Candle in the Water | ✓

By art_tractive

1.9K 203 57

He's like the fire of the candle and she's like the water of the sea. They can't be together but they will do... More

P r o l o g u e
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 -
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
E p i l o g u e

Chapter 51

10 1 0
By art_tractive

Isang boses ang unang narinig ng tenga ko habang nanatiling nakapikit sa aking kinauupuan ngayon. Idinilat ko na ang aking mata at unang bumungad sa akin ay simpleng kwarto na isa lang ang bintana. Naramdaman ko ang pagkakatali ng aking kamay at paa sa upuan. Kaunting umiikot pa ang paningin ko dahil na rin sa pagkakapukpok sa akin kanina. Hindi ko agad napansin, it's a trap. And I don't know how to go out in this crap.

"Gising na ang prinsesa!"

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig na boses. Agad akong tumingin sa kaliwang gilid ko at nakaupo ang isang babaeng kalahating nakamaskara sa upuan na nakadikit sa wall. Ngayon ko lang napansin na nasa gitna ako ng kwarto kaya nakikita ko ang buong paligid.

Sa tingin ko, siya ang tumawag sa telepono.

"Titignan mo lang ako? Akala ko ba sisirain mo ang mukha ko? What are you waiting for? Umalis ka na diyan at tanggalin mo ang maskara ko."

Hindi ko maiwasang manggigil dahil hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko. Tanging masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Bakit kaya hindi mo tanggalin itong tali ko para masira ko na ang mukha mo? Gusto mo eh," pairap kong saad pero naramdaman ko ang isang sampal na mas lalong nagpagising sa akin. Ramdam ko ang hapdi na dumikit sa pisngi ko at hindi ko man lang mahawakan ito.

"Alam mo, nakakamatay talaga ang mga salita, mas lalo na kung galing sa bibig mo," galit na niyang wika at lumayo ulit sa akin.

Gusto ko man dumaing pero ayokong marinig ng taong nasa harap ko ngayon. Kung titignan sa kanyang katawan at boses, mukhang ka-age lang niya si Mom. Pamilyar din ang boses at kung paano siya magsalita.

"Edi sana tinakpan mo ang bibig ko para hindi na ako makapagsalita duh," mahina kong saad pero mukhang narinig niya. Nakita ko ang pagngiti ng kanyang labi dahil sa sinabi ko.

"Oh thanks for reminding me about that. Iyon pala ang nakalimutan ko! Pero mamaya ko na ilalagay kapag papahirapan na kita para hindi masyadong maingay," Natutuwang sabi niya at may kung anong kinalkal sa cabinet. Nakita ko ang isang panyo kaya alam ko na ang gagawin niya. Mukhang mapapahamak nga talaga ako ng bibig ko.

Pumwesto siya sa harap ko at tinitigan ang itsura ko ngayon.

"Excited na tuloy akong pahirapan ka. Ano kayang magandang panimula? Gusto ko sana madugo," parang baliw niyang saad at tumawang malakas.

"And by the way..."

Tinanggal niya ang maskara na nagpakunot sa noo ko. Naaalala ko ang mukhang nasa harap ko ngayon. Nakita ko na siya, sa apartment nila Klara. Siya...siya si...

"I am Ericka, Ericka Alcantara, your pretty nightmare, dear."

"As if naman," masungit kong wika kaya agad kong naramdaman ang isa pang sampal na dumikit sa kabilang pisngi ko.

"Wala kang karapatan na sumagot-sagot dahil hawak ko ang buhay mo ngayon. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, manahimik ka. Makinig ka lang sa akin babae," nakangiting saad niya pero poot ang namamalagi sa kanyang mga mata.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil gusto ko na talaga siyang suntukin. Tumingin ulit ako sa kanya at naabutan kong may umiikot na maliit na kutsilyo sa kanyang kamay. Mas lumapit pa siya sa akin at umupo sa upuang ipinuwesto niya sa harap ko. Marahan niyang idinaan ang kutsilyo sa aking mukha kaya pilit akong umiiwas na hindi ito madiinan.

"Dumihan ko kaya ang mukha mo? Tutal, marumi na rin naman ang dugong nananalaytay sa iyo. Dugo ng mga mamamatay tao."

Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi. Ano ba talagang kailangan niya sa akin? Bakit ang daming nagagalit sa akin na hindi ko naman naaalalang minaltrato ko dati?

"Siguro o baka sigurado, naguguluhan ka na sa sinasabi ko. Ang parents at auntie mo kasi, nagmamalinis sa harap mo kaya hindi mo maintindihan ang tinutukoy ko."

