Enclave Series 1 : Rush Villa...

Autorstwa _AyEnNe_

34K 1.5K 223

"It hurts when you have someone in your heart, but you can't have them in your arms" - Rush Więcej

Introduction
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter THREE
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY ONE
Chapter TWENTY TWO
Chapter TWENTY THREE
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY SIX
Chapter TWENTY SEVEN
Chapter TWENTY EIGHT

Chapter TWENTY FOUR

2K 85 48
Autorstwa _AyEnNe_

A/N

Naubusan na ko ng pondo.. hahaha!
Please expect na medyo matatagalan ang pag-update nito...

For now.. enjoy this Chapter.

********

Rush (P.O.V)

” hoy, Yu. Nasaan ka na? magsisimula na ang friendly match nila Storm?” nadinig kong pagtatanong ni Gap sa kabilang linya habang kami ay naglalakad.

Kausap nito si Yuna.

Kagaya ko ay nakasanayan na rin ng mga ito ang pagtawag ng “Yu” kay Yuna. A gesture which obviously imply na ganuon na sila kakomportable sa aming bagong kasama.

“dalian mo at may naiinip sa pagdating mo” ani ni Gap na alam ko humigit kumulang ay ako ang ibinebenta sa kanyang kausap. She’s teasing me by alternately raising her eyebrow na akin na lamang ikina-iling habang nangingiti sa kanyang kalokohan.

Kahit kailan talaga ay wala na silang ibig asarin kundi ako. Simula ng mapadalas ang paglibot ni Yuna sa aming Campus ay hindi na nilubayan ng aking mga kaibigan ang pang-aalaska dito. Lantaran na kung kami ay buyuin lalo na kapag nagiging extra sweet iyong isa na kadalasan ay tinutugon ko lamang ng kiming pagngiti.

I don’t want to take advantage of our situation lalo na at alam ko naman kung anong estado ko sa puso nito.

Yuna really like me and she’s vocal about it pero dahil alam naman niya ang standing ko, kahit kailan ay hindi ito nagdemand or naging makulit about our situation.

She seems contented on what we have right now at ganuon din naman ako.

Lingid sa kaalaman nila Gap ay nakukuha pa rin naming mag-usap ni Yuna tungkol kay Brianna. Isang bagay na ipinagpapasalamat ko dahil sa ganuong bagay ay may napaglalabasan ako ng saloobin.

She always hears me out, letting me speak whatever I want to say kahit na nga minsan ay nai-eexpress ko kung gaano ko pa rin kamahal si Brianna.

I know I’m being unfair to her and maybe rude dahil heto siya, isang taong lantad ang pagkagusto sa akin pero heto ako, walang ibang bukang bibig kundi ang babaeng ilang beses nanakit sa akin.

But what can I do? If she’s the only person I can talk to regarding the issue.

I don’t know if she just hiding the bitterness pero kahit anong pagkapa at obserbasyon ko sa kanya ay wala akong negatibong emosyon ang maramdaman. May pagkakataon pa nga na nagbibigay ito ng mga friendly advice which really makes me happy dahil open ito at hindi ko kinaringgan ng pagkasuya sa tuwing ikinukwento ko si Bree. Hindi kagaya ng mga kaibigan ko na tuluyan ng ipinag-bawal maski ang pagbanggit sa pangalan ng babaeng magpasa-hanggang ngayon ay aking inaasam na makasamang muli. 

They resent her so much.

Yes, as in hate. capital H.A.T.E.

A strong word which I cannot just put into my system at ilinya ang sariling emosyon sa kanila dahil mantakin ko mang isipin at pilitin ay hindi ko talaga kaya.

Mahal ko pa rin ito at buong-buo iyon despite the fact na isinuko ko ang anumang posibilidad para sa aming dalawa.

I sighed mentally when sudden pain strike through my heart.

Hindi naman kasi ganuon kadaling turuan ang puso na lumimot.

