The Man in My Dreams [COMPLE...

By riyanejoy

18.5K 624 433

Paano kung ang isang panaginip ay naging totoo? Kagaya nalang ni Regina na nagkaroon ng isang pambihirang pa... More

Note
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Epilogue
Author's Note

Chapter 1

1.7K 32 50
By riyanejoy

Sorry for the grammatical errors,misspelled words and typos. Enjoy!

Regina's P.O.V.

"Regine, Aalis na kami" rinig kong paalam ni mama sa'kin. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto upang magpaalam na din sa kanila.

"Ikaw na muna ang bahala sa kompanya habang wala kami dito ha? Wag ka magalala tutulungan ka naman ng mga kuya mo at nila Ogie" bilin ni papa habang naglalagay ng mga gamit sa sasakyan.

"Sige po para pagbalik niyo bagsak na yung kompanya hehe" biro ko kaya napahinto si papa sa ginagawa niya.

"Joke lang pa. Alis na kayo" sabi ko sa kanila at humalik sa mga pisngi nila.

"Mag-iingat kayo dito ha. Regina, baka pagbalik namin may nobyo ka na" sabi ni mama. OA.

"Hala ang OA mo naman ma. Three weeks lang naman kayong mawawala parang three decades naman" sabi ko pa kaya natawa ng bahagya sila mama.

"Mga kalokohan mo talaga Regina" sabi ni papa at ginulo ang buhok ko.

"Maganda kasi ako pa. Sige na humayo na kayo at baka maiwan kayo ng eroplano. Mahirap na" sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Bakit naman kami maiiwan ng sarili nating eroplano?" Ay oo nga naman.

"Ay may sarili nga pala tayong eroplano hehe. Sige na ma umalis na kayo" sabi ko pa.

"Sandali lang hinihintay pa namin sila Amelia" sabi ni mama at kinuha ang cellphone sa bag niya.

"Regine!" tawag sa'kin ni Kuya Martin.

"Nagchacharge pa ako kuya" pinangunahan ko na siya dahil manghihiram nanaman siya ng charger ko.

"May pangbili ng alak pero walang pangbili ng charger" sabi ko pa.

"OA! 'Wag kang sasama mamaya sa'kin ha pupunta ako kila Herminio! 'Wag kang sasama talaga. Itatanong ko palang sayo kung kaninong kotse ang gagamitin natin pero pinangunanhan mo na ako" pang-aasar niya.

"Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit na isama ako. Besides, kahit naman sabihin kong kotse ko ang gamitin ayaw mo namang gamitin yun" sagot ko at inirapan siya.

"Arte mo talaga. Bahala ka diyan. 'Wag ka talagang sasama" sabi niya at nagpaalam kila mama.

"Ewan ko sa'yo Kuya! Ma,Pa ingat nalang kayo nanggigigil ako sa anak niyo e" sabi ko hinampas muna si kuya bago ako pumasok ng bahay.

"Goodmorning Reg!" bati ni Kuya Gary sa'kin na kumakain sa kusina.

"Morning kuya!" bati ko at nanguha ng plato.

"Paalis na sila mama kuya ah bakit hindi ka magpaalam?" tanong ko.

"I did. Kanina pa" sagot niya at nagpatuloy sa pagkain. Tumango lang ako at nagsandok na ng pagkain. Yung cellphone ko pala!

Tumakbo ako papunta sa kuwarto ko at kinuha ang cellphone kong nakacharge. Kinuha ko din ang charger para hindi na ako aakyat mamaya kapag nalowbat ito ulit.

"Goodmorning Reg!" bati ni Ogie. Hala bakit nandito 'yan?

"Haler goodmorning! Bakit nandito ka?" tanong ko at inakbayan siya.

"Eh kasi.. Wala ako doon. Charot! Hinatid ko sila mama e" sabi niya at hinawakan ako sa bewang.

"Kumain ka na?" tanong ko at naglakad patungo sa kusina.

"Not yet" sagot niya. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ko at ang kamay niya sa bewang ko at pinaupo siya.

"Sabay na tayo. Kuha ka nalang plato mo diyan" sabi ko at kumain na.

"Samahan mo lang ako dito mamaya. Ay! Pupunta pala ako sa opisina. Ano ba 'yan!" reklamo ko habang kumakain.

"Kumain ka nga lang ng kumain diyan. Daldal-daldal mo" suway siya.

"Pasensya naman po ser" sabi ko at inirapan siya.

"Wag mo akong iniirap irapan diyan Regina at baka halikan kita diyan!" biro niya. Bwisit talaga. Kailangan ko makabawi! Isip Regine!

