Death Game: The Royal Battle

由 Penguin20

1M 30.6K 5.7K

You can understand the story without reading the whole Death Game series. 更多

Prologue (Edited)
Chapter 1 " Meet The Royals " (Edited)
Chapter 2 "The Poster" (Edited)
Chapter 3 "Game For Us" (Edited)
Chapter 4 " The Bar" (Edited)
Chapter 5 "The Start" (Edited)
Chapter 6 "Theme Park" (Edited)
Chapter 7 "Spear and Bomb" (Edited)
Chapter 8 "Royal Tears" (Edited)
Chapter 9 "Angel in Disguise" (Edited)
Chapter 10 "Mental Hospital" (Edited)
Chapter 11 "Monster" (Edited)
Chapter 12 "Sister's Love" (Edited)
Chapter 13 "Plan: Kill the Culprit" (Edited)
Chapter 14 "Missing Princesses" (Edited)
Chapter 15 "Fake one" (Edited)
Chapter 16 "Forget the Problems" (Edited)
Chapter 17 "She's Alive?!?" (Edited)
Chapter 18 "Moving On" (Edited)
Chapter 19 "Operating Room" (Edited)
Chapter 20 "Together we Stand" (Edited)
Chapter 21 "Together We Stand 2" (Edited)
Extra Chapter "The Puppet Past"
ABOUT THE TITLE!
Arc 2 Prologue (Edited)
Chapter 22 "New Beginning" (Edited)
Chapter 24 "Investigation" (Edited)
Chapter 25 "Despair" (Edited)
Chapter 26 "Shiniest Star" (Edited)
Chapter 27 "Tape" (Edited)
Chapter 28 "The Answer" (Edited)
Chapter 29 "Confirmation" (Edited)
Chapter 30 "My Room" (Edited)
Chapter 31 "Crying shoulder"(Edited)
Chapter 32 "The Past" (Edited)
Chapter 32.5 "The Past" (Edited)
Chapter 33 "Laugh" (Edited)
Chapter 34 "Condition" (Edited)
Chapter 35 "Secrets of two" (Edited)
Chapter 36 "Meet Pain" (Edited)
Chapter 37 "Elevator" (Edited)
Chapter 38 "Elevator" (Edited)
Chapter 39 "Decoding the Code" (Edited)
Chapter 40 "Royal Battle" (Edited)
Epilogue
Author' Note
FACT SHEET
Christmas Special
Announcement!!!

Chapter 23 "Thorn in a Rose" (Edited)

17.3K 585 98
由 Penguin20

[[[3rd Person's POV]]]

"Guys pwede bang umupo muna tayo? ang sakit na ng paa ko oh!" sabi ni Lyza at umupo sa isang malaking piraso ng bato na nasa gilid ng mga puno.

Nasa loob sila ng mapunong bahagi ng isla, buti nalang ay kasama nila si David kung hindi ay naligaw na sila.

"Oo nga guys! Promise! Hindi natin maiikot tong buong isla na to ng isang araw lang" Dagdag pa ni Rose at umupo sa tabi ni Lyza at minasahe ang kanyang masakit na paa.

"Hey guys! Ang mga prinsesa natin oh pagod na, we should take a rest muna then babalik na tayo sa Hotel" Sabi ni David kay Jaypee at Will.

"Thanks god at pinagbigyan n'yo rin kami! lintek, gusto n'yo yatang magkamuscle ang mga binti namin eh" Sabi ni Lyza at minamasahe niya pa ang kanyang binti, napansin naman ni Rose ang magandang bracelet na nakakabit sa kamay ni Lyza.

"Ay Lyza! Ang ganda naman nito, bet ko" Sabi ni Rose at hinatak nya ang kamay ni Lyza para nas makita ng malapitan ang bracelet.

"Sandali, parang pamilyar na 'yang bracelet na 'yan ah, nakita ko na s'ya ng maraming beses. I can't remember lang kung kanino ko nakita" Sabi ni David at parang iniisip niyang mabuti kung san niya nakita yung bracelet.

"San nga b---"

"Kay Liza! Nakita ko 'yan kay Liza!" Sigaw ni Will ng maalala niya kung kanino niya iyon nakita.

"Ah oo kay Liza 'to, eto ang huling bagay na ibinigay sakin ng kapatid ko bago s'ya mawala" Bakas sa mukha ni Lyza ang pangungulila at pagkalungkot ng bigla niyang maalala ang kapatid niya.

