Seven Reasons to Love Again [...

By Red_Raselom

508 32 2

After almost a year, Michelle had finally reunited with Dylan. Happy ending na ba? Hindi pa rin. Dylan chang... More

[PART 1] Prologue
[PART 1] One
[PART 1] Three
[PART 1] Four
[Part 1] Five
[PART 1] Six
[PART 1] Seven - END
[PART 2] Eight

[PART 1] Two

46 3 0
By Red_Raselom


CHAPTER TWO


Kinagabihan, nagkayayaan silang kumain sa Subic bilang celebration sa pagbabalik ni Dylan. Biglaan iyon at hindi pa nakakuha ng gate pass si Ruby kaya itinakas nila ito.

"Jusko, feeling ko, nagkaroon ako nang claustrophobia nang wala sa oras," hinihingal na sabi ni Ruby nang ilabas nito ang katawan sa luggage compartment. Lumapit naman si Kenneth dito at kinarga ito.

"Yiiih, sweet!" hirit pa nga ni Josel habang pinapasok ni Kenneth ang nililigawan nito. Nagkasya ang tatlo sa back seat ng Camaro ni Dylan; si Michelle ang nasa passenger's seat.

Nang makapasok ang dalawa, nagpatuloy sa pagmamaneho si Dylan.

Si Michelle naman ay maya't maya napapatingin sa kamay ni Dylan na nakapatong sa kambyo. She was tempted to touch it pero nag-aalangan niya. Baka kasi may magawa siyang mali at maaksidente sila. Kaya naman ipinatong na lang niya ang kaliwang kamay sa gilid ng upuan niya. She hoped Dylan would get it.

Kaso, nakarating sila sa Subic nang hindi man lang nito iyon ginagawa. Actually, ni hindi man lang din siya nito kinausap!

Okay lang iyan, Michelle. Hindi ka rin kasi nagsalita at naka-focus siya sa pagda-drive, pagkonsula niya sa sarili kahit ba kinokontra rin iyon ng isip. Nakikipagkwentuhan si Dylan sa mga nasa likod nila pero sa kanya, hindi? How was that?

Naroon na sa parking lot ang kambal nang makarating sila.

"Papa Dylaaaaan!" hirit pa ni RJ nang makita sila. He almost lunged at him, kung hindi lang mabilis na hinablot ni MJ ang tenga nito.

Lumapit sila sa dalawa. Nakipag-brofist si Dylan sa kambal. Si RJ naman ay may pagyakap pang nalalaman.

Nabatukan tuloy ito ni Josel. "Gusto mong pagselosan ka ni Mich?" sabi pa nito pa nito, dahilan para mapangiti si Michelle.

"Oo nga! Inaagawan mo ako ng boyfriend." Hinigit niya ang braso ni Dylan at pabirong inirapan si RJ.

"Ay, ang possessive!" hirit naman ni MJ. "Iba! Iba!"

Nagtawanan sila. Si Michelle naman ay tumingala kay Dylan. But the latter didn't even look at her. Nasa mga kaibigan nila ang atensyon nito. Again, she felt how disappointment lunged at her.

Pumasok sila na sila sa loob. Vintage na American diner ang itsura niyon. Alternating black and white tiles ang sahig, kulay pula ang mga upuan at may jukebox pa sa isang tabi.

Tumawag si Kenneth. "I'm Kenneth Cristobal, yung nagpa-reserve kamo ng table for seven."

Tumango ang waiter saka sila dinala sa reserved table nila. Pabilog na mesa iyon. Magkatabi sina Ruby at Kenneth. Sa kanan nila ay ang kambal, sa kaliwa si Josel, sa harapan ay sina Michelle at Dylan.

Mabilis din silang binigyan ng menu.

"Guys, order what you want. Hahatian ko na si Dylan sa bill," anunsyo naman ni Kenneth.

"Naks! Galante pala si Papa Kenneth ngayon," sabi ni RJ.

"Hindi naman sa galante. Alam ko lang na patay-gutom ka at baka ubusin mo ang pera niya," pambabara naman ni Kenneth.

"Boom!" bulalas ni MJ habang ang iba naman ay natawa. Si RJ naman ay biglang natahimik.

"Nawala lang ako, biglang ka nang naging pang-asar," kumento naman ni Dylan. "Thanks nga pala. Kanina ko pa iniisip kung kaya ko bang bayaran lahat."

"No problem, p're. Treat ko na rin ito sa iyo. At kay Ruby kasi hindi ko pa siya nadadala sa restaurant mula nang ligawan ko siya." Inakbayan nito ang katabing babae saka binigyan ng bugoy na ngiti. "What do you think? Okay ba?" Tumaas-baba pa ang mga kilay nito.