Hindi naman iyon kagaya ng isang makabagong-teknolohiya na kung gusto mong i-reformat para mabura ang lahat ng nilalaman ay magagawa mo lang sa saglit na oras.

Ang puso natin minsan madaling paibigin, we may easily fall for a person na may taglay ng mga ugaling nais natin pero ang puso, oras na natutuhang umibig ay napaka-hirap ng turuan para basta na lamang lumimot.

Napaka-hirap.

“mauna na kami sa gym okay? will be waiting for you at the bleachers sa lower box tayo. “ nadinig kong pagbibigay ng information ni Gap sa kanyang kausap na siyang nagpabalik sa aking kamalayan.

She ends the call at nanunuksong tumitig sa akin.

“what are you looking at?” ang hindi ko natiis na pagkomento.

Hindi ito kumibo and just grinned ear to ear.

“stop it Gap, your creeping me out” reklamo ko at ibinaling ang aking paningin sa aming nilalakaran habang napapangiti sa panunukso ng aking kaibigan.

“tell me” bungad nito kasabay ng pagtaban sa aking braso “what’s the real score between the two of you?”

Napakunot noo ako at sumulyap dito. “between who?” pagpapatay-malisya ko na sinuklian nito ng katakot-takot na pag-irap.

“don’t play as if hindi mo alam “ untag nito sa nag-aakusang tinig.

I shrugged my shoulder at hindi kumibo.

I know she just wanted me to spill something, pero anong magagawa ko kung wala naman talagang namamagitan sa amin ng taong ipinipilit nila.

Ang excitement na ngiti nito ay nabura at naiinis akong tinapunan ng masamang tingin atsaka dismayadong binitawan ang aking braso “ hello! ” iritado nitong usal.

Nagpatay malisya pa rin ako kahit gusto kong matawa sa itsura nito.

Kahit kailan talaga and dali nitong asarin.

“between Yu and you” she pointed out frantically waving her hands na siyang nakasanayan kapag may gustong puntuhin.

“oh, come on Rush” reklamo nito atsaka pumalatak.

“between You and You? I don’t get it” pagbibiro ko while creasing my eyebrows making her think na clueless ako sinasabi nito kahit hindi naman talaga.

“I mean Yuna and You, stupid!” napipika nitong bulyaw kasabay ng isang hampas sa aking braso na tuluyang nagpakawala ng aking halakhak.

Parang bata lang.

“pinagtitripan mo ba ko? gusto mong sapakin kita?” ang naghahamon nitong tanong ng makita kung gaano ako naaliw sa kanyang reaction. Huminto pa ito sa gitna ng hallway na aming nilalakaran, humarap sa akin at sinamaan ako ng tingin.

Naiiling ko itong nilapitan at inakbayan “ikaw naman hindi ka na mabiro” paglalambing ko then pinch the tip of her nose.

Inirapan lang ako nito.

We resume on walking ng mapagdesisyunan kong sagutin ang ipinipilit nito para na rin mawala ang kanyang sumpong.

I sighed.

“we’re just friends” I stated seriously na ginantihan lang nito ng pag-irap.

“ gasgas na ang linyang iyan Rush, can’t you think of something more unique at iyong kapani-paniwala?” supla nya sa akin after she hissed.

“seryoso nga” pagpupumilit ko  “nag-usap na kami tungkol sa bagay na iyan and believe me… what we have is purely friendship” I clarified hoping this time ay paniwalaan ako nito.

“Whatever Rush” she response and then humilig na lamang sa aking balikat which makes me smile.

Bravo! Napahupa mo na naman ang topak nyang si Agape.

Bulong ng isang bahagi ko habang nagdidiwang ang aking kaloban.

Wala namang bago kung tutuusin dahil alam kong kahit kailan ay hindi niya kayang mainis sa akin ng matagal. The usual, nagpapabebe lang naman ito. Konting lambing lang ay bumibigay na at nawawalang parang bula ang pagkairita nito sa akin. 

