One Hundred Days (Completed)

By EJCenita

300K 2.1K 532

Life is a matter of choice. Monday, a 17 year old provincial girl who chose to study in Manila for a brighter... More

Foreword
Acknowledgment
Introduction
Chapter 1: New Grounds (Johan's POV)
Chapter 1.2: Crush at First Sight
Chapter 1.3: Agreements
Chapter 1.4: Crazy Little Thing called Effort
Chapter 1.5: Crazy Little Thing called Effort (part 2)
Chapter 1.6: The Ingredients of Love
Chapter 1.7: Box Full of Memories
Chapter 1.8: Unexpected - Information
Chapter 1.9: Unexpected (part 2) - Meet Up
Chapter 1.10: Unexpected (part 3) - Determination plus Effort
Chapter 1.11: Unexpected (part 4) - Lost Hope
Chapter 1.12: Unexpected (part 5) - Home Sweet Home
Chapter 1.13: Days with Shana
Chapter 1.14: First and Last (One Hundredth Day)
Chapter 2: Unang Araw ng Pagkakataon
Chapter 3: Tamang Hinala (TH)
Chapter 3.2: Ang Palasyo ni Rica
Chapter 3.3: Ang Nakaraan ni Monday - Halik
Chapter 3.4: Ang Nakaraan ni Monday (part 2) - Pagkikita
Chapter 3.5: Ang Nakaraan ni Monday (part 3) - Yakap
Chapter 3.6: Ang Nakaraan ni Monday (part 4) - Panalangin
Special Chapter: Ang Nakaraan ni Monday - Pakiramdam (Halloween Special)
Chapter 3.7: Ang Nakaraan ni Monday (part 5) - Pagtataka
Chapter 3.8: Ang Nakaraan ni Monday (part 6) - Alapaap
Chapter 3.9: Ang Nakaraan ni Monday (part 7) - Kapalit
Chapter 3.10: Ang Nakaraan ni Monday (part 8) - Paghihintay
Chapter 4: Overnight sa Palasyo
Chapter 5: Overnight sa Palasyo (part 2) - Luha't Yaman
Chapter 6: Botanical Garden
Chapter 7: Katok
Special Chapter: Pagmamahal (Valentines Special)
Chapter 8: Richards Family
Chapter 9: Kabado
Chapter 10: Flashback
Chapter 11: Hula ni Rica
Chapter 12: Finals Week
Chapter 13: Byaheng Tarlac
Chapter 14: Katotohanan
Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip
Chapter 16: Pagbalik sa Kabataan
Chapter 17: Tiyo Tenong at si Rally
Chapter 18: Lovelock
Chapter 19: Pag-uusap
Chapter 20: Pauwi ng Maynila
Chapter 21: Panaginip at Pageselos
Chapter 22: Muling Pagkikita
Chapter 23: Alaala
Chapter 24: Ilong
Chapter 25: Unang Pagkikita
Chapter 26: First
Chapter 27: Charlotte
Chapter 28: Piano
Chapter 29: Biglang Bonding
Chapter 30: Waiting for Forever
Chapter 31: Lihim ni Lotty
Chapter 32: Kundi..
Chapter 33: Sunday
Chapter 34: He's Proud
Chapter 35: Mr. Campus
Chapter 36: Surpresa
Chapter 37: Resulta
Chapter 38: Bagong Mr. Campus
Chapter 39: Pagpunta
Special Chapter: Pagkanginig (Halloween Special)
Chapter 40: Tingin
Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta
Special Chapter: Simbang Gabi (Christmas Special)
Chapter 40.3 Tingin (part 3) - Rebelasyon
Chapter 41: Pagkagulo
Chapter 42: Paliwanag
Chapter 43: Abot Langit
Chapter 44: Rosas (Valentines Special)
Chapter 45: Pangako
Chapter 46: Santan
Chapter 47: Kwintas
Chapter 48: Buong Akala
Chapter 49: 300th Day
Chapter 50: Pagtatagpo
Chapter 51: 'Di Inaasahang Pangyayari
Chapter 52: Pahiwatig
Chapter 53: Dahilan
Chapter 54: Dasal
Chapter 55: Kabiyak ng Lovelock
Chapter 56: Pakiusap
Chapter 57: Litrato
Chapter 58: Pagbabalik
Chapter 59: Paalam
Chapter 60: Tawag
Chapter 61: Mag-isa
Chapter 62: Pagpatak ng Luha
Chapter 63: Bracelet
Chapter 64: Earphones
Chapter 65: Basket
Chapter 66: Kape
Chapter 67: Text
Chapter 68: Malay
Chapter 69: Sulat
Chapter 71: Kumpleto
Chapter 72: Papel
Chapter 73: Panyo
Chapter 74: Balisong
Chapter 75: Tsinelas
Chapter 76: Plano
Chapter 77: Tiwala
Chapter 78: Kakampi
Chapter 79: Bala
Chapter 80: Isandaan (Last Chapter)