"What are you talking about? Maging straight to the point ka na lang para wala nang kaek-ekan."

"Oh, you want me to be straight to the point? Fine! Mamamatay tao ang pamilyang kinabibilangan mo. Pinatay nila ang kaisa-isang pamilya ko at kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad!"

Tumayo siya sa pagkakaupo at hinatak ang buhok ko at aaminin kong mahapdi ang pagkakahatak niya sa buhok ko. Kulang na lang ay kalbuhin ako.

"At alam mo kung anong purpose mo sa show na 'to? Ikaw ang pain para magawa ko ang plano ko."

Diretsyong tumingin siya sa akin at hindi na siya nakangiti.

"Ikaw ang magdadala sa mga taong iyon dito para mapatay ko kayong lahat. Magsama-sama tayo sa impyerno!"

Humalakhak ulit siya at iniwan na ako sa kwarto. Nalalasahan ko na rin ang dugong umaagos sa bibig ko. Papaanong hindi dudugo kung kulang na lang ay balatan na ako ng buhay ng babaeng iyon? Pero kailangan kong humanap ng tulong. Kahit ako si Klein, hindi ko kakayaning umalis dito ng mag-isa lang. Hindi na kaya ng lakas ko mas lalo na at nakatali pa ang kamay at paa ko. Alam ko ring hindi lang si Ericka ang nagmamasid sa akin.

Napansin ko ang cabinet na nasa kabilang dulo ng kwarto. Pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko pero parang nagkasugat na ito sa sobrang higpit ng pagkakatali. Bumuntong hininga na lang ako at dinala na rin ang upuan papunta sa cabinet. Ginamit ko ang bibig ko para mabukas ang unang drawer dahil wala na rin akong pagpipilian gawin. Walang laman ang unang drawer na nakita ko. Sinubukan ko pa ang iba at wala talaga akong nakita. Napabuga na lang ako ng hangin dahil useless ako ngayon.

Narinig ko bigla ang pagbukas ng pinto kaya wala na akong nagawa para bumalik sa dati kong pwesto.

"Wag ka nang maghanap ng paraan para tumakas, wala ka rin namang mahahanap," saad ng babaeng hindi ko kilala. Hinatak niya ulit ang upuan papunta sa gitna at may dala siyang paper bag.

"Pasalamat ka at may nililinis lang na bagay ngayon si boss kundi sugatan ka na ngayon," natatawa niyang wika at inilabas ang bagay na nasa loob ng paper bag. Nakita kong asin iyon at suka. Naguguluhan akong umiwas ng tingin sa kanya. Ano namang gagawin niya doon? Pagsasamahin at iinumin. Wag mong sabihing papainom at papakain nila iyon sa akin! May mas baliw pa pala kay Aurora.

"Ano bang ginawa ng pamilya ko para magalit ng ganon ang babaeng tinatawag mo ng 'boss'?" Tanong ko ngunit napailing na lang siya at may ngising nakadikit sa kanyang mukha.

"Wala ka pa lang alam, ano? Saka wala akong karapatang magsalita dahil hindi ako ang boss ng palabas na 'to," wika niya kaya napahinga na lang ako ng malalim. Nanahimik na lang ako sa upuan para hintayin si kamatayan. After all, kinarma na rin naman ako sa mga nagawan ko ng masama, pwede na siguro akong mamatay.

Pero nandyan pa si Hailey, babalik siya sa tamang panahon. Si Carter, isinumpa kong hindi na ako susuko sa aming dalawa. Si Mom, hindi ko pa nasusulit ang bawat araw na kasama ko siya.

Iginalaw ko ulit ang mga kamay ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi ako susuko.

"Parating na pala si boss, hintayin mo na lang."

Umalis na siya sa kwarto at hindi ko mapigilang mainis dahil wala akong magawa ngayon. Hindi ko ipipilit na alising ang kamay ko dahil baka masugat lang at hindi ko pa magamit. Kailangan ko nang mas magandang plano. Kailangan kong makahanap ng tulong. Tumingin ako sa bintana pero masyado itong mataas para maabot ng mukha ko. Tumingin ako sa likod ko upang tignan ang pagkakatali. Bago ko pa pag-aralan ang pagkakatali ay pumasok na si Ericka.

"Thinking of how to escape in our little show? Silly girl," natatawang saad ni Ericka at humalukipkip. Nakita ko ang pagguhit ng isang ngisi sa kanyang labi na para bang may bigla siyang magandang ideyang naisip.

"Umpisahan natin ang kwento, babae."