"Ahh pasensya na kung napansin ko pa ah? Nagandahan talaga kasi ako" Nahihiyang sabi ni Rose.

"Papersonalize kasi 'tong bracelet na 'to, ako at si Liza ang nagdesign nito. Si Liza lang talaga ang nagsusuot dahil birthday gift ko sa kanya 'to nung 12 years old na kami" Pilit na ngiti ang ibinigay sa kanila ni Liza.

"Stop na ang drama! Tara na bumalik na tayo sa Hotel at alam kong nagugutom na kayo" sabi ni David sa kanila, agad naman silang tumayo, para maiayos ang sarili.

Napatahimik na lang si Jaypee habang sumusunod sa kanila, kanina pa kasi siya may napapansin at yung napapansin niya na yun ay baka maging daan para makaalis sila ng isla.

"Huu buti na lang may David tayo kung hindi kanina pa tayo naligaw" Sabi ni Will.

"Oo nga eh!"

"Ano ba kayo, tinandaan ko lang yung mga dinadaanan natin then nag-iwan ako ng ilang palatandaan para makabalik tayo... oh! Kapag naliligaw alam n'yo na ang gagawin n'yo ah? do the David's style" Sabi ni David na ikinatawa naman ng lahat.

"Jaypee bakit parang kanina ka pa tahimik? May sakit ka ba fre?" Tanong ni Rose at hinipo ang leeg at noo ni Jaypee agad naman tinapik ni Jaypee ang kamay ni Rose dahil hindi siya sanay na ginagawa sa kanya iyon.

"Aray ko naman! Hindi ka naman mainit pero parang sinaniban ka d'yan" Sabi ni Rose.

"Wala! Nakakapagod lang talaga mag-ikot, tsaka nakakagutom. Nag-iikot kasi tayo ng tirik na tirik ang araw"Sabi ni Jaypee at pinahid ang humuhulas niyang pawis.

"oo nga eh, kaya tara na dahil gutom na ko" sabi ni Lyza... pinangunahan naman ni David ang daan pabalik sa hotel para makakain na sila

***

"Oh my god it's so refreshing! Maganda na ulit akech, nakakalurkey ang mabantot kong amoy kanina" Sabi ni Abby habang sinusuklay ang basa niyang buhok at diretsong nakatingin sa salamin para makita nya RAW ang kagandahan niya.

"Syempre kailangan hindi lang ako ang nakakakita ng angking ganda ko, kailangan ko rin tong ipakita sa iba, kailangang iexpose ang aking beautiful feslak para sa kapakanan ng sanlibutan" Sabi ni Abby at dali-daling nag-ayos at lumabas ng kwarto niya.

"Ilugay ang hair sumabay lang sa flow so come on let's GOOO!" Pakanta-kanta pang sigaw ni Abby habang naglalakad.

Ngunit na bigla na lamang siya ng may biglang magtakip ng panyo sa kanyang bibig. Pilit siyang nanlalaban ngunit parang nahihilo siya dahil sa amoy ng panyo.

Pilit siyang nanlalaban para makatakas o kaya naman ay makita niya ang mukha ng taong gumagawa ng kademonyohang iyon ngunit dahil sa sobrang pagkahilo ay unti-unti siyang nawalan ng malay.

"It's time to shut up miss piggy, simulan natin ang pangalawang laro sa mga pakielamero, so let's start it with you" 'yan ang huling narinig ni Abby bago s'ya tuluyang nawalan ng malay.

***

"Oh guys! Nandito na pala kayo" Sabi ni Charly ng makita niyang mga nakaupo sa lobby ang grupo nila Lyza.

"Kanina pa kaya! Nandiyan na rin yata sila Judy, mga nagsiligo lang dahil hindi kinaya ang inet!" Sabi ni Rose habang hinihilot ang kanyang ulo, talagang nakakastress ang init sa isla, parang nmasyado silang nakadikit sa sun sa sobrang init.

"Yeah, it's been a tiring day. Kulang talaga ang isang araw para malibot at makabisa ang buong isla" Sabi ni David kay Charly.

"Wait nga, kukuwa lang ako ng tubig. Charly, sa'n ba ang Kitchen dito?" Tanong ni Lyza dahil first time niya pa lamang sa hotel at hindi pa siya familiar sa lugar.