I mentally grin.

I know, no one can resist my charm. Lalo na ang isang Agape Monteagudo-Dy.

Ganyan ako kalakas sa kanya.
********
Pagdating namin sa Gymnasium ay nagsisimula na ang game nila Storm. Grim and Paris already there cheering for our friend at halos mamaos na ang boses sa unang quarter pa lamang ng larong iyon.

Lumapit kami sa kanila habang hindi pa din natitinag sa panonood and they acknowledge us by glancing shortly. Afterwards ay kagyat nilang ibinaling ang atensyon sa gitna ng Basketball Court at muling nag-cheer ng maka- 3 points si Ulan.

Iiling-iling kami ni Gap na pumuwesto sa aming naka-reserbang upuan but when I’m about to seat sa pagitan nila ni Paris, ay hinatak ako nito switching places with me. “diyan ka na muna maupo” she’s pointing out at her usual seat katabi ng isa pang bakanteng upuan.

I pause for a while at tinitigan ito with questioning eyes.

“Paris and I needed to discuss something” defensive na sagot nito kasabay ng pag-angat ng isang kilay na animo naghahamon.

Kumunot ang aking noo.

What was that for?

Makikipagpalit lang ng upuan tinatarayan na ako?

I ask myself silently ng manibago sa ikinilos nito. Nang hindi na ito kumibo pa ay pabale-wala akong nagkibit ng balikat and disregard her reaction.

I was then about to seat when a vision of familiar body figure caught my full attention.

“hi guys, sorry I’m late” anito ng pamilyar na tinig ng tuluyang makalapit sa amin.

“your just on time, Yuna. Come on take a seat” pagsingit ni Gap matapos sumilip buhat sa aking tagiliran then motions the unoccupied seat beside mine.

I amusingly gaze at her na ginantihan lang niya ng nakakalokong pagngiti.

She is now grinning from ear to ear while shifting her gaze between me and Yuna.

Umiling ako.

“you are unbelievable” I mumble not wanting someone to heard it.

I’m referring to her being so pushy over Yuna and Me issue. I know now, why she exchanged places with me. It's because obviously, she wanted me to seat beside Yuna.

Poor Rush.

Pambubuyo ng isa kong bahagi.

Mukhang hindi talaga lulubay ang kaibigan sa kakapanukso sa amin.

“you should be thanking me, Rush” makahulugan nitong pagbulong sa akin while smirking.

Confused ko itong tinitigan “for what?” anas ko amused on what she just said.

“duh! for doing things that you should be doing?” confident nitong tugon na nakapag-pakunot ng noo ko.

“what are you trying----”

“stop!” she cut’s me off by putting her forefinger on my lips “let’s just watch the game will yeah?” pag-iiba nito ng topic kasunod ng marahang paghatak sa akin para tuluyang makaupo.

Paris and Grim then greeted Yuna when they noticed her presence.

“so” usal ni Yu ng makaupo  ng maayos sa aking tabi. 

Nilingon ko siya and kiming nginitian.

“hmmm… how are you, Rush?” malambing nitong pagtatanong staring intently at me na ikina-init ng aking magkabilang tenga.

Daglian akong nailang kaya awtomatiko akong nag-iwas ng mga mata at saglit na tinapunan ng tingin ang mga naglalaro. Nanatili ang atensiyon ko duon ng ilang segundo bago awtomatikong sinagot ang kanyang tanong.

“I’m good, ikaw?” tipid kong tugon then glance at her.

She glances back and smile widely. “ayos lang din ako” she response politely at sa malikot na mga mata ay tumunghay kila Storm.

Tumango-tango ako at nagbato ng alanganing ngiti sa kaharap.

Shocks. Bakit ba kami nag-kakai-langan?

I sighed shrugging away the unknown emotion.