"Idol na idol mo talaga si Dylan, ano? Galawang Dylan iyan, e," kumento naman ni Ruby habang nagbabasa ng menu. Tapos, humarap ito sa waiter at sinabing gusto nito ng meatball spaghetti at club house sandwich.

"Ano ba iyan, Ruby?" natatawa namang kumento ni MJ. "Di man lang na-appreciate ang effort ni Kenneth."

"Ganoon talaga ang manliligaw. Dapat pinapahirapan," ganting tugon nito.

"Pabebe ka talaga," hirit ulit ni MJ.

"Okay lang. At least, masisiguro kong seryoso talaga sa akin bago ko sagutin."

Sasagot pa sana si MJ pero inunahan na ito ni Kenneth. "Oh, wag mo nang awayin si Ruby. Tama naman siya. Aware naman ako. Tanggap ko naman noon pa man na pahihirapan niya ako."

"Tama! Tama!" hirit ulit ni Ruby. "Hindi mo kasi alam yun dahil pakboy ka!"

Josel booed MJ. Natahimik tuloy ang huli dahil nabara.

"Tama na nga muna iyang asaran n'yo. Um-order na kaya muna kayo," kumento naman ni Dylan na hindi rin maitago ang ngiti.

Muling napatingin ang mga ito sa menu. Dylan was the first one to say his, tapos nagsunuran na rin ang iba. Samantalang, pinili naman ni Michelle na magpahuli. Not that she could not choose. Gusto niyang tanungin siya ni Dylan. Gusto niyang tulungan siya nitong mag-isip.

Pero hindi talaga iyon nararamdaman ni Dylan. His attention was on the others. Kinailangan pa niyang hawakan ang braso nito.

Napatingin naman ito sa kanya.

"Di ako makapili," sabi niya. "Ano bang masarap?"

"E di, mag-spaghetti ka na lang?" tugon naman nito.

Magsasalita pa sana siya but MJ urged her to order faster. Gutom na raw kasi ito. Wala siyang choice kundi mag-spaghetti na lamang.

Nang umalis na ang waiter, muli silang nagpatuloy sa pagkwekwentuhan.

"Kahit kailan talaga, maaasahan itong si Kenneth, ano?" maya-maya'y sabi ni Josel para maiba ang topic. "Mantakin mo, biglaan ang lakad natin pero nakapagpa-reserve kaagad ng upuan?"

"Syempre naman. Ayoko namang kasing mainip kayo sa paghihintay. Lalo na ikaw." Ibinaling ni Kenneth ang tingin kay Ruby. Bigla namang nangamatis ang mukha nito kaya napairap ito upang itago iyon.

Tumikhim naman si RJ sabay napakanta ng Mr. Suave. Nilakihan pa nga nito ang boses at tinusok-tusok ang tagiliran ni Ruby. Nabatukan tuloy ito ng huli saka muling hinarap si Kenneth at sinabing, "Strike two ka na, ah? Puro ka galawang Dylan."

"Teka, teka!" putol naman ni Dylan. "Bakit ba puro kayo 'Galawang Dylan'? Ano namang kinalaman ko d'yan?"

Hinarap ito ni Ruby. "E kasi nga, ganyan ka rin kay Mich dati. Ang hilig bumanat," sabi nito. "At dahil d'yan, don't you think it's time for you to discuss kung ano nang meron sa inyong dalawa?"

"Oo nga!" pagsang-ayon ni Josel. "Tamo, tahimik na tahimik si Mich. Parang nagtatampo yata sa iyo."

Napatingin naman si Dylan sa kanya. Siya naman ay lihim na pinasalamatan ang dalawang kaibigang babae. Finally, naisip pa niya.

Pero laking disappointment na lamang niya nang ngumiti lang ito sabay sinabing, "Not now. May oras para d'yan. Pero sa ngayon, celebrate muna natin ang pagbalik ko." And just like that, Dylan dismissed the topic.

Napawi ang ngiti niya sa labi. She looked at Ruby and caught her staring. Ganoon din si Josel. Both of them looked disappointed as well.

Magsasalita pa sana si Ruby pero biglang dumating ang order nila. The twins went gaga at the sight of the food. Isang malaking platter pa naman iyon ng nachos at fries.

Dahil d'yan, nakalimutan kaagad ang pinag-uusapan.

-

Umuwi rin si Dylan nang gabing iyon sa Taguig. Wala raw kasi itong matutulugan. Michelle got no choice but to let him go. Ni hindi niya nakuha ang number nito dahil wala pa itong bagong sim card.