"May matalik na magkaibigan na nagkaroon ng business sa lugar na ito. Ang dalawang lalaking iyon ay naging magkaibigan hanggang sa magkaroon sila ng sariling pamilya."

Umikot siya sa aking upuan at parang iniisip ang kabaliwang ginagawa niya ngayon.

"Ngunit..."

"Nagkaroon ng alitan noong naging mayaman na sila! Sinabi ng unang lalaki na magnanakaw ang pangalawang lalaki sa kanyang kompanya. Hindi natigil ang problema hanggang sa binalak na pabagsakin ng unang lalaki ang kompanyang binuo ng pangalawang lalaki. Nangyari nga!"

Tumigil siya sa harap ko. Nakangiti ang kanyang labi ngunit bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Para bang biglang nag-iba ang taong nasa harap ko ngayon. Isang salita lang ang makakapagsabi sa itsura ngayon ni Ericka. Mahina.

"Bumagsak ang pangalawang lalaki. Binalak niyang lagyan ng espiya ang kompanya ng unang lalaki para maiganti ang ginawa sa kanya. Pero bago pa mangyari iyon ay binaril na siya, sa harap ng anak niyang babae sa kanilang bahay. Nakita ng batang babae ang mukha ng bumaril, ang pangatlong lalaki, matalik ding kaibigan ng unang lalaki."

Tumango-tango siya habang nakatingin sa taas na parang nag-iisip sa susunod na pangyayari.

"Nabalitaan ng asawa ng pangalawang lalaki ang nangyari. Hindi siya matigil sa pag-iyak at parang bumagsak ang buong mundo niya. Unti-unting naubusan ng ari-arian ang pamilya ng pangalawang lalaki dahil sa mga utang. Alam ng batang babae ang nangyayari pero nanatili siyang nasa kwarto niya at maghapong umiiyak. Tinatanong sa mundo kung bakit nangyari ang lahat."

Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Ericka at ang pabago-bagong emosyong nakapaskil sa kanyang mukha. Nakatingin siya sa dingding sa kanang gilid pero alam kong nakatingin siya sa nakaraan.

"Isang araw...sa isang madilim na gabi, nagising ang batang babae para sana pumunta sa kusina dahil dalawang beses siyang hindi kumain sa araw na iyon. Dahan-dahan ang paghakbang niya sa bawat hagdan. Ngunit bago pa siya makababa, naabutan niya ang nakabukas na ilaw sa kwarto ng kanyang ina ngunit sarado ang pinto. Hindi na sana niya papansin ang kakaibang bagay na nakita niya pero may nakita siyang pirasong kahoy na parang nabalatan sa hita ng upuan."

"Lumapit siya sa pinto at sinukubang katukin ang kanyang nanay. Katahimikan, iyon lang ang tanging sumagot sa kanya. Binuksan niya ang pinto at hindi ito nakalock. Tinignan niya ang pinagmulan ng kahoy at isang nakatumbang upuan ang nandoon. Pero...may paa sa taas ng nakatumbang upuan, wala na. Wala na rin ang nanay niya."

Pumalakpak siya ng dalawang beses at sarkastikong tumawa.

"Mala-telenovela ang kwento! Kulang na lang ay isulat ko at ilagay sa isang libro upang sa ganoon, masira ang pangalang iniingatan ng pamilya mo."

Blankong mukha ang ibinigay ko sa kanya dahil wala akong pakialam sa sinasabi niya. Ang kailangan ko ngayon ay makatakas at hindi makipagkwentuhan. Pasimple kong ginagalaw ang tali sa kamay ko upang pag-aralan ang pagkakabuhol nito.

"Wanna know who are the actors and actresses in this story? Well, you definitely want to know who they are even though you have a clue," Saad niya at inilabas ang panibagong kutsilyo na mas maliit sa kanina. Inilandas niya ito ng marahan sa pisngi ko at hindi ko maiwasang matakot na baka diinan niya ito bigla. Napahinga ako ng maluwag dahil bigla siyang lumayo. Pumunta siya sa kinaroroonan ng paper bag na may suka at asin.

"I forgot these!"

Kinuha niya ang garapon ng asin at pumunta sa direksyon ko. May nakakatakot na ngiti ang nakalagay sa kanyang mukha kaya hindi ko alam kung ano ng gagawin ko.

"We just need to slice the flesh..."

Napasigaw ako sa sakit dahil sa biglaan niyang paghiwa sa pisngi ko. Sana ay hindi ako magkapeklat dito. Ramdam ko ang hapdi nito mas lalo na at natatamaan ng hangin. Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa kaba kung anong pwede niyang gawin. Kailangan ko na talagang makaalis.