“it’s good to hear that…. were both doing okay” I commented pausing in my mid-sentence.

Afterwards I became silent, didn’t know how to make conversation alive until a sudden question registers in my mind.

Alanganin ulit akong lumingon sa aking katabi na nuon ay nasa naglalaro na ang kanyang atensiyon. Pero ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay humarap ito sa akin wearing her irresistible smile.

I gasp for a while at para mapagtakpan iyon ay yumuko ako.

“you look busy this past few days ah, ngayon ka lang ulit naparito” I stated didn’t know if patanong ba iyon or what. 

“damn! You miss it!!” Paghiyaw ni Gap na nakapagpabaling sa akin. Nakatunghay ito sa mga naglalaro at animo engrossed na engrossed kahit na nga ba nararamdaman kong nagpapanggap lamang ito.

Patay malisya itong tumingin sa akin ng mapansin ang aking atensyon.

“what?” kunwaring tanong nito while throwing me her crazy stare.

“nagpaparinig ka ba?” lakas loob kong pagtatanong staring at her amusedly.

Oh, well she’s apparently eavesdropping kaya nakapag-react ito ng ganuon. And obviously she’s accusing me na nami-miss ko daw ang aking katabi.

I know this dahil halata namang wala sa paglalaro ang kanyang atensyon ng mahuli ko itong nagnanakaw ng tingin sa aming dalawa ni Yuna.

“tssss! Anong pinagsasabi mo?” pagkakaila nito matapos sumulyap sa akin at muling itinuon ang paningin sa mga naglalaro.

As if on que ay nakapag-pasok muli ng bola ang aming hambog na kaibigan.  “damn it! That’s what I’m talking! “ muling paghiyaw ni Gap then cheer on our friend along with Paris and Grim’s loud voices. 

“ganyan nga! Tira lang ng tira para wala kang MA-MISS na i-shoot” she exclaimed emphasizing the word “Miss” and say’s it in my face ng pasimple itong dumukwang.

I don’t know if Yuna notice it until I heard her chuckles on my side.

Umiling-iling na lamang ako at hindi pinatulan si Gap sa pang-aalaska nito.

I shift my full attention sa laro at ganuon din ang aking katabi.

Nanatili kaming busy sa panonood when out of nowhere I heard Yuna mumble something. “totoo ba?”

I pause for a while at tila nakiramdam kung guni-guni ko lamang iyon but then when I decided to look at her ay nakatitig na ito ng mariin sa akin. “did you miss me, Rush?” prangka nitong pagtatanong leaving me flabbergasted for a while.

Umawang ang aking bibig at gusto magreact pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko nakuhang magsalita until Gap clears her throat. “kasimple ng tanong hindi pa masagot. Torpe talaga “  anito sa nangungutyang tono.

I creased my forehead.

Aba! At hinahamon yata ako nito.

Pero teka? Papatulan ko ba?

Kantiyaw ng aking isang bahagi.

Wala sa sariling ibinalik ko ang atensyon kay Yuna na nuon ay tila naaaliw na nakatingin sa akin at nag-aabang ng aking sasabihin.

“i—i-----” aking panimula with cracking voice na ikinangiti nito.

Namula ako and it leave me speechless ng hindi ko magawang magsalita at tumingin pa sa aking kaharap dahil sa sobrang pagkapahiya.

Nako! Nadinig na nga nya ang pagkantiyaw sa sayo ni Gap kanina tapos ngayon ay napipiyok-piyok ka pa, ano ka nagbibinata?

Pang-aasar ng isang bahagi ko.

Nagbaba ako ng paningin and swallow the lump that seems formed under my throat.

Shocks! Ano bang nangyayari sa akin?

“ako, na-miss kita and I can’t deny it kasi totoo” she said na nakapag-paangat ng aking  paningin.

Napatigil ako.

