New Friend

By AquariaOnyx

194 2 0

Hi! I'm Kristy. Naranasan ko ang isang misteryosong pangyayari kung saan hinding-hindi ko ito makakalimutan k... More

Author's Note
Prologue
1
2
3
5
6
7
8
9
10
Finale
Epilogue

4

11 0 0
By AquariaOnyx

The Next Day


Maaga akong nakaalis sa bahay ngayon, as usual. Naglalakad ako patungong paaralan.

"Hey Kristy! Sabay na tayo", pagsulpot niya sa harapan ko kasabay ng paulit-ulit na pag-dribble niya ng bola.

Tango lang ang naisagot ko.

We arrived at school in silence.

He broke that seemingly thin boundary between us by saying, "sige, mauna na 'ko."

I grab his right wrist. I'll make sure this time, masasagot na niya ang tanong ko. "Teka lang."

He paused— literally not moving. Slowmo niyang tinignan ang kamay niya na hawak-hawak ko. Parang na super shocked siya???

"Hindi ko bibitawan ang kamay mo hangga't di mo sinasabi sa akin kung ano ang pangalan mo." It almost sounded like I'm pleading this time.

Sa pagkakataong ito, dahan-dahan siyang lumingon sa akin at...


At...


At...


At ngumiti?

Tss. Tuloy, umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ramdam kong namumula ako kaya binitawan ko kaagad ang kaniyang kamay. Bakit ba kasi ngingiti-ngiti siya? Hindi ba niya alam kung anong maidudulot nito sa isang babae???

"Just call me JC... Bye!" And he winked at me.

Okay, ulitin natin. He winked at me!

Tumakbo na naman siya papalayo at ako?

Tulala.


🔹🔸🔹🔸🔹


Araw-araw, nakasanayan na namin ni JC ang sabay na pagpasok sa school nang maaga at nagkikita naman sa park tuwing uwian. Ang ipinagtataka ko lang, ni minsan ay hindi ko siya nakikita tuwing recess o lunch time. Baka nagpapaiwan lang siya sa classroom nila. Teka— ano ba ang room section niya?

"Oy Kristy! Lalim ng iniisip natin ah?"

Nawala ako sa aking mga iniisip nang mapansin ako ni Sheena.

"Tsk. Wala 'to", pero 'yung totoo, bumabaha ng mga katanungan ang aking isipan.

"Kan-a na na imong food oh! Langawun jud na." [Kainin mo na nga 'yang food mo! Madadapuan talaga 'yan ng langaw.]

"Kani bitaw si Sheena, over kaayo! Imoha nalang ni oh", ['Eto talaga si Sheena, over masyado! Sayo nalang 'to oh] Inabutan ko siya ng kinakain kong special cheeseburger.

"FYI Miss Kristy, Sheena Ramirez will never accept it. Malay ko ba kung anong virus ang nasa sa'yo na pwede kong ikamatay", tumayo siya at nag-pose pa ang loka!

"Hoy, yabang mo! Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita inupakan!" Ngumuso ako. Kunware galit-galitan kami pero swear, chill lang talaga kami.

"Helu! Honolulu! Harsh mo naman na friend. Di ka ba concern sa face ng kaibigan mo?" Nagpa-cute siya. As if naman, madadala ako. "Siyempre, ayokong ma-damage ang mukha ko no!" Yeah, kasi sayang ang ganda mo kung papagalusan mo lang.

"Hay naku, adik ka!" Kunwari naiirita ako sa kaniya ta's kagat sa special cheeseburger.

"Boring mo kausap no." Umirap siya sa akin.

"Hmp!" I just rolled my eyes.

Pramis, hindi kami nag-aaway. Sadyang ganyan lang talaga ang turingan namin sa isa't isa. 'Yan ang turingan namin bilang magkaibigan.

Nung uwian na, sabay kaming naglakad ni Sheena palabas ng school grounds.

"Hoy babae. How much do you know Jeff Castillas?" Bigla kong pag-oopen ng topic.

"'Wag ka nga d'yan! Naiiyak ako eeeehh... Naaalala ko na naman siya", pinaypayan niya ang kaniyang maluha-luhang mga mata gamit ang dalawang kamay.

Sumimangot ako. "Aish. Sampalin kita d'yan! Sabihin mo na kase."

"Sige na nga!" Kita mo? Nag-iinarte pa s'ya eh magsasabi rin pala. "Well, alam ko ang birthday niya which is December 25."

Ah.

Ka-birthday pala niya si JC.

"'Yun lang?" May halong pagkadiskontento sa tono ng aking pananalita. Akala ko ba fangirl siya nung Jeff Castillas? Dapat marami-raming impormasyon ang alam niya tungkol dun sa tao.

