Will You Cry When I Die?

AnakniRizal द्वारा

916K 45K 9.2K

When lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never e... अधिक

#WYCWID
/1/ The Man Who Can't Cry
/2/ Game of Questions
/3/ She is Dying
/4/ Bent Out of Shape
/5/ Beer and Rain
/6/ Winds of Change
/7/ Maybe She's an Angel
/8/ My Heart Aches
/9/ Sweet Disposition
/10/ When We Grow Up, Our Hearts Die
/11/ She Doesn't Have A Heart
/12/ Before We Sleep
/14/ She's No Stranger
/15/ Another Heartless
/16/ Project: Afterlife
/17/ Unwanted Memory
/18/ Hopes and Burdens
/19/ What a Dead Woman Can Do?
/20/ Puzzle Pieces
/21/ Unveiling Masks
/22/ Silent Prayer
/23/ The Sleeping Handsome
/24/ As If Nothing Happened
/25/ These Memories
/26/ Intersection of Fate
Final Chapter: /27/ The Perfect Timing
WYCWID IS NOW PUBLISHED

/13/ Ta Amayo Contigo

24.6K 1.4K 602
AnakniRizal द्वारा

"Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala"

/13/ Ta Amayo Contigo

[THEODORE]


SABAY naming itinaas ni Juniper ang steel roller shutter at tumambad sa'ming paningin ang dati kong coffee shop na mukhang abandonado dahil sa dumi nito sa loob. Tumingala ako at nakita ang signage na halos kalawangin na.

HEMA's Coffee

Sa tuwing madadaanan ko 'to papuntang university galing mall ay hindi ako makapaniwala na minsan akong nagmay-ari ng isang coffee shop, sa edad ko'y nagawa kong makapag-invest ng isang business. Unfortunately ay hindi rin 'to nagtagal.

"Theo," Natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Juniper, mabuti dahil unti-unti akong nilalamon ng kalungkutan na dinulot ng kahapon. "The key?"

Kinuha ko mula sa bag na dala ko 'yung susi para buksan 'yung store, pumasok kami sa loob pagkatapos mabuksan.

"This place used to be lively." Hindi ko mapigilang sabihin pagpasok namin. Si Juniper naman ay kaagad na nilibot ang lugar. Hindi naman gano'n kalaki ang coffee shop kaya hindi ito nawawalan dati ng customers. Nagplano ako noon na magdagdag ng second floor pero hindi natuloy dahil sa trahedya.

Pinahid ko 'yung daliri ko sa isang mesa at dumikit ang makapal na alikabok. Hinanap ko 'yung switchboard ng kuryente at binuksan 'yon, hindi na gumagana 'yung mga ilaw. Pumunta ako sa dati kong office at walang nadatnang gamit doon maliban sa office table and chair, at isang cabinet.

Paglabas ko'y nakita ko si Juniper na nasa may bar counter at nakapamewang, humarap siya sa'kin nang makita ako.

"You owned this place, right?" tanong niya bigla. "I mean, 'yung commercial lot na 'to, sa'yo."

"Ah, yes. Dati 'tong lugawan na madalas kong kainan, naging malapit ako sa lolo na may-ari kaya sa'kin niya binenta."

"Good, tsaka na natin problemahin 'yung business registration mo. Let's clean this place first." She said with assertiveness, makikita mo sa itsura niya na alam niya ang gagawin.

"Juniper..." hindi ko mapigilang maalala 'yung nangyari noong isang gabi. "A-are you sure about this? Hindi ba't may ilang araw na—" shit, Theo, what the hell are you saying? How do I put this? Paano ko sasabihin sa kanya na mas gugustuhin ko na lang muna na makasama siya sa natitira niyang araw kaysa tulungan ako rito. "This is hopeless, matagal ko nang natanggap na sarado na ang coffee shop ko."

"What are you saying?" tumaas ang kilay niya nang sabihin 'yon. "Hindi pa ba naging malinaw 'yung napag-usapan natin kahapon?"

"Pero—"

"No more buts, Hermes Theodore, we will finish what we started." Nakangiti niyang sabi.

"Juniper, wala akong sapat na pera para sa renovation na 'to," pag-aamin ko sa kanya. "Matagal ko nang naubos ang inheritance ko mula sa magulang ko para sa coffee shop na 'to."

Mas lalong kumunot ang kanyang noo subalit hindi maitatanggi na maganda siya kahit na naiinis. "Ang dami mong dahilan, sinabi ko ba na problemahin mo ang pera?"

"W-what are you saying?" don't tell me...