Chapter 70: Dedbat

642 6 0
By EJCenita

Chapter 70: Dedbat


Lumipas ang isang buong maghapon ng wala ng Ate Anne at Jepoy sa kwarto. Kami na lamang ang naroon. Namiss ko bigla ang pagiging makwento ni Ate Anne at maging ang mga pambobola ni Jepoy sa akin. Panaka-naka ang pagtingin ko sa sulat na binigay nito sa akin kasi napapangiti ako sa tuwing nakikita ko 'yun. Ewan ko ba. Ngunit sumasagi pa rin sa isipan ko yung kinuwento sa akin ni Jepoy na totoo ngang narito si Marion sa lugar namin. Bakit siya bumalik rito sa Tarlac? Ano kayang nakasulat sa papel na pinakita nito kay Jepoy? Ang buong akala ko ay nasa ibang bansa na sila pero bakit narito pa siya. Hay, ang gulo. Pero sana, may maganda siyang dahilan dahil sa mga napapabalitaan namin na nabaon sila sa utang at maraming tao ang galit sa pamilya nila ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganun ang mangyayari sa kanila at pagkakatanda ko ay gustong-gusto ng tao ang kanyang ama pero tama nga ang sabi nila, nagbabago talaga ang tao. Walang permanente sa mundo. Oo, marahil ay gusto ka nila ngayon pero paglipas ng panahon, mawawalan sila ng interes sa'yo at tatalikuran ka rin nila.


Kinagabihan ay umuwi muna kami ni nanay at sina tita Lisa at tita Nessa ang nagbantay kay tatay. Sabi ng doktor sa amin bago kami umalis ay bumubuti na raw ang kalagayan ni tatay at isa sa mga araw ngayon ay makakalabas na siya at maiuuwi na na rin namin siya sa bahay. Hindi kina tita Lisa kung hindi sa mismong bahay namin. Ang tagal na rin kasi magmula noong huli kong nakita si tatay sa bahay namin, ang tagal na rin noong huling gising ko na sila ang unang sasambulat sa paningin ko at sila ang unang babati sa akin ng, "magandang umaga, Munde!". Nakakamiss. Pero konting tiis na lang dahil mangyayari na ulit 'yun.


Lumipas ang magdamag ng payapa at nakatulog ako ng mahimbing. Dahil kinabukasan ay marami kaming gagawin. Magsisimba at gagawin ang mga gawaing bahay na natengga dahil sa pagbabantay kay tatay.


Linggo ng umaga, tapos na kaming kumain ng almusal ni nanay. Naghuhugas na ako ng mga pinagkainan ng biglang may binilin si nanay sa akin.


"Nak, pagkatapos mo riyan ay maligo ka na rin agad ha."


Napatingin ako kay nanay at.


"B – bakit po?"


"Anong bakit ka dyan, magsisimba tayo. Linggo ngayon, nak. Nakalimutan mo na ba?"


"Ayyy."


"Oo nga po pala, nakalimutan kong Linggo na po pala ngayon. Sige po 'nay, tapusin ko lang 'to."