"Okay ka lang, Mich?" maya-maya'y tanong ni Ruby sa kanya nang makabalik sila sa dorm sakay ng kotse ng kambal. Hinihintay nila noong matapos si Josel sa paggamit ng banyo.

"Ha? Bakit naman?"

"You don't have to pretend you're fine, Mich. I know you're frustrated right now." Bumuntong hininga ito saka kumunot ang noo. "I don't get Dylan, you know? Bakit niya iniwasan ang topic tungkol sa inyo?"

Yeah, she's right. Pero pinili pa rin niyang ngumiti. "Let's give him time. Kakauwi palang ng tao. Syempre, gusto nun mag-adjust muna," sagot niya.

Umiling-iling si Ruby. She didn't look convince. "Kung ako kasi iyon, I would really be offended. Hindi tama, e. Hindi ba kapag mahal mo ang tao, ma-e-excite kang makita siya agad? Bakit kanina e parang kulang na lang, iwasan ka niya?"

"Hindi naman, ah? Magkatabi pa nga kami, di ba?"

Tumaas ang isang kilay nito. Tapos, hinawakan nito ang magkabilang balikat niya saka siya niyugyog. "Michelle, gising! Sa yo talaga nanggaling iyan? E dati halos araw-araw ka nang nagmumukmok dahil sa pago-overthink mo kay Dylan e," sabi naman nito nang tigilan ang ginagawa.

Inirapan niya ito. "Ewan ko sa iyo."

But she knew Ruby was right. Bakit nga ba niya pinagtatanggol si Dylan? Earlier, he was close, but the proximity of their distance just made the matter worse. Akala niya, makita't mahawakan lang niya ito, magiging ayos na. Hindi pala. The passion should also be felt, and she didn't feel it.

That was frustrating.

Kaya naman nang makapasok siya sa banyo, hindi niya napigilang mapaluha.

-

Huling gabi ng foundation week. Naghahanda na silang tatlong magkaka-room para sa closing celebration na kung tawagin ay Arriba Fest.

Palabas na sana si Michelle sa banyo nang bigla siyang katukin ni Ruby.

"Michelle Anderson! Pakibilisan naman ang pagligo! May iba pa pong maliligo bukod sa iyo," mataray na sabi nito.

Natigilan naman siya. The scene was familiar. Hindi ba iyon din ang linya ni Ruby sa kanya noong naghahanda sila para sa Arriba Social noong second pa lang siya? Kung kailan niya nakilala si Dylan?

Napalunok siya. It gave her an idea. Paano kung ang party pala iyon ang maging hudyat para magsimula sila muli ni Dylan?

Her thought was interrupted when Ruby knocked again. "Mich! Pakibilisan naman!"

"Ito na po!" Pinihit niya ang seradura saka lumabas nang may ngiti sa labi. Nadatnan niyang nakakunot noo si Ruby sa labas at para handa siyang singhalan pero hindi na itinuloy dahil nakitang maganda ang mood niya.

"Nangingiti ka d'yan?" nagtatakang tanong nito.

Umiling lang siya saka dumiretso sa cabinet niya para magbihis.

It might be a wishful thinking pero wala namang mawawala kung aasa siya, hindi ba?

-

The party was dull. Wala kasi masyadong dumalo. Kung sabagay, nakakatamad din naman kasi dahil hindi rin naman masyadong organized. Ni wala ngang banda man lang. Parang nagpunta lang ang mga tao roon para makinig ng music.

Magkakasama sina Michelle, Ruby at Kenneth sa isang tabi. Medyo malayo ang pwesto nila sa stereo na nasa stage dahil naiingayan sila. Hindi naman nakasama si Josel dahil nagkaroon ng emergency at isinugod daw sa ospital ang tatay nito. Ang kambal naman ay humiwalay muna dahil gustong makasama ang ibang mga tropa.

"Ang gara ba ng lasa nitong iced tea," maya-maya'y reklamo ni Ruby. "Parang may ibang lasa. Saka medyo mapait." Tinapon nito ang laman ng hawak na baso sa lupa.

Pinandilatan ito ni Michelle. "Huy! Ba't mo tinapon?"

"Hindi nga masarap, e."

"Gaga. Sayang pa rin. Saka mahiya ka naman sa mga naghanda niyan, di ba?" Napaikot siya ng mga mata saka inubos ang iced tea. Well, tama naman si Ruby. Medyo mapait nga. Ayaw lang talaga niyang nagsasayang, dala na rin ng nakagisnang buhay.

