Obey Him

JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... Еще

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 24

392K 15.6K 1.8K
JFstories


Kailan pa ako nagkaroon ng matigas at mainit na unan?


Ang sarap ng tulog ko. Kung hindi pa nag-alarm ang alarm clock ko na nakapatong sa bedside table ay hindi pa ako magigising. Komportable ako sa inuunanan ko at kayakap—


Kayakap?!


Napadilat ako at agad na napaurong nang marealize na hindi ako nag-iisa sa kama. Na may katabi ako sa buong magdamag. Na sa kwarto ko natulog si Un—Jackson.


Gigisingin ko ba siya? Nagdadalawang isip ako kung iistorbohin ko ba siya o hindi. Sarap na sarap siya sa pagkakahiga sa unan ko, nakakaawang gisingin.


Dahil umaga na ay pumapasok na sa bintana ko ang liwanag mula sa labas. Napakalinaw na ng kanyang anyo sa aking paningin at ang cute niya palang matulog. Hindi lang siya guwapo, cute rin. Ngayon ko lang nalaman na pwede palang maging guwapo at cute nang sabay.


Nang dumilat siya ay natulala ako. Oh my... ang ganda ng mga mata niya sa liwanag. Naghahalo ang pagka gray at itim. Ang linaw. Nakakahypnotize!


At nakaka-amaze kasi wala siya maski isang muta!


"Good morning." Maaligasgas at kaysarap sa pandinig ang lalaking-lalaking boses na kumiliti sa tainga ko.


Napakurap ako nang ma-realize na gising na siya. Hala, gising na nga siya!


"B-babangon na ako," kandautal na sabi ko.


Hindi siya tuminag. Nakatingin lang sa akin ang maganda niyang mga mata.


"Ang s-sabi ko, babangon n-na ako." Bakit ba ako nauutal?


"Okay."


"Iyong braso at hita mo nakadagan pa sa akin—" Natigilan ako ng ngumisi siya. Saka ko napansin na nasa tagiliran niya na ang isa niyang kamay. Nang tingnan ko ang katawan ko ay nakagat ko ang aking ibabang labi sa hiya. Wala na ang ang kanang hita niya sa mga hita ko, wala na rin ang braso niya sa ibabaw ng aking sikmura sa halip ay ako ang nakayakap pa sa dibdib niya at nakatanday sa kanyang bewang!


Mabilis akong lumayo sa kanya at umupo. "S-sorry!" Ramdam ko ang pagapang ng pula sa magkabila kong pisngi.


Nakatihaya pa rin siya at mukhang walang kabalak-balak na bumangon. Nakataas ang sulok ng kanyang bibig habang pinapanood ang pag-alis ko sa kama.


Nang bumaba ang mga mata niya sa gawing dibdib ko ay kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kanyang makakapal na kilay. Tila ba siya may nakita na hindi niya maintindihan. 


"So you really are human..." anas niya na halos di ko gaanong naulinigan.


"Ha? Ano?"


Tumingin siya sa mga mata ko pagkuwan. "Nothing. I just said that you're beautiful." 


Laglag ang panga ko. Ano raw? 


"Maaga pa." Tinapik niya ang kanyang tabi, pinapabalik ako.


"May pasok ako."


"Ugh." Nasapo niya ang kanyang noo. "Yeah. Right." Bumangon siya at hinagilap sa sahig ang hinubad niyang sapatos.


Hindi ko na siya pinansin pa. Bitbit ang tuwalya na pumasok na ako ng banyo. Isinabit ko agad ang tuwalya pagkapasok ko. Nang mapatingin ako sa salamin na nasa itaas ng lababo ay napangiwi ako. Shocks! May tuyong laway ako sa gilid ng bibig! Nakita niya kaya ito?!


Magulo ang buhok ko tapos may panis na laway pa ako sa gilid ng labi nang magising siya. Todo yakap pa man din ako sa kanya kaya siguradong kitang-kita niya ang pagmumukha ko nong dumilat siya. Baka nong nagsalita ako naamoy niya pa ang panis kong hininga. Nakakahiya talaga!


