Oxytocin (JaDine AU)

Bởi koorihime

76.2K 1.2K 93

medical story originally a twitterserye Nicole (Nadine) is a 4th year medical student starting her clerkship... Xem Thêm

00 - Orientation
01 - OB-Gyn
03 - OB-Gyn
04 - OB-Gyn
05 - Pedia
06 - Pedia
07 - Pedia
08 - Pedia
09 - Pedia
10 - Pedia 🍄
11 - Community
12 - Community
13 - Community
14 - Community
15 - Community
Extra - #DoctorProblems
16 - ENT
17 - ENT
18 - Optha
19 - Psych
20 - Psych
21 - Psych
22 - Psych
23 - Psych
24 - Surgery
25 - Surgery
26 - Surgery
27 - Surgery
28 - Surgery
29 - Surgery
30 - Surgery
31 - Surgery
32 - Surgery
33 - IM
34 - IM
35 - IM
36 - IM
37 - IM 🙈
38 - IM 🙈🙈
39 - IM
40 - IM
41 - IM
42 - IM (Holy Week)
43 - IM (Holy Week 🙈🙈)
44 - IM (Holy Week)
45 - IM (Holy Week)
46 - IM (Holy Week 🙈)
47 - IM 🙈🍄
48 - IM
49 - Anesth and Radio
50 - Anesth and Radio 🙈
51 - Anesth and Radio
52 - Last Hurrah 🙈
BONUS: Extra Tweets
53 - Internship snippets
54 - Internship snippets
55 - After Boards 🙈
56 - After Boards
EXTRA: Pamamanhikan
EXTRA: Christmas Special
EXTRA: Married Life 🙈
EXTRA: Snippet + Shameless Plug
EXTRA: COVID-19
Special Chapter
Extra

02 - OB-Gyn

1K 24 2
Bởi koorihime

"Huy, pababa na tayo ng jeep." Sabi naman bigla ni Kriz sa tabi ko. Nalaman namin kanina na magkatabi pala dorm namin.

"Sino ba yang ka-chat mo at ganyan ka makangiti?" Tanong pa niya.

"Wala sorry. 9gag." Di ko naman inisip yung sinabi ko. Bakit di ko na lang sinabi na si Mark? Ano naman di ba?

"May boyfriend ka na ba?" Tanong naman ni Kriz. Nagulat naman ako. Ba't dun napunta usapan?

"Wala." Sabi ko lang. "Bakit?"

"Wala, iniisip ko lang sinu-sino ang single sa atin. Si Ara at Tim lang ang taken. Si Hannah may boytoy ata pero it's complicated naman lagi yun. Si Ericka as usual, puro crush lang." Sabi naman niya. "Tayong mga natira, single."

Dami ko ding chismis na nakukuha kay Krizelle no?

Bumaba naman na kami ng jeep nun tapos nagsimula na maglakad papunta sa dorm namin. Nashare rin ni Krizelle na malapit lang ang dorm ni Ate Ericka sa amin.

Naghiwalay na rin kami nung nakarating ng dorm ko. Yung kay Kriz kasi konting lakad pa.

Pagdating ko sa room ko, nagbihis na ko at nahilata. Day 1 done. 364 days to go.

Nagcheck naman ako ng phone. May notification sa FB.

Oo nga no? Di ko pala siya friend. Naalala ko nung new transfer pa lang ako, ang dami nag-add sa akin, most hindi ko pa nga nakakausap. Pero in-add ko na rin lang.

Etong si Mark obvious naman na friendly din siya, yun lang may sarili talaga silang grupo. So sa ibang tao tahimik siya. Napangiti naman ako kasi ang comfortable na ko kausapin siya. Parang kahit ano pwede kong sabihin. Masarap din naman siyang kausap kasi madaldal siya. Nakakatawa kasi before ako magtanong sa kanya sa Tele, di naman kami nag-uusap.

Nagtingin tingin naman ako sa feed ko and ayun, medyo gets ko na yung comment ni Kriz kay Ate Ericka na pa-image.

--

Okay, duty kami ngayon so kinakabahan nanaman ako. Sa DR muna kaming lahat today para daw maturuan kami magpaanak kasi pag sobrang dami daw ng patients at sabay-sabay manganak, hinahayaan na na clerks na lang ang magpaanak. Sa next duty namin dun na kami sa assigned posts namin.

Mukhang okay naman ang mga residents namin. Mabait yung 1st year namin tapos yung 2nd year medyo mataray, pero lagi nagtuturo. Di pa namin masyado nakakasama yung senior namin at yung 3rd year naman namin off duty ngayon kasi may inaasikaso na research. Sabi nila yung third year daw ang pinakastrict, though.

Sa unang nanganak, hinayaan muna kami manood. Tapos tinuruan kami pano yung tamang pag-ire para alam namin pano turuan ang patients lalo na pag G1--meaning Gravida 1 or unang pag-anak pa lang. Tinuruan kami pano hawakan yung pwerta, pano hawakan yung baby and pano hilahin. Sinabi din pano namin iinstruct yung patient paglabas ni baby.