Pagkatapos kong maghugas ay naligo na ako at nagbihis. Dumiretso na kami sa simbahang katoliko sa bayan namin na isa sa mga bumuo ng kabataan ko. Dahil dito, lumago ang espiritwal kong pagkatao at nakilala ang ating Panginoon. Pumasok na kami sa loob, bumungad sa amin ang maraming tao na nagsisimba rin. Karamihan ay palabas na dahil tapos na ang unang misa. Swerte namin dahil sa may bandang gitna kami nakaupo.


Magsisimula na ang misa ng may mapansin si nanay sa akin.


"Nak, bakit parang 'di ka mapakali? Anong meron?"


Napansin ni nanay na palingon-lingon ako sa paligid.


"A – ah! Wala po nay, hindi lang po kasi ako sanay eh."


"Ganon ba? Hindi ba ganito sa simbahan nina Johan?" mahinang bulong ni nanay..


"Hindi po 'nay." sagot ko sabay iling..


"Ah kaya."


"Pero 'nay, kapag bumisita kayo nina tatay sa Manila, sumama po kayo sa amin ni Johan ha?"


Ngumiti lang ito.


"Ayoko nak, nabuhay akong Katoliko at mamamatay din akong Katoliko."


"P – pero 'nay."


"Oh mamaya na tayo mag-usap, magsisimula na ang misa."


Hindi na ako nakaimik. Sa totoo lang, Katoliko ako buong buhay ko hanggang sa nakilala ko si Johan na isang Born Again Christian. Ayoko talagang sumama sa kanya noon pero pagkatapos ng unang beses na sinama niya ako ay iba pala talaga. Masaya ako sa outcome at mas nakilala ko ang Panginoon natin. Nagpa-convert ako at masaya ako sa desisyon ko. Hindi nagalit si nanay at tita Nessa sa desisyon ko dahil paniniwala ko raw 'yun at nasa hustong edad na ako para magdesisyon sa sarili ko. At masasabi kong, heto ang isa sa mga desisyong hindi ko kailanman pagsisisihan.


Medyo nanibago ako sa misa pero tinuon ko ang atensyon at oras ko sa pagdarasal. Pinagdasal ko ang mabilis na paggaling ni tatay, na ligtas na makauwi at makarating dito sa amin si Johan, nagpasalamat ako sa bawat biyayang natatanggap ko at mga taong nasa paligid ko. Sa totoo lang, wala na akong mahihiling pa dahil sobrang blessed ko sa punto ng buhay ko ngayon. Buo ang pamilya ko at alam ko, malapit ng dumating ang araw na makikita ko silang masaya ulit tulad lang ng dati.


Natapos nag misa. Malapit ng magtanghali noon kaya umuwi na kami agad dahil kami na ang magbabantay kay tatay. Naghanda lang kami ng tanghalian ni nanay na dadalhin namin, medyo tahimik kami at hindi gaanong nagkikibuan dahil siguro sa napag-usapan namin kanina. Dinala ko yung mp3 player na pinahiram sa akin ni Johan at maging yung earphones at syempre, dinala ko na rin yung cellphone ko. Habang nasa tricycle kami papunta sa hospital, hinawakan ko ang kamay ni nanay at sumandig ako sa balikat nito.


"Nako ang anak ko, naglalambing." bulong ni nanay..


"'Nay naman eh."


Nakarating kami sa hospital ng pasado alas-dose na. Eksakto ang pagdating namin dahil sa tanghalian na. Pagkapasok namin sa kwarto ay nakita naming tulog sina tita. Habang hinahanda namin ang pagkaing baon namin ay napatingin ako sa higaan ni Jepoy.


Napangiti ako at napaisip ako bigla.


"Kamusta na kaya sina Ate Anne at Jepoy kulit ngayon?"


Nakakamiss silang dalawa pero sana, hindi ko na siya makita rito sa hospital. Gusto ko makita siya na naglalaro na ng basketball at tinutupad ang mga pangarap niya.


"Nessa, Lisa. Gumising na kayo dyan, kakain na tayo." paggising ni nanay sa kanila..