Pero naamoy niya nga kaya ang hininga ko? Nabahuan ba siya? Nagpanggap lang ba siya na di affected para di ako mapahiya? Ugh! Bwisit!


Binasa ko ang mukha ko sa gripo saka ako naghubad at sumampa sa bathtub. Nagshower na agad ako at hindi na nagtagal pa dahil gusto ko nang umalis. Paglabas ko ng banyo ay madalian din akong nagbihis.


Tumawag ako sa ibaba na dalhan na lang ako ng gatas at sandwich dito sa kwarto for my breakfast para hindi na ako required na dumaan ng dinning area dahil baka nandoon si Jackson. Hindi ko na yata kayang makita pa siya ngayon sa sobrang hiya ko sa kanya.


"Hoy madapa ka!" nakatawang sita sa akin ni Ate Minda. Nasa gitna siya ng hagdan nang magkasalubong kami. "Hindi ka pa naman late, ah? Ke aga pa!"


"Nasa akin ang susi ng gate ng DEMU!" sa kawalan ng isasagot ay nasabi ko.


Naniwala naman siya. "Talaga? Matalino ka siguro kaya ikaw tagahawak ng susi ano?!"


"Oo 'Te, sige bye!" Nilampasan ko na siya. Mabilis akong bumaba ng hagdan.


"Di ka pa nanunuklay!" habol niya sa akin.


"Sa kotse na po!"


Pagdating sa sala ay kandalaglag ang mga bitbit kong libro. Basta ko na lang iyong niyakap saka ako naglakad palabas ng main door para lang magulat na nakatayo sa labas ng pinto si Jackson. Sa akin siya nakatingin. Bahagyang kumunot ang noo niya sa ayos ko.


Ang bilis naman niya yata? Parang nakipagkarera siya sa akin. Nakaligo na siya agad. Plain tshirt na kulay puti at gray sweatpants ang kanyang suot. Sa paa niya ay itim na Gucci slippers. Ang presko-presko niyang tingnan.


Nakipagkarera? Ang assuming ko sa part na iyon e obviously namang effortless ang kaguwapuhan niya ngayon at kahit kailan o magpakailanman. At wala akong maipintas sa kanya kahit halatang daliri niya lang ang ginamit niyang panuklay sa kanyang itim na itim at tila kaylambot na buhok.


"You're in hurry?" Nakapamulsa siya sa suot na sweatpants.


"O-oo..." Napalunok ako. Muntik ko na sanang idugtong na ako ang may hawak ng susi ng DEMU, mabuti at hindi ko nagawa kundi mas lalo akong nagmukhang eng-eng nun.


Hindi pa ba ako mukhang eng-eng nito? Ang gulo ng buhok ko at tagilid ang suot kong school necktie. Tsk! Kahihiyan na naman!


Napayuko ako nang marealize kong matagal-tagal din akong nakatitig sa kanyang kabuuhan. "Papasok na ako." Nilampasan ko na si Jackson. Conscious na conscious ako habang naglalakad palayo.


Mabilis ang mga hakbang ko papunta sa garahe. Nasa tabi ng Wrangler Unlimited Dragon Jeep si Tarek at naghihintay sa akin doon. Si Tarek na kasi ang bago kong driver kapalit ng isang batalyong bodyguards na inalis sa akin. Kumbaga si Tarek ang katumbas ng isang batalyong iyon.


"Good morning, Kuya Tarek. Tara na po?"


Pero hindi tuminag ang maskuladong lalaki. Para itong robot na nakatingin lang sa akin. Sa Davao palang naman ay sanay na ako kay Tarek kaya hindi na ako nagworry na baka na-stroke ito sa pagkakatayo kaya hindi gumagalaw kahit ang ugat nitong nakalitaw sa gawing sentido.


"Ah, iyan na po bang Wrangler ang bago kong service?" Sasakay na ako kung iyon na nga ang new service ko. Baka kasi pag nasa loob na ako ay saka palang kumilos si Tarek.


