Mi Querido, Espérame

By sam-ivan

2.2K 175 7

Mi Querido, Espérame My Dear, Wait For Me Maximo Isidro y Valencia has traveled to the future from the year 1... More

Mi Querido, Espérame
Capítulo 1
Capítulo 2
Capítulo 3
Capítulo 4
Capítulo 5
Capítulo 6
Capítulo 7
Capítulo 8
Capítulo 9
Capítulo 10
Capítulo 11
Capítulo 12
Capítulo 13
Capítulo 14
Capítulo 15
Capítulo 16
Capítulo 17
Capítulo 18
Capítulo 19
Capítulo 20
Capítulo 21
Capítulo 23
Capítulo 24
Capítulo 25
Capítulo 26
Capítulo 27
Capítulo 28
Capítulo 29
Capítulo 30
Capítulo 31
Capítulo 32
Capítulo 33
Capítulo 34
Capítulo 35
Capítulo 36
Capítulo 37
Capítulo 38
Capítulo 39
Capítulo 40
Capítulo 41
Capítulo 42
Capítulo 43
Capítulo 44
Capítulo 45
El Final

Capítulo 22

8 2 0
By sam-ivan

***





Alas siyete na ng gabi sa araw ng Linggo ay nandito ulit kami sa Casa. Akin lamang napag-alaman galing kay Isagani na nasa ilalim talaga ng Casa ang tagpuan ng mga Katipunero. Isang bahay-tuluyan ang Casa de los Filipinos de Espanya ng mga turista upang ikubli ang totoong layunin nito kung bakit ito itinayo. Ang lahat ng mga bulwagan na aking napasukan noong ako'y narito sa Casa sa unang pagkakataon ay nasa ilalim ng lupa, mula sa ospital nito na kung saan ako pinagaling hanggang sa silid ni Ginoong Lorenzo kung saan kami unang nagkakilala.

Kasalukuyan kaming narito ni Isabella sa bubong ng Casa kung saan aming nakikita ang ciudad ng San Juan mula sa itaas. Pareho kaming nakasandal sa barandilya habang tinatanaw ang mga buhay na nasa ibaba.

"Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa mga tao na aking iniwan sa aking panahon." tinig ko sa kawalan habang nakatitig sa isang pamilya na pumapasok sa isang gusali na nasa kabilang panig ng daan.

Napabuntong-hinga na lamang ako nang pumasok sa aking isipan ang huling pag-uusap namin ni Simon bago ako sumabak sa rebolusyon.

~

"Kuya, ikaw ay mangako sa akin. Babalik ka ng buo rito sa ating tahanan. Walang labis at walang kulang." wika ni Simon sa akin habang ako'y naglilinis ng aking rebolber.

Napatingin naman ako sa kaniya, at ngumiti. Ginulo ko ang buhok nito na nagpainis sa kaniyang mukha. Natawa na lamang ako, at isinantabi ang aking baril.

"Sabi nang huwag mo na po iyong gawin sa akin, eh. Hindi ka talaga marunong makinig, Kuya. May sira ba iyong pandinig, Kuya Simong?" Napailing-iling na lamang ako nang lumapit siya sa akin, at akmang titingnan ang aking tainga nang pinigilan ko ito. Ngumisi naman sa akin si Simon, at inihalukipkip ang kaniyang mga kamay.

"Iiyak ka ba kapag hindi ako makabalik?" tanong ko rito, at kinuha ang isang silya sa ilalim ng mesa. Nasilayan ko naman ang pagbabago ng kaniyang emosyon nang tinanong ko iyon.

Umupo roon si Simon na nakaharap sa akin. Tiningnan niya ako habang itinaas ko naman ang aking kilay sa kaniya. Napakibit-balikat lamang si Simon, at yumuko.

"Simon, pangako ko sa iyo, babalik ako. Walang labis, at walang kulang. Ipagdidiwang pa natin ang iyong ikalabing-tatlong kaarawan, hindi ba?"

Tumingin naman siya sa akin, at bahagyang ngumiti.