Tapos tinuruan din kami pano putulin yung umbilical cord, at kung pano idedeliver yung placenta hanggang sa kung pano tahiin yung pwerta. Medyo nalilito pa ko sa pagtahi pero sabi naman ni Doc Rose--yung 1st year namin, mas matatandaan namin if ginagawa na namin talaga.

Nung unang pagpapaanak ko na ako lang, sobrang kabado ako. I did my best sa pagtahi pero di ko talaga alam if tama. Nagpacheck ako kay Doc Rose and medyo panget daw pero tama naman. Meaning hindi siya ganun kasmooth pero di naman duduguin yung pasyente. Sabi naman niya okay na yun kasi practice at style na lang kaylangan ko. Yung iba daw kasi need pa ulitin ng resident yung tahi.

Medyo di ko na napansin si Kriz at Ate Ericka dahil concentrated ako sa patients ko. Although, inulit ata ni Doc Gie (yung second year namin) yung tahi ni Ate Ericka.

Overall, okay naman yung 1st duty ko. After ng first na pagpapaanak nawala na yung kaba ko na grabe (meron pa ring konti) kasi ang dami nilang sunud-sunod na nanganak. Wala ka nang oras para mag-isip at kabahan.

--

--

Natawa naman ako sa nickname sa'kin ni Freia. At medyo naguilty din kasi sa totoo lang, close ko na siya kasi last year nung foundation month ng school, magkasama kami sa props committee. Nakakwentuhan ko na siya and all. Pero di ko alam ang apelido niya.

Makulit yan saka malambing. And parang close niya lahat ng classmates namin. Kahit si Mark at Tim nakikita ko noon na kakulitan niya. Tapos even yung lower years kakilala niya.

-

Nakatulog naman ako ng 2 hours, thanks sa decking. Pero ewan ko ba, sobrang antok ko pa rin. Siguro sobrang napagod lang din ako kahapon kasi nga medyo toxic tapos syempre nag-aadjust pa yung katawan ko sa workload at sa duration of work.

Hindi na muna kaming mga from duty pumunta ng wards kasi may conference naman na in one hour. Nagpahinga na lang ako sa DR quarter after namin mag-endorse sa duty group today (sila Tim). Si Kriz pumunta naman sa intern's quarter sa ER kasi may kama dun. Dito kasi sa DR, isang sofa lang. Pang decking lang talaga.

Nakaidlip ako uli dun pero nagising ako nung may naramdaman akong gumagalaw.

Medyo disoriented pa 'ko na makita dun si Mark.

"Sorry." Sinabi naman niya. "Matulog ka pa, maaga pa."

Pero umupo na lang din ako. Napansin ko madaming bags sa paligid ng sofa at medyo naguilty ako. Maliit kasi etong quarters namin. So usually, dito kami naglalagay ng bag sa sofa. Nakalimutan ko.

"Ba't ka tumayo? Matulog ka pa." Sabi naman niya.

"Anong oras na?"

"7:15. Go back to sleep." Sinabi naman niya uli.

Dahil mapilit siya humiga na lang uli ako. Tapos siya umupo naman sa monobloc.

Napaupo naman ako uli.

"Bakit andyan ka?" Tanong ko naman.

Tumingin naman siya sa'kin na parang nagtataka. "Bawal?"

"Hindi. Kala ko aalis ka din kaya pinapatulog mo muna ako. Dito ka rin pala tatambay." Sabi ko naman.

Nagshrug lang siya. "Mamaya pa mag-i-start ang OPD kasi may confe." Sabi naman niya.

"Oo nga." I said patiently. "Ibig ko lang sabihin, bakit diyan ka sa monobloc nakaupo, ang sikip-sikip at puro bags diyan sa paanan mo. Pwede ka naman dito sa sofa."

Nagsmile naman siya tapos nagshrug. "Mukhang kaylangan mo pang matulog eh." Sinabi naman niya nang tonong nang-aasar.

"Grabe ka." Sabi ko naman na medyo napapout. Kasi grabe naman siya. Parang sinabi niyang mukha akong zombie.

"From ka nga." Sabi pa niya at ngayon tumatawa na talaga. "Matulog ka na." Pahabol niya.

"Wala na. Di na ko antok." Sabi ko naman.

Nagshrug uli siya. Parang quirk niya yun. Tapos may kinuha siya sa bag niya. Chips Ahoy!

"You want?" He asked. I think obvious naman sa mukha ko na yes. Wala ako halos kinain kagabi.

Natawa siya tapos tumabi na sa akin sa sofa para makishare ng Chips Ahoy.

"Pag from duty talaga, it's either you want sleep, food, shower or both." Sabi naman niya.

Agree ako, pero medyo naconscious din ako. Wala na akong ligo-ligo.

"Mukha ba akong nanganak?" Bigla ko naman natanong nang di nag-iisip. Minsan wala ding preno tong bibig ko e.

Tumawa naman siya ng malakas.

"Di naman. Mukha ngang preduty ka e." Sabi niya nang nang-aasar pa din.

"Che."