Ngingiti-ngiti naman si Kenneth habang nakatingin sa kanilang dalawa. Napansin iyon ni Ruby.

"Nginiginiti-ngiti mo d'yan ha?" sita nito.

Umiling ito. "Wala. May naalala lang ako."

"Ano? Kalokohan?"

"Kalokohan agad? Saan mo naman iyon nakuha?" kunot-noo nitong tanong.

"So, meron nga?" Pinandilatan ni Ruby ng mga mata si Kenneth. "Wag ka magsinungaling! Psychology student ako."

"Wala nga—aray!" Napangiwi si Kenneth nang kurutin ni Ruby ang pisngi nito. "Tama na, Ruby. Masakit," reklamo nito.

Michelle smiled. Hindi rin niya maiwasang kiligin sa dalawa. Sa totoo lang, noon pa man, tingin niya bagay ang mga ito. Kenneth is calm, reserved and unironically sweet. Bagay sa tulad ni Ruby na pabebe at madaldal.

Naisip niyang bigyan ng space ang dalawa. "Guys, wait lang, ha? May pupuntahan ako," paalam niya bago niya iniwan ang dalawa. Pero bago iyon, binigyan muna niya ng makahulugang ngiti si Ruby. Irap ang iginawad nito sa kanya.

Nang hinayang tuloy siya dahil wala si Josel. Wala tuloy siyang mapaglalabasan ng kilig.

Pero mas nanghinayang siyang wala si Dylan. Kanina lang niya na-realize na bawal nga pala ang outsider, maliban na lang kung binigyan ito ng ticket na magsisilbi nitong pass. Pero kailangan pa iyong i-request sa student council sa halagang dalawang daan.

Naghahanap siya ng makakasama nang biglang mag-iba ang music. EDM iyon. Tapos, pinatay pa ang ilaw at pinalitan iyon ng neon light.

Everyone went wild. Halos lahat ng mga dumalo ay biglang nagpunta sa gitna at nagsasayaw. She didn't want to join but the sudden wave of partygoers pushed her aback. She struggled to get passed them.

Kaso, hindi pa man siya nakakalayo nang biglang may yumakap sa kanya patalikod. Ang lapastangan, hinawakan pa ang dibdib niya!

Gulat siyang napaharap dito at aamba sana ng sampal pero nakita niyang si Dylan pala iyon. Nandilat ang mga mata niya sabay bigkas ng pangalan nito.

Ngingisi-ngising inilapit ni Dylan ang labi sa tenga niya. "Flat na flat, ah? Parang wash board," kantiyaw nito. "Babae ka ba talaga, Mich? Mas malaki pa yata ang boobs ko sa iyo."

It hit her nerve. Tinulak niya ito. "Tse!" singhal niya saka ito tinalikuran.

Akmang magwa-walkout na siya pero muli na naman siya nitong niyakap. "Joke lang," natatawa nitong sabi. "Ito naman hindi, mabiro?"

"Ikaw naman kasi! Inaasar mo na naman ako," inis na inis niyang tugon pero sa loob-loob niya'y napapangiti siya. Ang lapit ni Dylan sa kanya. This proximity gave her comfort.

"'Di, ganito na lang. Sayaw na lang tayong dalawa bilang sorry ko kasi binad-trip kita. Hindi nga lang ito sing-romantic ng dati. Pangit ng music, e."

Natigilan siya saka humarap dito. "You remembered?"

Tumango ito. "Syempre naman. Makakalimutan ko ba iyon? Pati ang palpak n'yong K-pop na performance?" Muli itong ngumisi.

Kahit inaasar siya nito, hindi niya mapigilang matuwa. Nag-init pa nga ang sulok ng mga mata niya. Kung si Dylan ay laging nakakatikim ng sampal sa kanya, ito naman ay lagi siyang pinapaiyak.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Shall we?"

Tumango siya.

Then, Dylan pulled her closed. She, on the other hand, buried her nose on his chest. She smelled his scent - minty with his natural masculine scent. She closed her eyes and let herself drowned into it.

Dylan moved his feet slowly. Natawa tuloy si Michelle. Hindi kasi akma ang step nito para sa napaka-upbeat na kanta. Hindi talaga ito marunong sumayaw. Yet she didn't care. Ano naman kung matigas ang katawan nito? She loves Dylan. She loves everything about him, including his imperfection.

Isa pa, mas mahalaga sa kanya ang magkayakap sila ngayon. He was so close that she could hear and feel his heartbeat. That unwavering pulse was music to her ears. It was resonating to her skin... her bone... her whole body itself.