"Huwag mo akong iiwan, Kuya, ha? Gagawan ko pa kayo ng kuwento ni Ate Natalia sa oras na akin siyang makilala." ngiti nito. Ngumiti naman ako sa kaniya, at muling ginulo ang kaniyang buhok. Hindi naman siya nainis dahil dito, sa halip ay lumundag siya sa kaniyang upuan at yinakap ako.

"Huwag kang mag-alala, aking kapatid. Kailangan munang pumuti ang mga uwak bago ako mawala sa iyo." Narinig ko naman ang pagtawa nito habang nakayakap sa akin, kung kaya't mas lalo ko pang hinigpitan ito.

~

Hindi pa pumuputi ang mga uwak, ngunit iniwan ko na siyang mag-isa sa aming panahon. Tiyak na siya'y nangungulila na sa akin. Nagbuntong-hinga na lamang muli ako, at sinundan ng tingin ang iba pang mga tao kasama ang kanilang mga kaibigan, kasintahan, at pamilya.

"Anong pinag-usapan niyo ng Supremo kahapon, Maximo?" tanong ni Isabella, pambasag ng katahimikan na pumapalibot sa amin. Nilingon ko naman siya na nakatanaw pa rin sa malayo. Bahagya naman akong napangiti habang siya'y tinititigan. Lumingon din siya sa akin, at tumaas ang kaniyang kilay. Ngumiti lamang ako sa kaniya.

"Hindi mo ba namumukhaan ang Supremo, Isabella?" Kumunot naman ang noo nito sa akin.

"Siya si Isagani." ani ko sa kaniya, ngunit kumunot ang aking noo nang napatikhim lamang si Isabella.

"May dapat kang malaman, Maximo." Madiin ko naman siyang tinitigan, nahihirapan ito kung anuman ang kaniyang gustong sabihin sa akin. Hinintay ko lamang siya hanggang sa huminga ito ng malalim, at muling sinalubong ang aking mga mata. "Hindi--"

"Maximo!"

Kaagad naman akong napalingon sa aking likuran kung saan aking narinig ang aking pangalan. Naroon si Yohan, ang guardia personal ni Isagani na humihingal habang pilit na hinahabol ang kaniyang paghinga. Kumunot ang aking noo habang minamasdan ko ito.

"Pinapababa ka ng Supremo. Mayroon kang dapat na malaman." wika nito, at inayos ang kaniyang terno at tindig. Liningon ko naman si Isabella na nakakunot ang noo habang tinitingnan si Yohan.

Bakit parang marami akong dapat na malaman sa araw na ito? At ano naman ang aking dapat na malaman na kailangang gamitin pa ni Yohan ang hagdan kaysa sumakay na lamang sa elevator?

Pagbukas ng elevator ay kaagad na sumalubong sa amin ang kumpol ng mga tao, mga turista na tumutuloy sa Casa. Kaya pala kinailangan na gamitin ni Yohan ang hagdan sapagkat marami ang mga turista ngayon sa Casa. Simula pa kahapon ay unti-unti na rin akong nasanay sa pagsakay ng elevator. Hindi na masyadong mahigpit ang aking kapit sa rehas nito, ngunit nakakapit pa rin ako rito. Sa makabila ng lahat ay naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam sa aking kalooban-looban sa tuwing umaandar ito, pababa man o pataas.

Nang kami na lamang tatlo ang nasa loob ng elevator ay itinapat ni Yohan ang kaniyang kamay sa itaas na bahagi kung saan nakalagay ang mga boton. Mas lalong napatitig naman ako roon nang umiba ang kulay ng mga boton kung saan nakamarka ang mga numero ng mga palapag. Mula sa puti ay naging kulay berde ang mga ito. Pinindot ni Yohan ang boton kung saan nakamarka ang numero 5. At nakita ko na lamang ang pagbaba ng mga palapag sa negatibong bilang.

