The Jerk Next Door

By ScribblerMia

876K 19K 5K

"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © S... More

The Jerk Next Door
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 12

14.1K 379 198
By ScribblerMia




"Putek! Seryoso ba? Sa gym ang sunod nating lilinisin," gulantang na tanong ko kay Rafaela.

Sa mga oras na ito, dapat ay kanina pa kaming nakauwi ni Rafaela, subalit dahil mabait kaming mga bata at marunong sumunod kay Principal Dima, naglilinis kami ngayon.

Two weeks of cleaning the entire school as punishment for attempting to cut class is seriously such a pain in the arse. Nakakalungkot subalit alam naming wala na kaming magagawa. Simula Lunes pa kami naglilinis, at ngayon nga ay pangatlong araw na namin. Natapos na naming linisin ang cafeteria at athletic field.

"Oo. Iyon ang nakalagay dito sa listahan ni Principal Dima," nakasimangot na winagayway ni Rafaela sa mukha ko ang kapiraso ng papel.

Tinampal ko ang kamay nito. "Nakakainis naman! Ayoko do'n!"

"As if naman may magagawa ka kahit umayaw ka." Nakangusong dinampot ni Rafaela ang nalaglag na kapiraso ng papel.

"But Nikos is there!" Pinadyak ko ang mga paa ko at tinuro ang direksiyon papuntang gym.

"So what? Kung may dapat mahiya, ako 'yon! Kasi two weeks akong hindi makaka-attend ng basketball practice dahil sa'yo! Tapos napagalitan pa ako ni Coach!" Tinago ni Rafaela sa kanyang bulsa ang kapiraso ng papel bago dinampot ang mga pamunas at water spray.

"Pero kasi..."

"Huwag ka nang mag-inarte diyan. This is your fault." Umiling si Rafaela. "Hayaan na natin kasi kabalitaan naman na sa buong school na pinaparusahan tayo ngayon." Nagsimula na itong maglakad papunta sa gym.

Hay, naku. Badtrip. Napanguso ako. Dinampot ko ang mga bag namin at sumunod sa kanya.

"Come on, Antonina. You can do this," I assured myself.

"Why are you anxious, by the way?" Rafaela suddenly asked. Naglalakad na kami ngayon patungo sa gym.

I sighed. "I don't know. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito." Because in all honesty, I really have no idea.

"Hindi ka naman naging ganyan sa mga naging crush mo.Dati rati, kung hindi ka gusto, wala kang pakialam at balewala lang sa'yo. You didn't give a damn in the slightest." Rafaela gave me a sideway glance. "I just don't understand you. Bakit itong kay Nikos, sobrang OA mo," pairap na sabi nito.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Sino'ng OA?" Sumusobra na 'tong kumag na'to. Palibhasa wala ako sa mood na makipagsagutan sa kanya.

"Sino ba'ng kausap ko ngayon?"

"I'm not OA. I'm just uncomfortable." Inayos ko ang dalawang bags na nakasukbit sa magkabilang-balikat ko ngayon.

"Bakit nga? Para namang hindi makapal ang mukha mo kung maka-arte ka diyan ngayon. All of our schoolmates and teachers know how stubborn and self-assured you are."

"Ay, wow. Should I take that as a compliment? Makapagsalita ito, walang filter, ah. Akala mo naman—"

"Just stay that way. Act normal, and stop being chicken-hearted," seryosong sabi nito habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"At saka wala ka namang ginawang masama kay Nikos, so you don't need to be frightened," dagdag na sabi pa ni Rafaela.

Rafaela was right, and it's not everyday that I get to hear his reproach. Minsan talaga, mahirap ding hulaan kung kailan seryoso si Rafaela at kung kailan hindi. Oftentimes, I honestly don't listen to his rebuke. I have to admit that I am stubborn. Well, most of the time. We're the same, but I'm just worse than him. I am aware of this flaw, pero hindi ko maiwasang hindi pa rin ito gawin. Kahit ilang beses akong pagsabihan, hindi talaga ako nakikinig. I do things my way. That's just how I am.

I absentmindedly bit my nail.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Rafaela sa tabi ko. Hinawakan nito ang kamay ko para pigilan ako sa pagngatngat ng aking kuko. Mahigpit ang kapit niya sa aking kamay habang ginigiya ako patungo sa gym.

"Ewan ko ba naman sa'yong babae ka. Gawa ka ng gawa ng kalokohan tapos aarte ka ngayon ng ganyan. If you want to have a peaceful life, you should stop doing stupid things, Anton," Rafaela continued with his lecture.

Umirap ako sa kawalan. "Hindi naman kalokohan ang tawag sa mga ginagawa ko, Rafaela. Pagmamahal ang tawag doon."

"Pagmamahal? Mahal mo na agad? Tanga nito." Rafaela looked annoyed right now.

I sneered. Minsan talaga ang sarap niyang asarin.

Abala kaming dalawa ni Rafaela sa paglilinis ng gym. Ako ay nagpupunas ng mga bintana at siya naman ay nagpupunas ng sahig. I was trying my best to ignore the people on the court, especially the one who's wearing a black sando and red jersey.

"Hoy, Raf! Ano na? Pinanindigan mo na ang pagiging janitor...fish?" Bumunghalit ng tawa si Rufus.