"Halikan mo! Bakla ka naman kaya hindi mo kaya yun" pang-aasar ko kaya nagulat ako nang ibaba niya ang mga kubyertos niya at tumingin ng deretso sa'kin.

"Aba, talagang hinahamon mo ako sa titigan? Tsk tsk tara oh" sabi ko at tumingin din ng deretso sa mga mata niya.

1..

2..

3..

"Psh weak" pang-aasar niya nang tumawa ako sa gitna ng pagtititigan namin.

"Bakla" pang-aasar ko.

"Guwapo naman" sabi niya at uminom ng tubig.

"Pandak naman" biro ko.

"Tangkad mo e 'no? Kung hindi ma lang naghiheels kapag naggagala tayo magkapantay lang tayo 'wag kang ano diyan" ay pikon.

"Bakit nagagalit ka? Galet na galet? Gustong manaket?" pang-aasar ko.

"Kumain ka ng kumain diyan" seryosong sabi niya kaya natawa ako.

"Opo ser" sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ogs, tara nomnom tayo" yaya ni Kuya Marts sa kaniya.

"Hoy kuya tumigil ka. Kung ka-inuman lang hanap mo doon ka sa bar. Ang aga aga e" suway ko.

"Makasermon naman 'to. Jowa ka niya? Jowa ka?" sabi niya at tumawa silang dalawa.

"Sige, mag-inuman kayo. Pero kapag nalasing 'yan ikaw maghatid pauwi sa kanila. Ang bigat pa naman niyan. Pandak 'yan pero mabigat" sabi ko at tumayo upang ilagay ang pinagkainan ko sa lababo at hinugasan ito.

"Regine, pagkatapos mo diyan maligo ka na at magbihis. Pupunta na tayo sa Viets. Ogs, come with us" sabi ni Kuya Gary at uminom ng tubig.

"Are you okay kuya? Bakit parang matamlay ka ngayon? May sakit ka ba? Gusto mo kami nalang ni Ogie yung pupunta ngayon sa Viets. Magpahinga ka nalang dito" nag-aalalang sabi ko sa kaniya.

"Kaya niyo ba? Sige pala. Sorry hindi kasi masyadong maganda ang pakiramdam ko ngayon Reg e. Ogs sorry" pagpapaumanhin niya.

"Ayos lang kuya. Kaya na namin 'to. Kuya Marts, samahan mo nalang si Kuya Gary ha? 'Wag kang iinom kung ayaw mong ipatapon kita sa mars" sabi ko nag thumbs up naman siya sa'kin.

"Maliligo muna pala ako" sabi ko at umakyat ng kuwarto at naligo.

"Reg, tumatawag si Sharon sa'yo" saktong nakapagbihis na ako nang biglang pumasok si Ogie sa kuwarto ko dala ang cellphone ko.

Kinuha ko ang cellphone sa kaniya at tinawagan si Ate Sharon.

{Hi my love. Busy ka ba ngayon?}

Me and Ogie are going to Viets Ate Sha.

{Oh I see. Go din ako doon if okay lang?}

Yes sure. Bakit pala?

{I just miss you sweetheart. Magdala din ako ng foods nating tatlo}

Sure ate. We'll see you later!

{See you! Love you sweetie}

Love you more ate.

"Bakit daw?" tanong ni Ogie.

"Punta daw siya sa Viets mamaya. Namimiss niya na daw ako" sagot ko at umupo na sa harap ng salamin at nagsimulang magsuklay ng buhok.

"Ano naman gagawin niya doon? Magkukuwentuhan lang kayo doon e tapos hindi mo magagawa mga naka assign na trabaho sa'yo" sabi niya habang nagtitingin ng mga make-up na nasa harap ko.

"Sa tuwing nag-aayos kamo ako parati mong pinapakeelaman mga make-up ko. Gusto mo ba 'yan?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Hindi 'no! Syempre mamaya may expired na pala diyan edi nasira balat mo. Edi nawalan ka lalo ng jowa tatanga-tanga ka pa naman" ay grabe siya.

"Nandidilim paningin ko sa'yo Herminio Jose. Lumayas ka sa tabi ko at baka ibato ko sa'yo 'tong hawak kong suklay" sabi ko. Tatawa-tawa naman siyang lumabas ng kuwarto ko.

"Regine, tapos ka na ba? Ang tagal mo naman kumilos. Kahit magpaganda ka pa ng magpaganda diyan wala ka pa ring jowa" sumandal siya sa pintuan at pinamewangan ako. Bakla talaga.