Medyo hirap kaming gising sila dahil sa puyat at pagod na rin. Nang magising sina tita, agad kaming kumain ng tanghalian. At ilang oras lang ang lumipas ay umuwi na rin sina Tita Nessa at Tita Lisa para magpahinga. Inuwi ni tita Nessa ang mga pinagkainan at sinabing siya na ang bahala sa mga hugasin at sa bahay namin.


Pasado alas tres ng hapon, nakatulog si nanay sa may bandang braso ni tatay. Samantalang ako, ka-text ko si Lotty.


"Sissy, kamusta na kayo diyan? Kamusta na nag tatay mo? – Rica"


"Nagiging okay na siya sissy, thank God!"


"Nako! Mabuti naman, pinagpe-pray na namin siya dito sa bahay at maging kina Lotty. 'Wag ka mag-alala magiging okay na rin siya."


"Naks, salamat sissy. Teka, bakit hindi nagte-text si Lotty? Anong meron?" sagot ko..


"Ah 'yun ba, kasi kahapon nahulog sa cr yung cellphone niya, yun nabasa. Nasira hahaha alam mo naman si Lotty medyo shungabells."


"Hala! Susumbong kita sissy hahhahaha ganon ba? Sayang naman. Ang ganda pa naman ng cellphone niya." sagot ko..


"Oo nga eh, hayaan na. Mayaman naman sila eh, barya lang sa kanila 'yun. Ay, oo nga pala. Baka sa Wednesday pa kami pumunta dyan ha?"


"Nako nako, ikaw talaga sissy. Sabing wag na kayo pumunta kasi malayo 'to."


"Ano ka ba! Nagpaalam na kami eh so it means pwede na kaming pumunta dyan. Hinihintay lang namin yung pinsan ni Kuya Jess tapos go na kami dyan."


"Pinsan? Bakit? Ano meron?" pagtataka ko..


"Kasi sabi ni Kuya Jess, kelangan niya raw ng karelyebo sa pagda-drive. Mahirap na daw at baka may mangyari sa amin. Hindi raw niya mapapatawad sarili niya kapag ganon. Kaya 'yun, tinawagan niya yung pinsan niya para may karelyebo siya."


"Ahhh ganon pala. Grabe ang bait ni Kuya Jess eh 'noh? Mahal na mahal niya kayo." sagot ko..


"Oo nga eh. Teka, kayo? Baka kamo tayo! Ikaw talaga sissy 'di mo sinasali sarili mo eh hahahah"


"Hahahaha hala sorry -__- Nami-miss ko na kayo sissy huhu"


"Kaya nga kami pupunta dyan kasi alam namin na nami-miss mo na kami at kailangan mo rin ng kausap at stress reliever. Tama ako diba?"


"Oo sissy eh. Sabi ng doktor ni tatay, unti-unti na siyang gumagaling at one of these days, magigising na siya. Excited na akong makita siyang okay na ulit."


"Nako! Ako rin, excited na ako for you :"> Teka sissy, ilang araw na pala kayo dyan?"


Napaisip ako sa sinabi ni sissy sa akin.


"Mga lagpas apat na araw na kami dito eh? Teka, April 1 siya sinugod dito.. Bale, 5 na araw na pala. Kasi April 6 ngayon."


"Hala, mag-isang linggo na pala kayo dyan."


"Oo sissy eh, ang tagal na namin dito. Iniisip ko nga, kung saan kami kukuha ng pangbayad sa bills dito sa hospital once na makalabas na si tatay. Hay."


Hindi naman kasi kami mayaman, walang trabaho si nanay at umaasa lang din kami sa mga pensyon ni tatay at sa mga kapatid ni nanay. Si Tita Nessa ang nagpo-provide ng baon ko araw-araw sa school at kung hindi dahil sa scholarship ay hindi siguro ako makakapag-aral ngayon. Kaya ganun na lamang ang sipag at dedikasyon ko sa pag-aaral kasi gusto ko sila maiahon sa hirap at mabigyan ng marangyang buhay.