But then, just when she's about to lose herself to that moment, the music stopped.

"Wag tungtungan ang table! Baka masira iyan!" narinig niyang suway ng organizer. Saglit lamang iyon pero nasira na ang mood ng mga sumasayaw kaya nagsialisan na rin.

Napatigil tuloy sa paggalaw si Dylan. Tapos, kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. He looked at her, asking for apology.

Siya naman ay na-disappoint. Napanguso pa nga siya. But she let Dylan escort her out.

Niyaya niya si Dylan na bumalik sa pwesto nina Ruby at Kenneth pero hindi niya nadatnan.

"Saan kaya nagpunta ang mga iyon?" kunot-noo niyang tanong.

"Hala! Baka nagtanan na sila," biro naman ni Dylan.

Inirapan niya ito. "Subukan lang nila."

Kinuha ni Dylan ang isang bakanteng upuan saka ipinuwesto iyon sa table saka umupo.

"Kandungin na kita," sabi nito. "Wala nang ibang upuan, e."

Bagaman nag-aalangan, sumunod naman siya.

"Ang gaan mo pala talaga," natatawang sabi ni Dylan nang makaupo siya sa kandungan nito. Tapos pinisil-pisil nito ang braso niya.

"Paano ka nga pala nakapasok dito, Dylan?"

"Binigyan ako ni Josel ng ticket kanina. Nagkita kami sa St. Joseph kanina. Inabot niya ang ticket sa akin."

Napatingin siya dito. "Bakit ka nagpunta sa ospital?"

"May pina-pick-up lang sa akin si Papa."

"Ah." Doktor ang Papa ni Dylan at dati itong nagtratrabaho sa nasabing ospital.

Tapos, niyakap siya nito patalikod. They were shelved in silence. While Michelle was thinking of what to say, nilalaro-laro naman ni Dylan ang daliri niya.

Maya-maya, bigla niyang naramdamang may nag-vibrate sa kaliwang bulsa nito. Pinatayo siya ni Dylan para kuhanin ang phone na laman niya. His step-mother was calling. Dylan excused himself for a moment.

Sinundan ni Michelle ng tingin ang lalaki. While he was standing from afar, hindi niya maiwasang hagurin ng tingin ang katawan nito. Ang ganda talaga ng hubog nito. And that meaty ass was head-turning.

Muli siyang binalikan ni Dylan makalipas ang ilang sandali.

"Mich, kailangan ko nang umuwi. May libing kasi kaming pupuntahan. Sorry, okay?" Lumapit ito sa kanya saka dinampian ng halik ang noo niya. "Bye."

Napamaang siya. Ito na naman! Iiwanan na naman siya ni Dylan nang hindi sila nakakapag-usap tungkol sa kanila.

Before Dylan could turn his back to her, she reached for his arm. Mahigpit ang kapit niya, nanginginig pa nga siya.

"Bakit, Mich?" nagtatakang tanong ni Dylan.

"Please, wag ka munang umalis. Gusto pa kitang makasama," nagmamakaawang aniya.

Dylan sighed. "Mich, sabi ko naman sa iyo, di ba? Ililibing ang pinsan ko bukas. Kailangan kong umuwi. Sa Tarlac pa iyon. Babawi na lang ako—"

"Let me come with you, then." Kulang na lamang ay lumuhod siya. "Kahit iyon lang, Dylan. I'm begging you."

Dylan looked at her. He was frowning, too.

"Please?"

Bumuntong hininga ito. "Sige na nga." Napakamot ito ng ulo. "Tara."

She smiled. Yes!

Kung anuman ang magyari sa kanila, wala siyang pakialam. Hell may care. Sasama siya kay Dylan, at mag-uusap sila tungkol sa kanila.

Continue Reading

You'll Also Like

796K 80.1K 55
3 lives got entangled due to the twisted Destiny...... Vidyut Rajvanshi married his college sweetheart Sanjana and was leading a happy life ......bot...
245K 16.5K 47
This novel featuring Amie and her childhood friend, Mahir. It's a delightful tale of friendship, lost connections, and the power of rekindling old fl...
10.2M 641K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
265K 7.8K 46
စဝ်ခွန်နောင်= မင်းလူသတ်ရင် ကိုယ်ကအလောင်းဖျောက်ပေးမယ့်မဲ့ကောင်ပါ baby Gumkino =ကျွန်မက ပန်းကိုင်ရတာထပ် gunကိုင်ရတာပိုသဘောကျတဲ့မိန်းကလေးတစ်ယောက်မို့ ရှ...