"Tigil-tigilan mo ako sa kabaklaan mo. Bumaba ka na doon. I-start mo na yung kotse" sabi ko at binato sa kaniya ang susi nasalo naman niya ito.

"Yes mam" sabi niya at sumaludo pa. Tumingin ako sa salamin at kinuha na ang bag ko. Dinaanan ko muna si Kuya Gary sa kuwarto niya upang magpaalam

"Kuya, aalis na ako" paalam ko at humalik sa pisngi niya.

"Ingat kayo ha. Umuwi din pagkatapos ng trabaho 'wag nang gumala kung saan saan" bilin niya tumango lang ako. Lumabas na ako ng kuwarto niya at bumaba na.

"Bye Reg! Ingat" paalam ni Kuya Martin na nakatutok sa laptop niya.

"Ingat din kayo dito Kuya! 'Wag ka muna uminom may sakit si Kuya Gary alagaan mo muna" sabi ko at humalik din sa pisngi niya. Lumabas na ako at sumakay sa kotse ko.

"Ang tagal mo talaga" reklamo ni Ogie at isinuot ang seatbelt.

"Oh? May magbubukas ng gate? May remote?" sabi ko.

"Edi buksan mo!" bumaba ako at pabagsak na isinara ang pinto ng kotse. Binuksan ko ang gate at hinayaan siyang lumabas.

"Ay gago!" napatalon ako sa gulat nang businahan niya ako. Pinakita ko ang kamao ko sa kaniya at nakita ko namang tumawa siya. Bwisit ka talagang pandak ka.

"Kuya Martin! Pasara nalang ng gaaaate!" sigaw ko. Lumabas naman kaagad si Kuya Marts at isinara ang gate. Pumasok ako sa kotse at agad kong hinampas si Ogie na tawa pa rin ng tawa.

"Nakalimutan mo yatang nakasakay ka sa kotse ko ano?" sarkastikang ani ko.

"Hindi ah. Nageenjoy lang akong asarin ka" kumindat pa siya. Pero dahil tinatamad akong magdrive ngayon hindi ko na siya pabababain ng sasakyan.

"Ogie, si Lea ba yun?" tanong ko.

"Nasaan?" tanong niya at luminga linga pa.

"Ayun oh! Wait stop the car" sabi ko at binuksan ang bintana ng kotse.

"Lea! Hello!" bati ko.

"Crush mo oh!" bulong ko kay Ogie pero inirapan lang ako nito.

"Saan punta niyo?" tanong niya samin.

"Sa Viets. Wanna come?" tanong ko. Lagot ka saking Ogie ka mamaya.

"Sure! Wala naman akong gagawin" masiglang sagot niya at sumakay ng kotse.

Tinignan ako ni Ogie nang masama pero inirapan ko lang siya. Ngayon ka mang-asar.

"Ogs, how are you na pala? Tagal na din nating hindi nagkita ah" tanong ni Lea sa kaniya.

"A-ah. I-im f-f-fine. How about you? Hehehe" uutal-utal na sagot niya.

"Why are you nauutal? Hindi naman ako nangangain ah? Hahaha! By the way, I'm good" sagot sa kaniya ni Lea.

And after so many years charot time lang narating na din namin ang Viets Corporation

"Oh? Walang gusto bumaba mga mamser? Edi ako ang bababa" sabi ko. Binigyan ko ng pagbuksan mo ng pinto si Lea look si Ogie bago bumaba.

Pumasok ako sa Viets at nginitian ang mga bumabati sa'kin.

"Goodmorning madam! Nasa opisina niyo na po yung mga pipirmahan niyo. Are you with Sir Ogie po ba? Kasi ibinilin din po siya ni Ma'am Amelia" sabi ni Olivia, siya ang secretary at katiwala ng pamilya namin.

"Sige Olivia. Ano pa ba ang nakaschedule na gagawin ngayon? Darating kasi ngayon si Ate Sharon then, kasama namin si Lea ngayon" sabi ko. Binuklat niya ang notebook na naglalaman ng nga gagawin at ipinakita sa'kin.

1:30 pm an appointment meeting with Miss Maria Luisa Santiago

3:30 pm an appointment meeting with Mr. Piolo Rivera with Sir Ogie

Ibinalik ko kay Olivia ang notebook niya at pumasok sa elevator at pinindot ang 6th floor kung nasaan ang opisina ko. Nasaan na kaya si Ogie?

"Ma'am, nandito na po tayo" nginitian ko ang attendant at lumabas ng elevator kasama si Olivia.

"Nako Olivia tawagan mo nga si Ogie. Sabi ko lang alalayan sa pagbaba si Lea hindi na yata nakatayo sa kinauupuan" sabi ko.