Alanganin akong tumingin sa kanya at ngumiti. “the feeling is mutual Yuna, I missed you too” walang pag-aalinlangang sagot ko which make her bite her lower lip dahil sa pinipigil na emosyon.

Napalunok ako when my eyes rested on her lip and start wondering how it feels to be kiss by her again. But then a sudden registration of Brianna’s lovely face floated na naging dahilan kung bakit ako tuluyang natauhan.

I look away and sigh deeply.

She’s all that I wanted and I cannot deny it dahil kahit heto nasa harapan ko ang babaeng willing ko sanang papasukin at maging parte ng buhay ko ay kabaligtaran naman ang isinisigaw ng aking buong pagkatao.

Hindi ko na nakuhang kumibo at inabala na lamang ang sarili sa panonood ng laro. And Yuna did the same too dahil animo pareho kaming walang masabi ng mga oras na iyon.

I focus on watching Storm playing na nuon ay siyang may hawak ng bola at kasalukuyang nakikipag-balyahan sa bumabantay sa kanya.

She did some footwork, a fake shot at ng makakuha ng tiyempo ay tumira ito ng 3 points.

Nagkagulo ang mga fans nito at kanya-kanyang tili kasama na duon ang nangingibabaw na pag-chi-cheer nila Gap ng walang mintis nitong naipasok ang bola. Mayabang itong sumuntok-suntok sa hangin at nakuha pang  alaskahin ang player na bumantay sa kanya when she waves her hand at animo sinasabing “in your face”.

Umiling-iling akong pumalakpak at nakisabay sa pag-iingay ng umugong ang pangangantiyaw dahil sa ginawa nito. 

“yabang mo loko!” paghiyaw ko when she jogs towards the other side of the court malapit sa amin.

Luminga ito then grinned at us atsaka bumalik sa paglalaro.

“magaling pala siya mag-basketball,hano?” amaze na pagtatanong ni Yuna.

Lumingon ako dito ng nakangiti at tumango “yeah, magical ang kamay niyan, kapag pinakawalan ang bola siguradong walang mintis. Kaya mayabang eh” joking on my last sentence.

“buti ikaw hindi mayabang?” she asks na nakapagpa-kunot ng noo ko. Kapagdaka’y napailing. “hindi naman kasi ako magaling sa basketball, marunong pero hindi magaling” pagbibigay alam ko dito ng nakangiti.

She chuckles. “Hindi ko naman direktang tinutukoy ang pagbabasketball…. What I’m trying to say is, you’re extremely good on your craft…. Pero hindi ka mayabang” she implies which brings confusion in me.

“photography” pagdidiin nito ng mapansing hindi ko kaagad nakuha ang nais nitong sabihin “ hindi ba at magaling ka sa photography? Pero tignan mo hindi ka naman mayabang” she continues, emphasizing the word mayabang.

I shook my head and smile at her. “ wala naman kasing dapat ipagyabang, atsaka average lang naman hindi magaling” pagpapakumbaba ko.

Natawa ito then suddenly pinch me on my arm “Nakakagigil ang pagiging humble mo eh noh?! Hindi pa ba magaling iyong nakadalawang panalo ka sa isang World Photography Competition?! Eh pwede ka na nga ring magpa-exibit dahil sa mga magagandang kuha mo eh”

I chuckled and shaking my head when I remember how shock she was when Gap showed her some of my Photos which displayed on our School Gallery.

“seryoso nga kasi, worth it i-display lahat ng gawa mo” 

I hissed trying to suppress my emotion, sobrang nahihiya na ako sa pamumuri na sinasabi nito sa akin.

She keeps on praising me na animo isang professional na photographer well in fact ay ipinag-iigi ko pa lamang ang craft ko na iyon.

For me madami pa akong dapat na matutunan and I’m willing to dig whatever it is dahil sa pagmamahal ko sa aking hilig.