"We'll use my money, besides hindi naman talaga renovation ang kailangan dito, the interior is okay, linis na lang at ayos. 'Yung mga equipment na lang ang kailangang palitan." magpoprotesta pa lang ako subalit naunahan niya 'kong magsalita. "We made a deal, Theo. You faithfully did your promise and it's my turn to pay you back."

I became speechless. This woman is a devil's advocate; I already admitted that I'm no match to her in debate. Kahit na pilitin ko sa kanya na huwag, ipipilit niya pa rin ang gusto niya.

Wala naman na 'kong magagawa. Kailan ba 'ko nanalo sa kanya?


*****


HALOS malula ako sa laki ng perang na-withdraw namin sa bangko na nakalagay ngayon sa itim na hand-bag ni Juniper. Kanina pa 'ko hindi makapagsalita dahil totoo ba talagang gagamitin niya 'yon para sa pag-aayos ng Hema's Coffee?

"Na-pipe ka na ba?" tanong niya bigla at halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan niya 'yung braso ko. Parang may kuryenteng dumaloy kaya binitawan na lang niya. Natawa siya bahagya sa itsura ko. "Mukha kang constipated." Biro niya.

"Sorry, sadyang hindi lang nagsi-sink in sa'kin 'yung ginagawa natin."

She likes the word 'natin' dahil mas lumapad 'yung ngiti niya, o assuming lang ako masyado.

"Tara at kailangan nating bumili ng mga gamit panglinis."

Juniper doesn't like to waste time and as much as possible she wants to accomplish many things. Pagkatapos naming bumili ng mga gamit ay bumalik kami sa coffee shop para maglinis.

Mabuti na nga lang at Industrial ang theme ng interior ng Hema's Coffee, brick and wood tiles ang pader, tapos 'yung mga upuan at mesa naman ay stainless metal, medyo nahirapan lang kami mag-agiw sa ceiling kasi mataas 'yon. Tama nga si Juniper na linis lang ang kailangan sa loob at mga equipment lang ang kailangang palitan dahil hindi na gumagana.

Mabilis lang na tumakbo ang oras at hindi ko namalayan dahil naging abala kami sa pag-aayos ng Hema's Coffee. Marami nang umuusisa na mga tao sa paligid, maging mga estudyante. Sa tuwing lalabas kami ni Juniper ay inuusisa kami ng mga nakatambay kung magbubukas na ba ulit ang coffee shop.

Third day of renovation and eleventh day with Juniper, kita namin mula sa loob ng store ang mga dumadaang mga estudyante na sumisilip sa amin. Hindi ko maiwasang ma-conscious habang binabarnisan ko 'yung cabinet sa may counter.

"Na-pepressure ka na ba?" tanong ni Juniper, galing siyang storage room. "I can feel their excitement."

"They're just curious." Sagot ko at 'di ko maiwasang ma-distract sa kanya, she's wearing a sleeveless top and shorts. Nakatali 'yung buhok niya, tagaktak ang pawis at may dumi ang kanyang braso.

"For sure magsi-circulate ang tsismis na magbubukas na ulit ang Hema's Coffee," sabi niya at pinagpagan ang braso. "They need to be patient tho. Re-opening a business has a long process."

"Naka-experience ka na bang mag-open ng business before?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Bakit?"

"Wala lang, para kasing... ang dami mong alam sa ganitong bagay."

"Ako pa ba?" sabi niya at babalik na sana siya sa storage room nang makita naming may kumatok sa glass door. Pumasok na lang 'to at kaagad kong hininto 'yung ginagawa ko.

"Good afternoon, sir and ma'am! My name is Hody from Raven Realty, I'm the CEO's secretary, we're just wondering if the owner of this place is here."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Juniper bago ako muling tumingin sa lalaki na nasa middle age, mukha siyang empleyado ng isang magandang kompanya dahil nakasuot siya ng pormal at ID.

"I am the owner, sir. Anong sadya niyo rito?" tanong ko.

"Ah, you must be Theodore Gomez. Our CEO, Mr. Ching, sends his regards," nakipagkamay 'to sa'kin at humarap kay Juniper para makipagkamay. "You must be his wife."

Hindi nag-react si Juniper nang marinig 'yon dahil nakita ko sa mukha niya na hindi niya gusto ang presensya ng lalaking kaharap namin ngayon. Maging ako ay hindi komportable sa kaharap namin ngayon, ngiting ngiti kasi ito.

"We've been trying to contact you but we failed, Mr. Gomez. Our company would like to buy this property for one point five million pesos."

Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig 'yon. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko dahil kung kaba ba o inis. "I'm sorry, Mr. Hody, but this place is not for sale."

"Hopefully you'll hear our proposal, Mr. Ching has a very nice offer for you." Inabot nito ang isang calling card na tinanggap ko naman. "I'll come back again." He slightly bowed to us before leaving.

