carry lang, at least nagta-try na ito dati ayaw nitong matuto.

Napalingon sila sa nakakalukong tawa ng tito niya. "Ano ba naman kayo, tayo nga tumatanda, mga anak ko pa kaya?"

"And I have a big, old drunken laden man as my husband."

"Hey! But still a potent, virile man despite my age," protesta nito.

"Here he goes again." Napaikot ng Tita niya ang mga mata na sadyang ikinatawa niya at ng mommy niya.

Masaya silang nagpalipas ng oras habang hinahanda na ang mga pagkain sa hapag. Wala anu-ano ay napaisip si Ria.

Ano kayang magiging reaksyon ng mga ito kapag ipinakilala si Trent? Siguradong magiging tampulan na naman siya ng tukso mula sa mga pinsan niya. Pero, hindi siya nag-aalala. Kasi alam niyang anu't ano man, may pamilya siyang susuporta at gagabay sa kanya.

Sandali siyang nag-wish kay Santa Claus na sana, maging gift na niya ngayong taon ang magkaroon ng love life at maging forever na niya gaya ng sa magulang niya at sa tita at tito niya.

Continue Reading

You'll Also Like

104K 1.3K 28
Si Kyla Ann Roa ay isang babaeng workaholic at walang panahon sa lovelife at isang....bitter? Ngunit dahil sa isang lalaki na nakasiping niya isang g...
3.4K 410 26
A 19 year old girl Adeline grew up in her non biological mother when she gone missing when she was 2 years old. She was a adopted by one of the famou...
3.7K 252 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
14.1K 173 4
Ang nobelang ito ay ang unang katha na aking ginawa. Ito ay aking imahinasyon lamang. Naway maunawaan niyo ang ibang maling grammar, punctuation mark...