“kung hindi mo naitatanong ay may mga tita akong nag mamay-ari ng mga picture gallery. Pwedeng-pwede kita i-refer dahil sigurado akong magugustuhan nila ang mga gawa mo, particular the landscape. it so breath taking!” enthusiastic na dugtong nito with full excitement on her face.

I grin on her eagerness “stop feeding my ego…. Miss” panunuway ko habang umiiling-iling.

“deserve mo iyon kasi magaling ka naman talaga” pamimilit nito trying to convince me while shaking my arm na animo desidido sa naisip nito.

“Stop it! nalulunod na ako sa mga papuri mo ha” pagbibiro ko ng nakangiti.

Kahit kailan nakakaaliw talaga to’

“I’ll save you then, I can be your salbabida if you want “

Nanlaki ang mga mata ko and amuse na tumingin dito.

“god! Yuna, where are those words came from?! “naaliw kong sita dito. Still entertained by the way she delivers the words. I mean yeah, sure kinikilig ako and I know I cannot hide it by the way my whole face reacted... damn! I’m blushing but who cares? It’s not every day, there’s someone na makakapag bato sa iyo ng ganuong banat.

“did It tickle’s your heart “ prangka nitong pagtatanong. Teasing me by raising her eyebrow alternately.

Natigilan ako but then the smile on my face didn’t subside. Yumuko ako pansumandali at tila nag-isip.

Oh god! What will I tell her? Should I say …

Yes? You tickle my heart? or

No ...  cause you’re baduy? Or…

“you make me feel good “I said out of nowhere matapos makapag-angat ng tingin direkta sa kanya.

She blushed and I swear that’s the most amusing thing that I saw the entire day.

“ehem! Parang antamis ng panlasa ko? “ pagpukaw ni Gap interrupting us from whatever thought we have “nauhaw ako bigla!” she exclaimed “ Drinks anyone?” pag-alok nito sa amin particular sa amin ni Yuna.

“Milk Tea for me” pagpatol ni Paris.

“Me too” aniya ni Grim.

Tumango si Gap at kapag-daka’y tumayo “kayong dalawa? “baling nito sa amin ni Yuna.

“water na lang sa akin please” request ng aking katabi.

“Soda na lang sa---”

“tubig na lang ang sayo masyado ka ng matamis… “she cut’s me off making me crease my forehead on her last sentence. “anong sinabi mo?”

Humarap ito sa akin and smile from ear to ear “Ang sabi ko bawal ang matamis sayo…. Kaya mag water ka na lang din”. Iyon lang, then turn her back on us at lumakad palayo.

I mentally roll my eyes, natuwa na naman siya sa narinig sa akin. Eh wala naman akong ibig ipakihulugan duon. Sinabi ko lang naman ang saloobin ko na totoong napapagaan ni Yu ang pakiramdam ko. Pero aside from that ay wala na.

For a moment ay tumahimik kami ng aking katabi. Muling nanood ng laro at nag-cheer kay Storm but then ng nasa kalaban na ang bola ay naramdaman ko ang pagpihit ng katawan ni Yuna paharap sa akin.

Nakiramdam ako for a while until I heard her soft voice.

“Rush, I ----- “

Naputol ang anumang sasabihin nito when my adrenalin quickly kicks in. I pull her closer to me at walang inhibisyong sinalag ang paparating na bolang nakatakdang tumama sa aming gawi.

Kasunod nuon ay magkakasunod na singhap ang aking nadinig.

Nanatili kaming nakayuko until I heard several gasp and murmur.

Nag-angat ako ng tingin only to find out a couple of eyes that amusingly staring at us on a compromising position. Duon lang ako natauhan at napansin ang aming pwesto ni Yuna. Nakayakap ako sa kanya habang siya ay nanatiling nakasubsob sa pagitan ng aking leeg at balikat na tila nakikiramdam.

Napalunok ako ng biglang kinatigan ng pagkapahiya and about to make a move para mawala sa kompormisong sitwasyon na iyon when a familiar person caught my eyes.

