*Nancy's POV*
Pagpasok ko sa loob ng cr ay naghilamos agad ako at tumingin sa salamin
Bakita ba lagi nalang kaming nag-aaway?
Hindi ko rin alam
Basta ang alam ko naiinis ako sakanya
Ang sama kasi ng ugali niya
Napakabully
Tapos di manlang nahihiya
Pinagsasabay sabay pa niya mga babae niya
Porket alam niyang patay na patay sakanya yung mga yun
Hindi ko rin alam kung ano ang nagugustuhan nila kay yeonwoo
Eh ang sama sama ng ugali nun
Naalala ko naman ang sinabi sakin ni nayun unnie kanina
Magsosorry ba ako?
Naalala ko rin yung sinabi sakin ni yeonwoo kanina
"Wala kang alam kaya manahimik ka nalang diyan!"
Wala akong alam? Anong ibig niyang sabihin
Aish!
Lumabas na ako at bumalik sa cafeteria
"Ang tagal mo naman" salubong sakin ni daisy
"Madaming tao eh" dahilan ko
"Hyebin unnie,si ate?" biglang sulpot ni ahin
Kumain nalang ako ng siomai na binili ni daisy
"Uhm...hindi namin alam eh.bakit?"
Kinuha ko naman ang cellphone ko at chineck ang ig ko
"Tumawag kasi si kuya sakin, pinapasabi niya kay ate na umuwi agad pagtapos ng klase kasi may importante daw silang gagawin"
Bigla naman nagchat sakin si jooe
Problema neto?
"Ganun ba? Sige hahanapin namin, tetext nalang kita kapag nakita na namin"
Tinatanong niya kung kasama ko daw ba si hyebin unnie
Agad naman akong nagreply at sinabing oo
"Nancy hanapin mo nga si yeonwoo"
Napatigil ako sa pagchat kay jooe ng bigla kong narinig ang pangalan ko
"What?"
"Hanapin mo si yeonwoo"
"W-why me?" tanong ko
"May gagawin ako" sabi ni hyebin unnie at umalis na
Tumingin naman ako kay jane unnie
"Busy ako" sabi niya at umalis din
Kay nayun unnie naman ako tumingin
Kinuha niya yung kamay ni taeha at ininterwine
"May date kami" sabi niya at umalis habang hila hila si taeha
What was that?
Sila na ba?
Napailing nalang ako
"Samahan nalang kita" napatingin naman ako kay daisy
"Hindi na. Ako nalang, para makapag-usap narin kami about sa nangyari kanina" sabi ko
"Pero-"
"Don't worry. Hindi kami mag-aaway" assure ko
Napabuntong hininga naman siya
"Okay" pagsuko siya at ngumiti
Bumeso nalang ako sakanya at umalis na para puntahan si yeonwoo
Pinuntahan ko na yung garden kaso wala,pati sa rooftop wala maski sa mga bench wala rin
Wait....
"Asan siya?" tanong ni hyebin unnie kay nayun unnie
"Sa likod"
Likod?
Saang likod?
Likod ng school?
Agad akong pumunta sa likod ng school
Nagbabakasakali na andun siya
At tama ang ako,andun siya
Nakapikit at nakasandal sa puno. Nakaearphone, nakain ng chewing gum habang naninigarilyo
Wait....
Naninigarilyo siya?!
Agad akong lumapit sakanya at hinila ang yosi mula sa bunganga niya na ikinadilat
"What the-what are you doing here?!" tanong niya habang nakakunot ang noo
"Bakit ka naninigarilyo?"
"Wala ka ng pake don! Bakit ka ba nandito?"
"Hinahanap ka nila hyebin unnie"
"Bakit ikaw ang pumunta dito?"
"Inutusan lang nila ako"
"At sumunod ka naman?"
"Wala akong choice! Nakisuyo ang kapatid mo at iniwan nila akong lahat dun dahil may kanya-kanya silang lakad"
"Tss" sabi niya at tumayo at pinagpagan ang damit niya saka umalis
Nakita ko naman na kumuha ulit siya ng panibagong stick ng sigarilyo at sinindihan ulit yun
Sumunod ako sakanya at hinila ulit yun mula sa bibig niya at hinulog saka inapakan
"Ano ba?!" sigaw niya sakin
"Masama sa katawan yan"
"I don't care,umalis ka na nga dito!"
"Hinahanap ka nga nila"
"Oo na! Paulit-ulit ka eh! Susunod ako"
"Oh yun naman pala, eh di tara na"
"Mauna ka na. Ayokong kasabay ka"
"Wow ah anong akala mo sakin may virus na nakakahawa?"