Rafaela smirked. "Oo. Ikaw? Pinanindigan mo na rin ang pagiging GG?"

"Galunggong?" Nakangising tanong ni Rufus.

"Gung-gong!"

Hindi ko napigilang mapangisi, gayundin ang ibang players na nakarinig sa sinabi ni Rafaela.

"Sana kunin ka na ni Lord, Rafael," galit na sigaw ni Rufus.

"At least si Lord ang kukuha. Hindi tayo magkikita pag kinuha ka na ni Satanas," ganting sigaw ni Rafaela.

Umiling na lang ako habang patuloy pa rin sa pag-aasaran sina Rafaela at Rufus.

"Antonina."

Napaigtad ako at awtomatikong napalingon nang marinig ko ang boses na nanggagaling sa likod ko.

Shet.

"Hindi na kita nakita noong dinner last time. Umalis kayo kaagad ni Raf," Nikos said nonchalantly.

I bit my lip, trying hard to gather my thoughts to make a valid excuse. "Ah...yeah," I laughed awkwardly. "Sumakit kasi ang tiyan ko bigla. Hindi ko alam kung bakit." Napahawak ako sa aking batok. "Rafaela accompanied me. Pasensiya na at hindi na kami nakapagpaalam ng maayos."

Nikos smiled. "It's okay. The important thing is that you're okay now."

"Thank you." Tipid akong ngumiti. Bakit ang bait niya, Lord?

"Sa next gathering, you may join us again. Masaya ang mga palaro namin."

"Gano'n ba? Sige. I'll try."

"Sayang nga at hindi niyo na-experience ni Raf last time. First time niyo pa naman ang pag-attend no'n."

I smiled awkwardly. "Uhm...oo nga."

"Gather up, guys! Now," narinig naming sigaw ng Coach sa hindi kalayuan.

Nikos bit his lip and nodded. "Sige, Antonina." He smiled at me before running towards the court.

"Ingat," sagot ko. Huh? Ingat? The fuck, Antonina?

Ramdam na ramdam ko pa ang init ng mga pisngi ko habang nakatingin sa papalayong si Nikos. That quick conversation was enough to put me in good mood. All my worries suddenly disappeared. Hindi ko na inisip ang nakita ko noong isang araw. Ayokong masira ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. For now, what happened today was the only thing that mattered to me.

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kay Nikos. I like him, like in a sense that I feel hurt whenever he's with other women. Jealousy? Maybe, I'm jealous. Siguro mas higit ito sa crush na naramdaman ko sa ibang mga lalaki. This feeling is new to me.

"Ngala-ngala mo tanaw ko na rito," nakangiwing bulong ni Rafaela. Hindi ko napansin na katabi ko na pala ito habang nagpupunas ng sahig.

"It's none of your business," I said dryly.

Rafaela rolled his eyes at me. "It's none of your business," he parroted.

Siniko ko ito bago pumunta sa kabilang sulok ng court. Bahala ka diyan.

***

Hindi ko mabilang kung nakailang buntong hininga na ang ginawa ko habang hinihintay ko ang "kasama ko sa bahay." It's 9:00 in the evening, but he's not here yet. Sanay naman ako na ginagabi siya ng uwi, subalit nitong mga nakaraan, mas napapadalas na ang pag-uwi niya ng gabi na minsan ay umaabot na sa alas-onse. Ayoko siyang tanungin. Ayoko ring makialam. Mas mabuti na rin na hindi ko alam para wala na akong isipin pa.

Simula nang maghiwalay sila ni Mama, nawalan na ako ng amor sa kanya. It's his fault after all. Ni ayaw ko siyang tingnan. Napipilitan lang akong kausapin siya kapag kailangan—may babayaran sa school, paubos na ang groceries, at kung gagabihin ako at hindi makakauwi sa bahay.

I just text him most of the time. I find this medium more convenient to talk to him. Hindi masyadong awkward. Alam kong alam niya rin ang nararamdaman ko sa kanya pero wala akong pakialam. Mas gugustuhin ko pa na wala na lang sabihin sa kanya dahil baka kapag nagsalita ako, mas lalo lang kaming gugulo. I could feel the distance between us, the very distance I created years ago. We're both aware of it, but no one dares to try to fix it. I guess as time goes by, we're slowly accepting that this is how we would treat each other for a long time.

Bigla ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa dresser. It was a text from Rafaela.

Rafaela: Wala pa rin si Tito?

Wala.

Rafela: Do you want me to come over? Sasamahan muna kita.

Nah. It's fine. I can manage. Matutulog na rin ako maya-maya.

Rafaela: Are you sure?

Yeah. Nagpapaantok lang ako, so I'm reading a book muna.

Rafaela: Did you lock the doors? Mga bintana?

Opo, Tatay. I did.

Rafaela: Good dog.

Pakyu.

Rafaela: But really, let me know kung kailangan mo ng kasama. Wala rin naman akong ginagawa rito.

Yup. Thanks, Rafaela.

Rafaela: You're welcome, Anton. <3

Napangiti ako. If there's one thing in this world who cares about me the most, it would be Rafaela. Without this guy, I might have been suffering from depression.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...