Nang bumukas ang pintuan ay muli kaming sinalubong ng mahabang pasilyo na aming dinaanan ni Isabella kahapon patungo sa auditoryum. Muli kaming lumakad patungo sa pinakadulo na pinto ng pasilyo, at pumasok doon. Muling bumungad sa amin ang malaking bulwagan, ngunit hindi katulad kahapon ay walang mga tao ang naririto sa loob. Maliban lamang kay Isagani at Ginoong Lorenzo na nakaupo sa mahabang mesa habang tinitingnan ang telebisyon na nakaandar sa pader na nasa kanilang harapan.

Mga adbertismo pa lamang ang nakapaloob sa telebisyon, kung kaya't naghihintay lamang sila Ginoong Lorenzo at Isagani sa totoong palabas.

"Supremo," wika ni Yohan, at yumuko nang lumingon sa amin ang dalawang ginoo. Tumango naman si Isagani, at sinenyasan si Yohan na lumabas na kusa nitong ginawa.

Lumakad palapit sa akin si Isagani, habang nakita ko naman ang pagsenyas ni Ginoong Lorenzo sa kaniyang anak na nasa aking tabi. Lumakad papunta si Isabella sa kaniyang ama, at umupo sa tabi nito. Binalingan naman ng tingin ni Ginoong Lorenzo si Isabella, at mayroon itong binulong sa kaniyang tainga.

Nang makalapit sa akin ang Supremo ay kaagad itong bumulong sa akin. "Hindi ka na ligtas dito, Maximo. Kailangan mo nang bumalik sa panahon mo."

Tiningnan ko si Isagani, at kumunot ang aking noo. "Ngunit hindi ko alam kung paano, Isagani. Hindi ko pa rin natatandaan ang lahat ng mga nangyari bago ako napunta rito." bulong ko pabalik sa kaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo nang sinalubong nito ang aking tingin. Agad din naman itong napawi, at muli siyang bumulong sa akin.

"Alam na ni Gobernador-Heneral Facundo Vizcaíno."

Nanlaki naman ang aking mata sa sinabi ni Isagani. Gulat ko siyang tiningnan, ngunit ganoon lamang ang kaniyang ekspresyon.

Nabaling naman ang aking tingin sa palabas ng telebisyon na pumalabas na pagkatapos ng mga adbertismo.

Naroon nakatayo ang bagong gobernador-heneral sa gitna ng isang bulwagan, sa kaniyang likod ay ang watawat ng Espanya.

"A medida que todas las personas saben, mis antepasados han sido los líderes de este país durante décadas. No podría decir si han llevado a este país bien o no, pero sí sabía que eran parte de lo que esta nación es ahora. No solo vio la extinción de esas fuerzas que siguen tirando de nuestra nación, sino también para excavar los mismos nombres que atestigarrizaban nuestra sociedad."

"Un nombre de la que ha olvidado con el tiempo. Dejarse sin comprensión y libre por un líder negligente que podría haberlo atrapado. Está muerto, seguramente. Pero sus registros todavía están vivos. Está en mi oficina, en este momento."

"Mi confidente de confianza había sido inclinado unanimamente de que se había identificado una gran parecida de apariencia que regresaba a este hombre."

As all of you people know, my ancestors have been the leaders of this country for decades. I couldn't say if they have led this country well or not, but I did know that they were a part of what this nation is now. I will not only vow the extinction of those forces that keeps on pulling our nation down, but also to dig the same names that pestered our society even then.

A name most of you have forgotten over time. Left uncaught and free by a negligent leader who could have caught him. He's dead, surely. But his records are still alive. It's in my office, at the moment.

My trusted confidant had been tipped unanimously that a strong resemblance of appearance had been identified going back to this man.

Sa pagkakataong iyon ay kumunot na lamang ang aking noo nang biglang tumawa ang Gobernador-Heneral.

"Maximo Isidro y Valencia. El misterio de la historia. El notorio fugitivo del tiempo y la historia."

Maximo Isidro y Valencia. The Mystery of History. The notorious fugitive of time and history.

Bumungad sa telebisyon ang aking larawan na kinuha noong ako'y nasa Europa sa aking panahon.