"Pwede ba nancy?! Naririndi na ako sayo! Umalis ka na dito!" sigaw niya
"Ayoko" sabi ko at nginitian siya
Sinamaan naman niya ako ng tingin at naglakad ulit
Sinundan ko naman siya at sinundot ang tagiliran niya
"Yeonwoo"
"Huy"
"Hinahanap ka nga nila"
"Hoy lee"
"Yeonwoo"
"Yeon-"
"ANO BA?!?!" nagulat naman ako ng bigla siyang sumigaw
"H-hinahanap ka nga nila"
"Diba sabi ko sayong susunod ako?! Di ka ba nakakaintindi?! Ang kulit kulit mo! Bingi ka ba ha? Bingi?! Sinabi ko na ngang susunod ako! Paulit-ulit ka!" sigaw niya
Napalunok ako
For the first time natakot ako kay yeonwoo
"I-i just want to say s-sorry dahil sa nangyari k-kanina" bulong ko
"Oo na! Pwede bang lumayas ka nalang dito?!" sigaw niya at umalis
Nasundan ko nalang siya ng tingin
Nakita ko naman na nagsindi nanaman siya ng panibagong sigarilyo
I just sighed at umalis na doon
*Yeonwoo's POV*
"Problema mo?" tanong ko kay hyebin paglapit ko sakanya
"Ha?"
"Hinahanap mo daw ako"
"Ah oo, sabi kasi ni ahin umuwi ka daw agad sabi nh kuya niyo kasi may importante daw kayong gagawin" di na ako sumagot at umupo nalang sa upuan ko
Sa pinakalikod ang pwesto ko at sa gilid sa mga bintana
Walang nakaupo sa tabi ko dahil walang may gustong tumabi sakin
Lahat takot
Ayaw naman nila hyebin dito kasi mainit daw
Ang arte diba? Tss
Paanong magiging mainit eh dala-dalawa aircon namin dito sa room tss
"Good afternoon class" bati samin ng prof namin
"Good afternoon ma'am" bati ng mga kaklase ko at tumayo pero hindi ako tumayo
"Please sit down, okay may tatlong babae ang lilipat dito" sabi ng prof namin
"So please be kind sakanila" dagdag pa niya
Tss di naman ako interesado
Pero dahil master ako ng kalokohan kumuha ako ng red na paint at nilagyan ang upuan ng katabi ko
In case na isa sakanila dito umupo diba? *smirk*
Sinalpakan ko ng earphone ang tenga ko at tumingin nalang sa labas
Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa nakita ko sa peripheral view ko si nancy kaya napatingin ako sa harap
Nagpapakilala sila nila daisy,jooe at nancy pero wala akong naririnig kasi malakas ng music na pinapatugtog ko
Nakita ko naman na may sinabi ang prof namin kay nancy na ikinagulat niya
Ano kaya yun?
Nakakunot noo naman siyang pumunta sa direksyon ko
Don't tell me....
Dito siya uupo?
Tumingin siya sakin pero agad ding umiwas at inayos ang gamit niya
Tinanggal ko ang earphones ko at sinabit sa tenga ko para naririnig ko parin yung music
Uupo na sana siya sa upuan pero hinila ko yun kaya ang ending...
Bumagsak siya sa sahig
"Arayy!" daing niya pero hindi ko pinansin
Tumayo naman siya at sinamaan ako ng tingin
"Ano bang problema mo?!" sigaw niya
"Anong meron diyan sa likod?" tanong naman ng prof namin
"May red paint yung upuan. Ano gusto mo? Umupo diyan? Edi pag tumayo ka nagmukha kang may stain" sabi ko
"So kailangan hilain?"
"What do you want me to do?! Pabayaan ka? Ikaw na nga tong tinulungan ikaw pa galit"
"Pwede mo naman kasing sabihin diba?"
"Paano ko sasabihin eh dire-diretso kang umupo"
"Imposible namang hindi mo nakita yung paint eh nasa gilid mo lang yung upuan. Ikaw ang may pakana niyan no?"
"Wow! Ako na nga tong tumulong ako pa nasisi, bakit nakita mo bang nilagyan ko?"
"Eh ikaw lang naman ang nandiyan kaya malamang sa malamang ay ikaw ang naglagay"
"May ebidensya ka?'
"Hindi pa ba sapat na kaya ka hinirang na most bullied dito sa campus dahil master ka ng kalokohan?"
"Aba-"
"Ms. Lee and Ms. Mcdonie get out!" sigaw ng prof namin habang nakaturo sa pinto
"But ma'am-"
"I said both of you get out!" sigaw ulit ng prof namin kaya wala na kaming nagawang dalawa kundi ang lumabas
Paglabas namin ay nagkatinginan kami
"Kasalanan mo to eh!" sabay na sisi namin sa isa't isa