"Hayaan mo sissy, gagawa kami ni Lotty ng paraan para makatulong. : ) 'wag ka na malungkot! Sayang ganda ano ka ba."


"Sissy! 'Wag na. Nahihiya na nga ako sa inyo eh : ( dahil palagi kayong andyan para tulungan ako pero ako mismo, hindi ko kayo matulungan sa mga kailangan niyo.."


"Sissy, para saan pa at magkakaibigan tayo dito? Hanggat kaya ko at ni Lotty na tulungan ka, gagawin namin. Ishe-share namin sa'yo yung mga mayroon kami kasi magkaibigan tayo. Anong hindi nakakatulong? Peltukan kaya kita? Eh kung hindi dahil sa mga pag-tutor mo sakin 'edi sana marami akong bagsak na subjects ngayon. Alam mo namang mahina ang utak ko sa mga pagsasaulo pero tyinaga mo ako dati kaya naging okay mga grades ko. Akala mo lang wala kang natutulong sa amin pero hindi mo alam na sobrang dami mo nang nagagawa sa amin. At sa pagkakataong 'to, hayaan mong kami ang gumawa ng paraan at tumulong sayo. Okay? Best friend tayo forever! 'Wag na malungkot sissy, naiiyak ako sa'yo eh. Drama much pwede na sa mmk hahaha"


Medyo naluha ako sa nabasa kong text mula kay Rica. Hindi ko alam na marami pala akong natulong sa kanila kaya ganyan na lang sila kung pahalagahan ako. Sobrang blessed ko dahl may mga kaibigan akong katulad nila. Nakakatuwa dahil medyo baliw baliw rin siya. Magdadrama tapos magjo-joke.


Lumipas ang mahigit isang oras, nagising si nanay dahil sa naalimpungatan ito. Ka-text ko pa rin si Rica. Nagulat ako dahil may nag-text bigla sa akin na unregistered number.


"Hi baby! How are you? I hope you're still okay. I've been praying for you and your family. Sorry if ngayon lang ako nakapag-text sa'yo kasi nagkaroon ng problems dito eh. Naki-text lang ako sa friend kong may roaming number. I'm gonna call you within 20 minutes ha? Wait mo ako. I love you baby! – Johan"


Nagulat ako sa nabasa ko. Totoo ba 'to? Nagtext si Johan? P – pero.. Ah basta, alam kong siya 'to dahil nararamdaman kong hindi scammer 'to kaya nagpaalam ako kay nanay na.


"'N – nay?" mahinang sabi ko..


"Ano 'yun nak?" pahalinghing na sagot ni nanay..


"Lalabas lang po ako saglit ha? Mag-uusap po kami ni Johan ngayon."


"Ah ganon ba? Sige nak, basta mag-iingat at 'wag magtagal sa labas ha. Bumalik agad."


"Sige po, salamat 'nay!"


Agad akong lumabas ng kwarto, bumaba at lumabas ng hospital. Sa may tabi ng isang puno ako pwesto para malilim at sinigurado kong may hindi nawawalan ng signal doon. Kaso napansin ko na.


"Hala!! 30% na lang ang battery ng phone ko!!" bulong ko sa sarili..


Bakit sa dinami-raming araw, bakit ngayon pa hindi ako nakapag-charge ng maayos? Kung kailan mag-uusap kami ng baby ko. Huhu. Mabilis pa namang ma-lowbat ang cellphone na 'to kaya binabaan ko ang brightness at ginawa ko lahat ng alam ko para hindi siya ma-dedbat agad.


Ilang minuto rin akong nakaupo doon. Patayo-tayo, palakad lakad, panaka-naka ang pag-check sa phone at tinitingnan ang mga taong nadaan. Ang tagal tumawag ni Johan. Ang alam ko kasi, mahirap tumawag kapag overseas eh. Kaya ayun, pinapakiramdaman ko na lang ang phone ko dahil in-off ko rin yung ringtone ko at maging yung vibrate, 'wag lang talaga siyang ma-dedbat. Hanggang sa.