Wala na talaga iyong red Camaro. Malungkot akong napabuntong-hininga. Last week ko pa nabalitaan ang masamang kapalaran ng Camaro na dati kong service sa university. Nasa junkshop na ito ngayon at pira-piraso na. May sira raw kasi kaya ayun pinahatak na sa truck. Sayang lang talaga dahil bago pa yun pero wala na raw pag-asa ayon sa isang guard na napagtanungan ko kaya pinayupi na matapos pira-pirasuhin.


Hay, goodbye Calder's memories na talaga.


"Keys."


Napalingon ako nang biglang may magsalita sa likod ko. Si Jackson! Kasunod ko pala siya rito sa garahe!


Inihagis ni Tarek ang hawak na susi kay Jackson. Don't tell me he'll be my driver today?


Kandabuhol ang paghinga ko sa kaba nang senyasan niya akong pumasok na sa passenger's seat. Mukhang siya nga ang maghahatid sa akin sa school.


Dahil hindi pa rin ako kumikilos, kinuha niya ang bitbit kong mga libro at ipinagbukas ako ng pinto. "Get in, doll."


Tumango ako at nanginginig ang mga tuhod na sumakay ng kotse. Pinanood ko sa salamin ang pag-ikot niya patungo sa driver's side. Nang sumakay siya sa loob ay wala na akong marinig sa lakas ng tibok ng puso ko.


Bakit ganito? Never naman akong nagkaganito kay Calder noon 'pag ito ang driver ko?


Ah, baka natatakot lang ako kay Jackson kasi mas powerful siya sa lahat ng tao sa bahay na ito. Pati na rin sa buhay ko. Napahinga ako nang malalim ng umandar na ang Wrangler.


Ngayon ko lang siya nakitang ganito kakalmado. Sa totoo lang, para siyang teen ager bigla. Bumata siya kahit bata pa naman talaga siya. Sa pagiging masyadong seryoso niya kasi ay ang hirap niyang abutin.


"Uhm, pwede ko bang buksan iyong radio?" paalam ko. Nakakakaba kasi lalo ang katahimikan e.


"Be my guest," kaswal na sagot niya habang nakatutok ang paningin sa kalsada. One hand lang siya habang nagda-drive.


In-on ko ang radio.


♫ ...You are too beautiful for the human eye
You are the dream that never dies
You are the fire that burns inside...


Sumandal ako sa sandalan ng passenger's seat at marahang pumikit.


Baby...♪


"I never thought that I could love someone as much as I love you."


Napadilat ako bigla at napalingon sa kanya.


"I know it's crazy but it's true..."


He's singing! Nasa kalsada pa rin siya nakatingin habang mahinang sumasabay sa music. Totoo ba talaga ito? Ang lamig ng boses niya at marunong pala siyang kumanta!


"I never thought that I could need someone as much as I need you. I love you..."


Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang pisngi ko sa pagkanta niya. Para akong idinuduyan at ang sarap sa pakiramdam.


Hindi ko na namalayang ini-enjoy ko na iyon at nakangiti ako sa buong biyahe. Pagkarating sa DEMU ay saka lang ako bumalik sa realidad.


"Your hair."


"Ha?" Napatingin ako sa rearview mirror at napangiwi. Oo nga pala hindi pa ako nagsusuklay. Tsk nakakahiya talaga ang buong umagang ito!


Hinagilap ko ang suklay ko sa dala kong school bag pero wala akong suklay na nakita. 'Pag minamalas ka nga naman talaga. Mukhang naiwan ko pa sa dresser ang suklay ko.


"'Problem?" tanong niya. Nakatingin siya sa akin.


"Uhm, naiwan ko kasi ang suklay ko." Napayuko ako sa hiya. "May suklay ka ba diyan?"


Nang silipin ko siya ay nakaawang ang kanyang bibig. Gusto kong batukan ang sarili ko sa tanong ko. Obviously wala siyang suklay. Hay, bakit ba inuulan ako ng katangahan ngayong umaga?


"We can buy a new comb—"


"No need!" mabilis na agap ko. Alanganin akong ngumiti. "Keri lang... Sa loob ko na lang ng campus susuklayin, hihiram ako sa kaklase ko ng suklay. For now, keri namang kamayin."


"Kamayin?" amazed na tanong niya.