"Sige po ma'am. Pakipirmahan na po yung mga nandiyan po na papers. Bilin po nila Ma'am at Sir pakibasa daw po ng maiigi bago pirmahan" bilin niya at nagsimulang idial ang number ni Ogie.

"Sir. Nandito na po. Ok sir. Opo. Ingat sir"

"Ano sabi?" tanong ko habang nagbabasa.

"Hinatid niya lang daw po si Miss Lea sa kanila may emergency daw po kasi" sagot niya at lumabas ng opisina.

Sa kalagitnaan nang pagbabasa ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Isang notification na galing sa twitter.

@leacarmen: Thanks, @herminiojose sa pag-hatid! @regquintero love you, Reg! Sorry hindi na nakapagpaalam.

"Ma'am!" nagulat ako nang biglang pumasok si Olivia sa opisina ko at mukhang hinihingal pa.

"Oh? Bakit parang hinihingal ka?" kunot-noong tanong ko.

"Hinihingal talaga ako ma'am. Ano kasi ma'am si Ma'am Sharon nandiyan sa baba" sabi niya.

"Oh edi papasukin mo dito" sagot ko naman. Lumabas siya at maya-maya lang ay may pumasok sa opisina ko.

"Hoy Ogie! Tarantado ka" sinalubong ko nang hampas si Ogie na tatawa tawang pumasok sa opisina.

"Tatawa-tawa ka diyan madami kang gawain hoy! Kung ako sayo, pumunta ka na sa opisina niyo at magsimula nang pumirma ng mga dapat pirmahan. Basa muna bago pirma ha?" pagtataray ko.

"Dalhin ko nalang dito ayaw kong mag-isa sa opisina nakakarinig ako ng mga nakakashokot na sound" sabi niya at lumabas ng opisina ko.

"Hi sweetie! How are you? Ang dami mo palang gawain. Sorry pumunta pa ako" bati ni Ate Sharon at naupo sa sofa.

"Mas matangkad pa pala sa'kin mga dapat kong pirmahan. Paano nalang ako makikipagkita sa honey my loves ko mamaya?" reklamo ni Ogie at naupo sa isa pang lamesa dito sa opisina ko.

"Which one? Madami kang honey e" pang-aasar ni Ate Sha.

"Boom! Hahaha! Nadali mo Ate Sha!" sabi ko at tumawa ng malakas.

"Regine, wala ka talagang kwentang kaibigan" sabi ni Ogie pero tumawa lang ako.

"May kwentang girlfriend naman" sabi ko at kumindat.

"Kanino? Madami kang boyfriend, Reg" pang-aasar ni Ate Sharon kaya tumawa ng malakas ni Ogie.

"Nadali mo Sha! Madami ka palang boyfriend e! Bakit hindi ko kilala?" tanong ni Ogie sa'kin pero inirapan ko lang ito.

"Wag ka nga. Mamaya makakameeting ko yung main boyfriend ko" sabi ko at pinirmahan ang papel na kakatapos ko lang basahin.

"Si Piolo? Sus mas guwapo ako doon. Matangkad lang siya" sabi ni Ogie at nanguha ng donut na dala ni Ate Sharon.

"Ulorks. Selos ka lang" sabi pa ni Ate Sharon sa kaniya. "Sa pagkakaalam ko, isa si Regine sa mga honey mo" dugtong pa ni Ate Sharon na naging dahilan upang maibuga ni Ogie ang kinakain niya.

"Hindi kaya. Hindi ko siya honey. Love ko siya. Siya lang love ko" tumingin ako kay Ogie at ganun din siya saakin. Tumagal ang titigan namin nang ilang minuto at bumalik kami sa mga pinipirmahan namin.

Napuno ng katahimikan ang kuwartong ito magmula nang sabihin niya iyon. Nagpatugtog nalang si Ate Sharon para mabawasan naman ang awkwardness sa kuwartong ito.

Awkward. Lol.

"Hindi kaya. Hindi ko siya honey. Love ko siya. Siya lang love ko"

"Hindi kaya. Hindi ko siya honey. Love ko siya. Siya lang love ko"

"Hindi kaya. Hindi ko siya honey. Love ko siya. Siya lang love ko"

Bwisit! Get out of my miiiiind!

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 161 34
[WAITING SERIES #4] After Mines' heartbreak with his best friend, he already has an admiration for one of his friend's friends. While Chariza is alwa...
3.2K 206 32
"Let's divorce." "Fine. But please let me hug you for the last time."
475K 15.8K 44
Rival Series 1 -Completed-
390K 411 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