'Yun! Natawag na siya!! Agad kong sinagot at.


"Hi! Baby! Do you hear me??" bungad nito sakin..


"Yes baby! I miss you : (" sagot ko sa kanya..


"Awh. I miss you too baby ko! How are you? Kamusta si tito? Okay na ba siya?"


"Medyo baby, bumubuti na ang lagay ni tatay. Ikaw ba dyan? Kamusta? Miss na miss na kita baby."


"Good to hear! Pinag-pray namin siya dito ni Dad and with our relatives. 'Eto, nagkaroon ng problema pero naayos na naman. Don't worry about me okay? I'll be there soon."


"Thank you baby! Kailan ka uuwi? Gusto na kitang makita at makasama. I need you right now." sagot ko..


Medyo naluluha ako dahil nami-miss ko na siya ng sobra at kailangan ko talaga siya ngayon.


"April 11 yung flight namin pabalik. So April 12, nandyan na ako. Andyan na kami ni Dad sa Tarlac. Pinausod ko siya talaga coz I know, you need me right now. Be strong baby ha? 'Wag susuko, just keep on praying. Okay? Magiging okay din si tito, don't worry. God will heal him. I love you!"


"Kasama si daddy mo baby? Yes baby, nagpapakatatag ang baby mo ngayon. Hehe"


"Yes baby! And even Mom siguro, basta we'll be there right away! Don't be sad, sayang ganda ng baby ko kapag malungkot. Sige ka, you'll turn into a monster if you frown everytime!"


"Ohhhh, makikilala na nila sina nanay. Nakakatuwa naman. Monster ka dyan! Yari ka sa akin pagkauwi mo!!!"


"Hahahahahha that's my baby! I love you so much! See you in few days from now! Mayayakap mo na ulit ako and one more thing, I have a surprise for you."


"Yehey! I love you baby!!! Surprise? Anong surprise 'yan? Ikaw ha nako."


"It's a surprise right? Eh bakit sasabihin ko sa'yo? Hahahaha just kidding, just wait for it."


"But for now, please be strong.. For me, for yourself, for your family and for us. Okay? I love you so much! Mahal na mahal.."


Nang biglang.


"Baby? Nandyan ka pa? Hello????"


Tiningnan ko ang phone ko, pinindot ang screen pero walang naga-appear.


"UGH! BAKIT NGAYON PA NA-DEDBAT!"


Nakakainis. Kung kailan ko kausap yung taong mahal ko, tsaka pa na-dedbat ang phone. Badtrip naman oh. Hays.


Ang hirap pala talaga kapag malayo sa'yo yung taong mahal mo. Nakakalusaw ng puso kapag hindi mo siya nakikita at nakakasama. Nakakalungkot kasi wala siya sa tabi mo sa panahong pinakakailangan mo siya o sa panahong kailangan mo ng mga yakap niya. Tipong kailangan mong harapin yung mga problema mo ngayon ng mag-isa. Ang hirap kase kahit na anong gawin mo, wala kang magagawa kung hindi maghintay. Maghintay na dumating yung pagkakataon na magkita kayo ulit. Maghintay na dumating yung araw na nandyan na siya ulit. Ang hirap.


Ilang araw pa lang kami ganito ni Johan pero nahihirapan na ako. Paano pa kaya yung mga nasa long distance relationship diba? Na hindi ganun nagkikita at tanging text, tawag o video chat ang bumubuhay sa kanila. Kaya saludo ako sa mga couple na nasa LDR, sa mga kayang tiisin ang sakit at pagka-miss dahil sa pagmamahal at sa pangarap nilang dalawa.


Hay..


Namimiss ko na si Johan :(


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 91.6K 59
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
My Seatmate By A.

Teen Fiction

130K 3.8K 52
Amielle Vianna Lacson had a crush on her seatmate for almost three years. In those years, they didn't have any good communication, and she was always...
13.7K 711 42
"I am cursed. I'm seeing things, I shouldn't see. I can see incidents that a human shouldn't know. I can see darkness... I can see death." ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ...
112K 3.4K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...