Ngumisi siya dahil sa pagsigaw ko at sa nakakabaliw niyang ginawa.

"And put salt to make it more delicious!"

Tumawa siya ng malakas at ibinudbod sa mukha ko, mas lalo na sa pisngi ko ang asin. Hindi ako matigil sa pagdaing dahil mas pinahapdi niya pa ito. Hindi rin ako makadilat ng maayos dahil baka malagyan ng asin ang mata ko.

Naramdaman ko at pagdaan ng kutsilyo sa leeg ko na ikinapigil ng hininga ko.

"Mas masaya pala kapag naririnig ko kung papaano ka sumigaw sa sakit. Sige na nga, hindi ko na tatakpan bibig mo."

Kinuha niya ang bote ng suka.

"And now, we need vinegar to add the pain!" Tumatawa niyang wika at binuhusan niya ang leeg ko. Napadaing ako ng sugatan niya ako sa kaliwang parte sa baba ng leeg ko. Ramdam kong mas malalim ito at mahaba. Nawawalan na ako ng hininga dahil sa kanyang ginagawa. Binuhusan niya ang parteng iyon ng suka kaya napadaing ako sa sakit. Nilagyan niya rin ito ng asin kaya hindi ko maiwasang mapasigaw.

"So I'm going to start to reveal who're the characters."

"First..." Itinusok niya ang dulo ng kutsilyo sa aking braso at wala na akong lakas para magpumiglas. Maraming dugo na rin ang nakikita kong tumutulo sa damit ko.

"Ang unang lalaki ay ang magaling mong lolo, tatay ni Jein. Ang pangatlong lalaki ay ang lolo naman ni Angel, tatay ni Eina. At ang tatay ko ang pangalawang lalaki. And the more surprisingly fact about the story, I am the little girl! Fantastic, right?"

"Ang ganda-ganda ng buhay ko noon pagkatapos ng nangyari, kasing sakit nang nararanasan mo ngayon."

Nakakalokong tingin ang ibinigay niya sa akin bago ibaon ang kutsilyo sa kaliwang hita ko. Malakas na pagsigaw ang lumabas sa bibig ko at ramdam na ramdam ko ang pagbaon nito. Hindi maiwasang pumatak ang mga luha na matagal kong pinigilang lumabas.

Lumayo ulit siya at tumalikod na sa akin. Itinago niya ulit ang kutsilyo at may panibagong nadukot sa kanyang bulsa.

"I guess you're going to ask why I didn't involve Angel or Carter here. Well, may naghihintay sa kanila, Klein. Abangan mo na lang mamaya." Umalingawngaw ulit ang tawa niya sa tahimik na kwarto.

"And by the way, ako ang nag-udyok at nag-utos kay Aurora na gawin lahat ng iyon para hindi na ako ang gagawa ng paraan para maiganti ang pamilya ko. Ako si May, you know what I'm talking about? Ang galing, ano? Napaniwala ko siya sa mga kwento ko at pagpapangap kong namatay ako. Nasira ko rin ang imahe ng Evangeline at Castillion sa kaniya! Pero napakalaking palpak ang nangyari sa kanya, kaya ako na lang ang magtutuloy."

Umalis na siya sa kwarto habang may hawak-hawak na baril.

Nanginginig ang bibig ko ngayon at walang mailabas na salita kundi ang malalim kong paghinga dahil iba't ibang lugar sa katawan ko ang nararamdaman ko ang sakit- mas lalo na ang kaliwang hita ko. Napatingala na lang ako at idinilat ng kaunti ang mga mata. Huminga ako ng malalim at sinubukan ko ang kaliwang braso ko na hindi masyadong naapektuhan ng kanyang ginawa. Sinubukan ko pa ring alisin ang pagkakatali kahit nanghihina na ako.

May magliligtas pa kaya sa akin?

Nasa panganib na rin sila Carter. Hindi pwede. Ayos ng ako na lang, ako na lang ang maghirap, pakiusap.

* * *

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 288K 61
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
680K 11.5K 94
[FINISHED] Paano kung pag-gising mo sa stretcher ng ospital, engaged ka na pala -- sa teen age pop star? // Book Cover by @xxmaicakim
3.4K 1.5K 39
< TAG - LISH > . . . A group of entangled music club members. Who has their own dreams but share the SAME GOAL. "It's to express themselves th...
2.8K 182 49
Stanlly got into an accident the reason why he can't walk. Pero kahit na ganoon nakukuha niya pa rin ang atensyon ng mga babae. Sa loob ng apat na bw...