Posh Girls Series Book 2: Aki...

Autorstwa iamsapphiremorales

36.2K 815 35

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gus... Więcej

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 8

2.8K 64 0
Autorstwa iamsapphiremorales

TININGNAN ni Akira ang suot niyang relos habang hinihintay niyang tumigil ang elevator na sinasakyan. Pasado alas onse na nang tanghali. May usapan sila ng kanyang ina na sabay silang magla-lunch nito. Minsan lang magyaya ng ganoon ang ina kaya naisipan niyang pagbigyan ito. Nang lumapag sa ground floor ang elevator ay mabilis siyang umibis at naglakad palabas ng Prince Tower.

“Can we talk?”

Muntik na siyang mapatalon pagkalabas niya nang gusali nang biglang may magsalita sa kanyang likuran. Mabilis siyang napaharap sa nagmamay-ari ng tinig. “Raizen!? Jesus! Ginulat mo ako!” aniya na sapo ang dibdib.

“I’m sorry,” hingi ng paumanhin ng lalaki at ngumiti ito.

Dama niya ang mabilis na tahip ng dibdib niya but she was sure na hindi iyon dahil sa pagkakagulat kundi dahil sa pagkakangiti ng lalaking kaharap. Pero agad din niyang naalala ang pandidedma nito sa kanya ng ilang araw, nadama niya ang pagbangon ng inis sa dibdib niya. Pairap na binawi niya ang tingin at itinuloy na ang paglalakad patungo sa parking lot.

“Akira, wait,” habol sa kanya ng lalaki.

Hindi niya ito pinansin.

“Galit ka ba?” tanong ng binata na sinabayan siya sa paglalakad.

Nakatikwas ang kilay na sinulyapan niya ito. “Ano?”

Nakatingin rin sa kanya ang magaganda at singkit na mata ng lalaki. Kung may panungkit lang siya ay nasungkit na niya iyon. Kainis! Bakit ba parang unti-unting nawawala ang inis ko dahil sa mga titig mo na 'yan? naisaloob niya at iniiwas ang tingin rito.

“Sabi ko, galit ka ba?” ani pa ng lalaki.

Hindi siya sumagot at sa halip ay muli itong inirapan.

“Look, I’m sorry. Marami lang talaga akong ginagawa kaya hindi ko nasasagot—”

“Okay lang 'yon,” putol niya sa lalaki. “What makes you think na ikagagalit ko 'yon? It’s fine. Hindi mo obligasyon na sagutin ang mga iyon o ang kontakin ako.” Hindi maitatanggi ang sarkasmo sa tinig niya. Oo, inis na inis siya talaga sa lalaking ito! Pero oo din na-miss niya ito. Grabeng effort ang ginawa niya upang pigilin ang sarili na kontakin ito nitong nakaraang linggo.

Hindi umimik ang lalaki.

Huminto siya sa tapat ng kotse niya at saka humarap dito. “Ano ba’ng kailangan mo?”

“I badly need your help,” mabilis na sagot nito.

Napatikwas ang kilay niya.

“I heard na this coming Saturday na pag-uusapan ng board ng MDC ang tungkol sa new projects ninyo and nalaman ko na ikaw ang magdi-desisyon kung aling construction firm ang makakatrabaho ninyo,” ani ng lalaki na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Umasim ang mukha niya. Ayun! Iyon pala ang dahilan kaya bigla-biglang nagpakita ang kabuteng ito! asar na naisaloob niya.

“Nakarating sa amin na sa Torres Builders ninyo ibibigay ang partnership.”

“At narito ka para kumpirmahin iyon?” aniya sa binata. Hindi ito sumagot, titig na titig lamang ito sa kanya. “Mr. Chen, hindi ko maaaring sabihin sa 'yo kung ano ang napag-desisyonan ko. But don’t worry, malalaman rin naman ninyo iyon after ng meeting namin sa sabado,” aniya pa at pumihit na siya para sumakay sa kotse.

Bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kotse ay itinukod ng binata ang kamay nito doon. “Akira, we really want to work with MDC.”