"Oo. Ganto o." Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Makukuha naman ng ganito, hindi naman alambre ang buhok ko— Natigil ako nang bigla siyang umusod at abutin ako. "A-anong gagawin mo?"


"Let me." Kay lapit ng mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang mga daliri niya sa laylayan ng aking buhok.


Nanigas ang mga kamay ko at hindi na nakagalaw. Hinayaan ko na lang si Jackson na mag-isang suklayin ang laylayan ng aking buhok gamit ang mahahaba niyang daliri. At tuwing sumasanggi ang daliri niya sa leeg ko ay pakiramdam ko'y may kumukuryente sa akin. Nahihiya ako sa kanya pero hindi ko naman siya kayang patigilin.


"Done." Lumayo siya at tipid na ngumiti.


"Ha?" Parang bigla ay namiss ko ang init ng paghinga niya na kanina'y tumatama sa pisngi ko habang inaayos niya ang aking buhok. "T-talaga?"


"Yeah. Hindi na gaanong gusot." Umayos na siya ng upo sa driver's seat at umiwas na sa akin ng tingin.


"T-thank you..." Tiningnan ko ang aking sarili sa rearview mirror. Hindi na nga ako mukhang sinabunutan. Ang galing niya...


Bago ako bumaba ng sasakyan ay may inabot siya sa akin mula sa glove compartment. Namilog ang mga mata ko ng makita ko iyon. Nong isang gabi lang ay nalulumbay ako sa isiping mukhang malabo na akong magkaroon ng ganitong bagay, ngunit heto ay naririto na ito sa harapan ko.


"Sa akin ito?" manghang tanong ko habang hawak ang box ng Samsung S10+.


"Ayaw mo?"


"G-gusto." Maluha-luha ako habang nakatingin sa bagong cell phone na bigay niya. Honestly nagsisi ako talaga ako nong kinuha niya ang basag kong phone.


Huli ko na narealize ang kahalagahan ng cell phone. Sa phone kasi ay mabilis akong nakakapag-research. Sa phone ay nalilibang ako kaka-scroll sa newsfeed tuwing nabobored ako. Kahit mga posts lang ni Ate Minda ang madalas kong makita ay okay na ring pamatay oras. Saka sa phone din ako nagpapatugtog, nanonood ng video tutorial sa youtube about cooking, at sa phone din ako nakakapaglaro ng candy crush kapag hindi pa ako tinatamaan ng antok. Saka gusto ko ring i-try sana ang maglaro ng ML katulad ni Ate Minda.


Halos mayakap ko ang box sa sobrang tuwa ko. Binuksan ko agad iyon para tingnan ang phone sa loob. Akala ko talaga hindi na ako magkakaroon ulit nito. Nang tingnan ko si Jackson ay mataman siyang nakatingin sa akin. "My number is already there."


Nang i-check ko ang contacts ay nandoon nga ang number niya. Tatlong number ang nasa phonebook, iyong kanya, kay Ate Minda, at kay Kuya Tarek. "Thank you..."


Tumango lang siya.


"Ibig sabihin ba nito, nagtitiwala ka na ulit sa akin?"


"Just never lie to me again."


Sunod-sunod akong tumango. Hindi na. Hindi na talaga ako magsisinungaling. Ngayon ko kasi napagtanto na napapahamak lang ako kapag sinusuway ko siya.


Nakalabas na ako ng kotse nang tawagin niya ulit. "Bakit?"


"I forgot something."


"Ano iyon?"


"I want you to text me every five minutes and make sure to be home at exactly five pm. Also just want to inform you, there's a tracker in your phone." Pagkasabi'y ibinaba niya na ang bintana at pinaandar paalis ang Wrangler.


Bumagsak ang balikat ko kasabay ng lahat ng aking excitement sa katawan. Yeah, right. Nagtitiwala na nga siya ulit sa akin.


JF

Продолжить чтение

Вам также понравится

ORGÁNOSI I: Broken Mask C.C.

Художественная проза

520K 37.7K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
In Love With The Game (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

25.4M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
My Possessive Ex-Boyfriend Lhia Maya

Художественная проза

128K 8.3K 25
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
Come On, Make Me (COMPLETED) beeyotch

Художественная проза

29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...