Nagsmile naman ako sa reply ni Kriz. Kala mo naman ang layo ng ER. Pero yung Jalikod--yun yung karinderya sa likod ng hospital. Wala kasing Jollibee dito sa malapit so dun kami usually kumakain and ang tawag na even before kami magstart dito magwork is Jalikod. Tapos sa likod nun may isa pang karinderya, tawag naman namin Jalikod-likod.

Di na nagreply si Kriz sa Twitter, so I guess go na siya sa Jalikod after ng confe?

Around quarter to 8, sabay na rin kami pumunta ni Mark sa conference room.

Mukhang excited kami. Kami pa lang andito. Kahit residents wala pa. Gusto umupo ni Mark sa likod kasi gusto daw niyang umidlip. Kaso dun nakatapat yung aircon so gusto ko sana sa harap. In the end, dun kami sa gitna malapit sa window. Ewan ko ba dito. Di naman kaylangan na magkatabi kami.

Pero malamig pa nga rin kahit na andito kami sa gitna. Buti na lang dala ko jacket ko. Alam ko dapat nakawhite coat kami pero siguro naman pwedeng suotin yung jacket ko habang naghihintay? Eto namang si Mark parang naiinitan pa at tinanggal pa yung coat niya.

Habang naghihintay naman, nilabas ko yung OB Gold ko at nagbasa-basa muna.

Maya-maya lang, napahikab ako.

"Sabi ko sa'yo sa likod tayo eh." Sabi naman ni Mark.

"Lamigin ako." Sabi ko naman. "Pwede ka naman dun."

Wala nagshrug lang as if saying, 'bahala ka na nga'. Pero di din naman lumipat.

Nagulat na lang ako nung may kumakalabit na sa'kin. Hala nakatulog pala ako.

Kahit anong pilit ko makinig sa confe talagang antok na antok ako. Ilang beses ko naramdaman bumagsak yung ulo ko at nakatulog nanaman ako. Si Kriz sa harap tulog na talaga at nakasandal kay Freia na tinatry siya takpan. Si Ate Ericka ang matindi na nasa harapan pero tulog din na nakabukas pa ang bibig. Di naman kami pinapagalitan. I guess excuse ka pag from duty ka.

After ng confe, sabay-sabay kaming lahat pumunta ng Jalikod-likod para magbreakfast. Medyo naspoil na yung appetite ko dahil almost naubos na namin ni Mark yung dala niyang Chips Ahoy, pero nagkecrave pa rin ako ng kanin. Yan nagagawa ng fromness.

After nun, naghiwa-hiwalay na kami para sa posts namin. Nagmadali na kami ni Kriz tapusin yung paperworks. This time talagang hinati na namin at bahala na si Ate Ericka sa part niya, basta yung sa amin tapos.

Sabay uli kami umuwi ni Kriz.

Nung nasa jeep na, kala ko tatahimik lang kami kasi ako personally lutang pa talaga. I should have known na madaldal din talaga 'tong si Kriz.

"So ano yung kanina?" Tinanong niya.

"Huh?"

"Kayo ni Mark."

"Ano kami ni Mark?" Nalilito ko'ng tanong.

"Yun ang tanong ko, bruha. From na from." Sabi naman niya.

"Wait, di ko talaga gets." I said seriously.

"Ano yung pagtulog together with the sandal sa shoulders and all?" Sabi naman niya impatiently.

"Di ko nga namalayan na nakatulog ako e. Baka di rin niya napansin." Sabi ko lang.

Tumingin naman sa'kin si Kriz na parang di makapaniwala sa explanation ko.

"Pero napansin niyo naman siguro na magkatabi kayo?" Tanong naman niya.

"Oo. Sabay kami pumunta ng confe. Nauna pa nga kami. Tapos habang naghihintay, inantok ako." Sabi ko naman.

"Parang never ko pa kayo nakita mag-usap? Kahit nung nasa school pa tayo. As in kanina ko lang kayo nakita magkasama tapos may pagsandal na agad..?" Sabi naman niya.

"Ah, ni-chat ko siya before magstart yung clerkship at nagtanong ako about duty status. Dun kami una nag-usap." Sabi ko naman.

Parang nag-isip naman si Kriz.

"Sabagay, friendly naman talaga yan si Mark. And ma-touchy din talaga sa mga kaclose na friends kahit babae. Pero kasi reserved din yan. Sa iilan lang siya ganyan. Mostly sa barkada lang nila ni Tim." Sabi naman niya. Nag-agree din ako. Napansin ko din sa kanya yun nung nasa school pa kami. Para nga sila laging may sariling mundo ng barkada nila.

"I guess comfortable siya sayo." Sabi lang ni Kriz. "Ay shet, para po!"

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

112K 3.8K 57
(n) when you get to where you were intending to go, but forget why you were going there in the first place. 「 A LeAga Fanfiction 」
22.9K 1.3K 53
Imee and Rod was the perfect couple indeed,but something well happened to test their love to each other.....
61.6K 2.1K 32
Hindi na bago para sa karamihan ang marinig ang ingay na gawa ng kampana ng simbahan, pero yung marinig iyon sa mismong araw ng sarili nating kasal...