"Muchos líderes lo han buscado a lo largo de los años. Ha estado funcionando por años en nuestro país y fuera. Pero no uno lo ha encontrado y lo atrapó. Él tiene muchos nombres, debo decir. Pero déjame agregar uno más,"El Animal Desatendido".

Many leaders have searched for him over the years. He's been running unleashed for years in our country and out. But not one have found and caught him. He has many names, I must say. But let me add one more, 'The Unleashed Animal'.

Napatiim-bagang na lamang ako at kinuyom ang aking kamay habang nakatitig sa telebisyon.

"Maximo Valencia. El único pariente conocido de Isidro, según lo que el informante había puntalado, llevando un fuerte parecido al fugitivo. Él está estudiando medicina en Madrid, y un onlineker en suscripción. No puedes limpiar el nombre de tu padre con los padritos de los padrigas, chico."

Maximo Valencia. The only known relative of Isidro, as per what the informant had tipped, bearing a strong resemblance to the fugitive. He is studying medicine in Madrid, and an onlooker in UST. You can't clean your father's name with scalpels, boy.

Nagbuntong-hininga na lamang ako nang tumawa muli ang gobernador-heneral, at bumungad ulit sa amin ang aking larawan na hindi ko alam na kinuha noong ako'y nasa Unibersidad ng Santo Tomas.

"¿No puedes ver el parecido del padre e hijo? Como padre, como el hijo?"

Can't you see the resemblance of father and son? Like father, like son?

Ngayon ay ngumisi naman ang gobernador-heneral. Napailing-iling na lamang ako sa aking sarili. Hindi kami magkahawig, tonto. Iisa kami.

Sumeryoso ang mukha ng Governor-Heneral, at tumitig diretso sa kamera.

"Chico, si estás escuchando, escuchame. Tu padre está muerto, pero sus cargos no son. Si tu padre no puede venir aquí en la corte y reclamar sus cargos--- obviamente porque está muerto, luego tomaré su heredero. El Decreto Judicial de 1967 del Gobernador General Mariano Fajardo y Vizcaíno establece claramente que si solo y si la lata frible que no ha sido castigada en el tribunal fue fallecida, solo entonces sus cargos serán pasos involuntariamente a su primogénito y, o cualquiera de su sangre por el Tribunal de Derecho."

"Seré más feliz para verte, no te impide en tribunal, chico. No me decepciones, o más debo enviar a Hermes para que te traigas."

Boy, if you're listening, hear me. Your father's dead, but his charges are not. If your father can't come up here in court and claim his charges--- obviously because he's dead, then I'll take his heir. The Judicial Decree of 1967 of Governor-General Mariano Fajardo y Vizcaíno clearly states that if and only if the lawbreaker that has not been punished in court was deceased, only then his charges will be passed involuntarily to his firstborn and or any of his bloodline by the court of law.

I will be the happiest to see you unforced in court, boy. Don't let me down, or else I'll have to send Hermes to get you.

Nagbuntong-hininga na lamang ako, at tumingin kay Isabella na nag-aalalang nakatingin na rin sa akin. Samantalang si Ginoong Lorenzo ay walang emosyong nakatingin din.

"Kailangan mo ng bumalik sa nakaraan, Maximo."

Continue Reading

You'll Also Like

304K 10.6K 39
Panibagong kwento na naman ang haharapin ni Anica Celestine. Heto ang kwentong kung saan masaya na sana ang buhay niya ngunit nagkaroon na naman ng...
480K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
Just this Time By SaviorKitty

Historical Fiction

142K 898 1
JUST THIS TIME | Short story Hindi inaasahan ni Natalia na may mas malala pa pala sa pag-aalaga at pagkupkop ng ibang tao sa kaniyang bahay, isang gu...
48.1K 10.5K 55
"Huwag mong hahayaang paglaruan ka ng tadhana, paglaruan mo ang tadhana." -Graciano "Hindi na mahalaga ang kinabukasan, kung ngayon pa lang ika'y maw...