Napalunok ako and I swear nanlaki ang aking mga mata. 

Brianna?

Pipi kong pag-usal.

My heart pounded very hard while staring at the girl I love. Muling nanumbalok duon ang pamilyar na kaba na sa tuwina ay sa kanya ko lang nararamdaman.

She’s gawking at us with poker face without blinking as if she’s in a deep thought.

Natameme ako panandalian concentrating on what will be my reaction when loud voice of my friend Paris interrupted me. “nakow Rushmoore!!! hindi namin alam na marunong ka na ring mag-ninja moves ha? Iyan ba ang itinuro sayo  ni Storm?” pang-aalaska nito. 

Natauhan ako sa sinabi nito, dahilan kung bakit ko inalis ang aking pagkakayakap kay Yuna.

Tila bumalik din ito sa realidad at kusang inilayo ang kanyang katawan matapos ako ngitian. 

“nice reflex you’ve got there “she said in a sultry voice na ginantihan ko lamang ng alanganing pagngiti. She may be waiting for my response pero walang kibo akong bumaling kung saan ko natanawan ang babaeng minamahal.

Kagyat na napalis ang bumangong excitement at kaba ng mapansin kong ito ay wala na sa kanyang kinatatayuan.

Lumalaylay ang magkabila kong balikat na sumandig sa aking kinauupuan at nag-isip.

Nagugulumihan akong napayuko, thinking if everything is merely my hallucination or talagang nanduon siya at nakatunghay sa akin. Sa amin. … ni Yuna..

Buhat sa huling naisip ay nag-angat ako ng tingin at kagyat na napapikit ng ma-dissapoint sa ipinagduduldulan ng aking isipan.

I sighed.

She obviously saw me and… Yuna. … hugging each other.

Natuliro ako.

Oh god!  No!

Kung sakaling nakita nga niya kaming magkayakap, for sure ay kung ano-ano na ang tumatakbo sa kanyang isipan. At ayokong mangyari iyon, ayoko ng dagdagan pa ang galit na naramdaman niya which started when she caught me kissing by her friend.

Pero hindi ba nag-give up ka na?

Pagsingit ng isang bahagi ko which cause me to pause for a while.

I mentally nodded.

Ano pa nga bang saysay ng paghabol ko sa kaya kung ako na mismo ang sumuko hindi ba?

And what makes you think na this time ay tatanggapin niya ang paliwanag mo? Kung nuong nakaraan ay hindi niya binigyan ng halaga ang alinman sa mga sinabi mo?

Untag ng aking isang bahagi.

I sighed at wala sa sariling napailing.

Okay ! I give up! Hindi ko na kaya ito.

Iyon lang then I stood up and excuse myself from my friends not even bother kung anong naging reaction ng mga ito. Humingi din ako ng paumanhin kay Yuna na alam ko ng mga oras na iyon ay nakikiramdam sa akin.

How I want to apologize to her for patronizing her action towards me pero mas kailangan kong makita si Brianna upang sa pangalawang pagkakataon ay makapag-paliwanag tungkol sa kanyang mga nakita.

Kung siya nga talaga ang nakita mo. 

Pagkontra ng isang bahagi ko.

I pause for a while.

Paano nga pala kung hallucination ko lamang iyon?

Naguguluhan akong umiling but then i instantly resumed on storming out of the place kasabay ng pagsipa ng aking instinct implying that it was really Brianna Buenaflor.

Ang taong pinilit kong kalimutan pero hindi mawala-wala sa aking sistema, sa aking isip at mas higit sa aking puso.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

227K 14.7K 74
After securing his dream job at a luxurious resort abroad, Sinag thought he had found a perfect backdrop for a new chapter of his life. Little did he...
1.9M 72.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
850K 29.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
105K 3.4K 27
Charlotte Del Fuego , the Governor's only daughter who's living her life to the fullest, literally young, wild and free.The untameable queen. What...