Tiningnan niya ito.

“Let’s talk please,” ani Raizen.

“I’m sorry, but I really need to go,” aniya at pinalis ang kamay ng lalaki sa pinto ng kanyang kotse.

“Akira, please,” pakiusap ng lalaki.

“Puwede ba, Raizen! We can’t talk about that issue, and you know that,” aniya na binuksan na ang pinto ng kotse.

Bago pa siya makasakay sa kotse ay napigilan siya nito sa braso. “But maybe we can talk about this?”

Namilog ang mga mata niya nang makita ang tangan ng isa pang kamay ni Raizen. Pakiramdam niya ay unti-unting nanlalamig ang buo niyang katawan. “P-paano napunta ang journal ko sa 'yo?”

“Kasama ito sa mga naiwan mong folders noon sa kotse ko. I really don’t know why I didn’t returned it to you pero ngayon alam ko na… magagamit ko pala ito,” ani ng binata. “Siguro naman makikipag-usap ka na sa akin, right?”

Bago pa siya makasagot ay binitiwan na nito ang braso niya at umikot sa kabilang bahagi ng kotse niya at sumakay doon. Walang imik na sumakay din siya sa kotse.

“So,” sabi ng binata na kakatitig sa kanya.

Paulit-ulit siyang napahinga ng malalim. Pakiramdam niya ay may kung ano’ng naghahabulan sa kanyang dibdib. Nakakasiguro siyang nabasa nito ang laman ng journal. Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi, hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya.

“Sabi mo may kailangan kang puntahan kaya hindi ko na ito pagtatagalin. Let’s have a deal,” sabi ni Raizen. “I will give this back to you at walang makakaalam na kahit na sino tungkol sa nilalaman nito, kung ang kompanya namin magiging ka-partner ng MDC.”

Napatanga siya sa lalaki.

“Ikaw naman ang magdi-desisyon sa bagay na iyon, 'di ba? Kaya I’m sure na pagbibigyan mo ako. Kung hindi mo naman ako pagbibigyan… Ano kaya ang magiging reaksiyon ng Daddy mo kapag nakarating ito sa kanya?”

Namilog ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki.

“Or kung lumabas ang balita tungkol sa mga naging ka-affair mo?” dagdag pa nito.

Napalunok siya. Malinaw na malinaw ang ginagawa nito, bina-blackmail siya ng binata! Hindi siya makapaniwala na gagawin ito ng lalaki. Bilib na bilib nga siya rito, 'di ba? Matalino at magaling ito sa negosyo, pero hindi niya inaasahang marunong din itong mang-blackmail ng ganito.

“Ganyan ka ba ka-desperado na makuha ang gusto mo,” nasabi niya.

“Siguro,” kibit-balikat nitong sabi. “Wala akong ginusto na hindi ko nakukuha dahil ginagawa ko talaga ang lahat ng paraan para doon.”

“Pati ang pangba-blackmail?” pauyam na sabi niya.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. “So? Do we have a deal?”

Hindi maipaliwanag ang galit na bumabangon ngayon sa dibdib niya para kaya Raizen. “Ngayon klaro na sa akin ang lahat. All the goodness you had shown me, lahat 'yon palabas lang.”

Hindi naman nakaimik ang binata, tila natigilan ito sa sinabi niya.

“Nakipaglapit ka sa akin para makuha mo ang gusto mo,” aniya na napahigpit ang hawak sa manibela.

“Akira—”

“Fine!” malakas niyang putol rito. “You’ll have what you want! Now get out of my car!”

“I don’t—”

“Get out!” nanggagalaiting sigaw niya.

Ilang sandali ring nawalan ng kibo si Raizen. Napakabilis ng paghinga niya sa pagpipigil na sumabog sa galit. Pagkalipas nang halos dalawang minuto ay naramdaman niya ang pagbukas ni Raizen ng pinto ng kotse. Wala itong imik na bumaba mula roon. Mabilis niyang pinaandar ang kotse niya palayo. Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng pagtulo ng kanyang luha na kanina pa talaga pinipigilan.