"ahh d'yan sa gilid merong paliko dun then may makikita kang pinto, pasok ka na lang then tadaaa! Nasa kitchen ka na" masayang explain sa kanya ni Charly.

"ang O.A mong mag explain ah! Che! Pero thanks" Sabi ni Lyza at tumungo na papuntang kitchen.

"Uy eh yung C.R nasan?" Tanong ni Rose. Kanina pa kasi siya naiihi.

"Wow ah! tagaturo na lang ba ng direction ang exposure ko sa storya na 'to?" Natatawang sabi ni Charly habang tinitignan si Rose na kanina pa nagpipigil sa pag-ihi.

"Tang ina naman! Extra ka lang sa story na 'to, mamamatay ka rin! Ituro mo na kung saan ang C.R. ng madagdagan ang exposure mo letche!" Nagpapanic na sabi ni Rose dahil feeling niya ay sasabog na ang kanyang pantog.

"Sa tabi ng Kitchen, andun yung CR" Sabi ni Charly, agad naman tumakbo si Rose papunta doon na ikinatawa ng mga kasamahan niya.

"hahaha! Nakita n'yo ba yung pagmamadali ni Rose, epic eh!" Tumatawang sabi ni Jaypee habang pinapanuod ang nagmamadaling tumakbo na si Rose.

"Hey! ba't ba kayo tumatawa? tsaka ba't parang nagmamadaling tumakbo ng CR si Rose?" Inosenteng tanong ni Andy sa kanila, kagagaling niya lamang ng CR dahil naligo siya. Napakainit kasi talaga sa isla, imbes na mai-enjoy nila ang ganda ng isla ay naiimbyerna lang sila dahil saksakan ng init dito.

"Wala! Masama na bang tumawa ngayon?" Tanong ni David.

"Sa sitwasyon natin ngayon, Oo masamang tumawa." Sabat naman ni Judy na bagong dating lang din. Lahat sila ay tumigil sa pagtawa, the Maldita queen was in the house again.

"Kahit kailan ka talagang babaita ka panira ka ng atmosphere eh" Sabi ni Andy at umalis na lang ng Lobby.

"Tara na nga lang sa kitchen."

"Tara gusto kong makita yung mga rooms sama kayo?"

"Tara! sama kami!"

"Hey guys! What's the matter! I'm just stating the fact here!" Sigaw ni Judy habang tinitignan niya lahat ng kasamahan niya na nagsisialisan sa lobby.

"Argh! Whatever! Kahit kelan talaga ang mga happy go lucky persons hindi sineseryoso ang mga nangyayari samin, sige magsaya kayo. Baka mamaya umiyak na naman kayo at matakot dahil isa na naman satin ang mawawala" Sabi ni Judy at parang batang nagtatantrums tinignan ang mga magazine sa ilalim ng table.

"Ay bet ko ang red swimsuit na 'to! Ang daring!" Sigaw niya nung makita nya ang isang bikini sa magazine.

***

[[[P.O.V. Rain]]]

Iminulat ko na ang mata ko, actually saglit lang ako nakatulog dahil talagang inalis ko lang ang sakit ng ulo ko at pagkahilo.

Nakakarinig ako ng ingay sa ibaba, siguro ay tapos na silang maglibot kaya nagpapahinga na sila.

Inayos ko ang sarili ko at agad bumangon sa aking higaan pero merong isang sigaw ang ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"WAAAHHH!"

Isang sigaw na muling nagparamdam sa akin ng kaba. Isang sigaw na hudyat na naman na may mawawala na naman samin.

Agad akong tumakbo sa patungo sa pinanggalingan ng ingay.

"Shit ano yung ingay na yun?" Sabi ni Roger ng makasalubong ko siya sa Hall habang tumatakbo.

"Ewan ko, basta tumakbo na lang tayo!" Sabi ko sa kanya. Sumakay kaming elevator para makababa, nakasabay namin sa elevator si Judy.

"Tabi! sabi ko na nga ba magsisimula na eh" Sigaw ni Judy. Agad ko naman pinindot ang button pababa sa ground floor.

"Bilisan mong bumaba!" Bulong ko sa sarili ko habang hinihintay kong makarating sa ground floor.

EEEEECK!

Isang ingay ang narinig namin at namatay ang ilaw ng elevator.