Naiwan kami ni Juniper at hawak ko pa rin ang calling card.

Raven Realty.

Naalala ko na, nakatanggap ako ng email sa kanila dati na kinukulit ako tungkol sa pagbenta ng commercial lot na 'to, dahil sa pangungulit nila'y nilagay ko sa spam ang email nila kaya hindi na 'ko nakakatanggap ng mensahe mula sa kompanya nila.

"What if bumalik sila at nag-offer ng mas malaking halaga?" napatingin ako sa kanya at kita ko sa kanyang itsura ang pagkabahala. She really looks concern about this place.

"No, hindi ko 'to ibebenta," paninigurado ko sa kanya. "I used my parent's entire fortune for this place, I just can't let go of that easily."

"Kahit na pinapaalala sa'yo ng lugar na 'to ang taong nanakit sa'yo?"

Natahimik kami parehas at ilang segundo kaming nagtitigan.

"I won't sell Hema's Coffee."

Bigla niya 'kong niyakap na sobra kong kinagulat. Natauhan din si Juniper at kaagad ding bumitaw.

"Sorry, I just feel like hugging you." She's embarrassed for what she did but she still smiled.


*****


NATAPOS ang pag-aayos at paglilinis namin sa ika-labing tatlong na araw na magkasama kami ni Juniper. Napalitan ko na ulit 'yung mga ilaw at nang buksan ko ang switchboard ay nagliwanag ang buong paligid.

"It looks new." Manghang komento ni Juniper habang nakatingala sa mga ilaw. Kakatapos lang niyang patungan ng pintura 'yung pader na may calligraphy art kaya amoy pintura rin ang paligid—amoy bago.

Kinailangan naming isara 'yung shutter para hindi kami makita ng mga tao sa labas, sa itsura ngayon ng Hema's Coffee ay aakalain mong muli itong bukas, mahirap na at baka may mga customer na pumasok at umorder ng kape.

"Yeah."

"Yeah lang talaga ang masasabi mo?" natatawa niyang sabi at nahawa naman ako.

"Sorry, wala lang akong masabi kasi hindi ko sukat akalain na magagawa natin 'to sa loob ng limang araw."

"Nothing's impossible, Theo." Napatitig lang ako sa kanyang nang sabihin niya 'yon.

It feels like it wasn't the first time I heard those cliché lines but it felt warm. Parang bumabalik 'yung dati kong spirit kung saan pakiramdam ko ay kaya kong gawin ang lahat ng gusto ko—it's familiar, because I used to be like that. And when she came into my life, she reminded me of my old-self.

My hands suddenly move, I cupped her face and caress her soft cheek. She is very unlike those women who are trying hard to be beautiful. Kahit wala siyang make up na suot ay kaya pa rin niyang mag-stand out.

We've been busy for the past five days at ngayon ko lang ulit naramdaman 'to. I began to move slowly towards her, I want to touch those lips.

"I-I'll make coffee for us." Bigla siyang umiwas at naglakad papuntang kitchen counter. Kakabili lang namin ulit ng bagong coffee brewer, binuksan din niya 'yung radyo at tumugtog ang isang OPM na kanta.

Umupo na lang ako at pinagmasdan ang ginagawa niya, halatang balisa si Juniper at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito. Naamoy ko ang aroma ng kape at maya-maya'y lumapit siya habang dala ang isang tasa at nilapag 'yon sa harap ko.

Babalik sana siya sa counter pero bigla kong hinawakan 'yung kamay niya.

"Stay here."

Tumayo ako at niyakap siya habang nakatalikod.

"Hey, what are you doing?" She softly said. Bumitiw ako sa kanya at pumihit siya paharap sa'kin, hinawakan ko 'yung dalawa niyang kamay.

'San darating ang mga salita

Na nanggagaling sa aming dalawa'

Nakatingin kami parehas sa mga kamay naming dalawa at idinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"Can we just enjoy this song?" halos na pabulong kong sabi.

'Kung lumisan ka, wag naman sana

Ika'y kumapit na, nang 'di makawala'

Nakita ko siyang ngumiti at inihilig niya ang kanyang ulo sa kanang balikat ko at ang isa niyang kamay sa kaliwang balikat ko naman. Hinawakan ko siya sa bewang at ang isang kamay naming ay magkahawak. We both swayed slowly when the chorus of the song came.

'Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling moMundo'y magiging ikaw'

Natapos na ang kanta subalit nanatili kami sa gano'ng posisyon. Ayoko na siyang bitiwan. Ayoko na siyang mawala.