****

LUHAAN na napaangat ng tingin si Akira nang biglang bumukas ang pinto ng condo unit ni Moira. Ang kaibigan nilang si Scarlet na pulang-pula ang suot na pantalon at sleeveless blouse ang dumating.

“Ano’ng nangyayari dito?” tanong ni Scarlet sa mga kaibigan nila. “Ano’ng iniiiyak ng lukaret na 'yan?”

Pinukol niya ng masamang tingin si Scarlet bago yumakap kay Iona at muling bumunghalit ng iyak. Talo pa nila ang nagkaroon ng instant reunion. Naroon sa condo ni  Moira ang mga kaibigan niya, maliban kay Paige na hanggang ngayon ay hindi pa masyadong naglalalabas ng bahay.

“Ano ba’ng iniiiyak niyan?” narinig pa niyang tanong ulit ni Scarlet.

“Kadarating lang namin rito, at hindi pa 'yan nagsasalita,” sabi ni Perrie. “Iyak lang ng iyak.”

“Puwede ba, bago ka mag-breakdown paki-explain muna sa amin kung bakit mo kami pinapunta rito?” sabi ni Scarlet sa kanya.

“Scarlet, shut up!” pasaway na sabi rito ni Moira. Hinahagod ng babae ang likod niya habang yakap-yakap naman siya ni Iona.

“What?! Nagtatanong lang naman ako para maintindihan ko naman why I had to cancel my photo shoot at magpunta rito,” mataray na sabi ni Scarlet.

“Shut up both of you!” mahina pero mariing saway ni Perrie kina Moira at Scarlet. “Dumadagdag pa kayo sa ingay, eh.”

Natahimik nga ang dalawa. Maya-maya ay may naramdaman siyang lumapit sa kanya.

“Akira, tell us what happened,” si Perrie ulit ang nagsalita, malumanay ang tinig nito.

Sisigok-sigok na bumitiw siya sa pagkakayakap kay Iona at humarap kay Perrie na nakaluhod sa harapan niya. “Si Raizen.”

Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nila Iona, Scarlet at Perrie nang banggitin niya ang pangalan ni Raizen. Alam niyang na-shock ang mga ito dahil iyon ang kauna-unahang beses na nakita siya ng mga ito na umiyak ng dahil sa lalaki.

“I knew it,” palatak ni Moira na siya lang bukod tangi na mukhang hindi nabigla sa narinig.

Napatingin rito si Scarlet. “Ano’ng you knew it?” tanong dito ng babae.

“Masyado ka kasing busy sa kung anu-ano’ng pagpapasarap mo sa buhay kaya hindi mo alam ang nangyayari, eh. Itong kaibigan nating playgirl na-in love na,” sagot ni Moira kay Scarlet bago siya nito binalingan. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Don’t tell me I didn’t warn you.”

“Seryoso ka ba talaga?” ani naman ni Iona na titig na titig pa rin sa kanya. “Hindi ko kasi naisip qna dahil sa lalaki ang iniiiyak mo. I thought may nagawa kang kapalpakan at itinakwil ka na nga ng tuluyan nila Tito at Tita.”

Muli siyang napaiyak nang marinig ang pagbanggit ni Iona sa mga magulang niya. “Mukhang 'yon nga ang mangyayari sa akin.”

“Ano? Hindi ko maintindihan, ano ba’ng nangyari? Ano ba’ng ginawa ni Raizen? Bakit ka itatakwil nila Tito?” sunod-sunod na tanong ni Scarlet. “Puwede ba ayusin mo nga ang pagku-kuwento mo, naguguluhan na ako, eh!”

Pinahid niya ang luha sa mukha at tiningnan ang mga kaibigan. “Akala ko totoo ang ginawa niyang pakikipag-close sa akin, I even thought he likes me pero hindi pala. Ginagawa lang pala niya iyon para makuha nila ang partnership with our company,” sisinghot-singhot na sabi niya.