"Shit nastuck pa yata tayo!" Naisigaw ko na lang. Masyadong madilim sa paligid dahil wala kaming Makita.

"HA-haha-- HAHAHAHAHA!" Nagulat na lang kaming dalawa ni Judy ng marinig namin tumawa si Roger. Alam kong pilit, parang naasar talaga siya sa nangyari samin.

"Ay! Nabaliw na ang gaga! Stupid! Kung kelan naman rush na rush, tsaka pa nasira 'tong elevator na 'to!" sigaw ni Judy sa loob.

nakarinig ako ng pagdausdos. Siguro ay napaupo na lang si Roger sa sahig and it's a sign na suko na siya sa sitwasyon namin ngayon na at this time, wala na kaming maitutulong.

"Nakakatuwa talaga! Tang ina! Dalawa na lang ang killer pero nagagawa parin nila ang plano nila ng malinis. We play good at this game but they play better than us. This time, wala na tayong magagawa, in just one snap, napatigil nila tayong tatlo sa pagkilos. What a smart people" Narinig kong sabi ni Roger.

We play good but they play better huh? Hoping na makagawa ng plano si Andy para mailigtas ang mga kasamahan namin. Andy was smart, she will never do reckless move that will be the reason of our downfall.

***

[[[3rd Person's POV]]]

"Shit san nanggaling yung sigaw!?" Malakas na sigaw ni Andy ng makarating siya ng ground floor. Gumamit siya ng hagdan, sa sobrang panic niya ay nakalimutan niyang gumamit ng elevator. Mukha naman good decision ang nangyari dahil hindi sya natrap sa loob ng elevator.

"Andy! mukhang galing sa kitchen or sa CR yung ingay!" malakas na sigaw ni David ng makasalubong sya ni Andy.

Habang papatakbo sila papuntang C.R. ay unti-unti na silang nakukumpleto, except kanila Rain, Roger at Judy na nakulong sa Elevator.

ikinagulantang nila ang mga nakita nila. Nahati sila sa dalawang grupo. Ang isa ay tumingin sa CR at ang isa naman ay sa kitchen.

Sa saglit na panahon ay nakagawa na naman ng isang pagpatay.

"What the fuck happened here!" Malakas na sigaw ni Ervin ng makita niya ang hitsura ng CR. Puno ito ng dugo.

Ang malaking salamin sa CR ay basag na para bang may inihampas na ulo. May tumutulo pang dugo mula rito.

"Guys look bukas yung bintana" Turo ni Andy at agad silang tumakbo dito.

Pagkasilip nila sa bintana ay hindi nila kinaya ang kanilang nasaksihan.

Tumambad sa kanila ang walang buhay na si Rose at puro ito tusok ng tinik sa buong katawan, nakapatong siya sa isang halamanan na punong puno ng Red Roses. Baon na baon ang mga tinik sa katawan niya. yung iba ay tagusan pa, umaagos ang dugo sa lapag.

May note na nakadikit sa noo ni Rose.

"lying on a bed of roses"

Lahat sila ay naiyak sa nangyari.

Biglang pumasok naman sa loob ng CR si Samuel.

"Guys! Tignan niyo yung kitchen!" Malakas na sigaw ni Samuel sa C.R. na kumuha naman ng atensyon ng lahat.

Agad silang napatakbo papunta sa Kitchen and they never expect na mas nakakadiri pa ito sa makikita nila. Umaagos ang dugo sa buong sahig at merong isang pangalan ang nakasulat sa buong dingding ng kitchen.

"Aeron Clifford"

'Yan ang nakasulat sa buong dingding na ikinagulat ng lahat.

'hindi! ayoko ng balikan ang mga ala-ala na yan! that person...' Sabi ni Andy sa kanyang isipan.

"Guys si Abby!" Sigaw ni Jaypee ng makita niyang nakahandusay sa sahig si Abby na walang malay at naliligo sa dugo.

'impressive huh? in just few hours nakagawa na sila ng bonggang panakot para sa larong 'to ah, tignan lang natin! Hanggang kelan niyo kayang magtago? kayanin niyo kaya ang isang Andy?'


继续阅读

You'll Also Like

206K 13K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
179K 10.5K 33
Bloodline Series, Book #2 || She fought and traveled for weeks to find the truth, but she didn't know that her return to her real home meant one thi...
1.8M 102K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...