"My heart's going to explode if I'll let this opportunity away without telling you how I feel." Tumingin siya sa'kin nang marinig niya 'yon. "Hindi ko na 'ata kaya na wala ka, Juniper."

It's crazy. I know. Hindi ko alam kung paano at kailan nangyari. Sa bawat araw na kasama ko siya hindi ko mapigilan ang sarili ko, sa bawat pagtuklas ng magandang kalooban niya. Everything about her is special and unique.

"Theo..."

"Is there a chance for us?"

One second. Two seconds. Three seconds. I lost count how many seconds we stared but I can feel my heart pounding. This time I know I did what I think's right for me.

Nakita ko sa mga mata niya na may kung anong pumipigil sa kanya pero sa huli'y alam kong parehas kami ng nararamdaman.

She kissed me and I kissed her back. Nang maubusan kami ng hininga ay bumitiw kami sa isa't isa, we're both catching our breaths. 

Nakikita ko sa mga mata niya na pinaglalaban niya ang kanyang puso at damdamin. Pero alam ko kahit na hindi niya sabihin, na manananig ang puso, dahil kailanman ay hindi ito nagkamali. Hindi pagkakamali ang pagmamahal. 

"Kung hahayaan mo akong isipin na walang oras, handa akong ibigay ang sarili ko para sa'yo. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa'yo 'to dahil matagal ka ng nandito sa puso ko, ta amayo contigo, mahal kita, Theo."

"I love you, Juniper."

The next thing I knew is we're at my place and we're hurrying to undress each other. Walang humpay ang pagkahol ni Buddo sa'ming dalawa dahil hindi namin siya pinansin pagpasok namin sa loob.

"Buddo, hey!" naghiwalay kami ni Juniper kasi bigla siyang dumamba sa gitna naming dalawa. "Sorry, buddy." Hinila ko si Buddo papuntang CR at kinulong siya sa loob.

"Baliw ka, bakit mo kinulong si Buddo?" inis na sabi ni Juniper.

"Ayoko ng istorbo." Parehas kaming natawa at nagbalik kami sa ginagawa namin.

Inihiga ko siya sa kama habang hindi napuputol ang aming halik. Alam ko sa pagkakataong 'to ay wala ng makakapigil sa nagbabagang damdamin namin para sa isa't isa. May sumagi sa isip ko na tungkol sa limitasyon niya subalit isinantabi ko 'yon.

All I'm thinking is about now. I want to make love to her, kahit ngayon lang. Who cares about tomorrow? 

I know I'm no saint and she might be an angel, and together we reached heaven.


*****


[JUNIPER]


NAGISING ako at nakita siyang nahihimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti at hawakan ang pisngi niya, mukha siyang anghel na natutulog. I will never forget what happened to us last night.

May kung anong kumurot sa dibdib ko nang maalala ko ang katotohanan—katotohanan na hindi pala ako magtatagal sa mundong 'to.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakapatong sa'kin at bumangon ako. Pinulot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at sinuot 'yon. Muli akong tumingin kay Theo na natutulog. I love him very much, He knows that, kaya nga binigyan Niya ako ng pagkakataon na bumalik dito.

Narinig ko ang tahol ni Buddo sa loob ng CR, naramdaman siguro niya na gising na 'ko. Dali-dali akong pumunta roon at binuksan ang pinto. Kaagad akong dinamba ni Buddo nang makita ako. Kinulong kasi siya ni Theo sa CR kagabi dahil ayaw niyang maabala kaming dalawa ni Buddo.

"You poor thing," sabi ko habang hinihimas siya sa ulo. "Gusto akong masolo ng amo mo kagabi kaya nakulong ka tuloy."

"How cute." Nagulat ako sa nagsalita at laking gulat na may lalaking nakaupo sa sofa. It's him. Para kong maiiyak nang makita siya, tho sanay na 'ko sa kanya pero ngayong sumulpot siya'y ipapaalala na naman niya sa'kin ang masakit na katotohanan.

"A-Azrael." The angel of death.

"You made a sweet time on earth, Juniper. But I must tell you, you're already dead." 


पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

881K 69.6K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
Destination: You minerva🦉 द्वारा

सामान्य साहित्य

55.9K 2K 28
[Wattys 2021 Winner] After discovering that her mother was alive and that she has an older sister, Candida Graciela Cordova, the proud owner of Avian...
273K 16.4K 32
"Isabelle is now officially signing off." ILYBRPW BOOK 2. Plagiarism is big crime.
No More Rhyme Elmo द्वारा

किशोर उपन्यास

123K 5.6K 44
Hindi ko siya gusto no'ng una dahil alam kong hindi kami magtutugma. Pero loko-loko talaga ang tadhana. Ngayon, ayaw ko na siyang mawala.