“Hindi ba’t napaalalahanan na kita noon na baka nga may agenda ang pakikipaglapit niyang iyon sa 'yo?” ani Perrie.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa sinabi ni Perrie.

“Mangga-gamit talaga ang mga lalaki,” ani Moira na mahihimigan ng galit at pakikisimpatya ang tinig. “Well, ngayon alam mo na ang totoong ugali niyan, layuan mo na siya. And kung ako sa 'yo make sure na hindi makakapasok ang lalaking iyan sa kompanya ninyo.”

Mahina siyang napailing. “I guess wala na akong choice ngayon but to support the partnership between our company and theirs,” naiiyak na sabi niya. Nakita niya ang pangungunot ng noo ng mga kaibigan.

“What?” tanong ni Moira. “At ba—”

“Bina-blackmail niya ako,” putol niya sa kaibigan.

Hindi nagsalita ang apat na babae pero nakatanga ang mga ito sa kanya na para bang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.

Napahugot siya ng malalim na hininga. “Remember 'yong nawawala kong journal?” aniya na nakatingin kay Perrie.

Namilog ang mga mata ni Perrie, bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Oh my God! Don’t tell me na nasa kanya 'yon?”

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at marahang tumango. Nagpalipat-lipat sa kanila ang tingin ng tatlo pang kaibigan.

Natampal ni Perrie ang noo. “Ano ba’ng kagagahan 'yan, Akira?! Paano napunta iyon sa kanya? Oh shit! Tiyak na nabasa na niya ang lahat ng laman niyon. What do we do now?”

Hindi siya sumugot.

“Teka nga, hindi kami maka-connect, eh!” singit ni Scarlet. “Puwede naman sigurong i-explain ninyo kung ano ang laman ng journal na 'yon, 'di ba? Para maka-relate kami kung bakit ganyan ang reaksiyon ninyo.”

Hindi sumagot si Perrie at sa halip ay tiningnan rin siya nito.

“Akira?!” ani Moira.

“K-kasi—” nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya malaman kung paano ipapaliwanag ang laman ng journal niya.

“Ano nga?!” malakas na sabi ni Moira.

“Sex journal kasi niya iyon,” mahinang sabi ni Perrie.

“What?!” halos sabay-sabay na bulalas nina Iona, Moira at Scarlet.

Hindi siya umimik.

“What the hell?!” palatak ni Scarlet. “A sex journal?”

“Ouch!” malakas niyang protesta nang batukan siya ni Iona.

“Ano ba’ng kagagahan 'yon, Akira?” palatak ni Iona. “Hindi ko akalain na ganyan na kaluwag ang turnilyo mo!”

Wala siyang masabi. Nakagat na lamang niya ang pang-ibabang labi habang palit-palitan sina Iona at Moira sa paglilitanya. Si Perrie ay walang kaimik-imik at pailing-iling lamang, habang si Scarlet naman ay tango ng tango bilang pagsang-ayon sa sinasabi nina Moira. Tahimik namang nagkukutkot ang kalooban niya. Windang na windang na nga siya sa nangyayari pero heto at sinesermonan pa siya ng mga kaibigan niya.

“So, paano ngayon 'yan?” ani Iona.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko, 'di ba?” aniya na tiningnan ang babae. “Kapag hindi ko ginawa ang gusto niya makakarating iyon kina Daddy.”

“At tiyak naitatakwil ka talaga ng parents mo!” pasinghal pa na sabi ni Moira sa kanya.

Hindi siya umimik.

“Kung bakit kasi kailangan pang isulat mo ang mga ganoong bagay, eh!” sabi ulit ni Iona.

“That’s enough,” singit ni Perrie. “Kahit maghapon pa ninyong sermonan ang babaeng 'yan, wala ring mangyayari.”

“So, sinasabi mo ba na gawin na nga lang ni Akira ang gusto ng lalaking iyon?” pakli ni Moira.

Napahinga ng malalim si Perrie. “Wala naman siyang ibang choice. Ano ba’ng mas gusto ninyo? Ang kumalat ang kalokohan ng kaibigan nating ito?”