"Patapusin mo nga muna 'ko! Tapos, obviously mahilig siya magbasketball. Pati na rin magbasa ng novels at sumayaw. Fave food is lasagna. One undeniable fact kaya siya kinababaliwan ng marami dahil isa siyang gentleman. Oh, ano pa?"

She sure is his fangirl for knowing those stuffs.

"Describe his physical appearance."

Don't get me wrong. I'm not interested with that guy in a way most people would think I am. I'm just 'plain' curious.

"Maputi at makinis ang balat niya, that skin type na halatang alagang-alaga. Chinito siya, mas matangkad sa'yo ng ilang inches, cutie, hottie, gwapo at brown eyes. Meron ka pang idadagdag?" Proud niyang tanong.


Teka lang...


Mukang si JC lang 'yan ah...

"Tsss. Wala na", bored na sagot ko sa kaniya.

"Ngano diay ka nangutana? [Ba't mo natanong?] Don't tell me, interested ka sa kanya?" I was taken aback. Is she serious? I mouthed the word 'what' then nagpatuloy siya. "Naku Kristy ha, patay na 'yung tao and kung buhay pa siya ngayon, akin lang siya no!"

As if naman! I'd rather focus on my studies. Ni hindi nga ako nagkaka-interes sa mga artista, sa isang Jeff Castillas pa kaya na pumanaw na.

May narinig akong mahinang tawa sa bandang likuran namin pero paglingon ko, wala namang tao.

"Narinig mo 'yun?" Tanong ko sa kaibigan kong little bruha.

"The what?!" Nakataas ang isang kilay niya.

"Nakadungog lagi ko'g hinay nga katawa sa atong likod dapit." [May narinig akong mahinang tawa sa likurang banda natin.]

Inilibot naman niya ang paningin sa paligid. "Eh? Wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa ating dalawa no! Baka utot mo lang 'yan!" Walang makabuluhan na pagbibintang niya.

"Seriously? You're disgusting, Sheena. Hindi naman ako umutot, duh!" Naiirita kong wika sa kaniya.

"Sus. I-deny ba naman. Tsk. Tsk. Tsk."

"May tumawa talaga", seryoso kong tugon.

"Suuuuuuuus... Tinatanggi mo lang ang fart-thingy mo dahil ayaw mong mapahiya! Oy gurl, okay lang 'yan. Friend mo kaya ako. Hmp!"

What if natatakot lang talaga 'tong kaibigan ko kaya binabalewala niya 'yung sinabi ko. Creepy rin naman dahil kami lang talaga tao rito nung marinig ko 'yun. O baka guni-guni ko lang?

"Maniwala ka kasi!" Tinakpan ni Sheena ang kaniyang taenga. "Ayaw mong maniwala?" Umiling siya bilang tugon. "Edi bahala ka sa buhay mo. Bwiset!"

Nag-walk out ako. Narinig ko pa siyang tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Bahala siya, 'di naniniwala. Tae siya. (;一_一)

Pumunta ako sa park. Nagbabakasakali akong makikita ko na naman si JC dun. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga ganap sa araw na ito, kung gaano niya kahawig ang namatay naming batch mate at 'yung pagtatampo ko kay Sheena dahil hindi niya ko pinaniwalaan.

Umupo ako sa free space bench upang doon maghintay.


15 minutes...


25 minutes...


35 minutes...


Nabagot ako sa kakahintay sa kaniya kaya napagdesisyunan ko nalang na gumawa ng homeworks. Natapos na ako at lahat-lahat, wala pa rin si JC.

Nung madilim-dilim na 'yung place, I decided to go. Somehow, I felt disappointed.

Iniligpit ko na papasok sa bag ang lahat ng aking mga notebooks ta's isinara ang zipper ng bag. Pagkatapos ay isinabit ko na ito sa balikat at tumayo na para lisanin ang lugar.

"Kristy!" Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang marinig ko ang boses niya na isinambit ang pangalan ko.

I turned to him and as usual, he's wearing his most dazzling smile. All of a sudden, I wanted to snatch his smile and bring it with me. It's so precious that it always gives me hope. Or maybe it's not just his smile that lightens up my day— is there anything else?

Oh, right. He lightens up my day because he's my dear friend.

Gusto kong ipapaniwala ang sarili ko na 'yun ang dahilan nang may maramdaman ako... sa puso ko.


Lub dub.


Lub dub.


Lub dub.


Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. I'm feeling this for the first time. This kind of feeling.

"Kristy, hatid na kita. I wanna make sure you're safe when you got home."

That simple gesture just made my heart flung to somewhere far from my reach. What a thought if my heart will land to this sweet person beside me, this sweet person smiling next to me.

Continue Reading

You'll Also Like

10.6M 571K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
571K 21K 40
(Highest rank achieved #1 in Science Fiction!) Akala mo isa kang normal na teenager na naninirahan sa mundong ito. Akala mo kilala mo na ang buong pa...