Hindi nakasagot ang tatlo.

Binalingan siya ni Perrie. “Ipagdasal mo na lang na maging successful nga ang partnership ng MDC at Hovert. Dahil anuman ang mangyari sa partnership na iyon, it’s your responsibility.”

Nakagat niya ng pang-ibabang labi.

“Perrie’s right,” ani Scarlet maya-maya. “May isa lang akong gustong malaman. Totoo ba ang lahat ng nakasulat doon? Did you really do those things?”

Isang malakas na batok ang ibinigay ni Perrie kay Scarlet. “Magtatanong ka pa talaga ng ganyan? Depress 'yong kaibigan natin, 'di ba? Be sensitive naman!”

Nanghaba ang nguso ni Scarlet. “Curious lang naman ako, eh."

Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya sa mga kaibigan. Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang isip at damdamin niya sa mga nangyari ngayong araw, at kailangan niya ng pahinga. Wala siyang ibang sinisisi sa nangyari kundi ang sarili niya. Kung hindi lang sana niya pinairal ang kagagahan niya hindi siya mapupunta sa ganitong sitwasyon. Hindi siya maiipit ng ganito, hindi sana siya masasaktan ngayon. Higit sa takot na nararamdaman na maapektuhan ang pamilya at kompanya nila, ay nasasaktan siya sa nangyari. Minahal niya si Raizen… mahal niya ang lalaking maaaring gumulo ng buhay at sumira ng pangalan niya.

****

WALANG kaimik-imik si Akira na naglakad pabalik sa kanyang opisina. Katatapos lang ng board meeting at pormal nang ini-anunsiyo ng kanyang ama na ang HCC na ang magiging ka-partner nila sa pag-develop ng mga bagong proyekto ng MDC. Binigyan niya ng kopya ng feasibility study niya ang mga miyembro ng board at mukhang na-kombinse naman niya ang mga ito na tama ang naging desisyon niya. Ni walang kumuwestiyon sa mga sinasabi niya kanina.

Kakaupo pa lamang niya sa harap ng kanyang lamesa nang tumunog ang cell phone niya. pakiramdam niya ay biglang nanikip ang dibdib niya nang makita na si Raizen ang tumatawag.

“Hello,” malamig niyang sabi nang sagutin ang tawag ng binata.

“Can I see you tonight?” agad na tanong ni Raizen.

Napaismid siya. “For what?”

“I just want to take you out for dinner.”

Lalong sumama ang timpla ng mukha niya. Kung hindi lang niya naiisip na baka may makarinig sa kanya ay talagang bubulyawan niya ang binata. “Why? Gusto mong malaman kung ano ang nangyari sa board meeting? Hindi mo na kailangang magpaka-nice kunwari at gumastos ng dinner para malaman 'yon, Raizen. Dad formally announced it to the board a while ago. And wala naman tumutol sa kanila sa decision ko.”

“Akira, hindi naman—”

“Hintayin mo na lang ang tawag from Dad’d secretary,” putol niya sa lalaki. “Siguro by next week ipapatawag ka ng Daddy para kausapin and also para magawa na rin ang draft ng contract.”

Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang lalaki, agad na niyang pinindot ang end call button pagkasabi niya noon. Muling tumawag si Raizen pero hindi na niya iyon sinagot at tuluyan na niyang ini-off ang kanyang cell phone.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

104K 2K 34
My first ever story to be published under PHR. Full version is available in ebook form~ Sadly, hindi na po siya available sa stores but sure na sure...
91.8K 1.6K 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito...
106K 1.8K 20
Sa edad na treinta ay hindi pa nararanasan ni Lalah na magka-boyfriend. Dinig na dinig na niya ang pagtunog ng biological clock niya. Palagi kasing p...
63.5K 1.2K 10
"Papatulan ko lahat ng kabaliwan mo, just to make sure na hindi ka mawawala sa akin. I'd rather look stupid than to spend my whole life without you n...